ra 10121 primer (filipino) - final
DESCRIPTION
The Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010TRANSCRIPT
1
Republic Act 10121
Praymer ng
Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Act ng 2010
DRRNetPhils Disaster Risk Reduction Network Philippines
2 R.A. 10121: Disaster Risk Reduction & Management Act
Disaster Response Pagtugon sa disaster Ang mabilisan at panandaliang pagasalba ng buhay, pagsiguro ng kaligtasan, pag‐iwas sa pagkalat ng sakit, at pagtugon sa pangangailangan ng mga nasalanta.
Ang probabilidad na matamaan ng mga panganib
Hazard (Panganib) Likas o likhang‐tao na pangyayari na maaaring makasira o makapatay
Populasyon Pagtira sa mapapanganib na lugar
Digmaan Epidemya Terorismo
Bagyo Baha
Tagtuyot Lindol
Tsunami Sunog
Exposure (Pagkalantad)
Maghanda Alamin ang mga Panganib
Contingency Planning
Bantayan ang mga Panganib
Early warning systems
Proteksyon Imprastruktura para maka‐iwas o maprotektahan ang
komunidad
Minimize Exposure Paglipat ng tirahan
Paglikas
I
S
Disaster Risk Risgo ng Disaster
Ang pagsanib ng panganib, pagkalantad at
bulnerabilidad
3
Disaster Risk Reduction Pagbawas ng mga Risgo Sistematikong pag‐analisa at pangangasiwa sa mga ugat ng mga risgo. Ginagawa ang mga ito bago magkaroon ng disaster para mabawasan ang pinsalang dulot ng disaster.
Katangian ng mga komunidad na nagdudulot ng kahirapan o kalakasan sa pagharap sa panganib at pagbangon mula sa mga disaster.
BULNERABILIDAD Kahirapan
Kapansanan Maruming kapaligiran
Kagutuman Ubos at sirang likas yaman
KAPASIDAD Maayos na paggamit ng tubig at lupa Matibay na imprastruktura Malakas na pamamahala
Vulnerability and Capacity (Bulnerabilidad at Kapasidad)
Bawasan ang Bulnerabilidad Palakasin ang Kapasidad
Organisadong komunidad Malakas at demokratikong
pamamahala Seguridad sa pagkain Mataas na kalidad ng edukasyon Serbisyong pangkalusugang Malinis na kapaligiran
Pagsugpo sa kahirapan Alternatibong kabuhayan Pangangasiwa ng likas yaman Pangangalaga sa kapaligiran Akses sa malinis na tubig,
kuryente, komunikasyon Pagsasaayos ng mga imprastruktura Atbp...
Ilipat ang Risgo Insurance
Social protection
at
4 R.A. 10121: Disaster Risk Reduction & Management Act
Bakit kinakailangan pahalagahan ang mga disaster? Nagdudulot ng pagkasira ng komunidad ang mga disaster. Marami ang namamatay. Bumabagsak ang mga kabuhayan. Nagbabago ang mukha ng kapaligiran. Bumabaon ang mapait na karanasan sa kaisipan ng mga nasalanta. Matindi ang nagiging pinsala sa ekonomiya ng buong komunidad at bansa. Para sa Pilipinas, malaking hadlang sa kaunlaran ang mga disaster. Ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansang madalas mapinsala ng mga disaster. Maiuugat ito sa mapanganib na pisikal na katangian at lokasyon ng bansa. Madalas ang mga lindol at nagkalat ang mga bulkan dahil nasa Pacific Ring of Fire ang Pilipinas. Unang tumatama sa bansa ang mga bagyong nagmumula sa karagatan ng Pasipiko. Bukod sa mga likas na dahilan, may mga panganib na dulot ng politika at pag‐uugnayan ng mga tao, ng mga gawaing pang‐ekonomiya at ng mga di‐angkop na teknolohiya. Marami ang napipilitang lumikas dahil sa mga digmaan. Gumuguho ang mga gusali kapag lumindol dahil sa mahihinang imprastruktura. Naaapektuhan ang kalusugan ng mga tao kung malubha ang polusyon lupa, dagat at hangin. Nagiging disaster lamang ang mga panganib kung tumama ito sa mga taong mataas ang bulnerabilidad. Tumataas ang pinsala sa mga mahihirap, mga may sakit at may kapansanan, mga matatanda at mga kabataan, at mga kababaihan. Bagamat maraming tao ang napipinsala, higit na nahihirapang humarap at makabangon ang mga nasa bulnerableng sektor kapag tinamaan ng disaster. Dahil dito, kailangang palakasin ang kapasidad mga bulnerableng sektor. Sa pagpapalakas sa kanila, maaalpasan nila ang pagiging biktima at magiging tagapagdaloy sila ng makabuluhang pagbabago sa komunidad.
Ang DRRM Act
Ano ang DRRM Act? Ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act (DRRM Act) ang batas na nagsasaad kung paano pangangasiwain ang pagbawas ng risgo at tutugon sa mga disaster. Isinabatas ang DRRM Act o Republic Act No. 10121 (R.A. 10121) noong ika‐27 ng Mayo, 2010. Binago ng lubusan nito ang sistema ng Pilipinas sa pagtugon sa mga disaster. Pinalitan nito ang dating batas, Presidential Decree No. 1566 (P.D. 1566), na isinabatas pa noong June 11, 1978, tatlong dekada na ang nakaraan.
5
Bakit kailangang palitan ang batas tungkol sa disaster? Sa P.D. 1566, nakasentro ang pag‐aanalisa sa mga panganib at ang pagtugon pagkatapos mangyari ang disaster. Nakalaan ang mga plano para sa imprastruktura tulad ng mga dike at pagbigay ng mga relief goods para sa mga nasalanta. Dahil mapanganib ang Pilipinas, tinuturing na hindi maiiwasan ang mga disaster. Samakatuwid, naghihintay muna ng disaster bago lubusang makakilos. Nakatuon ang pagkilos sa Disaster Response. Paurong ang pag‐unlad natin kung patuloy ang ganitong pananaw. Sa panahon ngayon, nararamdaman natin ang pagdami at paglakas ng mga panganib at ang paglaki ng populasyon na mataas ang bulnerabilidad. Sa harap ng pagbabago ng klima, inaasahan na lalong lulubha ang kalagayan ng Pilipinas sa harap ng mga disaster. Kinakailangan ng mas maagap na pamamaraan sa pagtugon sa mga disaster. Mas epektibo kung bibigyan ng pansin at pagkilos ang sanhi ng mga risgo ng disaster. Naisasalamin sa DRRM Act ang mga aral ng mga mahuhusay na pamamaraan ng ilang lokal na komunidad at pamahalaan sa disaster risk reduction at disaster response. Dahil dito, itinalaga ang: • Pagbigay halaga sa boses at pangangailangan ng mga pinaka‐bulnerableng sektor sa
lipunan tulad ng mga may sakit at may kapansanan, matatanda at kabataan, kababaihan at mga mahihirap
• Pagkilala sa mahalagang katungkulan at pagpapalakas ng kapasidad ng mga lokal na komunidad
• Pagsiguro ng malawakang partisipasyon ng mga mamamayan • Pagtugan sa ugat na dahilan ng mga disaster
Nakasentrong pamamahala
Ang disaster ay dulot ng mga panganib
Nakatutok sa paghahanda at pagtugon sa mga disaster
Mangunguna ang pamahalaang lokal Malawakang partisipasyon ng iba’t
ibang sektor
Ang disaster ay dulot ng pagsanib ng panganib at pagkalantad ng bulnerableng komunidad
Integral na kaunlaran para mabawasan ang risgo sa mga disaster
Pagbabago ng Pananaw
6 R.A. 10121: Disaster Risk Reduction & Management Act
Hyogo Framework of Action Ano ang batayan DRRM Act? Nakabatay ang DRRM Act sa mga prinsipyo at stratehiya na inilatag ng Hyogo Framework for Action (HFA). Ang HFA ay isang komprehensibo at praktikal na pagtugon sa lumalalang epekto ng mga disaster sa buong mundo. Nabuo ang HFA pagkatapos ng dambuhalang tsunami na pumatay ng higit 200,000 katao at nagdulot ng malawakang pinsala noong 2004. Batay sa pagtatasa sa mga dating pagtugon sa mga disaster, kinilala na dapat magbago ang pananaw at pagtugon mula sa disaster response patungo sa Disaster Risk Reduction. Binuo at tinanggap ng 168 bansa ang HFA sa World Conference on Disaster Reduction sa Kobe, Hyogo Prefecture, Japan noong 2005. Nilayon nitong palakasin ang kakayahan at bawasan ang kahinaan ng mga bansa at mga komunidad sa mga disaster. Noong ika‐14 ng Setyembre 2009, niratipika ng Senado ng Pilipinas ang ASEAN Agreement on Disaster Management and Emergency Response (AADMER) na nakabatay sa HFA.
Mga Stratehiya (a)Epektibong integrasyon ng
pagtingin sa mga disaster risk sa mga polisiya, plano at programang pangkaunlaran sa lahat ng antas ‐ pag‐iwas, pagbawas ng epekto ng mga panganib (mitigation), at paghahanda sa mga disaster at pagbawas ng mga bulnerabilidad
(b)Pag‐unlad at pagpapalakas ng mga
institusyon, mekanismo at kapasidad sa lahat ng antas
(c)Sistematikong pagsama ng
pamamaraan sa pagbawas ng r i s g o s a p a g l a n o a t pagsasapatupad ng mga programang paghahanda , pagtugon at pagbangon mula sa mga disaster ng mga napinsalang pamayanan
Disaster Preparedness
Paghahanda
Governance Pamamahala
Risk Assessment
Pagtatasa ng mga Risgo
Knowledge Management Pagpapalakas at Pagpapalawak ng Kaalaman
Vulnerability Reduction Pagbawas ng Bulnerabilidad
Disaster Risk
Reduction
Prayoridad na Pagkilos
7
• Pagtugma sa mga pandaigdigang pananaw sa pagtugon sa mga disaster
• Pagtaguyod sa mga internasyonal na prinsipyo, at pamantayan ng humanitarian action
• Maayos na pamamahala na may transparency at pananagutan
• Pagpalakas ng istruktura at mekanismo para sa DRR
• Pamamaraan na nagkaisa at may koordinasyon, may partisipasyon mula sa iba’t ibang sektor at ahensiya at nakabatay sa komunidad ang DRRM
• Pagbibigay kapangyarihan sa mga pamahalaang lokal
• Pagkilala sa mga civil society organizations (CSOs) bilang katuwang sa DRRM
• Pagsama ng DRRM sa pormal na edukasyon
• Pagkaroon ng pondo para sa DRR mula sa lokal hanggang sa pambansang antas
• Probisyon para sa pagdeklara ng State of Calamity, gawaing pang remedyo (Remed ia l measu r e s ) , a t mga ipinagbabawal na gawain at parusa para rito
Anu‐ano ang mga mahahalagang bahagi ng DRRM Act?
Sinu‐sino ang mga may mandatong tungkulin sa DRRM? Pambansang Pamahalaan Iba’t ibang ahensiya ng pambansang pamahalaan ang may tungkulin sa DRRM. Dahil sa DRRM Act, dumami ang mga ahensiyang kalahok sa National DRRM Council (NDRRMC) (Sec. 5). Pamahalaang Lokal Ikinikilala na ang pamahalaang lokal ang unang tumutugon sa bawat disaster. Nangunguna sila, sa pamamagitan ng Local DRRM Council (LDRRMC), sa paghahanda sa mga panganib, pagtugon sa mga nasalanta at pagbabangon mula sa epekto ng mga disaster (Sec. 15). Civil society, ang pribadong sektor at mga volunteer Epektibong maisasapatupad ang batas sa pamamagitan ng pakikilahok ng civil society organizations, pribadong sektor at mga indibiduwal na boluntaryo (Sec. 2.d; Sec. 5.hh & ii; Sec. 11.a.17 & 18; Sec. 12.d; Sec. 13). Pinapalakas at dinaragdagan ng mga ito ang kakayahan at puwersa ng pamahalaan. Halimbawa ng mga civil society organizations ay ang mga kooperatiba, samahan at asosasyon sa mga komunidad, mga non‐government organizations, at mga grupo sa simbahan at sa paaralan (Sec. 3.c). Komunidad Ikinikilalala ang kakayahan ng mga bulnerableng pamayanan bilang tagapagpadaloy ng pagbabago at kaunlaran at hindi lang biktima ng mga disaster. Ang pagpapalakas ng kanilang kapasidad ang pinaka epektibong pamamaraan sa pagbawas ng epekto ng mga disaster (Sec. 2.d).
8 R.A. 10121: Disaster Risk Reduction & Management Act
Inilinaw ng DRRM Act ang paghihiwalay ng pangangasiwa at pagsasapatupad ng DRRM para mapalakas ang kakayahan ng mga pamahalaang lokal. Pinalawak din nito ang kasapian ng mga DRRMC sa iba’t ibang antas. Naging bahagi rin sa mga konseho ang mga kinatawan ng mga CSO at ng pribadong sektor.
National DRRM Council (NDRRMC) Binubuo ang NDRRMC ng mga Kalihim o pinakamataas na pinuno ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at mga kinatawan ng iba’t ibang sektor. Dinagdagan sa DRRM Act ng iba’t ibang ahensiya at sektor ang dating NDCC. Pinapatnubayan ng NDRRMC ang pambansang sistema sa DRRM (Sec. 5; Sec. 6).
I struktura Paano nagbago ang istruktura sa DRRM?
PD 1566 DRRM Act
National DCC OCD (Secretariat)
Regional DCC
Provincial DCC
City/Municipal DCC
Barangay DCC
Pangangasiwa Pagsasapatupad
National DRRMC
OCD
Regional DRRMC
Provincial DRRMC
City/Municipal DRRMC
Barangay Development
Council
OCD Regional Office
Provincial DRRMO
Barangay DRRM Committee
City/Municipal DRRMO
Pagbabago ng mga Istruktura
9
National Disaster Risk Reduction and
Management Council (NDRRMC)
DND Chair
DILG Vice ‐Chair Disaster
Preparedness
DSWD Vice ‐Chair Response
NEDA Vice Chair
Rehabilitat ion & Recovery
DOST Vice ‐Chair
Prevention & Mitigation
DepEd DENR DBM DA AFP
DOF DOT DOLE DOJ DOE DOH
CSO CSO CSO CSO
DTI DOTC OCD PNRC Executive Secretary
PHIC SSS GSIS NCRFW PNP OPAPP
HUDCC CHED CCC DFA DPWH
LMB LMP LCP LPP ULAP
Press Secretary
NAPC‐VDC
Pribadong Sektor
Mga bagong kasapi:
KASAPIAN:
10 R.A. 10121: Disaster Risk Reduction & Management Act
Regional DRRM Councils (RDRRMC) Katungkulan ng RDRRMC ang pagsisiguro ng koordinasyon, pagsasa‐isa, pangangasiwa at pagtatasa ng mga gawaing DRRM ng mga Local DRRM Councils. Pinamumunuan ng Regional Director ng OCD ang RDRRMC. Sinisigurado nito na sensitibo ang mga regional development plans sa mga maaaring disaster at magpupulong ang iba’t ibang ahensiya sa rehiyon at ibang insitusyon sa panahon ng disaster. Ang Regional OCD ang siyang magsisilbing Secretariat ng RDRRMC (Sec. 10).
Local DRRM Offices (LDRRMO) Katungkulan ng LDRRMO ang pagtakda ng direksyon, pag‐unlad, pagpapatupad, at koordinasyon ng mga programa sa DRRM sa kanilang lugar. Inililikha ang LDRRMO sa antas ng probinsya, bayan, at lungsod. Sa barangay, binubuo ang Barangay DRRM Committees (BDRRMC). Magsisilbi ito bilang regular na komite ng Barangay Development Council. Nakailalim ang LDRRMO sa opisina ng gobernador, at Punong Bayan/Lungsod, at Punong Barangay naman sa BDRRMC. Pinamumunuan ito ng DRRM Officer at tinutulungan siya ng tatlong tauhan (Sec. 12).
Local DRRM Councils (LDRRMC) Makikita ang mga LDRRMC sa mga probinsiya, lungsod at bayan. Sa barangay, inaako ng Barangay Development Council (BDC) ang kapangyarihan at tungkulin nito. Binubuo ang LDRRMC ng iba’t ibang ahensiya at sektor. Pinangangasiwaan nito ang sa pagsasapatupad ng Local DRRM Offices (LDDRMO) ng mga Local DRRM Plans (LDRRMP) (Sec. 11).
Mga Kinatawan sa LDRRMC (Sec. 11(a)) Governor/ Mayor
Chair
DRRM Officer
Health Officer
Engineering Officer
Agriculture Officer
Budget Officer
Veterinary Officer
Private Sector
AFP PNP ABC PNRC
CSO CSO CSO CSO
Planning & Dev’t Officer
Social Welfare & Dev’t Officer
Superinten‐dent of Schools
Bureau of Fire
Protection
Gender & Dev’t Officer
LDRRMO (Sec. 12) DRRM Officer
Administrative & Training
Operations & Warning
Research & Planning
Kasapian
11
Paano mapapatnubayan ang DRR? National DRRM Framework (NDRRMF) Magsisilbing pangunahing patnubay ang National DRRM Framework (NDRRMF) sa buong bansa. Isusulat ng NDRRMC ang NDRRMF. Ito ang magiging batayan ng pagbuo ng National DRRM Plan (NDRRMP). Sisiguraduhin nito na ang stratehiya sa DRRM ay komprehensibo, isinasaalangalang ng lahat ng panganib, nilalahukan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at sektor ng lipunan, at itinataguyod ang pangunahing papel ng mga komunidad. (Sec. 3.y; Sec. 6.a) National DRRM Plan (NDRRMP) Huhubugin at isasapatupad ng Office of Civil Defense (OCD) ang NDRRMP (Sec. 3.z; Sec. 9.b). Ilalatag ng NDRRMP ang mga hangarin, layunin at mga pagkilos para sa DRR. Kasama rito ang mga sumusunod: a) Pagkilala sa mga panganib, bulnerabilidad at risgo na kailangang tugunan sa
pambansang antas b) Pagtukoy sa mga stratehiya at pamamaraan sa DRRM c) Pagsasaad ng papel, katungkulan at istruktura ng pangangasiwa sa lahat ng antas
ng pamahalaan d) Paglilinaw ng koordinasyon ng DRRM bago at pagkatapos ng disaster Local DRRM Plans (LDRRMP) Sa lokal na antas, ang LDRRMO/ BDRRMC ang maglilikha at magsasapatupad ng LDRRMP. Pinagbabatayan ng LDRRMP ang NDRRMF(Sec. 12.c.6).
National DRRM Framework
National DRRM Plan
Local DRRM Plan
Local DRRM Plan
Local DRRM Plan
Disaster Risk Reduction Pagbawas ng mga Risgo
12 R.A. 10121: Disaster Risk Reduction & Management Act
Paano masisiguro na mabibigyan ng prayoridad ang DRR sa pamamahala? Sinisiguro na mabibigyan ng prayoridad ang DRR sa pamamagitan ng pagpasok nito sa pambansa at lokal na proseso ng pagpaplano at pamamahala. Kasama rito ang pagsasagawa ng mga polisiya, pagpaplano, paglalaan ng pondo, at pamamaraan ng pamamahala. Partikular na isasama ito sa mga usapin ng kalikasan, agrikultura, katubigan, enerhiya, kalusugan, edukasyon, pagsugpo sa kahirapan, paggamit ng kalupaan at katubigan, p a m p u b l i k o n g imprastruktura at pabahay (Sec. 2.g). Siniguro na may malapit na koordinasyon ang DRRMC sa mga sanggunihan sa lahat ng antas. Dahil sa lawak ng sakop ng DRR, binigyan ng mandato ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, ang pribadong sektor at mga CSO na lumahok sa pangangas iwa at pagsasapatupad sa lahat ng antas.
Local DRRM Offices
National DRRM
Council
National DRRM
Framework
Lokal na Sanggunian
OCD
Local DRRM Plan
Programa at Plano
na sensitibo sa DRR
Pambansang Ahensya ng Pamahalaan
National DRRM Plan
Local Comprehensive Land Use Plan na sensitibo sa
DRR
Local Development Plans, Programs
and Budgets
na sensitibo sa DRR
Local Comprehensive
Development Plan
na sensitibo sa DRR
Governance Pamamahala
13
Paano masisiguro na maipagpapatuloy ng pamahalaan ang mga inisyatiba sa DRRM? 1. Pakikilahok ‐ Paglahok ng CSO at pribadong sektor sa mga DRRM Councils para mabantayan
at makibahagi sa koordinasyon, pagpaplano, pagsasapatupad at pagtatasa ng DRRM ng pamahalaan
2. Kapasidad ‐ • Pagtakda ng pambansang programa sa pagpapalakas ng kapasidad ng mga institusyon ng
NDRRMC sa DRRM para sa iba’t ibang pamahalaang lokal at ahensiya. Pagbabatayan nito ang resulta ng mga pagtatasa at pag‐aaral na isasagawa kada dalawang taon (Sec. 6.l)
• Pana‐panahon na programa para sa edukasyon at pagpapalawak ng kaalaman para maipaalam sa mga bagong halal na opisyales at kasapi ng mga LDRRMC. Isasagawa ito sa pamamagitan ng DRRM Training Institutes (Sec. 9.i.3)
• Paglikha ng technical management group na magsisiguro na patuloy ang mga pambansang inisyatiba sa DRRM (Sec. 6.0)
3. Pondo ‐ • Pagbigay ng mga programa at ulat tungkol sa pondo (Local DRRM Fund o LDRRMF) ng
LDRRMO sa pamamagitan ng LDRRMC at ng LDC. Ibibigay ito sa sanggunian (Sec. 12.c.7) at sa lokal na Commission on Audit (COA) (Sec. 12.c.24)
• Pagbantay ng paglabas, paggastos, pagtuos, at pag‐audit ng LDRRMF sang‐ayon sa mga patnubayan at pamamaraan na isinaad ng NDRRMC (Sec. 6.i);
4. Standards ‐ • Pagtakda ng mga pambansang pamantayan (standards) ng OCD sa pagsasapatupad ng
DRR. Kasama rito ang paghahanda, pagbawas o pagpipgil ng masamang epekto ng mga panganib, pagtugon sa disaster, gawain sa pagpapanumbalik, pagkalap at pag‐analisa ng mga datos, pagpaplano, pagsasapatupad, pagtatasa at ebaluwasyon (Sec. 9.d)
• Pagtakda ng pamantayan sa pagsasagawa (standard operating procedures) sa lahat ng antas ng DRRM, kasama ang koordinasyon bago at pagkatapos ng disaster (Sec. 9.g)
5. Kaparusahan ‐ Pagparusa sa mga pampublikong opisyales na napatunayang may sala sa mga gawaing ipinagbabawal ng batas na ito (Sec. 19). Bukod tangi rito ang kapabayaan ng tungkulin at maling paggamit ng pondo na humantong sa malawakang kamatayan, pagkasira o pagkawala ng mga ari‐arian (Sec. 19.1).
6. Pagsubaynay at Ebaluwasyon • Pagsuri sa NDRRMF bawat limang taon o kung kinakailangan para masiguro na patuloy
itong makabuluhan at angkop sa panahon (Sec. 6.a.) • Pagsubaybay at ebaluwasyon ng NDRRMC sa pagsasapatupad ng iba’t ibang ahensiya
ng mga patakaran, patnubayan at pamantayang nakasaad sa batas (Sec. 6.g). Sa lokal na antas, ang LDRRMC ang magsasang‐ayon, magtatasa, at magsasagawa ng ebaluwasyon sa pagsasapatupad ng LDRRMPs (Sec. 11.b.1)
• Pana‐panahong pagtatatasa ng paggampan ng tungkulin ng OCD sa mga ahensiyang kasapi ng NDRRMC at ng mga RDRRMC ayon sa NDRRMP (Sec. 6.p)
• Pagbalik‐aral sa batas ng Kongreso bawat limang taon o kung kinakailangan, para masiguro na angkop at makabuluhan ang batas (Sec. 27).
14 R.A. 10121: Disaster Risk Reduction & Management Act
Bakit mahalaga ang Risk Assessment? Ang unang hakbang patungo sa DRRM ay ang pagkilala sa mga nakaambang panganib sa bawat komunidad. Kasama sa risk assessment ang pagtukoy sa panganib at sa mga bulnerableng sektor na maaaring masalanta. Kinikilala rin ang kapasidad ng komunidad sa pagtugon sa mga risgo. Sa pag‐aanalisa ng mga ito, mapapatnubayan ang mga komunidad sa pagtukoy at pagbigay ng prayoridad sa mga stratehiya para mabawasan ang mga risgo.
Paano napapalakas ng batas ang Risk Assessment?
Kasama sa tungkulin ng OCD (sa pambansang antas) at ng mga LDRRMO (sa lokal na antas) ang pagtatasa ng mga risgo (Sec. 9.c; Sec. 12.c.9). Ipapasok ang resulta ng mga pag‐aaral na mga ito sa DRRM Information System. Itatakda ito sa mga pambansa at lokal na mga mapa ng mga risgo. Magsisilbing batayan ang mga pag‐aaral na ito sa pagtakda ng NDRRMP at ng mga LDRRMP. Ito rin ang magiging batayan sa pagdisenyo ng pambansa at lokal na mga early warning system o sistema ng maagang babala. Sinisigurado ng batas ang partisipasyon ng iba’t ibang sektor sa risk assessment. Makakatulong ito sa pagbabahagi ng komunidad ng mga naranasan na panganib at mga nakagawiang pamamaraan sa paghanda, pagtugon at pagbangon mula sa mga disaster. Mapapalawak nito ang kaalaman sa mga nakaambang panganib. Sa ganitong paraan, mas madaling mauunawaan at masasang‐ayunan ng komunidad ang mga matatakdang stratehiya sa DRRM.
Sama‐samang risk assessment para sa mas malawak na bahaginan at pag‐uunawa ng kaalaman sa mga risgo.
Risk Assessment Pagtatasa ng mga Risgo
15
Bakit mahalaga ang Knowledge Management sa DRRM? Nasasabing mahirap isulong ang DRRM dahil sa pananaw na kapalaran lamang ang mga disaster. Sa pamamagitan ng pagpapalakas at pagpapalawak ng kaalaman sa DRRM, maaaring mahubog ang kultura ng kaligtasan at paghahanda sa buong komunidad.
Paano pinapalakas ng DRRM Act ang Knowledge Management? Pangunahing stratehiya sa pagpapalakas ng kaalaaman ang pakikilahok ng iba’t ibang sektor sa LDRRMC at sa risk assessment. Mapapadali ang pagkuha at paggamit ng impormasyon sa pamamagitan ng pagbuo ng DRRM Information System (Sec. 6.d). Hinihikayat ang pagbabahaginan ng mga impormasyon ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan (Sec. 9.g). Tungkulin ng LDRRMO ang maipon at maipalaganap ang impormasyon ukol sa mga panganib, bulnerabilidad, risgo at maaaring epekto nito, mga maagang babala, at mga mekanismo sa pagtugon. Kasama rito ang paghawak ng impormasyon ukol sa mga taong maaaring tumugon, kagamitan at mga kritikal na pasilidad, tulad ng ospital at mga evacuation center (Sec.12.c.3, 10, 12, 17). Maglilikha ng DRRM Training Institute sa iba’t ibang lugar para mapalakas ang kapasidad ng mga pamahalaang lokal at ng mga komunidad. Sinisiguro ng DRRM Training Institute ang pag‐aaral, pagsusulat ng mga kahanga‐hangang gawain, at pagbibigay ng mga pagsasanay sa DRRM (Sec. 9.i).
Mahalagang ipaalam sa buong komunidad ang mga panganib at ang mga planong pagkilos sa panahon ng disaster.
Knowledge Management Pagpapalakas at Pagpapalawak ng Kaalaman
16 R.A. 10121: Disaster Risk Reduction & Management Act
Bukod dito, kinilala rin ng batas ang mahalagang papel na magagampanan ng kabataan. Pinasok ang DRR sa sistema ng edukasyon at sa programa ng Sangguniang Kabataan (SK) (Sec. 14). Sa pakikipagugnayan sa OCD, isasama sa school curricula ang DRR sa pamamagitan ng DepEd, CHED, TESDA, National Youth Commission (NYC), DOST, DENR, DILG‐BFP, DOH, DSWD at iba pang ahensiya. Isasama ito sa mga aralin sa mataas na paaralan at sa kolehiyo. Kasama rin ito sa National Service Training Program (NSTP). Isasagawa ito sa mga pampubliko at pribadong paaralan,kasali ang pormal at di‐pormal na edukasyon, vocational schools, programa sa mga katutubo at out‐of‐school youth.
Pagtatanim ng mga puno sa gilid ng ilog para maiwasan ang pagguho ng lupa
Pag‐eksperimento ng mga tanim na angkop sa baha o sa tagtuyot
17
Paano tinutugunan ng DRRM Act ang pagbawas ng mga risgo ? Pangunahin ang pagpapalawak ng pananaw na kailangan tugunan ang kahinaan at palakasin ang kapasidad para mabasawan ang risgo ng komunidad. Dahil dito, hindi na kailangang maghintay ng disaster bago magplano at kumilos. Dagdag pa rito ang pagtanggal ng probisyon na maaari lamang magamit Calamity Fund kung may nakadeklarang Satet of Calamity. Kung kaya’t sa DRRM Act, ang dating Calamity Fund ay ginawang Disaster Risk Reduction and Management Fund.
Samakatuwid, maaaring gamitin ang pondo para sa sama‐samang pagtatasa ng mga risgo, pagdalo o pagsasagawa ng mga pagsasanay sa DRRM at pagtugon sa mga disaster, pagbili ng mga kagamitan para sa pagtugon sa mga disaster, paglikha ng early warning system, paggawa ng mga emergency drill, pagpapalawak ng impormasyon, pagbili ng mga kagamitan para sa komunikasyon, pagtatayo ng ligtas na evacuation center, atbp.
Pagpinta ng mga flood level marker sa gilid ng ilog para sa early warning system
Paglagay sa mga kritikal na lugar sa komunidad ng mga pansalo ng tubig‐ulan, lalo na sa lugar na aasahan ang tagtuyot.
Vulnerability Reduction Pagbawas ng Bulnerabilidad
18 R.A. 10121: Disaster Risk Reduction & Management Act
Ano ang kaibahan ng DRRM Fund sa dating Calamity Fund? • Hindi na kailangan maghintay na magdeklara ng State of Calamity bago magamit ang
pondo. • Maaaring humigit pa sa 5% ng badyet ang pondo para sa DRRM (Sec. 21 par. 1). • Maaari nang gamitin ang pondo para sa DRRM. Maaaring magamit ang pondo para
mapatupad ang DRRM Plan. Kinakailangan lang mag‐iwan ng 30% para sa Quick Response Fund (QRF) na inilaan sa pagtugon sa pangangailangan ng mga nasalanta kung magkaroon ng disaster . (Sec. 21 par 1; Sec. 22.a at c)
• Kung hindi maubos ang pondo, ilalagay ito sa isang special trust fund na maaari lamang gamitin para sa DRRM. Ibabalik lang ito sa general fund kung hindi ito naubos sa loob ng limang taon. Maari lamang gamitin ang general fund sa mga serbisyong panlipunan na itatakda ng sanggunian (Sec. 21 par. 3).
• Pinapayagan ng batas na makiramay ang pamahalaang lokal sa ibang lugar na nasalanta ng disaster sa pamamagitan ng pagbigay ng bahagi ng kanilang pondo. Kinakailangan nito ng pagsasang‐ayon ng sanggunian. Sa ganitong paraan, mapapalakas ang espirito ng bayanihan at pakiki‐isa ng iba’t ibang pamahalaang lokal (Sec. 21 par.1).
Paano sisiguraduhin na hindi mapagsasamantalahan ang DRRM Fund? Kinakailangang magsumite ang LDRRMO ng panukalang programa at ng ulat ng pag‐gastos. Ipapadala ito sa sanggunian at sa Commission on Audit (COA) sa pamamagitan ng nga LDRRMC at Local Development Council (Sec. 12.c.7 & 24). Babantayan ng LDRRMC ang paggamit ng pondo na dapat ay naaayon sa LDRRMP (Sec. 21 par. 1).
Maaring gamitin ang pondo para sa sandbagging at pagpapatibay ng pampang ng mga ilog.
19
Paano pinapalakas ng DRRM Act ang paghahanda sa mga disaster? Magsasagawa ang LDRRMO ng mga programa para mapalawak ang kaalaman ng publiko kung paano maghanda para sa mga naka‐ambang panganib (Sec. 12.c.10 & 17). Daraan sa pagsasanay sa paghahanda at pagtugon sa mga disaster ang lahat ng empleyado ng pamahalaan (Sec. 14 par. 3). Maaaring bumili ng mga kagamitan na magagamit sa panahon ng disaster gamit ang LDRRM Fund. Maaari rin bumili ng pagkain na mai‐imbak at iba pang mahahalagang kagamitan sa panahon na madalas magkaroon ng disaster. (Sec. 21 par. 1)
Agad mapanunumbalik ang kabuhayan ng mga magsasaka kung mag‐iipon ng mga binhi sa seedbank sa komunidad.
Nakakapaghanda ang mga pamahalaang lokal kung may nakaabang na mga kagamitan pang‐ligtas ng buhay.
Disaster Preparedness Paghahanda
20 R.A. 10121: Disaster Risk Reduction & Management Act
Sino ang maaaring magdeklara ng State of Calamity? Ayon sa rekomendasyon ng NDRRMC, maaaring magdeklara ang Pangulo ng Pilipinas ng State of Calamity. Maaari rin magdeklara at magtanggal ng state of calamity ang mga sanggunian sa kanilang mga lugar sa mungkahi ng LDRRMC. Pagbabatayan ng LDRRMC ang resulta ng pagtatasa ng pagkasira at ng mga pangangailangan ng mga nasalanta sa kanilang pagmumungkahi (Sec. 16).
Ano ang mga Remedial Measures? Ang mga remedial measures ang mga hakbang na maaaring gamitin kaagad para mapadali ang muling pagbangon ng mga nasalanta. Remedyo lamang ang mga ito at hindi dapat maging pangmatagalang kalakaran (Sec. 17). Nakasaad sa batas ang mga sumusunod na remedyo: • Pagpigil ng pagtaas ng presyo ng bilihin
ng mga batayang kagamitan at pangangailangan tulad ng pagkain
• Pagpigil sa pagsasamantala ng mga negosyante sa pagpataw ng mataas na presyo at sobrang pagiimbak ng mga batayang produkto, petrolyo, at gamot
• Paglalaan ng pondo para mapaayos o mapalakas ang mga imprastruktura
• Pagpapautang ng walang interes ng mga pampublikong institusyon sa mga pinakanasantalang populasyon.
Ano ang gagawin kung tumama ang disaster? Kung may disaster, magdedeklara ng State of Calamity para mapadali ang pagtugon at koordinasyon ng mga pamahalaang lokal. Ang pagdedeklara nito ay ayon sa ilalabas na patnubayan ng NDRRMC. Sa pagdeklara ng State of Calamity, maaaring magamit ang Quick Response Fund at maisapatupad ang mga Remedial Measures na nakasaad sa batas.
Disaster Response Pagtugon sa mga Disaster
Makakatulong ang pagsasagawa ng mga Emergency Drill sa iba’t ibang klase ng panganib para ipaalam sa buong komunidad ang mga kailangan gawin sa panahon ng disaster
21
Paano ang koordinasyon ng mga DRRMCs kung may disaster? Mangunguna ang LDRRMC sa paghahanda, pagtutugon at pagbabangon mula sa disaster ayon sa sumusunod na bataya (Sec. 15)n: • BDC‐ kung isang barangay lang ang naapektuhan ; • City/Municipal DRRMC‐ kung 2 o higit na barangay ang naapektuhan ; • Provincial DRRMC‐ kung 2 o higit na bayan/lungsod ang naapektuhan ; • Regional DRRMC‐ kung 2 o higit na probinsya ang naapektuhan ; at • National DRRMC‐ kung 2 o higit na rehiyon ang naapektuhan . Ang LDRRMO ang tutugon sa mga disaster, mangangasiwa sa epekto nito at ipapatupad ang mga gawain para maipanumbalik ang mga apektadong komunidad (Sec . 12.c.8).
Kinakailangan makipagkoordinasyon ang LDRRMCs sa pribadong sektor at mga CSO. Magsasagawa ang LDRRMO ng patuloy na pagbabantay at pagpapakilos ng mga volunteer sa paggamit ng mga pasilidad at ibang rekurso (Sec. 12.c.8).
Organisado ang pagbibigay ng relief goods para siguraduhing naitataguyod ang dangal ng mga nasalanta
22 R.A. 10121: Disaster Risk Reduction & Management Act
Paano sisiguraduhin na maayos ang pagtugon sa disaster? Nagsaad ang DRRM Act ng mga gawain na ipinagbabawal at ang karampatang parusa sa mga ito (Sec. 19; Sec. 20). Ipinagbabawal ang mga sumusunod:
1. Kapabayaan ng katungkulan na humantong sa matinding pinsala, kamatayan, at pagwaldas ng pondo.
2. Pagpigil ng pagpasok o pagbibigay ng relief goods, angkop na teknolohiya, kagamitan, mga dalubhasa, at disaster team sa mga nasalantang lugar.
3. Pagbili ng mga relief goods, kagamitan at iba pang produkto sa mga ahensiya o sa mga natakatanggap nito at paggamit o pagbenta nito.
4. Pagbenta ng mga relief goods, kagamitan at iba pang produkto na dapat mapunta sa mga nasalanta.
5. Sapilitan na pagkuha ng relief goods, kagamitan at iba pang produkto na dapat mapunta sa mga nasalanta o nakalaan sa ibang ahensiya.
6. Paglihis ng relief goods, kagamitan at iba pang produkto sa ibang mga tao maliban sa natakdang pagbibigyan nito.
7. Pagtanggap, pagproseso, paggamit o pagbigay ng relief goods, kagamitan at iba pang produkto na hindi dapat para sa kanya.
8. Maling pagpapakilala kung saan nanggaling ang relief goods, kagamitan at iba pang produkto sa pamamagitan ng :
a. Pagtanggal o pagpalit ng mga etiketang nakakabit ;
b. Pagbabalot muli at paglalagay ng panibagong etiketa;
c. Pagsisinungaling kung saan nanggaling ang relief goods.
10. Pagpalit ng laman ng relief goods, kagamitan at iba pang produkto.
11. Hindi awtorisadong paghingi ng mga grupo o ng mga indibiduwal ng mga donasyon sa ngalan ng ibang grupo.
12. Sadyang paggamit ng maling datos para makahingi ng suporta o donasyon.
13. Pagkalikot o pagnanakaw ng mga kagamitan sa pagbantay ng mga panganib (hazard monitoring equipment) at sa paghahanda para sa disaster.
Mga Ipinagbabawal na Gawain at Parusa
23
Ano ang mga maaaring kaparusahan sa mga ipinagbabawal na probisyon? 1. Multa mula P50,000 hanggang P500,000 2. Pagkakulong mula anim na buwan hanggang isang taon 3. Multa at pagkakulong 4. Kumpiskasyon o pagbawi ng mga kagamitan. Para sa mga pampublikong opisyales, maaari siyang panghabang buhay na ma‐disqualify sa paghawak ng pampublikong posisyon. Dagdag ito sa maaaring multa, pagkulong at kumpiskasyon. Para sa korporasyon at ibang grupo, ang multa ay ipapataw sa mga opisyales. Maaaring ipagwalang‐bisa at bawiin ang kanilang lisensya o accreditation. Para sa mga banyaga, maaari siyang i‐deport pagkatapos ng kanyang sintensya.
Pangunahing tungkulin ng pamahalaan ang tumugon sa disaster. Pumapasok ang mga Humanitarian Agencies kung di kaya o ayaw tumugon ng pamahalaan sa mga pangangailangan ng mga nasalanta.
24 R.A. 10121: Disaster Risk Reduction & Management Act
Isinulat ang praymer na ito ni Atty. Eunice Agsaoay‐Saño. Sinalin sa wikang Filipino ni Allan Vera. Inaasahan na ang praymer na ito ay magsisilbing tulong sa pag‐unawa at pagpapalawak ng DRRM Act. Hindi ito dapat gamitin para palitan ang nakasulat sa batas. Kung may paga‐alinlangan sa kontento ng praymer, kinakailangan pagbatayan ang nakasaad sa aktuwal na batas. Para sa kopya ng aktuwal na batas, maaaring ma‐download ito sa: http://www.senate.gov.ph/republic_acts/ra%2010121.pdf Inaprubahan ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng DRRM Act noong ika‐27 ng Setyembre, 2010. Para sa kopya ng IRR, maaaring ma‐download ito sa: http://ndcc.gov.ph/attachments/095_IRR.pdf Ang praymer na ito ay sinuportahan ng:
Mga Pambansang Opisina: NDRRMC (02) 9115061 to 64
Philippine National Hotline: 143 Red Cross (02) 5270000
PAGASA (02) 434‐2696 (para sa kalagayan ng panahon)
PHIVOLCS (02) 426‐1468 to 79 (para sa lindol, tsunami at pagsabog ng bulkan)
Mines & Geosciences (02) 928‐8642 Bureau (02) 920‐9120 (para sa pagtibag ng lupa)
DRRNet Philippines (02)374‐7619 c/o Ruel Cabile loc 428 & 423 World Vision Development Foundation 389 Quezon Ave cor West 6th St. Quezon City, Metro Manila
Directory
Pasasalamat
OCD sa mga Rehiyon: CAR (074) 6190966/ 3042256 Region I (072) 6076526/ 7004747 Region II (078) 8441630 Region III (045) 4551526 Region IV‐A (049) 8344244/ 5317279 Region IV‐B (043) 7234248 Region V (052) 4811656/ 4815031 Region VI (033) 3376671/ 5097971 Region VII (032) 4165025/ 2536730 Region VIII (053) 3238453 Region IX (062) 2153984 Region X (088) 8573988 Region XI (082) 2332022/ 2330611 Region XII (083) 5532984 BASULTA (082) 9913450 CARAGA (085) 5156345/ 3428753 Maguindanao (064) 4250330 NCR (02) 4673749