qwerty (1)

9
Isang pagsusuri tungkol sa paggamit ng internet ng mga estudyante ng Computer Engineering sa Technological Institute of the Philippines, Quezon City. Talaan ng Nilalaman Pamagating Pahina i Dahon ng Pagpapatibay ii Pasasalamat iii Kabanata 1: Ang Suliranin at Kaligiran nito Introduksyon 1 Layunin ng Pag-aaral 2 Kahalagahan ng Pag-aaral 3 Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral 3 Depenisyon ng mga Terminolohiya 4 Kabanata 2: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura Kaugnay na Literatura 5

Upload: jam

Post on 25-Dec-2015

233 views

Category:

Documents


10 download

TRANSCRIPT

Page 1: qwerty (1)

Isang pagsusuri tungkol sa paggamit ng internet ng mga estudyante ng Computer Engineering sa Technological Institute of the Philippines, Quezon City.

Talaan ng Nilalaman

Pamagating Pahina i

Dahon ng Pagpapatibay i i

Pasasalamat i i i

Kabanata 1: Ang Suliranin at Kaligiran nito

Introduksyon 1

Layunin ng Pag-aaral 2

Kahalagahan ng Pag-aaral 3

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral 3

Depenisyon ng mga Terminolohiya 4

Kabanata 2: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Kaugnay na Literatura 5

Kaugnay na Pag-aaral 6

Kabanata 3: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Disenyo ng Pananaliksik 11

Mga Respondente 11

Instrumento ng Pananaliksik 12

Tritment ng mga Datos 12

Listahan ng mga Sanggunian

Apendiks

Page 2: qwerty (1)

Isang pagsusuri tungkol sa paggamit ng internet ng mga estudyante ng Computer Engineering sa Technological Institute of the Philippines, Quezon City.

Dahon ng Pagpapatibay

 

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino

002, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pananaliksik na ito

na pinamagatang “Isang pagsusuri tungkol sa paggamit ng Internet ng mga

estudyante ng Computer Engineering sa Technological Institute of the

Philippines, Quezon City” ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga

mananaliksik mula sa isang grupo ng CPE12KB1 na binubuo nina:

Barnes, Jake Eric R.

Mejaro, Jophet A. Navidad, Jonathan G.

Pabalan, Ricomel Jr. Pasinos, Carol Ann M.

Ipapasa kay:

Gng. Yannel Villaber

Page 3: qwerty (1)

Isang pagsusuri tungkol sa paggamit ng internet ng mga estudyante ng Computer Engineering sa Technological Institute of the Philippines, Quezon City.

Pasasalamat

Mataos na pasasalamat ang ipinaaabot ng mga mananaliksik sa mga sumusunod na indibidwal dahil sa kanilang pagtulong upang maisagawa ang pamanahong papel na ito.

Una, nagpapasalamat ang mga mananaliksik sa Panginoon sa pagbibigay ng lakas upang magawa ng pananaliksik. Nagpapasalamat ang mga mananaliksik kasi ginabayan niya ang mga ito upang malinang ang kanilang kakayahan pagdating sa paggawa ng tamang pananaliksik.

Pangalawa, sa mga magulang na nagbigay pinansyal at walang sawang sumuporta sa kanilang anak. Naging inspirasyon din sila upang matapos ng maayos ang pamanahong papel.

Pangatlo, sa kapwa mag-aaral na tumulong upang mabigyan kasagutan ang ibang mga katanungan.

At ang huli, sa aming guro na si Gng. Yannel Villaber sa pagtulong at paggabay sa paggawa ng pananaliksik sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga tamang hakbangin sa isang pananaliksik.

Muli sa mga taong nagbigay patnubay at pagpapahalaga, maraming-maraming salamat po.

Page 4: qwerty (1)

Isang pagsusuri tungkol sa paggamit ng internet ng mga estudyante ng Computer Engineering sa Technological Institute of the Philippines, Quezon City.

Isang pagsusuri tungkol sa paggamit ng Internet ng mga estudyante ng Computer Engineering sa Technological Institute of the Philippines, Quezon City

Ito ay Partial Requirement sa Fil 002 (Pagbasa at pagsulat)

Sa Ikalawang Semestre ng Taong 2015

Ipinasa kay:

Gng. Yannel Villaber

Ipinasa nina:

Barnes, Jake Eric R.

Mejaro, Jophet A.

Navidad, Jonathan G.

Pabalan, Ricomel Jr.

Pasinos, Carol Ann M.

Enero 2015

Page 5: qwerty (1)

Isang pagsusuri tungkol sa paggamit ng internet ng mga estudyante ng Computer Engineering sa Technological Institute of the Philippines, Quezon City.

Paghahandog

Buong puso naming hinahandog ang pananaliksik na ito sa mga taong tumulong at gumabay upang matagumpay na maisagawa ang aming pananaliksik.

Sa aming mga magulang na naging inspirasyon at sumuporta sa amin.

Sa mga kapwa kamag-aral na tumulong upang ito’y maging matagumpay.

Sa Diyos na dininig ang mga panalangin para matapos ang aming pananaliksikk.

Kay Gng. Yannel Villaber na hindi kami pinabayaan sa paggawa ng tamang pananaliksik.

Page 6: qwerty (1)

Isang pagsusuri tungkol sa paggamit ng internet ng mga estudyante ng Computer Engineering sa Technological Institute of the Philippines, Quezon City.

I

Kabanata l

Introduksyon

Ang pag-susuri sa internet ng mga studyante ng Computer Engineering students ng Technological Institute of the Philippines Quezon City Campus. Ito ay isang pag-susuri kung saan malalaman natin ang ibat-ibang kaalaman tungkol sa Internet. Aalamin ang kasaysayan nito sa pamamagitan ng pangangalap ng mga impormasyon.

Dito maaring malaman kung sino-sino ang may kinalaman sa pagkabuo ng Interenet. Maaari ring malaman ang pahahon ng pag-usbong ng Internet sa mundo. Ang mga maaring maging epekto nito sa ating mundo.

Noong 1962, bago paman mabuo ang salitang Internet ay daang-dang libong dolyar na ang nagastos ng gobyerno ng Amerika sa ibat- ibang klaseng dahilan. 1963 naman unang nakalikha ang Acsii Letter. Na kung saan binubuo ng ng ibat- ibang codes ang mga letrang lumalabas sa Screen o Monitor. Simula noon ay patuloy na ang pag-unlad ng ating Internet sa tulong ng ibat-ibang tao. Hanggang kaya na nitong makipag palitan ng ibat-ibang data sa ibat-ibang Computer.

At tuluyan ng mabuo ang pinakang unang node site na binuo nila Robert Works at Howard Frank noong 1968. October 29, 1969, pinaka unang nabuo ang host to host connection.

Internet ay isang instrument to ng ibat-ibang mga dahilan ng isang gumagamit nito. Dahll ang isang user o gumaggamit nito ay may kanikanilang dahilan sa paggamit ng Internet. Maaring gamitin ang Internet sa kumunikasyon dahil itoy may kakayan makipag transaksyon kahit man sa malayong lugar. Ito rin ay mahalaga dahil dito itoy nakakatulong sa pag-aaral ng isang istudyante. Pwede ring itong maging libangan dahil

Page 7: qwerty (1)

Isang pagsusuri tungkol sa paggamit ng internet ng mga estudyante ng Computer Engineering sa Technological Institute of the Philippines, Quezon City.

sa kakayahang nitong maka likha ng mga laru. Ngunit kinakailangan ng disiplina sa paggamit nito, dahil tulad sa panahon ngaun ay maraming tao na ang sumosobra ang paggamit, lalaong-lalo na ang paglalaru ng Computer games.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Para sa kapakanan, kaalaman at pag-unawa ng mga mambabasa, binibigyan depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa pamanahong papel na ito.

Ang Internet ay ang mga magkakabit na mga computer network na maaaring gamitin ng mga tao sa buong mundo.

Ang Computer Engineering ay isang disiplinang pang-akademiya na nagsasama-sama ng ilang mga larangan ng inhinyerang pangkuryente at agham na pangkopyuter na kailangan upang makapagpaunlad ng mga sistemang pangkompyuter.

Ang isang kompyuter ay isang pangkalahatang paggamit ng kasangkapan na maaaring iprograma upang magsagawa ng isang may hangganang hanay ng mga operasyong aritmetiko o lohikal.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa paggamit ng Internet ng mga estudyante ng Computer Engineering sa Technological Institute of the Philippines, Quezon City. Ang internet ay madalas ng gamitin ng mga estudyante sa panahon ngayon. Mga estudyanteng may iba’t-ibang dahilan kung bakit gumagamit ng Internet. Mga naiambag ng Internet sa kanilang buhay. At kung paano nito binago ang buhay ng bawat isa. Maaaring bawat isa sa atin ay nakagamit na ng Internet. Kung kaya’t mas ninais ng mga mananaliksik na gawin itong paksa. Mas madali ring makakakuha ng impormasyon ang mga ito.

Introduksyon

Ang Internet ay isang pandaigdigang network ng mga kompyuter na magkakakonekta. Kapag kumonekta ka sa Internet, may access ka sa World Wide Web, na parang isang aklatang punung-puno ng mga pahina ng impormasyon.