pts magazine oct issue 2010

52
7 { PINOY TAYO SANMAN } FEBRUARY 2009 VOLUME 3 • ISSUE 10 • OCTOBER 2010

Upload: arnold-gawad

Post on 23-Mar-2016

336 views

Category:

Documents


12 download

DESCRIPTION

Pinoy Tayo Sanman (PTS) Magazine is a monthly magazine circulated in Hongkong.

TRANSCRIPT

Page 1: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

7 { PINOY TAYO SANMAN } FEBRUARY 20097 { PINOY TAYO SANMAN } FEBRUARY 2009

VOLU

ME

3 •

ISSU

E 10

• O

CTOB

ER 2

010

Page 2: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

22 www.pinoytayosanman.com\march2010

ADS.indd 22 3/12/2010 9:16:06 PM

Page 3: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

44 www.pinoytayosanman.com \ august2010

Page 4: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

50

48

26

30 Lovingly Yours, Tita Kerry PINATAWAD SI MISTER, PERO HINDI NG MGA ANAK

34 Nobela 2 TINIMBANG KA NGUNIT KULANG TALAGA Ni Onnie Almeyda

38 Diskartehan Mo MEDYAS Ni Mommy A

40 Journey SEASONS Ni Amor Gonzalez Damaso

44 Pinoy Feature ANG KUWENTO NI LOLA BASYANG Ni Pahm Balmaceda

46 Pinoy Feature INUM TAYO, PARE! MGA INUMING ORIG MULA SA ‘PINAS Ni Benito Tatlonghari

49 Gawad PTS Selection of the Month UTANG Ni Olive P. Lasat

50 Food Trip BARBECUED PORK SPARE RIBS Ni Janet Lagundino

10

8 Tilamsik ng Dila PARA SA ILANG PINAY NA MAHILIG MAG-CHAT SA COFFEE SHOP Ni Lagalag

10 Usapang Pinansiyal PARA SA MGA KABABAIHANG MAY SARILING KITA Series#2 Ni Franciso J. Colayco

16 Nobela I’LL WAIT FOR YOU Ni Cora P. Carsola

20 Ito Ang Batas PAKABIT-KABIT SI MISIS Ni Atty. Aga Arellano

24 Usapang Pangkalusugan EAR PROBLEMS

26 Cover Story THE GOOD SON: JOHAN SANTOS Ni Onnie Almeyda

PINOY TAYO SANMAN

Tribo PTSPUBLISHER

JVP Marketing & Entertainment Ltd.

GENERAL MANAGERVilma Fernando

EDITOR-IN-CHIEFFernando Rosal Gonzalez

ASSOCIATE EDITOR (HK)Jun Paragas

ART DIRECTORArnold D. Gawad

SALES AND MARKETING DIRECTORJun Paragas

CIRCULATION COORDINATORBernadeth C. SamonteMarigrace P. Medina

Jeric Paragas

COLUMNISTSOnnie Almeyda, Atty. Antonio ‘Aga’ Arellano,

Francisco J. Colayco, Michael Vincent, Dr. Sonny Viloria,

Janet Lagundino and Amor Gonzalez-Damaso

CONTRIBUTORS (This Issue): Cora Carsola, Pahm Balmaceda,

Benito Tatlonghari, Ka Dune and Lagalag

PTS MAG is published by JVP Marketing & Entertainment Ltd. with offi ce address at Shop 367, 3/F, Worldwide Plaza 19 Des Voeux Road, Central Hong Kong. All Rights Reserved. No part of this magazine may be reproduced in any manner without the permission of the publisher. Opinions expressed in this magazine are the writers’ and not necessarily endorsed by the publisher.

PTS MAGAZINE VOLUME 3 • ISSUE 10 • OCTOBER 2010

38

46

Page 5: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

44 www.pinoytayosanman.com \ august2010

Page 6: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

6 www.pinoytayosanman.com \ october 2010

editor’s note

Minsang nanonood kami ng aking maybahay ng isang sikat na programa sa telebisyon, kung saan binibigyan ng host ng katuparan ang pangarap ng isang letter sender, tumambad sa amin ang kuwento ng isang lalaking nakatira lamang sa isang barong-barong na nakalutang sa may Ilog Pasig. Nagtatrabaho ang lalaking ito bilang isang karpintero, at hindi magkamayaw kung paano nila bubuhayin ng kaniyang asawa ang kanilang mga anak… na bumibilang sa – tsaraan! 11. Yes, you heard that right. Onse po ang kanyang mga anak.

Ang unang reaksiyon mula sa aking misis ay, “Nahihirapan kayo sa buhay – eh bakit nga naman hindi? Eh saan mo nga naman kukuhain ang ipapakain sa ganung kalaking pamilya?” Hindi na naman ito pre-war times na simple lamang ang buhay at maaari ka nang mabuhay kahit nasa bukirin lamang kayo.

At habang ini-interview ang misis ng lalaki, isa lang daw talaga ang pangarap nila sa kanilang mga anak.. ang – tsaraan ulit! Ang maiahon sila sa hirap. Ganun ba ‘yon? Iniasa na lang sa kanilang mga anak ang pag-angat nila sa buhay, eh in the fi rst place, kelangan ba talagang ganun karami ang kanilang mga anak?

Mainit na talakayan ngayon ang isyu ng ‘family planning’ sa pagitan ng Gobyerno at ng Simbahan. President Nonoy Aquino remains fi rm in his stand on responsible parenthood despite the Catholic Church’s opposition to the use of artifi cial birth control methods.

Aquino maintained that “the ultimate decision-maker on the size of the family” are the parents.

According to Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, “Even during the campaign the president already stated his position on the matter. It’s more of responsible parenthood, we believe that parents should be the one to decide on the size of their family, the manner and the method by which the planning should be done.”

Hindi sinang-ayunan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang stand na ito ng Malacañang. Lalo na at nabanggit ulit ito ng Pangulo when he spoke before the Filipino community nito lang sa San Francisco, U.S.A.

Para sa Catholic Church, ang natural family planning lamang ang paraan na katanggap-tanggap. Opposed ang simbahan sa mga artifi cial birth control methods tulad ng paggamit ng condoms at birth-control pills dahil anila, this only promotes promiscuity at nakakadagdag din sa mga kaso ng ‘abortion’ sa Pilipinas.

It is a given na maraming pros and cons ang bawat method na mapagpapasyahang piliin ng isang pamilya. Pero habang pinapanood ko ang programa kung saan nakikita ko ang mga batang patuloy na naghihirap dahil sa population explosion, saan pa ba tutungo ang ordinaryong Pamilyang Pilipino ngayon?Anuman ang mapagpiliang paraan, isa lang naman ang bottomline: hindi naman mahirap ang gumawa ng isang bata. Ang talagang simula ng pagsubok ay ang kung paano siya mapapalaki ng kanyang mga magulang nang maayos at tama.

Don R. GonzalezEditor-in-Chief

Page 7: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

44 www.pinoytayosanman.com \ june201022 www.pinoytayosanman.com\april2010

template.indd 22 4/7/2010 6:24:52 AM13 sally ad ad.indd 44 6/7/2010 12:38:52 PM

Page 8: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

8 www.pinoytayosanman.com \ october2010

tilamsik ng diwa

Liko-liko raw pong landas, liko-liko raw pong batisKung sino man ang tamaan sana’y huwag magagalitAt kung kayo ay magalit at sa akin ay magngitngit Wala akong magagawa dahil ito’y aking iskrip.

Ngayon po dumadami, hindi naman nilalahatAng babaeng naloloko sa computer panay ang chatMayron pa nga nasa webcam, nakikita ang kausap Kaya naman mas feel nila na sila ay magkaharap.

Makikita ang kabayan sa nagkalat na coffee shopGrupo-grupo sila doon, nakapatong itong laptopYung iba ay mga miron na gusto ring makaharap At lumipas ang buong maghapon sila-sila’ng magka-usap.

Ang puna ng karamihan para bagang pinagyabang Na sila ay mayrong ka-chat na banyagang naturinganAt doon ay panay English ang kanilang balitaan At hello Joe! I’m ok here and I hope you are also fine!

Hagikgikan at tawanan, maiingay ang tawanan Na para bang sa piligid ay wala pong pakialamNalimot na wala sila sa pribadong tinunguhanAt sila ay nasa public place, nawala ang gandang asal.

Mayron pa nga ang balita, may edad ang karamihan At sila ay nagpapakita ng bahagi ng katawan At para bang sa kanila ito po ay laro lamang Samantalang tuwang-tuwa ang kausap nya sa webcam.

Nabastos na’t naduhagi ang dignidad nitong PinayAt dito ay nadadamay, matitino’y walang alamSa paano ay mababa ang tingin ng karamihan Nagbebenta ka ng aliw sa internet mo dinadaan.

PARA SA ILANG PILIPINANG NAGKALAT SA COFFEE SHOP AT MAHILIG MAG-CHAT

Page 9: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

9www.pinoytayosanman.com \ october2010

PARA SA ILANG PILIPINANG NAGKALAT SA COFFEE SHOP AT MAHILIG MAG-CHAT

Paano mong masasabi na malinis itong pakay At ikaw ay tutuluyan ng kausap mo sa webcamGanong iyong pinakita ang lahat ng kalaswaanNawala na ang moral mo, nawala ang iyong dangal.

Kaya tuloy dumarami ang maraming kalaswaan Sa internet makikita, i-down load mo’t naririyanDumarami ang Pinay na sumasakay sa kawalan Nalimot na ang dangal ng Pilipinang pinagmulan.

Kaya naman kahit bata ngayon po ginagamitPati musmos na walang alam sa cyber sex pinipilitAt kanilang ginagawa kalaswaang kahit paslit Masunod lang iyang utos at pera na ang kapalit.

Ang balita ay mismo pang magulang ang nagbebentaSa kanilang mga anak sa cyber sex ay kumita Para lamang magkapera at sa hirap maka-bueltaKatamarang magtrabaho ay hindi na alintana.

Kaya naman si Lagalag ay lubha pong apektadoNasaan na ang dangal ng sambayanang Pilipino?Marami ang natutukso sa internet na nauso Binibenta ang sarili at dito ay narahuyo.

Kahit na ang karamihan ng kapwa ko OFWAy nilimot ang sariling dangal nitong PilipinoMoralidad ay hindi na mahalaga at solido Nilamon na ng sistema na gawa lang ng demonyo.

Kaya sana’y pakiusap sa ating pong kababayanLalo na ang karamihan na may banyagang nakaka-chatHuwag mo sanang ibaba ang moral mo at dignidadIna ka pang naturingan, kawawa ang mga anak.

Kanila ring mamanahin ang lahat mong ginagawaKanila ring gagawin ang lahat ng ginagawaBaka dumating ang panahon na ikaw din ang ngangawa Dahil di mo na sila mapigil na ikaw din ang may gawa.

Kung ano ang itinanim ay siya mo ring aanihin Bawat punla ay mayrong isang butil na kahimbing Sa pagdating ng panahon ang lahat ng iyong tanimMga anak ang sasalo sa mabuting adhikain.

Ilagay po natin sa tama ang lahat ng ginagawaTingnan mo rin ang kapwa mong madadamay sa maling gawaPwede naman sa ka-chat mo ay iyo ring ipaunawa Pilipina kang matatawag, may moral ka at dignidad.

Page 10: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

10 www.pinoytayosanman.com \ october 2010

usapang pinansiyal

MAY dalawang paraan para makakuha ng pera. Una, sa pamamagitan ng Active Income. Ito ay ang perang kinita mula sa:

Paggawa at pagbebenta sa 1. merkado ng mga produkto at serbisyoPagtatrabaho at pagtanggap ng 2. sweldo, komisyon, o bonusPagnanakaw3.

Siyempre, alam nating lahat na masamang magnakaw sa iba. Ito ay imoral at ilegal at hindi dapat ginagawa. Lalo lang malaking problema ang idudulot nito sa inyo at sa inyong pamilya. Baka kalaboso pa ang bagsakan niyo.

Ang ikalawang paraan ay sa pamamagitan ng Passive Income. Ito ay perang nakuha o kinita mula sa:

Pamana o regalo mula sa mga 1. kamag-anak o kaibiganIpon at mga pamumuhunan2.

Importanteng maintindihan niyong bawat isa sa atin ay kailangang kumita ng pera sa pamamagitan ng dalawang nabanggit na paraan. Ibig sabihin, kailangang magtabi ng isang bahagi ng kinikita sa trabaho o negosyo at palaguin ito sa pamamagitan ng pamumuhunan.

Ang pangunahing pinagkukuhanan ng pera ng karamihan sa atin ay ang sweldo sa trabaho o komisyon sa pagbebenta o pagnenegosyo. Ito ay Active Income na pinupuhunanan ng pawis, panahon at galing. Kaya nga Active Income ang tawag dito—kailangan mong gumalaw at magbanat ng buto para makuha ito.

PARA SA MGA KABABAIHANG MAY

SARILING KITANi Francisco J. Colayco

MGA PARAAN PARA MAKAKUHA NG PERA

Page 11: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

44 www.pinoytayosanman.com \ october 2010

Page 12: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

12 www.pinoytayosanman.com \ october 2010

Ang panuntunang dapat sundin ay, “ANG INTERES AT TUBO LANG

NA KINITA NG IPON ANG PWEDENG IPAMBILI NG MGA

KAGUSTUHAN.” Ang Passive Income ang interes ng pera sa

bangko at tubo o kita mula sa mga negosyo o pamumuhunan. ITONG

PASSIVE INCOME LANG ANG DAPAT IPAMBILI NG MGA

KAGUSTUHAN.

HUWAG NA HUWAG MANGUNGUTANG PARA

LANG MAKABILI NG MGA KAGUSTUHAN.

Ang perang pinagpaguran at nakuha mula sa disenteng trabaho ang pinakamainam na klase ng pera; ito ang dapat nating gamitin para buhayin ang ating mga pamilya. Maituturo pa natin sa ating mga anak ang halaga ng pagtatrabaho at pagiging matapat, na maipapasa rin nila sa kanilang magiging mga anak. Ayos din kahit anong klaseng Active Income na nakukuha mula sa pagbebenta, basta’t siguraduhin lang na legal ito.

Ang Passive Income ang isa pang paraan para makakuha ng pera. Nakukuha ito mula sa interes at kita ng ipon. Kadalasan ay tinatawag itong interes, tubo, o pagtaas ng halaga ng kapital. Tinatawag itong interes kung ito ay regular na kita mula sa ipong nakalagak sa bangko. Tinatawag naman itong tubo kung ito ay kita mula sa perang ipinuhunan sa negosyo, maging direkta man o hindi. Ang tawag naman ay pagtaas ng halaga ng kapital kung nakukuha ito mula sa pagtaas ng halaga ng biniling mamahaling ari-arian gaya ng lupain, parte sa kumpanya o mutual fund, at iba pa. Sa madaling salita, ang perang kinita niyo mula sa pera niyo sa bangko ay interes. Yung kinita niyo naman mula sa tindahang itinayo niyo ay tubo. At yung perang kinita niyo sa pagbili at pagbebenta ng lupain ay tubo rin mula sa pagtaas ng halaga ng kapital.

IBA’T IBANG GAMIT NG PERA

Nagtataka siguro kayo kung bakit kailangan pa nating pag-usapan ang iba’t ibang paraan ng paggamit ng pera. Sinusunod lang natin ang nakatakdang leksiyon para sa seryeng ito.

Alam nating lahat kung ano ang kayang bilhin ng pera. Napakadali nitong gastusin. Marami ngang naniniwalang pwedeng mabili ng pera ang lahat, pati na ang kaligayahan. Pero ang totoo, ang

kaya lang bilhin ng pera ay mga materyal na bagay, na pwede ring magdulot ng kaligayahan kung alam nating gamitin.

Ang importanteng malaman ay kayang bilhin ng pera ang lahat ng ating pisikal na mga PANGANGAILANGAN at KAGUSTUHAN. Ang mga pisikal na bagay ang kayang bilhin ng pera ay pwedeng maging PANGANGAILANGAN o KAGUSTUHAN, depende sa sitwasyon.

Ang mga PANGANGAILANGAN natin ay yung mga bagay na bumubuhay sa atin. Ang una nating kailangan ay tubig. Mga 70 porsyento ng ating katawan ay tubig na kailangang patuloy nating pinapalitan. Ang problema, napakahirap na ngayong maghanap ng malinis na tubig dahil sa polusyon, kaya’t karamiha’y kailangan nang bumili ng tubig na nakabote, lalo na sa mga siyudad. Kung namamatay ka na sa uhaw at walang ibang tubig kundi yung nakabote, ito’y maituturing na PANGANGAILANGAN. Pero kung may malinis namang tubig pero yung nakabote pa rin ang binibili mo, ito’y KAGUSTUHAN na.

Ang ikalawang PANGANGAILANGAN natin para mabuhay ay pagkain. Ang talagang kailangan lang naman ng

Ang perang pinagpaguran at nakuha mula sa disenteng trabaho ang pinakamainam na klase ng pera; ito ang dapat nating gamitin para buhayin ang ating mga pamilya. Maituturo pa natin sa ating mga anak ang halaga ng pagtatrabaho at pagiging matapat, na maipapasa rin nila sa kanilang magiging mga anak. Ayos din kahit anong klaseng Active Income na nakukuha mula sa pagbebenta, basta’t siguraduhin lang na legal ito.

Page 13: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

13www.pinoytayosanman.com \ october 2010

ating katawan ay yung pinakasimple at pinakamasustansiyang pagkain, gaya ng gulay, kanin at protina galing sa isda, baboy, baka at manok. Pero nakakasawa kasi ang simple lalo na kapag yun lang nang yun ang kinakain natin. Natural lang na maghanap tayo ng iba. Napakaraming mapagpipilian na hindi naman masustansiya at ubod pa ng mahal. Kapag bumibili tayo ng pagkaing di naman talaga kailangan ng ating katawan, yang pagkaing yan ay nagiging KAGUSTUHAN.

Ang ikatlong PANGANGAILANGAN natin ay damit. Kaunti lang naman ang kailangan para matakpan ang ating katawan. Kailangan lang ay laging palitan at labahan ang mga ito para mapanatiling mabango at malinis. Pero gaya ng pagkain, madali ring mapagsawaan ang mga damit kapag yun lang nang yun ang ginagamit, at napakaraming ibinebentang iba’t ibang klaseng sapatos, damit, bag, atbp. Kapag sobra na sa talagang kailangan natin, ang mga kasuotang ito ay nagiging KAGUSTUHAN.

Ang pang-apat na PANGANGAILANGAN natin ay bahay na matitirhan, na makapagbibigay sa atin ng seguridad at katiwasayan. Sariling bahay man o inuupahan lang, basta’t malinis at maayos ay sapat na. PANGANGAILANGAN ang bahay basta’t kaya itong bilhin gamit ang halagang kinikita. Pero kapag masyadong mahal at lagpas na sa badyet ang presyo, isa na itong KAGUSTUHAN.

Mahirap talagang sabihin kung alin ang PANGANGAILANGAN at alin ang KAGUSTUHAN. Lalo na yung mga PANGANGAILANGAN dahil kadalasa’y hindi na natin ito pinag-iisipan. Alam lang natin na kailangang uminom kapag nauuhaw, kumain kapag nagugutom, magbihis kapag walang damit, at umuwi sa bahay. Kapag may pera tayo sa bulsa, bili lang tayo ng bili nang di pinag-iisipan. Minsan KAGUSTUHAN na ito pero nagkukunwari na lang tayo na PANGANGAILANGAN sa oras na yun.

Halimbawa, kapag nauhaw ay bibili ng soft drinks o alak imbes na uminom na lang ng tubig. Wala namang sustansiya ang soft drinks at alak pero gagastusan pa. Kapag nagutom naman ay bibili ng sitsirya imbes na kumain na lang ng masustansiyang prutas gaya ng saging. Sumasakay pa tayo sa bus o taksi gayong pwede namang maglakad nang makapag-ehersisyo pa. Gusto nating magsuot ng pinaka-usong damit, sapatos at bag. Bili ng bili ng mga borloloy. Mga KAGUSTUHAN ang lahat ng ito. PANGANGAILANGAN ang pagpapakumpuni ng sirang bahay pero KAGUSTUHAN ang pagbili ng bago at mas malaking telebisyon.

Lahat ng ito’y nangyayari sa pang-araw-araw nating buhay pero di na natin pinapansin. Panay ang gastos natin sa mga KAGUSTUHAN imbes na ipunin ang pera kahit unti-unti araw-araw. Hindi ko

Ang panuntunang dapat sundin ay, “ANG INTERES AT TUBO LANG

NA KINITA NG IPON ANG PWEDENG IPAMBILI NG MGA

KAGUSTUHAN.” Ang Passive Income ang interes ng pera sa

bangko at tubo o kita mula sa mga negosyo o pamumuhunan. ITONG

PASSIVE INCOME LANG ANG DAPAT IPAMBILI NG MGA

KAGUSTUHAN.

HUWAG NA HUWAG MANGUNGUTANG PARA

LANG MAKABILI NG MGA KAGUSTUHAN.

Ang perang pinagpaguran at nakuha mula sa disenteng trabaho ang pinakamainam na klase ng pera; ito ang dapat nating gamitin para buhayin ang ating mga pamilya. Maituturo pa natin sa ating mga anak ang halaga ng pagtatrabaho at pagiging matapat, na maipapasa rin nila sa kanilang magiging mga anak. Ayos din kahit anong klaseng Active Income na nakukuha mula sa pagbebenta, basta’t siguraduhin lang na legal ito.

Page 14: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

14 www.pinoytayosanman.com \ october 2010

FRANCISCO J. COLAYCO is an entrepreneur, a venture developer and financial advisor. He has over 40 years of experience that covers service contracting in the Middle East, manufacturing, trading, construction, shipbuilding, management consulting, banking and financial services. He is the Chairman of the Colayco Foundation for Education (CFE), publisher of the personal finance bestsellers: Wealth Within Your Reach (2004 National Book Award for Business and Economics), Making Your Money Work (Nominated in 2005, National Book Awards Business and Economics), Pera Palaguin Workbook and Money for Kids. The books are available at National Bookstore, Powerbooks or directly from CFE. CFE is also

the producer of the PISObilities DVD series, which is available at major audio-video stores nationwide. CFE also conducts talks, seminars, and workshoPhp. One of them is “Managing Personal Finances For The Future” a public seminar developed in partnership with the Ateneo Graduate School of Business, Center for Continuing Education. For registration and inquiries, please call Marleth Calanog at 830-2050. Learn more about the advocacy at www.colaycofoundation.com, through email [email protected], SMS +63917-8537333 or call (632)637-3741.

naman sinasabing huwag nang gumastos para sa mga KAGUSTUHAN. Kung kaya naman ng bulsa, pwedeng bilhin pareho ang mga PANGANGAILANGAN at KAGUSTUHAN.

Ang panuntunang dapat sundin ay, “ANG INTERES AT TUBO LANG NA KINITA NG IPON ANG PWEDENG IPAMBILI NG MGA KAGUSTUHAN.” Ang Passive Income ang interes ng pera sa bangko at tubo o kita mula sa mga negosyo o pamumuhunan. ITONG PASSIVE INCOME LANG ANG DAPAT IPAMBILI NG MGA KAGUSTUHAN.

HUWAG NA HUWAG MANGUNGUTANG PARA LANG MAKABILI NG MGA KAGUSTUHAN.

Ang iba pang karaniwang PANGANGAILANGAN ay ang paghahanda para sa kaarawan, kasal, binyag at mga piyesta para sa Diyos at Kaniyang mga santo. Pero ang masama, ginagamit natin ang mga espesyal na okasyong ito para mapagbigyan ang ating mga KAGUSTUHAN. Tuwing kaarawan natin ay natural nang gusto nating magdiwang dahil nabigyan pa tayo ng isang taon para mabuhay. Nakaugalian na nating maghanda at magsalu-salo kasama

ang mga mahal natin sa buhay. Yun at yun din naman ang mga kasama nating nagdiriwang taun-taon—ang ating pamilya at mga kamag-anak at kaibigan. Siguro naman ay maiintindihan ng mga ito kung gusto nating baguhin ang nakaugalian na. Siyempre sa una’y medyo nakakahiya pero kaya natin ’yan!

Ang kailangan lang natin ay sapat ng kababaang-loob para amining kailangan nating magtipid at unahing bilhin ang mga PANGANGAILANGAN habang hindi pa natin napag-iipunan ang mga KAGUSTUHAN. Kahit pagtawanan pa o kutyain, hindi tayo dapat panghinaan ng loob—tanggapin lang natin at panindigan ang desisyon. Pasasaan ba’t makikita rin nila ang bunga ng ating mga pagsasakripisyo. PTS

Dumalo sa aming mga seminars sa Manila. Sa Hong Kong, bisitahin ang KSK Information Services Limited Room 1701, 17th Floor, Yue Shing Commercial Building, No. 15-17 Queen Victoria Street, Central, Hong Kong, Tel. No.: +852-21678268. Website: www.kskcoop.com,Email Address: [email protected].

Page 15: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

22 www.pinoytayosanman.com\march2010

ADS.indd 22 3/12/2010 9:17:42 PM

Page 16: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

16 www.pinoytayosanman.com \ october 2010

nobela

ANG NAKARAAN:

Itinuon lahat ni Nanay Leona ang sisi kay Lara dala ng nakikita niyang paghihirap at pagsisikap ng kanyang anak upang maisulong ang lahat na pangngailangan. Nagmukha na siyang matanda at hindi naaasikaso ang kanyang sarili.

Sinisi rin siya sa tuluyang pagkawalay nila ng landas ni Renie. Sinabi niyang imbes na kabigin ang asawa, pinagtulakan ito.

Nadestino sina Renie at Trina sa Oman. Nagsama sila doon sa iisang bubong.Isang gabi, balisa si Renie at ang tanging nakikinita ng kanyang balintataw ay ang kanyang mag-ina. Naglaro sa kanyang isipan ang kanyang pagbabakasyon sapagkat tanging nami-miss na niya ang kanyang anak na si Twinkle na hindi niya pa nakikita mula nang isinilang ito. Nagalit at nagselos si Trina, pero nanindigan pa rin si Renie para sa kanyang mag-ina.

Isang araw naman na galing sa pamimili si Lara sa Balintawak, nasilayan siya ni Noel habang tumatawid ito. Tumindig ang kanyang balahibo. Sinikap niyang alamin kay Efren, ang naging kapitbahay ni Lara sa Hong Kong na makuha ang address subalit kulang ang ibinigay na impormasyon maliban sa binanggit na ‘pamimili ni Lara araw-araw sa Balintawak’.

Ang nais lang niyang matunghayan ay ang kalagayan ni Lara. Mula noon, nagmistula siyang detective hanggang sa nasigurado niya ang tiyak na tirahan ni Lara.

Nagkunwari siyang bibili ng ice tubig sa tindahan ni Lara. Narinig siya ni Lara habang nagtatanong. Pinawisan ang huli at hindi malaman ang gagawin. Hindi niya napigilan ang kanyang kasambahay na sumagot sa mga tinatanong ni Renie.

Page 17: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

17www.pinoytayosanman.com \ october 2010

IKA-7 KABANATA:

“Narito ba siya?”

“Nasa loob po Sir, pinatutulog si Twinkle.”

“Ine, hindi ako taga B.I.R.”

“Eh sino po kayo?”

Bago makasagot si Noel, naglakas-loob si Lara na lumabas.

“Lara?”

“Hi Noel! Hindi mo na ba ako nakilala?”

“Hindi naman sa ganun. Kaya lang malaki ang ipinagbago mo. Ok ka lang ba?”

“Awa ng Diyos, nakakaraos Noel. Dalawang taon na ang anak ko. Comusta na sina Charisse at Nico?”

“Ayon, magdadalaga na si Charisse at si Nico naman’y gra-gaduate na sa elementary.”

“At ikaw comusta ka na rin?” dagdag niyang tanong kay Noel.

“Eto biyudo pa rin!” birong sagot ng dating kasulatan.

“Narito ba ang asawa mo sa ngayon?”

“Sad to say never siya narito at wala na rin akong balita sa kanya Noel. Mahabang istorya and am better off na wala siya sa piling namin, unless….” Natigilan si Lara, “Kaya eto biyudang buhay!”

“Ay, biyudo at biyuda nagkatagpo?” pag-aabala ng dalagita sa dalawa.

“Hindi mo naituloy ang sinasabi mo kanina. Ano ang karugtong ng ‘unless’?”

“Unless talikuran na niya ang kanyang pag-aabroad at kami naman ang harapin.”

Hindi na binigyan ni Lara ng pagkakataong makapag-usisa pa si

Noel. Inalok niya ang huli na pumasok at pinasilip ang batang natutulog.

“Mmm..magandang puli Lara.”

“Guwapo ang ama ‘no?” pagyayabang ni Lara.

Banaag sa katauhan ni Lara ang kasiyahan noong mga sandaling iyon. Kung baga sa halamang lamyot, nasikatan siya ng araw. Inusisa niya si Noel, kung paano nito natunton ang kanilang tirahan at kung ano ang nagdala sa kanya doon.

“Hindi kita masasagot Lara, kung ano man ang nagdala sa akin dito. Puso’t kaluluwa ko marahil?”

“Hindi ko maiwawaksi at hindi kita makakalimutan Lara at hindi ako hihinto na subaybayan ko ang buhay mo.

Kung iiyak ka iiyak din ako, at kung masaya ka masaya rin ako. Ngayon kapag tiyak kong masaya ka na, doon na kita hahayaan.”

“Eto na naman tayo Noel. Huwag mo na akong pahirapan please. Kung mahal mo ako bilang kaibigan, kalimutan na natin ang minsang pinagdaanan natin,” pakiusap ni Lara.

“Hindi ko maiwawaksi at hindi kita makakalimutan Lara at hindi ako hihinto na subaybayan ko ang buhay mo.

Kung iiyak ka iiyak din ako, at kung masaya ka masaya rin ako. Ngayon kapag tiyak kong masaya ka na, doon na kita hahayaan.”

“What else can I say Noel kundi magpasalamat sa concerns mo sa akin. Noon kase ayaw sa akin ni Charisse. Natakot ka rin sa banta niya na iisa lang ang mama niya, at ayaw niyang mapalitan mo. Si Nico lang ang nagkagiliw sa akin. Pero nangyari na ang lahat. At hindi ko

Page 18: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

18 www.pinoytayosanman.com \ october 2010

pinagsisisihan na nagkaroon ako ng anak.”

“Ano kaya kung unti-unti kong ilapit sa iyo si Charisse para magkaroon kayo ng bonding, like ilabas natin ang mga bata once in a while?” mungkahi ni Noel

“At ano naman ang iniisip mo? Isa-isip natin na kasal ako kay Renie? Huwag na tayong mangarap at magsugal Noel. Manatili tayong magkaibigan, bakit hindi. Huwag mong saktan ang damdamin ng anak mo. Tandaan mo, nag-aaral pa ‘yan.Paano na lang kung magrebelde?”

Nalungkot si Noel sa mga pahayag na ‘yon ni Lara. Talaga bang wala na siyang pag-asa kay Lara? Kailan ba siya maghihintay ng pagkakataon? Masisisi ba niya ang kanyang anak na si Charisse?

“Ang problema anak ay hindi nalulutas ng isa na namang problema. Hindi maaaring kay Noel ka na naman masadsad. Pangatlo mo na ‘yan kung sakali. Minsan nga iniisip kong wala kang suwerte sa lalaki. Mabuti ka namang nilalang. Nakapag-asawa ka ng super bait na si Aries, maaga naman siyang kinuha ng Tagapalikha. Pinakasalan ka ni Renie at nabigyan ng anak pero ayon pakawala naman. Pero kahit manawari sa iyo rin ang huling halakhak. Kung walang pangalawang gloria, lalong walang pangatlo,” payo ng ina sa kanyang muling pagbisita.

“How I wish, Inay, na maging masaya rin si Noel for the rest of his life. Dahil sa anak niya, sobra ang sacrifi ce na ginagawa. Kaya nga wine-welcome ko sila ni Nico dito sa bahay na pumasyal. Naghahanap din ng ina-inahan ‘yong bata at doon ako naaawa sa kanya.”

“Makakatulong din ‘yon sa pagsagupa ng emosyon nilang mag-ama pero paano na kung kumatok ang temptasyon?”

“’Nay, hindi ko po dudungisan ang kasamiento namin ni Renie kahit pa nagagawa na niya ito sa akin, alang-alang sa anak namin. Kaya nga ayaw kong lumalaki siya na nakikita niya si Noel.”

“Maganda ‘yang sinabi mo Lara. Gumawa tayo ng paraan upang hindi na makapunta si Noel dito sa inyo.

Halimbawa, sabihin mong, bumalik na si Renie dito for good. Hindi masama ang pagsisinungaling kung ito’y para sa kapakanan. Maiintindihan na ng Diyos ‘yon.”

Sinunod ni Lara ang payo ng kanyang ina subalit paglipas ng dalawang taon, nag-krus na naman ng landas nina Noel at Lara. Noon ay ‘All Saints Day’ sa Pasig Cemetery. Parehong naroon ang libingan ng nasirang unang asawa ni Lara at ang kay Noel. Papalabas na ang mag-ina nang biglang…

“Tita Lara… Tita Lara...”

“Nico!” madamdam niyang sagot.

Noon ay nakatitig lang sa kanila sina Noel at Charisse.

“Siya ba ang sinasabi ninyong Lara, Papa?” tanong ni Charisse.

“Oo anak, siya si Tita Lara niyong nagpapadala noon ng mga chocolate. Anak niya ‘yong kinakarga ni Nico.”

“Bakit kilala ni Nico ang bata?”

“Minsan, nakakasalubong din namin sila sa Cubao,” pagsisinungaling ng ama. Walang pag-uusap na nangyari sa pagitan nina Noel at Lara noon.

Dumistansiya siya…Nag-alangan… Inisip niyang baka nasa tabi-tabi lang si Renie. Pero ang puso niya’y nakatuon pa rin kay Lara.

Kung inyong matatandaan, sa unang kabanata ng ating nobela, may katanungan si Twinkle sa kanyang ina… “Mama, bakit may papa ako sa sementeryo, may papa pa ako sa Saudi?”

Sinagot naman siya ng ina na paglaki niya maiintindihan niya kung bakit dalawa ang kanyang papa. Apat na taon siya noon at nasa nursery na. Tinanong din niya ang kanyang ina kung kailan niya makikita ang kanyang ama.

Magkikita nga kaya ang mag-ama?

Abangan ang pagtatapos ng ating nobela…

Page 19: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

44 www.pinoytayosanman.com \ october 2010

template.indd 44 10/7/10 11:03:54 AM

Page 20: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

20 www.pinoytayosanman.com \ october2010

usapang legalusapang legal

Kung gusto ninyo mag-text kay Atty. AGA, magpunta lang kayo sa 1528 SMART at sasabihin sa inyo kung papaano kayo magtext sa akin at maski nasaan ako, matatanggap ko po ang inyong mga text messages

Dear Atty. AGA,

Ako po si Jordan, isang masugid ninyong tagapakinig sa inyong radio program kasama si Tita Kerry. Nais ko lamang po na isangguni ang problema ko sa aking buhay pag-aasawa. Sa totoo lamang po Atty, ay pinangarap ko noon na magkaroon ng isang mahusay na pamilya subalit ang lahat ng mga pangarap kong ito ay naglaho na.

Ang napangasawa ko ay si Maya Joy, na aking kasintahan ng may ilang buwan lamang. Dati ay mataas ang aking pagtingin sa kaniya subalit nang nakasama ko na siya ay iiwan-iwan lamang pala ako at kung kani-kaninong lalaki kumakabit.

Ang masaklap ay nagkaroon pa po siya ng anak sa mga lalaking kinasama niya. Noong una ay pinapatawad ko pa siya subalit ngayong buntis na naman siya sa ibang lalaki ay tila sukdol na ako at hindi ko na makakayanan. Hindi naman po siya ganoon noong kami ay ikinasal.

Sa ngayon po ay gusto ko ng gumawa ng legal na hakbang upang mahiwalayan ko na siya at mapawalang bisa na din ang aming kasal. Maaari ko po bang gamitin

yung parati ninyong sinasabi sa ere na ground ang psychological incapacity upang mapawalang bisa ang aming kasal dahil sa ginagawang panlalalaki ng aking asawa?

Lubos na gumagalang,

Jordan

Ayon sa pagkalahad mo ng iyong kasaysayan, tanging ang panlalalaki lamang ng iyong asawa ang basehan mo para ipawalang-bisa ang inyong kasal. Ang ginawa at patuloy na ginagawa ng iyong asawa ay sexual infi delity lamang.

Ang sexual infi delity na ito can hardly qualify o upang ituring siya as being mentally ill to such an extent that she could not have known the obligations she was assuming, or knowing them, could not have given a valid assumption thereof.

Bukod pa dito, sinabi mo na ang mga gawaing ito ng iyong asawa ay hindi existing bago kayo ikinasal at ganun din sa araw ng inyong kasal. Ayon sa Article 36

Page 21: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

21www.pinoytayosanman.com \ october 2010

ng ating Family Code, ang psychological incapacity must be existing at the time of the celebration of the marriage. The evidence must show that the illness was existing when the parties exchanged their “I do’s.” Ang panlalaki ng iyong asawa ay maaaring manifestation ng disordered personality subalit upang magamit na ground at ituring na psychological incapacity, kailangan na ito ang magdulot ng kawalang kakayahan ng iyong asawa upang mag-discharge niya ang kaniyang essential obligations of the marital state, not merely due to her immaturity and sexual promiscuity.

At best, ang ginagawang ito ng iyong kabiyak ay itinuturing na sexual infi delity at ground for legal separation under Article 55 ng ating Family Code. Maaari lamang kayong makapag-hiwalay ng legal subalit hindi mapapawalang bisa ng decree ng korte ang inyong kasal. Ganito din ang sinabi ng ating Korte Suprema sa kasong David B. Debel vs. Court of Appeals (G.R. No. 151867, January 29, 2004).

Mas mabuti pa, magpunta ka sa

isang psychiatrist or clinical psychologist para malaman mo rin ang sagot nila. Ang payo na binigay ko ay isang payo ng isang abogado at hindi isang psychiatrist or clinical psychologist. Huwag ka sanang mawalan ng pag-asa.

Kung kayo ay may mga bagay na nais

malaman o problemang nais na idulog, maaari kayong sumulat sa shop ni Tita Kerry sa Shop 367, 3/F Worldwide Plaza, 19 Des Voeux Road Central Hong Kong tel # 2542 3396, Attention: ATTY. AGA. Pwede rin ninyo akong pakinggan sa PTS, 1044AM Metro Plus tuwing Byernes nang gabi at ngayon, pwede na kayong manood sa ating radio program sa Pilipinas, araw-araw 6:00-7:30pm via www.rmn.ph/tv o mag-text sa akin, magpunta lang kayo sa 1528 SMART at sasabihin sa inyo kung papaano kayo magtext sa akin at maski nasaan ako, matatanggap ko po ang inyong mga text messages. Pwede ring mag-email sa [email protected]

Lagi po nating tandaan, ITAGUYOD NATIN ANG LAKAS NG ATING BATAS SA PILIPINAS! PTS

1. Sir,hngi po sana ako ng 2long.ang bby ko po ay d mkalbs ng hsptal dhl wala kaming pambyd sa mga prof.fees ng mga dr.ang naibyad ko na po ang mre than 200th na.walang wala na po akng pera.pnangutang ko lang ang perang pnambyd ko.im so scared po and i fl so hlpless.

Ang una mong gawin ay pumunta ka sa Credit and Finance Department ng ospital kung saan nakaconfi ne ang anak mo. Makipag-usap ka sa Head Of Department at makiusap ka na kung maaari ay gumawa ka ng promissory note na nagsasaad na nangangako ka na babayaran mo ang utang mo sa ospital para makalabas na ang iyong anak. Kung nasa charity ward naman yung baby mo, obligation ng hospital na payagan pauwiin ang bata. Otherwise, magiging criminally liable sila.

2. gud pm po atty. aga ask q lng po kc my nkuha q n sangla bahay ung ksulatan e

gawa lang s bhay sa brgy. Tpos nkpirma 2 ank n babae my mga pmilya n sk tatay nla nkatira n man kmi s haus n cnanla smin ang pr0blema cnanla uli nla s iba mgkaparehas po ang presyo ng pagkasangla tapos sa barangay po sila nag-usap ung kasultan namin eh di dumaan ng barangay. Ang problema namin gusto na rin tirahan ung bhay e kami ang nakatira. Salamat po jay.

Salamat sa iyo pagtext jay. Ang iyong pinasok na kontrata ay antichresis. Kung saan maari mong magamit ang isang bagay at pakinabangan ito at kunin ang kita at iapply ang kita nito una sa interes ng utang at matapos ay sa principal nito. Bagama’t ang inyong kontrata ay hindi notaryado, ito ay may sa pagitan niyo ng may utang.

Ayon sa ating New Civil Code particular na sa Article 2136, “ang may utang ay hindi maaaring makuha ang naturang

21www.pinoytayosanman.com \ october 2010

Page 22: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

22 www.pinoytayosanman.com \ october2010

ari-arian kung hindi pa niya nababayran ng buo ng pagkakautang”. Dahil dito, may karapatan ka na huwag muna isauli ang naturang isinanla sa iyo hangga’t hindi pa bayad ang utang.

3. good evening atty. may utang po ako sa bangko sa pinas na halagang 15,000.00 kaso di ko po nabayaran 5 years ago na. Ngayon nakatanggap ko ng sulat pag di ko po nabayaran ay hahakutin nila gamit ko. Pwede po ba yun? At maaari po ba ako makulong pag di ko nabayaran yung utang ko sa bangko. Joy.Ang natanggap mo sa bangko ay demand letter. Sa ngayon ay hindi pa maaaring makuha ang mga personal mong pag-aari. Ngunit kung hindi ka makakabayad at ikaw ay hinabla matapos ay natalo ka at hindi mo pa rin binayaran ang utang mo ayon sa desisyong ng korte, pwede mag-isyu ng writ of garnishment ang naturang korte upang makuha ang mga personal property mo. Pero mayroon tayong mga bagay na exemption from execution like your necessary clothing and articles for ordinary personal use and household furnished which is mentioned in the Rules of Court 39, Section 13.Hinggil naman sa tanong mo kung maaari kang makulong kung hindi ka makabayad, ito ay hindi maaaring mangyari dahil ayon sa ating Saligang batas Partikular ng sa Article III, Section 20, isinasaad ang sumusunod: No person shall be imprisoned for debt or non-payment of a poll tax.Inihahayag dito na ang taong hindi makabayad ng utang ay hindi maaaring makulong. This is the general rule.

Pero kung ako sayo, maikpag-settle ka na sa bangko para hindi lumaki ang utang mo sa kanila.

4. Ung lupa ng tatay q ay npagalaman nmin may smakop at nptitulohan ung klahati.gmit ang arp no.ng declared owner na nkuha nmin ay pmunta at humingi kme ng kopya ng title s Reg. of deeds,naga pro hindi cla binigay.pmunta kme,at smulat s LRA pro wla ring ngyari.hnggang ngaun,trnsmittal prin at wlang titulo ang lupa ng tatay q since he applied 4 free patent in 1971.kme ang nkaoccupy s lupa,mpatitulohan p b i2 n hawak p nmin ang transmittal?

Inilapit mo nab a sa DENR ang land dispute ninyo? Kung hindi pa, maaari kayong lumapit sa DENR upang maiayos ang inyong karapatan sa nasabing lupa na inaward sa tatay mo. I-follow up mo lang sa LRA ang application ninyo. Maaari ninyong patituluhan ito basta makumpleto ninyo ang mga dokumentong magpapatunay na sa inyo ang nasabing lupa. Since free patent ang pinag-uusapan mo, ang jurisdiction niyan ay sa DENR.

5. Atty.Aga gud pm po. Tanong ko lang kung ano pwdng gawin ng pnsan ko,na inabandona ng knyang asawang kumag,may 3 po clang anak ung 1 po ay palageng may sakit,hnd po cla snusustn2han,6yrs na wlang susten2,nsa abroad po asawa nya,pti po sa sarili nlang pamamahay pnalayas nadin po cla ng kanyan byanan,sana po atty ma2lungan nyo pnsan ko,nkkaawa po kc nagkaasawa ng kumag sna mbgyan ng leksyon,thank u idol.

Maaari mo siyang sampahan ng kasong paglabag sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children. Maaari mo rin siya kasuhan ng kasong Abandonment. Pumunta ka sa pinakamalapit na Women’s Desk sa inyong lugar upang magawan ka ng sinumpaang salaysay. Ito ay iimbestigahan ng piskal at bibigyan ang pinsan mo gayundin ang asawa niya ng kaukulang oras upang sagutin ang sumbong ng iyong pinsan. Sakaling mapatunayan ng piskal na may probable cause o posibleng may nagawang paglabag sa batas ang asawa ng pinsan mo, ito ay ipa-fi le sa korte at mag-iisyu ng warrant of arrest ang korte. Sa pagsampa mo ng kasong paglabag sa R.A. 9262, maaari ka rin mag-aplay for a protection order (permanent o temporary) para na rin sa kaligtasan ng pinsan mo at ng mga anak niya. Maaari niya rin hilingin sa korte na huwag nang payagan pang makaalis muna ng bansa ang asawa niya habang dinidinig o habang hindi pa natatapos ang kaso nila.

22 www.pinoytayosanman.com \ october2010

Page 23: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

44 www.pinoytayosanman.com \ july2010

ATTYAGA POSTER.indd 44 7/9/2010 11:01:45 PM

Page 24: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

24 www.pinoytayosanman.com \ october 2010

usapang pangkalusugan

Sa ating modernong panahon ngayon, maraming karamdaman o iba’t ibang sakit ang dumarating sa atin na hindi natin nararanasan noong mga unang panahon. Isa sa mga kadahilanan nito ay maaaring galing sa pagkain at iniinom natin na may chemical na nakakapagdulot ng kung anu-anong sakit in the long run. Sa tubig na lang, pag sobra ang chlorine may masamang epekto ito. Makakabuti ang uminom tayo ng purified water. Kaya mas simple ang pagkain, mas makakabuti sa ating katawan at kalusugan.

Ang mga polusyon sa ating kapaligiran ay isang malaking parte sa ating kalusugan. Too much pollution can cause weakening of body tissue, reducing body resistance. Iba’t ibang klaseng polusyon ang pag-iiral sa ating kapaligiran.

Mayroon tayong tinatawag na noise pollution. Ang mga regular o ordinary conversation na nadidinig natin ay tinatawag nating SOUND. Pero kapag masyadong malakas ang sound at umabot sa higit sa 90 decibel, ang tawag dito ay NOISE. Ang mga sound katulad ng mga makina ng eroplano, industrial equipment, gunfire, firecracker explosion, very loud disco music ay NOISE. Ang epekto nito ay hindi kaagad mararamdaman. It will take years before the actual damage can be noticed. May mga individual na kung mapapansin ninyo ay malakas magsalita, kadalasan ay mahina o humihina ang pandinig nila. Kapag ang damage ay dahil sa noise, hindi na maibabalik ang dating pandinig

dahil na-damage na ang nerve located in the inner ear. Kung malala na ang paghina ng pandinig, hearing aid ang remedyo para mapalakas ang natitirang pandinig. Suggestion: use ear protection like ear muff or avoid being exposed to loud noises.

Mga sintomas ng EAR INFECTION: masakit ang tenga, may discharge sa tenga, feeling of fullness, may nakaharang o mabigat ang tenga, parang may tubig na hindi matanggal. Makabubuti na huwag gagalawin ang tenga at magpapatingin sa isang EENT specialist.

Kadalasang ginagawa sa may ganitong karamdaman ay galawin ang tenga sa pamamagitan ng cotton buds. Kapag malala na at saka dinadala sa doctor. Puwedeng mapunta ang sakit na ito sa eardrum damage leading to otitis media dahil sa kapabayaang ito. Dito nagmumula ang karaniwang nating

Makilahok! Makisali! Makiisa! Makichikahan! Makibati!sa lumalaking pamilya namin sa!

Page 25: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

25www.pinoytayosanman.com \ october 2010

nakikitang discharge (luga) na lumalabas sa tenga. Kapag ang sipon ay lumalabas sa tenga, kadalasan butas ang eardrum. Hindi ito normal. Mali ang akala ng iba na normal ito. Iwasan ito para maiwasan ang infection na dulot nito. Pinapayo din na iwasan ang sobrang paglilinis ng tenga. Ito ang pinagmumulan ng ear infection.

Ang tinnitus ay isang symptom na ang pasyente lang ang nakakadinig (subjective). Impacted cerumen o matigas na tutule ay puwedeng magdulot nito. Puwede rin itong pagmulan ng middle ear infection. If in the inner ear maaring vascular ang pinagmulan, mas mahirap o matagal ang gamutan nito at kung minsan ay nagiging permanent na ang sakit.

Sa mga kalagayan na ito at sa iba pa na nagdudulot ng discomfort mas makakabuti na magpaeksamen kayo sa isang EENT specialist na may sapat na kaalaman ukol sa ganitong sakit at may mga medical instruments na kailangan para maeksamin mabuti ang pasyente. Sa isang EENTspecialist kayo magpatingin. Ang isang EENT specialty ay isang branch ng medicine na instrument-oriented specialty (maraming instrument ang kailangan para maeksamin mabuti ang pasyente).

Early check-up, next to prevention, is the best advise. PTS

Makilahok! Makisali! Makiisa! Makichikahan! Makibati!sa lumalaking pamilya namin sa!

25www.pinoytayosanman.com \ october 2010

Page 26: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

26 www.pinoytayosanman.com \ october 201026 www.pinoytayosanman.com \ october 2010

cover story

Page 27: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

27www.pinoytayosanman.com \ october 2010

KAPAG may mga anak na naliligaw ng landas madalas nating naririnig na katwiran nila ay dahil sa kapabayaan ng kanilang mga magulang o dahil naghiwalay ang mga ito. In some instances ay tutuo ang mga ito. Pero bakit may mga batang sa kanilang paglaki ay nagiging matagumpay? Na dapat, kung tutuusin, ay mas higit pa ang mga emosyonal at pisikal na hirap na pinagdaanan? Marahil ay dahil na rin sa magkakaiba ang kanilang mga pananaw sa ganitong aspeto. Mayruong mga positibo sa buhay at mayruon naman na kaagad na pinanghihinaan ng loob. Yung mga positibo they start rising up from the wrecked life while others choose to remain living in the dark side. A matter of choice? It could be.

THE ROUGH ROAD TO SUCCESS

Si Johan Santos ay nagka-isip at lumaki na salat sa buhay. Kaya naman nang magkaruon na siya ng kakayahan na makapagtrabaho at kumita ay napahalagahan niya ang katutohanan na kung ano ang wala sa iyo ay pagsikapan mong makuha sa sarili mong pagsisikap at higit sa lahat ay sa mabuting paraan. Inumpisahan niyang harapin ang pagsasa-ayos ng pundasyon ng kanilang pamilya sa halip na talikuran ito. Isang bagay na taliwas sa ilang kabataan na tumatalikod at ayaw lumaban sa katutohanan ng buhay.

Panganay si Johan sa kanilang tatlong magkakapatid na lalaki. Plain housewife ang kanilang ina at ang ama naman niya ay isang empleyado sa isang car store. Working student na siya nuon pa man bilang receptionist at food server sa isang restaurant. Kahit na working student siya ay nakakayanan pa rin niya ang makatulong sa pag papa-aral sa dalawa niyang nakababatang mga kapatid. Pinagpala naman siya na magkaruon ng star potentional na hitsura na nagbigay sa kanya ng confi dence para sumali sa

Pinoy Big Brother, isang reality show na kinahuhumalingan ng maraming Pinoy viewers. Sa palabas na iyon, ang sino mang makatagal sa loob ng bahay ni Big Brother for three months with less offence and who would get the most number of text votes from the outside world – ang siyang magwawagi. Pero ang magiging pinakapuhunan ng isang maninirahan duon ay ang kanyang character o personality. Lalabas ang tunay na ugali ng mga participants sa paglipas ng mga araw. At ang pinakamatindi – ito ay isang psywar. Kabilang si Johan sa pangalawang batch na pumasok sa PBB. Upon meeting the other housemates, maraming characters na mababasa sa mukha niya. Pero nangingibabaw ang isang statement-“Kaya ko ‘to”. As days pass by, nagmistulang kimi o intimidated si Johan. May mga viewers na nagkukomento na he has nothing to offer naman pala. Pamasid-masid lang kasi siya at pangiti-ngiti. At ang PBB is not for the boy next door type but rather to those who are “palaban”. Pero habang nalalapit ang pagtatapos ng reality show ay nag-umpisang kuminang ang isang tahimik na binata.

Sa isang pagkakataon ay nakipag-usap si Johan kay Big Brother sa loob ng confession room. Dito niya ipinagtapat ang mga hirap at sama ng loob na pinagdadaanan ng kanyang pamilya. Isa na dito ay ang domestic problem ng kanyang ama’t ina. Sa gitna ng kanyang pag-iyak ay paputol-putol niyang naisalaysay ang masasakit niyang karanasan. Isa na rito ang kawalan nila ng sariling bahay kung kaya kinailangan nilang makipanuluyan sa isang kamag-anak. Dito rin nila naranasang makarinig at pakitaan ng hindi magagandang pakikisama. Isang naging kapansin-pansin kay Johan ay ang hangarin niyang maiangat ang antas ng pamumuhay ng kanyang pamilya kung saan madalas pa

Page 28: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

28 www.pinoytayosanman.com \ october 2010

nga niyang banggitin ang mga salitang “para kay Mama”. Hindi alam ng Mama niya na nag-audition siya sa PBB. Kung saka-sakaling matatanggap siya ay saka sana niya planong ipaalam ito. “Susorpresahin ko sana siya pero nang dumating ang notice na natanggap ako at kailangan ko ng magreport-- Tapos… yun na yun. Ang bilis ng mga pangyayari. Ni hindi na kami nakapag-usap na mabuti dahil kailangan ko na kaagad umalis”.

Tila nagising ang isang natutulog na dragon sa katauhan ni Johan matapos niyang maibulalas ang kanyang mga hinanakit at saloobin sa confession room. Sa mga natitirang araw ay isang aktibong Johan ang napanuod ng mga viewers at ng kanyang mga housemates. Naging aktibo siyang lalo sa mga game competitions lalo na sa basketball game kung saan siya ang naging star player. Ang larong ito sana ang gusto niyang tahakin bilang kanyang career. Big dream niya ito as a child pero natanggap niya na hindi lahat ng pangarap ay natutupad at may mga bagay naman na hindi mo hinihiling pero ibinibigay ng nasa Itaas. At yuon na nga ang naging simula ng pag-ariba ng isang Johan Santos sa loob ng Big Brother house. Kumbaga sa basketball game ay last three minutes to make or break it. “Ang hindi po kasi alam ng mga viewers ay napakatindi ng pressure sa loob ng Bahay ni Kuya. Lahat kami ay magkaka-iba ng mga ugali. Yun po kasi ang hamon sa amin. Kung paano

kami makakatagal na magkakasama dahil siniguro nila na talagang magkakaiba kami ng personality”.

Ngunit gaano man kahigpit at kainit ang naging labanan ay walang nakasamaan ng loob si Johan sa isa man sa kanila. Nakaya niyang pakisamahan ang lahat bagama’t may isa siyang itinuturing na naging best friend duon. “Si Tibo… kasi mabait talaga siya. Kuya siya ng lahat.” In the end, Johan ends up as the fourth winner. Not bad considering all the tough challenges and the almost unbearable pressures during the competition. “Basta mahalin mo lang ang ginagawa mo kung alam mong tama ito”.

Sa kanyang pagkakapanalo, hindi nag-iba ang karamihan sa mga pananaw ni Jon. Pag-aaral pa rin ang kanyang prioridad. He is now on his third year at the Lyceum University taking up HRM. “Very unstable kasi ang pag-aartista. Hindi ko alam kung ano ang magiging future ko sa showbiz kaya gusto ko talagang makapagtapos ng pag-aaral ko”. Malaking tulong sa pamilya ni Johan ang kanyang pagkakapanalo sa PBB. From the cash prize at sa kanyang mga talent fees na natatanggap mula sa mga projects ay nakapagpatayo na siya ng isang kainan. And he was quick to humbly correct this writer na-“Hindi po siya restaurant… Karinderia lang po siya”. What is really noticeable to Johan is his humility and his ability to call a spade a spade. He has no pretentions in life and that good trait made him emerge as one of the big six winners in the PBB competition aside from his boyish looks that make the girls (and the girlish) swoon over him. His toothy smile shows as the mere mention of having a girlfriend. “Dami pa pong trabaho. Pinag-aaral ko pa rin yung dalawa kong kapatid.” Kahit saang anggulo mapunta

“Very unstable kasi ang pag-aartista. Hindi ko alam kung ano ang magiging future ko sa showbiz kaya gusto ko talagang makapagtapos ng pag-aaral ko”.

Page 29: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

29www.pinoytayosanman.com \ october 2010

ang pakikipag-usap ko kay Johan ay iisa pa rin ang tinutumbok nitong pinatutunguhan – ang kanyang pamilya. Pinoy na Pinoy sa makabagong panahon. Ika nga e the guy every Mama would love to be her son-in-law. And as if it’s not enough, “Pinahinto ko na rin po si Papa sa pagtatrabaho kasi buong buhay niya halos nanduon na siya sa car store. Naaawa na ako sa kanya. Kaya kahit maliit na negosyo pinagtutulungan na lang namin. Yun ngang karinderia. Kami nina Mama. Nakakuha na rin po ako ng bahay sa may Roosevelt at duon na rin yung maliit na kainan”.

HIS HEART GOES WITH THE OFW’S

Indeed, this guy has a strong family ties now. Ang pagkakaruon ng clean living ang isang malaking puhunan niya para makipagsabayan sa laban sa showbiz man o sa personal na buhay. “Basta trabaho lang ang gusto ko para matulungan ko ang pamilya ko,” adds Johan once more.

Ikinagulat ngunit sa kalaunan ay tinawanan na lamang ni Johan ang unang hampas sa kanya ng intriga kapalit ng kanyang pagsikat. Isang malaswang video ang kumalat sa internet. Sa unang tingin ay kamukhang-kamukha niya ito ngunit after a few seconds ay malayong malayo na sa features niya ang lalaking nasa video.

Nagplano rin ba siya na makapagtrabaho sa abroad bago siya naging artista? “Hindi ko pa naman na-iisip pero I have nothing against it”. Bago ito ay nabanggit ko kasi sa kanya na some religious sectors are opposing the idea of a family member going abroad to be able to earn money to support at least the basic needs of his/her family to which the PBB fourth placer winner gave his impressive opinion. “In the first place… hindi naman umaalis ang mga OFW’s para magpasarap sa ibang bansa. You can just imagine kung gaano kasakit sa kanila ang mawalay sa kanilang pamilya considering na ang mga Pinoy meron talagang strong family ties. Kaya ang sakit nuon pero umaalis pa rin sila kasi gusto nilang mabago ang takbo ng kanilang buhay. Gusto nilang mapag-aral yung mga anak at makatikim ng ginhawa na hindi naibibigay ng gobyerno natin. Kung tutuusin sila pa nga ang

nakakapagbigay ng tulong para sa ikauunlad ng ekonomiya ng bansa natin”. Habang nagbibigay ng personal niyang opinion si Johan ay bahagyang lumakas ang kanyang boses kasabay ng pagmwestra ng kanyang mga kamay. Isang pagpapatutuo ito na nakakarelate siya sa kahirapan ng buhay. Isang katibayan din ito na alam niya ang nangyayari sa kanyang kapaligiran. Ang kanyang mga salita ay kararamdaman ng malasakit sa kanyang kapwa Pinoy na nasa mababang antas ng lipunan. “Kung maibibigay lamang ng gobyerno at ng religious sectors ang mga tulong o opportunities na kinakailangan ng mga napipilitang magtrabaho sa ibang bansa then, siguro and I believe walang mangingibang bayan para maging OFW. Kumbaga magbigay sila ng option. Di ba ganuon lang naman kasimple yun?”

As I’ve noticed, his warm concern in the issue of the Pinoys should not be away from their families to work abroad because it’s not a good idea, Johan could have stayed with me to discuss the matter if only he owns his precious time. We then stood up as a sign of ending up the interview and making ready to bid goodbye. But Johan is yet to say more about the issue. “Kung ako lang… hindi ko isinasara ang sarili ko para makapagtrabaho sa abroad. Sama-sama nga ang pamilya pero papaano kung pare-pareho tayong walang pera? Saan na tayo pupunta? Paano mag-aaral mga anak mo? Paano kayo kakain? Huwag naman sana pero paano kapag may nagkasakit sa pamilya? Modern age na tayo. Pag pumunta ka sa abroad para magtrabaho hindi ibig sabihin nuon e tumatalikod ka na sa pamilya mo. On the contrary ginagawa mo ito dahil sa laki ng pagmamahal mo sa pamilya mo.” Now-that is very well said from the good son. PTS

“Very unstable kasi ang pag-aartista. Hindi ko alam kung ano ang magiging future ko sa showbiz kaya gusto ko talagang makapagtapos ng pag-aaral ko”.

Page 30: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

30 www.pinoytayosanman.com \ october20103030 www.pinoytayosanman.com \ october2010www.pinoytayosanman.com \ october2010

lovingly yours, tita kerry

Dearest Tita Kerry,

Musta po kayo? Sana’y nasa mabuti kayong kalagayan at nawa’y patuloy pa namin kayong mapakinggan sa radio ng mahabang panahon dahil kayo po ni Kuya Mike ang aming kaligayahan dito sa HK. Malaking tulong po ang inyong programa sa aming mga OFWs dito.

Tawagin nyo na lang akong Lucy ng Cagayan, 47 yrs old, may asawa at tatlong anak sa Pilipinas. Ok naman po ang pagsasama namin ng asawa ko kahit may mga di pagkakaunawaan at talagang kailangan ng isang malawak na pang-unawa para di mawasak ng tuluyan ang aming tahanan. Nagluko rin ho kasi si mister na lubhang sakit at dagok na yata sa isang OFW na kagaya ko. Ang ginawa ko na lang ay inunawa ko sya na wala ako do’n at di ko sya kinompronta o sinumbatan at kahit alam kong alam nya na di nya na ‘yon pwedeng itago sa akin ay wala s’yang narinig sa akin at patuloy ako sa dati kong gawi sa kanya na mapagmahal at maalalahanin.

Di ako nagbago o nang-nag sa kanya o nang-away o nagbitaw ng masasakit na salita. Pati mga anak ko sinabihan ko na intindihin ang Papa nila at wala ako do’n at nagsasaya lang ‘yon para di ako maisip at di sya malungkot. Yung panganay ko ang nagsasabi sa akin ng lahat ng kalokohan ng papa

nila at nagtataka nga ito sa akin na bakit daw di ako nagagalit sa papa nila sa kabila ng lahat. Ang sabi ko sa anak ko ay mahal ko ang papa nyo at alam kong mahal nya rin tayo at di ipagpapalit. Oo, nasasaktan ako at di ako manhid pero kailangan ko s’yang unawain, at ipunawa rin sa lahat ng mga anak ko dahil iyon ang kahinaan ng kanilang ama. At pag andyan ako ibinibigay ni papa nyo at ipinadadama sa akin ang kanyang pagmamahal. Sabi ko sa panganay ko ay darating ang araw ay mag-aasawa din sya at darating sa ganitong pagsubok at do’n nya malalaman kung bakit ko ginagawa ito: to save my family and to save our relationship.

Marami na ang sirang pamilya ng OFWs at marami akong kaibigan na ganito at maging sila pag kwentuhan ay tinatanong ako o di ba nagluluko si mister mo sa ‘Pinas? Ang sagot ko ay hindi kasi mahal ako nun at di ko na dapat pang ipagsabi ang kahinaan ng mister ko at ang mga problema sa aming pamilya. Natutunan ko ‘yan sa magulang ko Tita Kerry na hangga’t maaari ay itago mo ang anumang alitan o sigalot sa inyong mag-asawa at kayo na lang ang mag-solve nito at huwag na kayong mandamay. Nag-aaway din ang tatay at nanay ko no’n pero di sa harapan namin at palaging pinakikita sa amin na sweet sila at walang problema. Yun pala galing sila sa pagtatalong dalawa at makikita mo naman sa mata

PINATAWAD KO SI MISTER, PERO HINDI SIYA MAPATAWAD NG MGA ANAK KO

Page 31: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

31www.pinoytayosanman.com \ october 2010 3131www.pinoytayosanman.com \ october 2010www.pinoytayosanman.com \ october 2010

ng nanay ko na umiyak sya pero ngingiti pa rin siya sa amin at tatawa na lang at sasabihin na kaya sya umiyak ay dahil sa tatay nyo, may sorpresa pala ito sa akin at pilit nya itong pagtatakpan. Ito ang namana ko sa kanya para rin sa mga anak ko.

Tita Kerry sa totoo lang di yata nakayanan ng konsensya ng mister ko ang nangyari at humingi ito ng tawad sa akin at pinagtapat ang kanyang mga kalokohan at umiyak ito sa akin at nagpapasalamat sya at inunawa ko sya. Sya rin ang nagsabi na alam kong alam mo ang mga ginagawa ko dito at sinabi sa iyo ng mga anak natin at wala akong narinig man lang sa iyo. Pero ang mga anak mo galit sa akin lalo na ang panganay natin. Sana daw ay mapatawad ko sya at ganon din ang mga bata kasi lumalayo daw ang loob ng mga ito sa kanya. Parang pinagkaisahan sya sa bahay ng mga ito at ano daw ang gagawin nya. Nagkasagutan daw sila ng panganay ko at do’n sya nabigla sa sinabi nito na, “Kung di ka naaawa kay Mama kami naaawa sa kanya at sa pagsasakripisyo nya. Wala kang kwentang ama!” Gusto nya daw sampalin ang anak ko pero para syang naupos na kandila sa kanyang kinatatayuan. Naiyak daw sya sa sama ng loob pero ito ang nagpagising sa kanya.

Sana daw ay maka-uwi ako sa lalong madaling panahon para makapag-usap-usap kami sa bahay at di nya na kaya ang tensyon. Mahal nya ang mga anak namin. Di naman daw nangangahulugan na sa kabila ng pagluluko nya ay iiwanan nya ang pamilya nya at di ito mangyayari. Sana daw ay kausapin ko ang mga anak ko at ayusin namin ito. Kinausap ko ang panganay ko sa telepono at galit talaga sya, Tita, at umiiyak sa akin at di nya daw mapapatawad si papa nya dahil nawala ang respeto nya dito. Noon pa daw nya gustong maglayas pero di nya ginawa at di nya maintindihan ang paliwanag ko na intindihin ang papa nila ganong nandon ang panloloko nya at pati ako ay tinanong na hahayaan ko na lamang daw bang ganon? Ang sabi ko ay nag-usap na kami ng papa nya

at humingi na ito ng tawad at nagsisisi na sya sa kanyang nagawa. Kung maaari nga daw ay bigyan nya pa ito ng pagkakataon gaya ko dahil ako nga di ako nagagalit sa papa nila at inuunawa ko ‘yon. Sila pa kayang mga anak lang at mas ako ang dapat magdamdam at magalit?

Di ko alam ang gagawin ko at naguguluhan din ako Tita Kerry. All I know ay naiintindihan ako ng mga anak ko lalo na ng panganay ko at alam ko at dama kong lumalaki ang tensyon at kailangan kong umuwi.

Imagine almost 12 yrs na rin po

ako dito at sa totoo lang gusto ko na rin pong mag-for good sa atin kung mayron na kong sapat na ipon dito. Kaya lang, Tita, di pa ako handa dahil nag-aaral pa ang mga anak ko. Sana ay matulungan mo ako Tita Kerry at mapayuhan sa lalong madaling panahon dahil naiipit din ako sa aking pagdedesisyon.

Yours truly,

Lucy of Cagayan

Pinoy Tayo Sanman is the longest running

Pinoy radio program in Hong Kong.

Radio DJ’s Michael Vincent & Tita Kerry has been a tandem for 21 years and added DJ The Big J to

their energetic crew.

Thurs - Sat 8:30pm - 11:00pm

Website:http://www.metroradio.com.hk/1044

PINATAWAD KO SI MISTER, PERO HINDI SIYA MAPATAWAD NG MGA ANAK KO

Page 32: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

32 www.pinoytayosanman.com \ october2010

PAYO SA PROBLEMA NI MRS. ARIES

Better umuwi ka na sa inyo at sa piling ng pamilya mo kaysa naman wala kang peace of mind lalo na sa nararamdaman mo. Better din na magpacheck-up ka sa doctor para alam mo talaga kung ano ang sakit mo na ‘yan baka mamaya ikaw lang ang nag-iisip ng negatibo at pwede pa namang maagapan. Mas talo tayo Mrs. Aries sa pa-iisip ng masama kaysa maging positibo tayo. Ipanalangin natin at ilapit sa Poong Maykapal ang lahat pero kung ako sa iyo uwi muna ako at mas mabuting pa check-up ka na sa atin.

Sis. Linda Dayrit ng Ma on Shan

Ipagdasal natin Mrs. Aries ang nararamdaman mo sa iyong dibdib at walang imposible sa Diyos na buhay at kailangan lang na taimtim tayong manalangin sa kanya at isuko natin ang lahat ng ating dalahin. Huwag mong pangunahan ang Diyos at ang mga doctor na di pa tumitingin sa iyong karamdaman at mahirap ang mag-isip ng negatibo. Kausapin mo muna ang amo mo at magpaalam o kaya dito ka na magpatingin muna at magagaling din naman ang mga doctor dito at libre ka pa, di malaki ang gastusin lalo na at maintindihan ka ng amo mo sa kalagayan mo. We have to pray hard to our Lord Jesus and He will heal you.

Sis. Remedios of Yau Ma Tei

www.pinoytayosanman.com \ october2010

FOR MORE INFORMATION / RESERVATION, PLS. CONTACT:

JVP MARKETING ENTERTAINMENT

LTD.

Shop 367, 3/F Worldwide Plaza, 19 Des Voeux Rd.,

Central HK

Tel. (852) 2542-3396

Gusto mo ba ng mga kuwentong kapupulutan ng

aral at inspirasyon?

Gusto mo bang maiyak, matuwa, atmakiliti sa mga

kuwentong hinango sa tunay

na buhay?

Page 33: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

33www.pinoytayosanman.com \ october 2010 33www.pinoytayosanman.com \ october 2010

PAYO SA PROBLEMA NI MRS. ARIES

Better umuwi ka na sa inyo at sa piling ng pamilya mo kaysa naman wala kang peace of mind lalo na sa nararamdaman mo. Better din na magpacheck-up ka sa doctor para alam mo talaga kung ano ang sakit mo na ‘yan baka mamaya ikaw lang ang nag-iisip ng negatibo at pwede pa namang maagapan. Mas talo tayo Mrs. Aries sa pa-iisip ng masama kaysa maging positibo tayo. Ipanalangin natin at ilapit sa Poong Maykapal ang lahat pero kung ako sa iyo uwi muna ako at mas mabuting pa check-up ka na sa atin.

Sis. Linda Dayrit ng Ma on Shan

Ipagdasal natin Mrs. Aries ang nararamdaman mo sa iyong dibdib at walang imposible sa Diyos na buhay at kailangan lang na taimtim tayong manalangin sa kanya at isuko natin ang lahat ng ating dalahin. Huwag mong pangunahan ang Diyos at ang mga doctor na di pa tumitingin sa iyong karamdaman at mahirap ang mag-isip ng negatibo. Kausapin mo muna ang amo mo at magpaalam o kaya dito ka na magpatingin muna at magagaling din naman ang mga doctor dito at libre ka pa, di malaki ang gastusin lalo na at maintindihan ka ng amo mo sa kalagayan mo. We have to pray hard to our Lord Jesus and He will heal you.

Sis. Remedios of Yau Ma Tei

Mrs. Aries kung ako nasa katayuan mo ay kakausapin ko ang employer ko at sasabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko at wala akong ipaglilihim. The truth will set you free at tiyak mauunawaan ka nya. Ngayon kung i-terminate ka tingnan mo ito ng positibo at better na umuwi ka muna para matingnan ‘yang bukol sa dibdib mo. Baka mas mabuting maagapan na ‘yan kaysa lumala pa. Mas mahirap kung pababayaan natin ‘yan ganong pwede namang magamot at maagapan. Kung mahal mo ang pamilya mo ay mahalin mo rin ang sarili mo dahil ang kalusugan natin ang yaman natin sa pagtatrabaho. I will pray for you.

From Letty Tomas of Kwuntong

Dear Mrs. Aries,

Una sa lahat ang aking taus pusong pasasalamat sa iyong pagsulat at pagtitiwala. Sana’y sumaiyo ang pagpapala ng Maykapal at nawa’y hipuin Nya ng Kanyang mapagpalang kamay ang iyong nararamdaman sa iyong dibdib. Nawa’y bigyan ka Nya ng lakas ng loob at isipan upang maging mas lalong matatag ang iyong paniniwala at pananampalataya, nang maalis sa iyo ang mga negatibong pag-iisip na gawa lang ng diyablo.

Gaya ng sabi ng ating mga kapatid kay Kristo na nagpayo sa iyo ay better na kausapin mo ang iyong amo at sabihin mo kung ano ang iyong kinatatakutan at kalagayan ngayon sa iyong kalusugan. Mas makabubuting maagapan ito agad kaysa lumala pa. Prevention is better that cure at sana noon ka pa nagpatingin agad nang may makapa kang bukol sa iyong dibdib at di mo sana ito ipinagwalang-bahala lamang.

Kung ang problema mo ay ang pag-aaral ng mga bata at malilipat sila sa pampublikong paaralan, sa aking palagay ay di ito malaking

problema at pwedeng mag-adjust ang mga anak mo kung talagang gusto nilang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Ang kinabukasan ng mga bata sa pagdating ng panahon ay wala sa kanilang pinanggalingang eskwelahan bagkus ito’y nasa kanilang diskarte pagdating ng araw lalo na at nabigyan mo sila ng lakas ng loob para lumaban sa hamon ng buhay. Hindi malaking kahihiyan ang kanilang paglipat sa public school kung kinakailangan bagkus ito ay kagitingan na harapin ang pagsubok ng buhay.

Better Mrs.Aries na agapan mo muna ang nararamdaman mo sa iyong katawan at huwag itong ipagwalang-bahala. Mahirap lalo ang mag-isip ng mga negatibong bagay at unahan natin ang mga doctor sa kanilang gagawing pagsusuri sa iyo kaya mas makakabuting patatagin natin ang ating panalangin at paniniwala sa Diyos na anumang hilingin natin ay Kanyang

ipagkakaloob basta’t manalig lamang tayo.

Kung di pumayag ang amo mo at i-terminate ka ay tanggapin natin ito nang maluwag sa ating dibdib at maaaring ito ay kagustuhan ng Maykapal upang sa atin ka magpatingin. Mas lalong maging panatag ang iyong kalooban dahil kapiling mo ang iyong mga mahal sa buhay. Tingnan natin ito ng may katatagan at positibong pananaw.

Dalangin ko ang iyong paggaling at ang isang masayang pamilya para sa hinaharap.

Muli po ito ang iyong Tita Kerry na nagsasabing sa bawat tanong ay may sagot at sa bawat suliranin ay may kalutasan basta’t manalig lamang tayo sa ating Diyos na buhay.

Page 34: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

34 www.pinoytayosanman.com \ october 2010

nobela 2

Ni Onnie Almeyda

TINIMBANG KANGUNIT KULANGTalagaTINIMBANG KATINIMBANG KATINIMBANG KATINIMBANG KANGUNIT KULANGNGUNIT KULANGNGUNIT KULANGNGUNIT KULANGNGUNIT KULANGNGUNIT KULANGTalagaTalagaTalagaTalagaNGUNIT KULANGNGUNIT KULANGTalagaNGUNIT KULANGNGUNIT KULANGNGUNIT KULANGNGUNIT KULANGNGUNIT KULANGTalagaNGUNIT KULANGNGUNIT KULANGNGUNIT KULANGTalaga

IKA-SAMPUNG KABANATASELOS, SELOS AT SELOS PA

SA paglipas ng mga araw at linggo isinasantabi na lamang ni Luningning ang pagka-insecure niya kay Cynthia. Bagama’t naruruon ang agam-agam na baka mahumaling ang kanyang asawa ay dinaan na lamang niya ito sa pagsasawalang-kibo. Bagkus ay lalo niyang pinagbuti ang pagsisilbi sa asawa. Iyon ang kanyang strategy.

“May company outing ang opisina namin next Sunday. Kasama daw ang mga pami- pamilya,” excited na pagbabalita ni Rodel kay Luningning nang dumating ito galing sa trabaho.

“Yeheey! Magbi-beach kami,” may paglundag pang sigaw ni Sunshine na hindi na inintindi ang pinapanuod na cartoons sa TV.

“Si Sunshine na lang ang isama mo.”

Mas malakas pa ang tunog ng binabateng itlog ng manok ni Luningning kesa sa sagot niyang iyon.

“Bakit naman e sa De Gracia’s Beach Resort pa naman daw ang outing?”

ANG NAKARAAN:

Sa burol ng Daddy ni Rodel ay nakiramay ang pamilya ni Luningning. Nuon lamang nagkaharap ang pamilya ng mag-asawa. Dumating din si Cynthia na agaw atensyon. May nahalata ang nakababatang kapatid ni Rodel na si Gigie. Pinaalalahanan nito ang hipag na si Luningning na galingan nito dahil baka maagawan ng asawa. Iyon na ang naging simula ng awareness ni Luningning sa nagbabadyang pagkawala ng kanyang asawa sa kanya. Kaya hanggang sa libing ay nag-aagawan na sila ni Cynthia ng eksena.

Page 35: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

35www.pinoytayosanman.com \ october 2010

TINIMBANG KANGUNIT KULANGTalagaTalaga

Hindi na sinagot ni Luningning ang tanong ni Rodel. Nagtampo pa nga siya na hindi man lamang siya nilapitan ng asawa para piliting sumama. Habang nagpapalit ng pangbahay si Rodel sa kwarto ay patuloy ito sa pagsasalita.

“Bakit nga ayaw mong sumama.?”

Mula sa kusina ay narinig ni Luningning ang tanong pero hindi na naman ito sumagot at nagkunwang abala siya sa pagluluto ng tortang talong.

Wala halos siyang kibo habang naghahapunan sila.

“Sunshine, your Tita Cynthia will buy you a bathing suit.”

“Wow! Really Daddy?”

Para namang nabikig si Luningning sa narinig na sinabi ni Rodel. Kaagad niyang ini-straight ang isang basong tubig.

“Oo anak. And she will pick you up on Saturday afternoon so she could buy you one.”

Gusto nang mapaiyak ni Luningning sa pagiging insensitive ni Rodel sa kanya. Nawala na siya sa sarili habang kumakain.

“Mommy! You’re already eating the tangkay of the talong!” puna ni Sunshine.

“A... Mahilig kasi ako sa tangkay ng talong anak.”

“Really? Di ko alam yun a. O... heto pa o,” si Rodel.

Ngani-nganing tusukin ni Luningning ng tinidor sa mata ang asawa nang lagyan pa siya nito sa kanyang plato ng dalawa pang tangkay ng talong. Pero kailangan niyang panindigan ang pagkahilig niyang magngatngat ng tangkay ng talong. Kasubuan na kasi.

Sabado ng dakong alas dos ng hapon nang magkasunod na dumating sina

Rodel at Cynthia lulan sa magkahiwalay na sasakyan mula sa opisina. Patakbong sumalubong si Sunshine. Nakasilip lang sa may bintana si Luningning at parang kinurot ang puso niya nang makita niyang sumakay ang kanyang anak sa van ni Cynthia. Tinanaw na lamang niya ang papalayong sasakyan habang kumakaway naman si Rodel.

Naramdaman ni Luningning na papasok na si Rodel sa loob ng bahay. Ayaw niyang ipahalata dito ang kanyang pagsiselos at sama ng loob. Kaagad niyang nilakasan ng bahagya ang stereo na kanina pa naka-on. Tamang-tama ang kantang “Billy Jean” ni Michael Jackson nang pumasok si Rodel. Nagmu-moon walk ang desperadang maybahay.

“Wow! Ang sipag naman talaga ng Misis ko. Hayaan mo pag malaki ang bonus ko sa Pasko e ibibili kita ng fl oor polisher para hindi ka na mahirapang magkuskos ng sahig.”

Pagkahalik ni Rodel sa pisngi ni Luningning ay dumeretso na ito sa kanilang kwarto.

“Manhid! Moonwalk ang tawag du’n. Hayup! Adik!” tanging pabulong nasabi ni Luningning.

Ngunit waring hindi duon natatapos ang kanyang panggigigil sa araw na iyon. Bumalik na sina Cynthia at Sunshine bago dumilim. Agad na sinalubong

Page 36: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

36 www.pinoytayosanman.com \ october 2010

sila ni Rodel sa labas. Tago ek-ek na naman si Luningning sa gilid ng bintana. Tumakbong papasok si Sunshine sa loob ng bahay.

Hindi na bumaba sa kanyang van si Cynthia pero nakabukas ang bintana nito at masaya silang nag-usap ni Rodel. Nakapatong pa ang dalawang braso ni Rodel sa drivers window ni Cynthia. Nang umalis na si Cynthia ay todo kaway si Rodel. Nagkikiskisan ang mga ngipen ni Luningning sa kanyang mga nasasaksihan. Wala sa loob niya ang paghigit ni Sunshine sa kanyang kamay para ipagyabang ang biniling bathing suit ni Cynthia. Wala sa sariling naitulak niya ang anak. Dahil bilugan ang bata ay nakatatlong gulong ito bago huminto at natukuran lamang ng dingding.

Kinabukasan ay maagang gumising ang mag-anak. Excited pa nga si Sunshine at kandarapa ito sa pagtakbo palabas nang bumusina na si Cynthia. Ayon kay Rodel ay nag-offer si Cynthia na ang kanyang van na lang ang sasakyan para makatipid sa gasolina tutal iisa lang naman ang kanilang pupuntahan.

Parang sasabog ang dibdib ni Luningning habang isinasara niya ang kanilang gate at kumakaway pa si Cynthia sa kanya. Pakiramdam niya’y inaasar talaga siya ng maldita.

Habang papalapit sa bahay mula sa bukid ay nagpapalinga-linga si Mang Fred. Hinahanap niya kung saan nagmumula ang tila atungal ng isang baka. Wala naman kasi siyang nalalaman na nagmamay-ari ng baka sa bukiring iyon kung hindi pawang mga kalabaw at kabayo lamang.

Ang lahat ay ganap niyang naunawaan nang makapasok siya sa loob ng kanilang bahay. Naruruon si Luningning at walang habas na umiiyak sa pagsusumbong kay Aling Lolay. Magkahalo na naman ang kanyang mga luha at uhog.

“Ano na namang nangyari sa ‘yong bata ka at parang buhat-buhat

mo na naman ang Sulpicio Lines?” kunsumidong tanong ni Mang Fred sa anak.

“Ang manugang mo... may binababae!” walang kagatol gatol na pahayag ni Aling Lolay.

Lalong umatungal si Luningning nang marinig ang salitang pambababae. Nag-hysterical ito. Niyakap siya ni Aling Lolay upang pakalmahin ngunit nanigas ito.

“Tubig, Fred! Tubig!” tarantang utos ni Aling Lolay habang kalong-kalong si Luningning.

“E hindi naman makakainom ‘yan ng tubig dahil walang malay. Kutsara dapat. Kalsuhan mo ang bibig at baka makagat ang dila.”

Nakahagilap ng kutsara si Aling Lolay. Pinagtulungan nilang mag-asawa na bukahin ang bibig ni Luningning. Pilit na isinusubo ni Aling Lolay ang kutsara sa bibig ng hinimatay. Umuungol si Luningning. Waring may gustong sabihin. Idinikit ni Mang Fred ang kanyang tenga para maintindihan niya ang sinasabi ng anak.

“Anong sabi? tanong ni Aling Lolay.

“Teka... Huwag kang maingay at hindi ko maintindihan.”

Muling inilapit ni Mang Fred ang kaliwa niyang tenga sa bibig ng anak para maunawaan ang sinasabi nito.

“Ano raw?” ulit ni Aling Lolay kay Mang Fred.

“Ang sama daw ng lasa ng kutsara mo. Parang panis na laeng!”

Nakapag-usap din naman silang tatlo nang mahinahon pagkatapos ng mga nakawan ng eksena. Pero hindi sang-ayon si Mang Fred sa gusto ni Aling Lolay na makipaghiwalay na ang kanilang anak kay Rodel.

Page 37: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

37www.pinoytayosanman.com \ october 2010

“Ang bilis n’yo namang humusga e kabait-bait na tao ni Rodel.”

“Tumigil ka! Ganyan din kabait ang tingin ko sa ‘yo nuong mahuli ko kayo ni mareng Candida sa sagingan. Kaya huwag mo na’ng pagtakpan ‘yang manugang mo,” ganti ni Aling Lolay.

Sa gitna ng pagtatalo ng mga magulang ni Luningning ay napag-isip-isip (yata) niya na may katwiran ang tatay niya. Wala pa nga naman siyang konkretong ebidensya.

Bago dumating sina Sunshine at Rodel ay siniguro ni Luningning na nasa bahay na siya. Nagbago na naman ang desisyon niya. Sa halip na magwala ay magpapa-impress siya kay Rodel. Sinarapan niya ang pagkakaluto ng pansit at fried chicken. Gusto niyang matuwa si Rodel sa kanya. Gusto rin niyang mapansin ang kagandahan niya.

Pagkatapos sa kanyang mga ginagawa ay naligo siya at nagbihis ng short shorts na tinernohan ng sleeveless na blouse na pulang-pula. Pang torera sa katapangan kung baga. Habang naghihintay ay nagpa-practice pa siya ng kanyang mga opening lines.

“Hi Papa! How’s the outing? Did you enjoy it?... Parang kulang sa landi,” tanong at sagot ni Luningning sa kanyang sarili. “Well it’s good for your arrival. The fried chicken gets ready. Common and eat me!... Parang mali pa rin yata,” pag-a-analisa sa sarili ng kulang sa pito.

Hanggang nakatulog na sa sopa si Luningning ay hindi pa rin dumarating ang kanyang mag-ama. Dakong ala-siete na ng gabi nang dumating ang mga ito. Malakas ang pagkabukas ng pinto. Tuhod ang ginamit ni Rodel sa pagbubukas nito. Karga kasi niya ang tulog na tulog na si Sunshine.

“Mama! Handa mo’ng kama ni Sunshine. Dali! Ang bigat!”

Napabalikwas si Luningning sa boses

ng asawa. Naalimpungatan.

“Oh come in... Where do you do? Did you do?” si Luningning na nawala sa wisyo.

“Yung kama nitong bata pakihanda,” ulit ni Rodel.

Naihiga nang maayos si Sunshine. Habang nagsisipilyo si Rodel sa banyo ay pumuwesto na si Luningning sa may bintana ng kanilang kwarto. Matinding internalization ang ginagawa niya. Handa na siyang komprontahin ngayon ang kanyang asawa. Uumpisahan niya ang pagsasalita nang nakaharap siya sa bintana at sa pagharap niya kay Rodel ay isasambulat niya ang kanyang mga nararamdaman.

Naka-pajama na si Rodel nang lumabas mula sa banyo. Deretso itong humiga sa kama. Nakatalikod pa rin si Luningning. Humugot muna siya ng isang malalim na buntong hininga bago pinakawalan ang kanyang fi rst line ng nakatalikod pa rin.

“Kailangan bang umabot sa ganito ang lahat? Ang lahat-lahat?... Babae ako oo pero nangangailangan din ng pang-unawa.”

Yumuko si Luningning. Umiiling-iling.

“Kung ano man ang aking naging pagkukulang ay wala na akong magagawa Rodel. Wala na.... Tao lang ako at sana matanggap mo ang aking mga kamalian,” mahabang litanya ni Luningning sabay harap sa natutulog na niyang asawa. Palakas na nang palakas ang hilik nito.

Alas-kwatro na ng madaling araw ay gising pa si Luningning. Pumailanlang ang awiting Lupang Hinirang sa mahinang tunog ng radyo. Sa halip na pindutin niya ang power ay inis na hinigit niya ang cord. Tanggal ang pagkasaksak nito sa outlet.

ITUTULOY

Page 38: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

38 www.pinoytayosanman.com \ october 2010

pinoy tip

BASAHAN

Puwedeng gamitin na ang lumang medyas bilang ‘dust rug’. Lalo na ang mga yari sa ‘cotton’, absorbent sila at magandang panglinis ng iyong mga muwebles na yari sa kahoy. Isuksok lang ang kamay mo sa medyas, lagyan ng polish na ginagamit mo, at simulan nang magpunas! Kapag madumi na ang isang side, baliktarin lang ang medyas at punas ulit!

HANDPUPPET

Bata pa lang ako paborito ko nang gumawa ng handpuppet gamit ang medyas. Talagang panalo ito lalo na ngayong may mga anak na rin ako. Bukod

sa medyas siyempre, (puwedeng may kulay o plain white), kelangan mo lang ng colored pentel pen (o marker), glue, yarn (ito normally ang buhok o bigote ng bidang puppet), plastic eyes, felt paper, at iba pa. Kapag nakabuo na nito, simulan na ang palabas ng munting teatro!

PANTALI SA HALAMAN

Nang nakaraang summer kelangan ko ng pantali sa aking tanim na tomato plant para isuporta sa kahoy. Masyadong matigas ang lubid kaya mas fl exible ang ginamit kong pantali, ang medyas nga na ginupit ko sa isang mahabang strip.

MOTH MALL BAG

Sa mga sulok-sulok ng bahay niyo, tulad ng attic, lagyan mo ng mga moth

Ilang medyas na ba ang hindi mo nagagamit dahil it’s either napag-lumaan na o lumuwag na (dahil lumaki na ang paa ni bunso) o naranasan mo na bang humugot ng medyas sa iyong cabinet at medyo inis ka na sa kakahanap ng kaparehang pares pero wala? Puwes, it’s about time na makaisip ng ibang paraan para mapakinabangan naman natin ang mga medyas na ito.

Page 39: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

39www.pinoytayosanman.com \ october 2010

balls (o naptalina) at talagang epektibo ang mga itong repellant para sa mga balang, daga at iba pang mga pesteng insekto. Ilalagay mo sila sa medyas para hindi sila nakakalat o sabog-sabog.

LEG WARMERS

Yung mga makakapal na medyas ay puwede mong putulin sa dulo at gawing leg warmers!

HAND AND FEET SOFTENERS

Nagbabalat, o may dry skin ka ba at magaspang ang iyong paa (talampakan?) Gamitin ang simpleng tip na ito para maging smooth and soft muli ang iyong kutis. Bago matulog, pahiran ang iyong kamay at paa gamit ang iyong paboritong dry skin lotion. Kung talagang dry ang balat mo, gumamit ka ng Vaseline lotion. Isuot ang lumang medyas para hindi humawa sa kubre-kama. Mas mapapanatili rin nito ang lotion sa iyong balat nang mas matagal. Kapag umaga na, alisin ang medyas at mapapansin mong nanunumbalik muli ang sigla ng iyong kutis!

KNEE PADS

Puwedeng gamitin lalo na kay baby habang hindi pa ito naglalakad. Madalas marumihan ang kanyang tuhod so using an old sock to cover her knees is an excellent idea para mapangalagaan ang kanyang tuhod.

CAT TOY

Mahilig lalo na ang mga kuting na maglaro ng mga binilot na damit o medyas. Puwede mong punan ng mga stuffi ng, normally yung mga galing rin sa loob ng nabutas na unan.

UMBRELLA SOCK

Minsan, lalo na kapag nasa kotse o sasakyan tayo, ayaw nating mabasa ang loob lalo na’t umuulan sa labas. Ang gagawin ko, bago ilagay ang payong sa fl ooring ng kotse, lalagyan ko muna ng medyas sa dulo para ito ang mag-absorb ng tubig. ‘Wag lang kalimutang alisin iyon at patuyuin ang payong kapag nasa bahay na.

ICE PACK

Minsang nauntog at nabukulan ang aking bunso sa kalikutan, ginawa kong ice pack ang medyas dahil mas controlled ko ang paghawak kumpara kung gumamit ako ng isang bimpo o maliit na kamiseta. Kahit na hindi mo talian ay hindi basta-basta malalaglag ang yelo.

SOCK BANK

Oo, tama! Puwedeng pag-ipunan ng mga barya at gawing parang piggy bank o di kaya’y alkansiya, yung parang Christmas sock na pinupunan natin ng mga candies at small toys! At talagang puwedeng gamitin ng kahit ilang taon pa!

CHESS AND CHECKERS KEEPER

Mahilig ka bang maglaro ng checker, o chess o iba pang larong kailangan ng dice at iba pang maliliit na abubot? Minsan nakakairita kapag kulang-kulang ang mga piyesa hindi ba? Mas mabuting ipunin mo lahat sila sa isang medyas para next time, kumpleto sila kapag naglaro kayo!

O, hayan, hindi na malungkot ang nag-iisang pares ng medyas mong nawalan ng ka-partner! Hanggang sa muli, Kabayan! PTS

39www.pinoytayosanman.com \ october 2010

Page 40: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

40 www.pinoytayosanman.com \ october201040 www.pinoytayosanman.com \ october2010www.pinoytayosanman.com \ october2010

journeyby Amor Gonzalez-Damaso

Sa Pilipinas, dalawa lang ang panahon or sa ingles, “seasons.” Tuyo at basa. Tag-init o tag-ulan. Madalas mainit. Sa kalagitnaan ng taon, hala, kasama sa pagbili ng mga school supplies ang paghahanap ng bota, payong, at kapote. Kapag pasukan ng June, asahan mo, umpisa ng ulan, baha, sipon at sakit.

Nung maliit pa ako, kapag Physical Education sa iskwela, lalabas kami sa init ng araw, tatakbo, maglalaro ng softball, mag-e-exercise, bubuhat ng dumbbells (‘yung sa akin, gawa ng lolo ko sa stick, dalawang lata ng corned beef na puno ng semento at pinintahan ng mint green!). Suot ang puting PE t-shirt at blue na shorts (blue nga ba o pula? Hindi ko na matandaan), mistulang mga maliliit na professional na atleta, kung hindi lang sana kami nahahapo at nadadapa! Pagkatapos ng PE, babalik sa classroom, magpupunas ng amoy-araw na pawis, magsusuot ng uniform. Konting spray ng

Journey

By Amor Gonzalez-Damaso

cologne, ayos na, parang bagong ligo ulit!

Ano ba ang pinaka-aabangang balita ng mga bata sa radyo kapag may bagyo? No classes! Hahaha. Nung panahon ng sobrang kahirapan namin, nakatira kami sa bahay na kahoy na may yerong bubong. Walang pintura, walang kisame. Kung saan may pako, siyempre, may tulo. Dahil nga bumabagyo, ayun, walang pasok! Tuwang-tuwa kaming magkakapatid! Playtime! Hindi nga ba kapag walang pasok, maaga nagigising ang mga bata? Tulog at larong walang humpay! Pandesal at Lily’s peanut butter na binudburan ng asukal ang agahan! Sa tanghalian naman, lugaw! Pero siyempre, sa kada kulog at kidlat, napapatigil ang ingay at gulo ng mga kapatid ko. Ako, mas gusto ko matulog. Maya-maya, ang isa kong kapatid na lalaki, pumunta sa bintanang capiz namin … pumikit at kumumpas-kumpas! Tanong namin, “Hoy! Ano’ng ginagawa mo diyan???” Habang

Page 41: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

41www.pinoytayosanman.com \ october 2010 41www.pinoytayosanman.com \ october 2010 41www.pinoytayosanman.com \ september 2010

Journey

By Amor Gonzalez-Damaso

nakapikit, sinambit niya, “Ang ganda ng tunog ng ulan, kulog at kidlat! Parang orchestra!” Hahaha! Pambihira! Kung sa ibang bata ‘yun, nasa ilalim na siguro ng kama at nagtatago!

Kung papipiliin ako, mas gusto ko ang tag-ulan. Unang-una, dahil manunulat ako, hindi ko kailangan sumugod sa ulan at bagyo para pumasok sa trabaho. Lapis, papel, telepono at computer lang, ready to go ako. Kapag umuulan, masarap ding magpahinga at matulog, to recharge my body from all the long work hours. Kaysa uminom ng mga power drinks at kung ano-ano, itulog ko na lang at ibawi ang mga puyat!

Hanggang ngayon, gusto ko pa ring matulog kapag umuulan. Pero hindi ko na yata ito magagawa nang husto. Nung single pa ako, oo. Sarap ng buhay. Pero kapag may anak ka na, hindi na madaling gawin.

May isang dekada na rin akong wala sa Pilipinas. Sa mga taon na ‘yon, kung saan-saan na rin ako nakarating at naglipat. At taon-taon, walang kupas, iba-ibang panahon din ang naranasan ko. Hindi na lang tag-init at tag-ulan. Summer at bagyo.

Habang sinusulat ko ito, pumapatak ang ulan. Mahina lang. Mahinhin, tumitikatik sa aking bintana. Tahimik ang kabahayan. Nasa trabaho si mister, at ang anak ko ay nasa kabilang silid, naglalaro ng tahimik. Dito sa Amerika, apat ang panahon, o Seasons: Winter, Spring, Summer or Fall. Iba-ibang temperature, iba-ibang klima, each of them may tahimik na ginagawa.

Umpisahan natin sa “Summer.” Summer in the US are the months of June, July and August. Ang tag-init dito, wala masyadong pagkakaiba sa tag-init ng Pilipinas. Depende kung saang state ka nanduon, iba-ibang temperature ang mararanasan mo. Ilang araw lang ang nakakalipas habang sinusulat ko

ito, umabot ang temperature sa Los Angeles ng 113 degrees Fahrenheit!!! At dahil ang Los Angeles ay malapit sa disyerto, masakit sa balat ang init, hindi katulad sa Pilipinas na humid. Kapag hindi humid, saksakan man ng init pero hindi ka pinapawisan, unless na lang tumakbo ka at magpa-pawis. Summer is the time when plants and produce are grown in the U.S. Ito rin ang panahon ng bakasyon ng mga bata from school. During the summer, mas dumadami ang turista na dumadagsa para bumisita sa iba’t-ibang popular tourist destinations like Disneyland and The Golden Gate Bridge in San Francisco, California. Nung nasa LA pa kame, kapag summer, hala! Nakakulong kameng mag-ina sa aircon kung wala rin namang pupuntahan! Narinig mo na ba ang song na “Summertime?” Hanapin mo sa YouTube at pakinggan ng mabuti ang lyrics and you will start to picture summer in the US in your mind! “Summertime and the living is easy … fi sh are jumpin’ .. and the cotton is high …..”

Kasunod naman nito ay ang “Fall” or “Autumn.” The months of September, October, and November are the “Fall”months. Dito rin nangyayari ang harvest time, and it is a wonderful time for all farmers kung maganda ang ani nila. Have you ever wondered why trees change colors in the fall? Napag-aralan natin sa Science na ang nagbibigay ng green coloring sa mga halaman ay tinatawag na chlorophyll, hindi ba? Kapag fall, ang chlorophyll at hinaharangan ng mga stems ng dahon para i-save ito through the winter for the coming spring. Hindi umaakyat ang green color sa mga dahon kaya sila nagiging bronze, gold, russet, brown, orange, yellow, or red. Ang husay! Kapag Fall, nagsisimula na ang mga pag-ulan. Sinusulat ko ito, halos patapos na ang September … nagpapalit na ng kulay ang mga puno. Ang ganda-ganda nilang tingnan! Nagsisimula nang bumagsak

Page 42: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

42 www.pinoytayosanman.com \ october201042 www.pinoytayosanman.com \ october2010www.pinoytayosanman.com \ october2010

ang mga dahon, ang mga seeds, naluluoy na rin ang karamihan sa mga bulaklak. Dalawang buwan pa at magiging kalbo na ang mga punong ito, mistulang walang buhay. Personally, favorite ko ang klima ng fall. Hindi mainit, hindi malamig. Hindi rin kalakasan ang hangin. Tamang-tama lang. Kung ginawin ka, light sweater lang pwede na. Kung mainitan ka, pamaypay lang ang katapat, hindi kailangan magbabad sa airconditioned room maghapon. Ang kantang nasa isip ko ay ang “Autumn Leaves.” The falling leaves … drift by my window … the falling leaves of red and gold …..

After Autumn comes Winter, which lasts from December to February. Kung nasa West Coast ka (kung nasaan ang Los Angeles), lumalamig lamang siya at kailangan mong magsuot ng medyo mas makapal na sweater or jacket. Hindi umuulan ng snow sa West Coast, unless na lang malapit ka sa bundok ng Big Bear! Ang Big Bear ay isang ski resort on the mountains of California. Dito sa East Coast, sandamakmak ang snow kapag winter! Last winter, we experienced our fi rst snow, all 18 inches of it! Sobrang ganda! Lahat ay covered in white, putting-puti lahat. Very peaceful tingnan. Parang Christmas card na nabibili natin sa Pilipinas noon, yung mga picture pa ng sleigh at ni Santa Claus, o di kaya ay mga pictures ni Frosty the Snowman! Hahaha! Ay, napakahirap palang gumawa ng snowman! Sinubukan kong gumawa pero parang bundok lang ang nakaya ko! Hmmmm … ano kayang kanta ang naiisip ko ngayon? “Oh the weather outside is frightful, but the fi re is so delightful .. as long as you’ve no place to go .. let it snow! Let it snow! Let it snow!” Ang ganda talaga ng snow! Pero kung magmamaneho ka, or maglalakad ka, hindi maganda! Kapag bagong bagsak pa lang ang snow, malambot, puwede kang maglakad at mag-snowball fi ght pa kung gusto mo! Kinabukasan, matigas na siya, parang yelo sa halo-halo – madulas!

Aaabutin siya ng halos isang linggo bago matunaw, at kapag natutunaw na, ay, kay putik! But snow is good for the ground. Lahat ng nalaglag na mga buto galing sa mga puno at iba’t-ibang halaman were blanketed and protected by the snow during the three months of Winter. The water than comes from the melted snow will then nourish the planted seeds that fell on the ground during Spring.

Last but not the least, come the months of March to May … the season of Spring. NEW LIFE. Bagong halaman. Bagong bulaklak. Nanganganak ang mga hayop, lumalabas sa kanilang mga hibernation. BAGONG BUHAY. Ibang-iba rin ang Spring dito sa East Coast. Galing sa puting niyebe at saksakan ng lamig, medyo umiinit na naman ang panahon, at nagsisilabasan ang mga pagkaganda-gandang mga bulaklak! At kapag may bulaklak, may bubuyog at paru-paro! Ang mga punong berdeng-berde nung Summer, na nagiging brown kapag Fall, at nakakalbo kapag Winter, ay unti-unting nabubuhay. Nakakita na ako ng pagkalalaking mga puno na kulay pink, red, maroon sa unang buwan ng Spring at nagiging berde kapag dating ng Abril! Truly, it is a sight to behold and hear! Ang mga ibon – napakaganda ng mga huni. Iba-ibang huni, iba-ibang kulay, iba-ibang tawag! Sa tabi nung aming huling tirahan, mayroong swamp o maliit na lawa. Gustong-gusto kong pumupunta doon dahil sa umaga, parang mayroong concert ng mga ibon! Nakaka-relax! Lahat ay bago … walang pangit. Lahat maganda. “Younger than springtime are you … Softer than starlight are you … Warmer than winds of June … Are the gentle lips you gave me ….”

Tunay na maganda ang paglipas ng panahon! Pero madalas, hindi natin ito nabibigyan ng atensiyon dahil tayo ay busy sa maraming bagay, sa mga ginagawa nating trabaho para sa

Page 43: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

43www.pinoytayosanman.com \ october 2010 43www.pinoytayosanman.com \ october 2010

ating pamilya. Minsan, subukan mo, pumunta ka sa park or maski diyan lang sa likod-bahay mo. Huwag kang magsuot ng headphone or magdala ng cellphone. Ayan, tumayo ka. Ipikit ang mata? Naririnig mo ba? Ang alin kamo? Ang katahimikan. Ang huni ng ibon. Ang paglabas-masok ng hangin sa mga puno. Ang tunog ng pagbagsak ng ulan. Ang ganda, di ba? Alam mo ba ang Seasons ay regalo mula sa Pinakamagaling na Manlilikha? Ang anak ni Haring David, si Haring Solomon ang pinakamatalino at pinakamayamang hari na nabuhay sa mundo ay sumulat nang ganito:

Ecclesiastes 3

A Time for Everything

1 For everything there is a season, a time for every activity under heaven. 2 A time to be born and a time to die. A time to plant and a time to harvest. 3 A time to kill and a time to heal. A time to tear down and a time to build up. 4 A time to cry and a time to laugh. A time to grieve and a time to dance. 5 A time to scatter stones and a time to gather stones. A time to embrace and a time to turn away. 6 A time to search and a time to quit searching. A time to keep and a time to throw away. 7 A time to tear and a time to mend. A time to be quiet and a time to speak. 8 A time to love and a time to hate. A time for war and a time for peace.

9 What do people really get for all their hard work? 10 I have seen the burden God has placed on us all. 11 Yet God has made everything beautiful for its own time. He has planted eternity in the human heart, but even so, people cannot see the whole scope of God’s work from

beginning to end. 12 So I concluded there is nothing better than to be happy and enjoy ourselves as long as we can. 13 And people should eat and drink and enjoy the fruits of their labor, for these are gifts from God.

14 And I know that whatever God does is fi nal. Nothing can be added to it or taken from it. God’s purpose is that people should fear him. 15 What is happening now has happened before, and what will happen in the future has happened before, because God makes the same things happen over and over again.

Kaibigan, ang buhay na ito ay may hangganan. Hindi tayo naririto sa habangbuhay. Sana sa biyaheng ito, matagpuan mo ang dahilan ng iyong pagkatao. Hindi lahat ng kumikinang ay ginto. Hindi lahat ng kayang bilhin ng dollars ay ikaliligaya natin. Hindi lahat ng kumikinang ay ginto.

Ang buhay din natin ay may kanya-kanyang panahon. This is our season of work. Kalaunan, titigil din tayo sa ating mga pagpupursige, pagpupundar at pagpupunyagi. Mag-ipon. Gawin ang mga nararapat gawin para sa ikauunlad ng ating buhay nguni’t palagi nating tandaan, lahat ng ito ay hiram lamang. Enjoy your days and trust in God. Sa lahat ng seasons ng ating buhay, wala nang iba pang maaring asahan. God is the God of all Seasons. Siya ang may gawa ng lahat ng panahon. Siya rin ang may gawa sa iyo. Nakaukit ka sa kanyang mga kamay. When we entrust our life to Him, He will take care of us. PTS

Amor Gonzalez-Damaso is still on a journey. You may reach her at [email protected].

Page 44: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

44 www.pinoytayosanman.com \ july2010

pinoy feature

Ni Pahm Balmaceda

Sino ba ang hindi nakakakilala kay Lola Basyang? Unang narinig ang pangalang ito sa magasing Liwayway nuong May 25, 1925. Ang lumikha ng ating paboritong lola ay walang iba kundi si Severino Reyes, na gumawa ng seryeng Mga Kuwento ni Lola Basyang, kung saan humigit kumulang na 400 kuwento ang kanyang naisulat. Matapos lumabas ang serye sa Liwayway, halos 100 sa mga kuwentong ito ang nailimbag nang muli sa iba’t ibang volume, na in-edit rin ng kanyang anak na si Pedrito Reyes. Na-revive ang mga kuwentong ito nang ilabas sa GMA-7 ang serye na pinangunahan ni Manilyn Reynes. Ang re-telling ng mga kuwento naman ni Christine Bellen na inilabas naman ng Anvil Publishing nuong 2004 ay nagawaran ng Special Citation ng National Book Awards ng Manila Critics Circle. Ginawa ring dula sa entablado ang ilan sa mga kuwento ng PETA.

Karamihan ng mga kuwento ni Lola Basyang ay hinango ni Reyes mula sa mga fairy tales, medieval romances, mga awitin at maging mga corrido at alamat, pero ang ilan rin sa mga ito’y orihinal na konsepto ng awtor. Sa kabuuan, dalawang mga major characters parati ang lumalabas sa kanyang mga kuwento – ang tagisan ng mga mabuti kontra sa mga masasama. Ang mga mabuting mga bida kadalasan ay ginagampanan ng mga guwapo at matulungin na prinsipe, ng maganda at mabuting mga prinsesa, at isang tapat na kaibigan o kasama. Ang pangalawang grupo naman ng mga kontrabida ay karaniwang kinabibilangan ng mga bruha at mga nakakatakot na salamangkero, ang walang awa at bugnuting hari o reyna, o ang mapang-aping madrasta. Ang ilan sa mga kuwento ay punumupuno ng aksiyon at mahika, na hinango mula sa medieval romances nuong unang panahon sa Europa.

Ang malimit na talakaying paksa ay umiikot sa pakikipagsapalaran (adventure) at pag-ibig. May kakaharaping mga balakid o pagsubok ang bida at malalagpasan niya ito sa tulong ng mga misteryosong tao, o maaaring iyon ang iginuhit sa kanyang tadhana. Kahit pa magpaliguy-ligoy ang kuwento, sa huli, parating nananaig ang kabutihan sa kasamaan. Parating nagtatapos ang kuwento na may mensahe para sa mga mambabasa.

pinoy featurepinoy feature

ay walang iba kundi si Severino Reyes, na gumawa ng seryeng , kung saan humigit kumulang

ang serye sa Liwayway, halos 100 sa mga kuwentong ito ang

kanyang anak na si Pedrito Reyes. Na-revive ang mga kuwentong ito nang ilabas sa GMA-7 ang serye na pinangunahan ni Manilyn Reynes. Ang re-telling ng mga kuwento naman ni Christine Bellen na inilabas naman ng Anvil

alamat, pero ang ilan rin sa mga ito’y orihinal na konsepto ng awtor. Sa kabuuan,

44 www.pinoytayosanman.com \ october 2010

Page 45: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

45www.pinoytayosanman.com \ july2010

Ni Pahm Balmaceda

Nuong 1950s, sumikat rin ang Mga Kuwento ni Lola Basyang nang isinalin ito sa radio. Ang ilan sa mga natatanging episodes na naipalabas ay ang mga sumusunod: Ang Pulubing Naging Prinsipe; Ang Binibining Tumalo sa Hari; Ang Mahiwagang Kuba; Ang Prinsesang Unggoy; Ang Tatlong Prinsipe; Ang Karosang Ginto; Ang Higanti ng Duwende; Ang Maryang Makiling; Ang Walong Bulag; at Ang Prinsipeng Duwag.

Ang totoong Lola Basyang ay si

Taong 1902 nang seryosohin niya ang kanyang pagsusulat sa pamamagitan ng paglunsad ng kanyang unang sarsuwela, ang R.I.P. na itinanghal sa Zorilla Theatre nuong April 13, 1902. Taong 1902 rin nang pinasikat siya at pinayaman ng kanyang ibinuong grupo, ang Gran Compañia de la Zarzuela Tagala. Sa panahong ito, nakapagsulat siya ng 25 dula sa isang yugto, apat na dula sa dalawang yugto, 25 dula sa tatlong yugto, at dalawang dula sa apat na yugto. Sumikat nang husto ang kanyang mga sarsuwela sa unang dekada ng pamumuno ng mga Amerikano. Sinasalamin malimit ng kanyang mga akda ang kalagayan at sitwasyon nuong panahong iyon, maging ang mga pagbabago sa lipunan.

Unti-unting nabawasan ang mga sinusulat niyang dula dahil sumisikat na ang sining ng pelikula. Dahil dito, tumigil siya sa pagsusulat ng mga drama at gumawa na lamang ng aklat ng nobela at maikling kuwento, kung saan kabilang ang Mga Kuwento ni Lola Basyang. Isinulat rin niya ang Orakulo ni Lola Basyang at Ang Dulang Tagalog, isang libro ng mga komentaryo tungkol sa kasaysayan ng sining ng drama sa Katagalugan. Namatay si Severino nuong September 15, 1942, pero dahil sa kanyang kontribusyon sa sining at literatura, at dahil sa mga mga kuwentong pinanabikan at inabangan ng masa, magpahanggang ngayon ay patuloy pa ring tinatangkilik ang kanyang mga akda. PTS

Gervasia Guzman de Zamora, ang matriarch ng angkang Zamora mula sa bayan ng Quiapo, Manila. Sa katauhan ni Gng. Gervasia hinango ni Severino Reyes si Lola Basyang dahil sa karanasan niya dito na gabi-gabi, pagkatapos ng hapunan ay kinukuwentuhan nito ang kanyang mga apo na nakapaligid sa kanya. Sa katunayan, parating sa ganitong eksena nagsisimula ang pagkukuwento ni Lola Basyang, mapa-sa pelikula o teatro.

Si Severino Reyes ay ipinanganak nuong February 11, 1861, sa Santa Cruz, Manila. Pang-lima siyang anak nina Rufino Reyes at Andrea Rivera. Nagtapos siya ng kanyang bachelor of arts degree sa Escuela de Segunda Enseñanza de San Juan de Letran. Nakapagtapos rin siya ng bachelor of philosophy and letters sa Universidad de Santos Tomas. Ikinasal siya kay Maria Paz Paulo at nagkaroon sila ng 17 na anak.

45www.pinoytayosanman.com \ october 2010

Page 46: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

46 www.pinoytayosanman.com \ october 2010

pinoy feature

Pag tuntong pa lang ng Setyembre, maririnig mo na ang ingay ng mga ads, mapa sa billboard, TV o sa Internet sa Kamaynilaan at ang mga happy-hour enthusiasts na sumisigaw ng: OKTOBERFEST NA!

Ang Oktoberfest ay isang 3-week event na idinaraos taun-taon sa Germany. Ito na yata ang pinakasikat na event sa bansang iyon, at talaga namang dinadayo ng mga turista mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Mahalaga para sa mga residente ng Munich at Bavaria lalo na na ipagpatuloy ang tradisyon na ito, isang tradisyon na ginaya na rin ng buong mundo, at kasama na ang Pilipinas sa mga nagdiriwang ng Oktoberfest kada taon.

Kung ang beer ang malimit na gamiting hard drinks ng mga bansang Europa at maging sa Amerika, alam niyo bang sa Pilipinas ay mayroon ring tayong mga paboritong inumin?

Nasanay na ang mga Pinoy na samahan ang bawat okasyon ng pag-inom, lalo na sa mga importanteng araw tulad ng kasal, binyag, graduation, pag-ani, o maging sa mga pista. Kahit nga kapag bagong suweldo lang, malimit mong maririnig sa mga empleyado ang katagang, “Tara, inom tayo!” Naging national pastime na yata natin ito.

Bago pa man makarating ang mga Espanyol dito sa ating isla at unang makatikim ang mga katutubong alak o serbesang mula sa Espanya, mahilig nang uminom, at gumawa ng mga inuming talaga namang maituturing nating ‘malakas’ ang tama at talagang sariling atin! Nakalikha na tayo nuon pa man ng mga inuming tulad ng tuba, lambanog, o tapuy. Nang matuto naman ang ating mga manggagawa na magtanim ng mga tubo (sugarcane) nuong panahon ng Kastila, naimbento rin natin ang tinatawag na basi.

(Ang Mga Alak Na Gawa Sa ‘Pinas)Ni Benito Tatlonghari

Page 47: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

47www.pinoytayosanman.com \ october 2010

Sa ngayon, kahit hindi na ito uso masyado sa Kamaynilaan, dahil mas sozy na ang mga tao at mas madaling bumili na nga lang naman ng beer sa sari-sari store sa kanto, patuloy pa rin namang tinatangkilik ang ganitong mga uri ng inumin sa probinsiya.

Ang tuba at lambanog ay ginagawa sa mga lugar kung saan maraming puno ng buko, tulad ng sa Timog na bahagi ng Luzon, Bikol, sa Samar at sa Leyte, at maging sa ilang lugar sa Mindanao. Ang dagta ng tuba ay nakukuha mula sa isang hindi pa nabibiyak na buko, bubutasan lamang ang dulo nito ng isang matalim na kutsilyo at hahayaang ang sabaw nito ay makolekta sa isang sahuran na yari sa kawayan. Ang pagbutas ay ginagawa sa umaga at sa hapon naman kinukulekta ang dagta. Puwede ring makagawa ng tuba mula sa niyog ng nipa sa pagbutas sa niyog at pagsahod ng katas nito.

Ang isang matibay at malakas na punong buko ay kayang makaipon ng hanggang apat na litro sa isang araw. Matapos kolektahin ang dagta, mainam na itong inumin at manamis-namis pa ang lasa, pero kapag lumipas na ang dalawa o tatlong araw, nangangasim na ito sa panlasa pero manamis-namis pa rin. Kapag hinayaang nakataklob nang

maigi ng dalawa hanggang tatlong linggo, nagiging suka na ang tuba.

Ayon sa chemical analysis, ang isang bagong kolektang tuba mula sa buko o nipa ay mayroon ng 5.7 percent alcohol. Mayroon na itong acetic, ascorbic, susenic at lactic acid, at mga carbon dioxide, glycerine, at iba pang mineral. Kapag nasa bote na ito, nagkakaroon na ito ng ilang milligram ng thiamine, calcium, phosphorus, ribofl avin, niacin, at iron. Kinukulayan malimit ang tuba ng pulbos mula sa balat ng puno ng Ceriops Candoltiana (tungog sa mga tiga-Cebu at barok naman sa mga tiga-Leyte) para magkulay raspberry ito.

Ang isang distilled tuba naman ay puwedeng gawing lambanog. Ang distillation ay isang proseso kung saan pinapakuluan ang tuba at hinihintay na mag-condense ang katas mula sa mga copper coils. Ang isang litro ng lambanog ay katumbas ng 160 litro ng isang sariwang tuba.

Kaya mas mahal ang lambanog kumpara sa tuba. Puwede ring gawing cocktail ang lambanog kapag hinaluan ng ibang carbonated mixes, o kahit na ang paglagay ng mga pasas at iwan ito ng mahigit isang linggo. Puwede ring lagyan

TAPUY BASI

Page 48: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

48 www.pinoytayosanman.com \ october 2010

ng mga buto ng anis ang lambanog, at kapag ginawa iyon, ang tawag na sa inumin ay anisado.

Ano pa ba ang ilang mga inumin na makikita sa ibang bahagi ng Pilipinas?

Sa Benguet, ang mga Ibaloy at iba pang mga tiga-bundok ng Hilagang Luzon, gumagawa sila ng tinatawag nilang tapuy. Ang tapuy (o rice wine) naman ay isang uri ng alak na gawa mula sa mga fermented upland rice, isang mamula-mulang klase na ang tawag ay kintuman o kupang. Pinakuluan ang bigas sa bukal na tubig hanggang maging half-cooked na ito sa kawali. Kapag natapos ito, hinahaluan ang mala-gulamang bigas ng bubod, na gawa naman mula sa hindi pa naisasaing na bigas, luya, at eguad, isang uri ng halaman na kakailanganin para sa fermentation nito. Minsan, nilalagyan ito ng asukal para mapabilis ang pangangasim. Hinahayaang nakatakip lang ang mga ito sa loob ng anim na buwan at kapag dumating na ang panhong ito, naglalasa na siyang parang ‘beer’.

Dahil na rin sa kultura at tradisyon ng Pilipinas ang tapuy ay mahalaga dahil sa ito ay ginagamit sa mga seremonya, kaya naman, madali at mabilis na makakakita ng tapuy sa mga tradisyonal na ritwal ng mga pangkat-etniko sa bansa. Ginagawa ito lalong-lalo na para sa cañao, isang pagdiriwang na idinadaos

sa mga kabundukan ng Hilagang Luzon para humingi ng paggabay mula sa mga anito at diyus-diyosan. Hindi kailangang kulangin ang tapuy sa piging dahil maaari itong maging sanhi ng kapahamakan ayon sa mga nakatatanda. Para hindi maubusan, dinaragdagan ito ng tubig, kaya humihina ang ‘tapang’ nito. Kaya normal na makitang nalalasing ang lahat, kahit ang mga kababaihan, sa pagdiriwang ng cañao.

Ipinagmamalaki naman ng mga Ilokano ang basi, ang itinuturing na Hari ng mga Katutubong Alak. Ang basi ay isang home-made na alak, ang katas nito ay kinuha mula sa mga pinitpitang tubo sa mga gilingan na ang tawag ay dadapilan. Niluluto ang katas nito sa mga bariles at iniimbak sa mga malalaking paso na ang tawag ay burnay. Kapag hindi na mainit ang pinakuluan, hinahaluan na ito ng mga pampalasa mula sa mga dinikdik na bigas at mga binayong prutas at mga dahon ng puno ng sumac, sabay daragdagan ng mga dahon ng saging. Matapos niyon ay iiimbak na ito sa ilalim ng lupa o sa isang malamig at tuyong lugar, sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon!

Nakakabilib ang mga Pinoy ano? Kahit pala ang paggawa ng sarili nating alak ay kaya nating diskartehan! PTS

LAMBANOG

TUBA

Page 49: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

49www.pinoytayosanman.com \ october 2010

gawad pts selection of the month

Limang letrang katagaDi naman mahiwagaDala’y mabuti’t masamaSa buhay ng tao, mayaman o dukha.

Maraming uri ng utang:Utang sa salapi, pagkain pati kaloobanMay mapeperwisyo, may matutulunganNgunit lahat ng ito’y may hangganan.

Pangangailangan ay natutugunanNakakabili ng mga nagugustuhanNakapagpagawa magarang tahananMga anak napa-aral sa pribadong paaralan.

Subalit marami ang napahamakSapagkat di marunong humawak Kung saan-saang napadpadSa sugalan, beerhouse o disco pub.

Mayroon namang ginamit sa negosyoBuhay umunlad, umasenso.Dahil kahit pasingko-singkoKanyang inipon, itinago sa bangko.

Di masama ang mangutangKung talagang kailanganHuwag lang gamitin sa kalokohanNang di masira pagkatao’t pangalan.

Dahil kapag marunong magbayad Magiging ayos lang pati dignidadDumating man mga problema’t kalamidadTiyak magkakalaman ang palad.

Kaya utang ay dapat bayaranHuwag magtago o takbuhanSapagkat maari ka pa ring sundanSaan man sulok makarating o manirahan.

gawad pts selection of the monthgawad pts selection of the month

Limang letrang katagaDi naman mahiwagaDala’y mabuti’t masamaSa buhay ng tao, mayaman o dukha.

Maraming uri ng utang:Utang sa salapi, pagkain pati kaloobanMay mapeperwisyo, may matutulunganNgunit lahat ng ito’y may hangganan.

Pangangailangan ay natutugunanNakakabili ng mga nagugustuhanNakapagpagawa magarang tahananMga anak napa-aral sa pribadong paaralan.

Subalit marami ang napahamakSapagkat di marunong humawak Kung saan-saang napadpadSa sugalan, beerhouse o disco pub.

Mayroon namang ginamit sa negosyoBuhay umunlad, umasenso.Dahil kahit pasingko-singkoKanyang inipon, itinago sa bangko.

Di masama ang mangutangKung talagang kailanganHuwag lang gamitin sa kalokohanNang di masira pagkatao’t pangalan.

Dahil kapag marunong magbayad Magiging ayos lang pati dignidadDumating man mga problema’t kalamidadTiyak magkakalaman ang palad.

Kaya utang ay dapat bayaranHuwag magtago o takbuhanSapagkat maari ka pa ring sundanSaan man sulok makarating o manirahan.

49www.pinoytayosanman.com \ october 2010

Page 50: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

50 www.pinoytayosanman.com \ october 2010

food trip

BARBECUED PORK SPARE RIBS

50 www.pinoytayosanman.com \ august 2010

Ingredients:

1 kg pork spare ribs, 2 tbsp. tomato paste2 tbsp. hoisin sauce, 2 tbsp. chilli sauce¼ cup lemon juice, ¼ cup honey2 tbsp. sesame seeds, toasted.

Procedure:

Remove rind from spare ribs. Trim excess fat. Combine tomato paste, hoisin and chilli sauces, lemon juice and honey. Place ribs in a large shallow dish. Pour marinade over.

Store in refrigerator, covered with plastic wrap, for 2 hrs. or overnight, turning occasionally. Drain meat, reserving the marinade.

Place the ribs on lightly oiled grill or flat plate. Cook over a medium heat for 20 minutes or until tender, turning occasionally.

Heat the remaining marinade in a small pan over low heat; do not boil. Pour over the ribs just before serving. Sprinkle with the toasted sesame seeds. PTS

50 www.pinoytayosanman.com \october 2010

Page 51: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

44 www.pinoytayosanman.com \ october 2010

template.indd 44 10/7/10 11:00:47 AM

Page 52: PTS MAGAZINE OCT ISSUE 2010

44 www.pinoytayosanman.com \ august2010