project sample manual

6
PROJECT TITLE TAG LINE Ang munting handog ng College of Science para sa komunidad ng Kasiglahan Ang manwal na ito ay magpapakita ng iba’t ibang paraan kung paano mag recycle ng mga plastic na bote. BUMBILYA NA GAWA SA BOTE Ang ilaw ng bumbilya na ito ay magmumula sa sinag ng araw. 1. Kumuha ng isang 1.5 L na bote ng softdrinks. 2. Punuin ng tubig at bleach (ginagamit sa pagpapaputi ng mga labahin) ang bote. 3. Butasan ang bubong na tamang sukat ayon sa laki ng kabilugan ng bote.

Upload: sicklemidnight113

Post on 25-Dec-2015

75 views

Category:

Documents


4 download

DESCRIPTION

Sample of Project Manual

TRANSCRIPT

Page 1: Project Sample Manual

PROJECT TITLE

TAG LINE

Ang munting handog ng College of Science para sa komunidad ng

Kasiglahan

Ang manwal na ito ay magpapakita ng iba’t ibang paraan kung paano mag recycle ng mga plastic na bote.

BUMBILYA NA GAWA SA BOTE

Ang ilaw ng bumbilya na ito ay magmumula sa sinag ng araw.

1. Kumuha ng isang 1.5 L na bote ng softdrinks. 2. Punuin ng tubig at bleach (ginagamit sa pagpapaputi ng mga labahin) ang bote. 3. Butasan ang bubong na tamang sukat ayon sa laki ng kabilugan ng bote. 4. Isingit ang bote sa loob ng butas na ginawa sa bubong at pinitiliing itong nakadikit gamit ang rubber sealant.

Page 2: Project Sample Manual

MGA PASO NA GAWA SA BOTE

1. Kumuha ng plastik na bote at gupitin ang isang parte ng katawan nito ng rektanggulo.

2. Maglagay ng lupa sa loob ng bote at taniman ito ng halaman.

PALAMUTI SA ILAW

1. Hiwain ang mga pwetan ng bote gamit ang kutsilyo at pinturahan ng puti ang lahat ng pwet ng bote gamit ang acrylic paint. Patuyuin ito.2. Pag dikit-dikitin ang lahat ng puwet ng bote hanggat humawig siya sa larawang ibinigay.3. Isuot ang kawad ng bumbilya sapuwang sa gitna ng mga pwet ng bote at pwede na ito kabitan ng bumbilya sa loob.

Page 3: Project Sample Manual
Page 4: Project Sample Manual

WALIS NA GAWA SA BOTE

1. Kumuha ng limang pirasong 1.5 L na bote ng softdrinks.2. Hiwain ang puwitan ng bawat pirasong bote ng softdrinks.

3. Gupitin ang mga dulo nito ng pahaba na parang walis ting-ting4. Kumuha ng isang ginupit na bote at hiwain ang takip nito. 5. Pagpatong-patungin ang mga ginupit na bote, pero unahin muna sa patong ang bote na may ginupit na takip. 6. Suotan ng pat-pat ang butas ayon sa larawan na ipinakita.

PADER NA GAWA SA BOTE

1. Lagyan ng palaman ang mga boteng nakolekta gamit ang mga plastik bag o kahit anong basura na pwede isik-sik sa loob ng bote, maliban sa mga nabubulok.

Page 5: Project Sample Manual

2. Pag patung-patungin ang mga bote ayon sa larawan na ipinakita at lagyan ito ng chicken wire sa palibot. 3. Lagyan ito ng tatlong patong ng konkreto para ito ay mas lalong tumibay.