ppt nobela
TRANSCRIPT
Paghawan ng Balakid
Ibigay ang ibig sabihin ng mga salitang mula sa nobelang Luha ng Buwaya.
1.Namataan
2.Eredero
3.Maestro
4.Samahan
Pamagat ng Nobela
makabuluhang simula
maigting na paano nasolusyonan
tumitinding galaw ang problema
paano nagsimula paano nagwakas ang nobela
ang nobela
Ang Nobela
Istruktura ng Nobela
Ang Nobela
tinatawag na kathambuhay. Naglalahad ng maraming pangyayaring kinasasangkutan ng isa o dalawa pang tauhan at iba pang katulong na tauhan at ang buong pangyayari ay sumasaklaw ng mahabang panahon.
- ang nobela ay naglalahad ng isang kawil ng mga kawili-wiling pangyayari na pinaghabi-habi sa isang mahusay na pagkakabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang paglalaban ng bayani sa isang dako at ng hangarin ng kanyang katungggali sa kabila. Ang mga katunggali niya ay maaaring mga tao ring katulad niya o kaya’y mga kasalungat na pangayari, kanilang diyan ang kanyang sariling pag-uugali o pagkatao.
Istruktura ng Nobela
4. pananaw3. banghay2. tauhan1. tagpuan
6. tema5.damdamin 7.pamamaraan
8.pananalita 9. simbolismo
1. Tagpuan
- ito ay tumutukoy sa lugar at panahon ng pinangyarihan ng mga pangyayari sa isang akdang na may kinalaman sa pag-ikot ng mga pangayayari sa akda.
2. Tauhan
- tumutukoy sa mga tao na gumaganap ng kani-kanilang tungkulin at siyang nagbibigay-buhay sa akda upang lubusang mabigyan ng kulay at buhay ang mga salitaan at dayalogo sa akda.
3. Banghay
- ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa akda. Sa banghay tuwirang nailalahad ng may-akda ang kanyang mga saloobin at nais na mangyari sa patuloy na pag-ikot ng mga pangyayari sa akda.
4. Pananaw
- panauhang ginagamit ng may-akda
a.una- kapag kasali ang may-akda sa kwento
b.pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap
c.pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
5. Tema
- paksang-diwang binibigyang-diin sa akda.
Hal: pag-ibig
buhay sa lalawigan
paggawa/manggagawa
propesyon/pulitika
6. Damdamin
- nagbibigay ng kulay sa mga pangyayari. Anumang damadamin na ipinapahayag ng mga gumaganap sa nobela ay may malaking tungkulin sa paghatak ng mga mambabasa at tagasuri ng akda.
7. Istilo
- ang pamamaraan ng may-akda sa pagsulat ng nobela. Tumutukoy ito sa pagka-orihinal ng makata sa kung paano niya sinulat o isinusulat ang isang akda.
8. Pananalita
- dayalogo o ang palitan ng salita/usapan sa akda.
9. Simbolismo
- nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa akda.- sa tao, bagay at pangyayari.
Mga Uri ng Nobela
3. Nobela ng Pag-ibig
2. Nobelang Realistiko
Word1. Nobelang Historikal
at
Nobelang Historikal
- ito ay uri ng nobelang tradisyunal na sumasaklaw sa mga pangyayaring naganap sa kasaysayan. Ang paksa ay aktuwal na pangyayari o mga sitwasyong kahawig ng aktuwal na kalagayang umiiral sa bansa. Ang diin ay nasa paglalarawan ng tradisyunal na lipunan at mga palasak na paniniwala.
• Pagkakaiba ng Nobela sa Kasaysayan
a.Obhetibo ang historyador
b.Subhetibo ang nobelista- maaari siyang magdagdag o magbawas sa akda.
Hal:
a.Anino ng Kahapon ni Francisco Lacsamana
b.Dalagang Marmol ni Isabelo Delos Reyes
c.Ang Pagluha ng Matuwid ni VHP
2. Nobelang Realistiko
- ito ay uri ng nobelang ang layunin ay makilala ang pangkalahatang pananaw na maliwanag na binubuo ng mga kaisipang hango sa partikular na paniniwala. Matingkad na inilalarawan ang buhay sa isang tiyak na panahon sa isang partikular na lipunan.
- himig protesta ang nangingibabaw sa nobelang realistiko. Ito ay nagtutuon sa mga umiiral na kalagayan sa lipunan.
- likas sa ganitong uri ng akda ang paglaban sa katiwalian sa lipunan at sa pamumuhay ng mga tao sa lipunang ginagalawan.
Hal:
a.Noli at El Fili ni Jose Rizal
b.Banaag at Sikat ni Lope K. Santos
c.Pinaglahuan ni Faustino Aguilar
d.Ibong Mandaragit ni AVH.
3. Nobela ng Pag-ibig
- pag-ibig ang pinakadakilang paksa ng alin mang akda. Naging palasak sa mga nobelista ang mga paksa katulad ng pag-ibig, pagpapakasakit, ugnayang pamilya, kaayusang unibersal, kahinahunan at kapayapaan. Si Patricio Mariano ang kilalang manunulat na nagsulat ng nobelang pag-ibig. Isinulat niya ang nobelang “Bunga ng Nalantang Pag-ibig” at “Lihim ng Isang Pulo” ni Faustino Aguilar.
Iba pang paraan ng paglalarawan ng Nobela.
1. Isang Pag-aaral
- mahalaga ang sangkap ng pag-aaral lalo na kung mapagsasama ang malikhaing guniguni na siya namang lumilikha ng iba’t ibang tanawin, tauhan at mga pangyayari at nag-aayos ng lahat upang makapaglahad ng katotohanan at kagandahan ng nobela. Dito nakikita ang matalino at masusing pagmamasid sa lipunan.
2. Ang kasaysayan o kuwento
- bilang babasahin ang nobela ay kailangang maglaman ng isang mabuting kuwento. Ito’y dapat magtaglay ng isang paglalarawan ng buhay, ng isang pagmamasid sa mga gawa at kilos ng sangkatauhan.
3. Ang Paggamit ng Malikhaing Guniguni
- mahala ang malikhaing guniguni sa nobela dahil dito nakasalalay ang buhay ng akda. Ito ang nagpapagalaw ng mga tagpo at nagbibigay ng tinig sa pamamagitan ng wastong pananalita, ng mga damdamin o kaisipang nais ipahayag.
4. Mga Layuning Lumibang
- ito ang pangunahing layunin ng nobela, ang magbigay kaaliwan. Bagaman at maaari ang nobela ay maaaring magturo at magtaguyod ng isang pagbabago sa pamumuhay sa lipunan, nananatiling layunin ng nobela ang magbigay ng aliw .
Mga nobelang nagbigay ng malinaw na pag-unlad sa nobela mula 19051. Nena at Neneng ni VHP
2. Luha at Pag-ibig ni Roman Reyes
3. Banaag at Sikat ni LKS
4. Pinaglahuan ni Faustino Aguilar
5. Madaling Araw ni Inigo Ed Regalado
6. Busabos ng Palad ni Faustino Aguilar
7. Pusong Walang Pag-ibig ni Roman Reyes.
Maraming Salamat Po!