powerpoint
TRANSCRIPT
Brylle Luigi Nuqui
BSED II-F
Ipinanganak noong Agosto 29 1632 at
namatay noong Oktubre 28 1704. Siya ay
kilala bilang Ama ng Liberalismo.
Bukod dito siya rin ay isang pilosopo at
manggagamot.
Ang kanyang mga sulatin ay
nakaimpluwensiya kina Voltaire at
Rosseau, at marami sa mga tagapag isip
ng panahon ng Kamulatang Eskoses at
rebolusyonaryong Amerikano.
Ayon sa isang “forum” sa internet,
sinasabing si Locke ang nagpasimula ng
ideya ng karapatang pantao, karapatang
sibil, karapatan ng pagmamay ari na
siyang basehan ng Konstitusyon ng
Amerika.
Ang kanya ring mga sulatin ay naging
malakas na impluwensiya sa Rebolusyong
Amerikano, patunay nito ang pagbanggit
sa kanyang ngalan sa Pagpapahayag ng
Kalayaan ng Amerika at sa konstitusyon
nito.
Ang mga teoriya ni Locke ay karaniwang
tungkol sa katauhan at sarili. Inisip ni
Locke na ang mga tao ay ipinanganak na
walang kaisipan, sa halip ang kaalaman ay
natutukoy lamang ng karanasan.
Ayon sa paniniwala ni Locke, ang lahat ng
ating nalalaman ay nakukuha natin sa
pamamagitan ng karanasan sa mga bagay
bagay at patuloy itong nadadagdagan
ayon na rin sa paglawig ng ating
karanasan.
Kanyang binigyang kahulugan ang
konsepto ng sarili sa lipunan. Ang mga
historyador tulad nila Charles Taylor at
Jerrold Seigel ay nagdebate ukol sa
usapin na ang akda ni Locke na “An Essay
Concerning Human Understanding” ang
syang nagpasimula ng modernong
kanluraning konsepto ng sarili.
Ang kanyang sulatin na “Letters
Concerning Toleration” ay nalikha matapos
ang digmaang panrelihiyon sa Europa. Ito
ang nagkonsepto ng klasikong konsepto
ng relihiosong pagtitimpi.
Una, ang estado at mga mamamayan ay di maaaring diktahan ang puntongpanrelihiyon.
Pangalawa, kahit na kaya nila na diktahanito, ang isang relihiyon ay di sasapat dahilang paniniwala ay di babagay sakarahasan.
Ikatlo, ang pagkakapare pareho ng mgarelihiyon ay magbubunga lamang ng gulosa estado at pagkakahiwa hiwalay.
Sa ikalimang kabanata ng kanyang
“Second Treatise”, kanyang sinambit na
ang karapatang mag may ari ay
sinusuportahan ng pagod at hirap na
kaakibat nito at kung makakatulong ba ito
sa lipunang kinagagalawan ng indibidwal.
Kanyang nilathala ang dalawang
kahalagahan ng pera sa lipunan, una para
masukat ang halaga at pangalawa upang
magamit sa pagkakaroon ng pag aari.
Ito ay nailathala noong 1689 sa sulating
Latin. Ito ay nagpapakita ng pagkatakot na
ang Katolisismo ay maaring masakop ang
buong Inglatera. Bilang solusyon sa
problemang ito iminungkahi ang
relihiyosong paglilimita o pagtitimpi.
Ang likhang ito ni Locke ay nailathala
noong 1689. Ang una sa edisyon ng mga
sulatin na ito ay sumasalungat sa
patriarkong pamamahala, at ang nasabing
sulatin ay tumutukoy naman sa teoryang
pampolitikal batay sa natural na mga
karapatan.
Inilathala noong 1689 na nagpapakita na
ang utak na tao s pagkasilang nito ay
maihahalintulad sa isang blankong papel o
tinatawag na tabula-rasa. Isinasaad din ng
sulatin na nakukuha ang kaalaman sa
karanasan.
Ipinapaliwanag kung paano mapaglalawig
ang kaalaman ng ating isip gamit ang
tatlong paraan, una pagkakaroon ng
malusog na katawan, ikalawa ang
pagkakaroon ng magandang karakter at
ikatlo ang pagkakaroon ng magandang
kurikulum.
www.constitution.org
en.wikipedia.org
Books.google.com
Suite101.com
Librivox.org