pinoy chronicle april first issue 2015

8
10 WEIRDEST PHILIPPINE ANIMALS PINOY LOCAL P.2 PINOY GLOBAL P.3 FOOD TRIP AT HOME P.4 TARA LET'S P.5 WEEKLY HOROSCOPE P.6 PINOY SHOWBIZ P.7 THE PINOY CHRONICLE News. Link. Life PINOY NA PINOY: DID YOU KNOW? WEEKLY HOROSCOPE TEL # 03-4431-3500 KAYA TAWAG NA SA ASIA YAOSHO YOUR ONE STOP FILIPINO SHOP FREE DIAL 0120-344-233 FREE DELIVERY M,T,W,FRI AND SAT EVERY SIMULA 10:00 AM UNTIL 2:00 PM SEE PAGE 4 FOR MORE DETAILS CONTINUE ON PAGE 2 Thinking of what to cook this week? Tara Let's ADOBONG DILAW RECIPE LOVE DESSERTS’ HOMEY BUFFET SATISFIES CRAVING FOR SWEETS -- SPECIAL FEATURE -- A dobong Dilaw is a pork adobo version that does not use soy sauce. Instead, it uses turmeric which is a type of rhizome that belongs to the ginger family. It is known as “luyang dilaw” in Filipino. Hindi na bago ang buffet at hindi na rin bago ang makakita ng desserts sa buffet pero ang buffet na puro desserts ang laman, yan ang kakaiba. CONTINUE ON PAGE 4 CONTINUE ON PAGE 5 CONTINUE ON PAGE 2 pinoy-local story CONTINUE ON PAGE 7 pinoy-bizz story CONTINUE ON PAGE 3 pinoy-GLOBAL story THIS MONTH PHILIPPINES PRIDE Filipino boxing champ Manny Pacquiao has taken its 3rd drug test as a part of the condition of his fight with boxer Floyd Mayweather Jr., test includes providing blood and urine samples. FLOYD MAYWEATHER JR. HANDANG-HANDA NA NGA BA? MANNY "PACMAN" PACQUIAO PASSED THE THIRD DRUG TEST THIS MONTH S MARIAN RIVERA, MAGTO-TOMBOY SA NEXT DRAMA SERIES a darating na Marso 28 ang nakatakdang Earth Hour kung saan isang oras na sabayang pagpatay ng ilaw sa mga tahanan, gusali at mga es- tablisimyento sa buong mundo na inorganisa ng World Wide Fund for Nature (WWF) para sa kalikasan. Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma na magmumula sa Quezon City Memorial Circle sa Quezon City ang switch off sa sabado mula 8:30 hanggang 9:30 ng gabi. April 2015 1st Issue Free Newspaper SA ISANG SPARRING MATCH ay napabagsak si “Money” Mayweather ni Zab Judah na kinuhang sparring mate niya dahil kaliwete rin ito na tulad ni pound- for-pound king na si Manny Pacquiao na makakaharap niya sa MGM Grand Garden Arena sa Mayo 2, 2015. Ano ang kasunod na proyekto para sa tinaguriang Primetime Queen ng Kapuso network? Hindi na magtatagal ang paghihintay ng kanyang mga tagahanga dahil malaki at kakaiba ang istorya ng soap opera niyang ‘The Rich Man’s Daughter.’ 

Upload: buzz-ng-japan-the-pinoy-chronicle

Post on 21-Jul-2016

258 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Page 1: Pinoy chronicle april first issue 2015

DaloyKayumanggi

Impormasyon ng Pilipino

DID YOU KNOW? 10 WEIRDEST PHILIPPINE ANIMALS

PINOY LOCAL P.2 PINOY GLOBAL P.3 FOOD TRIP AT HOME P.4 TARA LET'S P.5 WEEKLY HOROSCOPE P.6 PINOY SHOWBIZ P.7

THE PINOYCHRONICLE

News. Link. Life

PINOY NA PINOY:

DID YOU KNOW?

WEEKLY HOROSCOPE

TEL # 03-4431-3500

KAYA TAWAG NA SA ASIA YAOSHOYOUR ONE STOP FILIPINO SHOP

FREE DIAL 0120-344-233

FREE DELIVERYM,T,W,FRI AND SAT

EVERY

SIMULA 10:00 AM UNTIL 2:00 PM

SEE PAGE 4 FOR MORE DETAILS

CONTINUE ON PAGE 2

Thinking of what to cook this week? Tara Let's

ADOBONG DILAW RECIPE LOVE DESSERTS’ HOMEY BUFFET SATISFIES CRAVING FOR SWEETS

-- SPECIAL FEATURE --

Adobong Dilaw is a pork adobo version that does not use soy sauce. Instead, it uses turmeric which is a type of rhizome that belongs to the ginger family. It is known as “luyang dilaw” in Filipino.

Hindi na bago ang buffet at hindi na rin bago ang makakita ng desserts sa buffet pero ang buffet na puro desserts ang laman, yan ang kakaiba.

CONTINUE ON PAGE 4 CONTINUE ON PAGE 5

CONTINUE ON PAGE 2pinoy-local story

CONTINUE ON PAGE 7pinoy-bizz story

CONTINUE ON PAGE 3pinoy-GLOBAL story

THIS MONTH PHILIPPINES PRIDE F i l ip ino box ing champ Manny Pacquiao has taken its 3rd drug test as a part of the condition of his fight with boxer Floyd Mayweather Jr., test includes providing blood and urine samples.

FLOYD MAYWEATHER JR. HANDANG-HANDA NA NGA BA?

MANNY "PACMAN" PACQUIAO PASSED THE THIRD DRUG TEST THIS MONTHS MARIAN RIVERA,

MAGTO-TOMBOY SA NEXT DRAMA SERIES

a darating na Marso 28 ang nakatakdang Earth Hour kung saan isang oras na sabayang pagpatay ng ilaw sa mga tahanan, gusali at mga es-tablisimyento sa buong mundo na inorganisa ng World Wide Fund for Nature (WWF) para sa kalikasan. Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma na magmumula sa Quezon City Memorial Circle sa Quezon City ang switch off sa sabado mula 8:30 hanggang 9:30 ng gabi.

April 2015 1st Issue Free Newspaper

SA ISANG SPARRING MATCH ay napabagsak s i “Money” Mayweather ni Zab Judah na kinuhang sparring mate niya dahil kaliwete rin ito na tulad ni pound-for-pound king na s i Manny Pacquiao na makakaharap niya sa MGM Grand Garden Arena sa Mayo 2, 2015.

Ano ang kasunod na proyekto para sa tinaguriang Primetime Queen ng Kapuso network? Hindi na magtatagal ang paghihintay ng kanyang mga tagahanga dahil malaki at kakaiba ang istorya ng soap opera niyang ‘The Rich Man’s Daughter.’ 

Page 2: Pinoy chronicle april first issue 2015

2 DaloyKayumanggi

Impormasyon ng PilipinoPinoy-localpage 2

cover story

APRIL 2015 I FIRST ISSUE

ONLINE VISITA IGLESIA SA DARATING NA MAHAL NA ARAW

CLOUD-SEEDING NAKIKITANG SOLUSYON SA NAKAAMBANG EL NINO

PINOY SA MIDDLE EAST POSITIBO SA MERSCOV

FLOYD MAYWEATHER JR. HANDANG-HANDA NA NGA BA?

BOI TINANGGIHAN NG AFP FLIGHT 4U 9525 BUMAGSAK SA FRENCH ALPS

Sinabi pa ni Coloma sa isang interbyu niya sa radyo “We encourage our people to participate in Earth Hour 2015 by voluntarily switching off all lights for one hour. In doing so, Filipinos will be showing their solidarity with the rest of the world in efforts to combat climate change, thereby promoting a cleaner, healthier and greener world”.Dagdag pa niya na mula 2009 hanggang 2013 ay kinilalang Earth Hour Hero Country ang Pilipinas dahil sa pakikiisa nito sa kampanya. Samantala, magdo-donate naman ng mga solar lamps ang bansa sa mga komunidad na wala pang kuryente upang matu-gunan at lumiwanag ang kanilang mga tahanan.

Mula Pahina 1

Ayon sa isang source na umabot daw ng sampung segundo na hindi nakaban-

gon si Mayweather matapos itong bumagsak na labis nilang ikinagulat dahil

hindi pa ito bumabagsak sa loob ng ring at lalong-lalo na sa isang sparring

match.

Samantala, sinigurado naman ng kampo ni Mayweather na nasa kondisyon

pa rin ang 37-anyos na si Judah para sa nalalapit nitong laban.

Ngunit nang makabangon ay hindi na nagawa pang makaporma laban kay

Mayweather si Judah dahil sa labis na ang pokus nito at inisip na ito na ang

kanyang laban kay Manny “Pacman” Pacquiao.

Mas lalo naman naging maigting ang pagsasanay na ginagawa ni Pacquiao

lalo pa’t hiling ng kanyang anak na si Princess na talunin nito si Mayweather.

Ayon pa sa maybahay ni Pacquiao na si Jinkee, hindi raw niya iniisip na nais

sumunod ng kanyang anak na babae sa ama nito at makahiligan ang pagbobok-

sing. Dagdag pa ni Jinkee, kung sa dalawang anak nga raw nilang lalaki ay ma-

higpit na ipinagbabawal ang pagboboksing, mas lalo pa raw kay Princes dahil

ito ay babae.

MAY MGA MAGANDANG balita ang Catholic Bishops

Conference of the Philippines sa mga nagnanais na mag-

Visita Iglesia sa darating na cuaresma na hindi makaka-

punta ng personal sa mga simbahan, ay maari na mag

Visita Iglesia via online.

Naglabas kamakailan ang CBCP ng isang website kung

saan maari nang mag-online Visita Iglesia ang mga nani-

nirahan sa malalayong lugar na nangnanais makibahagi sa

Visita Iglesia 2015.

Aabot na 44 na mga simbahan ang mga nakasama sa

website na ito.

POSIBLENG MAGSAGAWA ng cloud-seeding ang kawa-

nihan ng National Irrigation Administration (NIA) sa ka-

lagitnaan ng taon upang makalikha ng artificial na ulan.

Ayon kay NIA Administrator Florencio Padernal na sa

katapusan pa ng Mayo matitiyak kung kakailanganin nga

ang cloud-seeding dahil sa buwan palang na ito tuluyang

mararamdaman ang epekto ng El Niño.

Ngunit hindi pa naman apektado ang mga irigasyon

ngayon at hindi pa naman ito umaabot sa critical level.

Maaga rin nagsipagtanim ang mga magsasaka kung

kaya’t karamihan sa kanila ay naka-ani na.

Nagtalaga na rin ang NIA ng point person na magba-

bantay sa mga lalawigan na maaring tamaan ng El Niño.

TUMANGGI ANG ARMED FORCES OF THE PHIL-

IPPINES (AFP) na magbigay ng mga “crucial info” sa

bumubuo ng mga nagiimbestiga sa Mamasapano Oplan

Exodus.

Ayon kay PNP Criminal Investigation & Detection

Group (CIDG) Director Benjamin Magalong at Head ng

Bureau of Investigation (BOI) na naging limitado ang mga

nakuha nilang impormasyon mula sa mga tinaguriang

“certain key personalities” ng nasabing engkwentro.

Bukod kina resigned PNP Chief Allan Purisima at Pan-

gulong Noynoy Aquino ay hindi rin nila nakausap sina

General Gregorio Pio Catapang Jr. at Lt. Gen. Rustico

Guerrero ng AFP.

Bagama’t nakailang request na ang BOI ay tumanggi pa

rin ang mga ito na tumugon. Tumanggi rin ang mga ito

na isumite ang kani-kanilang mga cellular phones para sa

forensic examination.

Samantala, bagaman tumanggi si Purisima na ibigay

ang kanyang cellphone ay ibinigay naman nito ang kopya

ng mga text messages nila ni Pangulong Noynoy Aquino.

Ngunit napuna ng BOI na may unsual gap ang mga

nasabing text messages mula sa oras na nagusap sila ng

11:30am na sinundan na ng 6:20pm na oras.

Kulang-kulang din ang mga isinumiteng detalye kaug-

nay ng naging biyahe ng pangulo sa Zamboanga.

ISA NA NAMANG PINOY OFW ang nagpositibo sa Mid-

dle East Respiratory Syndrome Coronavirus o mas kilala

sa tawag na MERS-CoV.

Ayon kay Department of Foreign Affairs Spokesperson

Charles Jose, na isang 41 anyos, X-Ray Technician sa

isang ospital sa Riyadh ang nasabing biktima.

Nahawa diumano sa mga inaalagaan niyang mga MER-

SCoV patients noong Marso ang nasabing OFW. Nagka-

roon ito ng direktang kontak o exposure sa mga pasyente

habang nagtratrabaho.

Samantala, nakarekober na ang mga OFW na tinamaan

ng MERS CoV kung saan mayroon: 3 Pinay nurse ang

naiulat at na-isolate, ang sumunod naman ay nag-negatibo

matapos dumaan ng iba pang mga tests at ang pangatlo

naman ay nailabas na mula sa Intensive Care Unit at fully

recovered na ito.

TINATAYANG 150 KATAO ang pinaghihinalaang nasawi

nang bumagsak sa bulubundukin ng Pransya ang isang

airbus na pinapatakbo ng Lufthansa’s Greenwings budget

airline noong nakaraang Martes.

Ang 150 na lulan ng Flight 4U 9525 ay kinabibilangan

ng mga 144 na mga pasahero kung saan 16 dito ay mga ex-

change-students at ang anim na crew ng nasabing airline.

Tiniyak naman ng White House sa Washington na ang

trahedya ay walang anumang kaugnayan na ito’y isang

pag-atake ng mga terorista. Ayon naman sa pamunuan ng

Lufthansa na ang pangyayaring ito ay isang aksidente at

huwag nang gawan pa ng anu pa mang karagdagang isto-

rya.

“We saw an aircraft that had literally been ripped apart,

the bodies are in a state of destruction, there is not one

intact piece of wing or fuselage” ani ni Brice Robin isang

prosecuter sa siyudad ng Marsielle.

Pinaniniwalaan naman ng Germanwings na may 67 na

German national ang nasa biyaheng ito. Ayon naman sa

Deputy Prime Minister ng Spain, may 45 na pasahero ang

pawang may mga Spanish names at isang Belgian ang

sakay rin ng Flight 4U 9525.

Ang 16 naman na mga estudyante ay mula sa Joseph-

Koeing-Gymnasium high school sa isang bayan ng Hal-

tern am See sa hilagang kanluran ng Germany.

Magdamag naman mananatali ang buong search team

para isa-isa mahanap ang mga labi ng mga biktima sa

nasabing plane crash, ani ni Regional Police Chief David

Galtier.

Kinumpirma naman ni Prime Minister Manuel Valls

na may isang helicopter ang nagawang makababa sa mis-

mong crash site at sa kasamaang palad ay walang survi-

vors ang natagpuan.

Ang buong komunidad ng Germany ay nagdadalamhati

dahil sa malagim na aksidente na ito.

Page 3: Pinoy chronicle april first issue 2015

3DaloyKayumanggi

Impormasyon ng Pilipino pinoy-globalpage 3 APRIL 2015 I FIRST ISSUE

TOP 10 WEIRDEST PHILIPPINE ANIMALSWithin the Philippines’ 7, 107 islands lay

not just a hodgepodge of colorful cultures

and traditions. A closer look will reveal a

rich flora and fauna that are certainly one

the best in the world. In fact, with 7, 492

species of plants, birds, amphibians,

repti les, and mammals currently in

existence, Philippines is one of the richest

biodiversity hot spots ever known.

But aside from the tamaraw, tarsier, and

pilandok, there are also other less-known

national treasures that was only discovered

recently. Some of these species possess

distinct qualities that are clearly out of

ordinary. Brace yourselves for a list of

extraordinary animals you wouldn’t believe

do exist in the Philippines.

10. Purple Crabs

W i t h a p u r p l e

carapace (shell)

a n d r e d d i s h

c l a w s , t h e s e

Palawan crustaceans can easily stand out if

placed side by side with other crabs. It was

last year that four new species of purple

crabs were discovered in remote areas of

Palawan yet the world of biology couldn’t

get enough of these colorful creatures.

Among the four, Insulanon magnum (53

mm x 41.8 mm) reigned as the biggest

while Insulanom porculum (33.1 mm x 25.1

mm) was declared the smallest. The other

t w o s p e c i e s a r e I n s u l a m o n

j o h a n n c h r i s t i a n i a n d I n s u l a m o n

palawense.

9. Flying Dragon

Compared to the

m y t h i c a l f i r e -

emitting monster,

flying dragons or

D r a c o l i z a r d s

(Draco volans) are smaller and less

dangerous. They usually eat tiny insects

and use their elongated ribs to aid in flying

or gliding. Flying dragons use their ability

to navigate the forest air to find mates,

locate preys, and protect their territories.

8. Stripe-faced

Flying FoxStripe-

faced Flying Fox

Also known in the

scientific world as

t h e M i n d o r o

stripe-faced fruit bat (Styloctenium

mindorensis), this unusual creature was

one of the Philippines’ newest discoveries.

When explorer Jacob Esselstyn heard vivid

descriptions from the locals of Batong

Buhay in Occidental Mindoro, he was

skeptical at first. But not long after that, the

discovery of the “flying fox”–which turned

out to be endemic to Mindoro–led to a

formal description of the animal published

in the August 2007 issue of the Journal of

Mammalogy.

7 . P a l a w a n

Bearded Pig

Looking at their

d i s t i n c t w h i t e

beards, one will

immediately notice that Palawan bearded

pigs (Sus ahoenobarbus) are not your

ordinary baboy ramo. Aside from the white

hairs covering most of their face, Palawan

bearded pigs also feature longer snouts and

canine-like teeth. These gentle animals are

endemic in the Philippines particularly in

the islands of Calamian, Balabac, and

Palawan.

6. Sea Pen

S e a p e n h a s a

s t u n n i n g

resemblance to

classic quill pens,

hence the name. But these soft corals of the

order Pennatulacea can also be seen in the

shape of an umbrella or even a golf club.

Like other coral species, sea pens also

feature individual polyps with eight

tentacles for catching planktons. They bury

t h e m s e l v e s u n d e r a w i d e a r r a y o f

substrates—mud, sand, or solid rock—and

easily detach once they decide to look for a

new home.

5. Sea Pancake

At f irst glance,

t h i s b o t t o m -

d w e l l i n g s e a

c r e a t u r e c a n

remind us of our

favorite home-made pancake drizzled with

cheese and chocolate syrup. But behind its

harmless look, this sea slug (scientifically

known as nudibranch) hides a fierce

appetite. Popularly known as “high-

fashioned models” of the sea, nudibranchs

get their captivating colors from the

creatures they eat. Sea “pancakes”, for

example, are just as carnivorous as other

species—feeding on a variety of animals

ranging from barnacles, sea anemones,

sponges , hydroids , and even other

nudibranchs.

4. Terrible Claw

Lobster

The name implies

a humongous sea

monster but with

a size of 10 cm

(think: prawn), a terrible claw lobster

certainly won’t break your neck. This new

species of marine creature was first

discovered off Luzon islands in 2007 and

l a t e r e a r n e d t h e s c i e n t i f i c n a m e

D i n o c h e l u s a u s u b e l i . T h e g e n u s

“Dinochelus” literally means “terrible claw”

while the species name was named after

Jesse Ausubel, renowned sponsor of the

Census of Marine Life.

3. Cantor’s Giant

S o f t - s h e l l e d

Turtle

W h e n e v e r w e

hear “turtle”, the

sluggish image of pawikan easily come to

our minds. Yet with its distinct shell

(carapace) and odd behavior, Cantor’s giant

soft-shell turtle (Pelochelys cantorii) is

born to stand out. Named after a Danish

zoologist, Theodore Edward Cantor, this

freshwater turtle can grow up to 6 ft (2 m)

and usually spends most of its life hidden in

the sands of Philippines and other Asian

countries. They’re mostly carnivorous—

feeding on mollusks, fish, and crustaceans.

2. “ I n f l a t a b l e ”

Shark

Although not as

f o r m i d a b l e a s

o t h e r s p e c i e s ,

“inflatable” sharks

(known locally as bubble sharks) made it to

our list due to its fascinating feature. As

their name suggests, inflatable sharks have

the ability to puff up by pumping water

into their bellies. As a result, these shrimp-

eating sharks can instantly increase their

size and scare away predators.

1 . P h i l i p p i n e

Tube-nosed Fruit

Bat

W i t h l a t e r a l l y

pointed, tube-like

n o s t r i l s , t h i s

winged creature is one of the strangest-

looking bats you can ever find. Philippine

tube-nosed fruit bats (Nyctimene rabori)

are critically-endangered animals gliding in

the air of Sibuyan, Negros, and Cebu

rainforests. Despite their distinct and alien-

like faces, Philippine tube-nosed bats have

been known to only feed on wild figs and

insects.

According to the Philippine Embassy of Kuala Lumpur,

Boracay was named as the beach destination of the Malaysian

Association of Tour & Travel Agents (MATTA) during its

Annual Fair at the Putra World Trade Center in Kuala Lumpur.

According to S. Jayakumar committee chairman of the Matta

organization, Philippines is rich in natural resources and

biodiversity, praising Boracay's fine white sand beaches.

Philippine Ambassador J. Eduardo Malaya said that

“Boracay has consistently been part of the list of the best

beaches in the world, as evidenced by awards bestowed on it by

major travel magazines and organizations. It is our pleasure for

Malaysians to discover the island, with its pristine white sands

and breathtaking beaches, which captivated many visitors for

nature tripping, watersports and beach hopping.”

He also added that “Now is the best time to visit the

Philippines. For one, the Philippine Government has declared

this year as Visit Philippines Year 2015 (VPY 2015). The flurry

of festivals, concerts, conferences, other activities and events

lined up will draw in both domestic and foreign tourists in the

country. The country is also hosting the Asia-Pacific Economic

Cooperation (APEC) meetings, where its member economies

will congregate in different Philippine cities to talk about

inclusive growth for their citizens and during their downtime,

take in all the beautiful sights the Philippines has to offer.”

Malaya also thanks the Malaysians for discovering more of

the Philippines, beign the ninth largest tourist market in the

country.

This month Philippine pride Filipino boxing champ Manny

Pacquiao has taken its 3rd drug test as a part of the condition

of his fight with boxer Floyd Mayweather Jr., test includes

providing blood and urine samples.

After 8 rounds of sparring medics from United States Anti-

Doping Agency (USADA) showed up at gym where Manny

practices in Los Angeles to perform the test.

Even though both camps have agreed to the drug testing to

be conducted by the USADA, Mayweather Jr. did not agree

with Manny's proposal for whoever fails in the test will be

fined $5million.

Micheal Koncz made a statement that “They have made

derogatory statements for year about Manny [supposedly

using PEDs], and now we challenged them by asking for the $5

million fine, and they refuse it. It’s disheartening.”

In response to Koncz statement, the Mayweather

Promotion CEO Leonard Ellerbe said that they should have

placed those specific terms in the contract, and he accused

Koncz of just seeking publicity.

Ellerbe also added that Koncz is not reading the contract.

According to USADA, the blood and urine samples it has

taken from both boxers are sent to a World Anti-Doping

Agency-accredited laboratory for analysis, following world’s

best laboratory practices, including testing for human growth

hormone, erythropoietin and carbon isotope ratio.

According to the GMA-7 reports, Manny passed the third

test and it was made just after Manny got his boxing license

from the Nevada State Athletic Commision.

Forbes Magazine recently issued a roster of the 500 richest billionaires

in the world, included in it are 6 Filipinos each with their real estate

empiress. Take a look at these wealthiest Filipino tycoons:

1. HENRY SY & FAMILY

Known as the "Retail King" of the Philippines, these family owns SM,

the most ubiquitous mall chains in the Philippines. Sy also serves as the

founder, chair, and CEO of the developer of SM Prime Holdings, Inc.

2. JOHN GOKONGWEI, JR.

He owns Robinsons Land Corp. (RLC), as well as the Robinson Malls,

RLC's popular projects are The Radiance and The Magnolia Residence,

He also controls Cebu Pacific Airlines.

3. ENRIQUE RAZON, JR.

Razon makes a sizeable fortune through the Solaire Resorts and

Casino in PAGCOR's Entertainment City. He is also the Head of

Bloombery Resorts, also a chairman and CEO of International Container

Terminal Services Inc.,

4. ANDREW TAN

A Filipino- Chinese businessman who founded Megaworld

Corporation, one of the biggest property conglomerates in the

Philippines, It includes Eastwood City, McKinley West and McKinley

Hill, Forbes Town Center and alot more.

5. LUCIO TAN & FAMILY

Lucio Tan and Family controls the national flag carrier, Philippine

Airlines, Liqour (Asia Brewery), Tabacco and Banking (PNB & Allied

Bank), The family also have interest in estate through their company

Elton Properties Philippines.

6. DAVID CONSUJI

Chairman of the DCMI Holdings, which has a stake in real estate,

infrastructure, and construction. Projects includes Acacia Estates, Torre

de Manila, Willow park Holmes and Alta Vista de Boracay.

MALAYSIANS PICKED BORACAY AS THEIR "FAVORITE BEACH DESTINATION IN 2015"

MANNY "PACMAN" PACQUIAO PASSED THE THIRD DRUG TEST THIS MONTH

6 WEALTHIEST FILIPINOS INCLUDED IN THE FORBES MAGAZINE 500 RICHEST BILLIONAIRES

Page 4: Pinoy chronicle april first issue 2015

4 DaloyKayumanggi

Impormasyon ng Pilipinopinoy community

Distributer: Publisher:

Contributing Editor: Irene Tria [email protected] Sales and Marketing: jagger aziz [email protected] Ms. Oyee Barro 090-8507-9169 [email protected] Art Editor / Layout artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 [email protected] jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Contributing Writers: Jane Gonzales [email protected] Ms. Oyee Barro Phoebe Dorothy Estelle FOR COMMENTS AND SUGGESTIONS PLEASE EMAIL US AT [email protected]

The views and opinions expressed in The Pinoy Chronicle are not necessarily those of the Editorial Team, the Management and the Publisher and any of its employees. While we try to ensure that the information that we provide is correct, mistakes do occur, if you do notice any mistakes then please let us know. and email us at [email protected].

The design of the newspaper is copyright of The Pinoy Chronicle and material from the newspaper should not be reproduced without prior permission. Photographs have been sought under license, and ownership (unless specified elsewhere) is that of the photograph’s original creator. Any complaints should be directed to the editor; contact us for details.

Telephone: 03-5611-8040 Fax: 03-5611-8044

Email: [email protected]

page 4 APRIL 2015 I FIRST ISSUE

ADOBONG DILAW is a pork adobo version that does not use

soy sauce. Instead, it uses turmeric which is a type of rhizome

that belongs to the ginger family. It is known as “luyang dilaw”

in Filipino.

The procedure in preparing Adobong dilaw is almost the

same as making our favorite pork adobo. However, You have to

add something to enhance the flavor due to the absence of soy

sauce. In this case, You will add pork cubes. This ingredient

compensates to the absence of soy sauce by adding more

flavor to the dish.

It is important that your Adobong Dilaw is as tender as it

can be.

INGREDIENTS2 lbs. pork, sliced

1/2 cup white vinegar1 small yellow onion, minced

1 knob turmeric, sliced6 cloves garlic, crushed

4 dried bay leaves1 piece pork or beef cube (or 2 teaspoons beef

powder)1/2 teaspoon granulated white sugar

1 cup water2 teaspoons peppercorn

3 tablespoons cooking oil

COOKING PROCEDURE1. Heat the cooking oil in a cooking pot.2. Put-in the garlic and then cook until the

color turns light brown.3. Add the onion. Cook for 1 minute.4. Put-in the sliced turmeric, peppercorn, and

bay leaves. Cook for 10 to 15 seconds.5. Add the pork slices. Cook while stirring once

in a while until the pork turns light brown (about 5 minutes).

6. Put-in the pork or beef cube (or powder) and the pour-in the water. Let boil.

7. Cover the pot and then simmer for 30 to 45 minutes (add additional water as necessary).

8. Pour-in the vinegar. Allow the liquid to re-boil.

9. Stir and then add the sugar. Cook for a min-ute more.

10. Transfer to a serving plate.11. Serve. Share and enjoy!

Page 5: Pinoy chronicle april first issue 2015

5DaloyKayumanggi

Impormasyon ng Pilipino tara-letsSEPTEMBER 2014 SECOND issue page 5APRIL 2015 I FIRST ISSUE

Hindi na bago ang buffet at hindi na rin bago ang makakita ng desserts sa buffet pero ang buffet na puro desserts ang laman, yan ang kakaiba. Ito ang major pakulo ng Love Des-serts (LD) restaurant na may branch sa Banawe at Fairview, Quezon City. Sa halagang P199 ay matitikman ng mga foodie at mga mahihilig kumain lalo na iyong tinatawag na ‘people with a sweet tooth’ ang iba’t ibang matatamis na panghima-gas na mayroon ang resto. Mas malaki ang puwesto ng LD sa Fairview kaya naman mas yakang magdala ng mas maraming makakasama kung gustong makarami ng paglasap sa kanilang sweet buffet. Katunayan sa pagbisita namin dito na hindi lamang kababai-han o magkasintahan ang mga kumakain kundi mayroon din na buong barkada, magkatrabaho at buong pamilya.

Oozing with Sweetness

Panalo sa mga natatakam sa matatamis na pagkain ang buffet resto na ito. Mayroon ditong iba’t ibang klase ng cake gaya ng rainbow at Brazo de Mercedes, halo-halo, cookies, crepe, kakanin, champorado, sari-saring flavor ng ice cream, panna cotta, atbp. Ang maganda sa kanilang halo-halo na bahala ang mga customers na maglagay ng sahog sa kanilang baso, ay mas makakapamili at mapaparami ang paglalagay ng paboritong sangkap nito. Halimbawa ay kung sa ibang halo-halo ay napakaunti lamang ng ube at leche flan sa ibabaw, sa LD ay puwedeng-pwedeng damihan. Sa crepe, makakapamili rin ng puwedeng ilagay na palaman (banana, strawberry, mango o chocolate) gayon din sa syrup (honey, blueberry) at iba pang toppings gaya ng marshmallow o ice cream. Puwede ring humingi ng extra favor para maging cute at magana ang pagkain, halimbawa ang crepe maker ay puwe-deng maglagay ng pangalan at gayon din naman humingi ng suggestion kung ano ang mas masarap na kombinasyon.

Homey for Foodies

Matao ang LD lalo na tuwing weekend, nagbubukas sila mula 11am hanggang 11pm araw-araw, katunayan ay may mga nag-aabang na kaagad bago pa ito magbukas. Subalit, magiging relaxing ang feel sa loob lalo na sa kombo ng kulay (lila, pastel yellow at baby blue) dingding ng resto. Minimal lang din ang dekorasyon pero may dagdag na homey at artistic ambiance sa kabuuan. Ilan sa kapanpansin-pansin accent rito ay wall painting na puno, simulated mirror window, letter crafts at vintage clocks. Ang kanilang upuan ay magkakaiba na may bakal, kahoy at leather pero karamihan ay may kulay brown, red and green. Ang lighting din sa loob ay tamang-tama para ganahan na kumain at makapag-usap ang kumakain. Katunayan ang kanilang chandelier ay isang accent din para sa center table. Ang Love Desserts sa Banawe ay matatagpuan 915 Banawe street corner Del monte Quezon City, habang ang kanilang Fairview branch ay matatagpuan sa Pearl Drive Com-mercial Center Commonwealth avenue.

Love Desserts’ Homey Buffet Satisfies Craving for Sweets Teksto at Kuha ni Jane Gonzales

Page 6: Pinoy chronicle april first issue 2015

6 DaloyKayumanggi

Impormasyon ng Pilipinopinoy na pinoy

May gusto kang gawin at kating-kati kang isakatuparan ito sa lalong madaling panahon. Ang kaso sigurado ka bang kaya mong pangatawanan ito partikular na kung kinakailangan nang mahaba-habang panahon at malaki-laking pera. Kahit na maganda na huwag kang patatalo sa mga negatibong emosyon, kailangan na maging realistiko ka rin. Mas lalo

naman sigurong mapapasama kung sugod-sugod ka nang wala ka naman pa lang kaplano-plano kamtin ang tagumpay. Para saan ba ang pinaghihirapan mo?

Scorpio - Oct. 24 - Nov. 22

Siguro nga hindi ka ang klase na matandain pagdating sa petsa, direksyon at kilalang mga personalidad. Subalit, pagdating sa pagpapakita ng emosyon ay d’yan ka hindi nakakalimot kaya kahit may kahinaan ka sa ibang aspeto ay nanatiling magiliw sila sa iyo ang mga tao. Para bagang kahit makalimutan mo ang petsa ang kanilang kaarawan ay okay lamang iyon kasi araw-

araw kang maglambing, nakikisama, mapagbigay o masarap na kakwentuhan. Pero siyempre dagdag puntos kung sana marunong ka rin makaalala ng mga espesyal na okasyon.

Aquarius - Jan. 21 - Feb. 19

Sinusubukan mo naman na maging mahinahon kahit galit na galit ka na. Gayon din, kahit anong pagtanggi ang iyong gawin ay hindi na rin lingid sa kaalaman ng tao sa iyong paligid ang tensyon. Sa halip na kimkimin o ipunin mo ang sama ng loob na iyong nararamdaman, ihinga mo iyan sa iyong kaibigan. Hindi para mag-tsismis o manira ng ibang tao, kundi para mabawasan ang bigat na iyong nararamdaman. Dagdag pa d’yan ay ang malulupit na payo na

iyong kinakailangan para maging mahinahon, mahimasmasan at mahanap mo ang tamang solusyon sa iyong pinagdadaanan.

Taurus - April. 21 - May. 21

Sa ngayon kung nais mong mapag-isa para makapagnilay at tahimik na resolbahin ang iyong isyu ay gawin mo. Kung talagang inaalala ka nila ay dapat kahit man lang sa text, email, at Facebook ay nagpapadala sila ng pangangamusta sa iyo. Pero kung may gustong bisitahin ka ng personal ay pagbigyan mo. Masarap din ang may kakwentuhan sa mga kahit ilang oras pa lamang. Isang magandang paalala na kahit may sarili kang laban, may mga mga taong

handang umagapay at sumuporta sa iyo, hindi mo man ito hingin sa kanila.

Leo - July. 23 - August. 22

Hangga’t hindi mo napagtatanto kung ano ba talaga ang hanap mo at nilalakasan iyong loob para gawin ito, walang mangyayari. Paulit-ulit lang ang iyong mga reklamo na para bagang walang solusyon sa iyong problema. Mahirap na kalaban ang sarili pero hindi ka dapat patalo sa iyong sariling mga limitasyon. Dahil sa lahat ng dapat mong tandaan pagdating sa pakikibaka sa buhay, ito ang walang tutulong sa iyong sarili kundi ikaw lang din. Ang hindi

kayang masaktan at bumangon, iyon ang talagang mahina.

Virgo - Aug. 23 - Sept. 23

Hindi ka ang tipo ng tao na sunod-sunuran kung ano lamang ang ididikta sa iyo. Marunong kang makibagay pero hindi pwedeng imanipula na tatanggipin na lamang ang lahat ng ideya na ibato sa iyo lalo na kung mali. Ang masaklap lang nito ay ikaw mismo ay hindi nakakaalam kung sa kung ano o sino ba talaga ang nagpapasaya iyo. Simulan mo

na ngayon na tukuyin kung sino ba tunay na nagbibigay sa iyo ng tunay na kaligayahan, at hindi iyong ginagamit lang ang iyong kabaitan sa pamamagitan ng pagbabalat-kayo.

Libra - Sep. 24 - Oct. 23

Bakit nga ba may ilan na satsat nang sa mga taong wala naman kinalaman sa kanilang isyu? Ayaw mo naman sigurong maging ganoon o tila isang manlalaro na mali ang inaasintang target. Mabuti nga na ibuka ang iyong bibig para sabihin kung ano ang iyong ibig pero dapat magsabi ka sa taong dapat pinapatungkulan nito. Ang pasakalye at parinig ay hindi shortcut sa totong solusyon, bagkus dagdag pa na balakid para matapos kaagad ang iyong gustong

mangyari.

Sagittarius - Nov. 23 - Dec. 21

Hahayaan mo bang maapektuhan ng init ng iyong ulo ang iyong trabaho? Bagaman hindi madali na magtrabaho na wala sa wisyo o positibong pakiramdam, sikapin mo na maging responsibleng tao. Kung gusto mong umangat sa buhay, ang dapat mong pairalin ay magkaroon ng ‘palabra de honor’ sa iyong mga tinanguang usapan ito man ay mya kinalaman

serbiyso, produkto, kliyente o amo. Ang labanan ngayon ay hindi paangasan, kundi ang pagkakaroon ng positibong sa pananaw sa gitna ng mga problemang kinakaharap.

Aries - March. 21 - April. 20

Dapat mong tandaan na ang pagdadalawang-isip, gayon din ng pagkakaroon ng dalawang iniibig ay mauuwi lamang sa masaklap na resulta. Ang kaguluhan sa puso’t isipan dala ng pag-aasam na makamit ang dalawang bagay ay pagkulong sa hawla na puno ng agam-agam o takot pero salat sa kapayapaan. Masakit pero mainam na matutuhan mong magparaya at

magpalaya, hindi lamang sa ikatatahimik ng lahat, kundi para kapwa ninyo makasama o maranasan ang tunay na kaligayahan.

Pisces - Feb. 20 - March. 20

Sarap magpadala sa nakakakilig na emosyon o sa taong nagbibigay sa iyo nang naiibang saya. Subalit sigurado ka ba na sakali bang dumako kayo sa malalim pang relasyon ay wala kayong sabit na dapat alalahanin. Baka naman sa sobra ninyong pagkigiliw sa isa’t isa ay nakakalimutan ninyong pareho o isa sa inyo ay nakatali na sa iba. Huwag ganoon! Hindi masama ang maging malapit sa isang tao at maging masaya kapag kasama siya pero mabuti

na ang klaro ang inyong ‘status,’ ‘label’ at ‘limit.’ Kung wala naman problema, bakit nga ba hindi ituloy iyan sa mabuting usapan?

Capricorn - Dec. 22 - Jan. 20

Mas maganda na ang sumubok kaysa magsisi sa bandang huli at mas mainam na maging bukas sa pagbabago kaysa manatili sa masalimuot na sitwasyon. Ano ba ang ibig sabihin nito sa iyong bituin? Parating ka na sa puntong kailangan mong magdesisyon kung nais mong mag-iba ang iyong kapalaran. Huwag kang maghintay sa kung ano lamang ang hatid sa iyo ng

ibang tao o nang bukas. Katunayan ay kung gugustuhin mo ay maaari mong hulmahin ang iyong kinabukasan.

Gemini - May. 22 - June. 21

Kung mahirap ang makagaanan ng loob ang isang bagong kakilala, gayon din naman ang pakikitungo sa tao na nag-iiba ang pagtingin sa iyo. Iyong dating okay lamang na inyong ginagawa magkasama o parati ay parang nagkakaroon na ng ibang kulay. Handa ka ba sa pagbabago ng inyong relasyon? Tatanggapin mo ba ang higit pa sa pagkakaibigan na turing niya sa iyo? Sana nga, kung wala naman masasagasaan na ibang tao.

Cancer - June. 22 - July. 22

page 6 APRIL 2015 I FIRST ISSUE

Page 7: Pinoy chronicle april first issue 2015

pinoy-BiZzpage 7 APRIL 2015 I FIRST ISSUE

ni phoebe dorothy estelle

MARIAN RIVERA, MAGTO-TOMBOY SA NEXT DRAMA SERIES

PUBLIC APOLOGY NI MELISSA MENDES 'DI TINANGGAP, REY PAMARAN TINULOY ANG DEMANDA

SARAH GERONIMO NAKA-APAT SA MYX MUSIC AWARDS

IMPRESS: TEEN STARS GRADUATE NA NG HIGH SCHOOL

Mahirap maging working student lalo na kung ang trabaho ay may kasamang puyatan at pagpunta sa iba’t ibang lugar. Subalit, pinatunayan ng ilang kabataang artista na sa gitna ng kanilang kasikatan, kita sa pagtatrabaho at pagod na kaya nilang tapusin ang kanilang pag-aaral. Kasama na rito ang Kapuso actor na si Miguel Tanfelix, Kapamilya star na sina Sharlene San Pedro at Julia Barreto na pawang nagsipagtapos sa high school. Produkto ng Starstruck kids edition, si Miguel ay unang nakilala bilang child star kung saan ang isa sa kanyang naging sikat na programa ay ang Mulawin. Sa kanyang pagbibinata, napabilang siya sa mga sikat na teen stars ng kanyang home studio. Nagbida siya sa Nino at ngayon ay napapanood sa Once Upon A Kiss kung saan katambal n’ya si Bianca Umali. Sa pagtatapos ng 16-year-old binata sa high school ay isa si Bianca sa dumalo sa kanyang graduation day sa Cavite School of Life sa Dasmariñas City, Cavite. “Importante po sa akin ang pag-aaral ko at kahit na puyat at pagod tayo sa taping at sa mga out-of-town shows, hindi ko nakakalimutan ang parating mag-review at gawin ang mga assignments ko, “ saad ni Miguel sa panayam sa kanya ng Abante. “Kaya para po sa akin, malaking achievement na po ang makatapos ng high school. Gusto ko po talagang makatuntong ng college kasi pangako ko ‘yan sa mga magulang ko,” masayang kuwento pa niya.Samantala, sa talent search din nadiskubre ang young actress na si Sharlene Pedro na tapos na rin ng high school. Una siyang nagpasikat sa Star Circle Quest, kung saan nakalaban at naging winner si Nash Aguas, at nasundan naman ng pagiging mainstay n’ya sa Going Bulilit. Bagaman busy din sa kabi-kabilan commitment kasama ang kanyanh ka-love team na si Jairus Aquino ay napagsasabay ni Sharlene na maging masipag na mag-aaral at magtapos ng high school sa His Sanctuary Christian Academy. Mula naman sa angkan ng mga artista si Julia Barretto na kamakailang lamang ay nagdiwang ng kanyang debut. Ang anak nina Marjorie at Dennis Padilla ay nagtapos ng high school sa St. Paul’s College, Pasig City. Sana ay ipagpatuloy pa ng mga kabataang ito ang kanilanh pag-aaral. Iba pa rin ang tapos at may pinag-araln bukod sa kasikatan.

EXPRESS: VICE GANDA, INIINTRIGANG INGGIT KAY ALEX GONZAGA

May nagsasabi di umano na inggit si Vice Ganda sa nakakababatang kapatid ni Toni Gonzaga na si Alex kaya maaga s’yang nagpa-press con para sa kanyang concert na ‘Vice, Gandang-Ganda Sa Sarili Sa Araneta: Eh Di Wow!’ (VGGSS) sa Mayo 22. Pero mauuna rito ang first major concert ni Alex ang ‘Unexpected Concert’ sa April 25 na gaganapin sa parehong venue. “Hindi naman natin alam kung mapupuno o may tsansang hindi mapuno itong concert na ito. Kaya siyempre, kailangan promote tayo nang promote. And I do not see anything wrong with promoting very early,” saad pa ni Vice sa panayam sa kanya ng press. Kaya naman sobrang aga ng promosyon ni Vice ay tutungo raw umano sa Amerika para sa kanyang series of shows doon. Maganda na umano na habang abala s’ya roon ay may napag-uusapan na ang kanyang darating na konsyerto sa bansa. “Kung sino man ang nakaisip niyang insecurity kay Alex na ‘yan ay isang hunghang,” saad pa ni Vice. Oo nga naman nauna lang mag-promote ng concert inggit kaagad. Hindi puwedeng atat o makabenta lang maraming ticket?

IMPRESS: CARLA ABELLANA, AYAW MAGING MARIAN RIVERA?

Pumirma ng panibagong exclusive contract sa GMA 7 si Carla Abellana na tatagal ng tatlong taon. Ang aktres na nailunsad sa remake Rosalinda ay masayang-masaya na patuloy ang kanyang pagiging Kapuso na ayon sa ilang espekulasyon ay bunsod na rin ng kanyang napapabalitang boyfriend na si Tom Rodriguez. “Tayo ang nag-offer kay Carla sa pag-renew. Kitang-kita n’yo naman si Carla, hindi lamang maganda kundi mahusay pang artista, loyal pa sa atin. Tinitingnan natin lahat ‘yan. So wala ka nang mahihingi pa kay Carla. And we consider ourselves lucky to have Carla again,” komento ni GMA Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon tungkol sa aktres sa Journal Online. Isa si Atty. Gozon sa present sa contract signing ng aktres sa 16th floor Boardroom ng GMA Network Center sa Timog, Quezon City noong March 23. Sinabi ni Carla na hindi niya nakikita ang sarili na mapadpad sa ibang network. Aniya, ito ang kanyang tahanan at mahal n’ya ang mga kasamahan na palaging nakangiti. Samantala, hindi naman maiwasan na matanong din ang actress tungkol sa posibilidad na pagningning pa ng kanyang bituin, lalo na’t baka mag-iba na ng prayoridad si Marian Rivera na itinuturing na Kapuso Primetime Queen. Matatandaan na noong Disyembre ay nagpakasal na ang aktres sa kanyang longtime boyfriend na si Dingdong Dantes. Pero an’ya, hindi n’ya mapapantayan at kinikilala niya ang pinagdaanan nito para sa maabot ang kanyang tagumpay. “Ang daling sabihin na, ‘Oy, nainggit ako.’ Pero bilang artista din, naiisip ko rin kung gaano kahirap yung pinagdaanan niya, para mapuntahan kung nasaan man siya ngayon. Parang...mainggit ka man sa na-achieve niya na, maiisip mo rin kung what she had to go through, ‘di ba,’ sabi ni Carla sa panayam sa kanya ng Pep.Samantala, maraming aabangan na prokeyto ang mga tagahanga ng aktres kabilang na ang isang malaking drama series na kanyang pagbibidahan. “Kapag masaya ang both camps sa isa’t isa, formality na lang yung pag-uusap. Mabilis na lang nagkakaintindihan. Carla will do another major soap. She’ll start working siguro in two months, towards the middle of the year. She also has another project with News and Public Affairs, and then tuluy-tuloy pa rin ang ‘Ismol Family’ sitcom niya with Ryan Agoncillo as it’s doing very well and then she also has ‘Sunday All Stars’,” pagbabahagi ni GMA Entertainment TV’s Senior Vice President Lilybeth G. Rasonable sa ilan sa mga gagawin TV host-actress. Tama si Carla, huwag mainggit dahil nakakapangit at maigi na ang gumawa ng sarili mong marka.

Ano ang kasunod na proyekto para sa tinaguriang Primetime Queen ng Kapuso network? Hindi na magtatagal ang paghihintay ng kanyang mga tagahanga dahil malaki at kakaiba ang istorya ng soap opera niyang ‘The Rich Man’s Daughter.’ Gaganap na tomboy o lesbian ang misis ni Dingdong Dantes sa nasabing teleserye kung saan ang kanyang kasintahan ay si Glaiza de Castro. Ang director nito ay ang nagdirek din sa mainit at kontrobersyal na palabas na My Husband’s Lover na si Dominic Zapata. “We want to push the boundaries of what we do in television, what we do in entertainment. The more complex, the better. In this way, we educate the viewers. Inaalis natin sila sa kanilang comfort zone at maganda iyon para sa aming mga director kasi we are doing something new,” saad ni Direk Dom sa kanilang serye.

Sapamamagitan ng kanyang Instagram ay humingi na ng paumanhin ang aktres na si Melissa Mendez sa kanyang nakaalitang si Rey Pamaran. Ang dalawa ay kapwa pasahero sa isang flight papuntang Pagadian na kung saan ay nagtalo sila dahil sa pag-upo ni Melissa sa nireserbang upuan ng huli na nauwi sa pagpapababa sa eroplano sa actress sa Maynila. Subalit, hindi tinanggap ni Rey ang apology at dinemanda n’ya ito sa kasong slander by deed. Marso 20 nang kapwa sakay ng Cebu Pacific sina Melissa, Rey at ang kaibigan nitong model-athlete na si Andrew Wolff. Kay Andrew unang nalaman ng publiko ang pangyayari at ayon sa kanyang salaysay ay naabutan daw nilang nakaupo ang aktres sa kanilang nakareserbang upuan. Umalis lamang daw ito nang pakiusapan ng mga flight attendant, magkagayon pa man ay patuloy daw ang pagmumura ni Melissa mula sa kanyang kinauupuan. Binalaan na raw ang aktres nang dalawang beses subalit imbes na manahimik ay nanakit pa raw ito ng flight attendant at sinuntok din si Rey. Bunga ng komosyon, nagdesisyon ang piloto ng eroplano na bumalik sa Maynila para pababain na lamang ang aktres. Madaling natukoy na si Melissa nga aktres ang tinutukoy ni Andrew, Philippine National Rugby Sevens Team player, dahil sa kanyang nai-post na Instagram video. “I’ve seen some crazy things in my life. I regularly travel on planes for work, but this has got to be probably one of the most ridiculous things that I have experienced. A certain Filipina actress, past her prime may I add, decided to use our reserved seats on the plane,” kwento at komento ni Wolff. “This video is of the initial offloading of this lovely character... Please note 20 ground staff were used just to offload one person. Fines include 500,000pesos and 3 years imprisonment. #WelcomeToTheGoodLife” Ang dagdag na mensahe ng modelo sa kanyang video na hindi na mapapanood sa kanyang social media account. Samantala, kinumpirma ng ipinalabas na opisyal statement ng Cebu Pacific ang naganap na pagpapaba sa kanilang pasahero noong Marso 20. “As of March 20, 2015; 11:30AM. Cebu Pacific flight 5J 771 Manila-Pagadian returned to Manila, shortly after take-off today, March 20, 2015. The unruly passenger was offloaded from the flight. The flight departed Manila at 9:20AM and arrived at 10:37AM in Pagadian on the same day. CEB is coordinating with authorities regarding the incident.” Samantala, ipinaabot ni Rey na handa niyang patawarin si Melissa

kung ito ay magpa-public apology at ikukuwento ang totoong pangyayari sa pamamagitan ng open letter sa kanyang social media account. Sa panayam kay Melissa sa Startalk sinabi nito na pag-akyat nila sa eroplano ay wala pang nakaupo sa seat 1A and 1B at nakiusap umano siya kina Rey na magpalit muna sila ng upuan para makuhaan niya ng litratro ang mga ulap. Pero hindi raw s’ya pinagbigyan at binantaan pa raw siya na hahambalusin ng bag kung hindi aalis sa upuan. “Lagot ka pagdating sa Pagadian, tignan na lang natin kung ano ang kahihinatnan mo,” kwento ni Melissa sa banta ni Rey. Sinubukan pa umano ng aktres na makipag-ayos kay Rey sa tulong ng flight attendant pero itinataboy daw s’ya nito at sinabihan na mabaho ang hininga. Sa kanya raw galit sa mga pinagsasabi nito ay saka niya ito sinampal. Ikinagulat din umano ni Melissa ang anunsyo ng piloto na pababain siya at siya lamang. Itinanggi niyang nananakit ng attendant o nakainom noong panahon na iyon. Dagdag pa ng aktres ay humingi na siya ng tulong sa Gabriela, isang NGO para sa mga kababaihan, para siya ay tulungan laban kay Rey. Makalipas ng ilang araw ay nagpahatid ng paghingi ng paumanhin si Melissa gamit ang Instagram. Hindi tinanggap ni Rey ang public apology ni Melissa dahil umano sa hindi nito pagkaklaro sa mga kasinungalingan na sinabi nito sa telebisyon. Ayon sa kanya ay nais niyang sa telebisyon din humingi ng tawad ito. “Reading the response of the supposedly ‘public apology’ of Ms. Mendez, I immediately made up my mind to pursue my cases against her. I was hoping for a more heartfelt reply, where she would not only apologize but also own up to the lies that she said on TV to defend herself while destroying my reputation,” mensahe ni Rey sa kanyang Facebook. “I think this is not too much to ask. And please do it on TV, because that is where you destroyed my name. Making statements thru social media just adds insult to injury.” Marso 25 nang pormal nang maghain ng kaso si Rey, kasama ang abugadong si si Atty. Raymond Fortun, sa Pasay Prosecutor’s Office laban kay Melissa. Ang hinihingi niyang halaga para sa danyos-perwisyo ay Php 3 million.

Sulit na sulit ang pagdalo ni Sarah Geronimo sa MYX Music Awards na ginanap sa SM Aura Premier’s Samsung Hall noong Marso 25. Hindi lamang dalawa, kundi apat na parangal ang kanyang nakamit kabilang na ang Favorite Artist at Favorite Female Artist awards. Hindi rin nabigo ang singer-actor na si Daniel Padilla na siya namang pinangalanang Favorite Male Artist. Muling pinatunayan ng Pop Princess ang kanyang husay sa pag-awit at lakas ng kaniyang karisma pagdating sa paggawa ng mga proyekto. Ang video ng kanyang awiting ‘Tayo ‘ na idinirek ni Avid Liongoren ang tinanghal na Favorite Music Video, samantalang Favorite Remake naman ang kanyang version ng ‘Maybe This Time.’ Matatandaan na ito ang theme song at kaparehong title ng kanyang pelikula kasama si Coco Martin noong isang taon. Pihadong tuwang-tuwa ang Kathniel fans ng love team nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil parehong may award ang dalawa noong gabi ng parangal. Ang kanta ni Daniel na ‘Simpleng Tulad Mo’ ang naging Favorite Song, habang si Kathryn ang itinanghal na Favorite Guest Appearance in a Music Video para sa video nang nasabing

kanta. Masaya na rin marahil ang Jadine fans dahil ‘No Erase’ music video nina James Reid at Nadine Lustre ang nagkamit ng Favorite Media Soundtrack Award. Samantala narito pa ang ibang nagsipagwagi sa MYX Music Awards:Favorite New Artist: Darren EspantoFavorite Group: Silent SanctuaryFavorite International Video: “Shake It Off” by Taylor SwiftFavorite K-Pop Video: “Come Back Home” by 2NE1Favorite Rock Video: “Kislap” by KamikazeeFavorite Urban Video: “Businessman” by Gloc-9 (directed by J. Pacena II)Favorite Myx Celebrity VJ: Toni GonzagaFavorite Mellow Video: “Right Where You Belong” by Julie Anne San Jose (directed by Louie Ignacio)Favorite Collaboration: “Takipsilim” by Gloc-9 featuring Regine VelasquezMagna Awardee: Rey Valera for his “indelible contribution” to local music–Arvin Mendoza, Allan Policarpio

Page 8: Pinoy chronicle april first issue 2015