patnubay sa pag-aanyo ng panloob na pahinang+pahina... · magkaugnay ng lathalain at larawan. mga...
TRANSCRIPT
3. Ang pahinang
panglathalain at ang
pahinang pampanitikan ay
may kaanyuang DI-
PORMAL. Ginagamit dito
ang mga pambabaeng tipo
(feminine types).
Patnubay sa Pag-aanyo ng Panloob na Pahina
Patnubay sa Pag-aanyo ng Panloob na Pahina
IKALAWANG
PUWESTO
PAHINANG
PANGKABUHAYAN
NSPC 2002
Gen. Santos City
4. PAHINANG ISPORTS
Lalaking-lalaki (very masculine)
buhay na buhay.
nagtataglay ng aksiyon, bilis at
kulay.
Malalaki at maiitim na tipo
Nakakahon ang mga iskor,
tabulasyon at istatistika.
Mga larawang may aksiyon
(action pictures)
Patnubay sa Pag-aanyo ng Panloob na Pahina
Patnubay sa Pag-aanyo ng Panloob na Pahina
IKA-ANIM NA
PUWESTO
PAHINANG ISPORTS
NSPC 2002
Gen. Santos City
1.Kaisahan (Unity)
paglalapit ng mga balita at
larawang magkakaugnay.
magkaharap na mga pahina ay
dapat may kaugnayan sa isa’t isa.
Iwasan ang paglamang ng isang
pahina sa kaharap na pahina.
Iwasan din ang labis na paglamang
sa paningin ng larawan sa tekstong
kaugnayan nito.
Mga Simulaing Dapat Sundin sa Pag-aanyo
2. Timbang (Balance)
Ang paarang ito ay tulad ng see-saw, na
kung malapit sa gitna ay mabigat, ang
malayo sa gitna ay nagiging magaan sa
mata.
Ang larawan ay dapat timbang sa
paningin; di dapat mabigat sa iisang
panig lamang.
Pag-timbangin ang larawan sa kapwa
larawan; ang isang larawan sa isang
nakakahong balita; o ang isang larawan
sa isang balitang may ulong tatlong
kolum ang sukat na may malalaking tipo.
Mga Simulaing Dapat Sundin sa Pag-aanyo
3. Diin (Emphasis)
Ang kahalagahan ng isang balita
ang magbabadya:
kung saang pahina ito ilalagay,
o kung saang bahagi ng pahina
ito iaayos,
at kung anong istilo at laki ng
tipo ang gagamitin.
Mga Simulaing Dapat Sundin sa Pag-aanyo
4. Kilos o Galaw (movement)
Walang galaw sa timbang na
kaayusan. Sa natatagong timbang
na kaayuan, ang paningin ay
nagsisimula sa isang bahagi ng
pahina patungo sa bahaging may
higit na kahalagahan.
Mga Simulaing Dapat Sundin sa Pag-aanyo
5. Proporsyon
• Dapat maging proporsiyunal ang laki
ng larawan sa haba ng teksto at ang
laki ng ulo sa kahalagahan ng balita.
• Hangga’t maaari, iwasan ang
pagputol ng balita upang ituloy sa
ibang pahina (jump story).
Mga Simulaing Dapat Sundin sa Pag-aanyo
6. Pagkakaiba o Kontras
Nagbibigay ng kaakit-akit na anyo ang
Kontras.
• Iwasan ang nagbubungguang ulo
(tombstoning or bumping heads), kung
saan ang dalawang ulo ng balita na
may magkatulad at magkasinlaking
tipo ay pinagtabi sa isang hanay.
• Labag din sa kontras ang pagkuha ng
larawan sa may pondong puti (white
background) kung puti rin ang kasuotan
(no contrast).
Mga Simulaing Dapat Sundin sa Pag-aanyo
1. Ilagay ang pinakamahalagang
balita sa kanang itaas. Sa ibaba
nito ay ang sumusunod na
balitang may kahalagahan.
Mga Patnubay sa PAg-aanyo
2. Paglayuin ang mga lathalaing
magkasinghaba.
3. Ibahin ang anyo ng pahina sa
bawat labas ng pahayagan.
4. Iwasan ang hagdan-hagdang
ayos ng mga balita.
Mga Patnubay sa Pag-aanyo
5. Hangang maaari, iwasan ang
pagputol ng balita at ang
pagpapatuloy nito sa ibang
pahina. Iwasan din ang siksik na
ayos.
6. Iwasan ang paglalapit ng di-
magkaugnay na larawan at
lathalain.
7. Iwasan ang paglalayo ng
magkaugnay ng lathalain at
larawan.
Mga Patnubay sa Pag-aanyo
8. Iwasan ang paggamit ng
maraming uring tipo sa iisang
pahina.
9. Iwasan ang paglalagay ng
karugtong (jump story) sa itaas
ng pahina o sa pabalik na pahina
(Avoid bad break).
10. Iwasan ang paglalagay ng
pangalan ng pahayagan sa ilalim
ng lupi (below the fold)
Mga Patnubay sa Pag-aanyo
11. Iwasan ang abuhing talataan
(gray areas or sea gray areas).
Maiiwasan ito sa pamamagitan
ng sabhed(subhead)
12. Iwasan ang paggamit ng baner o
pangunahing ulo ng balita kung hindi
nararapat ito sa kahalagahan ng
balita. (Avoid screaming headline).
Mga Patnubay sa Pag-aanyo
13. Huwag pabayaan na ang itaas na
bahagi ng pahina ay sobrang mabigat
(top heavy) dahil sa paggamit ng
malalaking larawan at ulo ng balita.
Maiiwasan ito sa pamamagitan ng
malawakang ulo (spread head) sa
ibabang bahagi ng lupi.
14. Iwasan ang paggamit ng maraming
ulo ng mga balita na may
magkakaparehong tipo, laki at uri.
Mga Patnubay sa Pag-aanyo
15. Iwasan din ang paggamit ng maliliit
na ulo sa mahaba at mahalagang
balita.
16. Mula sa pito hanggang sa siyam na
istorya o balita ang katamtamang bilang
sa pagmukhang pahina ng tabloyd.
Karaniwang may limang kolum ang
isang tabloid at ang bawat kolum ay 12
ems o dalawang dali ang lapad.