pat lang

Upload: christian-reomales

Post on 05-Oct-2015

220 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

patlang

TRANSCRIPT

  • Hindi katahimikan ang ibig (sabihin) ng mga patlang.Pinatataya kapinapapasok sa kanilang bitag at sa panahongganap mo silang makita o maligaw ang tingin, parating maramisilang hinihingi, kahit patingi-tingi: ibigay ang pangalan, tukuyinang kasarian, ipahayag ang gulang, alalahanin ang magulang,ituro ang tahanan, ideklara ang mga kinasanayan.Seryoso ang mga patlang sa kanilang gawain,para silang pari sa kumpesyunaryo o pulis sa presinto.Kung minsan nagbibiro rin naman sila.Tinatanong kung magkano ang binubuwis mo sa gobyerno,kung ilang taon ka ng biyudo, o kung anong mas paborito moafritada o menudo, o kung anong istasyon sa telebisyonang pinanonood mo at kung naniniwala ka bang magugunawna ang mundo ayon sa nakasulat sa nostikong ebanghelyong isang ermitanyo sa Ethiopia.Pasintabi lamang, ngayong nabanggit kona ang mga bagay-bagay na ito tiyak na mulingmangungulit ang mga patlang. Maaari ka nilang tanunginkung nasaang kontinente ang Ethiopia, kung paano ang paglutong menudo, o kung sino at bakit naimbento ang telebisyono kung regular at nakabayad ka na ba ng buwis.Mapag-usisa ngunit hindi sila nagkukusa.Nakatingin, nakapaligid sa atin ang mga patlang.Wala silang ibig (sabihin) na hindi mo masasabi.