panimula

2
Ang pagkuha ng kursong inhinyerya ay isa na sa pinaka malaking desisyon na gagawin ng isang tao sa kanyang buhay dahil ang pagkuha nito ay hindi isang biro. Sa bawat gawa ng isang inhinyero ay bahagi na sa ating araw-araw na pamumuhay dahil sa napakalaki nitong kontribusyon sa isang indibidwal at sa ekonomiya ng bansa. Taga plano ng bahay, tulay, naglalakihang mga gusali, at iba pang mga establisyemento, taga ayos ng elektrisidad, malaki sahod; mga karaniwang sikat na bansag sa isang inhinyero at syempre hindi mawawala ang “magaling sa matematika.” Sa pagsasagawa ng isang proyekto, lubos na kinakailangan ang pantay na sukat, tamang dimensyon, pagaanalisasyon at iba pa. Malaki ang epekto ng pagkakaroon ng matinik na kaalaman sa asignaturang Matematika dahil ito ang kanilang pundasyon upang makabuo ng isang matagumpay na proyekto. Samantala sa tuwing nababanggit ang salitang inhinyerya kakabit na nga nito ang Matematika. Kung iisipin, magiging malaking sagabal sa isang mag-aaral ang mabagal na pag-intindi sa mga triks at logic ng Matematika pati sa mga pormulang nakapaloob dito dahil ito ang isa sa mga puhunan nila para makapagtapos ng pag-aaral. Ngunit hindi lahat ng mag-aaral sa kursong ito ay

Upload: angeline

Post on 29-Jan-2016

228 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

Engineering vs. Math

TRANSCRIPT

Page 1: Panimula

Ang pagkuha ng kursong inhinyerya ay isa na sa pinaka malaking desisyon na gagawin

ng isang tao sa kanyang buhay dahil ang pagkuha nito ay hindi isang biro. Sa bawat gawa ng

isang inhinyero ay bahagi na sa ating araw-araw na pamumuhay dahil sa napakalaki nitong

kontribusyon sa isang indibidwal at sa ekonomiya ng bansa. Taga plano ng bahay, tulay,

naglalakihang mga gusali, at iba pang mga establisyemento, taga ayos ng elektrisidad, malaki

sahod; mga karaniwang sikat na bansag sa isang inhinyero at syempre hindi mawawala ang

“magaling sa matematika.” Sa pagsasagawa ng isang proyekto, lubos na kinakailangan ang

pantay na sukat, tamang dimensyon, pagaanalisasyon at iba pa. Malaki ang epekto ng

pagkakaroon ng matinik na kaalaman sa asignaturang Matematika dahil ito ang kanilang

pundasyon upang makabuo ng isang matagumpay na proyekto.

Samantala sa tuwing nababanggit ang salitang inhinyerya kakabit na nga nito ang

Matematika. Kung iisipin, magiging malaking sagabal sa isang mag-aaral ang mabagal na pag-

intindi sa mga triks at logic ng Matematika pati sa mga pormulang nakapaloob dito dahil ito ang

isa sa mga puhunan nila para makapagtapos ng pag-aaral. Ngunit hindi lahat ng mag-aaral sa

kursong ito ay kayang mahalin ang Matematika. Kadalasan pa’y kinaiinisan ito dahil nahihirapan

sila ngunit hindi nila napapansin na pilit pa rin nilang inaaral at sinasagutan ito. Kahit na alam

natin na mahirap ang kursong ito marami pa din ang nahuhumaling dito.

Ang asignaturang Matematika ay natural na mahirap dahil sa komplikado nitong mga

aralin na tunay na may kinalaman sa reyalidad ng ating mundo. Ito pa rin ay mahalaga sa atin

kaya dapat matutunan ng bawat isa. Sabi nga ng mga matatanda “Ang lahat ng bagay ay napag-

aaralan.” subukan mo itong pagsanayan at pagtuunan ng pansin, matututunan mo rin. Magiging

mahirap lang ito kung itinanim mo na sa iyong isip na ito’y mahirap at hindi mo kaya. Sa pag-

Page 2: Panimula

aaral ng kursong inhinyerya hindi mo kailangan na maging sobrang matalino, hanggat kaya

mong intindihin ang bawat pormula, makinig at matuto ikaw ay magtatagumpay.