pangitain

6
PANGITAIN Nagkaroon ng field trip ang pamilya kasama ang mga kaibigan patungo sa isang probinsya sa Leyte. Nais ng pamilyang Javier na magkaroon ng bonding time ang bawat isa kaya hindi na nagdalawang isip ang mga ito na sumama kahit hindi pa bakasyon sa klase kasi miminsan lamang ang pagkakataon na makakasama sa isang trip na walang gaanong gagastusin dahil sa isang promo ang trip na ito. Sabik na sabik ang bawat isa sa pagsakay pa lamang sa bus. Ngunit may napansin si Lea, ang may-bahay na isang babae sa gilid ng bus na iba kung makatingin sa lahat ng mga pasahero, waring may ipinahihiwatig ito sa bawat isa. Napatingin ang babae kay Lea na dahil sa takot nito ay agad nitong binawi ang tingin at idinako sa iba. Kunti na lang ang hinihintay at agad na itong aalis. Medyo nalingat si Lea dahil sa pag-aasikaso sa mga dalang gamit at di na nito napansin na wala na sa kaniyang tabi ang anak. Naitanong agad nito sa asawang si Ruel kung nasaan si Josh at kung bakit di nila ito katabi? Ngunit nakalarga na ang bus bago pa man nagawang maipalipat ng mag-asawa ang anak. Gusto kasi nitong makatabi ang mga kaibigan na kasing edad nito na nakaupo roon sa may harapan ng bus para higit na makikita ang mga tanawin. Wala na lamang nagawa ang mag-asawa kundi hayaan ito. Ilang oras din ang lumipas at hindi na napapansin ng mag-asawa na malayo na rin ang kanilang narating. Sa kasamaang palad ay pumutok ang gulong ng sasakyan. Ginabi na ang mga pasahero sa paghihintay sa driver na nagpapaayos pa sa gulong. Naiinip na ang lahat sa kahihintay. Biglang nahintakutan si Lea nang mapansin sa di kalayuan ng bus ay may taong nagmamasid sa kanilang sasakyan gayong liblib na lugar naman iyon. Akala niya’y walang katao-tao ang lugar na iyon. Ginising agad ni Lea ang asawa na nakatulog na sa upuan sa paghihintay.” May tao akong nakita roon”, sabi niya kay Ruel. “Naku, guni -guni mo lamang iyon. Wala naman akong nakita?” Wala na nga roon ang tao. Ngunit hindi pa rin na wawala ang takot na nararamdaman ni Lea simula pa noong pag-alis pa lamang nila. Hay! Salamat. Nandito na ang driver.” Bulalas ng mga pasahero. Naisaayos na agad ang gulong at agad nang nakalarga ito. Nahimashimasan si Lea dahil sa nakaalis na sila sa dakong iyon. Mag-uumaga na nang magising si Lea. Ang ganda ng liwanag na dulot ng pagsikat ng araw. “Ruel, ang ganda ng araw o!” “Oo nga”. “Senyales iyan na magkakaroon ng maaliwalas na araw ngayon, mainam sa ating paglalakbay.” “Sana nga.”

Upload: jenita-guinoo

Post on 22-Jan-2018

275 views

Category:

Education


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: PANGITAIN

PANGITAIN

Nagkaroon ng field trip ang pamilya kasama ang mga kaibigan patungo sa isang probinsya

sa Leyte. Nais ng pamilyang Javier na magkaroon ng bonding time ang bawat isa kaya hindi na

nagdalawang isip ang mga ito na sumama kahit hindi pa bakasyon sa klase kasi miminsan lamang

ang pagkakataon na makakasama sa isang trip na walang gaanong gagastusin dahil sa isang promo

ang trip na ito.

Sabik na sabik ang bawat isa sa pagsakay pa lamang sa bus. Ngunit may napansin si Lea,

ang may-bahay na isang babae sa gilid ng bus na iba kung makatingin sa lahat ng mga pasahero,

waring may ipinahihiwatig ito sa bawat isa. Napatingin ang babae kay Lea na dahil sa takot nito

ay agad nitong binawi ang tingin at idinako sa iba. Kunti na lang ang hinihintay at agad na itong

aalis. Medyo nalingat si Lea dahil sa pag-aasikaso sa mga dalang gamit at di na nito napansin na

wala na sa kaniyang tabi ang anak. Naitanong agad nito sa asawang si Ruel kung nasaan si Josh

at kung bakit di nila ito katabi? Ngunit nakalarga na ang bus bago pa man nagawang maipalipat

ng mag-asawa ang anak. Gusto kasi nitong makatabi ang mga kaibigan na kasing edad nito na

nakaupo roon sa may harapan ng bus para higit na makikita ang mga tanawin. Wala na lamang

nagawa ang mag-asawa kundi hayaan ito. Ilang oras din ang lumipas at hindi na napapansin ng

mag-asawa na malayo na rin ang kanilang narating. Sa kasamaang palad ay pumutok ang gulong

ng sasakyan. Ginabi na ang mga pasahero sa paghihintay sa driver na nagpapaayos pa sa gulong.

Naiinip na ang lahat sa kahihintay. Biglang nahintakutan si Lea nang mapansin sa di kalayuan ng

bus ay may taong nagmamasid sa kanilang sasakyan gayong liblib na lugar naman iyon. Akala

niya’y walang katao-tao ang lugar na iyon. Ginising agad ni Lea ang asawa na nakatulog na sa

upuan sa paghihintay.” May tao akong nakita roon”, sabi niya kay Ruel. “Naku, guni-guni mo

lamang iyon. Wala naman akong nakita?” Wala na nga roon ang tao. Ngunit hindi pa rin nawawala

ang takot na nararamdaman ni Lea simula pa noong pag-alis pa lamang nila. “Hay! Salamat.

Nandito na ang driver.” Bulalas ng mga pasahero. Naisaayos na agad ang gulong at agad nang

nakalarga ito. Nahimashimasan si Lea dahil sa nakaalis na sila sa dakong iyon. Mag-uumaga na

nang magising si Lea. Ang ganda ng liwanag na dulot ng pagsikat ng araw. “Ruel, ang ganda ng

araw o!” “Oo nga”. “Senyales iyan na magkakaroon ng maaliwalas na araw ngayon, mainam sa

ating paglalakbay.” “Sana nga.”

Page 2: PANGITAIN

“ Andito na tayo!” “Hay, salamat. Nakarating din tayo nang maayos.” “Baba na..” Sabi ng

aming tuor guide na si Liezyl. Hindi na makapapasok iyong sasakyan sa lugar kaya maglalakad na

lamang tayo”. Pagkababa pa lamang ay agad nang hinanap ni Lea ang anak na si Josh. Ngunit

nauna na ito kasama ang mga bagong kakilala. “Naku, ang batang ito.” Napasimangot si Lea dahil

hindi na mahahabol si Josh. Ang bibilis ng mga kabataan tapos matatarik pa ang lugar kaya

hinihingal na lamang siya’t napakapit sa asawa na hinay-hinay din lamang sa paglalakad dahil

napagod na rin sa kawalan ng ehersisyo. Napapatawa na lamang ang mag-asawa sa halip na mag-

iinit ang ulo. Ini-enjoy na lamang nila ang lamig na dulot ng preskong hangin sa kapaligiran. “Ang

sarap talaga ng hangin sa probinsiya, nakaka-miss umuwi sa aming bayan.” Medyo matagal na rin

tayong di nakauuwi roon, di ba?” Tanong niya sa asawa. “Oo, maglilimang taon na yata. Maliit pa

lamang si Josh. Alam kong di na makakakilala iyon sa kaniyang mga pinsan. Siguro nararapat na

ring makapagbakasyon tayo sa atin.” “Tama ka. “ “Pagkatapos nito ay ipaplano naman natin ang

pag-uwi sa ating bayan. Iso-sorpresa natin silang lahat.” At napatawa ang dalawa. Papasok pa

lamang ang grupo sa lugar ay kakaiba na ang nararamdaman ni Lea sa sarili. Nagbalik ang takot

na kaniyang naramdaman noong pagsakay pa lamang niya sa bus. “O, bakit ka na naman

nakasimangot? Mali iyang nararamdaman mo. O, Kita mo..ang ganda-ganda ng tanawin. “Ang

pag-aalo ni Ruel sa asawa. “Nasaan na ba kasi si Josh! Hindi ko na napansin sa kasasama niya sa

iba. Hanapin na muna natin siya”. “Okey!” Habang hinahanap nila ang anak, napapansin ni Lea

na panay ang pailalim na tingin ng mga tao sa kanila at parang nag-uusap ang kani-kanilang mga

mata na waring may tinatandaan sa mga bisita. Asikasong –asikaso ang lahat ng pasahero sa isang

bahay ng Kapitana. Masaya ang lahat sa nakahandang pagkain. Inom nang inom ang ilan at kain

ng kain ang iba sa masasarap na ulam at mga dessert na nakahanda. Samantalang si Lea ay hindi

mapakali na hanggang sulyap na lamang ang nagagawa sa anak. Hanggang sa magkaroon ito ng

pagkakataong malapitan ang anak. “Anak, magsasama na tayo, lagi ka na lamang nauuna sa amin.”

“Di ba nais nating mag-bonding? Bakit di mo kami kapiling?” “Nanay naman, di ba,lagi naman

tayong magkakasama. Hayaan mo na lamang ako ngayong kasama ang mga bago kong kaibigan.

Ngayon lamang ito. Mamaya lalapit na ako sa inyo sa pagtulog natin. Siyempre, sino ba naman

ang magiging katabi ko, di ba kayo?” “Ano ba ang kinakain mo anak?” “Ang manok lamang nay.

Alam mo namang ito lamang ang nagugustuhan ko sa mga ulam. Ang tataba kasi ng mga ulam.”

“Buti naman. , sige. Puntahan mo kami ha.. doon lamang kami ni tatay mo.” “Okey nay.”

Page 3: PANGITAIN

Palalim nang palalim na ang gabi, nakatutulog na ang iilan sa kanilang inuupuan. At ilan

naman ay nalalasing na sa kaiinom sa lambanog. Mabuti’t maayos lamang na nakaupo si Ruel na

kausap ang ilang kalalakihang nakilala sa bahay. Bigla itong tumayo upang umihi, sumama rin si

Lea upang umihi na rin. Bigla na lamang nagsisigawan ang mga tao sa loob kaya dali-daling

bumalik ang mag-asawa upang alamin kung ano ang nangyayari sa loob ngunit napaurong ang

mga ito dahil sa nasaksihan nila. Napayakap si Lea sa asawa dahil sa sobrang takot. Mistulang

zombie ang mga lalaking taga-nayon na kinakain ang mga bisita na wala nang buhay lahat. Agad

na tinatawag ni Lea ang anak ngunit wala na ito roon. Napaiyak na lamang si Lea sa labis na

pangamba sa maaaring nangyari sa anak. Hinablot siya ng asawa at sabay silang tumakas palabas

ng nayon. Iyak nang iyak si Lea nang makarating sila sa bus. “Si josh” “si Josh” paulit-ulit na

sambit ni Lea sa pangalan ng anak. Nakita ni Lea ang nanak na nakaupo na pala sa upuan ng

sasakyan. Agad itong niyakap ng ina na napahagulgol sa sobrang takot. “Bakit ba nauna ka na rito,

hanap ako nang hanap sa iyo.” “Hindi ko na kasi kayo makita kaya nauna na ako sa pagbabalik

dito. Alangan namang maghihintay ako roon, inanantok na ako eh. Mas maayos naman ditong

tulugan kaysa roon. Walang aircon”. “Salamat sa Diyos!” Usal ni Lea habang bumabalik sa

kanilang pinag-uupuan. Napaidlip na rin siya sa sobrang pagod na nararamdaman.

Naalimpungatan sila nang biglang may bumangga sa salamin ng bus. Mga taong sugatan,

humihingi sila ng tulong at pinapabuksan agad ang pinto para ang mga ito ay makapasok. Ngunit

ang lahat ay natilihan, hindi nakakilos sa mga nakikita sa labas. Ang daming humahabol sa kanila

na waring hayop, ang babangis at ang tatalim ng mga pangil.Naglalaway sa mga taong

nagpapasaklolo,mapulang-mapula ang kanilang mga mata. Ngunit di sila gaanong makalapit sa

bus dahil nag-aalangang makilala sila dahil mukha pa rin naman silang tao ngunit nakatatakot na

nga lamang dahil sa kanilang hitsura. “Tulungan niyo po kami, papasukin niyo po kami, please

maawa po kayo please. “ pagmamakaawa ng mga biktima para papapasukin sa bus. Ngunit hindi

nakinig ang driver, sa halip ay nilalagyan niya ng headphone ang kaniyang tainga. Ramdam na

ramdam ni Lea ang pagkaawa ngunit nangingibabaw sa kanila ang pag-iisip sa kanilang kaligtasan.

Pinikit na lamang nila ang kanilang mga mata at umupo sa ibaba upang di makikita ang nangyayar i

sa labas. Hanggang sa isa-isang nawala ang mga tao sa labas. Ewan kung saan na ito nagpunta.

Tama, isang imahinasyon lamang pala ang lahat ng iyon naisip niya ngunit parang totoong

nangyayari ang lahat. Nakatulugan na lamang ni Lea ang pangyayari at alalahaning iyon.

Kinaumagahan, dumating na si Liezyl, ang tour guide. Mahihinuha sa kaniyang mga mata ang

Page 4: PANGITAIN

tanong kung bakit marami-rami pa rin ang mga pasahero sa loob ng bus at parang galit sa

nadadatnan na ang pinagdidiskitahan ay ang driver ng bus. Agad na itong nagsabing aalis na at

may pupuntahan pa silang isang lugar. Ni hindi man lamang nagtanong kung nasaan na ang iba at

bakit iilan na lamang silang nakasakay sa bus. Kahina-hinala talaga. Tuloy-tuloy siya sa dati

niyang ginagawa, ang pagle-lecture tungkol sa lugar na kanilang madadaanan. Waring walang

anumang nangyayari sa kaniyang mga pasahero. Nang pumarada ang bus, bigla na namang

nararamdaman ni Lea ang kakaibang feeling. Pagkatakot sa maaaring mangyayari sa paglilibot sa

lugar. “Dumito na lamang tayo Ruel. Huwag na lang tayong sumama sa kanila.” “Ano ka ba,

nandito tayo upang makararanas ng mga gawaing pamprobinsiya di ba, bakit ka maiiwan diyan?”

“Takot kasi ako baka mapahamak na naman tayo gaya noong isang gabi.” “Naku, iba ang lugar na

iyon, iba naman dito.” “kaya, halika na. Baka mahiwalay tayo sa kanila. Sige ka, ikaw na lamang

ang maiiwan ditong mag-isa.” “Si Josh?” “Ayun, nauna na kasama pa rin ang kaniyang mga

kaibigan.” Pumasok ang grupo sa isang malaking bahay. Ang lawak-lawak ng lugar. May

swimming pool, may magandang landscape na nakaharap sa bukid at sa dagat . Ma-a-amaze ka

talaga sa view ng lugar..pang-mayaman talaga. Ngunit hindi pa rin mapakali si Lea kahit pa man

sa nakikita dahil sa kaniyang agam-agam sa nangyari sa kanila roon sa isang nayon. “Dito na

muna kayo magpapagabi. Alam niyo, delikado sa daan kapag gabi na. Bukas niyo na lamang ituloy

ang inyong byahe. Marami naman kaming tulugan diyan sa itaas. Maaaring iisang kwarto lamang

kayong lahat dahil meron akong isang master’s bedroom.” Pagkasabi noon sa babae ay agad nang

tinungo ng bisita ang silid sa pagnanasang makapili ng lugar na mapaghihigaan. Ang laki-laki nga

ng silid. Para bagang mahihilo sa sobrang laki nito. “Dadalhan ko lamang kayo rito ng foam.

Hintayin niyo lamang ako rito. Huwag na kayong lumabas.” Sabi ng mayordoma. Isa-isa nang

inilatag ang kanilang mga higaan at agad nang natulog. Ngunit sa may likurang bahagi nito ay

may waring nag-uusap at malakas ang pagbabalya ng taong nasa labas ng pintuan. Nagpupumilit

na pumasok sa loob ng bahay. Sa pagka-curious ni Lea , lumabas siya’t tiningnan sa may bintana

kung sinu-sino ang nag-iingay. Ngunit biglang may bumaba mula sa itaas. Ang mayordoma pala

na galit dahil sa pamimilit ng mga taong nasa labas. “Bakit ba ang ingay-ingay niyo. Bakit ba ayaw

niyong makinig! Ang sabi ko..nakauwi na ang mga bisita. Wala na sila rito. Mahirap ba iyong

intindihin!” Dahil sa pagkagalit ng mayordoma, nagsipag-alisan ang mga tao sa labas at

nagmumura dahil sa hindi sila naniniwalang wala na nga ang mga bisita roon sa loob ng bahay.

Agad nang pinatay ng mayordoma ang ilaw at hindi niya napansin si Lea na nagtatago lamang sa

Page 5: PANGITAIN

gilid ng isang upuan sa mesa sa sala. Bigla na lamang itong umikot at nagpalit ng kaniyang anyo.

Isa na pala itong matanda. Matandang-matanda na halos kasing-edad na ng yumaong lola ni Lea.

Pagkatapos niyang makabalik sa itaas ay nagtungo agad si Lea sa silid at doon pumuwesto sa

lugar na mahirap makita kung sakaling may papasok sa loob. Sumingit siya katabi ng isang higaan

habang namamaluktot. Nang humiga siya paharap nabigla siya nang makita ang isang batang

gusgusing waring may itinuturo habang nakanganga ang bibig. Natakot siya’t napasigaw at

naaalala ang kaniyang anak. “Si Josh”! “Nasaan si Josh” hinanap niya si Ruel upang hanapin nila

si Josh. Hindi na sila nagpapaalam sa mga kasamahan at agad na silang lumabas sa bahay. Naiiyak

na talaga si Lea sa puntong ito dahil hindi na niya malaman kung saan hahanapin ang kaniyang

anak. Nakakita sila ng isang motorsiklo kaya ninakaw nila ito upang makaalis sa bahay na iyon.

Umaalingawngaw pa sa pandinig ni Lea ang sinabi ng bata, Kalansag! Kalansag! “Bilis, bilisan

mo baka napaano na ang ating anak! “Kalansag daw!” Agad nang humarurot ang sasakyan at

walang lingon- lingon na kanilang nilakbay ang maputik na daanan ng lugar. Napansin ng mag-

asawa ang kalangitan. Maraming mga nakalutang sa himpapawid na mga salita ng mga lugar na

yari sa bakal na di magtatagal ay babagsak sa lupa. Quezon.. Maynila.. Antipolo… Isang malagim

na penomenom ang nagbabantang mangyayari sa kalupaan. Ang paligid ay nababalot ng yelo na

pati ang mga ilog at sapa ay nagyeyelo na. Nagdudumali na ang mag-asawang makababa sa isang

lugar na malapit sa isang tulay. Nagpapadausdos ang dalawa roon sa isang ilog na puno ng yelo.

Biglang lumubog si Ruel sa ilalim mabuti na lamang at nagawa niyang makaahon . Doon na sila

nagkikita sa isang basketball court at nagtatanong sa mga naroon kung nasaan ang bahay ni ka

Tonya..na narinig niyang binanggit ng mayordoma. “Josh! Nasaan ka Josh?” Mangiyak-ngiyak

niyang tawag sa anak.Nagtanong-tanong pa ang mag-asawa hanggang sa may nakapagtuturo

naman sa kanila kaya agad na nilang pinuntahan ang lugar na ito. Pagkabukas pa lamang ng pinto

ay pumasok na agad ang dalawa at tinawag na ang pangalan ng anak. “Josh! Josh!” At nakita

nilang nakaupo ito sa isang upuan sa kusina. Nakatingin sa kawalan. Niyugyog ni Lea ang anak

upang makilala nito ngunit waring wala sa sarili ang anak kaya agad nila itong dinala sa hospital.

Doon ginamot ang kanilang anak na mistulang nakaranas ng isang matinding trauma. Sa tuwing

itong gumigising at maaalala nito ang nangyari sa kaniya ay maghihiyaw ito’t magwawala sa

kaniyang higaan. Kaya pinatuturukan agad ng mag-asawa ng sedative ang anak upang ito’y

kumalma. Pagkalipas ng isang buwan ay nagbalik na sa dating kondisyon ang pangangatawan ng

anak. Mabuti na lamang at natulungan ng isang babaeng nakita dati ni Lea doon sa bus termina l

Page 6: PANGITAIN

bago sila nagtungo sa probinsiya upang magbakasyon. Naisuka lahat ni Josh ang kaniyang mga

nakain na naging sanhi ng kaniyang pagdedeliryo. Pinakain pala siya ng lamang-tao upang ito’y

mahawa at maging isang “Wakwak”. Lahat ng kaniyang mga kasamang kabataan ay nadisgrasya,

hindi na mahanap ng kani-kanilang pamilya. Walang bakas na naiwan sa kanila. Tanging si Josh

lamang ang nakaligtas dahil sa pagtanggi sa pagkain sa isang putaheng may lamang-loob ng tao.

At ito ay dinala sa bahay ni ka-Tonya upang doon sana ganap na mahawaan ng kanilang pagiging

isang “Wakwak” ngunit hindi naisagawa dahil sa biglaang pagdating ng mag-asawa kaya ito’y

naagapan pa. Napag-alaman na lamang nila na ang lahat nang naiwan sa bahay ay nawawala.

Walang makapagsasabi kung ano ang tunay na nangyayari sa kanilang lahat.

Samantalang ang mag-asawa naman ay patuloy na nakararanas ng kakaibang pangitain na

mahirap maipaliwanag, ni walang makapagpapaliwanag sa dalawa kung ano ang kahulugan ng

mga ito. Nababalitaan na lamang nilang ang mga kasamahang nakitang napatay ng mga hayop sa

isang nayon ay kaniya-kaniya namang nakababalik sa kanilang pinagtatrabahuan na parang walang

anumang nangyari. Balik sa kanilang dating buhay na may misteryo nang nakabalot nito.