panalangin ng migranteng mangagawa at ng kanilang pamilya

18
N: PANGINOON,BUKSAN MO ANG AKING MGA LABI B: AT IPAPAHAYAG KO ANG IYONG KADAKILAAN. PAMBUNGAD NA PANALANGIN Mahal naming Panginoon, Ama ng sansinukob, pinupuri at dinarangal ka namin na siyang may likha ng lahat at nagtakda ng mga bagay para sa aming kabutihan. Maraming salamat sa pagbubuklod-buklod mo sa amin sa araw na ito upang ipanalangin ang mga manggagawang migranteng Pilipino at ang kanilang mga pamilya. Panginoon ng Kasaysayan, ikaw na nagpakita sa panaginip kay Jose sa pamamagitan ng anghel, na dalhin agad sa Egipto ang mag-ina upang iligtas sa kamay ni Herodes at ng kanyang mga kawal. Naunawaan mo ang paghihirap ng mga migranteng Pilipino na napilitang mangibang bayan upang iligtas ang mga mahal sa buhay para takasan ang kagutuman at kahirapan. DIYOSESIS NG SAN PABLO PAROKYA NG SAN AGUSTIN BAY, LAGUNA Panalangin ng mga Migranteng Manggagawa at ng Kanilang Pamilya

Upload: rev-fr-jessie-somosierra-jr

Post on 20-Oct-2015

479 views

Category:

Documents


20 download

DESCRIPTION

Prayer used by the family of oversees Contract workers in Philippines

TRANSCRIPT

Panalangin ng mga Migranteng Manggagawa at ng Kanilang PamilyaDIYOSESIS NG SAN PABLOPAROKYA NG SAN AGUSTINBAY, LAGUNA

N: Panginoon,buksan mo ang aking mga labiB: At ipapahayag ko ang iyong kadakilaan.

Pambungad na Panalangin

Mahal naming Panginoon, Ama ng sansinukob, pinupuri at dinarangal ka namin na siyang may likha ng lahat at nagtakda ng mga bagay para sa aming kabutihan. Maraming salamat sa pagbubuklod-buklod mo sa amin sa araw na ito upang ipanalangin ang mga manggagawang migranteng Pilipino at ang kanilang mga pamilya.

Panginoon ng Kasaysayan, ikaw na nagpakita sa panaginip kay Jose sa pamamagitan ng anghel, na dalhin agad sa Egipto ang mag-ina upang iligtas sa kamay ni Herodes at ng kanyang mga kawal. Naunawaan mo ang paghihirap ng mga migranteng Pilipino na napilitang mangibang bayan upang iligtas ang mga mahal sa buhay para takasan ang kagutuman at kahirapan.

Diyos Ama, sa pamamagitan ng iyong Banal na Espiritu, pagtibayin mo ang aming pananampalataya, sa gitna ng maraming pagsubok dulot ng pansamantalang pagkakalayu-layo ng mga mahal sa buhay. Pag-alabin mo ang aming pagmamahalan sa bawat isa sa kabila ng maraming tukso at materyalismo.

UNANG PAGBASA

N: Mula sa Aklat ng ExodoAng Haliging Apoy at UlapExodo 13: 20-22

Umalis sila ng Sucot at tumigil muna sa Etham bago pumasok ng ilang. Sa kanilang paglalakbay araw-gabi, patuloy silang pinapatnubayan ni Yahweh: kung araw ay sa pamamagitan naman ng haliging ulap at sa gabiy sa pamamagitan naman ng haliging apoy na tumatanglaw sa kanila. Laging nasa unahan nila ang haliging ulap kung araw at ang haliging apoy kung gabi.

N: Ang Salita ng DiyosB: Salamat sa Diyos

SALMO

ANG TANGING ALAY KO1. Salamat sa Iyo, aking Panginoong Hesus,Akoy inibig Mo, at Inangking lubos.

Koro:Ang tanging alay ko sa Yo aking AmaAy buong buhay ko, puso at kaluluwaHindi makayanang makapagkaloob,mamahaling hiyas, ni gintong nilukob.

Ang tanging dalangin, o Diyos ay tanggapin,Ang tanging alay ko nawa ay tanggapin.Ito lamang Ama, wala ng iba pa, akong hinihiling.

2. Di ko akalain na ako ay binigyang pansin,ang taong tulad koy di dapat mahalin (KORO)

PANGALAWANG PAGBASA

N: Mula sa Gawa ng mga ApostolIpinangaral sa Samaria ang Mabuting BalitaGawa 8:4-8

Nangalat ang mga mananampalataya, at saanman sila makarating ay ipinangangaral nila ang Salita. Nagpunta si Felipe sa isang lunsod ng Samaria at ipinangaral doon ang Mesias. Nang mabalitaan ngmga tao at Makita ang mga kababalaghang ginagawa niya, pinakinggan nilang mabuti ang sinasabi nya. Sapagkat ang masasamang espiritu ay umaalis sa mga taong inaalihan nito at sumisigaw habang lumalabas; maraming lumpo at mga pilay ang napagaling. Kayat nagkaroon ng malaking kagalakan sa lunsod na iyon.

N: Ang Salita ng DiyosB: Salamat sa Diyos

SALMO

Magpasalamat kayo sa Panginoon1. Magpasalamat kayo sa Panginoon,Na Syang nagbigay ng lahat ng bagay dito sa mundo.Siyay gumawa ng buwan at mga bituinUpang magbigay ng liwanag sa pagsapit ng dilim

*O magpasalamat sa Kanyang mga biyaya at awa.

2. Magpasalamat kayo sa PanginoonDahil sa kagandahang loob Nyay magpakailanman.At pagpalain ang Diyos habam-buhayNa Siyang nagligtas sa Kanyang hinirang bayang Israel.

*At ating purihin ang Poon na mahabagin sa atin.

Purihin ang panginoonKoro:Purihin ang Panginoon,Umawit ng kagalakanAt tugtugin ang gitara at ang kaaya ayang litaHipan ninyo ang trumpeta

Sa ating pagkabagabagSa Diyos tayoy tumawagSa ating mga kaawayTayo ay Kanyang iniligtas. (KORO)PANGHULING AWITGIVE THANKSGive thanks with a grateful heartGive thans to the Holy OneGive thanks because Hes givenJesus Christ His Son(Repeat)

Chorus:And now, let the weak say I am strongLet the poor say, I am richBecause of what the Lord had done for us(Repeat Chorus)Give thanks, give thanks, give thanks..

N: Mula sa Ebanghelyo Ayon kay San MateoB: Papuri sa iyo, PanginoonAng Pagtakas Patungo sa EgiptoMateo 2:13-15

Pagkaalis nila, nagpakita kay Jose sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sinabi sa kanya, Magbangon ka, dalhin mo agad sa Egipto ang mag-ina. At huwag kayong aalis doon hanggat hindi ko sinasabi sa iyo, sapagkat hahanapin ni Herodes ang sanggol upang patayin. Kaya dali-daling bumangon si Jose at nang gabing iyoy dinala sa Egipto ang mag-ina. Doon sila tumira hanggang sa mamatay si Herodes.

N: Ang Mabuting Balita ng PanginoonB: Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo

PAGNINILAY NG MIGRANTENG MANGGAGAWASa mga ama ipinagkatiwala ng Diyos ang pangangalaga at ikabubuti ng pamilya. Si San Jose bilang ama-amahan ni Jesus ay buong pusong ginampanan ang tungkulin nito upang mailigtas kay Herodes ang ating Panginoon sa pamamagitan ng pagtakas papuntang Egipto. Bagamat mahirap ang umalis sa sariling bayan na nakasanayan ay dinala pa rin ni San Jose ang mag-ina dahil alam niyang makakabuti ito para sa kanilang pamilya. Marami din ngayong mga ama, ina at

ibang mga anak ang napipilitang mangibang bayan upang maghanapbuhay para sa ikabubuti ng kanilang pamilya.

Ang banal na mag-anak ay napilitang mangibang bayan para maligtas si Jesus. Ang mga migranteng manggagawa ay napipilitan din maghanapbuhay sa ibang bayan dahilan sa kawalan ng mapapasukan sa sariling bayan, parehong mabigat na dahilan ng pag-alis.

Mahirap magtungo sa isang lugar na hindi natin nakasanayan, na ang mga mamamayan ay kaiba sa ating wika, kultura at pananampalataya. Pero dahil sa pangangailangan, pansamantalang iniiwan ang sariling bayan. Bilang dating migranteng manggagawa, ay naranasan ko ang hirap nang magtrabaho sa ibang bayan upang makatapos ng pag-aaral ang mga anak. Pag-alis ko ng bahay patungong airport ay mabigat na ang loob, pag check-in at paghihintay ng eroplano ay doon nakakaramdam ng matinding kalungkutan. Sa Saudi Arabia nang nasa trabaho ay hindi nakakaranas ng lungkot palibhasa abala sa paggawa at may kakwentuhan. Pinakikisamahan lahat ng kasama sa trabaho at sa tinutuluyan, maging ibang lahi o kababayan man. Pag-uwi ng bahay ay magluluto ng kakainin, mag-aasikaso ng isusuot na damit, maglalaba at mamamalantsa, tatay ka na, nanay pa. Bago matulog, malimit makaramdam ng lungkot, iniisip ang mahal sa buhay na

PANGBUNGAD NA AWITAWIT 150Purihin natin ang Panginoon,Purihin ang PanginoonSa banal na templo ang Diyos ay awitan,Purihin sa langit ang lakas niyang taglay.

Siyay purihin sa kanyang ginawaSiyay purihin pagkat dakila,Purihin sa tugtog ng mga trumpeta,Awitan sa saliw ng alpat liraRepeat *Purihin natin ang PanginoonBAYAN UMAWITKoro:Bayan umawit ng papuriSapagkat ngayon ikay piniliIisang bayan, iisang lipi, iisang Diyos, Iisang hariBayan umawit ng papuri, Bayan umawit ng papuri

Mula sa ilang ay tinawag ng DiyosBayang lagalag inangkin ng lubosPagkat kailanmay di pababayaanMinamahal Nyang kawan. KORO

ang kanilang kakayahan at kabuhayan sa gitna ng pansamantalang pagkakalayu-layo.

Diyos ng Pag-ibig, pagtibayin mo ang aming kalooban, na harapin ang hamon ng pangingibang bayan. Sa paglayo ng tao dulot ng kasalanan ipinadala mo ang iyong bugtong na anak na si Hesukristo upang muli kaming mapalapit sa iyo. Patuloy mong ipadala si Hesus sa aming puso, upang palagi naming maramdaman ang iyong presensya at ang mga mahal naming nasa ibang bansa. Kamiy naniniwala sa iyong Salita na walang makakapag-hiwalay sa pag-ibig mo sa amin.

Sa tulong ni San Lorenzo Ruiz, bigyan mo kami ng halimbawa na sa tulong ng iyong mapagmahal na biyaya ay kaya naming maging tapat sa pag-ibig mo at sa aming kapwa sa kabila ng lungkot, tukso at panganib na dulot ng pagtatrabaho sa ibang bayan.

Puspusin mo kami ng Espiritu Santo upang mapanatag ang aming puso sa gitna ng magulong mundo. Ituro mo sa amin ang landas patungo sa iyo.

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo, magpasawalang hanggan. Amen.

iniwanan. Labis ang pag-alala kapag may sakit ang mga mahal sa buhay o nagluluko sa pag-aaral ang anak. Madalas ay nakatuon ang pansin sa kalendaryo, binibilang ang araw, linggo, buwan o taon bago bumakasyon para lang malibang. Ganyan ang buhay at hirap ng migranteng manggagawa.

Katulad ng banal na mag-anak nang mamatay si Herodes, ang nagtangka sa buhay ni Jesus, ay bumalik na sila sa Israel. Nang matapos na ng pag-aaral ang mga anak, ay umuwi na rin ako sa sariling bayan.

(Tumigil at manahimik sandali)

PAGNINILAY NG ISANG INANG OCW

Hindi ko ginusto ang maging OCW. Napilitan akong mamasukan sa isang bansa, upang takasan ang unti-unting pagkasirang aming pamilya. Apat ang aming anak, 2 dalagita, isang binatilyo at ang bunso, isang taong gulang pa lamang.

Meron kaming maliit na negosyo, pero ng mamatay o ipapatay si Benigno Aquino noong Agosto 1983, sumapi ang Mister ko sa New Peoples Army (NPA), at nakibaka sa Gobyerno ng Rehimeng Marcos. Duon na nagsimula pagbabago ng buhay naming mag-anak.

Away kaming mag-asawa araw at gabi. Apektado mga anak ko. Unti-unti, nalulugi ang negosyo namin. Duon ako nag-desisyon magtrabaho sa ibang bansa. 44 na taon na ako nuon.

Dec. 22, 1984 tatlong araw bago magpasko, lumipad ako papuntang Riyadh, Saudi Arabia. Nang aalis na ako nakasilip ang apat kong anak sa bintana, lahat umiiyak. Parang gusto kong umurong, pero nanaig ang tawag ng dolyares kapalit ng pamilya.

Sa Riyadh, pagkain pa lang parusa na! Iba ang luto ng pagkain, na kahit anong gawin ko, hindi ko makain. Kape ang pampalipas-gutom ko. Namayat ako ng husto.

Ayokong dumating ang gabi, ang lungkot, nakakabingi katahimikan. Lagi kong iniisip, hindi pa nahuhuli mister ko? Ano na lagay ng mga anak ko? Maliit na alalahanin pero parusa sa utak ko, dahil walang agarang sagot sa pag-aalaala ko.

Pag may Overseas call ako (wala pang cellphone noon) ang kaba ng dibdib ko. May masama bang balita? May nangyari ba? Nagliligalig ba ang bunso ko? Hinahanap ba ako sa gabi?

Unang Pasko at Bagong Taon ko sa Riyadh; ang lungkot. Alam ko salu-salo ang aking mag-anak. Eto ako, ang layo, nag-iisa, nakakarindi.

P: Amang nasa langit, dinggin mo ang aming panalangin para sa mga kapatid naming migranteng manggagawa at sa kanilang pamilya. Tulungan mo kaming maging mapagkalinga sa aming kapwa upang kami ay maging karapat-dapat sa kaloob mong buhay na walang hanggan. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Kristong aming Panginoon.

B: AMEN

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Diyos ng paggawa, Amang makapangyarihan nagpapasalamat kami sa iyo sa pakikibahagi mo sa amin ng biyaya ng paggawa at paglalakbay. Ginawa mo kaming katuwang sa patuloy na paglinang ng daigdig na ito mula ng likhain mo si Eba at Adan, ang una naming mga magulang. Binigyan mo kami ng kapangyarihang gamitin at ayusin ang laman ng kalawakan at karagatan at mga bunga ng mga punung kahoy na iyong nilikha upang lubos naming pakinabangan. Binigyan mo rin kami ng kakayahang maglakbay upang matunghayan namin ang kadakilaan at kalawakan ng iyong nilikha. 20

Dumadalangin kami ngayon sa iyong harapan na bigyan mo kami ng lakas, lalo na ang mga manggagawa sa ibayong dagat kasama ng kanilang pamilya. Pagkalooban mo sila ng kaayusan na pamahalaan

L: Para sa mga migranteng manggagawa upang makapagtimpi sa sarili lalo na sa panahon ng tensyon at kalungkutan. Manalangin tayo sa Panginoon.

S: Panginoon gabayan mo kami sa aming paglalakbay.

L: Para sa mga Pilipinong manggagawa sa ibayong dagat, na magkaroon ng kababaang loob at bukas ang isipan na makitungo sa ibang uri ng tao at maunawaan ang kanilang kultura. Manalangin tayo sa Panginoon.

S: Panginoon gabayan mo kami sa aming paglalakbay.

L: Para sa mga pamilya na naiwan dito sa Pilipinas, na madama at mapahalagahan ang sakripisyo at paghihirap ng mga migranteng manggagawa. Manalangin tayo sa Panginoon.

S: Panginoon gabayan mo kami sa aming paglalakbay.

L: Para sa mga naiwan ng migranteng manggagawa na maiwasan ang maluhong pamumuhay. Manalangin tayo sa Panginoon.

S: Panginoon gabayan mo kami sa aming paglalakbay.

Nang lumaon, kaya ko na, lalo na ang lungkot, kapalit ng dolyares buwan-buwan. Tapos na dalawa kong anak sa Kolehiyo, maginhawa na buhay namin, masaya na ako... yun ang akala ko.

July 1988, huling bakasyon, uuwi na ko, tapos na kontrata ko. Dec 23, 1988, dalawang araw bago mag pasko, limang buwan pagbabalik ko galing sa bakasyon, nagsuicide ang mister ko. At dobleng balaraw sa dibdib ko ng malaman ko buntis ang anak ko. 19 years old, 3rd year college, pangatlo sa magkakapatid. Nayanig ang mundo ko, Ang tindi ng balik sa aking paglayo. Ang mahal ng singil kapalit ng dolyares na inasam ko para sa pamilya.

Sa mga gustong mag OCW, magagawa ko lamang ay magpayo, magpa-alaala kung ano ang kanilang susuungin at daratnan. Ihanda nila ang sarili sa lungkot, pangungulila at pagkakalayo sa pamilya. Sana, huwag humantong sa pagkakawatak-watak ng pagsasama, na mahigpit ang pagkakahawak-kamay ng mag-anak, na kahit panandalian ang paghihiwalay, o pang matagalan man, buo pa rin ang daratnan, buo pa rin ang naghihintay.

Maganda ang pangako ng OCW dolyares at ginhawa, pero mailap ang pangako, humuhulagpos sa palad. Its a fleeting dream. Pero ang tunay at nasa palad mo na ang Pamilya walang maipapalit, walang katapat.

PAGNINILAY NG ISANG INA NG MIGRANTENG MANGGAGAWA

Mahirap isipin at ipaliwanag ang sakit at hirap ng kalooban ang mapawalay sa isang mahal sa buhay lalo na sa iyong bunsong anak na sa loob ng dalawampung taon ay kasama mo sa bahay. Lalo na kung alam mo na ang paglayo niya ay magtatagal ng ilang taon. Iba ang pakiramdam ng isang ina, pag-aalala nang husto sa kalusugan, kasiguraduhan at kahihinatnan ng isang anak doon sa malayong lugar na may ibat-ibang uri ng tao at may ibang kultura. Alalahanin natin ang hirap ng kalooban na dinanas ni Maria noong palihim silang umalis ng mag-anak papuntang Egipto upang itakas si Hesus sa kapahamakan dahil sa utos ni Herodes na patayin ang sanggol.

Bilang ina ng migranteng manggagawa, ay katakot takot na hirap ng kalooban ang aking naranasan nang unang umalis papuntang Dubai ang aking bunsong anak. Talagang matinding lungkot at pangungulila ang aking nadama noon dahil iyon ang kauna-unahang pagkakataon na siya ay mapawalay sa akin, bukod sa kanyang panganay na kapatid na sa China naman nagta-trabaho noon. Tinitiis kong huwag umiyak sa airport para huwag manghina ang loob ng anak ko. Halik, matinding yakap at mga paalala ang aking ipinabaon sa kanya, taliwas sa kanyang ama, na umiyak na ng umiyak ng makapasok ang anak ko sa airport. Pag-uwi sa bahay, mula sa airport ay naging mabigat na ang aking pakiramdam. Labis labis ang aking pag-aalala sa kanyang kalagayan, iniisip kung ano ang kanyang magiging buhay doon sa malayong lugar.

kapakanan ng bawat migranteng manggagawa. Manalangin tayo sa Panginoon.

S: Panginoon gabayan mo kami sa aming paglalakbay.

L: Para sa mga mahal natin na nagta-trabaho sa ibang bansa, naway mapaglabanan nila ang lahat ng paghihirap, tukso at maling pag-iisip na kadalasay nagiging sanhi ng kanilang kabiguan. Manalangin tayo sa Panginoon.

S: Panginoon gabayan mo kami sa aming paglalakbay.

L: Para sa lahat ng mga migranteng manggagawa naway manatili silang bukas at matibay ang kanilang paniniwala sa Salita ng Diyos. Manalangin tayo sa Panginoon.

S: Panginoon gabayan mo kami sa aming paglalakbay.

L: Para sa lahat ng mga manggagawang nagtatrabaho sa ibang bansa, hindi lamang ang mga kapatid nating Pilipino. Mawala ang karahasan sa kanilang puso upang mamayani ang pagkakaisa at pagmamahalan. Manalangin tayo sa Panginoon.

S: Panginoon gabayan mo kami sa aming paglalakbay.

PANALANGIN NG BAYAN

P: Manalangin tayo sa ating Amang makapangyarihan upang gabayan ang mga kapatid nating naghahanapbuhay sa ibayong dagat at ang kanilang pamilyang kanilang iniwanan. Manalangin tayo sa Panginoon.

S: Panginoon gabayan mo kami sa aming paglalakbay.

L: Para sa Sto Papa _____________ at sa mga namumuno ng simbahan upang magabayan nila ang mga kapatid nating nangingibang bansa sa pamamagitan ng panalangin at pagpapaalala. Manalangin tayo sa Panginoon.

S: Panginoon gabayan mo kami sa aming paglalakbay.

L: Para sa mga namumuno ng pamahalaan upang lalong mapangalagaan ang katayuan ng mga migranteng manggagawa. Manalangin tayo sa Panginoon.

S: Panginoon gabayan mo kami sa aming paglalakbay.

L: Para sa lahat ng Ahensya ng gobyerno na kumakalinga sa OFW, idalangin nating mapatatag ang mga batas na mangangalaga sa

Kung magiging maayos ba ang pakikitungo sa kanya ng kanyang amo at mga kasama sa trabaho na may ibat-ibang lahi? Paano niya aayusin ang kanyang mga damit na isusuot at ihahanda ang kanyang pagkain. Higit sa lahat ay inaalala ko ang kanyang kalusugan sapagkat kailangang huwag siyang magkasakit para maging maayos ang kanyang pagta-trabaho doon sa malayong lugar. Naibang bigla ang takbo ng buhay. Dati ratiy nandito lang siya at laging kasama sa bahay. Kung sumasapit ang kanyang kaarawan, pupuntahan mo lang sa kuwarto para batiin siya at halikan at magsasama-sama kami sa isang salu-salo para idaos ang kaarawan. Ngunit ngayon ay wala siya, nasa ibayong lugar na, kaya tawag na lang sa cellphone ang pagbati sa kanya at kakain kaming mag-asawa ng inihandang pagkain na wala siya. Gayundin, pagsapit ng Pasko, Bagong Taon at iba pang okasyon na kami ay kumpletong mag-anak, sama-sama, salu-salo sa hapag kainan. Subalit ngayon ay kulang, wala siya; ano mang sarap ng pagkain, ano mang saya kahit paano, may kurot sa dibdib dahil wala siya sa aming piling.

Talagang mahirap ang malayo sa isang anak subalit wala akong magawa dahil iyon ang naging desisyon niya matapos ang kanyang college graduation, Kayat taimtim kong ipinagdarasal ang kanyang kalusugan at malayo siya sa kapahamakan. Tuwing tatawag siya sa akin o magcha-chat kami sa Skype ay masasayang balita ang ipinararating niya sa akin at ganoon din naman ako sa kanya.

Ano mang halagang ipinadadala niya ay aking pinagyayaman at tinitipon ang iba upang pag-uwi niya dito ay may madatnan siyang bahagi ng kanyang pinaghirapan doon sa malayong lugar.

(Tumigil at manahimik sandali)

PAGNINILAY NG ASAWA SA ISANG MIGRANTENG MANGGAGAWA

Sinang-ayunan ko ang pasya ng aking asawa na umalis para maghanap-buhay sa ibang bansa. Salamat sa Diyos at matapos manalangin ay dagliang nagkaroon ng katuparan ang kanyang madaliang pag-alis. Tanda ko pa noong unang araw na siya ay mawalay sa amin ng tatlo kong mga anak ay nakadama na ako ng mawalay sa amin ng tatlo kong mga anak ay nakadama na ako ng matinding pangungulila. Ang kanyang mga damit ay hinahagkan hagkan ko pa habang siya ay malayo sa piling namin.

Patuloy na lumipas ang mga araw, sa sulat lamang kami nagkakaroon ng ugnayan. Sa tuwing babasahin ko ang kanyang liham ay hindi ko maiwasang na hindi mapaluha. Patuloy siyang nagpapadala sa amin ng pera para sa pag-aaral ng aming mga anak. Nakakain kami ng kung ano ang aming naisin. Naibibili ko rin sila ng mga magagarang damit at sapatos. Dapat sana ay masaya na ako ngunit kabaligtaran ang aking nadarama.

Siya pa rin ang aking hinahanap-hanap. Mahirap kapag hindi buo ang pamilya. Hindi mapapalitan ng salapi ang kaligayahan dapat sana ay aming madama kung siyay kapiling namin.

Pagkatapos ng halos dalawang taon ay naka-uwi na rin siya ng Pilipinas. Walang kahulilip na kasiyahan ang aming nadama. Kaya naman aming napagkasunduan na huwag na siyang magbalik. Sa tulong at awa ng Diyos, hindi man malaki ang kanyang kinikita, patuloy namang nakakaraos sa buhay. Maraming mga pag-subok ang dumaan at dumaraan pa ngunit kahit kailan, mayroong Diyos na hindi nagpapabaya. Walang pag-subok na hindi malalampasan bastat ang Diyos ang laging kasama.

(Tumigil at manahimik sandali)