pagpapatotoo sa bagong berea

50
PAGLILINGKOD SA KAHARIAN 1 PAGLILINGKOD SA KAHARIAN 1 Pagpapatotoo sa Pagpapatotoo sa Bagong Berea Bagong Berea Isang kwentong naglalarawan kung paano magsimulang magbahagi ng Mabuting Balita sa isang bayan na may iba’t ibang relihiyon ngunit handang makinig

Upload: jun-tabac

Post on 16-Nov-2014

650 views

Category:

Documents


35 download

DESCRIPTION

Isang kwentong naglalarawankung paano magsimulangmagbahagi ng Mabuting Balitasa isang bayan na may iba’t ibang relihiyon ngunit handang makinig

TRANSCRIPT

Page 1: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

PAGLILINGKOD SA KAHARIAN 1PAGLILINGKOD SA KAHARIAN 1

Pagpapatotoo saPagpapatotoo saBagong BereaBagong Berea

Isang kwentong naglalarawan kung paano magsimulang

magbahagi ng Mabuting Balita sa isang bayan na may iba’t ibang relihiyon ngunit handang makinig

Page 2: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

2

Mga NilalamanPanimula.......................................................................3Pananalangin Para sa Bagong Berea..........................5Pag-aayuno Ayon sa Inaasahan ng Diyos..................14Pagliligtas sa Anak ng Kapayapaan...........................27Isang Pagsasalarawan Kung Paano Magbahagi ng Mabuting

Balita.....................................................................................................27Mga Sagot sa Katanungan tungkol sa Pagpapatotoo..................31Balangkas ng Pagtuturo sa Anak ng Kapayapaan.......................39Talaan ng mga Layuning Natupad sa mga Alagad......................44Mga Dalangin para kay ________................................................45

Page 3: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

3

PanimulaNoong Abril 1997, halos 17 taon pagkatapos kong simulang mangaral

sa mga bus, taxi, tren, bapor, eroplano, departure area ng airport, nagbakasyon ako upang magsulat ng libro tungkol gayong ministeryo. Nang panahong iyon, nakumbinsi ako na ang gagamitin sa pagbabahagi ng Mabuting Balita Pilipinas ay hindi ang ginamit ko na ni yaong galing sa ibang bansa. Dahil doon, di ko itinuloy ang pagsulat ng gayong libro.

Pagkatapos noon, nakabasa ako ng mga libro at nakadalo ako sa mga seminar tungkol sa epektibong pagbabahagi ng mabuting balita. Natuwa ako na sa paggamit ng prayer evangelism na natanggap ni Ed Silvoso sa Panginoon, lahat ng mga iglesia sa Resistencia, Argentina ay lumago ng limang beses sa loob ng dalawa at kalahating taon. Nagkaroon din ako ng makadiyos na pagkainggit sa G12 model sa Colombia na kung saan ang isang iglesia ay lumago mula 70 maliliit na grupo hanggang 20,000 sa loob ng 8 taon! Binili ko ng lahat ng kaya kong bilhin mula sa halimbawa mula sa Singapore na itinuro ni Ralph Neighbor.

Sinikap kong maging isang “eskriba na ginagawang alagad sa kaharian ng langit … na naglalabas sa kaniyang kayamanan ng mga bagay na bago at luma” (Mateo 13:52). Sinikap kong pagsamahin ang natutunan ko sa personal na pag-aaral ko mula nang tinanggap ko ang Panginoong Jesus noong 1979 at ang mga bagong natutunan ko.

Sinikap ko ring kaagad isagawa at ituro ang natutunan ko at nakakita ako ng masmagandang resulta. Halimbawa:

• Masmalaking porsiyento ang nagpahayag na tumanggap sila kay Cristo. Halimbawa, noong Disyembre 30, 2002, sa pagtatapos ng aming pagsasanay, 64 na kabataan sa isang iglesia sa Isabela ay nagbahagi ng Mabuting Balita sa 106 na katao. 104 sa nabahaginan ang nagsabing tinanggap nila si Cristo!

• Masmalaking porsiyento sa mga tumanggap kay Cristo ang nakasama sa mga iglesia. Halimbawa, sa isang iglesia sa Quezon City na kung saan kami nagkaroon ng pagsasanay noong Enero 2000, naging masigasig sa pagpapatotoo ang iglesia at tumulong sa pagsimula 30 pang iglesia sa loob ng 6 tao. Isa sa itinulak ko noong magbahagi sa kaunaunahang pagkakataon ay naging pastor.

• Nabago ang mga buhay. Noong 2003, ibinahagi ko ang Mabuting Balita sa girlfriend ng isang Cristianong nakipagsiping sa kaniya. Ibinahagi ko rin ang Mabuting Balita sa kanilang kasal. Hinatak naman nila na dumalo sa pag-aaral ng Biblia ang 2 pares na nagli-live-in. Nangaral din ako ng Mabuting Balita sa kasal ng isa sa live-in couple na iyon!

Nasa kamay mo ngayon ang naglalaman ng isang masmainam na paraan ng pagbabahagi ng mabuting balita sa pangangaral sa bus at sa

Page 4: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

4

jeepney—ang pag-abot sa kapitbahayan ng mga anak ng kapayapaan sa pamamagitan ng pag-aaral ng ebanghelyo sa mga bahay-dalanginan. Pinagsama ko rito ang mga natutunan ko noong nakaraang 27 taon bilang isang ebanghelista. Dalangin ko na masanay ka nito (Efeso 4:11-16) na gawin ang gawain ng isang ebanghelista (2Timoteo 4:5) na tumulong sa pagbabahagi ng Ebanghelyo sa lahat ng tao sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu (Marcos 16:15-18; Gawa 1:8) nang buong talino (Colosas 1:28-29) upang makatulong ka sa pagliligtas ng pinakamarami (1Corinto 9:19-23), sa ikaluluwalhati ng Diyos (1Corinto 10:31)!

--Jun Tabac, 5/29/06

Page 5: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

5

Kabanata 1

Pananalangin Para sa Bagong Berea

‘‘Kaninang umaga,’ salaysay ni Pol, ‘habang ako ay naglalalaan ng panahon sa Diyos, nakumbinsi ako na kalooban Niya na pumunta tayo sa Bagong Berea (Ps 81:13a; Mic 6:9a) at palayain iyon mula sa masasamang espiritu na kumokontrol doon.’

Tugon naman ni Tim, “Naalaala ko ang isang grupo ng mga misyonero sa isang bansa na kung saan ginahasa at pinatay ang mga Cristiano ng mga miyembro ng pinakamakapangyarihang relihiyon sa bansang iyon. Nang panahong iyon, binalak ulitin ang ginawa nila. Pinangunahan ng lider ng grupo ng mga misyonero na manalangin sa lugar na iyon. Umikot sila sa paligid ng bahay-sambahan ng relihiyong iyon na balak panimulan ang gawain ng miyembro ng relihiyong iyon (ikumpara Josue 6:9-26). Idineklara nila sa panalangin na binubunot nila ang anumang galit sa lugar na iyon at sa halip itinanim nila ang pag-ibig. Hiningi din nila sa Diyos na ipadala ang mga anghel upang bantayan ang bahay-sambahan. …

‘Kinabukasan, ang paligid ng bahay sambahan ay napaligiran ng mga pulis upang ang mga nagra-rally ay hindi makapasok sa lugar. Sa halip, nag-rally na lang sila sa ibang lugar. Isang tagapagsalita na hindi tagaroon ang nanghingi ng tulong para sa kanilang ‘kapatid’ na minaltrato daw ng mga Cristiano. Sa halip na magbigay, ang naroon ay kumaripas ng takbo at lumayo sa ‘offering basket’. Nang tanungin niya kung sino ang nais magsakripisyo ng kanilang buhay para sa pakikipagbaka ng kanilang relihiyon, wala isa mang nagboluntaryo. Bilang resulta, hindi nangyari ang nangyari sa kabilang isla na kung saan ang mga tao ay nag-aalay ng kanilang buhay dahil sa relihiyon, sinaniban ng mga demonyo, nagsunog ng mga bahay, pumatay at nanggahasa ng mga Cristiano. Naligtas sa kapahamakan ang grupo ng mga misyonero dahil sa kanilang pakikinig sa salita ng Panginoon sa sitwasyong iyon.’

‘May alam naman ako na dumalo sa isang seminar sa pakikipaglabang espirituwal,’ kwento naman ni Tim, ‘at nakipaglaban nang mag-isa. Nagkasugat tuloy siya sa buong katawan!

‘Palagay ko kailangan nating makinig muna ng salita ng Panginoon kung ano ang gagawin. Doon nakasalalay ang buhay ng ibang tao at buhay natin (1Hari 13:2,9,17-26).’

‘Tama ka Tim!’ wika ni Pol, ‘Kailangan nating maghintay sa salita ng Panginoon. Gayunpaman, sa Diyos lang tayo dapat matakot. Ito ang simula ng karunungan (Kawikaan 9:10) na kayang magligtas ng siyudad (Mangangaral 9:15). Hiningi ko sa Diyos na bigyan ako ng kakayahan na hatulan nang tama ang sarili at mga gagawin ko (1Corinto 11:31; Hagai 1:5; Awit 139:23-24). Sinabi ng Diyos na nagkasala ako nang

Page 6: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

6

hindi ko isapuso ang lugar na aking tinitirhan (Jeremias 12:10-11). Hindi ko idinalangin at hinanap ang kapayapaan nito. Matapos kong aminin ang kasalanang iyon, inangkin ko ang kapatawaran ng Diyos. Tim, sigurado ka ba na wala ka nang hindi pa ipapahayag na kasalanan sa buhay mo.

Yumuko si Tim at nanalangin nang tahimik. Matapos ang ilang sandaling katahimikan….

TIM: Wala akong alam na natitira pa sa mga sandaling ito.

Kamusta ka, ikaw na bumabasa ng librong ito? Nais mo ba na makita ang isang lugar na malaya sa kasalanan at sa masasamang pwersa na kumukontrol dito? … Nais ng Diyos sa mga kalarawan Niya na pamahalaan at ipailalim sa kapangyarihan nila ang lahat ng may buhay (Genesis 1:26-28). Mayroon bang kasalanan na sumisira sa larawan ng Diyos sa iyo? … Kung gayon, ipahayag ang anumang kasalanang ipaalala sa iyo ng Diyos ngayon.

Kailangan mo ba ng kayamanan para maganap ang hinihingi ng Diyos na gawin mo? Kung gayon, humingi ka sa May-ari (Awit 24:1).

'Paano naman si Demie?' tanong ni Tim, 'Di ba natin siya isasama?'

Tugon ni Pol, 'Alam mo naman kung gaano siya katapang (De 20:8; Huk 7:3). Tinitiyak niyang wala siyang kasalanang hindi pa naipapahayag (Jos 7). Siya ay puno ng Espiritu (Lu 4:18,19) at ng pananampalataya (Gaw 11:24 Bil 13:30 14:6-9). Kaya lang, naghahanda siyang magpapakasal kaya’t hindi natin siya makakasama ngayon (1Co 12:21; De 20:4-7). Huwag natin siyang hatulan dahil lang sa hindi niya pagsama ngayon (1Co 4:3-5).'

Kahit ginagawa mo ang kalooban ng Diyos sa buhay mo, naikumpara mo ba ang iyong sarili sa iba? Hinatulan mo ba ang mga taong hindi sumusunod sa mga kaparaanan mo?

'Okey, kailan tayo pupunta?'

'Sa Sabado. Puwede mo ba akong samahan na manalangin at saliksikin ang mga kasalanan ng mga taga Bagong Berea (Ne 1:6 Da 9:5; Eze 22:23-30) na sumisira sa bayan nila (Je 2:7 Ezr 9:10,11)?'

Nang sabadong iyon pumunta sila sa Bagong Berea.

Habang naglalakad sa paligid noon (Jos 6:2-3), inudyok ni Pol si Tim, 'Itaas natin ang Diyos sa ating pagpupuri ngayon (Aw 22:3).'

'Ama,' dalangin ni Tim, 'salamat po na Ikaw ay pag-ibig (1Jo 4:8). Hindi Mo ibig na isa man sa Bagong Berea ay mapahamak (2Pe 3:9).'

'Kaya Mong magligtas kahit ano pang hadlang ang ilagay ni Satanas sa aming daraanan!' dagdag ni Pol.

Page 7: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

7

Ngumiti si Tim at sumamba sa Diyos, 'Kaya Mong gawing maganda ang lahat bagay sa Iyong itinakdang panahon (Ec 3:11).'

Dalangin ni Pol, 'O Diyos, ikaw ang nagtatakda ng mga panahon at mga hangganan ng tirahan ng tao upang sila ay maghanap at makasumpung sa Iyo (Gaw 17:26). Naniniwala po ako na ito na ang panahon upang hanapin at makita Ka ng mga taga Bagong Berea. Turuan Mo po kami kung ano ang nararapat naming gawin (1Cr 12:32).'

'Ama, salamat sa pagpapalaya mo sa amin mula sa kasalanan at kay Satanas upang maipahayag naming ang iyong kaluwalhatian at ang mabuting balita sa lugar na ito (Is 66:18-19; Mt 24:14),' dagdag ni Tim.

'Opo Panginoon, ibigay Mo po sa amin ang lugar na ito bilang aming mana (Awit 2:8),' patuloy na hiling ni Pol. 'Katulad ng panalangin ni John Knox, “Ibigay Mo sa akin ang Scotland o ang kamatayan ko,” hinihingi ko na ibigay Mo sa amin ang iyong pag-ibig sa Bagong Berea upang masabi namin mula sa puso, “Ibigay Mo sa amin ang Bagong Berea o ang kamatayan namin (Ex 32:32).”'

'Sang-ayon po ako, Panginoon!' deklara ni Tim. 'Iyong ipinababatid ang Iyong mga lihim pakikipagtipan sa mga may takot sa Iyo (Awit 25:14). Pangunahan Mo po kami sa mga may takot sa Iyo nang malaman namin ang Iyong itinagong plano para sa Bagong Berea (Jer 33:3; Dan 2:22)!'

May takot ka ba sa Diyos? … Nakikipagpalitan ka ba ng mga kapahayagan ng Diyos sa iba na may takot din sa Kanya? … o kumikilos ka ba na para bagang ikaw lang ang nakatangap ng kapahayagan mula sa Diyos? Hiningi mo ba sa Diyos na ipahayag sa iyo ang Kanyang lihim patungkol sa mga taong nais mong abutin?

Sa kanilang paglalakad at pananalangin, napansin nila na may iba't-ibang relihiyon na ang naitatag sa Bagong Berea.

'Panginoon, buksan Mo po ang kanilang mga mata (Gawa 26:18) upang maniwala sila sa katotohanang ipapahayag naming sa kanila,' dalangin ni Tim.

'Oo nga po, Panginoon,' pagsang-ayon ni Pol, 'Kung mayroon pong mga misyonaryo o taong nakatira dito na sinabihan Mo ng Iyong tipan patungkol sa tinitirhan nila, hayaan Mo pong mabatid namin.'

'Tingnan natin ang bahay na ito, Tim,' ang aya ni Pol. Habang nakasunod si Tim sa kanya, kumatok si Pol sa pinto ng isang bahay, 'Magandang umaga ma’m,' ...

Kita ang kapayapaan sa mukha ng babae (Lu 10:6). Kaya pinagpatuloy ni Pol, 'Ako si Pol; siya naman si Tim. Ikaw si…?' 'Precy.'

Ipinaliwanag ni Pol, 'Dumalo kami sa isang seminar at isa sa pinagagawa sa amin ay ipanalangin ang mga tao sa lugar na ito. Puwede ka ba naming ipanalangin?' 'O sige! pasok na kayo!'

Page 8: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

8

Sa loob ng bahay, hindi na humingi nang ipapanalangin si Pol kay Precy.

'Ama, idinadalangin ko po na ipagkaloob Mo ang mga pangangailangan ni Precy at ng kanyang pamilya—ito man ay sa pananalapi o sa kagalingan ng sinuman sa kanila na may karamdaman. Palapitin Mo rin po sila sa Iyo. Ito po ang aming dalangin sa pangalan ni Jesus.'

'Amen!' ang pagsang-ayon ni Precy.

'Nang nananalangin kami,' tanong ni Pol, 'naramdaman mo ba na kasama namin ang Diyos?'

'Oo, naramdaman ko! … Sa totoo lang, sagot ito sa aking panalangin!'

May pamamanghang nagkatinginan si Tim at Pol.

'Bago pa kayo dumating,' paliwanag ni Precy, 'idinalangin ko sa Diyos na mangyari ang ipinangako Niya sa mga anak Niya. Dalawampung taon na ang nakalilipas, dalawang babae ang pumunta dito at nagturo sa amin ng Biblia. Sampung taon pa lang ako noon at nagtiwala ako kay Cristo na iligtas Niya ako sa aking mga kasalanan. Noong mga panahong iyon, narinig ko na nangako ang Diyos sa kanila na ang lugar na ito ay magiging sentro upang ang mga tao sa mundo ay maaabot sa pamamagitan ng mass media.'

Anong pangitain ang mayroon ka para sa lugar na ibinigay sa iyo ng Diyos? ‘Kung saan walang pangitain, ang bayan ay sumasama…’ (Kawikaan 29:18)

'Subalit,' pinagpatuloy ni Precy, 'niligawan sila ng tiyo ko na isang albularyo at ng kaibigan nito. Na-in-love sa kanila ang mga babaeng iyon at pagkalipas lang ng ilang panahon bigla na lang silang umalis. Natigil ang aming Bible study. Ako at ang aking mga kaibigan ay naghinala sa pangyayari.'

Mayroon bang humahadlang sa pagsasaganap ng kalooban ng Diyos sa iyong buhay?… Hingin mo sa Diyos na alisin ito.

'Pagkaalis nila, napuna ng aking ina na nagsimulang bumagsak ang moralidad sa lugar na ito (Jer 2:3). Maraming nagtrabaho sa ibang bansa kaya’t marami ang nahiwalay sa kani-kanilang mga asawa. Ang resulta: ang mga nagtratrabaho sa ibang bansa o asawa nilang naiwan dito ay nagkakaroon ng kani-kanilang kabit . Ang mga kabataan naman ay nakikipagsiping na kahit hindi pa kasal. Ang mga bakla at tomboy ay dumami. Ang mga pandaraya ay laganap kahit saan—napakahirap mag-ayos ng mga mahahalagang papel sa mga opisina ng gobyerno nang walang ibinibigay na suhol na pera sa mga tinatawag na “public servants”.

'Sa edad na dalawampu, nakapag-asawa ako ng isang kasama sa relihiyon ng aking mga magulang. Nang sumunod na taon, nagsimula akong makapanood ng mga programa sa TV ng ibat ibang grupo na umaangkin na sila ang tunay na relihiyon. Naalaala ko ang mga panahon na tinuturuan kami ng mga babaeng iyon. Nararamdaman ko sa aking

Page 9: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

9

puso na ang itinuturo nila ay ang katotohanan. Kaya hinanap ko ang Biblia na binigay sa akin ng mga babae at sinimulan kong basahin iyon. Nagsimula na rin akong manalangin sa Diyos na magpadala Siyang muli sa lugar na ito ng mga taong katulad ng mga babaeng iyon!'

May luha sa mga mata na sinabi ni Pol, 'Ikaw mismo ang taong hinahanap namin. Ang naikwento mo ay katibayan na kumilos ang Diyos sa Bagong Berea sa nakaraang mga taon (Huk 2:10). Ang pangako ng Diyos ay may epekto pa rin hanggang ngayon (Aw 103:17-18). Naalaala ng Diyos ang kanyang tipan sa dalawang babaeng iyon (Jer 14:21; Aw 106:45)! Kaya panahon na para tapusin natin ang sinimulan ng mga babaeng iyon. Puwede mo kaming tulungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng ilang impormasyon. Okey lang ba?...' Tumango si Precy.

'Sa Jerusalem,' pinagpatuloy ni Pol, 'may mga itinalagang bantay ang Diyos (Is 62:6-7). Maaaring isa ka sa mga itinilaga ng Diyos para sa Bagong Berea. Sa panahon ni Josue, may mga mandirigma, at pitong saserdote na maydala ng pitong trumpeta sa unahan ng kaban ng tipan (Jos 6:4a). Ngayon, may mga matatanda sa pakikipaglabang espirituwal o mga saserdote na nananalangin para sa mga kaluluwa. Ang tawag sa kanila ay matatanda ng Bagong Berea (Tito 1:5).

'May kilala ka ba na iba pang nanalangin, nagtuturo o nangangaral katulad ng mga babaeng sinasabi mo na nandito pa sa Bagong Berea?' 'Pasensya na at wala akong iba pang alam!' tugon ni Precy.

May kilala ka ba na may pasanin din sa lugar na nais mong abutin para sa Diyos…sinubukan mo bang kontakin sila?

Ipinaliwanag ni Pol, 'Kung paano ibinigay ng Diyos ang Jericho kasama ng hari at mga magigiting nga kawal sa Israel (Jos 6:2), gayun din naman ibinigay ng Diyos sa mga babaeng iyon at ngayon nama’y sa iyo at sa amin ang Bagong Berea kaya’t tatalunin natin ang mga namumuno at mga demonyong kumikilos dito.'

'Ibig mong sabihin,' tanong ni Precy, 'kaya nating magtagumpay laban sa kanila?'

'Dahil tayo ay nakay Cristo Jesus at ang ating mga buhay na binago ang katibayan (2Cor 5:17), ang pagpapala kay Abraham ay atin na rin (Ga 3:14,29). Kaya nating makamit ang mga pintuang-bayan ng ating mga kaaway (Gen 22:15-18) maging yaong patungong impyerno (Mt 16:18) sapagka't ang susi noon ay nakay Jesus na (Pah 1:18), at lahat ng mga puwersa ng demonyo na ating makakaharap (Efe 6:10-12) ay matatalo natin… kung tayo ay lalakad sa Kanyang kaparaanan (Aw 81:13b-14).'

'Paano?'

Pinagpatuloy ni Pol, 'Ang mapa ay ginamit ni Ezekiel para sa espiritwal na layunin (Eze 4:1-3). Kaya, hinahanap natin ang kaalaman ng lugar (Kaw 15:14) sa pamamagitan ng paghahanap ng mga tao (lalo na yaong matatanda) na makatutulong na magbigay ng kopya ng mga mapa ng lugar o plano ng mga gusali. Ang mapa o plano ng gusali ay pagmamay-ari rin ng Diyos (1Co 10:26). May kilala ka bang city

Page 10: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

10

librarian o namamahala sa museo o makasaysasayang gusali?'

'Ang nanay ko ay nagtratrabaho sa city hall,' tugon ni Precy, 'Puwede akong makahingi ng kopya ng plano ng siyudad. Bumalik kayo pagkaraan ng dalawang araw at ibibigay ko sa inyo ang kopya.'

--oOo—

Makaraan ang dalawang araw. Tinangap ni Pol ang mapa mula kay Precy.

'Nagkasakit ka ba nitong nakaraang dalawang araw?' tanong ni Precy. Nangiti si Pol, 'Hindi naman. Pero salamat sa iyong pag-aalala.'

'Oo, medyo pumayat ka nga!' ang puna ni Tim. Kaya't ipinaliwanag ni Pol kay Tim nang may kinausap sa telepono si Precy, 'Nag-ayuno ako upang maitaas ang pundasyon ng lugar na ito (Isa 58:12).'

Ipinaliwanag ni Pol, 'Ang mga hangganan ay inilagay ng Diyos upang ang mga tao ay maghanap sa Diyos sa panahong itinakda (Gaw 17:26,27). Ano ang napansin mo sa mga hangganan ng mapa, Tim?'

'Nakalagay sa mga matataas na lugar ang mga simbahan ng mga ibat-ibang relihiyon. Halimbawa, sa bundok na ito,' paliwanag ni Pol, habang itinuturo ang mga lugar sa mapa.

'Dito din sa kabilang burol, at dito malapit sa ilog (De 12:2,3),' puna ni Tim.

'Ama sa langit,' dalangin ni Pol, 'Iyo pong panumbalikin anuman ang iyong plano sa mga bundok, burol at ilog ng Bagong Berea, na magbigay ito ngayon ng kapayapaan sa halip na sumpa (Awit 72:3).'

'Opo, Panginoon!' ang pagsang-ayon ni Tim. 'Sa halip na banggitin dito ang pangalan ng mga diyus-diyusan (Jos 23:7), Ikaw po ay kumilos sa lugar na ito upang Ikaw lamang ang maitaas. Sa halip na makibahagi sila sa mga pag-aalay sa demonyo (1Co 10:20 2Ha 17:17 21:6 2Cr 33:6), nawa’y makibahagi sila sa pag-aalay ng papuri sa Iyo!'

Ipinaliwanag ni Pol, 'Tim, ang pangalan ng lugar ay maaaring magpahiwatig tungkol sa kasaysayan nito. Halimbawa, “…tinawag ni Abraham ang dakong yaon, ng Jehova-jireh: gaya ng kasabihan hanggang sa araw na ito: Sa bundok ng Panginoon ay mahahanda (Gen 22:14).”

'Halika,' aya na Pol kay Tim, 'puntahan natin uli si Precy!'

'Precy,' tanong ni Pol, 'puwede ba kaming magtanong uli?' 'Oo naman!'

'Bakit tinawag ang lugar na ito na Bagong Berea?'

'Ang nagtatag ng lugar na ito ay mga Protestante. Napansin nila na ang mga tao dito ay masayang nakikinig ng salita ng Panginoon na kanilang ipinangaral. Ang mga tao rin dito ay nagsiyasat sa Biblia araw araw para malaman kung totoo nga ang mga bagay na ipinangangaral nila. Kaya ang mga Protestante ang nagpangalan sa lugar na ito na Bagong Berea (Gawa 17:10-11).'

'Kung gayon,' tanong ni Tim, 'bakit ang daming relihiyon sa Bagong

Page 11: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

11

Berea?'

'Maganda sana na nais ng mga tao dito na suriin ang lahat nilang naririnig batay sa biblia. Kaya lang, naging mayabang sila sa karunungan nila.'

'Napansin ko nga na ang mga tao dito ay may problema sa kayabangan,' puna ni Pol, 'Nang aking suriin ang mga sinasamba nila dito, napansin ko na isa sa sinasamba nila ay isang malaking imahen ng isang lalaki na napapalibutan ng maraming libro. Ang pangalan daw ng imahen na iyon ay “Karunungan”.'

'Bukod pa sa diyus-diyusan ng karunungan,' dugtong naman ni Tim, 'sinasamba din nila dito ay ang Reyna ng Langit (Jer 7:16-20).

'May isang namumuno sa gobyerno at sa isang relihiyon na nakagawa ng mga tanda at himala kaya takot ang mga tao rito na magsalita laban sa kanya. Ang iba pa nga ay nagsasalita ng matatamis na salita sa harapan niya katulad ng ginawa ng ilan sa harapan ni Herod (Gawa 12:20-24). Sa katunayan nga, isa sa mga tagasunod niya ang nagsabi sa akin na ang lider ngang iyon ang anak ng Diyos at ang kanyang tatay ay ang Diyos Ama! Ang kanilang tagasunod ay gumawa pa ng monumento para sa namatay niyang ama na siyang nagtatag ng relihiyong iyon (De 12:2,3; Is 65:4; Eze 43:7,9). Si Abraham ay nagpatayo din ng altar noong siya’y dumating sa lupang pangako (Ge 12:8). Sa pamamagitan noon, naisama niya ang lupain sa pakikipagtipan ng Diyos at ng Kanyang bayan. Gayun din naman, nang ang mga tagasunod ng relihiyong iyon ay nagtayo ng monumento para sa nagtatag ng relihiyon nila, isinama nila ang lupaing iyon sa pakikipagtipan nila sa kanya at sa mga masasamang anghel na nasa likod niya (Kjell Sjoberg, p.111 sa libro ni Peter Wagner, Breaking Strongholds in Your City).

'May narinig din akong katulad niya,' dagdag ni Pol. 'Isang mananampalataya ang pumunta sa bahay ng anak na babae ng isang opisyal ng gobyerno. Habang sila’y nananalangin dumating ang nasabing opisyal at nanginginig na sinabi, “’yan ang gusto ko—mabatid ang katotohanan!” Hindi nagtagal, ang opisyal na ito ay naparusahan ng batas sa salang pagpatay at panggagahasa.'

'Ang mga pagpatay na iyon ang nagpaparumi sa lupain (Bil 35:31,33; 2Sa 21:1)!' madiin na sinabi ni Tim.

'Ang pagpatay ay problema na rin dito sa Bagong Berea,' dagdag ni Precy.

'Nararamdaman ko rin na mababa ang moralidad dito sa lugar ninyo nang makita ko ang malalaswang sining na nasa museo, pasyalan, sinehan, sa mga archeological site, mga mall at mga pamilihan (Gaw 17:29),' puna ni Pol.

'Tama ka!' ang pagsang-ayon ni Precy. 'Bumaba na nga ang moralidad dito. Dahil na di gaanong natutulungan ang mahihirap (Eze 22:29-31), dumami ang mga pokpok, babaeng mababa ang lipad. Para makaiwas sa aking paunang hatol, hayaan mong sabihin ko na gumawa

Page 12: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

12

naman ang gobyerno ng ilang hakbang upang matulungang makalaya ang mga napwersahang naging pokpok.'

'Sa palagay ko naman,' pahayag ni Pol, 'sa ating pag-iimbestiga sa lugar na ito, puwede na tayong makipaglaban (Eze 4:2-3). Maglalakad tayo sa buong lugar at aangkinin natin ito (De 11:24; Jos 6:3-5). Precy, gayong ikaw ang mas nakakaalam ng mga kasalanan ng Bagong Berea at mas puwede kang kumatawan para sa lugar, puwede ka bang sumama sa amin sa pagpapanalangin para sa Bagong Berea?'

'Oo naman!'

Nang sila ay dumating sa pinakamalapit na altar, bumunot ng damo si Pol bilang pagpapahayag ng pinaniniwalaan niya na totoo sa espiritwal.

'Ama,' dalangin ni Pol, 'salamat po na tinawag ninyo po kami upang bunutin, sirain, wasakin at itapon (Je 1:10a) ang mga gawa ng aming kaaway—ni Satanas at ng mga demonyo (Ef 6:12). Hayaan mo pong malaman namin ang mga kasalanan ng lugar na ito upang ang iyong poot ay maalis habang amin itong inihihingi ng tawad (Ezr 9:5-15 Ne 1:6 Da 9:5).'

'Puwede ka ring manalangin, Precy!' udyok ni Tim.

'Ama,' dalangin ni Precy, 'patawarin mo po kami sa aming pagsamba sa reyna ng langit at sa iba pang diyus-diyosan. Dahil kami’y sumasamba sa mga rebulto, mga gawa ng tao na di nakakakita, nakaririnig, ni nakakapagsalita, nagkasala po kami at hindi napagbawalan (Aw 115:4-8). Pinababa namin ang pananaw namin patungkol sa kung ano ang tama. Tumatahimik ako nang ako ay nakasaksi ng krimen dahil gusto kong proteksiyonan ang aking sarili.'

Lumakas ang loob ni Pol, 'Ama ipinapahayag namin sa espiritu ng pagpatay na nasa lugar na ito na dahil ang Espiritu ng Diyos ay amin, “… at kung saan naroroon ang Espiritu ng Panginoon, doon ay may kalayaan” (2Co 3:17), itinatanim namin ang kalayaan bilang kapalit ng pagpatay sa lugar na ito.'

'Panginoon,' pagsambang sinabi ni Tim ang ganito, 'Kahit ang mga kasalanan ay nagawa sa lugar na ito, Ikaw pa rin ang may kontrol. Hindi Ka nagulat sa nangyari.'

Idinalangin naman ni Pol, 'Ama, salamat po at kami’y kasamang nakaluklok kasama ni JesuCristo at mas mataas sa lahat ng masasamang espiritu. Dahil dito, sa pangalan ni Jesus, aming tinatalian si Satanas (Mt 12:29 Mk 3:27 Lu 11:21,22), at inuutusan siya na tigilan na niya ang pagtakip sa mga isip ng mga di nananalig sa Bagong Berea (2Co 4:4) ngayon na dumating na ang panahon upang hanapin nila ang Panginoon (Gaw 17:26-27). Hindi naluluwalhati ang Diyos kung habang ginagawa namin ang kalooban Niya, may mga mahal kami sa buhay o mga ari-arian na masasaktan. Kaya amin ding pinagbabawalan sa pangalan ni Jesus ang pagsakit sa kanila. Panginoon, kumilos po Kayo na gawin Kang tahanan ng aming mga mahal sa buhay upang maipadala Mo ang mga anghel na magbantay sa kanila sa lahat ng kanilang lakarin

Page 13: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

13

(Aw 91;9,11).'

'Sa ngalan ni Jesus, aming binubunot ang paghahanap ng karunungan nang walang pagsunod sa tunay na Diyos sapagkat yao’y nagpapayabang (1Co 8;1). Sa halip, itinatanim namin (Je 1:10b; Is 62:10) ang takot sa Diyos na simula ng karunungan (Aw 111:10).'

'Amen!' malakas na pagsang-ayon ni Tim at Precy.

Tanong ni Tim kay Pol, 'Puwede ba nating pabagsakin ang mga rebulto sa lugar na ito katulad nang ginawa ni Gideon sa Hukom 6:25-27?'

'Oo,' paliwanag ni Pol, 'kung malinaw na sinasabi sa atin ng Diyos tulad nang kay Gideon. Kung hindi naman, kailangan nating sundin ang utos na huwag tayong maging ugat ng pagkatisod ng iba (1Co 10:32).'

'May mga kailangan pa ba tayong gawin?' tanong ni Precy.

'Puwede rin nating gawin ang kabaliktaran ng mga kasalanan na kumokontrol sa mga tao dito (Ro 12:21). Halimbawa, dahil sa ang kahirapan ang nagiging dahilan upang ang ilan ay magnakaw, pumatay at maging pokpok, puwede natin itong labanan sa pamamagitan ng pagsunod sa halimbawa ng mga pastor sa Resistencia, Argentina na nagpagawa ng 16 na tanke ng tubig sa mahirap na lugar na kung saan walang tubig (p. 245, Silvoso, ibid.).'

'Panginoon,' dalangin ni Tim, 'bigyan Mo po kami ng kakayahan na gumawa ng tulad noon. Bigyan Mo po kami ng kakayahan na mapanumbalik ang mga puso ng mga ama na pumunta sa ibang bansa sa kanilang mga anak nang sa gayun, di Mo na kailangang sumpain pa ang Bagong Berea dahil sa pangangalunya at pakikiapid na naging resulta nito (Mal 4:6).'

'Amen!' tugon ni Pol at Precy.

Pinagpatuloy ni Pol ang pananalangin, 'Ama, sa aming pakikisalamuha sa mga tao sa publiko man o sa bahay-bahay (Gaw 5:42; 20:20), bigyan Mo po kami ng kakayahang mapanalanging ibahagi ang Mabuting Balita (Ef 6:15,19) at magturo sa pagsunod sa lahat ng ipinag-utos ni Cristo (Mat 28:19). Sa mga mananampalataya na aming makakaharap sa lugar na ito, hayaan mo po na aming mapanatili ang pagkakaisa sa Espiritu sa tali ng kapayapaan (Ef 4:3; Mt 18:15-35; 5:21-26). Sa aming pagsasalita ng katotohanan na may pag-ibig (Ef 4:15) na gaya ng pag-ibig sa amin ni Cristo at ng Ama (Ro 5:8; Jn 17:23), hayaan Mo rin po na makatulong kami na ayusin ang mga banal upang kami ay magkaisa sa doktrina—pagkakilala sa anak ng Diyos—at sa pagiging tulad ni Cristo (Ef 4:11-14). Nais po naming makita ang buong kaganapan sa panalangin ni Jesus patungkol sa pagkakaisa (Jn 17:20-23). Pagkatapos, sa aming pangangaral ng Mabuting Balita at pagtuturo, aasahan po namin na maraming tao ang maligtas (Jn 13:34,35; 17:20-24; 1Ti 2:1-8). Ito ang aming mga dalangin sa pangalan ni Jesus!'

Page 14: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

14

Nais mo bang abutin ang isang lugar para kay JesuCristo? … Kung gayon, sikaping sundin ang halimbawa sa libritong ito. …

Page 15: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

15

Kabanata 2

Pag-aayuno Ayon sa Inaasahan ng Diyos

'Hindi ka ba nag-almusal ngayon?' tanong ni Pol

'Oo naman!' tugon ni Tim

'Natutuwa ko at masunurin ka sa akin sa lahat ng bagay!' pahayag ni Pol.

'Siyempre! Nahikayat mo ako sa pamamagitan ng halimbawa mo na ang pag-aayuno ay mabuti,' paliwanag ni Tim. 'Pero may tanong lang ako. Una, KAILANGAN KO BA TALAGANG MAG-AYUNO?

'Oo,' paliwanag ni Pol, 'inaasahan ng Diyos na mag-ayuno ka. Pansinin mo sa Mateo 6:16-17. Hindi sinabi ni Jesus “kung ikaw ay mag-aayuno” kundi “kapag ikaw ay mag-aayuno”… Hindi ito isang bagay na pipiliin mo kundi isang bagay na inaasahan sa mga tunay na mga mananampalataya.'

'Pero ayaw ko namang maging hipokrito tulad ng mga Pariseo!' tugon ni Tim.

'Kung gayon, mag-ayuno ka, hindi upang makita ng tao kundi para sa Diyos (Gawa 13:2 Zec 7:5).'

'DI BA ANG PAG-AAYUNO AY PARA LANG SA MGA MANANAMPALATAYA SA LUMANG TIPAN?' tanong ni Precy.

'Hindi, ito’y inaasahan sa lahat ng Kristiano hanggang sa muling pagparito ng Panginoong Jesus (Mt 9:15 25:6 Mk 2:19,20 Lu 5:34,35 Gaw 13:2-3).'

Nagtaka si Precy.

'Hayaan mong ipaliwanag ko sa iyo,' pahayag ni Pol.

'Kaya lang natatakot ako! Baka ako magkasakit pag nag-ayuno ako.

Natawa si Pol, 'Kabaliktaran ito ng inaakala mo, ang pag-aayuno ay nakatutulong para sa kalusugan ng katawan.

'Binanggit ni Bill Bright sa The Transforming Power of Fasting and Prayer ang sinabi nina Dr. James at Phyllis Balch sa Prescription for Nutritional Healing: “Ang pag-aayuno ay nakakatulong sa pagpigil ng pagtanda, at kung ito ay gagawin ng tama, mabubuhay tayo ng mas matagal, at mas masaya. … Malalabanan mo ang mga sakit at nakapanghihinang karamdaman na karaniwan na sa maruming kapaligiran ating tinitirhan. … Mapabibilis ang paggaling mo, mabibigyan ng pahinga ang iyong mga lamang loob, malilinis ang iyong atay at bato, malilinis din ang iyong dugo, gayundin ang kolon, mababawasan ang mga di kinakailangang taba, matatanggal ang mga lason na naiipon sa mga kalamnan, mapapalinaw ang mga mata, malilinis ang dila.

Page 16: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

16

mapapabango ang hininga, at mababawasan ang sobrang tubig sa katawan.

'Sa libro ni Lee Bueno, “Fast Your Way to Health” idinokumento niya ang mga pagkakataon na sa pamamagitan ng pag-aayuno, 88-92% ng patiente ay gumaling sa ‘rheumatoid vasculities’ (p.20), DDT at mercury sa katawan (p.50-51), amoeba (p.96), mga tumor (p.87-88), mga ulcer, tuberculosis, sinusitis, pyorrhea, Parkinson’s disease, sakit sa puso, cancer, insomnia, gallstones, epilepsy, colitis, hay fever, bronchitis, hika, arthritis. 60% ng schizophrenic sa loob 5 taon o higit at di tumugon sa karaniwang paggamot ay nagkaroon ng kapunapunang tagumpay nang nag-ayuno sila ng may tubig lamang (p.95). Sa pasyente na 40,000 mula 1928-1981, inangkin ni Dr. Shelton ang paggamot sa halos lahat na grabe at paulit-ulit na sakit ay kamangha-manghang nagtagumpay sa pag-aayunong nabantayan nang maayos. Ang iba pang mga sakit na tinalakay doon ay sipon, multiple sclerosis, ulcer, sakit sa ulo, sakit sa puso, sobrang katabaan, psoriasis, and eczema (p.96). Napalaya rin ang mga tao sa sobrang caffeine, sakit sa bato, sakit sa likod, hirap sa pagdudumi, balisawsaw, myasthenia gravis (sobrang kahinaan at hirap sa pagsasalita ang sintoma nito), grabeng glomerular nephritis, grabeng sakit sa baywang sa paglalakad (p.227-230).'

'Para di mo nabanggit ang sakit ko!''Gayunpaman, pangako ng Biblia ang kagalingan sa mag-aayuno nang

tama. Sinasabi sa Isaias 58:8,11, “… at ang iyong paggaling ay mapapabilis.”

Binasa ni Precy ang talata at naging maaliwalas ang mukha niya, 'Ahh!'

'Higit pa sa riyan, ang pag-aayuno ay makapagbibigay ng direksiyon sa kung ano ang nararapat mong gawin. Tim, pakibasa mo nga iyong unang bahagi ng Isaias 58:11

'At papatnubayan ka ng Panginoon na palagi….'

'Halimbawa,' pinagpatuloy ni Pol, 'nang ginusto ko ng tamang desisyon kung ano ang aking gagawin (Isaias 58:2) katulad ng kung sino ang isasama ko sa misyon dito sa Berea, nag-ayuno ako, bilang pagsunod sa halimbawa sa Gawa 13:1-4 at sa 14:23. kaya pinili kitang isama.

'Kapag nag-aayuno ka, tatanggap ka ng karunungan, kakayahan, kaalaman (Daniel 1:12,17), katalinuhan, at pagkaunawa (9:2,3,21,22) kahit sa panaginip, at pangitain (1:17).

'Ibig mong sabihin, kung ako’y mag-aayuno tatanggap din ako ng direksiyon sa aking buhay-pag-ibig?' tanong ni Tim nang may ngiti.

'Maaaring ipaalam iyan sa iyo ng Diyos habang nagaayuno ka. Kaya lang, huwag mong hayaan na ang damdamin mo ang makahadlang sa iyo upang mapakinggan ang iba pang bagay mula sa Kanya. May kilala akong isang misyonero na noong na-in-love sa taga-ibang bansa ay nag-ayuno. Sa kanyang pag-aayuno, nakumbinsi siya mula sa

Page 17: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

17

pagbabasa ng Biblia na silang dalawa ay para sa isa’t isa. Nanaginip din siya na binabahaginan niya ng Mabuting Balita ang isang grupo sa kaniyang bansa. Sinabi niya sa babae na magministeryo sila sa bansa nito. Sumagot naman sa kanya ng babae na itanong niya sa Panginoon kung saan talagang lugar sila magmiministeryo. Di naglaon, nagkahiwalay sila… at nalaman niya na di niya nasunod ang direksyon ng Diyos sa panaginip.

'Pakibasa mo Precy ang Isaias 58:6.

'Hindi baga ito ang ayuno na aking pinili: na kalagin ang mga tali ng kasamaan, na pagaanin ang mga pasan at papaging layain ang napipighati, at iyong alisin ang lahat na atang?'

'Ayon sa talata,' tanong ni Pol, 'ano ang mangyayari kung ikaw ay mag-ayuno sa paraang pinili ng Diyos?'

'Akoy lalaya mula sa pagkatali, bigat at pighati na dulot ng kasalanan.' tugon ni Precy.

'Para makita natin kung paano nakadulot ng pighati ang mga Judio, pakibasa nga ang Isaias 58:3 sa Ang Bagong ang Biblia (BB), Tim.'

'Bakit kami ay nag-ayuno, at hindi mo nakikita? Bakit hindi mo napapansin ang aming pagpapakumbaba? Sa araw ng inyong pag-aayuno ay hinahanap ninyo ang inyong sariling kalayawan, at inyong pinahihirapan ang lahat ninyong mga manggagawa.'

'Paano ang mga Judio nagkasala ng pang-aapi?' tanong ni Pol.

'Habang nag-aayuno, pinahihirapan nila ang mga manggagawa nila.' tugon ni Tim

'Sa Awit 73:4 BB, ang salitang isinalin na “mga tali” sa Isaias ay isinalin sa “mga hapdi”: “Sapagkat walang mga hapdi ang kanilang kamatayan…” Kaya, dahil sa pagpapahirap ng mga Judio, ang lahat ng kanilang manggagawa ay dumanas ng hirap nang tulad ng ilang namamatay.

Bilang lider, Gusto mo bang matupad ang iyong mga plano, kaya pinapahirapan mo ang lahat ng tagasunod mo? … Naranasan ba nila ang iyong mga pahirap sa halip na ang iyong pag-ibig? … Nais mo bang makalaya sa ganoong klaseng pamumuno? … Kung gayon, mag-ayuno ka!

'Sinasabi ng talata 3, “Bakit kami ay nag-ayuno, at hindi mo nakikita? Bakit hindi mo napapansin ang aming pagpapakumbaba?…” (BB) Hindi pinansin ng Diyos ang kanilang pag-aayuno bilang pagpapakumbaba. Ang pag-aayuno ba ay isang paraan ng pagpapakumbaba?' tanong ni Tim.

'Oo, sapagkat sinabi ni David sa Awit 35:13 NPV, “…nagpakumbaba ako’t nag-aayuno…” Hindi tulad sa ginawa ng mga Judio, puwede kang mag-ayuno upang ikaw ay magpakumbaba at mapapalaya sa kayabangan.'

Malimit ka bang kumilos nang hindi nananalangin? Kung gayun, kailangan mong magpakumbaba sa harapan ng Diyos. Ang pagaayuno

Page 18: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

18

ay makakatulong.

'Isang pastor ang nagkaproblema sa pagnanasang sekswal. Kaya nag-ayuno siya. Nang pangatlong araw napansin niya hindi na siya kinokontrol ng kanyang pagnanasa.

Mayroon bang kasalanan sa iyong buhay na hindi mo mapagtagumpayan?… Naniniwala ka ba na si Jesus ang Anak ng Diyos (1Juan 5:4-5)? … Ibinilang mo na ba ang iyong sarili na patay na sa kasalanan at buhay sa Panginoon at ibinigay mo na ba ang iyong katawan bilang kasangkapan ng katuwiran? (Roma 6:1-13)? … Lumalakad ka ba sa pamamagitan ng Espiritu (Galacia 5:16), umaasa sa Kanyang kalakasan upang magapi ang kasalanang iyon? … Ang iyong sarili ba ay ipinasakop mo na sa Diyos at tumanggi sa diyablo (Sant 4:7)? … Tumakbo ka na ba sa kasalanang iyan (1Cor 6:18; 10:14; 1Tim 6:1; 2Tim 2:22)? … Nakabisa mo na ba ang kasulatan (Awit 119:9,11)? … Napakatindi ba ng pagnanasa mo na magtagumpay sa kasalanang iyon kaya’t ikaw ay nag-ayuno? … Kung mayroon kang di pa nagawa sa mga nalista dito, simulan mo na kaagad!

'Ang Hebreo sa salitang naaapi sa Isaias 58:6 BB o napipighati (BK) minsan ay isinasalin sa salitang Griego isinaling pinahihirapan sa Gawa 10:38: “… si Jesus … nagpapagaling sa lahat ng mga pinahihirapan ng diablo …”

'Gayun din ang salita na ginamit sa Santiago 2:6: “…. Hindi baga kayo'y pinahihirapan ng mayayaman, at sila rin ang kumakaladkad sa inyo sa harapan ng mga hukuman?”

Kung mahirap ka, ikaw at ang iyong pamilya ay maaaring pahirapan ng mayayaman sa pamamagitan ng pagkaladkad sa inyo sa hukuman, isang lugar na ayaw ninyong puntahan at pag-aksayahan ng pera at panahon subalit wala kayong magawa. Gayun din naman, kung ikaw ay may sakit, papahirapan ni Satanas at ng mga demonyo ikaw at ang iyong pamilya sa pamamagitan ng pagkaladkad sa inyo sa ospital/klinika, lugar na ayaw ninyong puntahan at pag-aksayahan ng pera at panahon, pero wala kayong magawa.

Ang isang halimbawa ng isang pinahirapan ng demonyo sa pamamagitan ng karamdaman subalit pinagaling ni Jesus ay ikinuwento sa Marcos 5:25-34.

25 May isang babae roon na labindalawang taon nang dinudugo, 26 at lubhang nahihirapan, marami nang manggagamot ang tumingin sa kanya naubos na sa kapapagamot ang kanyang ari-arian, ngunit hindi siya napabuti kahit kaunti bagkus ay lalong lumubha 27 narinig niya ang sinasabi ng mga tao tungkol kay Jesus, kaya nakipagsiksikan siya hanggang sa makalapit sa likuran ni Jesus. At hinipo niya ang damit nito. 28 (sapagkat sinabi niya sa sarili. Mahipo ko lang ang kanyang damit ay gagaling na ako. 29 Biglang tumigil ang kanyang pagdurugo at naramdaman niyang magaling na siya. 30 Naramdaman ni Jesus na may kapangyarihang lumabas sa kanya, kayat bumaling siya sa mga tao at

Page 19: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

19

nagtanong “sino ang humipo sa akin” 31 sumagot ang kanyang mga alagad,”nakita po ninyong nagsisiksikan ang napakaraming tao, bakit tinatanong ninyo kung sino ang humipo sa inyo? 32 Subalit patuloy na luminga-linga si Jesus, hinahanap ang humipo sa kanya. 33 Palibhasay alam ng babae ang nangyari, siyay nanginginig sa takot na lumapit kay Jesus, nagpatirapa at sinabi ang buong katotohanan. 34 Sinabi sa kanya ni Jesus” anak pinagaling ka ng iyong pananalig sa akin, umuwi ka na at ipanatag mo ang iyong kalooban. Lubusan ka nang magaling sa iyong karamdaman. (MBB)

Isa pang halimbawa nang pinahirapan ng demonyo ay isinalaysay sa Marcos 9:17-29

17 Sumagot ang isa sa karamihan, “guro, dinala ko po rito sa inyo ang aking anak na lalaki, sapagkat siya’y inaalihan ng masamang espiritu, at hindi makapagsasalita, 18 Tuwing aalihan siya nito siya’y inilulugmok; bumubula ang kanyang bibig at nagngangalit ang kanyang ngipin, at siya’y naninigas.hiniling ko po sa inyong mga alagad na palayasin ang Espiritu, ngunit hindi nila napalayas ito.

19 Sinabi ni Jesus sa kanila, “lahing walang pananampalataya! Hanggang kailan ako dapat na manatiling kasama ninyo? Hanggang kailan ko kayo pagtitiisan? Dalhin ninyo dito ang bata! 20At dinala nga nila ito sa kanya. Nang si Jesus ay makita ng espiritu, biglang pinapangisay nito ang bata, anupa’t napalugmok ito sa lupa, at gumulong-gulong sa bumubula ang bibig. 21”Kailan pa siya inaalihan ng espiritu?” tanong ni Jesus sa ama. “mula pa po sa kanyang pagkabata!” tugon niya. “22 “Madalas siyang ihagis nito sa apoy at tubig upang patayin. Kaya kung may magagawa kayo, mahabag po kayo sa amin at tulungan ninyo kami.” 23 Mapangyayari ang lahat sa may pananalig.” Kaagad sumagot nang malakas ang ama ng bata, “nananalig po ako! Tulungan ninyo ako bagamat ako’y nagkulang.”

25Nang makita ni Jesus na dumaragsa ang mga tao, pinagsabihan niya ang masamang espiritu, ikaw, espiritung nagpapapipi at nagpapabingi—iniuutos ko sa iyo: lumabas ka sa bata! At huwag ka nang papasok sa kanya!” 26 Nagsisigaw ang masamang espiritu, pinapangisay ang bata, at saka lumabas, naging mistulang bangkay ang bata, kaya’t ang sabi ng marami, “Patay na!” 27 Subalit siya’y hinawakan ni Jesus sa kamay at ibinangon. At tumindig ang bata.

28 Nang pumasok na si Jesus sa bahay, palihim siyang tinanong ng kanyang mga alagad,”bakit di po namin napalayas ang espiritu?”

29 Sumagot si Jesus, ang ganitong uri ng espiritu ay hindi napapalayas kundi sa pamamagitan ng panalangin at pag-aayuno.” (MBB)

Ipinaliwanag ni Pol, 'Pansinin na hindi napalayas ng mga alagad ang espiritu na nagpapahirap sa bata at sa kanyang ama sapagkat ang gayung uri ay mapapalayas lamang sa pamamagitan ng panalangin at pag-aayuno.'

May kilala ka bang tao na ang sakit ay dulot ng demonyo o itinuring

Page 20: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

20

ng mga doktor na panghabang buhay? Sinaway mo ba ang sakit o ang espiritu subalit di siya gumaling? … Kung gayon, manalangin at mag-ayuno ka para sa kanyang kagalingan!

'Pakibasa nga ang ang Isaias 58:8-10?'

“8 At kung magkagayon, matutulad kayo sa bukang-liwayway, hindi maglalao’t gagaling ang inyong sugat sa katawan, ako’y laging sasainyo, ililigtas kayo at iingatan kahit saang lugar. 10 Kung magmamagandang-loob ka sa gutom, at iyong sisiyahan ng loob ang nagdadalamhating kaluluwa; kung magkagayo'y sisilang ang iyong liwanag sa kadiliman, at ang iyong kadiliman ay magiging parang katanghaliang tapat.'

'Ano ang nakikita mong iba pang resulta ng pag-aayuno?'

'Sa kadiliman, ang aking ilaw ay magliliwanag katulad ng pagsikat ng araw sa umaga at lalo pang magliliwanag katulad ng araw sa tanghaling tapat! Ibig sabihin nito’y ang magagandang gawa ko ay makikila ng iba na galing sa Diyos, sapagkat sabi ni Jesus, “…gayon din naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harapan ng mga tao, upang makita nila ang inyong mabubuting gawa, at luwalhatiin ang inyong Amang nasa langit.” (Mateo 5:14-16 MBB).

'Naging masama ang aking patotoo sa nakaraan,' saysay ni Precy. 'Ibig sabihin nito’y makakabawi na ako mula roon at magkakaroon na ako ng magandang patotoo!'

'Makakabawi ka nang mabilis! Sinasabi rin sa talata 8 ng Isaias 58 na kung tayo ay mag-aayuno mabilis tayong makakabawi at uunahan tayo ng ating katuwiran!' dagdag ni Tim.

Ikaw ba ay naging masamang patotoo? Mag-ayuno, at ikaw ay makakabawi kaagad mula sa patotoong iyon!

'Sa talata 8 sinasabing ang “kaluwalhatian ng Panginoon ang iyong magiging bantay sa likod”, puna ni Precy. 'Magandang pangako sa akin ito! Minsan kasi takot akong maglakad sa kalsada kung gabi na. Ang ibig sabihin nito’y ang Diyos ang mag-iingat sa akin!'

'Ang grupo ni Ezra ay nag-ayuno din at humanap sa Diyos, at iningatan sila ng Diyos:

21”Nang magkagayo'y nagtanyag ako ng ayuno doon, sa ilog ng Ahava, upang tayo'y magpakababa sa harap ng ating Dios, upang humanap sa kaniya ng matuwid na daan, sa ganang atin, at sa ating mga bata, at sa lahat ng ating pag-aari. 22 Sapagka't ako'y nahiyang humingi sa hari ng pulutong ng mga sundalo, at ng mga mangangabayo upang tulungan tayo laban sa mga kaaway sa daan: sapagka't aming sinalita sa hari, na sinasabi, Ang kamay ng ating Dios ay sumasa kanilang lahat na humahanap sa kaniya, sa ikabubuti; nguni't ang kaniyang kapangyarihan at ang pagiinit ay laban sa kanilang lahat na nagpapabaya sa kaniya. 23 Sa gayo'y nagayuno tayo at nagsidalangin sa ating Dios dahil dito: at dininig niya tayo.' (Ezra 8:21-23 MBB)

'Kapag ang bayan ng Diyos ay nag-ayuno, hindi lang sila

Page 21: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

21

dedepensahan ng Diyos kundi lalabanan pa ang kanilang mga kaaway:

3 At si Josaphat ay natakot, at tumalagang hanapin ang Panginoon; at siya'y nagtanyag ng ayuno sa buong Juda. 4 At ang Juda'y nagpipisan, upang huminging tulong sa Panginoon: sa makatuwid baga'y mula sa lahat na bayan ng Juda ay nagsiparoon upang hanapin ang Panginoon. 22

At nang sila'y mangagpasimulang magsiawit at magsipuri, ang Panginoon ay naglagay ng mga bakay laban sa mga anak ni Ammon, ni Moab, at ng sa bundok ng Seir, na nagsiparoon laban sa Juda; at sila'y nasugatan. 23Sapagka't ang mga anak ni Ammon at ni Moab ay nagsitayo laban sa mga taga bundok ng Seir, upang lubos na magsipatay at lipulin sila: at nang sila'y makatapos sa mga taga bundok ng Seir, bawa't isa'y tumulong na lumipol sa iba. (2Cr 20:3-4, 22-23)

Meron bang banta sa iyong buhay? … mag-ayuno at hingin sa Diyos na ikaw ay proteksiyonan. (Jonas 3:1-10 Ester 4:15, 5:3, 7:3, 9:15)

'Precy, puwedeng pakibasa mo ang unang bahagi ng Isaias 58:11?'

'At patuloy na papatnubayan ka ng PANGINOON, at masisiyahan ang iyong kaluluwa sa tuyong dako, at palalakasin ang iyong mga buto; at ikaw ay magiging parang halamanang nadilig, at parang bukal na ang tubig ay hindi nauubos.

'Ano ang nakikita mong mabuti sa pag-aayuno?'

'Pasisiyahan Niya ang aking kaluluwa ng tubig kahit sa panahon ng tagtuyot,' tugon ni Precy.

'Ano sa palagay mo ang ibig sabihin nun?

'Tatanggap ako ng panibagong lakas mula sa salita ng Diyos (Efeso 5:26) at sa Espiritu (Juan 7:38-39) kahit ang iba ay nahihirapan!' sagot ni Precy.

Kailangan mo ba ng panibagong lakas mula sa salita ng Diyos at sa Kaniyang Espiritu?… Kung gayon, mag-ayuno ka!

'Tim,' tanong ni Pol, 'pakibasa nga ang talatang 12.'

'At mula sa inyo ay itatayo ang dating sirang dako; ikaw ay magbabangon ng mga saligan ng maraming salinlahi; at ikaw ay tatawaging tagapag-ayos ng sira, ang tagapagsauli ng mga landas na matatahanan. (Isaias 58:12)'

'Ibig sabihin ba niyan kung ako ay mag-aayuno, makakatulong ako sa ikabubuti ng Bagong Berea?' tanong ni Tim.

'Nabasa ko na ang mga taong ginamit ng Diyos sa pagbabago ng kanilang siyudad ay nagsisipag-ayunong palagi….si Luther, Calvin, Wesley, atbp.' salaysay ni Precy.

'Nakita na natin na ang pag-aayuno ay paraan ng pagpapakumbaba. Ngayon naman, makikita natin na ang pagpapakumbaba ay isang

Page 22: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

22

kalagayan para sa kagalingan ng Bagong Berea. Sa 2Cronica 7:13-14 BK:

Kung aking sarhan ang langit na anopa't huwag magkaroon ng ulan, o kung aking utusan ang balang na lamunin ang lupain, o kung ako'y magsugo ng salot sa gitna ng aking bayan; Kung ang aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpakumbaba at dumalangin, at hanapin ang aking mukha, at talikuran ang kanilang masamang mga lakad; akin ngang didinggin sa langit, at ipatatawad ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain.

Ninanasa mo ba na ang inyong lugar na iyong tinitirhan ay makaranas ng pagunlad sa pamumuhay? Kung gayon, mag-ayuno ka. (Joel 1:8-14 2:12,15-26)

'Alam ninyo naman na siguro, marami sa Bagong Berea ang pumunta sa ibang bansa dahil sa kahirapan dito,' malungkot na saysay ni Precy. 'Ang resulta, maraming pamilya ang nawasak—yung babae o lalake o pareho sila ay nagkaroon ng relasyon sa iba at ilan sa mga anak nila’y naging bakla o tomboy dahil sa kawalan ng magandang halimbawa. May pag-asa pa kaya?'

'May pag-asa pa. Kung gagawin lang ninyo ang mga kondisyon sa 2 Cronica 7:13,14, ipinapangako ng Diyos na ibabalik ang sinumang itinaboy sa ibang bansa ng dahil sa kahirapan. Sabi sa Jeremias 29:13-14:

'At inyong hahanapin Ako, at masusumpungan Ako, pagka inyong sisiyasatin Ako ng inyong buong puso. At Ako'y masusumpungan sa inyo, sabi ng Panginoon, at Aking ibabalik uli kayo na mula sa inyong pagkabihag, at Aking pipisanin kayo mula sa lahat ng bansa, at mula sa lahat ng dako na aking pinagtabuyan sa inyo, sabi ng Panginoon; at aking ibabalik kayo uli sa dakong mula sa aking pinagdalhang bihag sa inyo.'

'ANO ANG PAG-AAYUNO?'

'Ang pag-aayuno ay pagtanggi sa pagkain. Puwedeng lahat ng pagkain o kaya’y ilan lang sa mga ito.

'Kapag ikaw ay nag-ayuno sa lahat ng pagkain, puwede kang uminom ng tubig. Sa pag-aayuno ni Jesus ng apatnapung araw, hindi Siya nauhaw pagkalipas ng apatnapung araw, nagutom lang Siya (Mateo. 4:2 Lucas 4:2). Kaya, uminom siya habang nag-ayuno. Gayun din naman si Elias. At siya'y … kumain, at uminom, at siya'y yumaon sa lakas ng pagkaing yaon, na apat na pung araw at apat na pung gabi …. (1Hari 19:8) hindi sa lakas ng pagkain at inuming yaon. Ang ibig sabihin nito’y uminom siya ng tubig noong siya ay nag-ayuno.

Gayunpaman, sa ilang pagkakataon, puwede mo ring piliing di kumain ng pagkain at uminom ng tubig. (1Sam 7:6 Gaw 9:9 Ezr 10:6-9 Est 4:16 Deu 9:9,18 Ex 34:28).

Puwede rin namang patnubayan ka ng Diyos na huwag kumain ng

Page 23: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

23

ilang uri pagkain at inumin. Puwede ka ring di uminom ng alak at ng iba pang produkto ng ubas (Bil 6:3,4), tinapay, (Lu 7:33 Mt 11:18), karne, o masasarap na pagkain (Da 10:2,3 Bil 6:3,4). Maaaring kakainin mo lang ay gulay at tubig (Da 1:8,12,16).

Puwede ka ring hindi kumain ng pagkaing makakapagpatisod sa iyong kapwa Cristiano (1Co 8:13).

'Pero kung mag-aayuno ako baka mamatay ako sa gutom!' ungol ni Precy.

Natawa si Pol at si Tim. Subalit parang seryoso si Precy sa kanyang sinabi. Kaya’t nagpaliwanag si Pol, 'Naalala ko uli yung misyonaryong kilala ko. Matapos ang dalawang araw na pag-aayuno, sa kanyang panghihina, biniro niya ang kanyang trainee (sinasanay), ‘Kung mamatay ako, sabihin mo sa kanya mahal ko siya!’ Nang sumunod na gabi at di agad nakabalik sa kwarto ang misyoneryo,sabi ng trainee sa sarili, ‘Bakit kaya wala pa siya? Hindi, ayaw kong mapalitan ang trainer ko!’

'Hindi ka mamamatay kung hindi ka kakain isang tanghalian o nang buong araw! Pero kung mag-aayuno ka ng dalawang araw o higit pa, makakaramdam ka ng panghihina sa iyong mga tuhod (Aw 109:24). Puwede ka ring mahilo kung ikaw ay lalakad (Mat 15:32).

'GAANO KADALAS AKONG DAPAT MAG-AYUNO?

Tanong ni Tim.

'Kung anong patnubay sa iyo ng Diyos. Si Pablo ay malimit mag-ayuno. (2Corinto 11:27). Si Ana, isang propetesa, ay nag-ayuno at nanalangin araw at gabi (Lu 2:36,37). Si Juan Bautista ay lagi ding nag-ayuno. (Mt 11:18 Lu 7:33).

Ang iba ay nag-aayuno dalawang beses isang linggo: ang Pariseo (Lu 18:11,12) ay nag-ayuno ng Lunes at Huwebes habang araw pa. Pansinin na hindi hinatulan ni Jesus ang paraan ng kanyang pag-aayuno kundi ang pagtataas niya sa kanyang sarili. (Lu 18:14). Ang iglesya noong ikalawa at ikatlong siglo ay nag-ayuno tuwing Miyerkoles at Biyernes (Did. 8.1, ayon sa Theological Dictionary of the New Testament, p.633. Sinulat ito ni Didymus ng Alexandria noong 395 A.D – p.XVII ng Lexicon ni Thayer). Si Wesley at iba pang naunang metodista ay gumaya sa kanilang halimbawa.

Ang mga Judio ay nag-ayuno apat na beses sa isang taon. (Zec 8:19) katulad ng araw ng Pag-aayuno (komentaryo ni Clarke sa Gawa 27:9). Kaya maari kang mag-ayuno sa gayon ring kadalas.

Nag-ayuno din sila nang pinasabi ito ng Diyos. (Joe 2:15 2Cr 20:3 Jonas 3:5-9 Jer 36:9 Ezr 8:21-23 Es 4:15,16 9:30,31).

Isang haring di Judio ay nag-ayuno rin nang isang gabi (Da 6:18); ang iba’y isang araw (1Sa 7:6 Ne 9:1-3 Le 23:27 1Sa 20:34); o tatlong araw (Mt 15:32 Mar 8:2,3 Gaw 9:9); o tatlong gabi at tatlong araw.

Page 24: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

24

(Ester 4:15,16).

Si David sa isang pagkakataon ay nag-ayuno nang pitong araw (2Sa 12:15-18,21-23). Ang pitong araw ay ibinatay, di noong nagsimulang magkasakit ang bata, kundi simula noong ipinanganak ito (Gill). Sinangayunan ito ni Matthew Henry, “namatay siya… noong bata ay pitong araw lang…” Malibang sinabi, ang pag-aayuno ay ginagawa sa araw, bago bumaba ang araw (Gill). Ipinaliliwanag nito kung bakit sinabi na “…ang buong bayan ay naparoon upang pakanin ng tinapay si David samantalang araw pa… (2Sa 3:35; 2Sa 1:12 Huk 20:26). Ang iba rin ay nag-ayuno sa loob ng 7 araw (1Sa 31:13 1Ch 10:12).

'Kung mag-aayuno ka ng pitong araw na tuloy-tuloy, kailangan mong ihinto ito ng dahan-dahan. Sinabi ni Hippocrates, isang dakilang manggagamot, na ang tiyan ng hindi kumain ng pitong araw ay hindi tatanggap ng maraming pagkain kaagad sapagkat ang bituka ay nagdidikit-dikit o nangungulubot. (Gill sa Ex 24:18).'

Ang iba ay nag-ayuno ng labing apat na araw. (Ac 27:33).

Nag-ayuno si Daniel ng 3 linggo (Da 9:3 10:2,3)

Si Nehemiah ay nag-ayuno (Ne 1:4) sa pagitan ng 3 hanggang 5 buwan, mula sa buwan ng Kislev (1:1) hanggang Nisan (2:1). Gayunpaman, maaari siyang tumitikim ng pagkain ng hari dahil siya ay tagadala ng saro at tagatikim ng pagkain nito. (1:11b).

Ang Panginoong Jesus at si Elias ay nag-ayuno ng apatnapung araw at gabi (Mateo 4:2 Lukas 4:2 1Hari 19:8).

Si Moses ay nag-ayuno nang 80 araw, araw at gabi. (De 9:9,18; Ex 34:28).’

'Binalak ko minsan na mag-ayuno ngunit ayaw kong sayangin yung pagkain namin!' kwento ni Tim.

'Kung gayon, dapat mo sanang tinuring iyon na tubig na gusto sanang inumin ni David ngunit ibinuhos niya para sa Panginoon (2Sa 23:16; 1Cr 11:18)!’

'ANO ANG GAGAWIN KO KAPAG AKO’Y NAGAYUNO?'

tanong ni Tim

'Maging praktikal kang tagapagpanumbalik,' sagot ni Pol,

'Ano ang ibig mong sabihin?'

'Bilang isang revivalist, sikapin mong sumunod sa 2Cronica 7:13-14,' paliwanag ni Pol.

1. Magpakumbaba ka. (Sant 4:2 1Pe 5:6 Mat 18:4 23:12 Aw 35:13; 69:10 Le 16:29-31 Gaw 27:9). Alalahanin mo na ang pagsunod sa panglabas na pag-aayuno, ang pagpapahirap sa sarili (Aw 35:13), ay hindi sapat (Is 58:5). Sa katunayan nga, di mo dapat ipaalam na ikaw ay nag-aayuno. Sa halip, buhusan mo ng langis ang iyong ulo at

Page 25: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

25

hugasan mo ang iyong mukha. (Mt 6:17). Subalit kung may magtanong sa iyo, o kaya'y may hinihimok kang mag-ayuno, puwede mong sabihin ang ginagawa mo nang may pag-ibig (Ef 4:15).

2. Ipanalangin (Lu 2:37) ang sarili at ang iba (Da 9:3). Umasa na sasagutin ang dalangin mo (Is 58:9) bilang iyong gantimpala (Mt 6:17-18). Kung patnubayan ka ng Diyos, umiyak ka sa harapan Niya (Es 4:3 Aw 69:10).

3. Hanapin ang Diyos upang magalak sa kanyang presensiya at malaman ang Kanyang mga kaparaanan (Is 58:2). Basahin ang Biblia (Je 36:6 Ne 9:1-3).

4. Talikuran mo ang masasamang lakad mo (Is 58:1-4,9-10). Ang paghahanap sa Panginoon (t.2) ay walang kabuluhan kung mayroon ka pang hindi naipapahayag na kasalanan tulad ng pagnanasa na makuha ang gustong-gusto mo para sa iyong sarili (t.3). Kasama dito ang pagnanasang magtagumpay sa pakikipaglabang legal, sa salita man o sa pisikal na pakikipaglaban (t.4a).

Halimbawa, si Haring Ahab ay nag-ayuno noong hindi niya nakuha ang ubasan ni Nabot. Ang asawa niya ay nagproklama ng pag-aayuno para gawing espiritwal ang kanilang bintang laban kay Nabot at siya’y mapatay (1Hari 21:1-16).

Ang mga Judio ay nag-ayuno rin dahil din sa maling motibo—upang mapatay nila si Pablo (Gaw 23:12,13).

Ang mga mapagpaimbabaw naman ay gustong sumikat, kaya sila ay nag-ayuno (Mt 6:16). Mukha silang makadiyos ngunit wala silang kapangyarihan (2Ti 3:5).

Kailangan mo ding maging praktikal. Sundin mo ang mga halimbawa ng mga maayos na nagsipag-ayuno.

1. Kung magtutubig ka, uminom ng maligamgam o malamig na tubig sa loob ng maghapon at magehersisyo ng katamtaman.

2. Hangga’t maaari alisin mo ang magpapaalaala sa iyo sa pagkain habang nag-aayuno ka.

3. Ang pag-aayuno na tubig lamang nang magtatagal ay kinakailangang gawin ng may kumpletong pagpapahinga at kinakailangan sa ilalim ng pagbabantay ng mga doktor dahil sa delikadong epekto ng sobrang pagtatangal ng lason sa katawan, pagbagsak ng mga importanteng tisyu ng katawan, at pagkawala ng tubig sa katawan. (Bright, Ibid., p.183)

4. “Kailangan mo nang ihinto ang pag-aayuno kung ikaw ay nakararanas na ng matinding sakit, pamamaga, hindi normal na pagtibok ng puso, matagal na pananakit ng ulo, matinding panghihina.” (Medical Training Instititute of Amerika)

Sinabi ni Precy ang pangamba niya, 'May narinig akong kwento ng isang nag-ayuno ng apatnapung araw at binigyan ng dextrose. Nabigla ang katawan niya at siya’y namatay.'

Idinagdag ni Tim, 'Mayroon naman nag-ayuno ng 40 araw at kumain ng inihaw na baboy sa ikalawang araw ng pagtigil niya ng pag-ayuno.

Page 26: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

26

Naospital tuloy siya sa loob ng dalawang linggo!'

Binalaan sila ni Pol, 'Kapag ihihinto mo na ang pag-aayuno, nakakatuksong kumain ng marami, sapagkat maging ang mapait na pagkain ay tumatamis (Kaw 27:7). Kaya dahan-dahan lang sa pagkain.'

Ang pagpipigil sa sarili ay kailangan mo ring gawin sa paghinto sa pag-aayuno tulad ng ginagawa mo habang ikaw ay nag-aayuno. Para sa nag-aayuno ng araw lang, puwede kang kumain ng regular mong kinakain sa gabi. Kapag hindi ka kakain at iinom ng dalawang araw, ang pinakamarami mong kakainin ay katumbas ng isang maliit na piraso ng cake na minasang igos at dalawang kumpol na ubas (1Sa 30:12). Kung tatlong araw naman, puwede mong simulan ang pagtigil ng pag-ayuno sa pag inom ng juice. Pagkatapos ng tatlong oras uminom ka ng sariwang juice. Pagkatapos ulit ng tatlong oras kumain ka ng konti. Sa susunod na pagkain mo, medyo kaunti kaysa sa dati mong kinakain. Sa susunod na naman, puwede ka nang kumain ng katulad ng dami ng dati mong kinakain. Dahan-dahan kang babalik sa dating dami ng iyong kinakain depende sa haba ng araw ng iyong pag-aayuno—mas dahan dahan sa mas mahabang pag-aayuno. Ang magandang panuntunan ay tumigil sa pagkain kapag alam mo nang hindi ka na gutom.

'Minsang nag-ayuno ako ng 3 araw. Tinigil ko iyon sa pagkain ng preskong prutas sa umaga at tanghali (ang pagkain ibinigay sa tao sa Ge 1:29) at sopas naman sa gabi.

'Ito naman ang inyong gagawin upang mas mabunga at mapakinabangan ng iba ang inyong pag-aayuno.

1. Ihinto mo ang pag-ayuno mo nang unti-unti. Sa loob ng limang araw, nagsopas ako sa unang araw, sopas na may pinakulong isda sa ikalawa at ikatlong araw. Nang nag-ayuno ako ng 21 araw, mga isang linggo rin ako sa ganitong pagkain. Magtiwala ka na bigyan ka rin ng katiyagaan sa pagputol ng pag-aayuno katulad nang nag-aayuno ka pa. Ang mungkahing bigat mo ay 10 libra (pounds) humigit kumulang sa (106 libra para sa lalaki o 100 libra sa babae) + 6 libra bawat inch na lampas sa 5 pulgada (feet). Kung ang bigat mo bago ka nag-ayuno ay lampas sa mungkahi, huwag ka nang bumalik sa dami ng dati mong pagkain! Luwalhatiin mo rin ang Diyos sa pagkain mo (1Co 10:31,32)!

2. Gamitin ang inyong natipid sa iyong pag-aayuno sa pagbibigay sa pangangailangan ng iba—pagkain,damit, masisilungan (Is 58.7,10). Ang magandang modelo dito ay si Juan Wesley. Tumanggap siya ng malaking halaga ng salapi pero ang lagi niya noong kinakain ay ang pinakamura at pangunahing pagkain. Ginawa niya iyon upang makapagbigay siya ng mas marami sa iba, lalo na sa mahihirap.

3. Sikaping makatulong sa kaluluwang nahihirapan (Is 58:10b).

4. Kung pangunahan ka ng Diyos, tumulong sa pag-unlad ng iyong bansa. (Is 58:12).

'Salamat Pol! Ang daming kong natutuhan,' sabi ni Precy.

'Oo nga Pol, natutuwa ako na ibinahagi mo sa amin ang mga bagay

Page 27: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

27

na ito!' dagdag ni Tim.

'Walang anuman! Pero kailan ninyo planong mag-ayuno?'

'Sisimulan ko ang aking pag-aayuno na may tubig sa araw lang muna. Dalawang beses lang isang linggo. Sisimulan ko sa isang linggo upang makatulong na rin ako sa pag abot natin sa Bagong Berea,' sabi ni Tim.

'Mag-aayuno naman ako na may tubig lang isang beses isang linggo sa araw din. Sisimulan ko na ngayong linggo upang makatulong din sa pag abot sa Bagong Berea,' sabi naman ni Precy.

'Maganda yan! Magkita kita na lang tayo bukas ng alas diyes ng umaga upang magpatotoo?' mungkahi ni Pol.

'Okey, sige kita na lang tayo,' sagot ni Tim.

'Kaya lang hindi ako makakasama bukas, may trabaho ako eh,' tugon ni Precy.

'Okey lang! Kita na lang tayo dito bukas Tim, alas dies,' inulit ni Pol.

Gusto mo bang mag-ayuno? … Kung gayon, kailangan mong tiyakin kung anong klase ng pagaayuno ang iyong gagawin sa tiyak na oras at dahilan. Punuan ang patlang: hindi ako kakain ng ________________ ______________________________ sa (oras) _________________ (araw) _________________________ upang ___________________ _______________________________________________________

Page 28: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

28

Kabanata 3

Pagliligtas sa Anak ng Kapayapaan

Isang Pagsasalarawan Kung Paano Magbahagi ng Mabuting Balita

‘Ama,’ dalangin ni Pol, ‘ikaw po ay naghahari sa lugar na ito (Is 52:7). Habang idinedeklara namin ang iyong kabutihan (Ro 2:4), ilagay mo po ang Espiritu mo sa kanila (Eze 37:14). Bigyan po ninyo sila ng pagsisisi (Gaw 5:31) at pagtalikod sa kasalanan (3:26; 8:22-23) at paglapit sa Iyo (26:20; 20:21; 3:19). Bigyan mo po sila ng biyaya upang maunawaan, malaman at panampalatayanan nila (Ro 3:11; Isa 43:10; Aw 9:10; Gaw 18:27) nang buong puso na is Jesus na muling nabuhay sa mga batay (Ro 10:9) ay ang Anak ng Diyos (Gaw 8:37). Hayaan mo pong pumayag silang (Aw 110:3) ipahayag si Jesus na Panginoon (Ro 10:9) upang tumanggap sila ng buhay (11:18) na walang hanggan (Ac 13:48) at kapatawaran (Gaw 3:19; 8:22; 10:43). Jesus, gamitin mo po ang iyong susi upang sarhan ang mga pintuan ng Impyerno upang di makakapasok doon ang mga makausap namin (Pah 1:18). Pusposin po ninyo kami ngayon ng Espiritu upang magkaroon kami ng katapangang magsalita (Gaw 2:29). Hayaan mo pong makita namin ang karagdagang manggagawa na makakasama namin sa pagtugon ng pangangailangan at sa pangangaral ng mabuting balita (Lu 10:1-9, 17-24)

‘Punta tayo sa bahay na ito,’ aya ni Pol. ‘Okey!’ tugon ni Tim.

‘Magandang umaga po sir!’ ang masayang pagbati ni Pol. Subalit pinagbagsakan lang sila ng pinto.

‘Sigurado ako hindi siya anak ng kapayapaan, di ba?’ wika ni Tim.

‘Tama ka!’ tugon ni Pol nang may ngiti. ‘Di tayo kakalabanin ni dedebatihin ng anak ng kapayapaan (Ps 120:7). ... Tara, sa susunod na bahay tayo.’

‘Magandang umaga po, sir!’ ang bati ni Tim sa isang lalaking seryoso ang mukha.

‘Ano po iyon?’ ang tugon niyang bakas sa mukha ang kapayapaan sa puso na tinanggap niya!

‘Ipinapanalangin namin ang mga tao sa lugar na ito. Puwede po ba namin kayong ipanalangin?’ Tanong ni Pol, ‘Oo ba! Pasok kayo!’

‘Ako si Pol; siya si Tim.’ ‘Ako naman si Nel.

‘Ano ang nais mong ipanalangin namin sa iyo?’ ‘Na-diagnose ako na may pneumonia, kayat may iniinom akong gamot.’

Page 29: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

29

‘Sige, ipanananalangin ka na namin ngayon.... Panginoong Jesus, salamat po na sa krus ay Iyo nang dinala maging ang pneumonia. Kaya hinihingi ko po na Iyong tuparin ang pangako mo na ano mang hingin ko na ikapupuri ng Ama, ikaw mismo ang gagawa (Juan 14:12-13).’

Hinawakan ni Pol ang likod ni Nel at nag-utos, ‘Sa ngalan ni Jesus, pneumonia, umalis ka sa katawang ito ngayon!’…

‘Naramdaman mo bang kasama namin ang Diyos nang kami’y nanalangin?’ tanong ni Pol.

‘Naramdaman kong mainit ang iyong kamay!’ may pagkamanghang tugon ni Nel.

‘Hindi uminit ang kamay ko,’ paliwanag ni Pol, ‘kamay ng Panginoong Jesus ang iyong naramdaman! Sinabi Niya sa amin, “Anuman ang hingin ninyo sa ngalan Ko, gagawin Ko upang maparangalan ang Ama sa Anak.” (Juan 14:12-13). Dahil ang Diyos ang mapaparangalan, pinagaling ka ni Jesus! Ang Diyos ang kasama natin ngayon! NAIS MO BANG LAGING MAKASAMA ANG DIYOS NA NAGHAHARI?’

‘Siyempre!’ Kaya ipinaliwanag ni Pol ang isang pirasong babasahin na makikita sa susunod na 2 pahina.

‘Kung gayon, aminin mong nilabag mo ang mga utos Niya: “Huwag kang pumatay.” “Mamamatay-tao ang napopoot sa kanyang kapatid. Ang sinomang magsabi sa kanyang kapatid, ‘Tanga/ Bobo/ Mahinang utak!’ o ‘Ulol!’ ay mapapasapanganib sa impiyerno…”

‘Ang sabi ko sarili ko, hindi ko gagawin magmumura. Pero pag sinumbong na ako ng kapatid ko sa nanay ko, nagagalit ako sa kapatid ko at minumura ko siya para makaganti!

'Ikaw ba’y natulog nang galit? ...’ ‘Oo.’ ang sagot ni Nel na may ngiti.

‘Ayaw magpatawad? ...’ Tumango si Nel.

‘Nagmura?’ ‘Oo, tao lang tayo.’

‘Iniutos din ng Diyos, Huwag kang magsisinungaling. Sinabi o pinasabi mo bang, “Wala!” samantalang mayroon naman?’ ‘Minsan.’

'Sa paglabag mo sa isa mga utos na ito, DELIKADO KA NANG MAPUNTA SA IMPIYERNO!' Pakibasa nga ito.' '“…sa mga mamamatay-tao … at sa lahat ng mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas na apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.”…'

'Gayunpaman,' pinagpatuloy ni Pol, '“… SI CRISTO'Y NAMATAY … dahil sa kasalanan ng lahat---ang walang kasalanan PARA SA MGA MAKASALANAN---upang iharap kayo sa Diyos. …”. BINUHAY DIN SIYANG MULI NG DIYOS at Siya’y “nagpakita sa mahigit na limang daang” katao.'

'Dahil muli siyang nabuhay katulad ng pinangako Niyang mangyayari, totoo ang mga sinabi Niya sa Kanyang sarili: SIYA ANG MESIAS. Sa pasimula pa’y kasama na Niya ang iisang Diyos at Ama. Bilang Salita ng Diyos, Siya’y nanggaling sa Ama ngunit hindi nilikha. Sa pamamagitan Niya, nilikha ng Ama ang lahat ng bagay. Dahil dito, tinawag din Siya ng Ama na DIYOS. Siya ay NAGKATAWANG-TAO.

'Upang makapunta ka sa Ama, kailangan mong makasama si Jesus. Wika niya, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay; sino man ay di

Page 30: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

30

makapupunta sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.”

'Upang makapunta ka sa Ama, kailangan mong makasama si Jesus. Wika niya... pakibasa nga ito,' hiling ni Pol. '“Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay; sino man ay di makapupunta sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.”'

'Kaya nga,' pinagpatuloy ni Pol, 'DAPAT MONG TANGGAPIN SI JESUS na iyong Diyos, Panginoon at Tagapagligtas sa kasalanan at impiyerno. Pangako niya, “…TUMAYO NA AKO SA PINTUAN AT KUMAKATOK; KUNG ANG SINOMAN AY DUMINIG NG AKING TINIG AT MAGBUKAS NG PINTO, AKO’Y PAPASOK SA KANYA AT MAGHAHAPUNANG KASAMA NIYA….”

Page 31: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

31

NAIS MO BANG LAGING MAKASAMA ANG DIYOS NA NAGHAHARI?

Kung gayon, aminin mong nilabag mo ang mga utos Niya: • “Huwag kang pumatay.” “Mamamatay-

tao ang napopoot sa kanyang kapatid. Ang sinomang magsabi sa kanyang kapatid, ‘Tanga/ Bobo/ Mahinang utak!’ o ‘Ulol!’ ay mapapasapanganib sa impiyerno…”1 Ikaw ba’y natulog nang galit? … ayaw magpatawad? ... nagmura? ...

• “Huwag kang … magsinungaling” …2 Sinabi o pinasabi mo bang ‘Wala!’ samantalang mayroon naman? … Sa paglabag mo sa isa mga utos na ito, DELIKADO

KA NANG MAPUNTA SA IMPIYERNO! “…sa mga mamamatay-tao … at sa lahat ng mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas na apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.” 3 …

Gayunpaman, “… SI CRISTO'Y NAMATAY … dahil sa kasalanan ng lahat---ang walang kasalanan PARA SA MGA MAKASALANAN---upang iharap kayo sa Diyos. …” 4. BINUHAY DIN SIYANG MULI NG DIYOS 5 at Siya’y “nagpakita sa mahigit na limang daang” katao 6.

Dahil muli siyang nabuhay katulad ng pinangako Niyang mangyayari, totoo ang mga sinabi Niya sa Kanyang sarili: SIYA ANG MESIAS. Sa pasimula pa’y kasama na Niya ang iisang Diyos 7 at Ama 8. Bilang Salita ng Diyos, Siya’y nanggaling sa Ama ngunit hindi nilikha. Sa pamamagitan Niya, nilikha ng Ama ang lahat ng bagay. Dahil dito, tinawag din Siya ng Ama na DIYOS. Siya ay NAGKATAWANG-TAO. 9

Page 32: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

32

Upang makapunta ka sa Ama, kailangan mong makasama si Jesus. Wika niya, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay; sino man ay di makapupunta sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.” 10

Kaya nga, DAPAT MONG TANGGAPIN SI JESUS na iyong Diyos, Panginoon at Tagapagligtas sa kasalanan at impiyerno. Pangako niya, “…TUMAYO NA AKO SA PINTUAN AT KUMAKATOK; KUNG ANG SINOMAN AY DUMINIG NG AKING TINIG AT MAGBUKAS NG PINTO, AKO’Y PAPASOK SA KANYA AT MAGHAHAPUNANG KASAMA NIYA….” 11 Ganito ang idinalangin ng ilang tumanggap sa kanya:“Panginoong Jesus, inaamin ko po na ako’y

nagkasala at delikadong mapunta sa impiyerno. Binubuksan ko na po ang pinto ng aking buhay at tinatanggap kita bilang aking Diyos at Tagapagligtas na muling nabuhay.” Ang mungkahing dasal bang ito ang nais ng iyong

puso?… Kung gayon, idalangin mo ito NGAYON…

Binuksan mo na ba ang pinto kay Jesus?…. Batay sa pangako Niya sa itaas, PUMASOK na

ba siya?.… Pangako Niya rin sa iyo: “HINDING-HINDI KITA IIWAN NI PABABAYAAN” 12. Iiwan ka ba ni Jesus?…. Kung gayon, sa kamatayan mo, saan mo siya makakasama 13?…. May Biblia ba sa bahay ninyo? .… Kung mayroon, magsimulang magbasa ng Juan (John) 14 . Makinig sa DZAS 702 khz. Sumama sa pag-aaral ng Biblia 15 sa araw ng: ____________, oras: ________ at lugar: 16

1 1Juan 3:15; Mateo 5:21-22 2 Levitico 19:11; Marcos 10:19 3 Pahayag 21:8 4 1Pedro 3:18 5 Roma 10:9 6 1Corinto 15:3-6 7 Roma 1:4 8 Efeso 4:6 9 Juan 1:1-18 10 Juan 14:6 11 Pahayag 3:20 12 Hebreo 13:5 13 2Corinto 5:1-10 14 Juan 20:31; 1Pedro 2:2 15 Hebreo 10:23-27. 16 Kontakin ang +639178481928, [email protected] www.equippers.spaces.live.com o si

Page 33: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

33

'Ganito ang idinalangin ng ilang tumanggap sa kanya: ““O Jesus na muling nabuhay, binubuksan ko na po ang pinto ng buhay ko at tinatanggap kita bilang aking Mesias—Tagapagligtas sa kasalanan at kapahamakan. Susundin kita bilang Panginoon at tatalikdan ko na ang kasalanan.”

‘Ang mungkahing dasal bang ito ang nais ng iyong puso?...’ ‘Oo.’

‘Kung gayon, idalangin mo ito NGAYON… Uulitin ko ang dalanging ito ng putol-putol. Sumunod ka. Okey?’

Tumango si Nel at sumunod sa panalangin....

‘Batay sa pangako ni Jesus, pumasok ba siya?’ ‘Sana!’

‘Puwedeng pakibasa mo uli ang talatang ito?’ Itinuro ni Pol ang Pahayag 3:20 sa papel. Binasa naman iyon ni Nel, “…Tumayo na ako sa pintuan at kumakatok; kung ang sinoman duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kanya at maghahapunang kasama niya….”

‘Dahil binuksan mo ang pinto ng iyong buhay kay Cristo, sa palagay mo, pumasok na ba Siya?’ ‘Siyempre.’

‘Pangako Niya rin sa iyo, pakibasa, 'Hinding-hindi kita iiwan....' 'Kung gayon, lagi mo na ba siyang makakasama' 'Oo!'

'Dahil makakasama mo Siya maging sa hapunan, ano ang ginawa na Niya sa mga kasalanan mo?' 'Tinanggal na Niya!' 'Oo, PINATAWAD Niya ang mga kasalanan mo'!

Pinagpatuloy ni Pol, ‘Nel! May Biblia ka ba sa bahay ninyo?’ ‘Wala eh!’

‘Gayun ba? Eto ang isang librito patungkol sa mabuting balita ayon kay Juan … Basahin mo ito araw-araw. Makinig ka sa DZAS, 702 khz AM radio. Sumama sa pag-aaral ng Biblia bukas, ganito ring oras dito sa inyo. Okey ba sa’yo?’ ‘O sige.!’

Isinulat ni Pol ang (araw) Linggo, (oras) 7:30 pm. at (lugar) bahay ko.

‘Puwede rin bang imbitahan mo na rin ang iyong pamilya at mga kaibigan?’ ‘Sige, iimbitahan ko sila.’

‘Kita na lang tayo dito bukas ng alas siete y media!’

--oOo--

Mga Sagot sa Katanungan tungkol sa PagpapatotooPagkaalis nila sa bahay nila Nel, nakiusap si Tim, ‘Pol, puwede ba

tayong umorder sandali ng maiinom sa tindahang ito? Mayroon kasi akong ilang itatanong sa iyo!’

‘Oo ba!’ ang masayang tugon ni Pol. Pumasok sila sa isang maliit na restawran at umorder si Tim ng maiinom.

‘Buti nama’t nakita natin si Nel!’

‘Nakita natin siya dahil siya ang inihanda ng Diyos na tumanggap ng

Page 34: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

34

kapayapaan natin (Lu 10:6).’

‘Mukhang may kapangyarihan ang “Magandang umaga!” natin ah!’

‘Natural! Mga anak tayo ng Diyos (Jn 1:12)! Gagawin ni Jesus ang hinihiling natin na makakapagbigay ng kaluwalhatian sa Diyos (Jn 14:12-13), maging ang paglipat ng bundok (Mt 17:20)! Pagka pinagpala natin ang mga tao sa pagbati sa kanila ng “Magandang umaga/tanghali/hapon/gabi!” puwede talaga nating pagandahin ang araw nila dahil nasa atin ang Mabuting Balita! Sa katunayan nga, ang ilan ay naging epektibong nagpapatotoo sa kapitbahay nila sa pagbati nang lahat nang may ngiti.’

‘Ang bilis mo namang manalangin para sa kagalingan ni Nel! Hindi ba’t dapat na hayaan mo muna siyang maghain ng pagkain sa atin ayon sa Lucas 10:7-8?’

‘Ha-ha-ha! Sa ilang pagkakataon, ang mga anak ng kapayapaan ay naghahain muna ng pagkain bago ko sila naipanalangin. Isa sa pinakamagandang paraan upang lumalim ang pagkakaibigan ay ang pagkaing magkasama. Sa katunayan nga, ginamit ito ni Jesus na larawan sa pakikisama Niya sa buhay ng isang tao na kung saan Siya pumasok (Rev 3:20). Kaya’t ginagamit ko ang pagkain upang makipagkaibigan at ipinapagamit ko rin iyon sa iba.’

‘Kailangan bang may ipadinig sa pinatotohanan ang panalangin para sa pangangailangan niya bago ako magbahagi ng mabuting balita?’

‘Hindi naman! May napatanggap ako sa Panginoon na hindi ko ipinarinig sa kanya ang panalangin para sa kanyang pangangailangan. Gayunpaman, isang pagkakataon ko iyon na magpagaling sa may sakit at masunod ko ang isa sa mga inutos ni Jesus sa mga naunang alagad (Lu 10:6; Mt 10:8) at sa atin din (Mt 28:20).'

‘Sa pananalangin para sa iba, inaasahan kong magpatotoo ang Panginoon sa salita ng Kanyang biyaya sa pamamagitan ng mga himala (Ac 14:3; Mar 16:20). Sa ganoo’y habang ipinapangaral ko na lumapit na ang Kaharian ng Diyos (Lu 10:9), makikita nila na isa ako sa mga nananampalataya, sapagkat “…lalakip ang mga tandang ito sa magsisisampalataya…ipapatong nila ang kanilang mga kamay sa mga may-sakit, at sila'y magsisigaling.” (Mr 16:15-18)’

‘Di ba’t kayabangan na gusto nating makita ng iba na tayo ang tunay na mananampalataya?’

‘Di gagawin ni Jesus ang anoman para sa atin kung di iyon makakapagbigay kaluwalhatian sa Diyos (Jn 14:12-13).’

‘Paano kung hindi naramdaman ni Nel ang kapangyarihan ng Diyos nang nanalangin ka?’

‘Ang ilan idinalangin ko ay walang naramdaman. Pero nagpatuloy lang ako. Ang matuwid ay mabubuhay sa pananampalataya, di sa paningin (2Co 5:7). Ang pananalangin para sa iba ay nagpapahayag ng

Page 35: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

35

pag-ibig. Kaya’t nakapagpatanggap ako ng taong tumanggap kay Cristo kahit di nila naranasan ang kagalingan kaagad nang nanalangin ako!

‘Gayunpaman, tandaan mo na di lang ang kagalingan ang ginagamit ng Diyos upang maging bukas ang mga tao sa Mabuting Balita. Sa pagbibigay ng pagkain, damit at matitirhan sa mga nangangailangan (Isa 58:6-12), napatanggap ng ilang mga Cristian ang marami kay Cristo! Gayun din ang ginawa ng mga apostol (Gal 2:9).

‘Bakit ang iksi lang ng pagkapaliwanag mo ng Mabuting Balita? Pitong minuto lang iyon ah!’

‘Gusto kong hikayatin ang sinumang makakarinig sa akin na maging Kristiano kahit sa maiksing panahon lang (Gawa 26:28-29). Kung di iyon puwede, sisikapin kong ipaliwanag ang mabuting balita sa pinakamainam na paraan na alam ko, hangga’t gusto pa nilang makinig. Sa isang Budista, nagawa ko iyon ng 45 minuto. Sa isang Muslim, 45 minuto rin. Pero sa isang Hindu, inabot ko ng 4 na oras. Sa mga dumadalo sa pag-aaral ng Biblia na pinangungunahan ko, binibigyan ko ang ilan na umunawa sa ebanghelyo kahit abutin ng 7 linggo.’

‘Ibinigay ang Kautusan pagkatapos mapalaya ang Israel sa Ehipto. Bakit mo ginagamit iyon para sa mga di pa ligtas?’

‘Ang ‘Mabuting Balita ... ay ... ikaliligtas ....” (Ro 1:16). Ayon dito, wastong aral at kaparaanan na gamitin ang Kautusan para sa pinaggawan nito—sa mga makasalanan. “8 Alam naman nating ang kautusan ay mabuti kung ginagamit sa wastong paraan. 9 Alalahanin nating hindi ginawa ang kautusan para sa mabubuting tao kundi para sa mga ayaw kumilala sa batas, mga salarin, mga ayaw kumilala sa Diyos, mga makasalanan, mga lapastangan, mga walang hilig sa kabanalan, mga pumapatay sa ama't ina, at mga mamamatay-tao. 10

Ang kautusan ay ginawa rin dahil sa mahihilig sa kahalayan, mga nakikiapid sa kapwa lalaki, mga kidnaper, mga sinungaling, mga bulaang saksi at sa sinumang sumasalungat sa wastong aral, 11 aral na naaayon sa Mabuting Balita. Ito'y galing sa dakila at mapagpalang Diyos at ipinagkatiwala sa akin upang ipahayag.’ (1Ti 1:8-11)

‘Oo nga!’ ang tugon ni Tim, ‘Sa mga talatang iyan, bahagi ng Ebanghelyo ang paggamit ng Kautusan!’ Napangiti si Pol.

‘Bakit mas binibigyan mo ng diin ang kautusan at impyerno kaysa sa pag-ibig ng Diyos? Di ba mas maraming lumalapit sa Diyos sa pamamagitan ng pag-ibig Niya kaysa pagkatakot sa Kanya?’

‘Ang sinabi mong iyan ay wala sa Biblia. Ang pinakamalapit diyan ay “…ang kabutihan ng Dios ay siyang umaakay sa iyo sa pagsisisi” (Romans 2:4). Gayunpaman, masnakikita natin ang kabutihan ng Diyos kapag lalo nating nakikita ang ating pagiging makasalanan—o pagsaway sa kautusan. Halimbawa, sinaway ni Pablo ang mga taga-Corinto dahil sa kanilang kasalanan katulad ng paninibugho, palaaway (1Co 3:1-4), kayabangan (4:7,18; 8:2), pagpapahintulot na magsiping ang mga magkaka-mag-anak (5:1-5), pagsasakdal sa hukuman ng isa’t isa (6:1-8), pagtitisuran (8:7-13), pag-abuso sa hapunan ng Panginoon

Page 36: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

36

(11:20,29,30), pakikisama sa masasama (15:33). Sa 2 Corinto 7:8-10, Sinabi Niya, “bagaman ako'y nakapagpalumbay sa inyo sa aking sulat.…Sapagka't ang kalumbayang mula sa Dios, ay gumagawa ng pagsisisi sa ikaliligtas…”

‘Dahil dito, para madala ang tao sa kaligtasan, sinisikap kong gamitin ako ng Diyos upang magdulot ng kalumbayan sa kanila dulot ng kaalamang sila’y makasalanan. Gusto kong malaman nila ito sa pamamagitan sa paggamit ng kautusan upang ipakita na di sila madedeklarang matuwid sa pamamagitan nito. “Sapagka't sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay walang laman na aariing-ganap sa paningin niya; sapagka't sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng kasalanan (Roma 3:20 BK).” Pag nakita na nila ang kanilang pagiging makasalanan, binabalaan ko sila sa resulta noon—parusa sa naglalagablab na apoy (2Te 1:8; 1Pe 4:17) upang matakot sila sa Diyos, maging matalino (Kaw 9:10), makita nila ang pangangailangan nila ng Tagapagligtas at mailapit ko sila nang ganap kay Cristo (Col 1:28-29). Masasabi na nila na kasama tayo, “Ano pa't ang kautusan ay siyang naging tagapagturo natin upang ihatid tayo kay Cristo, upang tayo'y ariing-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya” (Galacia 3:24 BK).

‘Napansin ko na dalawa lamang ang ginamit mong kautusan sa ibinigay mong ‘gospel tract’, Bakit dalawa?’

‘Ang totoo, kahit isa lang ay sapat na para sa ilang tao na tumanggap kay Cristo, “ang sinumang tumutupad sa buong kautusan ngunit sumuway sa isa ay sumuway sa lahat” (San 2:10). Halimbawa, nasaway ang babaing Samaritana sa pagkakasalang pakikisama sa hindi niya asawa (Jn 4:18) kaya’t tinanggap niya si Jesus bilang kaniyang Mesias at marami siyang naakay na lumapit kay Jesus (t.28-30,42). Ang mayamang lalaki ay nahatulang nagkasala sa di niya pagbabahagi ng kanyang ari-arian sa mga mahihirap (Mat 19:16-22). Noong si Pedro ay nangaral sa Pentecostes, ipinahayag niya sa nakikinig ang mabigat na kasalanan nila--ang pagpako kay Jesus (Ac 2:36; Jn 16:8-9).

'Gayunpaman, maaaring patnubayan ka ng Diyos na gumamit ng dalawang utos. Halimbawa nito ang pagsaway ni Jesus kay Nicodemo: Di naunawaan ni Nicodemo ang pangangailangang ipanganak muli bagama't siya'y guro (Jn 3:10) ng Kautusan na nagtuturo ng muling kapanganakan (De 32:18). Di rin niya tinanggap sa patotoo ni Jesus (Jn 3:11-12).

‘Subalit, kung may sapat na oras, nais kong tulungan ang binabahaginan ko ng Mabuting Balita na makita nila ang pinakamarami nilang kasalanan hangga’t maaari. Sa gayun, mas makikita nila ang kadakilaan ng biyaya ng Diyos. “Pumasok ang kautusan, upang ang pagsuway ay makapanagana; datapuwa't kung saan nanagana ang kasalanan, ay nanaganang lubha ang biyaya” (Ro 5:20). Pag nakita nila ang kabutihan at pag-ibig ng Diyos sa pagpapatawad sa kanila, magsisisi sila (Ro 2:4)—lalo nilang iibigin ang Diyos. Patungkol sa babaeng nagbuhos ng pabango sa paa ni Jesus, sinabi Niya, “Kaya nga

Page 37: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

37

sinasabi ko sa inyo, Ipinatatawad ang kaniyang maraming kasalanan; sapagka't siya ay umibig ng malaki: datapuwa't sa pinatatawad ng kaunti, ay kakaunti ang pagibig” (Lu 7:47).

‘Sa muli nating pagbisita kay Nel, ipapakita ko sa iyo kung paano gamitin ang kautusan ng Diyos upang matulungan siyang lalong umibig sa Diyos. Natutunan ko ito noong basahin ko ang librong ‘Tungo Sa Pagbabago’.

‘Dahil sa limitadong oras ng mga tao sa siyudad, inisip ko kung ilang kautusan ang dapat gamitin. Naalaala ko ang 2Corinto 13:1 “Sa bibig ng dalawang saksi o ng tatlo ay papagtibayin ang bawa't salita.” Kaya dalawa o tatlo ang naisip kong gamitin. Ang tatlong karaniwang kasalanan na ginagawa ng mga tao sa kanilang puso o pananalita ay pagpatay, pangangalunya, at pagsisinungaling (Mateo 5:21-22,27-37). Subalit sa kagustuhan ko na makatipid ng pera at oras sa gospel tract na ipinamimigay ko, inilagay ko lang ay ang pagpatay at pagsisinungaling. Karamihan ng tao ay umaamin na sila’y nagsinungaling, napoot o nagmura.

Kung di aamin na nagkasala ang kausap ko sa pagsuway sa mga utos na ito, minsan binabanggit ko ito, “ang sinumang tumingin sa babae ng may masamang hangad ay nangangalunya na sa kaniyang puso” (Mateo 5:28). Pagkatapos, tinatanong ko ang mga lalaki, “Minsan ba tumingin ka sa babae na di mo asawa nang may malaswang hangad?” Ang tanong ko naman sa mga babae, “Dahil sa iyong pagkilos at pananamit, naging dahilan ka ba na tumingin sa iyo ang mga lalaki nang may malaswang hangad”?

‘Kaya sa paglalahad ng mabuting balita, gumagamit ako ng dalawang saksi—dalawang kautusan na karaniwang nalalabag ng marami. Sa gayun ding paraan, sinaway ni Jesus si Nicodemus dahil sa dalawang kasalanang nagawa nito—ang hindi pagkaunawa sa kahalagahan ng kapanganakang muli (Jn 3:10) at hindi pagtanggap sa mga saksi ni Jesus. (t.11-12)

‘Sa unang pagsubaybay natin kay Nel, gagamitin ko ang iba pa sa Sampung Utos.’

‘Anong salin ang ginamit mo sa pangalawang talata?’

‘Ang totoo, gumawa ako ng salin mula sa aking pag-aaral. Sa Mateo 5:22 sinasabi, “…ang sinomang magsabi sa kaniyang kapatid, Raca … Ulol ka, ay mapapasa panganib sa impierno ng apoy.’ Ang ‘Raca’ ay isang salita sa Syria na nagpapahayag panlalait sa isang tao (BB nota). Ito ay mula sa pandiwa na ang ibig sabihin ay walang laman, walang kabuluhan; kaya bilang panlalait, nangangahulugan itong “walang katuturan, tanga, walang laman ang utak” (nota sa Barnes New Testament at salin sa English Majority Text Version at sa Message.

‘Sa gospel tract na ginamit mo, tinutukoy ang kamatayan, muling pagkabuhay at pagkaDiyos ni Cristo. Ngunit sa iba naman, hindi lahat ng iyon ay tinutukoy. Kailangan bang talaga ang bawa't isa doon?'

Page 38: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

38

‘Sa pangalawa, pangatlo, pang-apat at pang-anim na pagsubaybay natin kina Nel, mas maiintindihan mo bakit kailangang bahagi ito ng pangangaral ng mabuting balita at kailangang ilagay sa gospel tract.’

‘Iba ang pagkaguhit mo sa tulay. Bakit hindi si Jesus ang tulay patungo sa Diyos?’

‘Sinabi ni Jesus, “Ako ang daan…walang makakarating sa Ama kundi sa pamamagitan Ko” (Jn 14:6). Hindi siya ang tulay kundi ang daan. Upang makapunta sa Diyos, kailangan mong sundan si Jesus. Ang mga binigyan ni Jesus ng walang hanggan buhay ay sumusunod sa kanya (10:27-28). Subalit ang kaligtasan natin ay hindi nakasalalay sa kakayanan nating sumunod sa kanya kundi sa kanyang katapatan at kapangyarihan na magpanatili sa atin sa tamang daan tungo sa Diyos. Bilang isa sa Kanyang mga tupa, kung maligaw ka, hahanapin ka Niya hanggang sa makita ka Niya (Lu 15:3-10).

‘Ginamit mo ang Pahayag 3:20 upang hikayatin si Nel na manalangin ng pagtanggap kay Cristo. Hindi ba iyan ang talatang ibinigay sa isang iglesya?’

‘Ang sulat sa Pahayag 2 at 3 ay ipinadala sa pitong Iglesya (Pahayag 1:11) pero pag titingnan mong maigi makikita mo na isinulat ito sa mga ‘anghel’ o sa mga ‘mensahero’ ng mga iglesia doon. (Pahayag 2:1,8,12,15 3:1,7,14). Ang paglalarawan sa mensahero ng Laodicea ay hindi nagpapakita na kaya niyang pangunahan ang kanyang kawan na maligtas kay Jesus, sapagkat sinabi sa kanya ni Jesus, “Sapagka't sinasabi mo, Ako'y mayaman, at nagkamit ng kayamanan, at hindi ako nangangailangan ng anoman; at hindi mo nalalamang ikaw ang aba at maralita at dukha at bulag at hubad: Ipinapayo ko sa iyo na ikaw ay bumili sa akin ng gintong dinalisay ng apoy, upang ikaw ay yumaman: at ng mapuputing damit, upang iyong maisuot, at upang huwag mahayag ang iyong kahiyahiyang kahubaran; at ng pangpahid sa mata, na ipahid sa iyong mga mata, upang ikaw ay makakita” (3:17-18). Dahil dito, sinabi ni Jesus sa kanya, “Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko” (3:20). Pag sinuman sa kanyang kawan, o siya mismo ang makarinig sa tinig ni Jesus at magbukas ng pinto, papasok si Jesus! ‘

‘Pinangunahan mo si Nel sa panalangin ng pagtanggap kay Cristo. Puwede ba siyang maligtas kung hindi siya mananalangin ng panalanging iyon?’

‘Mabuting gawa ang panalangin kaya hindi nito maliligtas ang sinuman (Efeso 2:8-9). Wala tayong makikitang tao sa Biblia na sinabihang tanggapin si JesuCristo sa pamamagitan ng panalangin. Gayunpaman, ang panalangin na naririnig ay isang paraan kung saan makakapagpahayag ang isang tao ng kaniyang pananampalataya kay Cristo. Kung hindi niya maipapahayag ang kaniyang pananampalataya sa pamamagitan ng mga gawa, ito ay patay (Santiago 2:26). Isang magandang paraan upang maipahayag ang pananampalataya ay ang pagpahayag ng kanyang mga labi na si Jesus ay Panginoon. Sinabi ni

Page 39: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

39

Pablo, “9 Kung ipahahayag ng iyong mga labi na si Jesus ay Panginoon at mananalig ka nang buong puso na siya'y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka. 10 Sapagkat nananalig ang tao sa pamamagitan ng kanyang puso at sa gayo'y napawawalang-sala; at nagpapahayag sa pamamagitan ng kanyang labi at sa gayo'y naliligtas.” (Roma 10:9-10).

'Kaya nagsisimula ako sa isang tao na manalangin ng nadirinig ang kanyang pagtanggap kay Cristo. Sa gayon, nalalaman ko kung may pananampalataya siya para maligtas. Kung gusto niyang manalangin nang tahimik, tinatanong ko siya pagkatapos kung nanalangin siya sa pagtanggap niya kay Cristo. Kung tumango siya, tinuturing ko iyong pagpapahayag ng pananampalataya niya.

‘Upang maligtas ang isang tao, kailangan niyang magsisi (Mr 1:4,15 Lu 24:46-47 Gaw 2:38 20:20-21) o magbago ng isip, lumayo sa mga patay na gawa (Hebreo 6:1) at magbalik loob sa Diyos (Ac 20:21).

‘Bakit hindi mo nabanggit ang pagsisisi sa pangangaral ng mabuting balita?’

‘Ang isang tao ay nakapagsisi o nagkaroon ng pagbabago ng isip na nagdudulot ng kaligtasan kung mapagtatanto niya ang ilang mga katotohanan:

1. Nang siya’y sumuway sa mga utos ng Diyos (1Jo 3:4), siya’y nagkasala laban sa Kanya (Ro 1:1-3:31) na lumikha sa kanya at nagbigay sa kanya ng buhay (Gawa 17:22-29)

2. Bilang resulta ng kanyang mga kasalanan, siya ay espiritwal na patay na (Efeso 2:1)—hiwalay sa Diyos (Isaias 59:2)—at delikadong makaranas ng kamatayan (Roma 6:23), ng ikalawang kamatayan sa lawa ng apoy at asupre na kung saan siya’y parurusahan nang walang hanggan (Pahayag 21:8). Ang kanyang mabuting gawa na patay rin naman (Hebreo 6:1; 9:14), tulad ng telang may regla (Is 64:6), ay di kayang magligtas sa kanya (Ef 2:9; Ti 3:5).

3. Dahil sa hindi kayang iligtas ng tao ang kaniyang sarili, kailangang magdusa ni Jesus. (Gaw 17:3). Kailangan Niyang mamatay para sa kanyang mga kasalanan ayon sa mga propesiya sa Lumang Tipan (Isaias 52:13-53:12). Ang mahalagang tanda upang mapatunayang Siya’y dumating na ay ang Kanyang pagkabuhay mula sa mga patay. Kaya nga, kailangan din Niyang mabuhay na muli upang tuparin ang kasulatan (Awit 16:10).

4. Iisa lang ang taong gumawa ng mga inaasahang ito tungkol sa Mesias—si JesuCristo lamang (Gaw 17:3).

5. Namatay Siya para sa ating mga kasalanan, sa ating mga pagsuway. (1Corinto 15:3; Roma 5:8 4:25). Binatâ Niya ang ating mga kasalanan sa krus upang mamatay tayo sa kasalanan at mabuhay sa katuwiran (1Pedro 2:24). Inialay Niya ang Kanyang sarili, ibinubo ang Kanyang dugo upang linisin ang ating budhi mula sa mga patay na gawa at tayo’y maglingkod sa Diyos. (Hebreo 9:14,22; Gawa 14:15;

Page 40: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

40

1Tesalonica 1:9).

6. Binuhay Siyang muli ng Diyos mula sa mga patay (Ro 4:24) sa ikatlong araw at Siya’y nagpakita sa iba’t ibang tao at grupo ng mga tao (1Co 15:4-8). Kung hindi Siya muling nabuhay, walang halaga at delikadong manampalataya sa Kanya sapagkat kung gayo’y mananatili tayo sa ating mga kasalanan (t.13-19). Subalit nabuhay Siya!

7. Sa pagbuhay kay Jesus mula sa mga patay, ipinahayag ng Diyos na si Jesus ang Kanyang Anak (Ro 1:4) at sa pamamagitan ni Jesus ay hahatulan Niya ang sanlibutan (Gawa 17:31). Hindi bubuhayin ng Diyos si Jesus na nag-aangkin na Kanyang Anak at Kanyang kapantay (Juan 5:16-18) malibang Siya’y talagang gayon nga.

8. Iyan ang dahilan kung bakit ang kaligtasan ay hindi masusumpungan kanino pa man (Gaw 4:12). Ang daan patungo sa Diyos ay hindi sa pamamagitan ng mapa—ang Kautusan, relihiyon, mabubuting gawa, atbp. Ito’y sa pamamagitan ng isang persona—si Jesus (Jn 14:6). Kailangan na lang ng isang tao na ipahayag ang kanyang pananampalataya (3:16) sa pamamagitan ng pagsama kay Jesus.

'Binigyan mo agad si Nel ng katiyakan ng kaligtasan pagkatapos niyang manalangin ng pagtanggap kay Jesus. Di ba't napakaaga naman niyon?'

‘Nang nanalangin si Nel pagkatapos kong ibinahagi ang ebanghelyo, nais kong makita niya ang liwanag na si Jesus ay nag-alis na ng kamatayan at nagdala na ng buhay at ng walang pagkasira para sa kanya.

“... Dios … sa atin ay nagligtas … hindi ayon sa ating mga gawa, kundi ayon sa kaniyang sariling layunin at biyaya, na ibinigay sa atin kay Cristo Jesus buhat pa ng mga panahong walang hanggan. Nguni't ngayon ay nahayag sa pamamagitan ng pagpapakita ng ating Tagapagligtas na si Cristo Jesus, na siyang nag-alis ng kamatayan, at nagdala sa liwanag ng buhay at ng walang pagkasira sa pamamagitan ng evangelio (2Ti 1:8-10).”'Sa gayong paraan, umaasa ako na patibayin siya ayon sa mabuting

balita.“At ngayon sa kaniya na makapangyarihan na sa inyo'y

makapagpapatibay ayon sa aking evangelio at sa pangangaral ni Jesucristo .... (Ro 16:25)Isa pa, ang Banal na Espiritu ang tunay na makakapagpatotoo na tunay

siyang ligtas (Ro 8:16), hindi ang paggamit ko ng anu mang talata. Kaya't kahit sipiin mo ang ano mang talata na nagbibigay ng katiyakan ng kaligtasan, kung di pa iyon kapanahunan ng Diyos para makatiyak siya, di siya makatitiyak.

‘Ang mga reperensiya sa Bibliya ay hindi agad ibinibigay pagkatapos ng talata. Bakit? Hindi kaya magduda ang mga tao sa integridad ng talata kung walang mga reperensiya?’

Page 41: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

41

‘Ang mga reperensiya ay hindi kinasihan dahil hindi ito bahagi ng orihinal na pagkasulat ng Kasulatan—hindi isinulat ng may-akda ang mga iyon. Idinagdag lang nila ang mga iyon upang mas madaling hanapin ang mga texto. Dahil ayaw kong maabala pa ang mga tao dahil sa mga reperensiya, inilagay ko na lang sa hulihan ng gospel tract ang mga ito. Napagtanto ko pa, kung talagang gustong sumunod sa Diyos ng aking binabahaginan, malalaman niya kung ang mga nasabi kong mga talata ay mula sa Diyos. Sabi ni Jesus, “Matatalos ng sinumang ibig tumupad ng kalooban ng Diyos kung ang itinuturo ko'y mula sa Diyos o nagsasalita lamang ako ng sa ganang aking sarili.” (Jn 7:17).’

‘Napuna ko na idinagdag mo ang 'NA NAGHAHARI' sa pamagat. Bakit?

‘Sapagka't bahagi ito ng Mabuting Balita. Sa Isaias 52:7, sinasabi, “Anong pagkaganda sa mga bundok ng mga paa niyaong nagdadala ng mga mabuting balita, na naghahayag ng kapayapaan, na nangagdadala ng mga mabuting balita sa ikabubuti, na nagtatanyag ng kaligtasan, na nagsasabi sa Sion, Ang iyong Dios ay naghahari!”

‘Maraming salamat sa mga impormasyon Pol’

Balangkas ng Pagtuturo sa Anak ng Kapayapaan

‘Walang anuman! Siyanga pala, simula bukas puwede bang ikaw na ang bahalang maglista ng mga pangalan ng mga dadalo?’ Ibinigay ni Pol ang kopya ng attendance sheet na nasapahina 44-45.

‘Ano ba ang mga code na ito, J0,J1…?’

‘Ito ay may kaugnayan sa layunin ng mga paksa na ating ituturo (sa pahina 46-47) maliban sa L1-6 na mga kabanata sa “Pamumuno sa mga Pag-aaral ng Ebanghelyo sa Bagong Berea”. Makikita mo ang ilang mga materyales bukas.

‘Gusto mo bang subukang magbahagi ng mabuting balita bukas? Tutulungan kita.’ ‘Sige.’

'Masyadong maraming impormasyon dito. Puwede mo bang bigyan ako ng “overview” kung ano ang gagawin ko sa tuturuan ko?'

‘Eto ang isang babasahin para sa iyo.' 'Okey!'

Daanan kita sa bahay mo, mga 7:15 ng gabi bago tayo pumunta sa bahay ni Nel bukas. Okey?’ ‘Okey! Kita tayo 7:15!’

-oOo-Nang makauwi si Tim, binasa niya ang sumusunod:Ang J1 hanggang J6 ay naglalayon na maturo ang pinaka pangunahing

katototohanan sa ebanghelyo. Sa dulo noon, hinihimok ang inaalalayan mo na dumalo sa 'Tungo sa Pagbabago' seminar. Ang pagtitipong iyon ay naglalayon na magbunga niya ng ayon sa pagsisisi—pagbabago ng isip (Mt 3:8). Upang magbago siya (Ro 12:2):

Page 42: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

42

1. Mabuti kung ang seminar ay gaganapin sa lugar na kung saan ang paglago nila ay pinakamabilis tulad ng sa Gawa 2:41-47.

2. Ipaalam mo sa kanya kung gaano kagrabe ang kasalanan niya upang lalo niyang mahalin ang Diyos (Lu 7:47). {Sinisikap ng T1-10 na matupad ang ganitong layunin.} Pagkatapos nito, mabuting maipaliwanag sa kanya muli ang paghatol sa mga di nananampalataya {T11}.

3. Ang pagkalat ng ebanghelyo ay bibilis kung ang mga Cristiano ay magmamahal sa isa't isa (Jn 13:34,35). Hahadlangan ito ni Satanas sa pamamamagitan ng pag-udyok sa kanilang mamuhi sa isa't isa (Ef 4:26-27). Upang magtagumpay sa kanya, dapat tayong magpatawad sa isa't isa (T12).

4. Upang makapagdala siya ng bunga ng pagsisisi, kailangan niya ang kapangyarihan ng Espiritu (T13).

5. Inaakusa din ni Satanas ang mga mananampalataya (Pah 12:10). Matatalo siya ng bagong Cristiano sa pamamagitan ng salita ng kaniyang patotoo—habang nagpapatotoo siya tungkol sa ginawa ng Diyos tungkol sa kanya (T14).

6. Tandaan, ang kabutihan ng Diyos ay nagdudulot ng pagsisisi (Ro 2:4). Dahil dito, dapat mo siyang turuan tungkol sa kabutihan ng Diyos (1Pe 2:3). Tulungan mong maunawaan niya na pinatawad na ang mga kasalanan niya (1Jn 2:14)--na di na siya mamamatay dahil sa mga kasalanan niya, na may buhay na walang hanggan na siya (1Jn 5:9-13) {Puwedeng balik-aralan ang J5 dito}. Ipakita mo rin sa kanya ang kabutihan ng ginawa ni Cristo para sa kanya {T15}.

Pagka mas naunawaan niya ang ginawa para sa kanya ni Jesus, mamahalin niya Ito nang lalo (1Jn 4:19) { {J6, TT14}. Ang pag-ibig ni Jesus ang mag-uudyok sa kanya na di na mabuhay para sa sarili kung para kay Cristo na lamang (2Co 5:14-15). Ang pagmamahal niya para sa pamilya niya at maging sa kanyang buhay ay magiging pagkamuhi na lang kung ikukumpara sa pagmamahal niya kay Jesus (Lu 14:25-35). Di na siya magpapakatali sa “sa mga bagay ng buhay na ito; upang siya'y kalugdan niyaong nagtala sa pagkakawal. “ (2Ti 2:4).

Ang isang ginagamit ng Diyos para makatiyak sa kaligtasan ang isang Cristiano ay ang Biblia (1Pe 2:2). Kaya pinakamabuti na pag-aralan niya ang Biblia. Gayun ang dahilan kung bakit tinawag na mas marangal ang mga taga Berea sa mga taga Tesalonica (Ga 17:2). Udyukin mo siyang basahin ang ebanghelyo ayon kay Juan (Jn 20:30-31) {ang pinababasa sa J0, J1-J6}.

7. Itinuturo sa seminar ang bautismo para kung nais niyang mabautismuhan, puwede niyang gawin iyon sa lugar ng seminar {T16}. Higit sa pagsama niya sa iglesia ninyo, dapat mong iugnay sa iisang Diyos at Ama (1Co 8:6) at sa Kaniyang Anak at Espiritu na tinatawag ding Diyos (Mt 18:19). Gayunpaman, sikapin mong makiisa siya sa iglesia ninyo, sapagka't sa gayun maipapakita ninyo sa mundo na ipinadala ng Ama si Jesus (Jn 17:20-23).

8. Nang nasaktan ang puso ng 3000 pagkatapos mangaral ni Jesus sa kanila, 'sinabi nila kay Pedro at sa ibang mga apostol, Mga kapatid...',

Page 43: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

43

nagnanasang makasama nila. Itinanong din nila, “...anong gagawin namin?” At sinabi sa kanila ni Pedro, Magsisi kayo, at magpabautismo ang bawa't isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan....” (Act 2:37-38) Sa pananampalataya niya kay Jesus, inaasahan siyang magpabautismo sa iglesia na naniniwala sa Trinidad (Mt 28:18-20) – sa isang evangelical church na naniniwala na may isang ngalan para sa tatlong persona—Ama, Anak ang Banal na Espiritu. Umaasang mababautismuhan ang mananampalataya, sinabi ni Jesus, “Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan.” (Mar 16:16). Pagka nagpakita na siya ng bunga na ebidensiya ng pagsisisi (Mt 3:8), na nagbago na ang isip niya at nananalig na siya nang buong puso na “si JesuCristo ang Anak ng Diyos” (Gaw 8:37) at nais niyang sumama sa iglesia ninyo, ipa-schedule mo na ang bautismo niya sa lalong madaling panahon (Aw 119:60).

Ito ang kasama sa mga “aral tungkol sa paglilinis” (He 6:2) {T16}.

Pagkatapos, puwede mong gawin ang sumusunod linguhan pagkatapos ng seminar

9. Gamitin mo ang katotohanang ang pag-asa sa pagbabalik ni Cristo ay nakakapaglinis (1Jn 3:1-3). Oo, turuan mo sa kanya tungkol sa walang hanggang kahatulan ng mga di Cristiano (He 6;2; 1Co 3:9-15) {A1}.

10. Turuan mo siyang manatili kay Jesus (Jn 15) at hayaan ang Biblia (2Ti 3:16,17) ang manatili sa kanya (1Jn 2:14) {A2}.

11. Ituro mo sa kanya na patay na siya sa kasalanan at buhay sa Diyos (Ro 6:1-13) {A3}.

12. Patnubayan mo siyang ipahayag agad ang kasalanan niya (1Jn 1:3-2:2) {A4}, at magpakalakas sa pamamagitan ng Banal na Espiritu (Ga 5:16) {T13}

13. Ituro mo sa kanya ang lahat na sundin ang lahat ng inutos ni Jesus (Mt 28:20). Pinakamabuti itong gawin sa maliliit na grupo. Kaya isama mo siya sa dumaraming maliliit na grupo na nagkakatipon para sa pagtuturo, pakikisama, pananalangin at pagpuputol-putol ng tinapay nang ibinabahagi ang mabuting balita (Gaw 2:42,46; 1Co 14:26; 11:26) {A6-8}. Kung may sapat na mga alagad ka na, hayaan mong ang isang sa grupong iyon ang maging kasama niya, tagabantay niya, at tumutulong sa kaniyang paglago (Ec 4:9-12) {A6,7}.

14. Para nasa kanya ang lahat ng kailangan para magawa ang mga ito at matulungan ang iba rin naman, ituro mo sa kanya na magbigay siya nang masaya sa mga nangangaral at nagtuturo ng kaniyang salita at para sa personal na paglago niya (2Co 8-9) {A8, TT16}.

Upang maturuan siya ng marami, mabuti kung makakasama siya nang maghapon (Gaw 2:40) na Seminar sa Paggawa ng Alagad

Hahadlangan ni Satanas ang paglago niya. Kaya kailangan mong turuan siyang magpakalakas (1Jn 2:14; 1Co 14:4) “sa Panginoon at sa

Page 44: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

44

kapangyarihan ng kaniyang kalakasan” (Ep 6:10) at talunin si Satanas (1Jn 2:13b,14). Magagawa niya ito dahil sa “dahil sa dugo ng Cordero, at dahil sa salita ng” kaniyang “patotoo, at hindi” niya inibig ang kaniyang “buhay hanggang sa kamatayan.” (Pah 12:11)

15. Ang mensahe ng kanyang patotoo ay magiging makapangyarihan kung nagmumula ang pagbabago niya sa isip (Roma 12:2). Kaya't kailangan mong ituro sa kanya kung paano panaganahin ang salita ni Cristo sa puso niya (Co 3:16) {S1}.

Higit sa mga materials na nasa {bracket}, malaya mong gamitin ang Biblia sa pagkikita ninyo (2Ti 3:16,17). Habang mas nalalaman niya ang Biblia, lalaki ang pananampalataya (Ro 10:17) at masmakakaya niyang sanggahin ang mga pana ni Satanas (Ef 6:16) at maging ang mga atake ni Satanas at ng mga demonyo sa pamamagitan ng pagsasalita ng Salita ng Diyos (Ef 6:17).

16. Gagawin niya ito ng may panalangin (Jn 15:16). Kaya't turuan mo rin siyang manalangin (Ef 6::18-20) {S2}.

17. Gamitin ang pagpatong ng kamay (He 6:2) para sang-ayunan ang kanyang kaligtasan, pagtatag at pagkatawag (Mt 19:13-14) {S3}. Himukin siyang gayun din ang gawin (Fi 4:9).

18. Sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, ginawang posible ng dugo ng Kordero na malaman natin ang lahat ng mga bagay na ibinigay ng Diyos (1Co 2:6-13). Himukin mo siyang hanapin ang makikipagbigay ng kaluwalhatian sa Diyos at hilingin ang ano mang bagay na upang maluwahati ang Diyos (Jn 14:12-14) {S4, TT15}.

19. Sa pagtagumpay mo kay Satanas, matutulungan mo rin ang iba na sumunod sa iyo sa paglalakad sa katotohanan. Ito ang magbibigay sa iyo ng kagalakan (3Jn 1:3). Tulad ng isang bata na bagama't di pa nagkakaroon ng anak ay pwede nang tumulong sa masbata niyang mga kapatid, ang inaalalayan mo ay pwede nang tumulong sa pag-alaga ng nakababatang Cristiano habang nasasanay siya (2Ti 3:16-17) {S5}. Sa pagtulong sa kaniyang makapagturo sa iba, magsimula sa pagturo sa kanya kung paano mamuno sa pagtatalakayan {L1-6}.

20. Ang makatutulong sa kanya na maging espirituwal na ama—tumulong sa kapanganakan ng iba sa kaharian ng Diyos—ay ang kaalaman tungkol kay Cristo na nanggaling pa sa pasimula (1Jn 2:14; 1:1-4) {W5-7, J2-4, TT11}. Sa kaalamang ito, tulungan siyang gawin mo ang sumusunod:

● Ipanalangin mo ang mga tao ng Diyos na inilagay ng Diyos sa puso niya (1Ti 2:1-8) {W1},

● Mag-ayuno (Isa 58). Sa paglakas niya, gugustuhin niyang maglaan ng oras sa kanya kaya't maging pagkain ay di na makakakontrol sa kanya {W2}.

● Ipangaral ang mabuting balita (1Co 4:15) ng kapayapaan (Ep 6:15) “sa lahat ng nilalang” (Mr 16:15) {W3}

● Pangunahan ang isang bahay dalanginan ng kasama ang isang katuwang {Tungo sa Pagbabago Appendix I}.

Page 45: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

45

● Alagaan, himukin at pakiusapan sila (1Th 2:7,11) {L1-6}.21. Ang pagkakilala ni Pablo kay Cristo ang dahilan kung bakit siya

epektibong magbahagi ng Mabuting Balita (1Co 2:1-5). Ito ang dahilan kung bakit bago mo tapusin ang pag-aralan mong kasama niya, tiyaking mong ang pagkilala at pagsunod kay Jesus ang panghabang-buhay na layunin niya (Fi 3:7-16; Mt 28:20), lalo na sa pagtulong sa pagturo ng lahat bansa {Pagtuturo sa Bagong Berea na Makilala ang Ama, Pagtuturo sa Bagong Berea na Magpakalakas sa Panginoon}.

Habang ginagawa mo ito, manalangin ka. Si Jesus, na may lahat ng kapangyarihan, ay nagsasabi, “Kasama ko kayong lagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.” (Mt 28:18,20). Dahil dito, upang maging epektibo siyang saksi, ituro mo sa kanya kung paano matatanggap ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu (Gaw 1:8) di lamang sa mga salita kundi sa mga gawa rin (Gaw 7:22; 1Co 2:4; 4:19,20)—maging yaong may palatandaan (Mr 16:15-18).

Gawin mo ang lahat ng ito bilang pagpapahayag ng iyong pagmamahal sa Diyos at sa iba (Mr 12:29-31). Ipagawa rin sa kanya ito

Page 46: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

46

Talaan ng mga Layuning Natupad sa mga Alagadþ = dumalo sa pag-aaral; ý = natupad ang layunin.

SINOJ0J1J2J3J4J5J6T1T2T3T4T5T6T7T8T9T10T11T12T13T14T15T16T17A1A2A3A4A5A6A7A8S1S2S3S4S5W1W2W3W4W5W6W7

Page 47: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

47

Mga Dalangin para kay ________upang iharap siya na “sakdal kay Cristo” (Col 1:28-29; Gal 4:19 BK)

Telepono/ cel.phone #: _________________; Kapanganakan: ________________Address (bahay, sulatan o ‘e-mail’): _______________________________________________________________________________________________________(Oras at araw dumadalo; opisina, paaralan, taon at section; atbp.): __________________________________________________________________

Para sa ESPIRITUWAL NA EDAD na nilalayong ipaabot, tsekan () o isulat sa blanko ang petsa kung kailan natupad ang bawat KALOOBAN NG DIYOS na IDINALANGIN mong mangyari sa kaniya (1Juan 5:14,15 ).

MUNTING BATA—tinatahanan siya ni Jesus (2Corinto 13:5 LS)____J0.Tinanggap na niya si Jesus bilang Diyos at Tagapagligtas (1Timoteo 2:3;

Juan 4:42). <W3>____J1.Umamin na nagkasala siya at nangangailangan ng Tagapagligtas (Mateo

1:21) sa kahatulang walang hanggan (Hebreo 6:2; Gawa 24:25)—tumalikod na siya sa mga gawang walang kabuluhan (Hebreo 6:1). <L1, L = Pamumuno sa mga Pag-aaral ng Ebanghelyo sa Bagong Berea>

____J2.Nanalig sa puso na muling binuhay ng Diyos si Jesus (Roma 10:9). ____J3.Tinanggap niya na ang kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus ay ayon

sa Kasulatan (1Corinto 15:3-4) <L3>____J4.Ipinapahayag ng labi niya na si Jesus ay Panginoon (Roma 10:9) at Diyos

(Juan 1:1-18; 20:24-31). <L4>____J5.Nagititiis na siya sa pag-uusig at kapighatian (2Te 1:4) sa pagpasok niya

sa kaharian ng Diyos (1Te 3:2-5)____J6.Tiyak (2Pedro 1:10 SD) niyang pinatawad na siya sa mga kasalanan niya

(1Juan 2:12) < T14 = Tungo sa Pagbabago, kabanata 14>. <L5,TT14>____J7.Nananangan siya na namatay si Jesus dahil sa kanyang mga kasalanan

(1Corinto 15:1-8) <L6>BATA—nakakilala na siya sa Ama (1Juan 2:13):Tungo sa Pagbabago Retreat (8 oras)____T1.Di siya pumapatay sa kilos, isip o salita (Exodo 20:3; Mateo 5:21-26) <Tn =

ika n na kabanata ng Tungo sa Pagbabago>____T2.Tinalikdan na niya ang masasamang hilig ng katawan (1Pedro 2:11)____T3.Itinakwil na niya ang kasinungalingan (Efeso 4:25,27)____T4.Umalis na siya hatol sa mga di nananampalataya (Juan 5:24; Hebreo 6:2)____T5.Itinakwil na niya ang kayabangan (Kawikaan 16:8)____T6.Lumalayo siya sa mga diyos-diyosan (Exodo 20:4-6; 1Juan 5:20) <T10>____T7.Di na siya nagrerebelde (1 Samuel 15:23) <T4>____T8.Di na siya nagnanakaw ng pag-aari, oras o pagmamahal ng iba (Exodo

20:15) <T7>____T9.Maingat na siyang gumamit sa pangalan ng Diyos (Exodo 20:7). <T8>____T10.Nagtratrabaho at nagpapahinga siya para sa pangangailangan ng

kaniyang pamilya <T9>____T11.Nagpatawad na siya sa mga nagkasala sa kanya (Efeso 4:26-27).____T12.Namumuhay siya ayon sa sinabi ng Diyos tungkol sa kanya (Efeso 1:3)

<T14>.____T13.Nauudyukan siya ng pag-ibig ni Cristo (2Corinto 5:15) na mahalin ang

Diyos nang buong puso, isip, kaluluwa (Mateo 22:37) at lakas (Marcos 12:30)—lumalayo siya sa mga diyus-diyusan (1Juan 5:21).

____T14.Naglalakad siya ayon sa Espiritu (Galacia 5:16). Puspos (o sinasakupan)

Page 48: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

48

siya ng Espiritu (Gawa 2:38,39; 19:2; Hebreo 6:2a). Nanalangin siya habang ang tagaalalay niya’y nagbahagi ng Mabuting Balita sa iba (2Timoteo 2:2). <T13>

____T15.Nakasama na siya sa pag-aaral kung paano magpatotoong tulad at ayon sa inutos ni Cristo (1Corinto 11:1). <C2-4,J0>.

____T16.Nabautismuhan na siya (Gawa 2:41; 8:37; Mateo 3:8; Hebreo 6:1-2; Mateo 28:19; Marcos 16:16).

____T17.Nagpapahinga siya upang maglaan ng oras sa Diyos (Exodo 20:8-11) <T9>

____A1.Nagsama siya ng iba sa tagaalalay niya (Juan 1:45-46) upang gantimpalaan siya sa paghuhukom (1Corinto 3:9-15; Hebreo 6:2). <A1>

____A2.Nananatili siya kay Cristo (1Juan 2:28) sa pamamagitan ng pakikinig, pagsunod at paghingi sa kanya (Juan 15).

____A3.Nagtagumpay na siya sa kasalanan (1Juan 2:1) . Tinuring na niya ang sarili na patay sa kasalanan at buhay sa Diyos, instrumento ng katuwiran (Roma 6:1-14).

____A4.Pinananatili niya ang pakikisama niya sa Diyos sa pamamagitan ng paghahayag ng mga kasalanan niya (1Juan 1:3-2:2).

____A5.Pinapaalala niya ang kamatayan at pagbabalik ng Panginoon sa Hapunan Nito (Lucas 22:19; 1Co 11:25).

____A6.Tumutulong siya sa pagpaparami ng maliliit na grupo (Gawa 2:46) na nagkakatipon para sa pagtuturo (1Corinto 14:26), pakikisama, pagpipira-piraso ng tinapay (na isang pagpapahayag ng ebanghelyo, 1Corinto 11:26), at panalangin (Gawa 2:42) <A9,10>

____A7.May tagaalalay na tumutulong sa relasyon niya sa Diyos at sa pagtulong niya sa pagpaparami ng maliliit na grupo (Mangangaral 4:9-12). <A9,10>.

____A8.Nagbibigay siya sa pangangailangan: ng mga manggagawa ng Panginoon [nang di kulang sa ikapu ng kinikita niya (Malakias 3:7-12)]; ng mahihirap; at ng espiritwal na buhay niya.

BINATA—tinalo na niya si Satanas (1Juan 2:13,14).____S1.Araw-araw na pinag-aaralan niya upang sundin ang salita ng Diyos

(1Pedro 2:2,3; Gawa 17:11; Colosas 3:16)____S2.Nananalangin siya sa Ama sa kaparaanan ni Jesus (Lucas 11:1).____S3.Nagpapatong siya ng kamay (Hebreo 6:1,2) upang patotohanan ang,

kaligtasan, kalayaan, pagkatawag at pagtatag ng iba (Mateo 19:13,14).____S4.Nag-uutos siya upang gawin sa ngalan ni Jesus ang mga gawa niya (Juan

14:12-13). <T15>____S5.Inaalalayan niya ang naligtas ng iba na lumago (Efeso 4:16; Mangangaral

4:9-12).AMA—masnakilala na niya si Cristo, ang Salita (1Juan 2:13,14; 1:1-3).____W1.Epektibong nanalangin para sa taong inilagay ng Diyos sa puso niya.____W2.Nag-aayuno na siya upang palayain ang tao kay Satanas at mga

kasalanan (Isaias 58:6; Mateo 17:21; Lucas 5:35)____W3.Kaya niyang magpatotoo tungkol sa kanyang kaligtasan (Revelation

12:11). <W2-4; W=Pagpapatotoo sa Bagong Berea>____W4.Nakapagbahagi siya kay Cristo sa iba (1Corinto 2:1-5) <W\2-4,J0>.____W5.May tumanggap na kay Cristo sa patotoo niya (1Corinto 4:15) at nakigalak

akong kasama niya (Lucas 10:20) <W2-4,J0>.____W6.Inaalalayan niya ang isang napatanggap niya kay Cristo (1Tesalonica

2:11-12) <Pamumuno sa Pag-aaral ng Ebanghelyo sa Bagong Berea>.____W7.Inaalagaan niya ang sariling tahanan (1Timoteo 3:8-13) at ang sa Diyos,

Page 49: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

49

ang bahay dalanginan, ang iglesia ng Diyos (3:5) sa kaparaanang ang bahay ng Diyos ay dumarami sa lahat ng bansa (Gawa 2:41-47; 16:4,5)

Page 50: Pagpapatotoo sa Bagong Berea

50

Pagpapatotoo sa Bagong BereaMula pa noong 1980, nangangaral na

ang may-akda sa mga bus, jeepney, tren, palengke at kalye. Itinuturo ng librong ito ang mas mabuting paraan sa pag-eebanghelyo kaysa sa nabanggit. Ang paraang iyon ay ang pag-abot sa mga kapitbahay ng anak ng kapayapaan sa pamamagitan ng pag-

aaral ng Mabuting Balita sa bahay dalanginan sa kapangyarihan ng Espiritu. Pinagsama ni Jun dito ang mga natutunan niya bilang isang ebanghelista sa loob ng 27 taon. Sasanayin ka ng librong ito (Efeso 4:11-16) na gawin ang gawain ng isang ebanghelista (2Timoteo 4:5) na tumulong magpangaral ng mabuting balita sa lahat ng tao sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu (Marcos 16:15-18; Gawa 1:8) nang buong katalinuhan (Colosas 1:28-29) upang makatulong ka sa pagliligtas ng pinakamarami (1Corinthians 9:19-23), sa ikaluluwalhati ng Diyos!

Sa pagbasa mo ng librong ito, makikita mo sa ginawa ni Pol at Tim kung paano magsimulang magbahagi ng Mabuting Balita sa isang bayan.

Sa librong Pagtuturo sa Taga-Bagong Berea na Kilalanin ang Ama, masasanay kang manguna sa pagtuturo ng Biblia dahil galing sa iba’t ibang relihiyon ang aabutin nila Pol at Tim. Matutunan mong sagutin ang mahihirap na tanong habang nasasarapan kang basahin ang kwento. May halong patawa habang natututo ka ng mga bagong bagay….

Kung nais mo ng malinaw na kopya ng mga materyales na puwede mong kopyahin, kontakin ang

HELP (His Equippers for Life Purposes

website: www.equippers.spaces.live.com

cell. phone: (+63917) 848-1928

email: [email protected]