pagpapahalaga sa mga kababaihan
TRANSCRIPT
ANG BABAE SA LIPUNAN
Balitaan
Pagsasanay
Balik-Aral
Ano ang iba’t-ibang antas ng tao sa sinaunang lipunanng Pilipino?
Pagganyak
Pagbuo ng tanaong
Paano pinahalagahan ang mga kababaihan noong unang Panahon?
Paglalahad
Ang katayuan ng mga babaeng Pilipino noong unang panahaon ay tunay na mataas.
Pangkatang Gawain
Pagtalakay
Noon pa man, may mataas nang pagtingin sa mga babae ang mga unang Pilipino. Kinikilala ng mga batas ng barangay na ang mga babae ay kapantay ng mga lalaki.
Pagtalakay
1. Maaari silang mag-angkin at magmana ng ari-arian, maghanapbuhay at makipagkalakalan
Noon pa man, ginagalang sa buong barangay ang mga babae.
2. Kapag ang isang mag-anak ay naglalakad sa kalsada, ang ina at ang mga anak na babae ay nauuna sa mga lalaki.*
Pagtalakay
ltinuturing na kawalang-galang kapag ang lalaki ay lumakad nang nauuna sa babae.
3. Kapag ang datu ay walang anak na lalaki, maaaring ang kanyang anak na babae ang tanghaling pinakadatu o pinakapinuno.
Pagtalakay
4. Ang babae ang may higit na karapatan sa pagbibigay ng karapatan sa pagbibigay ng pangalan sa mga anak.
Makikita rin ang pagpapahalaga sa mga babae kapag malapit na itong ikasal.
Pagtalakay
Makikita rin ang pagpapahalaga sa mga babae kapag malapit na itong ikasal. Dumadaan muna sa maraming pagsubok ang isang lalaki bago maipakasal sa isang babae. Kinakailangan munang magsilbi ang lalaki sa pamilya ng babae sa loob ng ilang buwan o taon.
Ilan sa paglilingkod na ginagawa ng mga lalaki ang:*
Pagtalakay
1. pagsisibak ng kahoy
2. pagkumpuni sa mga sirang gamit
3. pag-iigib ng tubig
4. pagbibigay ng prutas at gulay*
Pagtalakay
Bukod dito ay nagbibigay rin ng lupa, ginto, anumanng ari-arian, o kahit anong makakaya ang lalaki sa pamilya ng babae. Ito ay bahagi ng tinatawag na bigay-kaya.
Ang kaugaliang ito ay ginagawa pa sa ilang pook sa Pilipinas.
Paglalahat
Mataas ang .pagpapahalaga ng mga unang Pilipino sa mga kababaihan.
Paglalapat
Sang-ayon ka bang paglingkuran muna ang pamilya ng babae bago sila mapakasalan ng iniibig na lalaki? Bakit?.
Paglal
.
Takda
1. Paghambingin ang mga kababaihan noon at ngayon. Anu-ano ang mga ginagawa ng mga kababaihan ngayon na di nagawa ng kababaihan noon. Isulat sa kwaderno.
2. Masasabi mo bang mataas pa rin ang katayuan at iginagalang pa rin ang mga kababaihan sa kasalukuyan? Bakit?