pag in0om ng alak

41
Molave CaMPUS RASON NG MGA KABATAAN SA PAG-INOM NG ALAK” Bilang Bahagi ng Katuparan sa Asignaturang Filipino unang Taon Paaralang Sekondarya Ipinasa ni: Jerwin s. Capuyan Bsmar-e 1st Ipinasa kay: Mr. Walfredo E.Vergara Guro sa Filipino I

Upload: dexter-ramos

Post on 13-Apr-2015

1.140 views

Category:

Documents


67 download

DESCRIPTION

pamahunang papel

TRANSCRIPT

Page 1: pag in0om ng alak

Molave CaMPUS

“RASON NG MGA KABATAAN SA PAG-INOM NG ALAK”

Bilang Bahagi ng Katuparansa Asignaturang Filipino

unang TaonPaaralang Sekondarya

Ipinasa ni:Jerwin s. Capuyan

Bsmar-e 1st

Ipinasa kay:Mr. Walfredo E.Vergara

Guro sa Filipino I

Page 2: pag in0om ng alak

TALAAN NG NILALAMAN

PAMAGAT PAHINA

PAMAGAT i

TALAAN NG NILALAMAN ii

KABANATA 1

PINAGMULAN NG PAG-AARAL 1

PAKSA 4

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL 9

TERMINOLOHIYA 12

KABANATA 2

KWESTYUNER 15

PAGSUSURI NG MGA DATOS 20

PAGSUSURI SA BATAY SA SARBEY PROPAYL 22

PAGLALAHAD NG RESULTA O KINALABASAN NG 24

PAG-AARAL AT MGA REKOMENDASYON

SA PAGLUTAS NITO

SANGGUNIAN 25

MGA KUHANG LARAWAN 26

TALAHANAYAN

KWESTYUNER 28

PAGSUSURI NG MGA DATOS

BIBLIOGRAPIYA 27

Page 3: pag in0om ng alak

KABANATA 1

PINAGMULAN NG PAG-AARAL

Ilang libong taon na ng makalipas ng maganap ang unang himala ni Hesus

sa isang kasalan sa Konan, ito ay ang paglagay ng tubig sa isang bariles at biglang

naging alak. Noon pa man ay umiinom na ang mga tao ngunit sa pagdaan ng

panahon inabuso nila ito at naging alkoholismo. Isang sakit na nagreresulta ng

paulit-ulit na pag-inom ng alak at iba pang inuming nakalalasing, itinangi sa

pamamagitan ng kawalan ng kontrol sa pag-inom ng alak, pagiging maligalig at

pamamaluktot ng kaisipan.

Ang pagkalulong sa alak ang isa sa mga suliranin sa ating lipunan na sa

ngayon ay mahirap supilin. Maraming kabataan ang natututong uminom ng alak

dahil sa hayagang pagkonsumo nito. Dahil sa paulit-ulit ng pag-inom nito, unti-

unting nasasanay ang kanilang murang katawan sa kakaibang epektong dulot na

inuming ito. “Upang makalimutan ang problema,” ang laging bukambibig ng mga

taong regular na kumokonsumo ng alak.

Ang alkoholismo ay isang salitang ngunit magkakasalungat na kahulugan.

Sa karaniwan at pangkasaysayan na paggamit, binabanggit ang alkoholismo bilang

kahit anong kalagayang nagreresulta sa patuloy na pag-inom ng mga inuming

alkoholiko sa kabila ng mga problema sa kalusugan at negatibong kahihinatnan

nito sa lipunan. Inilalarawan ng medisina ang alkoholismo bilang isang sakit na

nagresulta sa paulit-ulit na pag-inom ng alak at iba pang inuming nakalalasing sa

kabila ng mga negatibong kahihinatnan nito. Maaari ring banggitin ang

alkoholismo sa pagiging maligalig sa pag-inom o pagpilit na makainom ng alak, at

maging sa kawalan ng abilidad na makilala ang mga negatibong epekto ng sobrang

pag-inom ng alak.

Page 4: pag in0om ng alak

Sa panahon natin ngayon, karaniwan na nating makita ang alak lalo na sa

mga okasyon. Parang isang itong atomic bomb na sumabog at mabilis ang

paglaganap sa ating lipunan, kaliwa’t kanan ang makikita nating nag-iinuman

maaaring nasa kalsada, sa loob ng bahay pati na rin sa mga cabaret. Totoong

umuunlad ang ating henerasyon ngayon maraming mga naiimbentong mga

teknolohiya kasama na rito ang mga nakalalasing na inumin. Patuloy ang

pagyabong ng salitang “alak” sa ating lahat.

Ang isa sa mga hilig ng mga kabataan ngayon ay ang pag-inom ng alak.

Hindi lamang ang mga matatanda ang umiinom ngayon. Maging ang mga menor

de edad at kahit ang mga kababaihan. Iba’t iba ang kanilang dahilan kung bakit sila

umiinom ng alak. Dahil sa okasyon at kapag sila ay may problema. At ito ay

nagiging bisyo na nila. Kaya’t nagiging pangkaraniwan na para sa mga kabataan

ang uminom ng alak. Malalim ang mga dahilan kung bakit maraming nahihilig na

uminom nito. Napakaraming naaapektuhan dahil dito. Isa itong lason na sumisira

sa buhay ng maraming kabataan.

Ang pag inom ng alak ay isang napaka-karaniwang karanasan para isang

Pilipino. Mapababae man o lalake, bata man o matanda, halos lahat yata ng

Pilipino ay umiinom ng alak. Bakit nga ba marami ang umiinom? At bakit parang

pabata ng pabata ang natututong gawin ito? Tamang bang ang alak ay

nakakabawas ng problema? Bakit isinasabay sa problema ang pag inom ng alak?

Ano nga ba ang naidudulot nito? Ano nga nagtutulak sa mga mga kabataan ngayon

sa pag inom? Ito siguro ang mga tanong na umiikot sa utak ng isang taong hindi

umiinom. Hindi ba nakakapagtaka sa lahat ng okasyon lagi perfect attendance ang

alak o beer. Minsan nga tayong mga Pilipino ay umiinom ng walang dahilan. Lalo

na ang mga matatanda halos ginagawang na nilang tubig ang alak. Hindi rin

mawawala ang all time partner ng alak at ito ay ang pulutan.

Page 5: pag in0om ng alak

Ayon sa pagsusuri ng Unibersidad ng Pilipinas, tinatayang 2.3 porsyento ang

kabuuang ginastos ng mga Pilipino para sa alak lamang. Sinasabing 5.3 milyon o

60 porsyento ng mga kabataan ang umiinom, 4.2 sa mga kalalakihan at 1.1 naman

sa mga kababaihan. Tinatayang 1.25 bilyong litro o 3.9 bilyong bote ng alak ang

nauubos sa loob lamang ng 24 oras. Sinasabi ring ang alak ang puno’t dulo ng mga

aksidente, gulo, kriminalidad, at iba pang mga di-kanais nais na pangyayaring

gumigimbal sa mapayapang lipunan. Itinuturing na malaking problema sa

kalusugan ng publiko ang sobrang pagkonsumo ng alak.

Ayon sa American Psychiatric Association, pinakamadalas abusuhin ng mga

pasyenteng nagpapalunas ang alak. Inestima naman ng World Health

Organization na 140 milyong katao sa buong mundo ang may pag-uumasa sa

alkohol. Walang kongkretong datos sa kasalukuyan sa bilang ng mga mapang-

asang manginginom sa Pilipinas. Sinasabing dahil raw ito sa hindi pagturing ng

mga Pilipino sa alkoholismo bilang isang sakit. Sa kabila nito, hindi mapagkakaila

ang epekto ng alkoholismo sa pamilya at komunidad.

Ang alak ay palaging inuugnay sa mga babaeng nakasuot ng bikini, lalakeng

malalaki ang katawan at mga masasayang oras. Nadadala sila sa mga babaeng

nakasuot ng bikini na nagmomodelo ng alak. Dahil karamihan sa mga umiinom ay

mga lalaki, sila ay nahuhumaling sa katawan ng isang magandang babae. Nagiging

ugali na rin ito ng mga kabataan na akala nila ay magiging masaya sila kung sila ay

iinom. Iyan ang karaniwan na dahilan kung bakit napakaraming lasinggerong

kabataan ngayon.

Page 6: pag in0om ng alak

Ang bawat isang dahilan ay napakaraming epekto.  Maliit man o malaki.

Kaunti man o madami ang naaapektuhan. Nakakagawa sila ng mga bagay na bawal

nang hindi nila namamalayan. May mga nakakabuntis dahil minsan ay may mga

okasyon na may mga kasamang babae na umiinom ng alak.

Mayroon rin na nakakapatay dahil hindi na nila makontrol ang kanilang sarili.

Nadadala sila ng kalasingan kaya hindi nila alam ang kanilang ginagawa. Kaya’t

maraming buhay ang nasisira nang dahil sa alak.

Kaya naman napukaw ang aking isipan sa paglaganap ng usaping ito. Nais

kong magsaliksik ukol dito upang mapatunayan ko kung ano nga ba talaga ang

mga dahilan kung bakit umiinom ng alak ang mga kabataan. Kahit na ako rin

mismo ay ginagawa ito, hindi pa rin sapat ang aking kaalaman uko dito. Kung

kaya’t napili ko ang paksang ito upang mamulat ang kaisipan ng mga kabataan

ukol sa kinahuhumalingan nating mga Pilipino… Ang pag-inom ng alak.

PAKSA

Page 7: pag in0om ng alak

Patuloy ang pagyabong ng salitang “alak” sa ating henerasyon, marami ang

nahuhumaling at natututong uminom ng alak sa kabila ng mga masamang epekto

nito sa ating buhay. Hindi lamang matatanda kundi pati mga kabataan ay

nabibiktima nito. Maraming mga kabataan ang naaaksidente at namamatay dito.

Ang alcoholic drinks, o alak ay isang inumin na may sangkap na alcohol.

Karaniwan itong iniinom kapag may espesyal na okasyon o salu-salo, ngunit

pwede pa rin kahit na walang okasyon. Ika nga ng iba ay pangpalipas ng oras.

Tinatanggap ito sa lipunan ng ilang mga bansa sa Asya, Europa, at Amerika

maliban sa Middle East. Ang relihiyon ay konsiderasyon sa pag-inom ng alak.

Ang pagkalunod sa alak ay isa rin sa mga malulubhang karamdaman ng tao

na kahit painumin man ng mga paalala o babala ay hinahanap pa rin ng kaluluwa.

Isang katunayan na kahit gumastos pa nang malaki ang mga tao sa pagbili ng alak,

basta lang matugunan ang pangangailangan ng kanilang lalamunan.

Sa karamihan, ang pag-inom ng alak ay may malaking bahagi sa pangsosyal

na buhay. Ang tamang dami ng pag-inom -- 2 shots kada araw para sa mga lalake

at 1 shot naman para sa mga babae ay walang masamang maidudulot sa ating

pangangatawan. Subalit madaming bilang pa din ng tao ang nahuhumaling at

nagkakaproblema dahil sa sobrang pag-inom ng alak. Masasabing milyon-milyong

tao ngayon ang matatawag na "alcoholics."

Ano ba ang alkoholismo?

Sa pinakasimpleng kahulugan, ito ay patuloy at sobrang pagkahilig o

adiksyon sa alak. Ito ay sakit na nakakaapekto hindi lamang sa taong nasa

impluwensiya ng alak kundi pati na rin sa mga taong nakapaligid sa kanya.

Page 8: pag in0om ng alak

Ang alcohol ang nakakalasing na sangkap ng serbesa at alak. Ito ay

nagagawa sa pamamagitan ng pagpapaalsa, ang proseso ng paggawa ng

alcoholikong inumin. Kapag ang asukal na galing sa prutas o butil ng bigas ay

sinamahan ng pampaalsa at tubig, ang kakalabasan nito ay alcohol. Ang alak ay

isang gamot at tulad ng lahat ng gamot, ito ay may epekto sa katawan at isip ng

tao. Dahil sa alak, pakiramdam ng ibang tao na sila ay nabubuhayan at nagigising.

Ngunit ang katotohanan ito ay nakakapagpatamlay, at pinababagal nito ang

paggalaw ng ating central nervous system. Ang maliit na halaga ng alcohol ay

nakakaapekto sa kaayusan at desisyon ng tao. Ang pag-inom ng maraming alcohol

ay nakamamatay. Ito ay nawawala sa katawan ngunit nag-iiwan ng lason na

nagsasanhi ng mas malalang problema sa kalusugan. Sa loob ng 20 minuto ng

pagpasok nito sa tiyan, may 10% ng alcohol ang nasisipsip ng daluyan ng dugo.

Halos 5% ng alcohol ang naiiwan sa katawan na nagiging ihi, pawis, at hininga.

Ang pag-inom ng alak ay hindi nakakadagdag ng timbang, iyan ay napatunayan na

ng napakaraming pag-aaral. Ang alcohol ay salik sa pagtaas ng bilang ng krimen

tulad ng 68% ng pagpatay sa kapwa tao, 62% ng pambubugbog, 54% ng

pagtatangkang pagpapakamatay, 48% ng pagnanakaw at 44% ng panloloob.

Paano nga ba natin malalaman kung sobra na ang pag-inom natin sa alak?

Una sa lahat, anong ibig-sabihin ng “sobra”? Sinong makakapagsabi kung sobra na

ba ang alak na iniinom ng isang tao? Bagamat iba’t iba ang dami ng alak sa

kailangan sa iba’t ibang tao upang malasing, maaaring magsilbing gabay ang

sumusunod. Ayon sa mga iba’t ibang himpilan, ay pinakamarami ngunit

katanggap-tanggap parin na pag-inom ay 1-2 bote ng beer kada araw ngunit

hindi lalampas ng 7 bote ng beer sa isang linggo. Sa hard drinks naman gaya ng

gin, vodka, rum, o brandy na may 40% alcohol, hanggang 4 na shot (25 ml x 4 =

100mL) bawat araw ngunit hindi lalampas ng 14 na shot sa isang linggo.

Page 9: pag in0om ng alak

Una sa dahilan ng mga kabataan sa pag-inom ng alak ay impluwensya ng

kanilang mga kaibigan. Sa dami ng ating nakakasalamuha sa araw-araw, marami

tayong nagiging mga kaibigan. Ilan sa mga ito ay tumutulong sa atin sa oras ng

pangangailangan ngunit ang ilan naman ay nagiging dahilan kung bakit maraming

kabataan ang natututong uminom. Peer pressure ang tawag dito, kung ang mga

kabarkada ng isang kabataan na mahilig uminom ng alak, siguradong mahahawa

siya at maiimpluwensiyahan siya nito.

Ikalawa, hindi lingid sa ating kaalaman na maraming mga kabataan ngayon

ang hindi nakakapagtapos ng pag-aaral at pinipiling magtrabaho na lamang. Dahil

sa labis na pagkapagod dulot ng kanilang trabaho, ang iba sa mga kabataan ay

umiinom ng alak sapagkat naniniwala sila na mawawala ang kanilang pagod at

makakaramdam sila ng kaginhawaan. Hindi ko lubos maisip kung bakit may

ganitong paniniwala ang mga kabataan, ano ba ang magiging bunga nito? Hindi

ba’t pinahihirapan lamang nila ang kanilang sarili sapagkat imbis na magpahinga

na lamang ay ginugugol pa nila ang kanilang oras sa mga walang kwentang bagay.

Ikatlo, naghahatid ng kasiyahan sa mga kabataan ang pag-inom ng alak.

Hindi ba nila naiisip na ang kanilang mga magulang ay nagpapakahirap sa

paghahanapbuhay upang may makain lamang sila sa araw-araw ngunit ano ang

kanilang ginagawa? Nagpapakasasa sila at iniintindi lamang nila ang kanilang

sariling kaligayahan.

Ikaapat, maraming bagay ang gustong subukan ng mga kabataan ngayon.

Dahil parte ng kanilang pagkatao ang pagiging mapusok o mahilig sumubok ng

mga bagong bagay. Ito ay tinanatawag na kuryusidad, at dahil sila ay hindi pa

gaanong mulat sa mga makamundong bagay, hindi nila alam kung paano hawakan

ang ganitong bagay. Sa usaping ito, ako mismo ay naranasan na rin ito. Hindi

masama ang maging matanong ngunit dapat disiplinahin natin ang ating sarili.

Page 10: pag in0om ng alak

Ikalima, ang ilan sa mga kabataan ngayon ay ginagawang na ring libangan

ang pag-iinom. Hindi ba nila naiisip na marami ang maaaring gawin? Imbes na

makipaglaklakan sa mga kabarkada tulungan nila ang kanilang mga magulang na

nagkakandakuba na para lamang maiahon sila sa kahirapan. Masakit isipin na ang

mga ilan sa mga kabataan ngayon ay naliligaw ng landas. Paano pa kaya

magkakatotoo ang sinabi ng ating pambansang bayani na “Ang Kabataan ang Pag-

asa ng Bayan,” kung ngayon pa lang nakikita na natin ang kanilang magiging

kapalaran kung patuloy nilang sinisira ang kanilang kinabukasan sa walang

katuturan na mga bagay.

Ikaanim, bunga ng pagkabagot at walang magawa sa buhay natutukso na

ring uminom ang mga kabataan. Hindi ba’t isang napakababaw na dahilan ito para

matukso tayong uminom? Kung iisipin natin, maraming bagay ang maaari nating

gawin at pagtuunan ng pansin. Ika nga ng mga nakakatanda “Kung ayaw

maraming dahilan, kung gusto maraming paraan.” Hindi sapat na dahilan ang

pagkabagot para uminom tayo at malulong sa masamang bisyo na ito.

Ikapito, ang pamilya ay mayroong malaking bahagi na ginagampanan sa

buhay ng isang kabataan. Sila ang nagiging modela sa paglaki ng kanilang mga

anak. Kung minsan pa ay sinasabing kung sino ang puno siya rin ang bunga.

Nagre-reflect ang ugali at gawi ng isang kabataan batay na rin sa nakikita nito sa

loob ng kanilang tahanan. Isa sa mga rason ng kabataan kung bakit natututong

uminom ay dahil nakikita itong ginagawa sa loob ng kanilang tahanan. Kung ang

isang batang paslit ay makikita ito aakalain niyang maganda ito at tatatak ito sa

kanyang isipan na maaaring gawin niya pagdating ng panahon. Kung ang mga

magulang ay ginagawa ang mga iyon, dapat ay isaalang-ala nila ang kanilang mga

anak dahil wala itong maidudulot para sa kanilang kapakanan.

Page 11: pag in0om ng alak

Ang pangwalo ay may problema o suliranin na pinagdaraanan ang isang

kabataan kaya mas gugustuhin niyang uminom na lamang upang makalimutan niya

ito kahit panandalian lamang. Isa ito sa mga pangunahing rason sa pag-inom ng

alak ngunit hindi ba nila naiisip na kahit magpakalasing pa sila ay matatakasan nila

problema? Hindi ba’t hindi naman! Pagkagising sa umaga, haharapin mo na naman

ang iyong problema at kasabay nito ang pagsakit ng ulo na tinatawag na hang over.

Pang-siyam, marami ang nauuso ngayon at lahat ito ay nais usisain ng

kabataan. Marahil napapanuod nila sa isang patalastas, sa diyaryo at maaaring sa

mga kalsada sa tuwing sila ay naglalakad. Nagiging moderno na ang panahon

ngayon, maraming natutuklasan na mga bagay at teknolohiya kasabay nito ang

patuloy na pag-uso na alak.

At ang huli ay pag-inom tuwing may okasyon o pagdiriwang sa isang

pamilya at mag-anak. Nainom lamang kapag may okasyon? Ilang okasyon ba ang

nadaan sa loob ng isang taon? Hindi ba’t aabot din iyon sa sampu at kapag nasanay

ang ating katawan sa pag-inom ng alak ay hahanap-hanapin na ito na nagiging

dahilan ng alkoholismo.

Huwag nating sayangin ang pagkakataon na makapag-aral at maging

maganda ang ating kinabukasan. Huwag tayong magpadala sa mga tukso na

magiging dahilan kung bakit nasisira ang buhay ng isang kabataan. Kumilos tayo

at maging positibo ang pagtingin sa buhay. Mabuhay tayo para sa magandang

dahilan at iwasan ang patuloy ng paglaganap ng alak sa ating lipunan!

Umiikot ang proyektong ito sa mga rason ng mga kabataan sa pag-inom ng

alak. Kung bakit marami sa mga kabataan ang natututong uminom sa kabila na

mapait ang lasa ng alak sa unang tikim. Maging ako mismo ay ginagawa ito,

ngunit nais ko pa ring madagdagan ang aking kaalaman ukol sa bagay na ito.

Page 12: pag in0om ng alak

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Una, ang pananaliksik ito ay kinakailangan upang maipabatid sa mga

mambabasa nito ang lumalalang kondisyon ng pagkalulong mga kabataan sa beer

at alak. Ang mga estudyante ang karaniwang biktima ng mapanirang alak. Sa

panahon ngayon ang mga kabataan ay mas lalong nalulong sa pag-inom dahil sa

madaming dahilan nariyan ang pinakamadalas na dahilan ang problema sa

pamilya, pagiging mapangahas sa pagsubok sa madaming bagay, ang pageendorso

ng mga alak na ito gamit ang media sa diyaryo man o telebisyon.

Ikalawa, ito ay nagnanais magtampok ng mga paraan kung paano bibigyan

ng solusyon ang lumalalang problema sa pagiging lulong sa alak ng mga kabataan.

Dito nais kong ipahayag ang aking pagaalala bilang isang estudyante sa kadahilang

maraming buhay ang sisirain ng pagkalulong sa beer at alak ng kabataan ngayon

lalo na sa mga kabataan.

Ikatlo, nais kong ipahatid sa mga kabataan ang maaaring kahinatnan ng

kanilang buhay sa hinaharap kung sakaling patuloy ang kanilang pagkahumaling sa

nakalalasing na inumin na ito.

Nais kong mapukaw ang isipan ng mga kabataan ukol sa usaping ito. Hindi

lahat ng bagay sa mundo ay may magandang maidudulot sa ating buhay. Minsan

ang pagkalasing ay nagdudulot ng maagang kamatayan.

Ang sobrang pag-inom ay nakakaapekto rin sa utak ng mga kabataan. Kapag

sobra-sobra at naging palagian ang pag-inom ng alak, apektado rin ang kanilang

utak. Nababawasan ng sobrang pag-inom ang kaalertuhan ng ating pag-iisip at

nagiging mapurol. Ang sobrang pag-inom ng alak ay nakasisira sa personalidad.

Makikita sa kaanyuan ng isang tao kung siya ay manginginom.

Page 13: pag in0om ng alak

Marami sa mga manginginom ay kulang sa nutrisiyon kaya nagiging resulta nito ay

malnutrisiyon.

Mahalagang mapag-aralan ang mga suliranin sa ating lipunan nang sa gayon

ay magkaroon tayo ng kaalaman sa kung ano-ano ang mga nagaganap sa ating

kapaligiran. Ang mga ideya at impormasyong nakalap ay nagsisilbing gabay upang

maiwasan ang ganitong suliranin.

Nais kong mabigyan ng karampatang solusyon ang suliraning kinakaharap

ng ating lipunan nang sa gayon ay maiwasan ang paglaganap nito at mabawasan

ang mga kabataang nalululong sa masamang bisyo. Hindi nila naiisip ang maaaring

mangyari sa kanilang buhay at kinabukasan kung aasa sila sa mapanirang alak.

Napakaloob sa pag-aaral na ito ang mga impormasyon ng mga epekto ng

alkoholismo sa kalusugan. Naglalayon na ang mga impormasyon ito ay

makakatulong sa lahat upang maiwasan ang alokoholismo at maagapan ang

masasamang epekto nito sa katawan.

TERMINOLOHIYA

Page 14: pag in0om ng alak

Upang maging mas madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa

minarapat kong bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay

sa kung paano ginamit ang bawat isa sa pamanahunang papel na ito:

Alcoholic drinks – isang inumin na naglalaman ng ethanol (isang uri ng

alkohol), karaniwang tinatawag na alak.

Alcohol intoxicated – tinatawag ding kalasingan o paglalasing, isang

estado na nangyayari kapag ang isang tao ay mayroong mataas na ethanol

sa kanilang dugo.

Alcoholics – isa ito sa katangian ng isang tao na patuloy ang pagkonsumo

ng alak sa kabila ng negatibong epekto nito.

Beer belly – paglaki ng tiyan bunga ng madalas na pag-inom

Blood Pressure – ito ay ang presyon ng dugo na karaniwang sinusukat sa

isang tao sa itaas na braso

Detoxify – pagtanggal ng mga lason o kemikal sa ating katawan

Enzymes –nangangahulugang pinapabilis ang reaksyon ng kemikal sa tao

Esophagus – lalamunan

Hang over – pagsakit ng ulo kinabukasan matapos uminom

Liver Cirrhosis – isang uri ng sakit na nakukuha patuloy na pagkonsumo

ng alak. Humahantong ito sa pagkawala ng gamit ng atay na nagiging

dahilan ng maagang kamatayan.

Mananaliksik – isang tao na gumaganap ng pananaliksik , ang

paghahanap para sa kaalaman o sa pangkalahatan anumang sistematikong

imbestigasyon upang magtatag ng mga katotohanan

Page 15: pag in0om ng alak

Menor de Edad – mga kabataang wala pa sa hustong gulang karaniwang

nasa 18 pababa ang edad

Miscarriage - pagkalaglag ng sanggol sa sinapupunan ng kanyang Ina

habang siya ay ipinagbubuntis nito

Peer Pressure – tumutukoy sa impluwensiya sa pamamagitan ng isang

grupo na naghihikayat sa isang tao upang baguhin ang kanyang  pag-

uugali upang tumalima sa grupo na kaugalian.

PAGSUSURI NG MGA DATOS

Mga Pahayag Oo Hindi Madalas Minsan

1. Naiimpluwensiyahan ako ng aking mga

kaibigan kaya ako natutong uminom.

7 0 1 2

Page 16: pag in0om ng alak

Batay sa pagsusuri sa pigurang ito, masasabi natin na malaki ang

impluwensiya ng mga kabarkada kung bakit natututong uminom ang isang

kabataan. Marahil ay dahil sa pakikisama kaya nagagawa nila iyon.

Mga Pahayag Oo Hindi Madalas Minsan

2. Umiinom ako ng alak dahil sa may

problema akong pinagdaraanan.

2 5 0 3

Page 17: pag in0om ng alak

Sa ikalawang pahayag, masasabi natin na may ilan-ilang umiinom dahil sa

may problema silang pinagdaraanan ngunit sa kabila nito nangibabaw pa rin ang

ilang mga kabataan na hindi umiinom kapag may problema silang kinakaharap.

Mga Pahayag Oo Hindi Madalas Minsan

3. Naghahatid sa akin ng kasiyahan ang

pag-inom.

0 6 1 3

Sa pigurang ito, mahihinuha natin na marami sa mga kabataan ang hindi

nasisiyahan sa pag-inom ngunit bakit kaya patuloy pa rin ang kanilang

pagkonsumo at pagtangkilik dito? May ilan namang nagsabi na may kaligayahan

silang nakakamtan dito.

Mga Pahayag Oo Hindi Madalas Minsan

4. Dala ng labis na kuryusidad, gusto kong

tikman kung ano ang lasa ng alak.

7 0 1 2

Page 18: pag in0om ng alak

Masasabi natin na dahil sa maraming bagay ang gustong subukan ng mga

kabataan, dala ng kuryusidad ay natututo silang uminom. Disiplina lamang sa sarili

ang tamang solusyon para rito.

Mga Pahayag Oo Hindi Madalas Minsan

5. Ginagawa kong libangan ang pag-inom

ng alak.

0 7 1 2

Batay sa pigurang ito nakalulungkot isipin na mayroong ilang mga

kabataang ginagawang libangan ang pag-inom ngunit sa kabila nito mas marami pa

rin ang mga kabataang mas inuuna ang ibang bagay kaysa sa pag-inom ng alak.

Mga Pahayag Oo Hindi Madalas Minsan

6. Dahil sa pagkabagot, natutukso akong

uminom ng alak.

0 7 1 2

Page 19: pag in0om ng alak

Sa pahayag na ito may ilang nagsasabi nadahil sa pagkabagot ay natututo

silang uminom ngunit mas marami naman ang nagsabi na hindi sila natutuksong

uminom dala ng pagkabagot.

Mga Pahayag Oo Hindi Madalas Minsan

7. Dahil na rin sa aking nakikita sa loob ng

aming tahanan kaya ako natututong

uminom.

0 9 0 1

Mahihinuha natin na marami ang nagsasabi na hindi nila sa tahanan

natutuhuhang uminom. Kaya naman bilang isang kabataan, dapat piliin natin ang

mga taong ating pakikisamahan nang sa gayon ay hindi tayo mapahamak.

Mga Pahayag Oo Hindi Madalas Minsan

Page 20: pag in0om ng alak

8. Nainom ako dahil sa labis na pagod at

nais ko itong mawala.

0 7 1 2

Sa pigurang ito mahihinuha natin na may mangilan-ngilang mga kabataan

ang naniniwala na nakakapagpawala ng pagod ang pag-inom ng alak ngunit sa

kabila naman nito mas marami pa rin ang hindi naniniwala na hindi ito ang

solusyon sa pagod na ating nararanasan.

Mga Pahayag Oo Hindi Madalas Minsan

9. Nauuso ito kaya gusto kong subukan. 0 6 2 2

Batay sa pahayag na ito, masasabi natin na marami ang nauuso kaya naman

ang ilan sa mga kabataan ay nahuhumaling rito. Displina lamang sa sarili ang

tamang solusyon para rito.

Mga Pahayag Oo Hindi Madalas Minsan

Page 21: pag in0om ng alak

10. Nainom lang ako kapag may okasyon. 8 0 1 1

Batay sa huling pigura at pahayag, mahihinuha natin na marami sa mga

kabataan ang umiinom sa tuwing may nagaganap sa okasyon. Hindi nga naman

masama ang pag-inom batsa’t isaisip lamang natin na lahat ng sobra ay masama

kaya naman dapat lamang tayong magkaroon ng disiplina sa sarili. At tandaan na

maraming mas magagandang bagay ang maaaring gawin kaysa magpatuloy sa

pagkonsumo ng mapanirang alak na ito.

Page 22: pag in0om ng alak

PAGLALAHAD NG RESULTA O KINALABASAN NG PAG-AARAL AT

MGA REKOMENDASYON SA PAGLUTAS NITO

Batay sa mga impormasyon na aking nakalap, mahihinuha natin na ang

nagiging rason ng mga kabataan sa pag-inom ng alak ay ang impluwensya ng

kanilang mga kabarkada kaya sila natututong uminom. Nagpapadala sila sa udyok

ng kanilang barkada. Batay na rin sa aking karanasan, ito rin ang naging dahilan

kung bakit ako natututong uminom. Dala na rin ng pakikisama at alok ng aking

mga kaibigan.

Ang bawat ating kaibigan na ating nakakasalamuha ay may kanya-kanyang

katangian. May dalawa itong mukha, una ay ang mga taong tumutulong sa atin sa

mga panahong nangangailangan tayo at magtuturo sa atin kung an ang tama sa oras

na tayo’y nawalan ng pag-asa. Ang ikalawa naman ay ang mga taong nagtuturo sa

atin sa kamalian, kung tawagin ay masasamang impluwensiya sa isang kabataan.

Ipinapakita lamang nito na dapat ay maging mapanuri tayo sa mga taong ating

pakikisamahan dahil hindi sa lahat ng oras ay dapat tayong magtiwala at makisama

kung alam naman nating hindi ito makakabuti para sa ating lahat ay huwag na

lamang natin iyong gawin.

Sa panahon natin ngayon maraming gustong subukan ang mga kabataan.

Hindi na nila iniisip ang mga bagay na maaaring maging epekto nito sa kanilang

buhay, kung ito man ay makakabuti o makakasama. Ang tanging mahalaga lamang

sa kanila ay kung saan sila masaya at kung anong ginagawa nila sa kasalukuyan.

Wala na silang pakialam kung anong mangyayari sa kanilang kinabukasan kung

patuloy ang kanilang pagtangkilik sa mapanirang alak na ito.

Page 23: pag in0om ng alak

Lahat ng sobra ay nakakasama, kaya naman kung didisiplinahin lamang

natin ang ating sarili maaaring hindi tayo malululong sa nakakalasong inumin na

ito. May kanya-kanya tayong dahilan at rason kung bakit tayo umiinom marahil

dala ng kuryusidad at may problema tayong kinakaharap. Ang problema ay

dumarating sa lahat ng tao, nasa atin lamang kung paano natin ito dadalhin at

sosolusyonan. Ngunit, hindi ba’t hindi naman solusyon ang alak? Sinisira lamang

natin ang ating katawan at kinabukasan dito.

Hindi tayo dapat makiayon sa lahat ng ginagawa ng ibang tao, may sarili

tayong isip upang gamatin sa tamang paraan at panahon. Nasa ating mga kamay

ang ikauunlad ng ating kinabukasan at pati na rin ng ating bansang Pilipinas.

Ang paglango sa alak ay maaaring mauwi sa seryosong problema sa

kalusugan para sa mga kumukonsumo ng alak at sa mga taong nakapaligid sa

kanila. Ito ay isang sakit na kumikitil ng milyung-milyong buhay bawat taon. Ang

ganitong suliranin ay kailangang pagtuunan ng pansin at unti-unting sugpuin.

Maraming programa na ang mga naitatag upang tulungan ang mga biktima nito at

ng maiwasan ang paglala ng ganitong suliranin. May mga bagong batas at

alituntunin ang nagbibigay ng karagdagang suporta para masupit ito.

EPEKTO NG ALAK SA ATING KATAWAN

Page 24: pag in0om ng alak

Ang ilan ay nagsasabi na ang benepisyo ng alak ay mabuti sa kalusugan ng

pangangatawan. Binabawasan nito lapot ng dugo kung kaya’t hindi ito nahihirapan

na umikot sa ating katawan. Sa pakikipagkapwa-tao naman, ang pakikipag-inuman

ay nagsisilbing pakikisama sa mga kaibigan at kamag-anak.

Ang alcohol na sangkap ng alak ay isang chemical na central nervous

depressant. Ibig sabihin, tumutulong ito upang mapakalma ang central nervous

system. Ang mga enzymes sa atay ang siyang tumutulong upang magawang

mailabas sa katawan ang sobrang alak. Ngunit katulad ng ibang bahagi ng

katawan, may hangganan ang kakayahan ng atay sa pag-detoxify o pagtanggal ng

lason na kalidad ng isang sangkap. Kapag nasosobrahan ang pag-inom, higit pa sa

kayang pag-detoxify ng atay, nagkakaroon ng alcohol intoxication. Sa simpleng

salita, nalalasing. Ang ilan sa mga ito’y pagbaba ng blood pressure, pagbilis ng

pulso, pagbagal ng paghinga at pagbaba ng temperatura, pagkaantok, pagkabulol sa

pagsasalita, pagbagal ng paggalaw ng bituka at intestines, pag-iisip at reflexes sa

katawan. Ito ang mga dahilan kung bakit malapit sa sakuna ang mga alcohol

intoxicated.

Isa pa rito, kapag ang isang babaeng nagbubuntis ngunit patuloy pa rin ang

pag-inom ng alak maaaring humantong ito sa miscarriage.

Sa kabila ng mga benepisyo, madami pa din ang masamang epekto ng

sobrang dami ng alkohol sa katawan. Ang isang alcoholic ay maaaring makakuha

ng sakit na kanser sa atay at esophagus. Maaari ring makakuha ng sakit na

pamamaga ng atay (liver cirrhosis), panghihina ng pangangatawan, magkaroon ng

masamang epekto sa pag-iisip (brain damage), at lubhang mapanganib para sa mga

nagdadalang-tao.

Page 25: pag in0om ng alak

Dagdag pa dito, naitalang malaking bilang ng pagkamatay ay dulot ng

aksidente sa mga sasakyan na sanhi ng pagmamaneho habang lasing,

pagpapakamatay at krimen ay gawa ng mga taong nasa impluwensiya ng alak.

Nakakasira ng katawan ang patuloy ng pag-inom ng alak lalo na sa mga

kabataan. Ito ay paglaki ng tiyan o tinatawag na beer belly. Madalas na umiinom

ng alak ang mga kabataan dahil sila ay may problema at gusto nilang makalimutan

ito kahit pansamantala lamang. Iniisip nila na sa pamamagitan ng alak ay

matatakasan nila ang kanilang mga pasanin sa buhay. Ngunit imbis na mabawasan

ang kanilang problema ay madadagdagan pa ito. Maraming epekto ang alak sa

ating buhay, hindi lamang sa taong umiinom nito ngunit pati na rin sa ating

lipunan. Maraming nagaganap na krimen at aksidente dala ng alak.

REKOMENDASYON

Kaugnay ng mga kongklusyong nabanggit, buong pagpapakumbaba kong

inirerekomenda ang mga sumusunod:

a) Para sa mga madalas mag-inom, nawa’y mag-isip muna kung ito ba ay

nararapat gawin lalo na sa panahon ng kahirapan.

b) Para sa mga magulang, maging magandang ehemplo sa mga kabataan

partikular sa kanilang mga anak na may posibilidad na mahantong sa

ganitong bisyo.

c) Sa mga kabataan, isipin ang maaaring maging sitwasyon ng bansa kapag

dumating na ang panahon na sila na ang mamumuno sa mga malalaking

organisasyon o kaya’t sa ating gobyerno at biglaan silang magkakaroon ng

isang malubhang karamdaman dulot ng pag-inom.

Page 26: pag in0om ng alak

Ang pag-inom ay maaaring iwasan. Kailangan lamang ng disiplina at sapat

na kaalaman tungkol sa pag-iinom. Hindi pa huli ang lahat para tigilan ang pag-

iinom. Kayang mabuhay ng walang alak. Oo nga na ang ilan ay nagsasabi na ito ay

maganda sa puso ngunit tandaan na ang lahat ng sobra ay masama. Maaaring

uminom pero dapat ay magdahan-dahan upang mapangalagaan ang ating

kalusugan. Mahirap nang magsisi sa huli kapag dumating ang araw na magbabayad

tayo ng malaki dahil sa ating pag-inom ng alak.

Dapat ay gumawa ng aksyon ang gobyerno tungkol sa pagbebenta ng mga

alak. Dapat ay magkaroon ng mga age limit sa mga bumibili ng alak. Humingi ng

ID kung kailangan. Para masiguro ang seguridad ng mga iinom ng alak. Dahil

karamihan sa mga pinagmulan ng krimen ay ang kalasingan. Kaya’t dapat na

pigilan ang sanhi upang hindi mangyari ang bunga. Isa lamang ito sa mga

problema na dapat lutasin ng mga Pilipino.

Para magsimula na ang pag-asenso at hindi nakatengga lamang at walang

ginagawa kundi uminom ng alak. Kung magsisipag lamang at titigilan ang pag-

inom ng alak ay siguradong gaganda ang mundo. Mababawasan ang mga lasing at

mga adik. Kaya’t dapat na simulan ang pagbabago para mapaganda ang atingating

lipunang ginagalawan. Walang imposible kung ating gugustuhin. Ayon nga naman

sa kasabihan, “Kung gusto maraming paraan. Kung ayaw maraming dahilan.”

Sana’y mapukaw ang mga mambabasa sa pananaliksik kong ito at

makatulong ito sa kanila upang magdesisyon kung tama pa ba ang kanilang mga

ginagawa. Isipin natin na lahat ng sobra ay masama, nasa ating mga kamay ang

ikauunlad ng ating bansang Pilipinas.

Page 27: pag in0om ng alak

BIBLIOGRAPIYA

Searless, John S. 1990. Children of Alcoholics, New York: Guilford Press

Flores, Berlin. 2009. Ang iba’t ibang pisikal at medikal na mga epekto ng

alak addiction.

Hahn, Dale B. 1991. Drugs: Issues for Today. St. Louis Missouri: Morby

Yearbook,

Richards, Donna Beck. 1993. Living with Health. New York: McGraw hill

Inc.

Emedicine-alcoholism by Warren Thompson, MD

www.google.com.ph

http://tl.wikipedia.org/wiki/Alkoholismo

Behind-alcoholicm.php

www.kalusugan.ph

www.reutershealth.com