paano nakakaapekto ang bagong batas sa pangangalaga sa

1
Paano Nakakaapekto ang Bagong Batas sa Pangangalaga sa Kalusugan sa Mga Pamilyang Asian at Pacific Islander Ang impormasyong ibinibigay sa itaas ay batay sa kasalukuyang impormasyon, hindi dapat panghawakan sa mga pagpapasya tungkol sa benepisyo at hindi dapat ituring na legal na payo o payo sa buwis. Hatid ng Blue Cross and Blue Shield of Illinois, isang Division ng Health Care Service Corporation, isang Mutual Legal Reserve Company, at isang Independent na Licensee ng Blue Cross and Blue Shield Association 225995.0214 Mga Bagay na Dapat Mong Malaman Hindi makakahadlang ang isang umiiral na medikal na kundisyon o pagbubuntis sa pagkuha mo ng isang insurance. Maaari nang masaklaw ang iyong mga anak na wala pang 19 taong gulang, kahit na mayroon silang medikal na kundisyon. Simula sa 2014, makakakuha na ang lahat ng insurance na sasaklaw sa isang umiiral na kundisyon tulad ng hika o diabetes, at hindi ka magbabayad ng higit pa dahil sa iyong kundisyon. Maaaring panatilihin ng mga magulang ang kanilang mga anak—hanggang 26 taong gulang—sa kanilang plano sa insurance. Maaari na ngayong manatili sa saklaw ng iyong insurance ang iyong nasa hustong gulang na mga anak hanggang sa pagtungtong nila sa kanilang ika-26 na taon, at hindi nila kailangang makitira sa iyo o maging tax dependent. Saklaw na ngayon ang mga pagpapatingin at serbisyo sa pag-iwas sa sakit—nang walang dagdag na gastos na galing sa bulsa. Buong babayaran ng iyong premium ang karamihan sa pangangalaga para sa pag-iwas sa sakit—tulad ng ilang partikular na pagpapatingin para sa mga kundisyon tulad ng diabetes o mga mammogram para sa maagang pagtuklas sa kanser. At saka, hangga’t bumibisita ka sa doktor sa provider network ng iyong plano sa kalusugan, hindi ka magkakaroon ng co-pay, coinsurance o mga deductible para sa taunang pagpapatingin para sa kalusugan o pagpapabakuna. Hindi maaaring kanselahin ang iyong insurance dahil sa katayuan ng iyong kalusugan. Kahit na mayroon kang nagpapatuloy at kumplikadong pangangalaga sa kalusugan, hindi maaaring kanselahin ang iyong insurance. Maaari lang kanselahin ang iyong insurance sa pangangalaga sa kalusugan sa mga pagkatataon ng pandaraya o kung hindi mo bayaran ang iyong mga premium. Walang mga limitasyon sa pera sa pangangalagang iyong tinatanggap para sa pangunahing kalusugan. Hindi ka na kailangang mangamba sa pagkaubos ng saklaw para sa mga benepisyong iyong kailangan. Inaalis ng batas sa pangangalaga sa kalusugan ang mga dollar limit sa maraming pangunahing serbisyo sa kalusugan. Maaaring makatulong sa iyo ang mga credit sa buwis at tulong na pamamahagi ng gastos sa iyong pagbabayad sa halaga ng saklaw sa kalusugan. Kung nahirapan kang makaya ang gastos ng insurance sa kalusugan, mag- online o tumawag sa Health Insurance Marketplace upang matukoy kung karapat-dapat ka para sa isang programa sa insurance ng pamahalaan, o credit sa buwis at tulong pinansyal upang tumulong sa pagbabayad sa saklaw. Malalaman mo kung ano ang makakatulong sa pagiging karapat- dapat mo kapag nag-live ang bagong website ng Marketplace website sa Okt. 1, 2013. Dinisenyo upang maging mas simple ang pamilili ng pangangalaga sa kalusugan. Ang bagong Health Insurance Marketplace ay magiging lugar kung saan ka makakapamili, makakapagkumpara at makakabili ng mga insurance sa kalusugan mula Okt. 1, 2013 hanggang March 31, 2014. Dinisenyo ito upang gawing maginhawa at madali ang pamimili ng insurance sa kalusugan. Maaaring magmukhang kumplikado ang bagong batas sa pangangalaga sa kalusugan—ang Affordable Care Act. Huwag mag-alala—naririto kami upang mas madali itong maunawaan. Marami sa mga bagong panuntunan ay dinisenyo upang partikular na padaliin para sa iyo at sa iyong pamilya na manatiling malusog. Ipinaliwanag namin sa ibaba ang ilang bagay na dapat mong malaman. BeCoveredIllinois.org facebook.com/becovered.org Twitter: @BeCovered I-text ang “JOINIL” sa 33633 888-809-2796

Upload: vantram

Post on 30-Jan-2017

237 views

Category:

Documents


10 download

TRANSCRIPT

Page 1: Paano Nakakaapekto ang Bagong Batas sa Pangangalaga sa

Paano Nakakaapekto ang Bagong Batas sa Pangangalaga sa Kalusugan sa Mga Pamilyang Asian at Pacific Islander

Ang impormasyong ibinibigay sa itaas ay batay sa kasalukuyang impormasyon, hindi dapat panghawakan sa mga pagpapasya tungkol sa benepisyo at hindi dapat ituring na legal na payo o payo sa buwis. Hatid ng Blue Cross and Blue Shield of Illinois, isang Division ng Health Care Service Corporation, isang Mutual Legal Reserve Company, at isang Independent na Licensee ng Blue Cross and Blue Shield Association

225995.0214

Mga Bagay na Dapat Mong Malaman• Hindi makakahadlang ang isang umiiral

na medikal na kundisyon o pagbubuntis sa pagkuha mo ng isang insurance. Maaari nang masaklaw ang iyong mga anak na wala pang 19 taong gulang, kahit na mayroon silang medikal na kundisyon. Simula sa 2014, makakakuha na ang lahat ng insurance na sasaklaw sa isang umiiral na kundisyon tulad ng hika o diabetes, at hindi ka magbabayad ng higit pa dahil sa iyong kundisyon.

• Maaaring panatilihin ng mga magulang ang kanilang mga anak—hanggang 26 taong gulang—sa kanilang plano sa insurance. Maaari na ngayong manatili sa saklaw ng iyong insurance ang iyong nasa hustong gulang na mga anak hanggang sa pagtungtong nila sa kanilang ika-26 na taon, at hindi nila kailangang makitira sa iyo o maging tax dependent.

• Saklaw na ngayon ang mga pagpapatingin at serbisyo sa pag-iwas sa sakit—nang walang dagdag na gastos na galing sa bulsa. Buong babayaran ng iyong premium ang karamihan sa pangangalaga para sa pag-iwas sa sakit—tulad ng ilang partikular na pagpapatingin para sa mga kundisyon tulad ng diabetes o mga mammogram para sa maagang pagtuklas sa kanser. At saka, hangga’t bumibisita ka sa doktor sa provider network ng iyong plano sa kalusugan, hindi ka magkakaroon ng co-pay, coinsurance o mga deductible para sa taunang pagpapatingin para sa kalusugan o pagpapabakuna.

• Hindi maaaring kanselahin ang iyong insurance dahil sa katayuan ng iyong kalusugan. Kahit na mayroon kang nagpapatuloy at kumplikadong pangangalaga sa kalusugan, hindi maaaring kanselahin ang iyong insurance. Maaari lang kanselahin ang iyong insurance sa pangangalaga sa kalusugan sa mga pagkatataon ng pandaraya o kung hindi mo bayaran ang iyong mga premium.

• Walang mga limitasyon sa pera sa pangangalagang iyong tinatanggap para sa pangunahing kalusugan. Hindi ka na kailangang mangamba sa pagkaubos ng saklaw para sa mga benepisyong iyong kailangan. Inaalis ng batas sa pangangalaga sa kalusugan ang mga dollar limit sa maraming pangunahing serbisyo sa kalusugan.

• Maaaring makatulong sa iyo ang mga credit sa buwis at tulong na pamamahagi ng gastos sa iyong pagbabayad sa halaga ng saklaw sa kalusugan. Kung nahirapan kang makaya ang gastos ng insurance sa kalusugan, mag-online o tumawag sa Health Insurance Marketplace upang matukoy kung karapat-dapat ka para sa isang programa sa insurance ng pamahalaan, o credit sa buwis at tulong pinansyal upang tumulong sa pagbabayad sa saklaw. Malalaman mo kung ano ang makakatulong sa pagiging karapat-dapat mo kapag nag-live ang bagong website ng Marketplace website sa Okt. 1, 2013.

• Dinisenyo upang maging mas simple ang pamilili ng pangangalaga sa kalusugan. Ang bagong Health Insurance Marketplace ay magiging lugar kung saan ka makakapamili, makakapagkumpara at makakabili ng mga insurance sa kalusugan mula Okt. 1, 2013 hanggang March 31, 2014. Dinisenyo ito upang gawing maginhawa at madali ang pamimili ng insurance sa kalusugan.

Maaaring magmukhang kumplikado ang bagong batas sa pangangalaga sa kalusugan—ang Affordable Care Act. Huwag mag-alala—naririto kami upang mas madali itong maunawaan. Marami sa mga bagong panuntunan ay dinisenyo upang partikular na padaliin para sa iyo at sa iyong pamilya na manatiling malusog. Ipinaliwanag namin sa ibaba ang ilang bagay na dapat mong malaman.

BeCoveredIllinois.orgfacebook.com/becovered.org

Twitter: @BeCoveredI-text ang “JOINIL” sa 33633

888-809-2796