opisyal na pahayagan ng makibaka · pdf filepuna o mungkahing nais ... balita, tula at...

8
OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MAKIBAKA PANGALAWANG ISYU Hulyo 2005 Ang MALAYANG PILIPINA ay opisyal na babasahin ng MAKIBAKA na inililimbag apat na beses isang taon. Bukas po ang patnugutan sa anumang puna o mungkahing nais ninyong iparating. Tumatanggap din ang Malayang Pilipina ng kontribusyon sa anyo ng artikulo, balita, tula at maikling kwento. Maaari itong ipadala sa: [email protected] People Power at Rebolusyon Panayam sa Tagapagsalita ng MAKIBAKA T uluyan ng nagkawatak-watak ang rehimeng US-Arroyo sa harap ng lumalawak at lumalakas na kilusang masa na naghahangad na mapatalsik si Gloria Macapagal-Arroyo (GMA). Pero kapit - tuko pa rin si GMA sa kapangyarihan. Mariin niyang pinangalandakan sa sambayanan: “I will not resign!” Pinag-ibayo pa niya ang kanyang pagmamaniobra sa pulitika: nagbabayad para may pro-GMA rallies at ginagamit ang Philippine National Police at ang kaalyadong mga taga- Armed Forces of the Philippines upang supilin ang mga protestang anti -GMA. Dahil dito, lalo pang tumindi ang krisis pang-ekonomiya at pampulitika sa bansa. Sa pagposisyon ni Cory Aquino, ng Liberal Party at ng Makati Business Club, at sa pagresign ng 10 ng kabinete ni GMA, malinaw na lalo lamang tumindi ang bangayan. Tuloy-tuloy na ngang nabibiyak ang naghaharing-uri. At lalo lamang itong magpapabilis sa pagsulong ng pambansa demokratikong rebolusyon. Kinapanayam ng Malayang Pilipina (MP) si Ka Malaya Libertad (ML), tagapagsalita ng MAKIBAKA, para magbigay ng linaw sa mga kasalukuyang kaganapan, at sa mga epekto nito sa bayan at rebolusyon. MP: Aligaga ngayon ang buong bansa sa nabulgar na pandaraya ni GMA sa nakaraang eleksyon. Dumarami na ang lumalahok sa mga kilos protesta para patalsikin siya. Nangyari na ito noong Edsa 1 kay Marcos, at Edsa 2 kay Estrada. Kung mapapatalsik si Gloria, ano ang bentaheng maidudulot nito sa bayan? ML: Unang-una, magpapakita ito na kapag sambayanan ang kumilos, walang presidenteng diktador, korap, peke o mandaraya ang maaaring makapanatili sa puwesto. Nagbibigay ito sa masa ng pampulitikang karanasan. Kapag sila ay nagkaisa at kumilos, tiyak na makapangyayari ang kanilang kagustuhan. Iyon ang pinakamahalaga. Ngunit higit sa pagpapatalsik sa mga bulok na rehimen, ang lakas o kapangyarihan ng sambayanan ay magagamit para sa pagpapalit ng isang buong sistemang panlipunan na malakolonyal at malapyudal. Kaya hindi makakabuti para sa kanya, at sa buong reaksyunaryong sistema, na magmatigas pa si GMA sa kapangyarihan. Lalo lamang nitong gagalitin ang sambayanan. Habang tumatagal, lalo lamang makikita ng sambayanan ang kahalagahan, hindi lamang ng people power sa kalunsuran, kundi ng sandatahang rebolusyonaryong kilusan sa kanayunan para baguhin na ang buong bulok na sistema. MP: Ibig bang sabihin nito, mas makabubuti para sa rebolusyon na manatili na lamang si Gloria sa kapangyarihan? ML: Hindi. Ang hindi makakabuti sa mamamayan ay hindi rin makakabuti para sa rebolusyon. Kaya naman dumarami ang nagnanais at kumikilos na siya ay pabagsakin. Hangga’t reaksyunaryo ang estado at naglilingkod sa imperyalismong U.S. at mga asendero-komprador sa bansa walang magagawang buti ito sa mamamayan. Magpapatuloy ang mga pagpapahirap ni Gloria sa ekonomiya, tulad ng VAT, Oil Deregulation Law, at Mining Act , bilang ilang halimbawa. Nandiyan pa ang nakaambang “anti-terrorism bill,” gayong nakakaranas na ang mga mamamayan ng malawakang paglapastangan sa kanilang mga karapatan. Maging ang Korte Suprema ay naging sunud-sunuran lamang sa mga kagustuhan ni Gloria. Ang kongreso naman ay kontrolado ng mga kapwa niya reaksyunaryo. Sa mga pangyayari ngayon , higit na lumilinaw sa masa na walang makabuluhang aasahan sa

Upload: hoangkhue

Post on 06-Feb-2018

416 views

Category:

Documents


64 download

TRANSCRIPT

Page 1: OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MAKIBAKA · PDF filepuna o mungkahing nais ... balita, tula at maikling kwento. Maaari itong ipadala sa ... balangay ng MAKIBAKA sa mga pag-aaral dahil tinatalakay

O P I S YA L N A P A H AYA G A N N G M A K I B A K A

PANGALAWANG ISYU Hulyo 2005

Ang MALAYANG PILIPINA ay opisyal nababasahin ng MAKIBAKA na inililimbag

apat na beses isang taon.

Bukas po ang patnugutan sa anumangpuna o mungkahing nais ninyong iparating.

Tumatanggap din ang Malayang Pilipinang kontribusyon sa anyo ng artikulo, balita,

tula at maikling kwento. Maaari itongipadala sa:

[email protected]

People Power at RebolusyonPanayam sa Tagapagsalita ng MAKIBAKATuluyan ng nagkawatak-watak ang

rehimeng US-Arroyo sa harap nglumalawak at lumalakas na kilusangmasa na naghahangad na mapatalsiksi Gloria Macapagal-Arroyo (GMA). Perokapit - tuko pa rin si GMA sakapangyarihan. Mariin niyangpinangalandakan sa sambayanan: “I willnot resign!” Pinag-ibayo pa niya angkanyang pagmamaniobra sa pulitika:nagbabayad para may pro-GMA rallies atginagamit ang Philippine National Policeat ang kaalyadong mga taga-ArmedForces of the Philippines upang supilin angmga protestang anti-GMA.

Dahil dito, lalo pang tumindi ang krisispang-ekonomiya at pampulitika sa bansa.Sa pagposisyon ni Cory Aquino, ngLiberal Party at ng Makati Business Club,at sa pagresign ng 10 ng kabinete ni GMA,malinaw na lalo lamang tumindi angbangayan. Tuloy-tuloy na ngangnabibiyak ang naghaharing-uri. At lalolamang itong magpapabilis sa pagsulongng pambansa demokratikongrebolusyon.

Kinapanayam ng Malayang Pilipina (MP)si Ka Malaya Libertad (ML), tagapagsalitang MAKIBAKA, para magbigay ng linawsa mga kasalukuyang kaganapan, at samga epekto nito sa bayan at rebolusyon.

MP: Aligaga ngayon ang buong bansa sanabulgar na pandaraya ni GMA sanakaraang eleksyon. Dumarami na anglumalahok sa mga kilos protesta parapatalsikin siya. Nangyari na ito noong Edsa1 kay Marcos, at Edsa 2 kay Estrada.Kung mapapatalsik si Gloria, ano angbentaheng maidudulot nito sa bayan?

ML: Unang-una, magpapakita ito nakapag sambayanan ang kumilos, walangpresidenteng diktador, korap, peke omandaraya ang maaaring makapanatili sapuwesto. Nagbibigay ito sa masa ngpampulitikang karanasan. Kapag sila aynagkaisa at kumilos, tiyak namakapangyayari ang kanilangkagustuhan. Iyon ang pinakamahalaga.Ngunit higit sa pagpapatalsik sa mgabulok na rehimen, ang lakas okapangyarihan ng sambayanan aymagagamit para sa pagpapalit ng isangbuong sistemang panlipunan namalakolonyal at malapyudal.

Kaya hindi makakabuti para sa kanya, atsa buong reaksyunaryong sistema, namagmatigas pa si GMA sakapangyarihan. Lalo lamang nitonggagalitin ang sambayanan. Habangtumatagal, lalo lamang makikita ngsambayanan ang kahalagahan, hindilamang ng people power sa kalunsuran,

kundi ng sandatahang rebolusyonaryongkilusan sa kanayunan para baguhin na angbuong bulok na sistema.

MP: Ibig bang sabihin nito, mas makabubutipara sa rebolusyon na manatili na lamangsi Gloria sa kapangyarihan?

ML: Hindi. Ang hindi makakabuti samamamayan ay hindi rin makakabuti parasa rebolusyon. Kaya naman dumaramiang nagnanais at kumikilos na siya aypabagsakin. Hangga’t reaksyunaryo angestado at naglilingkod sa imperyalismongU.S. at mga asendero-komprador sabansa walang magagawang buti ito samamamayan. Magpapatuloy ang mgapagpapahirap ni Gloria sa ekonomiya,tulad ng VAT, Oil Deregulation Law, at MiningAct, bilang ilang halimbawa. Nandiyan paang nakaambang “anti-terrorism bill,”gayong nakakaranas na ang mgamamamayan ng malawakangpaglapastangan sa kanilang mgakarapatan.

Maging ang Korte Suprema ay nagingsunud-sunuran lamang sa mga kagustuhanni Gloria. Ang kongreso naman aykontrolado ng mga kapwa niyareaksyunaryo. Sa mga pangyayaringayon , higit na lumilinaw sa masa nawalang makabuluhang aasahan sa

Page 2: OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MAKIBAKA · PDF filepuna o mungkahing nais ... balita, tula at maikling kwento. Maaari itong ipadala sa ... balangay ng MAKIBAKA sa mga pag-aaral dahil tinatalakay

PANGALAWANG ISYU • OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MAKIBAKA2 MAKABAYANG KILUSAN NG BAGONG KABABAIHAN

sistemang ito. Hindi na sasapat angpagpalit lamang ng mukha ng mgamamumuno. Kailangan na ngsignipikanteng pagbabago angmalakolonyal at malapyudal na sistemangito. Ang susi dito ay ang pagkilos atpagkakaisa ng buong sambayanan.

MP: Sinusuportahan ba ng rebolusyonaryongkilusan ang people power para sapagpapatalsik kay GMA?

ML: Oo, at dapat lamang. Anumangkaluwagan sa krisis na maibibigay sasambayanan ay nararapat lamangsuportahan ng rebolusyonaryong kilusan.Malaon nang panawagan ng kilusan naibagsak si GMA hindi lamang dahil sa mgapagpapahirap nito sa bayan, kundi dahilnagpakita siya ng sobrang pagkatuta sa US.Kaya ang mga hayag na pakikibaka ng masa,laluna ang mga pag-aalsa tulad ng peoplepower, ay umaakma sa panawagan ngkilusan batay sa antas ng kakayahan ngmamamayan sa kalunsuran. Nagigingmahalagang kawing ito sa pag-abante ngrebolusyon sa kabuuan.

MP: Paano kung sa pagbagsak ni GMA aygayon pa rin ang sitwasyon, o lumubha pakaysa dati? Hindi kaya manawa na angmamamayan, at magsabing mabuti panoong panahon ni Marcos, ni Erap, o niGloria?

ML: Kaya hindi dapat tumigil ang pagkilosng sambayanan hanggang sa pagpapalitlamang ng rehimen. Hindi natatapos angkrisis ng malakolonyal at malapyudal nalipunan sa pagbagsak si GMA. Hindimalulutas ang tumitindi pang krisis sa pulitikaat ekonomya hanggat hindi naibabagsakang mismong reaksyunaryong sistemangmalakolonyal at malapyudal sa bansa atmaitayo ang bago.

Kung nais na magkaroon ng mapagpasyangpagbabago, kinakailangan ang isang tunayna gobyerno ng mamamayan, nakumakatawan laluna sa interes ng mayorya,

ML: Na siyang dapat. Malaon nangnagrerebolusyon ang mga mamamayan saPilipinas. May 130 larangang gerilya na sabuong bansa, na umaabot na sa mayoryang mga probinsya. Ang pinag-uusapan nalamang ay ang mas malawak pang latag atpag-abante nito. Sa kanayunan, malaonnang itinatayo ng rebolusyonaryong kilusanang ganitong gobyerno sa antas ng mgabaryo at munisipalidad sa mga larangan atsonang gerilya sa kanayunan. Mayrebolusyonaryong sistemang panggubyernona umiiral at sumasaklaw sa signipikantengbilang ng mamamayan at lugar sa bansa.May sarili na rin itong hukbong sandatahan,ang Bagong Hukbong Bayan at may sistemang hustisya, ang Hukumang Bayan. Angpag-abante ng rebolusyon at ang paglawakng latag ng gobyerno nito ang higit nakinatatakutan ng mga reaksyunaryo.Habang umaabante ito, humihina namanang kapangyarihan ng reaksyunaryonggobyerno at naghaharing-uri.

MP: Ano ngayon ang kaugnayan ngpagrerebolusyon sa people power sakalunsuran?

ML: Ang pagsusulong ng armadongpakikibaka sa kanayunan ang pangunahinat mas epektibong porma ngpagrerebolusyon upang matiyak ang tunayna pagbabago. Ngunit may positibo atmakabuluhang ambag ang people powersa pagsusulong ng rebolusyon. Mahalagana nakikita ng mamamayan ang bisa ng sariliat organisado nilang pagkilos. Ang esensyang rebolusyon ay ang nagkakaisangpagkilos at pag-aalsa ng mamamayan, sakanayunan at kalunsuran, laban sa bulok

ng mga manggagawa at magsasaka.Hanggat hindi naitatayo ang ganitonggobyerno, magiging mabuway ang alinmangipapalit sa gobyerno ni GMA, at mauuwi rinsa pagbagsak nito.

MP: Pambansa demokratikong rebolusyonna ang kailangan para maitayo ang ganoongklase ng gobyerno.

na sistema at sa pagpapalit ng bago. Hindinatatapos ang pagrerebolusyon sapagpapabagsak ng isang sistema, masmahalaga ang pagtatayo ng bago.

Malaki ang naitutulong ng people power sakalunsuran sa pagpapahina sareaksyunaryong kontrol at kapangyarihan.Kaya naman hindi na makapaghari tuladnang dati ang reaksyunaryo. Sa paglahok atpakikialam ng mamamayan sa pulitika ngbayan, lalong lumalakas ang kumpyansa nilasa kanilang sarili. Kaya hindi nagtagal siErap, at hindi rin magtatagal si GMA osinuman sa susunod na mga papet narehimen na di tutugon sa batayangpangangailangan ng sambayanan.

MP: Sa ganitong kalagayan, ano angnapapanahong tungkulin nating mgarebolusyonaryo?

ML: Mahalagang oportunidad angkasalukuyang sitwasyon para maglinaw ngrebolusyonaryong alternatibo samamamayan. Tungkulin nating mgarebolusyonaryo na palakasin at palawakinang hanay ng masang nagpoprotesta, atiluwal ang isang higanteng kilusang masasa kalunsuran na yayanig sa sentro ngreaksyon. Mahalagang pasiglahin ng mgakasapi ng MAKIBAKA ang kanilangpartisipasyon sa mga progresibo atmilitanteng kilusang kababaihan, palawakinang rebolusyonaryong propaganda atedukasyon, tukuyin ang mga potensyal narekrut sa MAKIBAKA o kilusang lihim.

Mahalaga ring bigyan ng pansin angpaglalatag ng malawak na lambat para sarebolusyonaryong kilusang lihim.Kailangang harapin ang pagtitiyak ng suportapara sa digmang bayan. Kasama na dito angpagpaparami at pagpapakilos ng mgasimpatisador na handang tumulong sarebolusyon kahit sa limitadong paraan.

Ito ang mga kagyat at mahahalagangtungkulin na hinaharap ngayon ngMAKIBAKA at mga kasapi nito.

Page 3: OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MAKIBAKA · PDF filepuna o mungkahing nais ... balita, tula at maikling kwento. Maaari itong ipadala sa ... balangay ng MAKIBAKA sa mga pag-aaral dahil tinatalakay

MAKABAYANG KILUSAN NG BAGONG KABABAIHAN 3PANGALAWANG ISYU • OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MAKIBAKA

Ito ay translated excerpt mula sa orihinal na Ilokano ng pahayagng MAKIBAKA-Hilagang Luzon noong Araw ng mga Ina. Galingito sa PRWC at minarapat ng patnugutan ng Malayang Pilipinana ilathala sa isyung ito.

Sa araw ng mga ina, patuloy kaming inaapi at pinagsasamantalahan!MAKIBAKA-Hilagang Luzon

May 8, 2005

Dakila ang mga ina sapagkat sila angnagbigay-buhay sa atin.. Ngunit hindilamang panganganak ang pinagtiisan ngmga ina.

Sa paglipas ng panahon, pinasan atpinapasan nila ang patuloy na paghihirapsa buhay dahil sa tumitinding krisispangkabuhayan. Di hamak na mas madaliang panganganak kumpara sa pag-iisipkung paano iraraos ang pagpapaaral,pagpapagamot, at paghahanap ngikabubuhay upang mapakain, madamitanat mapalaki ng maayos ng mga ina’t amaang kanilang mga anak.

Wala kahit anong ginhawa sa buhay sakabila ng nakasubsob ang ulo ng mgananay sa pakikitanim sa bukid, pagtitindasa palengke, paglalabada, at maging angtrabaho ng mga propesyunal nakababaihan gaya ng pagtuturo.

Tunay ngang dakila ang mga ina. Hindina lamang sila nagkakasya sa pagtitiissa ganitong kalagayan. Sinusuri rin nila

Wasto lamang na gumamit ng iba’t ibangparaan upang pabagsakin ang isanggubyernong nagpapahirap sa kababaihanat sambayanan upang wakasan angkontrol ng imperyalistang US.

Wakasan natin ang krisis sa pamamagitanng pagtatayo ng isang bagong sistema nggubyerno na pangungunahan ng mgapinagsasamantalahang mamamayan.

Mabuhay ang kababaihan!Kumilos upang ipagtanggol ang buhayat karapatan sa panahon ng krisis!

kung bakit patuloy na lumalala ang matagalnang malalang kalagayan sa buhay. Angkrisis sa ekonomya, ang kawalan ng lupang mga magsasaka, ay bunga at pinatitinding imperyalistang US, na siyang kaawayng mga ina at ng sambayanang Pilipino.

Dakila ang mga ina, sapagkat kumakawalasila mula sa masikip at makipot na tahananupang singilin at pabagsakin ang anti-kababaihan at anti-mamamayang rehimenni GMA.

Batid ng kababaihan na hindi ito panahonng pananahimik. Batid nila ang aral ngkasaysayan na hindi pagmamakaawa atpag-asa sa gubyerno ang solusyon sakahirapan.

Kasama ng mga asawa, anak, kapwakababaihan, at mamamayang inaapi atpinagsasamantalahan, pinalalakas ng mgaina ang buong sambayanang lumalaban.Nag-aarmas ang dumaraming kababaihan,sumasapi sa NPA, dahil wasto lamang nalumaban sa panahon ng krisis, pang-aapi at pagsasamantala.

MAKIBAKA Audio/Video Library: Mga bagong dagdag!(Itinataguyod ng MAKIBAKA ang mga rebolusyonaryong awit, pelikula at dokumentaryo bilang bahagi ng pagsusulong ngrebolusyonaryong kultura. Kaugnay nito, ang MAKIBAKA ay may Video Library. Koleksyon ito ng mga rebolusyonaryong

audio at video CD’s na maaaring hiramin o ipakopya. Bilang bahagi ng pagpapalanagap ng Video Library, regular na kolum sa MPang laman ng ating Video Library. Maaaring sabihin sa inyong MAKIBAKA Organizer kung gusto ninyong humiram o magpakopya(magbigay lamang ng blangkong recordable CD’s). Hinihikayat ng MAKIBAKA ang pagpapa-kopya para magkaroon ng sarilingVideo Library ang mga tsapter ng MAKIBAKA. Itaguyod ang rebolusyonaryo at mapagpalayang kultura!)

NDF 12pt PROGRAM (1 CD, 35 minuto): Ito ay video-documentary na ginawa para sa ika-32 anibersaryo ng NDF. Ipinalabasito noong Abril 25, 2005 sa Abelardo Hall, UP DIliman. Nilalaman nito ang 12 Puntong Programa ng NDF at mga video presentations ngm,ga allied organizations ng NDF, kabilang ang MAKIBAKA. Napapanahon ang video-documentary at maaaring gamitin ng mgabalangay ng MAKIBAKA sa mga pag-aaral dahil tinatalakay nito ang mga programa ng NDF para sa mamamayan.

Luis Jalandoni, OPTION FOR THE POOR, from pristine robes to red flags of struggle (1 CD, 31 minuto at 14segundo): ito ay video-dokumentaryo sa buhay at pagkamulat ni Ka Louie Jalandoni, pinuno ng NDF Peacepanel, mula sa pagiginganak ng asendero, pagiging pari at pagiging rebolusyonaryo. Ginawa ang video-documentary noong Pebrero 2005 bilang bahagi ngparangal kay Ka Louie sa kanyang ika-70 kaarawan. Bahagi nito ang 5 minutong pagpupugay ni Ka Coni Ledesma kay Ka Louie. SiKa Coni Ledesma, asawa ni Ka Louie, ay bahagi din ng NDF Peacepanel at siya ring International Spokesperson ng MAKIBAKA.

ABANGAN!!! MAKIBAKA VIDEO!!! Ito ay naglalaman ng pagpapakilala sa MAKIBAKA bilang rebolusyonaryong organisasyonng kababaihan, ang ipinaglalaban ng MAKIBAKA at ang programa nito para sa kababaihan at sambayanan. Maaaring gamitin angvideo bilang bahagi ng inilulunsad na MAKIBAKA Orientation para sa mga kasapi ng MAKIBAKA. Inaasahang sa paglabas ng videoay lalong sisigla ang mga balangay ng MAKIBAKA.

ITAGUYOD ANG REBOLUSYONARYO AT MAPAGPALAYANG KULTURA!

ay nagpapasalamat sa kay: Ka Nikita, KaLuigi, Ka Mika para sa mga artikulo sa

isyung ito; Ka Nina sa paglalapat ng letraat larawan; at sa PRWC para sa pahayag

ng MAKIBAKA-Hilagang Luson.

Ang Patnugutan ng

Page 4: OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MAKIBAKA · PDF filepuna o mungkahing nais ... balita, tula at maikling kwento. Maaari itong ipadala sa ... balangay ng MAKIBAKA sa mga pag-aaral dahil tinatalakay

Araw ng mga PulangAlon ng Bayan

Ang sanaysay na ito ay isinulat ni Ka Mika, isang 15 taong gulang na bata, na dumalo sapagdiriwang ng ika-32 anibersaryo ng NDF ( National Democratic Front of the Philippines).Bahagi si Ka Mika ng isang organisasyon ng mga bata na itinataguyod sa loob ng NDF.Narito ang kanyang pagnilay-nilay sa pagdiriwang.

Umpisa pa lang, halos malunod na ako sasunod-sunod na pagdaluyong ng animo’ymga pulang alon, ang mga bandila ngpakikibaka. Dala-dala ng mga along iyon anglabimpitong bangka na sama-samangnaglalayag sa dagat ng NDF.

Isang malalim at malawak na dagat nabinubuo ng mga rebolusyonaryongorganisasyon at alyansa na lumalaban parasa pambansang demokrasya at tunay nakalayaan ng bayan ang NDF. Angmakapagtayo ng isang malaya, demokratiko,makatarungan, at maunlad na bansa angnatatangi nitong adhikain.

Sa saliw ng masiglang musika atmasigabong palakpakan, walang takot naiwinawagayway sa gitna ng entablado angmga pulang bandila, mga ondang malayangdumadaloy sa hangin. Rumaragasangbumaba ng entablado ang mga taong mayhawak ng mga watawat.

Sa isang iglap, napapaligiran na ako ng mgabandilang bumabalong, kasama ng mgahindi mabilang na kamaong nakataas.

Ilang kasama ang pabirong nagbulung-bulungan.

“Natatakot ka na ba?”

“Oo nga e. At umpisa pa lang ‘to, ha!”

Bigla akong natigilan. Kasabay ngdumadagundong na tunog ng tambol,bumilis din ang ritmo ng pulso ko. Bakit baako kakabahan? Bata pa lang, isinasamana ako ng mga magulang ko sa mgaganoong tipo ng okasyon. Kung tutuusin,hindi na bago sa akin ang mapabilang saganoong klase ng pagdiriwang. Ano nga baang kinaiba ng sitwasyon ko ngayon?

Hindi ko namalayan, pansamantala napalang humupa ang mga malalaking ondaat nag-umpisa na ang programa. Isangdokumentaryo na nagpapakila sa mgakasaping organisasyon ng NDF angipinalabas. Kasunod nito, mayroong mganaghandog ng ilang awit, tula, sayaw, at ibapang tipo ng pagtatanghal.

Habang nanonood, tila ba mayroongbumabagabag sa isip ko. Bakit parangnalilito ako? Kaya naman pala. Natawa tuloyako sa sarili ko. Noon ko nga lang palanarinig ang marami sa mga nabanggit nakasaping organisasyon ng NDF. Hindi manlang ako pamilyar sa halos lahat ng mganabanggit na samahan, maliban na lang saiilan na kilala na naman ng karamihan,katulad ng Kabataang Makabayan, PartidoKomunista ng Pilipinas (PKP), at syempre,ang Bagong Hukbong Bayan. Nasabi ko tuloysa sarili ko, akala mo naman kung sinokang magaling. Lumulutang ka lang palasa bula, pilit na lumalangoy sa lupa.

Muli, hindi ko na naman namalayan, nasapanghuling bahagi na pala kami ngprograma para sa umagang iyon. Sa ibangbulwagan magaganap ang mga kasunodna bahagi noong buong araw napagdiriwang.

Bago magtapos ang programa, nagpaabotng pagpupugay si Ka Roger, angtagapagsalita ng PKP ng Pilipinas, sapamamagitan ng telepono. Hindimagkamaliw ang palakpakan ng mga tao.

Ipinakita rin ang labindalawang puntongprograma ng NDF. Malinaw ang gustongsabihin ng bawat punto. Sa kabuuan, naisng programa na patuloy na mapaigting anglaban para maitayo ang isang bayangmalaya, may demokrasya, at maunlad angkabuhayan ng mga mamamayan.

***Sumasagitsit ang bawat butil ng pawis nalumabas sa katawan ko habang naghihintaypara makapasok sa loob ng maliit natanghalan. Pangalawang bahagi na iyon ngbuong araw na anibersaryo. Nagsisiksikanang lahat para mapanood ang hinandangdokumentaryo, ngunit sadyang hindimahulugang-karayom ang lugar sa kapal ngtao kaya’t kakaunti lang ang nakapasok. Butiat nakasingit pa kami ng mga kasama ko.

Takatak. Takatak. Takatak. Ting!

Hindi ito tunog mula sa isang tumatakbongkabayo, hindi rin naman mula sa pagpatakng ulan, at mas lalong hindi galing sa pagkapang mga teklado ng piyano.

Takatak. Takatak. Takatak. Ting!

Paulit-ulit namin itong narinig sa umpisa ngdokumentaryo. Dahan-dahang lumabas angisang larawan ng makinilya. Dito palananggagaling ang mga tunog.

MAKABAYANG KILUSAN NG BAGONG KABABAIHAN 4PANGALAWANG ISYU • OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MAKIBAKA

Mabuhay ang ika-32anibersaryo ng NDF!!!

Page 5: OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MAKIBAKA · PDF filepuna o mungkahing nais ... balita, tula at maikling kwento. Maaari itong ipadala sa ... balangay ng MAKIBAKA sa mga pag-aaral dahil tinatalakay

MAKABAYANG KILUSAN NG BAGONG KABABAIHAN5 PANGALAWANG ISYU • OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MAKIBAKA

sundan sa p8

He never wrote ‘30’ ang pamagat ng unangpresentasyon, tila galing sa mga ritratongkupas ang bawat tagpo, punong-puno ngkasaysayan. Pararing hinugot mula samga lumangpelikula ang ilan samga eksena sad o k u m e n t a r y o .Isang sulyap sagunita, ito angd o k u m e n t a r y otungkol sa buhay ni Ka Antonio Zumel, angkauna-unahang tagapangulo ng NDF.

Galing siya sa isang maykayang pamilya saIlokos at nag-umpisa bilang isang tanyag namanunulat sa diyaryo. Hindi naglaon, nakitaniya ang katotohanan ng kahirapan atpagsasamantala ng mga naghaharing-uri samamamayan. Naging daan ang kanyangtalento sa pagsusulat upang mabago anglahat ng iyon. Naging pangunahin niyangsandata ang makinilya upang mamulat angmasa.

Hindi naglaon, nagpasya siyang humawakng iba pang klase ng armas. Namundok siyaat nakibaka. Tuluyan niyang tinalikuran angnakagisnang karangyaan at pinagsilbihanniya ang masang api. At iyon na nga, nagingunang pinuno ng NDF si Ka Zumel. Buongpuso niyang pinaglingkuran ang bayan.Namatay siya sa malayong bayan ngNetherlands noong 2001 dahil sa sakit.

Tama nga siguro, He never wrote ‘30’. Hindisiya sumuko, hindi siya naglagay ng tuldoksa hangganan ng maaari niyang maiaalaypara sa sambayanan.

***Awit at Ngiti. Ito ang pamagat ngpangalawang dokumentaryo. Tungkolnaman ito sa dalawang military na nabihagng hukbong bayan sa Bikol.

Umpisa pa lang ng palabas, napuno naagad ng malalakas na palakpakan attawanan ang buong bulwagan nangipinakita ang mukha, bago at pagkataposmabihag, ng mga nasabing military.

Huling ipinalabas ang Green Guerillas.

Tungkol ito sa mga hukbo at sa mgakatutubong Mandaya na nagtulungan parasa kapakanan ng kalikasan at ngsambayanan sa Compostela Valley saMindanao. Nais putulin ng ilang mga ganidna kompanya ang mga puno sa lugar na iyon.Ngunit hindi payag ang mga katutubongmakamkam ang lupang nagmula pa sakanilang mga ninuno.

Isang eksena mula sa bandang dulo ngdokumentaryo ang matingkad na tumatak sa

Sa unang mga ritrato, mukhang hindi silamatitinag, kalbo at walang ekspresyon angkanilang mga mukha. Tila batas lang ngkamay na bakal ang kanilang kinikilala.Ngunit, ibang-iba na ang hitsura nila samga sunod na larawan. Mahaba na angmga buhok at may mga bigote’t balbas pasila. Malaki ang mga ngiti at may kakabitpa ngang ‘ka’ ang kanilang mga pangalanna para bang mga ‘kasama’ na silangtalaga.

Ilang buwan silang nanatili kasama nghukbong bayan. Pinakita ang buhay nilasa kampo bilang mga ‘bihag’, ngunit samga eksena sa dokumentaryo, malayong-malayo sa pagiging mga kaaway ang tratosa kanila ng mga kasama. Malaya silangnakapaglakad-lakad sa loob ng kampo nghindi nakatali . Kung ano ang pagkain ngmga hukbo, ganoon din ang sa kanila. Sailang tagpo’y pinakita pa sila na naglalarong chess at tumutugtog ng gitara.

Pagkalaya nila, agad silang pinaharap samedia. Ayon sa kanila, hindi raw silapinapakain ng maayos at lagi na langsilang nakatali’t nakakulong. Kitang-kita sakanilang mga pahayag ang talamakangpagsisinungaling at pagkabalimbing.

Pakanta-kanta pa sila kunwari ng mgaawitin ng mga kasama. Akala ko pa mandin, kahit sa isang saglit, naliwanagan nasila. Sintunado pa rin pala.

Mabuhay ang ika-32 anibersaryo ng NDF!!!

***

***Noong gabi, isa dokumentaryo angipinalabas tungkol sa buhay ni Ka LuisJalandoni , ang tagapangulo ng konsehong NDF para sa NegosasyongPangkapayapaan.

Mula siya sa mayamang pamilya. Malakingpanginoong maylupa ang kanyang angkansa Negros. Noong una, nagpasya siyangpumasok sa seminaryo para maging pari.Doon siya unang namulat sa kahirapan nadinaranas ng mga maralita, laluna ng mgamagsasaka at sakada. Nakita niya angkamaliang ginagawa sa mga sakada sakanilang lugar at doon siya unang tumulongat nakilahok sa laban ng mga uring naaapi.

Nagkaroon din ng ilang mga pangkulturangpagtatanghal at paghahandog ng isangmural para sa pamilya ni Ka Louie.

akin. Ilang katutubong batang babae angmakikitang nagsasayaw sa saliw ngkatutubong musika. Nakataas ang kanilangkamay sa hangin, kumakampay na tila mgaibong malaya.

Kahit unti-unti nang naglalaho ang mgakatutubo, pilit man silang binubuwag, patuloypa rin ang laban.

Hindi basta-basta magmamaliw ang kanilangmga adhikain, hindi basta susuko, hanggangsa mayroon pang mga kasunod nahenerasyon na mangangalaga sa kanilanglupa, at magpapatuloy sa kanilang mgatradisyon.

Kasama nila ang mga hukbo, hindi lang salaban para sa kalayaan, kundi pati na rin salaban para sa kalikasan.

***

Page 6: OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MAKIBAKA · PDF filepuna o mungkahing nais ... balita, tula at maikling kwento. Maaari itong ipadala sa ... balangay ng MAKIBAKA sa mga pag-aaral dahil tinatalakay

PANGALAWANG ISYU • OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MAKIBAKA6 MAKABAYANG KILUSAN NG BAGONG KABABAIHAN

Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!Pagpupugay sa mga kasama sa Gitnang Luzon

Ka Nikita

Walang ibabatbat ang nag-aalburotongmakina ng jeep at dalawang naghihingalongtricycle sa halos limampung sabik na paresng paa na matunton ang mga kasama.

Dalawa hanggang tatlong oras na lakaran,ang dinig namin, ilang araw bago angiskedyul. Ngunit ilang minuto pa lamang sapaglalakad, payuko nang nagbiro si Ka Dex,aabutin kami ng hatinggabi sa masukal nadaan.

Halos tatlong oras pa, at may sumalubongna sa amin. Sinamahan nila ang pagal nagrupo sa isang kubo kung saan nagaantabayang ilang mga kasama. Nakipagkamay athumandusay, payapa naming hinabol anghininga. Saka kumain ng pansit, na tiranghanda ng masa para sa kanilang bagonggradweyt na anak.

Alas tres na yata ng hapon nang ayusin angaming hanay at muling naglakad. Halosgapangin namin ang tereyn ng bahaging itong Gitnang Luzon. Durug-durog na ang mgatipak ng lupang inapakan ng nauna, paanoiigpaw? Plakda! Sinong napa-plakda? Ah,pero nariyan ang malalakas na bisig nainiaabot ng masa at magsasakangmatiyagang sinabayan ang mabagal naminglakad. Malayong mas matatanda pa sa aminngunit kayang hanguin ang dalawang taongnalulunod sa mala-banging daanan.

Inabutan na kami ng dilim. Nangmagpahingang saglit ay sinuyod ng tingin niKa Abril ang bulto—”Siguro kungmaghuhukbo ang lahat ng ito…” hindi ko nanarining ang dugtong niya. Saka konilabanan ang luha, ikinubli sa dilim at ngitingpuno ng kabalintunaan—iyakin na ako nitonghuli.

Ilang sandali lang ay nakagawa ang mgakasama naming madirigma ng mga sulo.

Mga palakang nailawan, nagsimula ang mgasabik-pagal na boses—‘buho sa ulunan,’‘bangin dyan sa kaliwa!’, alalay sa isa’t isa,pababa—malamang ay binging-bingi si KaDex sa ingay—hanggang sa wakas ay marinignamin ang lagaslas ng tubig. Ang kampo!

“Sa gawing kanan ang banyo ng mga babae.Ay, matutuwa kayo sa mga kubong ginawanamin para sa inyo!” halos tumalon si Ka Abrilsa sabik na ipakita sa amin ang itinayo nilangmga istruktura. Likas na mapagkumbaba itongsi Ka Abril, dahil kamangha-mangha angnatunghayan namin kinaumagahan. Naroonna ang iba pang mga kasama, nakahilera atnaghihintay sa amin.

Iniabot nila ang mga kamay sa amin—si KaEris—sabay hila paakyat—si Ka Lei, si KaJade, si Ka Lana. Ang ibang mga kasama ayabalang nagluluto ng hapunan—hindi akalainni Ka Dex na saksakan kami ng tulin, walapang hatinggabi!

Kumustahan sa paligid ng tatlong nagniningasna apoy. Inaninag ng mga bagong dating angmga mukha ng magigiting na mga hukbo.May seryosong naghihiwa ng mga karne sabandang itaas, tinitimplahan ng iba angnakasalang na ulam, ginagatungan ang mgakahoy, at sa tabi ng apoy ay naghahagikgikansabay dikdik ng bawang.

Pagkakain ay tumulong ang mga bisita sagawaing kusina. Ang banggit ay maydalawang baka pang kinatay at paparating

para sa pagdiriwang. Magdamag ang apoyng gabing iyon, nag-aalab tulad ngrebolusyonaryong diwang tuluy-tuloy napinaniningas ng mga kasama at masa.

Matapos ang pananghalian ng sumunod naaraw, tinabingan ng matataas na buho anglibis mula sa kalmadong sikat ng araw. Satatlong panig ng libis ay ipinunla ang mgapahabang upuang yari sa buho, at sapaanan ay ang pinatag na entablado.‘Magkasya kayo sa aming koliseum,’ bakassa paumanhin ni Ka Cross ang pagmamalakisa kakayanan ng mga kasama sa pagtatayong mga istrukturang ito sa loob lamang ngilang araw.

Nagpahayag ng pakikiisa ang mga sektor nadumalo sa pagdiriwang, mga kababaihanat kabataan sa lunsod, lokal na kabataan,guro, magsasaka, pambansang minorya atiba pang progresibong grupo. Tampok samga pahayag mula sa masa at katutuboang napakahalagang papel ng hukbo sanasabing larangan. ‘Patuloy kamingmabubuhay habang nariyan ang hukbo,’mataas ang diwa na ipinahayag ng isang liderng grupong minorya sa lugar.

Ngunit ang masa pa rin ang nagbibigay ngkatuturan lalo sa ganitong mga pagdiriwangng hukbo. Sambit ni Ka Cross habanginilalahad ang pahayag ng Partido para saanibersaryo, ‘malaki ang tulong ng masaupang maidaos ang pagdiriwang sa maayosna lugar.’

Inilatag ni Ka Cross ang pambansangsitwasyon na hindi nalalayo noong panahonng Martial Law. Sa Gitnang Luson ay may23 progresibong lider o aktibista na angpinaslang, kung saan dalawa ang katutubomula sa isang baryo. Sa pamamagitan ngpagpapalawak ng Balikatan exercises aynagpapakasangkapan ang estado sa USupang supilin maging ang mga miyembro

(Ang bahaging ito ay ang patuloy na pagsasalarawan ng MP ng armadong pakikibaka sa kanayunan sa mga kasapi ngMakibaka sa kalunsuran.)Bilang pagdiriwang sa ika-36 anibersaryo ng BHB noong Marso29, ang mgakasapi ng MAKIBAKA sa lungsod ay pumunta sa kanayunan upang makiisa at maranasan ang selebrasyon.Narito ang ilan sa kanilang mga kwento.

Page 7: OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MAKIBAKA · PDF filepuna o mungkahing nais ... balita, tula at maikling kwento. Maaari itong ipadala sa ... balangay ng MAKIBAKA sa mga pag-aaral dahil tinatalakay

MAKABAYANG KILUSAN NG BAGONG KABABAIHAN 7PANGALAWANG ISYU • OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MAKIBAKA

ng mga organisasyong ligal at upangmapaluwag ang pagkakataongmakapaniktik. Higit namang pinaiigting atpinalalakas ang pakikibaka ng BHB.Binanggit din ang lokal na kalagayan ngprobinsya at ang kaakibat na aral na hinalawng BHB sa mga karanasan, mga nagingkahinaan, tagumpay at mga nakamit salarangang ito. Hindi rin nakaligtaan angpagpaparangal sa mga martir na hanggangsa huling sandali ng buhay ay magiting nanakipagdigma para sa bayan.

Sa bawat pagtatanghal, dama angpaninindigan ng hukbo na puspusangisulong ang armadong pakikibaka kasamang masa, at igpawan ang paghihirap okahinaang indibidwal o kolektibongdinaranas sa pakikidigma. Nagingmatingkad din ang papel ng kababaihang

hukbo sa pangkulturang pakikibaka, lalo nasa pagpapadaloy nina Ka Lei at Ka Lana, sabuong tayog na pagkumpas ni Ka Jade samga awitin at dula, sa de-kalibreng boses atperpormans ni Ka Eris, sa matapang at punong damdaming pangunguna ni Ka Nayumisa pagpaparangal sa mga kasamangnagbuwis ng buhay.

Bilang pakikiisa ay tumula at umawit din angmga sektor na dumalo—umurong man nangkaunti ang mga boses ay hindinangangahulugan ng kahinaan ng loob sapakikibaka.

Binuksan at binuklod ang pagtitipon sapamamagitan ng pag-awit ng internasyunal.At mula sa gayong payak at makabuluhangpagdiriwang ay mataas ang diwang nilisanng mga dumalo ang mala-koliseum na lugar

upang makisalamuhang muli sa mgakasama, mga hukbo, mga katutubo at masasa likod ng entablado.

Ang rebolusyonaryong kultura at diwa aytumatagos sa anumang istruktura, sadamdamin at gawi ng bawat isa—subalit higitna iniaalay ang pagpupugay sa mga hukbo,na sa bawat pagpupuyos ng pintig ng puso atbala ng baril ay hinahawan ang malayanglipunan.

Bago lumabas ng kampo ay muli namingnakasalamuha ang mga kasama, mga masaat katutubo, at kanilang mga kaanak.Sandaling pakikisalamuha ay katumbas ngnapakayamang aral mula sa mga kasama.

Bagama’t malaki ang sakripisyo sa bahaging magulang, lalo na sa asawa ng isang

Ka Liyo: isang baklang mandirigma ng BHB

Ang nakaraang ika-36 anibersaryo ng BHB ay isang masayang pagdiriwangna aking nasaksihan sa hanay mismo ng mga hukbo at mga kasama sa isanglarangang gerilya sa Gitnang Luson. Mahusay at masayang naidaos anganibersaryo at maraming magagandang karanasan ang naibahagi sa akin.Kaya’t kahit na ang daan papunta sa mga kasama ay laha t paahon at bangin,hindi ko pa rin malilimutan ang aking maiksing integrasyon sa buhay at pakikibakang mga kasama na aking nakilala. Isa sa mga kasamang ito ay si Ka Liyo.

Si Ka Liyo ay isang baklang mandirigma ng BHB. Subalit sa unang tingin ayhindi mo siya akalaing bakla. Biniro naming siya tungkoldito ng isang beses na tahimik siya. Subali’t nang makipag-usap na siya sa amin ay kami naman ang natahimikdahil sa nang magtanong siya at kinalabit ako aypumilantik ang kanyang mga daliri at narinig naming angisang matining na boses. Nabanggit namin na kami dinay may mga kilalang kasamang bakla kaya madallinaming siyang nakapalagayang-loob. Sa akingpakikipag-usap kay Ka Liyo ay naikwento niya sa akinang kanyang buhay at nakita ko ang kahusayan atkasigasigan niya sa pagsusulong ng rebolusyon sakabila ng diskriminasyon na kanyang naranasan.

Nagmula si Ka Liyo sa uring pertiburges. Estudyante siya na tumatakbo sakonseho nang una siyang maorganisa. Sa kabila nang namamayaningdiskriminasyon sa lipunan sa katulad niya ay naging tuluy-tuloy ang kanyangpagkamulat at pagkilos sa kalunsuran. Mahigit sa isang taon siyang nag-organisadito. Sa loob ng panahong ito, patuloy siya sa pagpukaw sa masa,nag-organisaat nagpakilos sa mga kampanayang masa na tumutuligsa sa bulok na estado nanakikipagsabwatan sa Imperyalistang US.

Subalit alam din ni Ka Liyo na kulang pa ang kanyang ambag sa rebolusyonkaya’y nang magkaroon ng eksposyur sa mga kasamang BHB sa kanayunan

ay sumama siya. Sa loob ng dalawang lingo sa larangang gerilya atpakikisalamuha sa mga kasama at masa ay nasaksihan niya ang pagsuong samahirap na pamumuhay at sakripisyo ng mga kasama habang nakikibaka paraasa paglaya ng sambayanan. Kaya’t hindi nya tiningnan ang hirap na dinaranasng mga kasama, bagkus tinatanggap niya ito bilang isang hamon para sa isangpanibagong yugto ng pagkilos.

Pagkalipas ng tatlong buwan, nagpahayag siya ng pagfulltime sa laranganggerilya na baon ang matatag na pagtindig para sa paglilingkod sa sambayanan.Sa ngayon, humigit-kumulang sampung buwan na siyang kumikilos sa kanayunanat isinasabuhay ang armadong pakikibaka. Nakikita niya ito bilang pinaka-pektibong paraan upang ipagtanggol ang masa laban sa mapagsamantalang

panginoong maylupa at gapiin ang reaksyunaryongestado.

Ayon sa kanya “ang aking pinakamatamis na karanasanbilang BHB ay ang mainit na pagtanggap sa amin ngmasa”. Syempre,hindi pa rin maalis kaagad ang paglitawng diskriminasyon dahil sa isa siyang bakla lalo pa’t nasalugar siya na matindi ang pyudal na kaayusan. Perodahil sa mulat na pagbaka ng mga kasama ay masayangipinahayag ni Ka Liyo na “isa ring matamis na karanasanang respeto at paggalang sa akin ng mga kasama bilang‘ako’ sa napili kong kasarian, sa pagiging bakla.”

Natapos ang aking pakikipag-usap kay Ka Liyo na masaya at puno ng aral.“Naappreciate ko ang pagpapahalaga at pagpupunyagi ng kilusan para sakarapatan ng lahat ng mga kasama na kumilos na walang diskriminasyon maginganuman ang kanilang kasarian.

Kasabay nito, malaking ambag rin para sa rebolusyon ang katulad nina Ka Liyona lumalahok sa armadong pakikibaka. Hindi siya nagpasagka sa diskriminasyonng lipunan upang maipakita na ang mamamayang inaapi atpinagsasamantalahan, maging anuman ang kanilang sekswal na oryentasyonay mamulat, maorganisa, mapakilos at magiging mahusay na mga kasama.

Ka Luigi Ocampo

sundan sa p8

Page 8: OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MAKIBAKA · PDF filepuna o mungkahing nais ... balita, tula at maikling kwento. Maaari itong ipadala sa ... balangay ng MAKIBAKA sa mga pag-aaral dahil tinatalakay

UNANG ISYU • OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MAKIBAKA8 MAKABAYANG KILUSAN NG BAGONG KABABAIHAN

Lightning Rally at Operasyon PintaInilunsad ng MAKIBAKA

Matagumpay na inilunsad ng mgakasapi ng MAKIBAKA ang isanglightning rally sa Vinzon’s Hall, UP-Diliman noong Abril 20, 2005.

Ang lightning rally ay inilunsad bilang bahaging paggunita at pagpupugay sa ika-32anibersaryo ng National Democratic Front(NDF). “Kababaihang Biktima ng Karahasan,Kamtin ang Hustisya sa NDF”, ito ang sigawng MAKIBAKA bilang tugon sa laganap nakarahasan sa kababaihan sa buong bansa.

Ayon kay Malaya Libertad, tagapagsalita ngMAKIBAKA, “Signipikanteng bilang ngkasapian ng NDF ay kababaihan dahilnaniniwala ang kababaihan na angrebolusyong isinusulong ng NDF ay

magpapalaya sa kababaihan. Kaya’tnararapat lamang na pagpugayan ngkababaihan ang NDF sa anibersaryo nito saAbril 24.”

“Maliban dito, hindi lamang ang karapatanng kababaihan na mag-armas ang kinikilalang NDF, nagpatupad din ito ng mgahakbangin para maisulong ang interes ngkababaihan sa iba’t ibang larangan.”

Kinagabihan, pumula ang kahabaan ng E.Rodriguez Ave, saQuezon City dahil saoperasyon pinta (OP) na isinagawa ngmahigit 30 kasapi ng MAKIBAKA.Pagpupugay sa NDF at MAKIBAKA angnakasulat sa mga pader. Kasabay nitonanawagan din ang MAKIBAKA sa

kababaihan na lumahok sa digmang bayanat sa pagpapatalsik kay GMA bilangpangulo dahil sa ibayong pagpapahirap nitosa kababaihan.

Ang matagumpay na lightning rally at OPay pagpapakita lamang sa patuloy napaglakas at paglawak ng pambansademokratikong kilusan sa hanay ngkababaihan hindi lamang sa kanayunankundi maging sa kalunsuran.

hukbo ay buo ang suporta ng aming mganakausap na kaanak ng isang rebolusyonaryo.Sinuong ng buong pamilya ni Ka Hever—maging ang tatlong taon at sanggol niyangmga anak—ang mahirap na tereyn upangmakasama nila ang hukbo, masaksihan angpagdiriwang, at makapaghatid ng mga balitalalo na yaong ukol sa galaw ng kaaway sakanilang baryo.

Ngunit ang mga sakripisyo ay hindimakatutumbas sa mga inani at patuloy nainaaning karanasan at tagumpay ng hukbo,patunay ni Ka Eris. Ilang taon pa sana aymatatapos na siya ng kolehiyo sa isangkilalang unibersidad sa Maynila ngunit piniliniya ang pamamalagi sa kanayunan.

“Dito ay higit na namamaksimisa ang pagiginginstrumento ng rebolusyon. Nakagagampansa gawaing masa, nakapagtataguyod ngrebolusyong agraryo, nakatapos ngpagsasanay militar, at higit pang umuunladhabang nakakasalamuha ang masa,nakakukuha ng mga pag-aaral, at nababaybayat napangingibabawan ang mga personal nakahinaan. Sadyang “kulang ang 24 oras sagawain.”

“Paano magiging pag-asa ng bayan angkabataan sa gitna ng mala-kolonyal at mala-pyudal na lipunan? Lumabas tayo sa atingmga kahon. Doon natin matutunan nakailangang tumungo sa kanayunan atsumapi sa CPP- NPA!”

Sa aming pag-alis ay binigkis ng mahihigpitna pakikipagkamay ang dedikasyon ng isa’tisa sa rebolusyon.

Pagtagos namin sa highway ay saka lamangsumanggi sa aming isipan si Ka Dex—hindinamin siya nakamayan bago umalis. Nitonghuli ay nalaman namin ang kanyangpagkasawi. Hindi mabubura ang kaniyangmga ngiti sa aming diwa, ni ang mga bakasng kaniyang mapagpasensyang yapak sadinadaig na tereyn ng Gitnang Luzon.Lubhang malaking kawalan lalo sarebolusyonaryong pamilyang kaniyangsinimulan, at sa masang di masukat ngpanahon niyang pinaglingkuran. “Ngunitmagpapatuloy ang sinimulan mo, Ka Dex.”

Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan! Awanpatengga na iti panagserbi iti umili!

mula sa p7 Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan mula sa p5 Araw ng mga pulang...

Muli, naisip ko ang mga bangka, angmga alon, ang pulang dagat.

Marami pa akong hindi naiintindihantungkol sa sinasabi nilang pakikibaka,hanggang ngayon, hindi pa rin akosigurado. Ngunit, isa lang ang siguradoako. Darating ang araw na kailangankong pumili ng landas na tatahakin, atnararamdaman kong malapit na iyon.

Alam kong hindi ko lubusangmaiintindihan ang dagat kung hindi akolulusong dito. Sa buong araw ngpagdiriwang, nakita ko ang pagkakaisaat lalo pang paglakas ng mga pulangalon ng bayan. Lalong lumalaki atlumalawak ang mga onda. Patuloy nadumarami ang mga taong hindinatatakot lumangoy at makilahok.Parami rin ng parami ang mgabangkang hindi nag-aalangangmaglayag sa dagat ng pakikibaka.

Siguro nga, hindi na sapat ang manatilina lang sa dalampasigan. Kailangangmatutong lumangoy.