noli me tangere kabanata 55 56

35

Click here to load reader

Upload: mojarie-madrilejo

Post on 17-Jan-2015

919 views

Category:

Education


35 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Page 1: Noli me tangere kabanata 55 56
Page 2: Noli me tangere kabanata 55 56
Page 3: Noli me tangere kabanata 55 56
Page 4: Noli me tangere kabanata 55 56

• Maibigay ang punong kaisipan sa Kabanata 55 at 56• Maiisaisa ang mga kanser ng lipunan sa bawat kabanata• Masagutan ang mga tanong sa ibibigay na ebalwasyon.

Page 5: Noli me tangere kabanata 55 56

1. Sino ang lalaking tumungo sa tirahan ni Ibarra?

Sagot: Elias

Page 6: Noli me tangere kabanata 55 56

2. Paano nalaman ng kura na may pag-aalsang magaganap?

Sagot: lihim ng kumpisalan

Page 7: Noli me tangere kabanata 55 56

3. Ito raw ang magpapahamak kay Ibarra ayon kay Elias kaya dapat itong sunugin.

Sagot: kasulatan

Page 8: Noli me tangere kabanata 55 56

4. Sino ang babaeng naghihintay kay Ibarra nang gabing iyon?

Sagot: Maria Clara

Page 9: Noli me tangere kabanata 55 56

5. Siya ang umupusala sa nunong lalaki ni Elias na siyang naging dahilan ng lahat ng kanilang kasawian.

Sagot: Don Pedro Eibarramendia

Page 10: Noli me tangere kabanata 55 56

Madali ba ang magpatawad?

Kaya mo bang tulungan ang taong nagdulot sa iyo ng kasiphayuan?

Page 11: Noli me tangere kabanata 55 56
Page 12: Noli me tangere kabanata 55 56
Page 13: Noli me tangere kabanata 55 56

Sa bahay ni Kapitan Tiago ay sama-samang kumain ng hapunan sina Kapitan Tiago, Tiya Isabel, Padre Salvi, at Alfonso Linares. Sinabi ni Maria Clara na wala siyang ganang kumain ngunit ang totoo ay nag kukunwari lamang ito dahil hinihintay niya ang pag dating ni Ibarra at ayaw rin niyang makaharap si Padre Salvi at Linares. Kapuna-puna rin ang mga kilos ni Padre Salvi na hindi mapalagay sa kanyang kinatatayuan.

Page 14: Noli me tangere kabanata 55 56

Tinawag ni Sinang na Multo si Padre Salvi at hinulaan pa nito na hanggang ika-walo ito ng gabi aalis. At hindi nagtagal at tumunog na ang ika-walo ng orasang pambahay at si Padre Salvi ay nakaupo na lamang sa isang sulok. Tumayo ang lahat para magdasal at siya namang pag dating ni Ibarra na luksang luksa ang suot.. Tinangkang lapitan ni Maria Clara si Ibarra ngunit bigla na lamang umalingawngaw ang sunod sunod na putok. At dahil sa gulat ni Ibarra, hindi na ito makapagsalita.

Page 15: Noli me tangere kabanata 55 56

Si Padre Salvi ay nagtago sa likod ng pader. Nakarinig sila ng putukan, sigawan, at takbuhan sa kumbento. Si Tiya Isabel ay panay ang dasal samantalang ang magkakaibigan ay makikitang magkayakap. Si Ibarra naman ay nasa kanyang kinatatayuan at putlang-putla. Nagpatuloy ang putukan at silbatuhan kasabay ng pagsasara ng mga pintuan at bintana.

Page 16: Noli me tangere kabanata 55 56

Matapos ang putukan ay lumabas na si Padre Salvi sa kanyang kinatataguan. Pinaakyat naman ni Tiya Isabel sina Maria at Sinang sa itaas at pinasara ng mabuti ang pinto. Nakita rin ni Tiya Isabel na papaalis na si Ibarra at pinigilan niya ito dahil hindi pa raw ito nakapangungumpisal ngunit hindi na ito nag pa pigil. Ang pakiramdam ni Ibarra ay hindi siya tumutungtong sa lupa, ang kanyang tainga ay nabibingi, ang kanyang paa ay mabigat at hindi makalakad ng maayos. Kahit maliwanag pa ay napapatid pa ito sa mga bato at kahoy sa lansangan.

Page 17: Noli me tangere kabanata 55 56

Pagdating ni Ibarra sa kanyang bahay ay agad niyang inutusan ang kanyang katulong na ihanda ang kanyang kabayo. Tumuloy siya sa gabinete at isinilid niya sa kanyang maleta ang mga hiyas, salapi, ilang mga kasulatan, at larawan ni Maria Clara. At naglagay ng balaraw at dalawang rebolber. Nang papaalis na ay biglang may kumatok sa pintuan. Ikinasa niya ang kanyang baril pero nagbago rin ang kanyang desisyon. Binitiwan niya ang baril at binuksan ang pinto. Sinabi ng Sarhento na hinuhuli raw nila si Ibarra at sa kuwartel na siya magtanong. Sa halip na tumakas, kinuha ni Ibarra ang kanyang sombrero at sumama.

Page 18: Noli me tangere kabanata 55 56

Sa kabilang dako, gulong-gulo ang isip ni Elias nang umalis siya sa bahay ni Ibarra. Habang naglalakad lakad ay napatingin siya sa puno ng kahoy at parang nakita niya ang duguang ulo ni Balat na kanyang ama. Pakiramdam niya ay sumisigaw ito sa kanya na isa siyang duwag. Bumaba sa dagat si Elias at muli niyang nagunita ang kanyang kapatid na babae na duguan na nakalugay ang buhok.

Page 19: Noli me tangere kabanata 55 56

Bumalik si Elias sa bayan. Napansin niya na ang mga bahay ay parang walang mga tao at nakasara ang lahat ng pinto. Umiiwas si Elias na dumaan sa bayan dahil sa takot sa mga sibil. Nang makarating sa bahay ni Ibarra, naabutan niya ang mga utusan nito na naguusap tungkol sa kanilang amo na hinuli ng mga sibil. Pumunta si Elias sa silid ni Ibarra at naabutan niya ang nakasinding kandila at ang aklat, mga kasulatan na nagpapahamak kay Ibarra kaya hinulog niya ang mga ito sa bintana at sinunog. Ang mga kawal ay nagpupumilit na pumasok at ng nainis ang Directorcillo,sa isang hudyat at itinulak ng kawal ang matandang utusan at pumasok sa bahay. Sila ay sinalubong ng makapal na usok at apoy na nanggaling sa kwarto ni Ibarra at malakas na pasabog. At ang lahat ay nagsialisan sa bahay ni Ibarra.

Page 20: Noli me tangere kabanata 55 56

Paano maiiwasan ang magdagdag ng kaguluhan sa isang usapan?

Page 21: Noli me tangere kabanata 55 56
Page 22: Noli me tangere kabanata 55 56

Hanggang sa kinabukasan ay sakmal pa rin ng takot ang buong bayan ng San Diego. Ni isa mang tao ay walang makitang naglalakad sa gitna ng daan. Tahimik na tahimik ang buong paligid. Pamaya-maya ay may isang bata ang naglakas loob na magbukas ng bintana at inilibot ang paningin. Dahil sa ginawa ng bata, nagsisunod ang mga iba na magbukas ng bintana. Ang mga magkakapit-bahay ay nagbalitaan. Lubhang kalagim-lagim daw ang nagdaang gabi tulad noong mandambong si Balat.

Page 23: Noli me tangere kabanata 55 56

Sa kanilang pag-uusap, lumilitaw na si Kapitan Pablo raw ang sumalakay. Ipinapalagay naman ng iba na ang mga kuwadrilyero raw kaya dinakip si Ibarra. Ang mga lalaki ay nagpunta naman sa kuwartel at sa may tribunal. Lumitaw pa sa usapan ng mga tao na tinangka raw ni Ibarra na itanan ang kasintahang si Maria upang hindi matuloy ang pakikipag-isang dibdib niya kay Linares. Kaya lang sinansala ni Kapitan Tiyago ang kanilang pagtatanan sa tulong ng mga sibil.

Page 24: Noli me tangere kabanata 55 56

Samantala, nakausap ni Hermana Pute ang isang lalaking kagagaling lamang sa tribunal. Sinabi nitong nagtapat na si Bruno. Pinatunayan nito ang balita tungkol sa magkasintahang sina Ibarra at Maria. Sa ngitngit daw ni Ibarra, pati simbaha’y nais niyang paghigantihan, mabuti na lamang at nasa bahay ni Kapitan Tiago si Padre Salvi. Ang mga sibil daw ang sumunog sa bahay ng binata. May isang utusang babae naman ang nagpahayag na nakita niyang nakabitin sa ilalim ng puno ng santol si Lucas.

Page 25: Noli me tangere kabanata 55 56

Napakahirap tanggapin ang isang taong nagpahirap, nagpahamak, at nagdulot ng kasiphayuan sa iyong buhay

maliban na lamang kung ikaw ay taong may pusong marunong magpatawad.

Page 26: Noli me tangere kabanata 55 56

"May tenga ang lupa, may pakpak ang balita.”

Sa lipunan natin ay sakit ng halos nakararaming tao ang pagiging mapagkalap ng mga maling balita at kadalasan ay madali tayong

mapaniwala sa mga haka-hakang ito hanggang sa tuluyan na natin na isinalin-salin sa bibig nang hindi mabilang na beses.

Mahalagang itiyak ang isang bagay, bago ito sabihin.

Page 27: Noli me tangere kabanata 55 56

Walang pahayag mula sa mga tauhan

Page 28: Noli me tangere kabanata 55 56
Page 29: Noli me tangere kabanata 55 56

Kahinaan ng mga Pilipino

Nagtangkang tumukas si Ibarra; Umiwas si Elias na dumaan sa bayan sa takot sa mga sibil; Walang nagawa ang matandang kasambahay ni Ibarra na huwag papasukin ang mga kawal.

Solusyon: Dapat ipagtangol ang sarili at huwag matatakot hangga’t alam mong tama ang iyong ginagawa.

Page 30: Noli me tangere kabanata 55 56

Kahinaan ng Kababaihan

Nagpanggap si Maria Clara na wala siyang ganang kumain ngunit ang totoo ay hinihintay niya si Ibarra at ayaw niyang makaharap si Padre Salvi at Linares.

Solusyon: Ipakita mong ikaw ay matapang at kaya mong ipagtangol ang iyong sarili kahit ikaw ay babae. Huwag

kang matatakot na harapin ang mga taong iyong kinatatakutan o kinaiinisan.

Page 31: Noli me tangere kabanata 55 56

Kahinaan ng mga Pilipino

Nagpalitan ng kwento ang mga tao nang walang batayan tungkol sa mga kaguluhan.

Solusyon: Kung walang magandang sasabihin, itikom na lamang ang bibig.

Page 32: Noli me tangere kabanata 55 56
Page 33: Noli me tangere kabanata 55 56

1. Ayon sa ibinalita ng utusang babae, kaninong bangkay ang nakita niya sa looban ng kapitbahay?

2. Sino ang kurang nasa bahay ni Kapitan Tiago nang magkaroon ng kaguluhan?

3. Sino ang multong tinutukoy ni Sinang?

4. Ano ang nagpahinto kay Maria Clara sa paglapit niya kay Ibarra?

5. Kaninong pangkat ang napabalitang sumalakay sa kuwartel?

Page 34: Noli me tangere kabanata 55 56

6. Pagdating ni Ibarra sa kanyang bahay ay kaagad niyang inutusan ang kanyang katulong na ihanda ang kanyang kabayo.

Tama o Mali:

7. Si Ibarra ay nagpapigil kay Tiya Isabel. Siya ay nanatili sa bahay.

8. Sa bahay ni Kapitan Tiago ay sama-samang kumain ng hapunan sina Kapitan Tiago, Tiya Isabel, Alfonso Linares, Padre Salvi at Maria Clara.

9. Ang napabalitang itinanan ni Maria Clara at pinigil naman ni Kapitan Tiago ay si Crisostomo Ibarra.

10. Ang kurang nasa bahay ni Kapitan Tiago nang magkaroon ng kaguluhan ay si Padre Damaso.

Page 35: Noli me tangere kabanata 55 56

1. Lucas

2. Padre Salvi

3. Padre Salvi

4. Sunod-sunod na putok

5. Kapitan Pablo

6. Tama

7. Mali

8. Mali

9. Tama

10. Mali

Sagot: