new araling panlipunan · 2020. 8. 14. · 1. nakapaglalarawan ng mga katangian ng kapaligirang...
TRANSCRIPT
Araling Panlipunan
Unang Markahan - Modyul 2:
Ang Ugnayan ng Tao at
Kapaligiran sa Paghubog ng
Kabihasnang Asyano
7
ii
Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Ang Ugnayan ng Tao at Kapaligiran sa Paghubog ng
Kabihasnang Asyano
Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas T. Capulong, PhD.,CESO V Ronilo AJ K. Pirmo, PhD, CESO V Librada M. Rubio, PhD.
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III
Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: John Revin V. De Jesus / Joanna D. Balde
Tagasuri ng Nilalaman: Angelica M. Burayag PhD / Virgilio L. Laggui PhD /
Eva Fe Taclibo PhD / Rizaldy Aglipay
Tagasuri ng Wika: Edwin T. Marcos EdD / Marie Anne Ligsay PhD /
Bennedick Viola / Anastacia M. Victorino PhD
Tagasuri sa ADM: Jovannie B. Belmonte
Tagasuri ng Paglapat/Pagguhit: Jovannie B. Belmonte
Tagaguhit: Maesie T. Dela Peña
Tagalapat: Maesie T. Dela Peña / Joyce O. Saraza
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Angelica M. Burayag PhD
Nestor Nuesca EdD
Gregorio C. Quinto, Jr. EdD
Rainelda M. Blanco PhD
Agnes R.Bernardo PhD
Virgilio L. Laggui PhD
iii
E-mail Address: [email protected]
iv
7
Araling Panlipunan Unang Markahan - Modyul 2
Ang Ugnayan ng Tao at
Kapaligiran sa Paghubog ng
Kabihasnang Asyano
v
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Ugnayan ng Tao at
Kapaligiran sa Paghubog ng Kabihasnang Asyano.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Ugnayan ng Tao at Kapaligiran sa Paghubog ng
Kabihasnang Asyano.
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.
Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.
vi
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
vii
realidad ng buhay.
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
1
Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito
ay upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan Baitang 7.
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
• Napahahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng
kabihasnang Asyano.
Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin:
• Aralin 1: Lokasyon, hugis, sukat at anyo ng Asya
• Aralin 2: Iba’t ibang anyong lupa at anyong tubig
• Aralin 3: Behetasyon at Klima sa Asya
• Aralin 4: Pacific Ring of Fire
Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. nakapaglalarawan ng mga katangian ng kapaligirang pisikal sa mga rehiyon
ng Asya katulad ng kinaroroonan, hugis, anyo, sukat, klima at vegetation cover;
2. nakapaghahambing ng mga kalagayan ng kapaligiran sa iba’t ibang bahagi ng Asya; at
3. nakapagsusuri ng epekto ng mga katangiang pisikal ng Asya sa
pamumuhay ng mga Asyano.
Mga Tala para sa Guro Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang
maiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang konsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga malikhaing pamamaraan na makikita sa mga gawain sa modyul na ito. Makikita rin sa huling bahagi ng modyul na ito ang mga rubric na gagamitin sa pagmamarka sa ilang mga gawain.
2
Subukin
Panuto: Basahing mabuti at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Piliin
ang TITIK ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong SAGUTANG PAPEL.
1. Ilang rehiyon ang bumubuo sa Asya?
A. lima
B. anim
C. pito
D. walo
2. Ano ang tawag sa pinakamalaking masa ng lupain sa daigdig?
A. Tectonic plate
B. Kontinente
C. Pacific Ring of Fire
D. monsoon
3. Isa ito sa pamamaraan ng pagtukoy ng lokasyon na nakabatay sa nakapalibot
na anyong tubig sa isang lugar.
A. Bisinal
B. Insular
C. absolute
D. concrete
4. Ano ang tawag sa uri o dami ng mga halaman sa isang lugar tulad ng
pagkakaroon ng kagubatan o damuhan na epekto ng klima nito?
A. monsoon
B. plant geography
C. vegetation cover
D. botanical garden
5. Ito ay karaniwang panahon o average weather na nararanasan ng isang lugar
sa loob ng mahabang panahon?
A. temperature
B. monsoon
C. hangin
D. klima
6. Alin sa mga sumusunod na ilog ang HINDI kabilang sa nagsilbing lunduyan ng
sinaunang kabihasnan?
A. Tigris at Euphrates
B. Caspian Sea
C. Ilog Indus
D. Ilog Huang Ho
3
7. Ang rehiyon ng Timog-Silangang Asya ay may klimang tropikal. Ano ang
implikasyon nito sa pamumuhay ng mga taga-rito?
A. Makakapal ang kanilang mga kasuotan bunga ng matinding lamig.
B. May malalawak na disyerto na sagana sa mga mineral at ginto.
C. Sagana sa mga yamang-likas tulad ng kagubatan, mga pananim at
rekado.
D. Nagyeyelo ang paligid bunga ng makapal na niyebe.
8. Ano ang pinakamalawak at pinakamalalim na karagatan sa buong mundo na
makikita sa Asya?
A. Karagatang Pasipiko
B. Karagatang Artiko
C. Karagatang Indian
D. Karagatang Atlantik
9. Namasyal ka sa bahay ng iyong kaibigan at nalaman mo na ang bahay nila ay
nasa gitna ng palayan. Anong anyong lupa ang kinatitirikan ng bahay nila na
kadalasang nakikita dito sa probinsya ng Bulacan?
A. lambak
B. bundok
C. burol
D. kapatagan
10. Niyaya ka ng barkada mo sa Norzagaray at ibinilin nya sa iyo na magdala ng
sobrang damit para maligo. Sa anong anyong tubig kaya kayo magtutungo?
A. bukal
B. karagatan
C. ilog
D. dagat
11. Ano ang maaaring magandang epekto sa mga Asyano na nakatira sa Pacific
Ring of Fire?
A. Paghagupit ng mga tsunami sa tabing dagat na nakakaantala ng pag-
unlad ng bayan.
B. Pagkakaroon ng mga bagong anyong lupa at anyong tubig bunga ng
pagsabog ng mga bulkan.
C. Madalas na pagbuga ng lava mula sa bulkan na ikinamamatay ng mga
hayop at halaman.
D. Palagiang paglipat ng mga tao sa ibang lugar.
12. Si Albert ay nakatira malapit sa Angat Dam, Norzagaray. Alin sa mga
sumusunod ang hindi nya pwedeng gawin sa kanilang lugar?
A. maligo araw-araw
B. uminom ng malinis na tubig
C. maglaba araw-araw
D. manguha ng halamang gamut
4
13. Bakit mahalagang malaman ang ugnayan ng tao sa kapaligiran?
A. Dahil sa kapaligiran nakasalalay ang ating pinagkukunan ng yaman.
B. Dahil sa kapaligiran makikita ang magagandang tanawin.
C. Dahil sa kapaligiran ay may kapayapaan.
D. Dahil sa kapaligiran nakatuon ang kasiyahan.
14. Paano magkakaroon ng ugnayan ang tao sa kanyang kapaligiran?
A. Sa pamamagitan ng mabuting pagtugon sa hamon ng kapaligiran.
B. Sa pamamagitan ng pagsuko sa mga pagsubok.
C. Sa pamamagitan ng pagsasarili ng mga problema.
D. Sa pamamagitan ng pang-aabuso sa paggamit ng kalikasan.
15. Alin sa mga sumusunod ang HINDI KABILANG sa kahalagahan ng mga Ilog
Tigris / Euphrates, Ilog Indus at Ilog Huang Ho?
A. Dahil sa tabing-ilog sila nakakapagtanim at nakakapag-alaga ng hayop.
B. Dahil dito sila nakikipagkalakalan sa mga kalapit lugar.
C. Dahil dito sila kumukuha ng pangangailangan sa araw-araw.
D. Dahil dito sila natutong magbasa at magsulat.
Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul ay
madali mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababa
naman ang nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas
maintindihan pa ang aralin sa pamamagitan ng pagbabasang mabuti sa
mga teksto at pagsasagawa ng mga dinesenyong gawin.
5
Aralin
1
Halika na at sabay nating tuklasin ang Yamang Likas ng
Asya upang mas maunawaan natin ang kahalagahan nito sa
paghubog ng kabihasnang Asyano at pamumuhay ng mga
taong nakatira rito.
.
Balikan
Sa bahaging ito ating balikan ang iyong nalalaman ukol sa mga rehiyon ng
Asya. wastong sagot sa mga patlang na nakalaan sa bawat bilang. Gamit ang
KASUNOD NA mapa ng Asya, lagyan ng kaukulang rehiyon ang kanang bahagi ng
tsart kung saan kabilang ang bawat bansa na makikita naman sa kaliwang kolum.
Gawing halimbawa ang nasa unang bilang.
Tingnan ang mapa ng mga Rehiyon ng Asya
Bansa Rehiyon sa Asya
1. Pilipinas Timog-Silangang Asya
2. Mongolia
3. Saudi Arabia
4. India
5. China
6. Indonesia
6
Tuklasin
Sa bahaging ito ay inaasahang basahin mo at unawain ang tula.
Maaari din itong bigkasin nang malakas upang maramdaman mo ng
husto ang mensaheng nais iparating nito sa iyo .
Alam mo ba na marami ang nagmamahal sa Asya? Ano kaya ng
mga katangian nito na nakakaapekto sa paghhubog ng sinaunang
sibilisasyon? Malalaman natin yan sa pagbabasa ng tulang ito. Handa
na ba kayo?
Asya: Mahal Kita
(wala nang patumpik-tumpik pa!)
Joanna D. Balde
Tulad ng hinahangaan mo, ang Asya ay may pisikal na katangian,
Nandyan ang sukat, hugis, anyo, lawak at kinaroroonan.
Isama na rin natin ang klima at behetasyon,
Na nakakaapekto sa pagbuhog ng sinaunang sibilisasyon.
Ibatay naman natin sa kinaroroonan,
Tinawag na Orient, dahil nasa gawing silangan.
Iyan ang sabi ng mga sinaunang manlalakbay,
Na hanggang ngayon ay ating binubulay-bulay.
Ang pagtukoy ng lokasyon ay may tatlong paraan,
Bisinal na batay sa anyong lupa na nagsisilbing hangganan;
Insular na batay sa anyong tubig na nakapalibot,
At absolute na nakabatay sa digri ng latitude at longitude.
Sa bandang huli ay may Pacific Ring of Fire,
Na parang simbolo ng pagmamahal na walang humpay.
Na dapat ay makita mo ang ganda ng tanawin,
Sa kabila ng idinulot nito sa atin.
Kaya naman napakaraming bagay ang pwedeng sambitin,
Nang nag-aalab na puso at damdamin.
Ngunit sa dami nito ay isa lang ang uubra,
Mahal kita Asya, wala nang patumpik-tumpik pa…
7
Suriin nang mabuti ang binasang tula at sagutin nang buong husay ang
mga katanungan. Isulat ang sagot sa SAGUTANG PAPEL.
1. Katulad ng hinahangaan mo, ano-ano ang pitong katangiang pisikal ng Asya na
nakakaapekto sa paghubog ng sibilisasyon? ___________________________________
2. Batay sa kinaroroonan, tinawag ng mga sinaunang manlalakbay ang Asya na
___________________________________ sapagkat ito ay matatagpuan sa gawing
silangan.
3. Ano ang tawag sa paraan ng pagtukoy sa Asya na nakabatay sa digri ng latitude
at longitude? ___________________________________
4. Ano ang tawag sa paraan ng pagtukoy sa Asya na nakabatay sa anyong lupa na
nagsisilbing hangganan? ___________________________________
5. Ano ang tawag sa paraan ng pagtukoy sa Asya na nakabatay sa anyong tubig
na nakapalibot? ___________________________________
Suriin
Ang kontinente ng Asya ay bahagi ng pitong kontinente na
bumubuo sa daigdig. Bilang isang Pilipino, marapat lamang na alam natin
na tayo ay bahagi ng kontinente ng Asya.
Ang Kontinente ng Asya
Ang heograpiya ay tumutukoy sa paglalarawan ng mundo. Sa pag-aaral ng
heograpiya, iba’t ibang aspeto ang ating matututunan tulad ng kinaroroonan,
sukat, hugis, anyo, lawak o sakop nito, klima, topograpiya, mga yamang likas, at
iba’t ibang kalupaan at katubigan na matatagpuan sa isang tiyak na lugar o pook.
Narito ang pitong kontinente ng daigdig.
Kontinente Sukat (km2) Kontinente Sukat (km2)
Africa 30,370,000 Europe 10,180,000
Antarctica 14,000,000 North America 24,709,000
Asya 44,579,000 South America 17,840,000
Australia 8,600,000
Pinagkunan: https://www.countries-ofthe-world.com/continents-of-the-world.html
8
Ang Katangiang Pisikal ng Asya
Ang Mapa ng Daigdig
Lokasyon ng Asya
Pansinin ang mapa ng daigdig. Ano ang iyong napansin? Pagmasdang
mabuti ang lokasyon ng Asya. Sa mga sinaunang manlalakbay, tinatawag nilang
orient o silangan ang kontinente ng Asya sapagkat ito ay nasa gawing silangan ng
Europe. Samantala, occident naman o kanluran ang sa kontinente ng Europa.
Ang lokasyon ay tumutukoy sa kalagayang pang heograpiko ng isang lugar o pook.
Ang mga eksperto sa pag-aaral ng lokasyon ay gumagamit ng iba’t ibang paraan sa
pagtukoy ng kinaroroonan ng isang lugar.
Natutukoy natin ang lokasyon ng isang bansa batay sa tatlong
pamamaraan:
LOKASYONG BISINAL Sa lokasyong bisinal, binabatay natin ang lokasyon ng isang lugar sa mga
kalapit na bansa at mga pangunahing
anyong lupa na nagsisilbing hangganan ng bawat lugar.
Ang kontinente ng Asya ay matatagpuan sa hilagang-silangan ng Africa, silangan ng Europe. Nasa gawing kanluran naman ito ng Pacific Ocean.
LOKASYONG INSULAR
Batay naman sa mga nakapalibot na anyong tubig sa isang bansa o lugar.
9
Hugis, Sukat at Anyo ng Kontinente ng Asya
Ang Asya ay may kabuuang sukat sa kilometro
kwadrado na 44,579,000. Sa kabuuan, ito ay 31% o
halos isang-katlo (1/3) ng kabuuang lupain sa daigdig.
Pinakamalaki ito sa lahat ng kontinente sa daigdig.
Masasabing may iba-ibang anyo ang pisikal na
katangian ng Asya. Ang pagkakaroon nito ng
magkakaibang anyo ay lubos na nakakaapekto sa
paghubog ng pamumuhay ng mga Asyano. Ang
pagkakaroon ng napakaraming uri o katangian ng kapaligirang pisikal ng Asya ay
isang kalakasan.
Iba’t Ibang Uri ng Anyong Lupa sa Asya
Ang kontinente ng Asya ay nagtataglay ng napakaraming uri ng anyong lupa
na nagtataglay ng iba’t ibang katangian. Ang mga ito ay pawang may
kapakinabangang dulot sa mga Asyano. Bawat uri nito ay nililinang, patuloy na
ginagamit at naghahatid ng mga pakinabang sa bawat Asyano.
Ang Asya ay napalilibutan ng napakaraming uri ng anyong tubig tulad
ng Karagatang Pasipiko, ang pinakamalawak na karagatan sa mundo.
LOKASYONG ABSOLUTE
Nakabatay sa digri ng latitude at longhitude.
Tandaan: Ang nasasakop ng Asya ay mula sa 10° Timog hanggang 90° Hilagang latitude at mula sa 11° hanggang 175° Silangang longhitude.
BUNDOK - pinakamataas na anyong lupa
Ang Mt. Everest pinakamataas na bundok sa mundo na may sukat na 8,850 metro na nakahanay sa Himalayas. K2 Mountain naman ang pangalawa sa pinakamataas na bundok sa daigdig at sinusundan ng
Mt. Kanchenjunga bilang pangatlong pinakamataas na bundok sa daigdig.
BULUBUNDUKIN - hanay ng mga bundok
Ang Himalayas ay may 2,415 kilometro at
pinakatanyag sa lahat ng bulubundukin dahil sa lawak
nito. Ilan pa sa mga halimbawa ng bulubundukin ay ang
Hindu Kush na matatagpuan sa Afghanistan at Ural na
matatagpuan sa Kanlurang Asya.
10
Iba’t Ibang Uri ng Anyong Tubig sa Asya
May malaking bahaging ginampanan ang mga anyong tubig sa mga nakatira sa Asya. Kaya naman ating tunghayan ang mga halimbawa.
KAPULUAN - binubuo ng maraming pulo
Ang kapuluan ng Pilipinas na nasa Timog-Silangang Asya na may mahigit pitong libong mga pulo.
Samantala, ang bansang Indonesia ang pinakamalaking
kapuluan sa daigdig na may humigit-kumulang na 17,000 pulo.
DISYERTO - tigang na lupaing natatabunan ng buhangin
Ang Gobi Desert na nasa hilagang China at Timog Mongolia na may 1,295,000 kilometro kwadrado na
siyang pinakamalaki sa Asya at pang-apat sa buong
mundo. Matatagpuan rin sa Asya ang mga disyerto ng
Taklimakan sa China at Kara Kum sa Turkmenistan.
BULKAN - isang bundok na nagbubuga ng apoy
Ilan sa mga tanyag na bulkan sa mundo ay ang Mayon at Pinatubo na matatagpuan sa Pilipinas. Fuji na matatagpuan sa Japan at Krakatoa na matatagpuan sa Indonesia.
PULO - anyong lupa na napapaligiran ng tubig
Ang mga pulo ng Borneo, Sumatra at mga pulo ng Pilipinas sa Timog-Silangang Asya ay pawang mga tanyag na pulo sa Asya.
KARAGATAN - pinakamalaking bahagi ng tubig
Matatagpuan sa hilaga ng Asya ang Karagatang Artiko na pawang nagyeyelong karagatan. Sa timog na bahagi naman ang Karagatang Indian at sa Silangang
bahagi naman ang Karagatang Pasipiko, ang pinakamalawak na karagatan sa buong mundo.
11
Ating tunghayan ang mga pakinabang na dulot ng mga anyong lupa at anyong tubig sa pamumuhay ng mga Asyano sa pamamagitan ng graphic
organizer.
DAGAT - mas maliit at nakadugtong sa karagatan na may bahagi na nakadikit sa lupa.
Sa silangan ng Asya ay matatagpuan ang mga
East China Sea, Japan Sea, Bering Sea, West Philippine Sea.
ILOG - uri ng katubigang karaniwang nagmumula sa
kabundukan at umaagos patungo sa ibang ilog, lawa o
dagat
Ang mga ilog ng Tigris at Euphrates, Indus at Huang Ho
ay nagsilbing lunduyan ng mga sinaunang kabihasnan ay pawang matatagpuan sa Asya.
LAWA - isang anyong tubig na pinapalibutan ng lupain Mayroong apat na katangi-tanging lawa ang
matatagpuan sa Asya. Ang Caspian Sea ang
pinakamalaking lawa sa mundo. Ang Lake Baikal ang
pinakamalalim na lawa, ang Dead Sea ang pangalawa sa pinakamaalat na anyong tubig sa buong daigdig at ang Aral Sea ang pinakamalaking lawa sa Asya.
GOLPO - anyong tubig at bahagi ng dagat na pinaliligiran
ng lupa)
Ang mga Golpo ng Oman, Golpo ng Thailand at
Golpo ng Persia ay ilan lamang sa mga golpo na
matatagpuan sa Asya.
Commented [LdM1]: REMOVE BOX
12
Ang mga Vegetation Cover ng Asya
VEGETATION/BEHETASYON – uri o dami ng mga halaman sa isang lugar tulad
ng pagkakaroon ng kagubatan o damuhan ay epekto ng klima nito.
1 2 3
Sa Hilagang Asya, ang katangiang pisikal ng kapaligiran nito ay ang
pagkakaroon ng malawak na damuhan o grasslands na nahahati sa tatlong uri:
1. STEPPE – uri ng damuhang may ugat na mabababaw o shallow-rooted
short grasses. Maliliit lamang ang damuhan sa lupaing ito dahil
tumatanggap lamang ito ng 10-13 pulgada ng ulan. Mayroong mga
steppe sa Mongolia gayundin sa Manchuria at Ordos Dessert sa Silangan
Asya.
2. PRAIRIE – ang lupaing may damuhang matataas na malalim ang ugat o
deeply-rooted tall grasses. Sa hilagang bahagi ng mga steppe ng Russia
at Manchuria at maging sa Mongolia matatagpuan ang prairie.
13
3. SAVANNA – lupain ng pinagsamang mga damuhan at kagubatan na
matatagpuan sa Timog Silangang Asya particular sa Myanmar at
Thailand.
Ang mga taong naninirahan sa mga steppe, prairie at savanna ay
kadalasang nakatuon sa pagpapastol at pag-aalaga ng mga hayop tulad ng baka at
tupa na pinagkukunan nila ng lana, karne at gatas. Ang mga lambak-ilog at
mabababang burol ay ginagawa nilang pananinam.
Samantala nahahati naman sa tatlong uri ang kagubatan:
1 2 3
1. BOREAL FOREST/ TAIGA (ROCKY MOUNTAINOUS TERRAIN) ay
matatagpuan sa Hilagang Asya partikular na sa Siberia. Coniferous ang mga
kagubatang ito bunsod ng malamig na klima dahil sa presipitasyon na
maaaring nasa anyong yelo o ulan.
2. TUNDRA / TREELESS MOUNTAIN TRACT. Sa bahagi ng Russia at sa Siberia
matatagpuan ito. Kakaunti ang mga halamang tumatakip at halos walang puno
sa lupaing ito dahil sa malamig na klima. Ang lupaing malapit sa baybayin ng
Arctic Ocean ang saklaw ng behetasyon ito.
3. TROPICAL RAINFOREST. Sa Timog-Silangang Asya at sa mga bansang nasa
torrid zone ang biniyayaan ng mainam na klima nito na halos may pantay na
panahon ng tag-ulan at tag-araw.
KLIMA – Ang karaniwang panahon o average weather na
nararanasan ng isang lugar sa loob ng mahabang
panahon.
MONSOON – Mga hanging nagtataglay ng ulan ay isang bahagi ng klima na
may matinding epekto sa lipunan at iba pang salik ng pamumuhay ng tao lalo’t
higit yaong mga nasa Silangan at Timog-Silangang Asya. Depende sa lakas ng
bugso nito, ito ay maaaring magdulot ng parehong kapakinabangan at
kapinsalaan.
Ang Pilipinas ay nakalatag sa Timog-
Nagmumula ang hangin sa Siberia
patungong karagatan (kaliwa)
Direksyon ng umiiral na hangin
AMIHAN o Northeast Monsoon HABAGAT o Southwest Monsoon
14
Silangang Asya at madalas na dinaraanan ng Hanging Amihan at Hanging
Habagat. Maaaring nakakabuti sa mga magsasaka ang madalas na pag-ulan
ngunit may mga hindi rin magandang naidudulot ito.
Dahil sa lawak ng Asya matatagpuan dito ang lahat ng uri ng klima at
panahon. Narito ang isang talahanayan na nagpapakita ng iba’t ibang uri ng klima
sa mga rehiyon ng Asya. Basahin at unawain mo itong mabuti.
Mga Uri ng Klima sa Asya
Ang Pacific Ring of Fire
REHIYON KATANGIAN NG KLIMA
Hilagang Asya
Sentral Kontinental. Mahaba ang taglamig at
malaking bahagi ng rehiyon ay hindi kayang
tirahan ng tao dahil sa sobrang lamig.
Kanlurang Asya
Hindi palagian ang pagbabago ng klima.
Maaaring magkaroon ng labis o di kaya’y
katamtamang init o lamig ang lugar na ito. Bihira
at halos hindi nakararanas ng ulan ang malaking
bahagi ng rehiyon.
Timog Asya
Iba-iba ang klima sa loob ng isang taon.
Mahalumigmig kung Hunyo hanggang Setyembre,
taglamig kung buwan ng Disyembre hanggang
Pebrero, at kung Marso hanggang Mayo, tag-init at
tagtuyot. Nananatiling malamig dahil sa niyebe o
yelo ang Himalayas at ibang bahagi ng rehiyon.
Silangang Asya
Monsoon climate ang uri ng klima sa rehiyon.
Dahil sa lawak ng rehiyong ito, ang mga bansa rito
ay nakararanas ng iba-ibang panahon; mainit para
sa bansang nasa mababang latitude, malamig at
nababalutan ng yelo ang ilang bahagi.
Timog-Silangang Asya
Halos lahat ng bansa sa rehiyon ay may
klimang tropikal. Nakakaranas ang mga ito ng tag-
init, taglamig tag-araw at tag-ulan.
15
Ipinapakita ng larawan ang mga bulkang
nakapalibot sa Pacific Ring of Fire.
Ang Pilipinas ay nakalatag sa isang malawak na sona na kung tawagin ay
Pacific Ring of Fire, o Circum-Pacific Seismic Belt. Ang lugar na ito ay
nagtataglay ng maraming hanay ng mga bulkan, kasama na ang mga Bulkang
Mayon, Pinatubo, Taal. Ang pagsabog ng mga bulkan ay kadalasang nagdudulot ng
paglindol o paggalaw ng lupa na nagbubunsod naman ng mga pagbabago sa pisikal
na porma ng anyong lupa at anyong tubig. Tinatayang 81% ng mga pinakamalakas
na lindol na mundo ay nagaganap dito. Sinasabing noong araw pa man bago
maisulat ang kasaysayan, ang karamihan sa mga anyong lupa at anyong tubig sa
daigdig ay hinubog at binigyang porma dulot ng mga pagyanig mula sa pagsabog
ng bulkan.
Magaling! Ngayon ay handa ka na upang magsagot ng mga pagsasanay
batay sa iyong mga natutuhan. Magpatuloy ka.
16
Pagyamanin
A. PinakaBar Mo Ako!
Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga kontinente ng daigdig ayon sa
sukat nito mula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit at ilagay
ang numero sa loob ng bar graph ng mga nasabing kontinente. Tingnan
ang unang halimbawa.
B. Kelan naging tama ang mali?
Panuto: Basahin nang mabuti ang tanong at isulat ang salitang OO kung ito ay
may katotohanan at HINDI kung walang katotohanan.
_________1. Ang salitang heograpiya ay tumutukoy sa paglalarawan ng daigdig.
_________2. Kapag ba sinabing kontinente ay pinakamaliit na masa ng lupain sa
daigdig?
_________3. Totoo bang ang mga lokasyong bisinal, insular at solar ay mga
pamamaraan ng pagtukoy ng lokasyon ng isang lugar?
_________4. Ang tiyak nga bang kinaroroonan ng Asya ay 10° Timog hanggang 90°
Hilagang latitude at mula sa 11° hanggang 175° Silangang longhitude?
_________5. Ang Asya nga ba ay tinatayang 31% o halos isang-katlo (1/3) ng
kabuuang lupain sa daigdig?
KONTINENTE
7
6
5
4 3
3
2
1
1 2 3 4 5 6 7
Mga Kontinente
1. Africa
2. Antarctica
3. Asya
4. Australia
5. Europe
6. North America
7. South America
Commented [LdM2]: LETTER PLUS CREATIVE ELEMENT
17
C. Cross my Heart, Na Puzzle ako!
Panuto. Kumpletuhin ang crossword puzzle. Gamiting gabay ang
mga tanong sa ibaba.
Pababa
1. Ito ay ang pinakamataas na anyong lupa. (Halimbawa: Mt. Everest, K2 Mountain at Mt. Kanchenjunga)
3. Isang bundok na nagbubuga ng
apoy.
(Halimbawa: Fuji, Mayon, Pinatubo)
4. Anyong lupa na napaliligiran ng
tubig.
(Halimbawa: Borneo, Sumatra,
Pilipinas)
5. Tigang na lupaing natatabunan ng
buhangin
(Halimbawa: Gobi, Taklimakan at
Kara Kum)
7. Mas maliit at nakadugtong sa
karagatan at may bahagi na
nakadikit sa lupa
(Halimbawa: East China Sea, Japan
Sea, Bering Sea, West Philippine Sea)
10. Ito ay binubuo ng maraming pulo
(Halimbawa: Pilipinas at Indonesia)
Pahalang
2. Ang tawag sa hanay ng mga bundok
(Halimbawa: Himalayas, Hindu
Kush at Ural Mountain)
6. Pinakamalaking bahagi ng anyong
tubig
(Halimbawa: Pasipiko, Artiko at
Indian)
8. Uri ng katubigang karaniwang
nagmumula sa kabundukan at
umaagos patungo sa ibang ilog,
lawa o dagat
(Halimbawa: Tigris at Euphrates,
Indus at Huang Ho)
9. Isang anyong tubig na
pinapalibutan ng lupain
(Halimbawa: Caspian Sea, Lake
Baikal at Dead Sea)
18
Hanay A Hanay B
A. Ilog
Halimbawa: Ilog ng Wawa, Bocaue
B. Kapatagan
Halimbawa, Bulacan Ricefields
C. Bulubundukin
Halimbawa: Norzagaray, Bulacan
D. Lawa
Halimbawa: Angat Dam,
Norzagaray
E. Bundok
Halimbawa: Gola, DRT
D. Iba ang may alam sa sariling bayan!
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang angkop na anyong lupa/tubig na nasa sa Hanay
A na makikita sa probinsya ng Bulacan. Isulat ang sagot sa patlang.
_____1
.
_____2
.
_____3
.
_____4
.
_____5
.
19
a. Klima – Mainam d. Coniferous
b. Halaman – Kaunti e. Malalim na ugat
c. Damuhan at Kagubatan f. Mababaw na ugat
d. Klima – Mainam d. Coniferous
e. Halaman – Kaunti e. Malalim na ugat
f. Damuhan at Kagubatan f. Mababaw na ugat
E. Challenge Accepted!
Panuto: Pumili sa loob ng kahon ng tamang sagot ng katangian ng
vegetation cover sa Asya at ilagay ang TITIK sa ibabang kahon ng
larawan. Samantala, isulat ang katangian ng behetasyon sa patlang.
Gawing halimbawa ang nasa unang bilang.
F. Tuwing umuulan ay kapiling ka
Panuto: Pumili sa loob ng ulap ng tamang sagot para sa tanong at isulat sa patlang.
_____________ 1. Ang tawag sa karaniwang panahon o average weather na
nararanasan ng isang lugar sa loob ng mahabang panahon.
1. Steppe: mababaw
na ugat 2. Savanna: ____________ 3. Prairie: __________
4. Taiga: _________
6. Rainforest: _______
5. Tundra: ___________
f.
Klima Monsoon Habagat Amihan Sona Bulkan Hangin Tectonic
Ulan Temperatura
Pacific Ring of Fire
Commented [LdM3]: ALISIN ANG MGA SALITANG PANG-ISAHANG GAWAIN/ PAGSUSULIT… PALITAN NA LANG NG LETTERS PLUS CREATIVE TITLE.. KUNG WALA , LETTER LANG
20
_____________ 2. Antas ng init o lamig ng kapaligiran.
_____________ 3. Ito ay nabubuo kapag ang mga patak ng tubig ay nalalaglag sa lupa galing sa mga ulap.
_____________ 4. Ito ay halo-halong mga gas at bumubuo sa atmospera ng mundo.
_____________ 5. Ito ay hanging nagtataglay ng ulan.
_____________ 6. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nakalatag sa isang malawak
na sona na nagtataglay ng maraming hanay ng mga bulkan na
kadalasang nagdudulot ng paglindol at paggalaw ng lupa.
_____________ 7. Paggalaw ng malalaking mga bato na nakapatong sa isa’t isa, ito
ay gumagalaw ng 2 pulgada sa loob ng isang taon.
_____________ 8. Tinatawag din na Northeast Monsoon na nagmumula sa Siberia
ang hangin patungong karagatan (kaliwa).
_____________ 9. Tinatawag ding Southwest Monsoon na nagmumula sa karagatan
patungong kontinente.
_____________ 10. Anyong lupa na nagbubuga ng apoy.
Isaisip
Dugtungan Na!
Panuto: Gumawa ng hanggang tatlong pangungusap upang makumpleto
ang mga sumusunod na pahayag at makabuo ng isang ideya o konsepto.
1. Aking nalaman na ang pag-aaral ng katangiang pisikal ng Asya ay
nakakaapekto sa pamumuhay ng mga Asyano sapagkat
_____________________________________
___________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
21
Isagawa
Timbangin Natin Mga Lods!
Panuto: Punan ang tsart. Magbigay nang mabuti at hindi mabuting epekto sa pamumuhay ng mga Asyano ang mga sumusunod na paksa o sitwasyon.
MABUTING EPEKTO PAKSA MASAMANG EPEKTO
Pagkakaroon ng monsoon
Pagsabog ng mga bulkan
Pagkakaroon ng mga anyong lupa at tubig sa lugar.
Tayahin
Mahuli Taya!
Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Piliin
ang TITIK ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong SAGUTANG PAPEL.
1. Isang katangiang pisikal ng kapaligiran sa Hilaga o Gitnang Asya ay ang
pagkakaroon ng malawak na damuhan o grasslands. Alin sa mga uri ng
grasslands ang may damuhang matataas at malalalim ang ugat na nasa ilang
bahagi ng Russia at Manchuria?
A. prairie
B. savanna
C. steppe
D. tundra
Commented [LdM4]: SA OPTION IF SENTENCE END WITH A PERIOD OR P
Commented [LdM5R4]: IF SENTENCE ANG OPTION LAGYAN NG PERIOD. KUNG PHRASE SMALL LETTER. KAPAG ENLISH WORD, ITALIZE DAPAT -ISULAT SA SAGUTANG PAPEL
22
2. Kung ang Kanlurang Asya ay bihira ang ulan at sa Hilagang Asya naman ay
mahaba ang taglamig at maigsi ang tag-init, ano naman ang katangian ng
klima sa Timog-Silangang Asya?
A. Ang mga bansa sa rehiyon ay nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-
araw at tag-ulan.
B. May mainit na panahon sa ilang bahagi at may mga bahagi ng rehiyon
na nababalutan ng yelo.
C. Mahalumigmig, taglamig, tag-init at tagtuyot ang nararanasan sa
rehiyong ito sa iba’t ibang buwan sa loob ng isang taon.
D. Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao.
3. Ang China ay kilalang nagtataglay ng malalawak na lambak-ilog na
pinasasagana pa ng Huang Ho River at Yangtze River. Alin sa mga sumusunod
na gawain ang maaaring nakatulong sa paglinang ng ekonomiya ng bansa?
A. agrikultura
B. pangingisda
C. pagmimina
D. pagtotroso
4. Ito ay ang karaniwang panahon o average weather na nararanasan ng isang
lugar sa loob ng mahabang panahon.
A. Klima
B. Temperatura
C. Hangin
D. Monsoon
5. Ano ang kontinenteng may pinakamalaking sukat?
A. Africa
B. Europa
C. Asya
D. Australia
6. Bakit tinawag na “orient” ang kontinente ng Asya ng mga sinaunang
manlalakbay?
A. Sapagkat ito ay nasa gawing silangan ng Europe
B. Sapagkat ito ay nasa gawing kanluran ng Europe
C. Sapagkat ito ay nasa gawing timog ng Europe
D. Sapagkat ito ay nasa gawing hilaga ng Europe
7. Paano nababago ng pagsabog ng mga hanay ng bulkan ang kapaligiran na
matatagpuan sa Pacific Ring of Fire?
A. Ang paglindol at paggalaw ng lupa ay nagbubunsod ng pagbabagong
pisikal ng anyong lupa at tubig.
B. Ang pagbaha sa tabing dagat ay dahilan para lumikas ang mga tao
C. Ang pagbitak ng mga lupa ay dahilan ng pagkamatay ng mga puno
D. Ang paglakas ng hangin ay dahilan ng pagkasira ng mga tahanan
23
8. Alin sa mga sumusunod ang HINDI KABILANG sa pagkakaroon ng kaugnayan
ng vegetation cover sa pamumuhay ng mga tao sa Asya?
A. Kung ang mga tao ay nakatira sa pinagsamang damuhan at kagubatan,
sila ay nakatuon sa pagpapastol na pinagkukunan ng karne at gatas.
B. Kung ang mga tao ay nakatira sa may mainam na klima, sila ay
nakatuon sa pagtotroso.
C. Kung ang mga tao ay nakatira sa malamig at nagyeyelong lugar ay
marami makakapagtanim sila para sa pagsasaka.
D. Kung ang mga taong nakatira sa kagubatan, sila ay nakatuon sa
pagkuha ng mga halamang gamot.
9. Ang mga sumusunod ay mga kilalang bulkan sa Asya MALIBAN SA
A. Mt. Mayon ng Pilipinas
B. Mt. Fuji ng Japan
C. Mt. Krakatoa ng Indonesia
D. Ural Mountain
10. Si Nash ay nakatira malapit sa dagat, ano sa palagay mo ang kaugnayan ng
dagat sa buhay niya?
A. Ang pamumuhay ni Nash at mga kapitbahay niya ay mangingisda.
B. Ang pamumuhay ni Nash at mga kapitbahay niya ay mangtotroso.
C. Ang pamumuhay ni Nash at mga kapitbahay niya ay magsasaka.
D. Ang pamumuhay ni Nash at mga kapitbahay niya ay mangangalakal.
11. Si Rey ay may planong mamasyal kasama ang pamilya sa Bakas River,
Norzagaray ngunit nakita niyang makulimlim ang kalangitan. Ano ang
kaniyang gagawin?
A. Sabihin sa pamilya na ipagpaliban na lang dahil may parating na
malakas na ulan.
B. Itutuloy ang balak dahil wala ng ibang panahon.
C. Aalis ng maaga at uunahan ang ulan sa lugar na pupuntahan.
D. Pupunta sa lugar at habang umuulan ay makikipagselfie na lang sa
pamilya.
12. Si Albert ay nakatira malapit sa Angat Dam, Norzagaray. Alin sa mga
sumusunod ang hindi niya pwedeng gawin sa kanilang lugar?
A. Maligo araw-araw.
B. Uminom ng malinis na tubig
C. Maglaba araw-araw.
D. Manguha ng halamang gamot.
13. Ang Pilipinas ay binubuo ng humigit-kumulang na pitong-libong mga pulo.
Paano ito nakakaapekto sa paghubog ng ating kultura bilang Pilipino?
A. Dahil sa layo-layo ng mga pulo at ng mga taong naninirahan dito ay nakabuo ng iba’t-ibang kultura.
B. Dahil sa layo-layo ng mga pulo at ng mga taong naninirahan dito ay
hindi naging hadlang para magkaisa ng paniniwala. C. Dahil sa layo-layo ng mga pulo at ng mga taong naninirahan dito ay
dumami rin ang mga nasasakupan ng kanilang teritoryo. D. Dahil sa layo-layo ng mga pulo at ng mga taong naninirahan dito ay
nakakapamasyal ang mga tao sa iba’t ibang lugar.
24
14. Ang mga halimbawa ay nagpapakita ng magandang ugnayan ng mga Asyano
sa kanyang kapaligiran MALIBAN SA
A. Nakakapamasyal ang mga turista sa iba’t-ibang bansa sa Asya dahil sa
karagatan.
B. Nakakapagtanim ng mga palay ang mga Pilipino tuwing tag-ulan.
C. Nagiging tanyag ang Asya sa magagandang tanawin dahil dulot ng
pagputok ng mga bulkan sa Pacific Ring of Fire.
D. Pananatili ng mga tao sa loob ng bahay bunga ng Covid 19 pandemik.
15. Ano ang magandang epekto ng kaugnayan ng kapaligiran sa iyo bilang
isang mag-aaral?
A. Nagiging masayahin sa araw-araw.
B. Nagiging mabait sa kapitbahay.
C. Nagiging masunurin sa magulang.
D. Nagiging mapanuri sa mga nangyayari sa kapaligiran.
Magaling! Ako ay lubhang nagagalak sapagkat hindi mo
sinukuan ang unang paksa sa ating modyul. At handa ka ng
harapin ang mga susunod na paksa sa ating modyul. Kung
iyong nanais, maaari mong ipagpatuloy ang pagsasagot sa
karagdagang gawain na mas magpapalalim sa iyong pag-
unawa sa aralin. Muli ang aking pagbati!
Karagdagang Gawain
Ikaw ay napili ng iyong paaralan upang lumahok sa poster making contest
ng mga iba’t ibang paaralan. Gumawa ka ng isang poster na naglalarawan ng lugar
na iyong tinitirahan at ipakita ang kaugnayan ng mga tao sa kaniyang kapaligiran,
gayundin ang kahalagahan nito sa iyo bilang isang mag-aaral. Maaaring gumamit
ng krayola sa pagbuo nito.Ano ang hinuha mo dito sa iyong poster? Ipaliwanag.
25
RUBRIK SA PAGTATAYA NG POSTER
Iskala ng Pagmamarka:
4 – 100 : Di-pangkaraniwan
3 – 90 : Kahanga-hanga
3 – 80 : Katanggap-tanggap
1 – 70 : Pagtatangka
Kraytirya Di-
Pangkaraniwan 4
Kahanga-hanga 3
Katanggap-tanggap
2
Pagtatangka
1
1.Paksa
Angkop na angkop at
eksakto ang kaugnayan sa
paksa
May kaugnayan sa paksa
May maliit na kaugnayan
Walang kaugnayan
2.Pagkamallikhain
Gumagamit ng maraming kulay
na may kaugnayan sa
paksa
Gumagamit ng kulay na may
bahagyang kaugnayan sa
paksa
Makulay subalit hindi
tiyak ang kaugnayan
Hindi makulay at walang
kaugnayan sa paksa
3.Kalidad Makapukaw interes at
tumitimo sa isipan
Makatawag pansin
Pansinin ngunit di
makapukaw isipan
Di-pansinin, di-makapukaw ng interes at
isipan
4.Kalinisan Maganda,malinis at kahanga-hanga ang pagkagawa
Malinis Ginawa ng apurahan ngunit di-marumi
Inapura ang paggawa at
marumi
26
Sanggunian
2020. https://www.countries-ofthe-world.com/continents-of-the-world.html.
K To 12 Gabay Pangkurikulum Sa Araling Panlipunan 7. 2016. Pasig City:
Department of Education.
K To 12 Kagamitang Pang-Mag-Aaral Sa Araling Panlipunan 7: Asya: Pagkakaisa Sa Gitna Ng Pagkakaiba. 2014. Pasig City: Department of Education.
"Most Essential Learning Competencies (Melcs)". 2020. Learning Resource
Management and Development System. https://lrmds.deped.gov.ph/
download/18275.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – Region III Learning Resource Management Section (LRMS) Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]