negokart ni mang rancyro3.dole.gov.ph/fndr/mis/files/e-kwento vol_ 3 no_ 3.pdf · sa kanya at ng...
TRANSCRIPT
Volume 3, No. 3 March 2011
Official Publication of the Bureau of Workers with Special Concerns
NegoKart ni Mang Rancy Si Rancy Diwa Malit o
“Mang Rancy” sa mga nakakakilala sa kanya,
45 taong gulang, isang butihing padre de
pamilya sa kanyang mabait na asawa’t
anak, ay kilala bilang isang masipag na
“street vendor “sa kanilang lugar dito sa
may Sta Cruz, bayan ng Lubao, Pampanga.
Si Mang Rancy ay
hindi lang pangkarani-
wang street vendor - siya ay may kapansanan dulot ng sakit na polio. Kahit hirap na hirap siyang kumilos at kumayod at nakapagtapos lamang sa antas
ng elementarya, hindi pa rin ito naging hadlang sa kanya para magsumikap at magtaguyod ng kanyang pamilya.
Dati, si Mang Rancy ay kumikita lamang ng P2,000.00 kada buwan sa
pagtitinda ng mga sari-saring chichirya at kung anu-ano pa. Hindi pa rin ito naging sapat para sa kanyang pamilya. Ang kanyang asawa sa kasalukuyan
ay wala ring hanap buhay.
Dahil dito, siya lamang ang inaasahan ng kanyang
pamilya.
Noong magkaroon siya ng
pagkakataon na maging benepisyario ng Negosyo sa
Kariton (NegoKart) Project ng Department of Labor and
Employment (DOLE) Region 3, sa tulong at suporta ng
local na pamahalaan ng Lubao sa ilalim ng pamamahala ni Hon. Mayor Mylin Pineda Cayabyab, sa pamamagitan ng Public Employment Service Office
(PESO), ito ay nagbukas ng isang bagong kabanata sa buhay ni Mang Rancy, isang kabanata na puno ng pag-asa para sa kanya at sa kaniyang pamilya.
Ang mani-an at chichiryang pangkabuhayang kariton ni Mang Rancy, sa
halagang Php. 15,000.00 na ipinagkaloob ng DOLE, ay ginawang “custom-built” para sa kanyang pangangailangan, dahil naniniwala ang DOLE na
karapat dapat lang bigyan ng oportunidad ang mga taong gustong tulungan ang kanilang sarili at kumayod para sa kanilang pamilya sa kabila ng kanilang
limitadong kapasidad.
Maliban doon, sa suporta ni Mayor Cayabyab, tumulong din ang lokal na
pamahalaan ng Lubao para sa mga karagdagang kapital para sa negosyo ni Mang Rancy, pati na rin ang unang tatlong buwan na bayarin sa social
security benefits niya tulad ng Social Security System (SSS) at Phil-Health. Ngayon, si Mang Rancy ay kumikita na ng humigit kumulang na P350.00 kada
araw, higit pa sa nakatakdang minimum wage sa Gitnang Luzon, o mahigit P 8,000 kada buwan, na
kahit papaano, ay nakakatulong na nang malaki sa kanya at ng kanyang pamilya at para sa
edukasyon ng kanyang anak.
Ang DOLE, sa tulong ng local na pamahalaan, at ng mga PESOs ay patuloy na magbibigay na
oportunidad sa tulong pangkabuhayan sa mga taong gustong tulungan ng kanilang mga sarili
dito sa Gitnang Luzon sa pamamagitan ng DOLE
Kabuhayan Program.
(Ulat ni Jerry Borja, DOLE RO3 Labor Communications Officer)
EDITORIAL BOARD
Publisher:
Bureau of Workers with Special Concerns
Chairperson: Dir. Chita DG. Cilindro
Editor-in-Chief: Joselito D. Manabat
Managing Editor: Maybelle P. Frianeza
Arts and Design: Jay B. Galasinao
Telephone Numbers:
404-3336, 527-2804, 527-5856,
527-5857, 527-3116, 528-0119
Telefax: 527-5858, 527-3097
Email: [email protected]
Webpage: www.bwsc.dole.gov.ph