nakakaaliw o nakaaaliw_ nakakaasar o nakaaasar.ppt

49
ISANG PAGHIHIMAY SA MGA SALITANG INUULIT NA GINAMIT SA MGA PILING BLOG SA FILIPINO NI ROBERTO DE LARA AMPIL Nakakaaliw o Nakaaaliw, Nakakaasar o Nakaaasar: Alin nga ba ang Tama? 1

Upload: pinoyako1420

Post on 28-Apr-2015

273 views

Category:

Documents


4 download

TRANSCRIPT

Page 1: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

ISANG PAGHIHIMAY SA MGA SALITANG INUULIT NA GINAMIT SA MGA PILING BLOG SA

FILIPINO

NI ROBERTO DE LARA AMPIL

Nakakaaliw o Nakaaaliw, Nakakaasar o Nakaaasar:

Alin nga ba ang Tama?1

Page 2: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

Introduksyon

“Iba-blog kita” isang pamosong komersyal ng Smart.

Inilalarawan ng komersyal kung paano ang isang pangyayari ay maihahatid sa madla sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya gaya ng cellphone. Ano nga ba ang blog?

2

Page 3: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

Ang blog ay karaniwang isang jornal na mababasa sa web at ang gawain sa pagsusulat ng isang blog ay tinatawag na "blogging" at ang nagsusulat o gumagawa nito ay isang tinatawag namng “blogger."

Ito ay pinagsasama-samang kaganapan sa buhay ng isang tao at kung ano ang nagaganap sa web, isang uri ng hybrid diary/guide site.

Nag-iiba ang ito depende sa interes at layunin ng blogger.

Introduksyon3

Page 4: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

Ang Blogs ay alternatibong panawag sa web logs o weblogs.

Umaabot sa kalahati ng nangungunang 50 blogs na nakalista sa Pinoy Top Blogs ay pagmamay-ari ng mga lalaki,

Karamihan sa mga bloggers ay nakabase sa Pilipinas.

Marami sa mga bloggers ay hindi nagpapakilala.

Introduksyon4

Page 5: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

Introduksyon5

Page 6: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

Rasyunale ng Pag-aaral

Ang blogs ay maituturing na pinakaepektibong anyo ng komunikasyon at teknolohiya upang maipaabot ang mensahe at anumang usaping may kaugnayan sa lipunan.

Dahil ang wika ang pangunahing midyum sa komunikasyon, hindi maikakaila na malaki ang posibilidad na makakita ng pagkakaiba sa paggamit nito.

6

Page 7: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

Layunin ng Pag-aaral

Nilayon ng mananaliksik na suriin ang ilang piling entri sa mga pangunahing blogs sa Pilipinas at tukuyin ang pagkakaiba sa paggamit ng ilang bokabularyo partikular ng mga salitang inuulit.

Sa ganitong pamamaraan ay makikita kung may konsistensi nga ba sa paggamit ng mga salitang inuulit ang mga blogger.

At sa huli ay makabuo ng mga pangunahing tuntunin sa pamamaraan ng pagsulat ng mga salitang ito.

7

Page 8: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

PAGLALAHAD NG DATOS

Mga Salitang Inuulit Paraan ng Pagkakabuo

Mga Puna

1 Pa-blog-blog pa- + blog-blog unlaping (pa) +reduplikasyon ng s.u2 natatanging na- + ta + tanging unlaping (na) +unang pantig ng s.u3 naaayon na-+ a- +ayon unlaping (na) +unang pantig ng s.u4 malayung-malayo malayung-malayo ganap na pag-uulit, napalitan ang 'o' ng

'u'5 nagkikita nag-+ki +kita unlaping (nag) +unang pantig ng s.u6 magagalit ma-+ ga+ galit unlaping (ma) +unang pantig ng s.u7 sumusuka -um+su-+suka gitlaping (um) +unang pantig ng s.u8 kayang-kaya kayang-kaya ganap na reduplikasyon9 tatakbo ta-+ takbo reduplikasyon ng unang pantig ng s.u10 nakakakain naka-+ka-+ kain unlaping (naka)+unang pantig ng s.u

MGA SALITANG INUULIT NA GINAMIT SA http://www.thewilyfilipino.com/blog/archives/2007_02.html

8

Page 9: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

Mga Salitang Inuulit Paraan ng Pagkakabuo Mga Puna

11 natatakot na-+ta-+takot unlaping (na) +unang pantig ng s.u

12 gagawin ga-+gawin reduplikasyon ng unang pantig ng s.u

13 papasok pa-+pasok reduplikasyon ng unang pantig ng s.u

14 nakakasira naka-+ ka+sira unlaping (naka)+pag-uulit ng 'ka'+ s.u

15 napapansin na-+pa+pansin unlaping (na) +unang pantig ng s.u

16 bibisita bi-+bisita reduplikasyon ng unang pantig ng s.u

17 magsusulat mag-+su+sulat unlaping (mag)+pag-uulit ng 'ka'+ s.u

18 mabibisita ma-+bi+bisita unlaping (ma) +unang pantig ng s.u

19 mag-iimbita mag-+i-+imbita unlaping (mag) +unang pantig ng s.u

20 nag-aalaga nag-+a-+alaga unlaping (nag) +unang pantig ng s.u

PAGLALAHAD NG DATOS9

Page 10: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

Mga Salitang Inuulit Paraan ng Pagkakabuo Mga Puna

21 naglalaro nag-+la-+laro unlaping (nag) +unang pantig ng s.u

22 malalanghap ma-+la+langhap unlaping (ma) +unang pantig ng s.u

23 nasusunog na-+su+sunog unlaping (na) +unang pantig ng s.u

24 nakikita na-+ki+kita unlaping (na) +unang pantig ng s.u

25 magsasara mag-+sa+sara unlaping (mag) +unang pantig ng s.u

26 nangangamoy nanga-+nga+amoyunlaping (nanga)+reduplikasyon ng (nga)+s.u

27 masusunog ma-+su+sunog unlaping (ma) +unang pantig ng s.u

28 pagboblowdry pag-+bo-+blowdry unlaping (pag)+unang pantig ng s.u

29 hahawak ha-+hawak reduplikasyon ng unang pantig ng s.u

30 naaamoy na-+a+amoy unlaping (na) +unang pantig ng s.u

PAGLALAHAD NG DATOS10

Page 11: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

PAGLALAHAD NG DATOS

MGA SALITANG INUULIT NA GINAMIT SA http://maiklingkuwento.blogspot.com/

Mga Salitang Inuulit Paraan ng Pagkakabuo Mga Puna1 umaabuso um-+a+abuso unlaping (um) +unang pantig ng s.u2 pinaglalaban pinag-+la+laban unlaping (pinag) +unang pantig ng s.u

3 pinagpipilitan pinag-+pi+pilit-+anunlaping (pinag) +unang pantig ng batayang salita

4 mayayaman ma-+ya+yaman unlaping (ma) +unang pantig ng s.u

5 pakikipag-usap paki-+ki+pag-usap unlaping (paki)+reduplikasyon ng huling pantig ng unlapi (ki) +batayang salita

6 ikakahiya ika+ka+hiya unlaping (ika)+reduplikasyon ng huling pantig ng unlapi (ka)+ s.u

7 kapansin-pansin ka-+pansin+pansin unlaping (ka) + ganap na reduplikasyon ng s.u8 dala-dala dala+dala ganap na reduplikasyon

9 pinagsasaluhan pinag+sa +salo+han unlaping (pinag)+reduplikasyon ng unang pantig ng s.u +hulapi

10 natatakot na-+ta+takot unlaping (na)+unang pantig ng s.u

11

Page 12: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

Mga Salitang Inuulit Paraan ng Pagkakabuo Mga Puna

11 nag-uusap nag-+u-+usap unlaping (nag)+unang pantig ng s.u

12 nagugutom na-+gu-+gutom unlaping (na)+unang pantig ng s.u

13 paglalakad pag-+la+lakad unlaping (pag)+unang pantig ng s.u

14 napapalibutan na-+pa+palibot+an unlaping (na)+unang pantig ng s.u

15 kakainin ka-+kain+in reduplikasyon ng unang pantig ng s.u +hulapi

16 nangangagat nanga-+nga+kagat unlaping (nanga)+reduplikasyon ng huling pantig ng unlapi (nga) +s.u

17 sama-samang sama+sama ganap na reduplikasyon

18 naghahanap nag-+ha+hanap unlaping (nag)+unang pantig ng s.u

19 mabibiktima ma-+bi+biktima unlaping (ma)+unang pantig ng s.u

20 nagiging naging+gi pag-uulit ng huling pantig ng salita

PAGLALAHAD NG DATOS12

Page 13: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

PAGLALAHAD NG DATOS

MGA SALITANG INUULIT NA GINAMIT SA HTTP://BLOGS.INQUIRER.NET/TALESOFTHENOMAD/CATEGORY/PHILIPPINES/

Mga Salitang Inuulit Paraan ng Pagkakabuo Mga Puna

1 nakapagpapayaman nakapag+pa+pa+yaman unlaping (nakapag)+reduplikasyon ng panlaping (pa)+s.u

2 nakapagpapayabong nakapag+pa+pa+yabong unlaping (nakapag)+reduplikasyon ng panlaping (pa)+s.u

3 mapapansin ma+pa+pansin unlaping (nag)+unang pantig ng s.u

4 katanggap-tanggap ka+tanggap+tanggap unlaping (ka)+ganap na reduplikasyon

5 inaanalisa in+a+analisa unlaping (in)+reduplikasyon ng unang pantig ng s.u

13

Page 14: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

Mga Salitang Inuulit Paraan ng Pagkakabuo Mga Puna1 mali-mali mali+mali ganap na reduplikasyon2 nahihiya na+hi+hiya unlaping (nag)+unang pantig ng s.u

3 pagkakamali pagka+ka+maliunlaping (pagka)+huling pantig ng unlapi (ka)+s.u

4 sasangguniin sa+sangguni+-in reduplikasyon ng unang pantig ng s.u

5 kinalalagyan kina-+la+lagyanunlaping (kina)+reduplikasyon ng unang pantig ng s.u

6 masasabi ma-+sa+sabiunlaping (ma)+reduplikasyon ng unang pantig ng s.u

7 unti-unti unti+unti ganap na reduplikasyon8 makaiintindi maka-+i+intindi unlaping (nag)+unang pantig ng s.u

9 nakikinig na-+ki+ki+dinigunlaping (na)+reduplikasyon ng panlapi (ka)+s.u

10 maikakatwa mai+ka+katuwaunlaping (mai)+reduplikasyon ng unang pantig ng s.u

KALAYAAN 2007 BLOGS (UNCATEGORIZED)

PAGLALAHAD NG DATOS14

Page 15: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

PAGBIBIGAY-INTERPRETASYON SA NAKALAP NA MGA DATOS

Batay sa nakalap na datos ay lumalabas na may 11 pamamaraan ng pag-uulit o reduplikasyon sa mga salita:

1. Unlapi + ganap na reduplikasyon ng salitang-ugat na may 12 salita o 6% ng kabuuang 200 nakalap na salita.

Halimbawa:Pa +ngiti-ngiti pa+blog-blogKa+pansin-pansin pa+Ingles-ingles

15

Page 16: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

2. Unlapi + reduplikasyon ng unang pantig ng salitang-ugat na may 117 salita o 58.5% ng kabuuang 200 nakalap na salita.

Halimbawa:In-+ a+analisa maka+sa+sagotNa-+hi+hiya ma+ku+kulayMa-+sa+sabi nag-+si+simula

16

Page 17: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

3. Ganap na reduplikasyon na may 11 salita o 5.5 % ng kabuuan.

Halimbawa:Unti-unti kaya(ng)- kayaMalayu (ng)-malayo sama-samaDala-dala araw-araw

17

Page 18: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

4. Reduplikasyon ng unang pantig + salitang-ugat na may 17 salita o 8.5% ng kabuuan.

Halimbawa:Pa+pasok su+subuk+anBi+bisita ta+talakayKa+kain+in sa+sangguni+in

18

Page 19: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

5. Gitlapi + Unang pantig ng salitang-ugat na nagtala ng isa (1).

Halimbawa: -um+su+suka ------sumusuka6. Unlapi + reduplikasyon ng huling pantig ng

panlapi na may 29 na salita o 14.5 %.Halimbawa:Na+ngu+ngu + una -----nangungunaNa+ngi+ngi+ibabaw ----nangingibabawNag+pa+pa+impress ----nagpapaimpressNa+ka+ka+alam ----nakakaalamNa+ka +ka+praning -----nakakapraning

19

Page 20: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

7. Unlapi + unang katinig –Patinig (KP) ng salitang-ugat na may lima (5) salita.

Halimbawa:Pag-bo+blowdry -----pagboblowdryNag+pi+peedback ----nagpipeedbackPinag+ti+tripan ----pinagtitripanNag+su+subscribe ----nagsusubscribe8. Unlapi +reduplikasyon ng unang pantig ng

salitang-ugat +ganap na reduplikasyon na may isa (1).

Halimbawa: um+i+iyak+iyak----umiiyak-iyak

20

Page 21: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

9. Reduplikasyon ng panlapi na may isa (1).Halimbawa: ka+ka+iba -----kakaiba10. Gitlapi +unang pantig ng salitang-ugat

+ganap na reduplikasyon na may dalawa (2) salita.

Halimbawa: um+ti +tingin +tingin ----- tumitingin-tingin

In +hi+hipo +hipo -----hinipo-hipo11. Di-ganap na reduplikasyon na may isa (1)

salita.Halimbawa: saka-sakali

21

Page 22: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

Sa mga nalikom na salitang inuulit ay maaaring suriin at gawing batayan ang ipinahayag ni Isagani Cruz (1994, Ang Pulitika ng Wika, DLSU):

“Ayon sa maraming guro sa hayskul na panahon pa ni Bernardo Carpio nagtuturo, mali ang nakakaramdam, nakakagulat, nakakaalam, at makakahalata, dahil pantig ng unlapi ang inuulit at hindi pantig ng salitang-ugat. Hindi ko alam kung sino ang nagsabi sa mga gurong ito na mali ang pag-uulit ng pantig ng unlapi sa mga salitang nagsisimula sa panlaping maka-, pero hindi si Lope K. Santos ang nagsabi nito. Ang talagang sinabi ni Santos sa kanyang Balarila ay ito: “Ang anyo ng pangalang-diwa sa maka, ay binubuo ng pag at salitang-ugat; ang sa maka ay gayon din, bagaman maaari ring may-ulit pa ang unang pantig ng ugat” (285). Sa siping ito’y mapapansin na napansin lamang ni Santos na may mga pantig ng salitang-ugat na inuulit; hindi niya sinabi na dapat ulitin ang pantig ng salitang-ugat. Sa katunayan, ang mismong halimbawa niya sa seksyong hinanguan ng sipi ay nakakagulat, na dalawang beses niyang ginamit: “nakakagulat na putok” at “nakakagulat ang putok” (286). Samakatwid, malinaw na hindi tuntunin ni Santos ang matagal nang itinuturo ng ating mga guro sa hayskul na dapat diumano na huwag ulitin ang pantig ng panlapi. Sa katunayan ay hindi sinanto ni Santos ang panlapi, dahil sa kanyang pagtalakay sa mga panlaping banghayin, sa ibang seksyon ng kanyang Balarila, ay iminungkahi niyang ulitin ang “huling pantig ng unlapi” para makabuo ng “panahong kasalukuyan at darating” ng mga pandiwang tulad ng sama - nakakasama - makakasama at alis - napapaalis - mapapaalis (264).”

22

Page 23: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

Samakatwid, hindi maikakaila na sadyang may mga pagbabagong nagaganap sa mga salitang inuulit at ang bawat tao ay may kani-kaniyang paraan ng paggamit ng wika ayon na rin sa kung paano niya ito natutuhan.

Paglalapi (Inflection). Ito ang pinakakaraniwang sub-grammatics. Ginagawa natin ito sa pagsusuffix ng “s” sa mga common nouns para mapluralize, sa paglalapi sa mga pandiwa para magkaroon ng iba’t ibang panahunan, affixity, tinig, o panagano. Masasabing ito na mismo sa pangkalahatan ang summary of grammar application ng isang wika hinggil sa mga salita. Kung gayon, ito ang pangkalahatang gampanin ng dinamiko ng wika.

Pag-uulit (Reduplication). Isang aghamic, malikhain at epektibong aplikasyon ng dinamismo ng wika ang pag-uulit ng mga salita sa kapakanan ng panalitaan.

23

Page 24: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

Ang sistemang ito ay taal sa Tagalog, bagaman ginagawa rin ito sa English paminsan-minsan: very, very good, long, long ago, so and so, so-so, jump and jump, dilly-dally, little by little, word for word, bit by bit, piece by piece, by and by, bye-bye, talk and talk, wishy-washy, many many, etc.

Bagamat isa lang sa mga sangay ng palasalitaan, ang pag-uulit ay isang namumukod-tanging tungkuling pampananalita sa ating wika.

24

Page 25: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

MGA LAYON AT PARAAN NG PAG-UULIT NG SALITA

Inuulit natin ang mga salita sa mga pamamaraan at dahilang gaya ng mga sumusunod:

1. Pagpapang-uri ng Pangngalan at Panghalip. Nagagawang pang-uri ang mga pangngalan o panghalip sa paggamit ng mga ito na panturing sa sarili o self-modifier.

Halimbawa: batambata, lalaking-lalaki, babaing-babae.

25

Page 26: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

Ang pamamaraang ito ng pag-uulit ay tinatawag na ganap o buong pag-uulit ng salita.

Ginagamitan ng mga pang-angkop na ng, na, at g ang ganitong proseso.

Itinuturo na natin na ang ng sa mga salitang inuulit gaya ng batang-bata ay pinapalitan ng letter “m” upang ang salita ay maging batambata.

Ito ay sa kapakanan ng pagpapadulas-bigkas.

26

Page 27: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

Sa ganap o buong pag-uulit, ang diwa o kahulugan ng salita ang siya na ring nagsisilbing pang-uri na panturing sa sarili nito.

Ano ang masasabi natin tungkol sa pangngalang bata?

Unang-una siyempre ay ang kahulugan nito. Ang isang bata ay wala pang gaanong gulang.

Kayat ang bata na talagang “bata pa” ay batambata.

Ang lalaki na sadyang lalaki ay lalaking-lalaki. At ang babae na napakawomanly ay babaing-

babae.

27

Page 28: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

Sa ganitong pagpapang-uri ng pangngalan, ang nalilikhang reduplikasyon ng pang-uri ay nagkakaroon ng antas na pasukdol.

Kaya’t ang batambata ay hindi lang young kundi very young.

Ang lalaking-lalaki ay hindi lang manly kundi very manly.

Narereflect sa ganitong paraan ng pagpapang-uri hindi lamang ang ating katapatan sa pag-iisip kundi maging ang katapatan sa puso at damdamin man.

28

Page 29: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

Ang mga pangngalang pantangi at panghalip ay nagkakaroon din ng reduplikasyon din sa paraang ganap.

Ginagawa ito sa kapakanan ng eksaktong paghahambing.

Kapag sinabing si Pedrong si Pedro, ang ibig sabihi’y si Pedro nga, walang labis, walang kulang.

Ganoon din naman kapag sinabing itung-ito, ganitung-ganito, akung-ako, ikaw na ikaw, o iyung-iyon.

29

Page 30: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

2. Pagtuturing na Maramihan. Ang mga pangangalan ay nagkakaroon ng

grammatical number sa pamamagitan ng pang-uri. Ang pinakakomon na ginagamit sa pagpaparami ay mga.

Gayunman, sa pag-uulit ng pangalawang pantig ng karaniwang pang-uri, ito ay nagiging pangmaramihan at ginagawang opsyunal na lamang ang paggamit ng mga sa mga minomodify na pangngalan.

Halimbawa: magagandang babae, malalaking bahay, malalakas na sigaw, maliliit na bata, mapuputing bulaklak.

Ang ganitong pag-uulit ng pantig ay tinatawag na di ganap.

30

Page 31: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

3. Pagbabawas ng Antas ng Pang-uri. Sa layuning ito, ang sangkot na mechanics ay

ang pag-uulit ng ugat ng pang-uri. Ang ganitong dynamism ay tinatawag ring

pag-uulit na ganap. Nababago nito ang antas ng pang-uri sa

paraang pa-bawas. Mga halimbawa: maganda-ganda malaki-laki,

malakas-lakas, maliit-liit, maputi-puti.

31

Page 32: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

4. Pagpapatindi sa Antas ng Pang-uri. Ang ganap na pag-uulit ng mga pang-uri sa

tulong ng mga pang-angkop ay nagreresult sa pagkakaroon nito ng antas na matindi at katumbas ng pasukdol na mga panlaping napaka o kay.

Halimbawa: magandang-maganda (napakaganda), malaking-malaki (napakalaki o kaylaki-laki), malakas na malakas (napakalakas o kaylakas-lakas).

32

Page 33: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

5. Pagsasamaramihan ng Panghalip na Pananong.

Inu-ulit nang ganap ang mga panghalip na pananong na ano, sino, saan at ilan upang ito ay mapluralize: anu-ano, sinu-sino, saan-saan at ilan-ilan. Di-ganap ang pag-uulit sa mga panghalip na paano at kailan: paa-paano, kai-kailan.

33

Page 34: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

6. Pagsasalipon ng Ilang Pangngalan. Nagiging collective ang ilang nouns na gaya

ng langkay, libo, angaw, at pila, sa pamamagitan ng ganap na pag-uulit.

Ang layunin nito ay upang maging pang-uri ang mga pangalang ito matapos ang pag-uulit.

Hindi gumagamit ng pang-angkop, gaya ng: langkay-langkay, libu-libo, angaw-angaw, pila-pila.

34

Page 35: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

7. Pagsasaad ng Time Frequency. Inuulit nang ganap ang mga salitang

pamanahon tulad ng oras, araw, linggo, buwan, at taon upang makapagsaad ng time frequency ayon sa duration ng mga ito: oras-oras, araw-araw, linggu-linggo, bu-wan-buwan, taun-taon.

Kapag ang salitang pamanahon ay may pantig na labis sa dalawa, hb., minuto, sandali, panahon, century, dantaon— ang pag-uulit sa mga ito ay di ganap: minu-minuto, sanda-sandali, pana-panahon, sentyu-century, danta-dantaon.

35

Page 36: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

8. Pagsasaad ng Kalagayan, o Aksiyong Inuulit. Sa ga-nitong layunin ay gumagamit tayo ng ganap na pag-uulit sa tulong ng panlaping pa o ng pang-abay na nang.

Mga halimbawa: pasunod-sunod, sunod nang sunod, pa-kanta-kanta, kanta nang kanta, papasyal-pasyal, pasyal nang pasyal, pabandying-bandying, patambay-tambay, pa-abroad-abroad, patesting-testing, pachancing-chancing, pa-disco-disco.

36

Page 37: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

Nagiging di ganap ang pag-uulit kapag ang salita ay sobra sa dalawang pantig: pasima-simangot, pagita-gitara, pabiyu-biyulin, pakuya-kuyakoy, pasoli-solitaire, pareno-renovate, paeva-evacuate, patraysi-traysikel or patraysi-tricycle.

Nagagawa rin ang ganito sa pag-uulit ng unang pantig ng salita at sa pag-uulit ng ugat nito: susunod-sunod, kakanta-kanta, papasyal-pasyal, tatambay-tambay, sisilip-silip, titingin-tingin.

37

Page 38: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

Sa paglalapi ng in at um (di rin ganap ang pag-uulit kapag sobra sa dalawang pantig ang salita): inuulit-ulit, iniinum-inom, iniingat-ingatan, umuulan-ulan, umaambon-ambon, kumakanta-kanta, umaale-alembong, lumiligid-ligid, umiikut-ikot, kumukuya-kuyakoy, hinahanap-hanap, sumasakit-sakit, kumikirut-kirot, umaantak-antak.

38

Page 39: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

9. Pagbabahagi ng Bilang. Sa ganap na pag-uulit ng mga salitang pamilang

ay nababahagi natin ito ayon sa daming isinasaad ng salita. Kapag ang salitang pamilang ay sobra sa dalawang pantig, ang pag-uulit ay di ganap: isa-isa, dala-da-lawa, tatlu-tatlo, apat-apat, lima-lima, sampu-sampu, dala-dalawampu, tatlu-tatlumpo.

Ang panlaping pa ay nagagamit din sa pagsasagawa ng layuning ito: paisa-isa, padala-dalawa, patatlu-tatlo, palima-lima, pasampu-sampu, patwenty-twenty, paseven-seven, paten-ten, pafifty-fifty.

39

Page 40: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

10. Pagtatakda ng Bilang. Sa ganitong layunin, ang inuulit lamang ay

ang unang pantig ng mga salitang pamilang: iisa, dadalawa, tatatlo, aapat, lilima, aanim, pipito, wawalo, sisiyam, sasampu, lalabing-isa, dadalawampu, dadalawam-pu’t isa, tatatlumpo.

40

Page 41: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

11. Pag-uuri ng Kalagayan ng mga Tao, Lugar at Bagay.

Ang isang kalye ay maaaring baku-bako, tayong lahat ay pantay-pantay, may tinatawag na pira-pirasong pangarap, butil-butil na pawis, sama-samang pagsisikap, watak-watak na mga samahan—at ang ganitong pag-uuri ng kalagayan ay nagagawa sa pag-uulit ng mga salita, na isang inherent grammatical procedure sa maraming wikang Austronesian.

41

Page 42: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

12. Pagsasapanahunang Pangkasalukuyan at Panghinaharap ng Pandiwa.

Di ganap na pag-uulit ang ginagawa para sa layuning ito. Ang inuulit lamang ay ang unang pantig ng ugat, gaya ng: aalis, babalik, susunod, lalakad, tutula, susulat, maglalakbay, naglalakad, nagsasaya, natutuwa, nag-eenjoy, nag-jojoin, nagjojoke, nagrerecruit, mag-aabroad.

42

Page 43: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

Ang reduplikasyon ay isang mekanikal na dinamismo ng wika na sa pandinig at palagay ng mga ispiker na di Austronesian ay indikasyon ng kakulangan ng bokabularyo.

43

Page 44: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

Ngunit ginagawa natin ito sa ating pananalita dahil sa labindalawang kadahilanan:

1. Pagpapang-uri ng pangngalan at panghalip. 2. Pagtuturing na pangmaramihan 3. Pagbabawas-antas ng pang-uri 4. Pagpapatinding-antas ng pang-uri 5. Pagsasamaramihan ng ilang panghalip na pananong. 6. Pagsasalipon ng ilang pangngalan. 7. Pagsasaad ng time frequency. 8. Pagsasaad ng kalagayan o aksiyong inuulit. 9. Pagbabahagi ng bilang. 10. Pagtatakda ng bilang. 11. Pag-uuri ng kalagayan ng mga tao, lugar at lagay. 12. Pagsasapanahunang pangkasalukuyan at panghinaha-rap

ng pandiwa.

44

Page 45: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

Sa dami ng mga dahilan kung bakit tayo nag-uulit ng mga salita, hindi na masasabing kakulitan lang ito ng dila o kakulangan ng magagamit na bokabularyo. Ito ay isang natural na metodolohiyang pangwika na makikita lamang sa tinatawag ni Metin na “Pinglish” (Pinoy-English).

Hindi ito kayang idevise ng sino mang gramaryan o linggwista. Maaaring ito’y nag-evolve o nalinang ng mga katutubong tagapagsalita ng Tagalog bilang resulta ng patuloy na paglinang ng wika.

Ayon nga kay Metin na “Ang ano mang language ay coterminous sa creation or evolution ng tao.”

45

Page 46: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

Dagdag pa niya, “Mas inclined ako sa ganitong paniniwala. Coterminous sa isang particular people ang isang particular language. Ito’y pinaniniwalaan ko bagamat nagmula ako sa isang lugar sa Or. Mindoro na ang uri ng Tagalog ay bihirang mag-ulit ng mga salita. Sa hometown kong Pinamalayan at sa lalawigan ng Marinduque, binabanghay ang mga pandiwa sa paraang gaya ng sa Bisaya.”

Ang present tense ng verb na ligo, halimbawa, ay naga-ligo; future tense, magaligo, at ang past tense, nagligo. Ang kain ay: nakain, makain, kumain. Ang kantahan: nagakan-tahan, magakantahan, nagkantahan. Hindi sila sanay magsalita ng magandang-maganda o ang bait-bait, sa halip ay anong ganda, anong bait o yanong ganda, yanong bait.

46

Page 47: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

PAG-UULIT NG MGA SALITANG HIRAM

Kung practicable, ang pag-uulit ng mga salitang hiram ay pinahihintulutan at iniencourage sa Pinglish.

Ang ganito ay paggamit ng mga salitang banyaga sa pamamaraang Tagalog.

Hindi na tayo bago sa pag-uulit ng mga salitang hiram na gaya ng bising-busy, worried na worried, concern na concern, sorring-sorry, suspense na suspense, lave na love, miss na miss, atbp.

Sa puso natin, alam na natin na naiintensify ang degree ng mga ganitong hiram na mga pang-uri kapag inuulit, pagkat ganito rin ang epekto sa ating sariling mga salita.

Dapat tayong magpasalamat na taglay ng ating wika ang ganitong mga dinamiko ng wika. Pagkat ito’y original na original, effective na effective, at ating-atin.

(mula sa www.geocities.com/rodiemetin/9BPalasalitaan.doc)

47

Page 48: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

Kongklusyon

Batay na rin sa nakalap na datos, karamihan sa mga salitang nakalap ay Unlapi + reduplikasyon ng unang pantig ng salitang-ugat na may 117 salita o 58.5% ng kabuuang 200 nakalap na salita.

Halimbawa:In-+ a+analisa maka+sa+sagotNa-+hi+hiya ma+ku+kulayMa-+sa+sabi nag-+si+simula Nagpapatunay lamang na hanggang sa ngayon ay

sinusunod pa rin ang padrong pantig ng salitang-ugat ang dapat na inuulit at hindi ang panlapi.

48

Page 49: Nakakaaliw o Nakaaaliw_ Nakakaasar o Nakaaasar.ppt

Siguro naman ay nauunawaan na natin kung bakit nag-iiba ang kahulugan o dating ng salitang nakakaasar sa nakaaasar; sa nakakainis sa nakaiinis. At matapos ang panayam na ito ay sasabihin ninyong nakakaaliw o nakaaaliw, nakakatuwa o nakatutuwa, nakakabaliw o nakababaliw ang magsalita ng Pilipino.

Marami pong Salamat!

49