nagsimula ang.docx

35
Nagsimula ang kasaysayan ng Pilipinas nang dumating ang mga sinaunang tao sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga tulay na lupa 30,000 taon na ang nakalilipas. Ang unang tala na pagbisita na mula sa Kanluran ay ang pagdating ni Ferdinand Magellan sa pulo ngHomonhon , sa timog-silangan ng Samar noong 16 Marso 1521. Nagtayo ng mga permanenteng paninirahan saCebu kasabay ng ekspedisyon ni Miguel López de Legazpi noong 1565, at marami pang mga paninirahan ang itinatag pa-Hilaga hanggang sa maabot ng mga kolonyalista ang Look ng Maynila sa pulo ng Luzon . Nagtatag ng isang syudad (town) sa Maynila at dito nagsimula ang panahon ng kolonyalisasyon ng Espanya na nagtagal ng tatlong siglo . Nagsimula ang rebolusyon laban sa Espanya noong Abril ng 1896, na pagkaraan ng dalawang taon ay humantong sa proklamasyon ng kalayaan at ang pagtatatag ng Unang Republika ng Pilipinas . Ngunit ang Kasunduan sa Paris , na naganap sa katapusan ngDigmaang Espanyol-Amerikano , ay naglipat ng pamamahala sa Pilipinas saEstados Unidos . Nagsimula ang kolonyal na pamamahala ng Estados Unidos sa Pilipinas noong Disyembre ng 1899, kasama ang limitadong lokal na pamamahala noong 1905. Ang parsiyal na pagsasarili ay iginawad noong 1935, bilang paghahanda sa isang ganap ng kalayaan mula sa Estados Unidos noong 1945. Ngunit ang 10-taong transisyon mula sa komonwelt patungo sa isang soberanyang bansa ay naantala dahil sa pagsakop ng Hapon sa Pilipinas noong panahon ngIkalawang Digmaang Pandaigdig . At pagkatapos ng pagkatalo ng mga Hapones noong 1945. At ang huling pagbabalik ng mga sundalong Pilipino at Amerikano para sa Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas mula 1944 hanggang 1945. Kaya ang

Upload: kath-de-la-torre

Post on 19-Nov-2015

54 views

Category:

Documents


5 download

TRANSCRIPT

Nagsimula angkasaysayan ng Pilipinasnang dumating ang mga sinaunang tao sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga tulay na lupa 30,000 taon na ang nakalilipas. Ang unang tala na pagbisita na mula sa Kanluran ay ang pagdating niFerdinand Magellansa pulo ngHomonhon, sa timog-silangan ngSamarnoong 16 Marso 1521. Nagtayo ng mga permanenteng paninirahan saCebukasabay ng ekspedisyon niMiguel Lpez de Legazpinoong 1565, at marami pang mga paninirahan ang itinatag pa-Hilaga hanggang sa maabot ng mga kolonyalista angLook ng Maynilasa pulo ngLuzon. Nagtatag ng isang syudad (town) saMaynilaat dito nagsimula ang panahon ng kolonyalisasyon ng Espanya na nagtagal ng tatlongsiglo.Nagsimula ang rebolusyon laban saEspanyanoongAbrilng 1896, na pagkaraan ng dalawang taon ay humantong sa proklamasyon ng kalayaan at ang pagtatatag ngUnang Republika ng Pilipinas. Ngunit angKasunduan sa Paris, na naganap sa katapusan ngDigmaang Espanyol-Amerikano, ay naglipat ng pamamahala sa Pilipinas saEstados Unidos. Nagsimula ang kolonyal na pamamahala ng Estados Unidos sa Pilipinas noongDisyembreng 1899, kasama ang limitadong lokal na pamamahala noong 1905. Ang parsiyal na pagsasarili ay iginawad noong 1935, bilang paghahanda sa isang ganap ng kalayaan mula sa Estados Unidos noong 1945. Ngunit ang 10-taong transisyon mula sakomonweltpatungo sa isang soberanyang bansa ay naantala dahil sa pagsakop ngHaponsa Pilipinas noong panahon ngIkalawang Digmaang Pandaigdig. At pagkatapos ng pagkatalo ng mga Hapones noong 1945. At ang huling pagbabalik ng mga sundalong Pilipino at Amerikano para sa Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas mula 1944 hanggang 1945. Kaya ang ganap na kalayaan ay iginawad lamang sa Pilipinas noongHulyo1946.Umunlad ang ekonomiya ng Pilipinas noong dekada 1950 at 1960, ngunit nagkaroon ng kaguluhan noong mga huling taon ng dekada 1960 at mga unang taon ng dekada 1970 laban sa mapang-aping diktatoryal ni PangulongFerdinand Marcosna nagdeklara ngbatas militarnoong 1972. Dahil sa malapit na relasyon ngPangulo ng Estados Unidosna siRonald Reagankay Pangulong Marcos, sinuportahan pa rin siya ng Estados Unidos kahit na kilala ang kanyang administrasyon sa malawak na kurapsiyon at pang-aabuso ng mga tao. Ang mapayapangRebolusyon sa EDSAnoong 1986 ang nagpatalsik kay Marcos (na tumakas saHawai'ilulan ng isang helikopter na pag-aari ng militar ng Estados Unidos, kung saan siya nanatili hanggang sa siya'y mamatay) at ang nagbalik ngdemokrasyasa bansa. Ngunit nang nagsimula ang panahong iyon, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sapolitikaat humina angekonomiyangbansa.

MgaNegrito,IndonesatMalayang mga prinsipal na mamamayan ng Pilipinas.[1]Naganap pa ang iba pangmigrasyonsa pamamagitan ng pagbiyahe sa tubig at nangyari sa loob ng ilang libong taon.[1]Naging laganap ang panlipunan at pampolitika na organisasyon ngpopulasyonsa mga pulo. Ang mgamagsasakalamang ngHilagang Luzonang nagkaroon ng konsepto ng teritoryalismo.[1]Ang simpleng yunit ngpamahalaanay angbalangay, na isang grupong pinamunuan ng isangdatu. Sa isang barangay, ang mga panlipunan na dibisyon ay ang mgamaharlika, kung saan kasama ang datu; ang mgatimawa; at ang mgaalipin. Maraming kategorya ang mga alipin: ang mga magsasakang walang lupa; ang mga timawang nawalan ng kalayaan dahil sa pagkakautang o parusa sakrimenat ang mga bihag ngdigmaan.[1]Dinala angIslamng mgamangangalakalat mgamisyonaryomula saIndonesia.[2]Noong ika-16 dantaon, matatag na ang Islam saSuluat lumaganap ito mula saMindanao; nakarating ito saMaynilanoong 1565.[1]Kahit kumalat ang Islam saLuzon, ang pagsamba pa rin sa mgaanitoangrelihiyonng karamihan sa mga pulo ng Pilipinas. Dinala ng mga Muslim ang pampolitika na konsepto ng mga estadong pinamunuan ng mgarahaatsultan. Ngunit ang mga konsepto ng mga Muslim at ng mga magsasaka ng Hilagang Luzon ng teritoryalismo ay hindi lumaganap sa ibang lugar.[1]Nang makarating ang mga Kastila noong ika-16 dantaon, karamihan sa humigit-kumulang na 500,000 katao ay nanirahan sa mga panirahang barangay.[1]Pamumuno ng Espanya (15211898)[baguhin|baguhin ang batayan]Pangunahing lathalain:Kasaysayan ng Pilipinas sa Panahon ng Pamumuno ng EspanyaAng Pagtuklas ng Pilipinas[baguhin|baguhin ang batayan]

Si Ferdinand Magellan.Ang Pilipinas ay unang natuklas niFerdinand Magellan(pangalang espanyol:Fernando Magallanes|pangalang portuges:Ferno Magalhnes) noong ika-17 ng Marso 1521.Ang Buhay ni Magellan[baguhin|baguhin ang batayan]Nakasama na si Magellan sa mga ekspedisyon ng tatay niya sa Aprika noong 25-taong gulang pa lang ito. Umasa na siya noon na makapagsagawa ng isang ekspedisyon papuntang Indya.Katulad ni Chistopher Columbus ay naisip niya na kapag bilog ang mundo, puwedeng makapunta sa Silangan sa pamamagitan ng paglalayag papuntang Kanluran. Kaya naman pumunta siya kay Haring Emmanuel I. ng Portugal, sa pangarap na makatulong sa kanyang bansa. Tinanong niya ditong bigyan siya ng pera upang makapagsagawa ng ekspedisyon. Ngunit hindi naniwala sa kanyang plano ang hari. Sa matinding galit sa hari ay nilisan ni Magellan amg bansang sinilangan papunyang Espanya.Dito sinubukan niyang pumunta kay Haring Carlos I. at magtanong dito. Pumayag si Carlos I. at pumirma sa Setyembre 1519. Dumaong sina Magellan kasama ang limang barko (Santiago,Victoria,San Antonio,Trinidad, atConcepcion) at 300 katao (kabilang dito siAntonio Pigafettabilang tagapagtala).Mga Unang Ekspedisyon sa Pilipinas[baguhin|baguhin ang batayan]

Estatwa niLapu-Lapuna nakatayo sa lugar kung saan napatay daw si Magallanes noong 1521.Unang nakarating ang mga Europeo sa Pilipinas sa pagdating ng expedisyon ng mga Espaol na pinamunuan ngPortugesna siFerdinand Magellannoong 16 Marso 1521. Pumalaot si Magallanes sa pulo ngCebu, inangkin ito para sa Espanya, at binigyan ito ng pangalan naIslas de San Lazaro.[3]Magiliw siyang nakipag-ugnayan sa ilang mga lokal nadatu. Nagdaos pa sila ng tradisyonal nasandugokung saan pinalalabas ang dugo sa braso, inihahalo sa tubig o alak at iniinom nilang magkasama. Sa ganitong paraan, ang dugo ng kasama niya ay nasa kanyang mga ugat na ginagawa silang "magkapatid sa dugo", isang sagrado at hindi pwedeng ipawalang-bisa na kasunduan. Nakumbinsi pa ni Magellan na magingKristiyano.[3]Nagawa niya itong gawin kay Humabon ng Cebu dahil sa Kristiyanismo, ginagalang ng mga bata ang mga matatanda. Ito ang nag-enganyo sa konbersiyon dahil noong panahong iyon ay hindi iginagalang ng mga bata ang matatanda dahil wala na silang magagawang mabuti sa tribu. Ang mga kabataan ang nag-uutos sa mga matanda. Nagpakita ito ng isang mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas. Nagwagi si Magallanes laban kay Humabon sa pamamagitan ng pagdadala ng bagong kultura na nagpapahalaga sa dignidad ng tao.Ngunit, napatay si Ferdinand Magellan ng pangkat niLapu-Lapu, na tumutol sa pamamahala ng Espanya. Hinamon ni Magellan si Lapu-Lapu sa isang labanan, upang ipakita kung paano lumaban ang mga Europeo. May tatlong dahilan kung bakit natalo si Magellan laban kay Lapu-Lapu: (1) Hindi siya nagpadala ng tauhan upang suriin ang lugar, (2) binalaan niya ang kalaban na aatake siya at (3) pumayag siyang mas maraming tribo ang lumaban sa kanyang mga tauhan.Sa mga sumunod na dekada, iba pang mga ekspedisyon ang ipinadala ng Espanya sa Pilipinas. Noong 1543, pinamunuan niRuy Lpez de Villalobosang isang ekspedisyon patungo sa mga pulo at pinagalangLas Islas Felipinas(mula sa pangalan niFelipe IIng Espanya) ang mga pulo ngSamaratLeyte. Hindi nagtagal, ibinigay ang pangalang ito sa buong arkipelago.Kolonya ng Espanya[baguhin|baguhin ang batayan]Ang permanenteng paninirahan ay naitatag lamang noong 1565 nang makarating ang ekspedisyon na pinamunuan niMiguel Lopez de LegazpisaCebumula saMexico. Ang pamumuno ng mga Espanyol ay naitatag sa mga maliliit na malayang pamayanan na walang alam sa pamahalaang sentralisado.[4]Matapos ang anim na taon, nang matalo ang isangMuslimna datu, itinatag ni Legazpi ang isang kabisera sa Maynila, na nagbigay ng pangunahing daungan saLook ng Maynila, isang malakingpopulasyonat malapit sa mga kapatagan ngGitnang Luzon.[5]Naging sentro ng pamahalaang kolonyal ang Maynila, pati na rin ang aktibidad na pang-militar, panrelihiyon at pangkalakalan(commercial).Naglayag ang mga bantog nagalyonsa pagitan ng Maynila atAcapulco,Mexico. Dinala nila angpilakat ilang mahahalagangmetalmula saBagong Mundosa Maynila upang bumili ng mga pampalasa mula saMoluccasat angporselana,ivory,lacquerwareatsedamula saTsinaat Timog-silangang Asya. Bagama't ginamit ang mga ito sa Mexico, karamihan sa mga kalakal ang dinala sa Espanya, upang ipagbili saEuropa.Ang Pilipinas ay naginglalawiganngNueva Espanyahanggang 1821, nang makamit ng Mexico ang kalayaan.[6]Ang pananakop sa kapuluaan ay nagtagumpay na walang pakikipaglaban (maliban sa mga Muslim).[5]Naging problema ng mga Kastila ang pakikipaglaban ng mga Muslim saMindanaoatSulu. Bilang sagot sa pag-atake ng mga Espanyol sa mga Muslim at kanilang mga kakampi, sinalakay nila ang mga lugar saLuzonatBisayasna nasa ilalim ng pamamahala ng Espanyol. Naglunsad ang mga Kastila ng mga kampanya laban sa mga Muslim, ngunit wala itong naging tiyak na resulta hanggang sa gitna ng ika-19 siglo.Magkaugnay angSimbahanatEstadonoong panahon ng Kastila. Naging responsibilidad ng estado ang mga establishimentong panrelihiyon.[5]Isa sa mga naging layunin ng Espanya sa kolonyalisasyon ng Pilipinas ay ang pagbibinyag ng mgatribusa Kristiyanismo. Ang pagpapalit ng relihiyon ay naganap dahil sa kawalan ng ibang maayos na relihiyon, maliban sa Islam, na laganap sa Timog. Ang mga seremonya ng simbahan ay naging bantog, na naging dahilan upang mapasama ang iba't ibangpistasatradisyongPilipino.[5]

Watawat ngNueva Espanya.Naging sanhi nito ang pagdami ng mga Katoliko sa bansa, na tinutulan ng mga Muslim saMindanaoat mga tribu sa Hilagang Luzon (tulad ng mgaIfugaongKordilyera) at ang mgaMangyanngMindoro.[5]Ang mga Kastila ay nagtayo ng tradisyonal naorganisasyonngbarangaysa pamamagitan ng mga pinunong lokal sa mababang antas ng pamamahala. Ang istilong ito na di-direktang pamamahala ang nagdulot ng pagbubuo ng mataas na antas ng mga Pilipino na tinatawag naprincipalia, na naging mayaman, mataas ang respeto at iba pang mga prihibelyo. Ito ay nagpakita ng isang sistemangoligarkiyasa lokal na pamamahala. Ilan sa mga pagbabago sa ilalim ng pamamahala ng Espanya ang pagpapalit ng ideya ng pagmamay-ari ng lupa sa konsepto ng pribadong pagmamay-ari at ang pagbibigay ng titulo sa mga kasapi ngprincipalia.[5]Hindi kumita ang Espanya sa Pilipinas bilang isang kolonya, at malapit nang maubos ang salapi ng pamahalaan dahil sa digmaan laban sa mgaDutchat sa pakikipag-laban sa mga Muslim.[5]Ang kita ng pamahalaang kolonyal ay nanggaling sa kalakalang galyon.[5]Pagbagsak ng pamumuno ng Espanya[baguhin|baguhin ang batayan]Ang pamamahala ng Espanya sa Pilipinas ay sandaling naputol noong 1792 nang salakayin ng mgaInglesang Maynila na naging sanhi ng pagpasok ng Espanya saDigmaan ng Pitong Taon. AngKasunduan sa Paris ng 1763ang nagbalik sa pamamahala ng mga Kastila at nilisan ng mga Ingles ang bansa noong 1764. Ang sandaling pananakop ng mga Ingles ang nagpahina sa kapangyarihan ng Espanya at nagdulot ng mga rebelyon at mga demanda para sa kalayaan.[7]Noong 1871, itinatag niGobernador-HeneralJose Basco y VargasangEconomic Society of Friends of the Country. Noong panahong iyon, ang Pilipinas ay direktang pinamamahalaan ng Espanya. Ang mga kaganapan sa loob at labas ng bansa ay nakatulong sa pagdadala ng mga bagong kaisipan sa Pilipinas. Ang pagbubukas ngKanal Sueznoong 1869 ay nagpaikli ng panahon ng paglalayag patungong Espanya. Naging sanhi ito ng pagdami ng mgailustradona naging kasama ng mgacreoles, isang mataas na antas ng mga Pilipino, sapagkat maraming mga kabataang Pilipino ang nakapag-aral saEuropa. Itinatag ng mgaillustradoangKilusang Propagandanoong 1882.Naginglayuninng Kilusang Propaganda ang pagbabalik ng representasyon ng Pilipinas sa Kongreso ng Espanya (Spanish Cortes), ilang reporma at hindi nagtagal, ang kalayaan ng bansa. SiJos Rizal, ang pinakamatalino at pinakaradikal naillustradonoong panahong iyon, ang nagsulat ng mganobelangNoli Me Tangereat angEl Filibusterismo, na naging inspirasyon upang matamo ang kalayaan.[4]Noong 1892, itinatag niAndrs BonifacioangKataastaasang, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan(KKK) na naging layunin ang pagkakamit ng kalayaan sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa mga Kastila. Si Bonifacio ang naging supremo (pinuno) nito.

Unang watawat ng mga rebolusyonaryong Pilipino.

Emilio Aguinaldo, Pangulong ng Pilipinas mula 1899 hanggang 1901.Nagsimula angrebolusyonnoong 1896. Napagkamalan si Rizal na siya ang nagpasimula ng rebolusyon na naging sanhi ng kanyang pagkamatay noong 30 Disyembre 1896. Ang Katipunan saCaviteay nahati sa dalawa, angMagdiwangna pinamunuan niMariano Alvarez(kamag-anak ni Bonifacio sa pamamagitan ngkasal), at angMagdalo, na pinamunuan niEmilio Aguinaldo. Ang alitan sa pagitan ni Bonifacio at Aguinaldo ang nagdulot sa pagpatay kay Bonifacio ng mgasundaloni Aguinaldo noong 10 Mayo 1897. Sumang-ayon si Aguinaldo sa mga kondisyon ngKasunduan sa Biak-na-Batoat siya at ang kanyang mga kasamang rebolusonaryo ay ipinatapon saHong Kong.

Sesyon ngkongresong Unang Republika ng Pilipinas.Nagsimula angDigmaang Espanyol-Amerikanonoong 1898 nang pasabugin angUSS Maineat lumubog sa daungan ngHavana, na ipinadala saCubaupang mabuo ng isang mapayapang resolusyon sa pagitan ng mga ambisyon ng Cuba na maging malaya at ang kolonyalismo ng Espanya. Matapos matalo niCommodoreGeorge Deweyang mga Espanyol sa Maynila, inimbitahan niya na bumalik si Aguinaldo sa Pilipinas, na ginawa niya noong 19 Mayo 1898. Nang nakarating ang mga sundalongAmerikanosa Pilipinas, nakuha na ng mga Pilipino ang kontrol sa buongLuzon, maliban saIntramuros. Noong 12 Hunyo 1898, ipinahayag ni Aguinaldo ang kasarinlan ng Pilipinas saKawit,Cavite, na nagtatag ngUnang Republika ng Pilipinassa ilalim ng unangdemokratikongkonstitusyonngAsya.[4]Kasabay nito, dumating ang mga sundalongGermanat idineklarang kung hindi kukunin ng Estados Unidos ang Pilipinas bilang isang kolonya, kukunin ito ng Germany. Nakuha ng mga Amerikano ang lungsod mula sa mga Espanyol saLabanan ng Maynila. Ang labanang ito ang nagtapos sa pakikipag-usapan ng mga Pilipino at Amerikano, dahil sa pagpigil sa mga sundalong Pilipino sa pagpasok sa lungsod ng Maynila, isang kilos na tinutulan ng mga Pilipino.[8]Nagpadala ng mga komisyoner ang Espanya at Estados Unidos upang pag-usapan ang mga kondisyon ngKasunduan sa Parisna nagtapos sa Digmaang Espanyol-Amerikano. SiFelipe Agoncillo, ang representatibo ng Pilipinas ay tinanggal sa mga sesyon dahil ang pamahalaang rebolusyonaryo ay hindi kinilala ng ibang mga bansa.[8]Kahit mayroong mga pagtututol, nagdesisyon ang Estados Unidos na hindi isasauli ang Pilipinas sa Espanya, at hindi rin pumayag na kunin ng Germany ang Pilipinas. Maliban saGuamatPuerto Rico, napilitan din ang Espanya na ibigay ang Pilipinas sa Estados Unidos bilang kapalit saUS$20,000,000.00, na sinasabi ng Estados Unidos na "regalo" nila sa Espanya.[9]Nagrebelde ang Unang Republika ng Pilipinas laban sa okupasyon ng Estados Unidos, na nagdulot ng pagsiklab ngDigmaang Pilipino-Amerikano(18991913).

Panahong kolonyal ng Amerikano (18981946)[baguhin|baguhin ang batayan]

Isang karikaturang pampolitika noong 1898 na ipinapakita siMcKinley,pangulo ng Estados Unidoskasama ang isang "mabangis" na bata. Ikinukumpara dito ang pagbalik ng Pilipinas sa Espanya sa paghagis ng bata sa bangin.Pangunahing lathalain:Pananakop ng Amerika sa PilipinasNagsimula ang relasyon ng Pilipinas sa Estados Unidos nang magsama ang dalawang bansa upang labanan ang mga Kastila.[10]Bilang mga magka-alyado, binigyan ng mga sundalong Pilipino ang mga Amerikano ng mga mahahalagang impormasyon at suporta mula sa militar.[11]Ngunit, dumistansiya ang Estados Unidos sa mga hangarin ng mga Pilipino. Hindi natuwa si Aguinaldo nang tumutol ang mga Amerikano na suportahan ang kalayaan ng Pilipinas.[11]Nagwakas ang relasyon ng dalawang bansa at tumaas ang tensiyon nang naging malinaw ang pakay ng mga Amerikanong manatili sa mga pulo.[11]Digmaang Pilipino-Amerikano[baguhin|baguhin ang batayan]Pangunahing artikulo:Digmaang Pilipino-AmerikanoSumiklab angDigmaang Pilipino-Amerikanonoong Pebrero, 1899, matapos patayin ng dalawang Amerikanong sundalo ang tatlong Pilipinong sundalo saSan Juan.[12]Naging mas magastos at mas marami ang namatay sa digmaang ito kaysa saDigmaang Espanyol-Amerikano.[4]Humigit-kumulang 126,000 Amerikanong sundalo ang lumaban sa digmaan; 4,234 Amerikano ang namatay, pati na rin ang 16,000 Pilipinong sundalo na naging kasali sa isang pambansanggerilyangkampanya na walang tiyak na bilang ng mga kasapi.[12]Sa pagitan ng 250,000 at 1,000,000 sibilyan ang namatay dahil sa kagutuman at sakit. Pinahirapan nila ang isa't isa.[12]Ang kakulangan ng mgasandataang naging sanhi ng pagkatalo ng mga Pilipinong sundalo laban sa mga Amerikano sa mga pangunahing labanan ngunit ang mga Pilipino ay nagwagi sa mga labanang gerilya.[12]AngMalolos, na kabisera ng pamahalaang rebolusyonaryo, ay nakuha ng mga Amerikano noong 31 Marso 1899 ngunit nakatakas si Aguinaldo at ang kanyang pamahalaan at nilipat ang kabisera saSan Isidro, Nueva Ecija. SiAntonio Luna, ang pinakamagaling nakumanderni Aguinaldo, ay pinatay noongHunyo. Dahil sa pagkamatay ni Luna at ang tuloy-tuloy na pagkatalo ng kanyang mga sundalo sa mga labanan sa Hilagang Luzon, pinalitan ng di-sentralisadong mga hukbong gerilya sa bawat sonang militar ang regular na hukbo noongNobyembre1899. Ang mga sibilyan, na naiipit sa pagitan ng mga Amerikano at mga rebelde, ay naghirap.[12]Nadakip si Aguinaldo saPalanan, Isabelanoong 23 Marso 1901 at dinala sa Maynila. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos at nag-utos na sumuko ang kanyang mga kasama, na naging hudyat ng katapusan ng digmaan.[12]Ngunit nagpatuloy pa rin ang mga labanan sa ilang mga bahagi ng Pilipinas, lalo na sa Mindanao, hanggang noong 1913.[13]Kolonya ng Estados Unidos[baguhin|baguhin ang batayan]Tinuring ng Estados Unidos ang kanilang misyon sa Pilipinas bilang paghahanda ng mga Pilipino sa malayang pamamahala.[14]Itinatag ang pamahalaang sibil noong 1901, na pinamahalaan niWilliam Howard Taft, ang unang Amerikanong gobernador-heneral ng Pilipinas, na humalili kayArthur MacArthur, Jr.Ang gobernador-heneral ang naging pinuno ngKomisyon ng Pilipinas, isang kapisanan na itinatag ng Estados Unidos na may kapangyarihang tagapagbatas at may limitadong kapangyarihang tagapamahala. Nagpatupad ang komisyon ng batas na nagtayo ng iba't ibang mga sangay ng pamahalaan, kasama na rin ang istilong hudisyal, serbisyong sibil at pamahalaang lokal. Itinatag ang Pambansang Pulisya(Philippine Constabulary)upang pamahalaan ang mga natitirang kilusang lumalaban sa mga Amerikano at nang hindi naglaon ay ginampanan rin nito ang mga responsibilidad ngSandatahang Lakas ng Estados Unidos. Pinasinayaan ang halal naAsamblea ng Pilipinasnoong 1907 bilang ang mababang kapulungan, samantalang ang Komisyon ng Pilipinas ang mataas na kapulungan.Ang mga panukala ng Estados Unidos sa Pilipinas ay napalitan kasabay ng pagpapalit ng mga administrasyon.[4]Sa mga unang taon ng kolonyang pamamahala, ayaw ng mga Amerikano na ibigay ang karapatang pamamahala sa mga Pilipino. Ngunit, nang naging pangulo ng Estados Unidos siWoodrow Wilsonnoong 1913, isang bagong panukala ang ipinagtibay na naging daan sa kalayaan ng Pilipinas. AngBatas Jones, na ipinasa ngKongreso ng Estados Unidosnoong 1916, ay naging batayan ng pagtatag ng isang pamahalaan, nagpangako ng kalayaan at pagtatatag ng inihalal naSenado ng Pilipinas.Naganap noong dekada 1920 ang pakikipagtulungan at mga komprontasyon ng mga Pilipino sa mga gobernador-heneral ng Estados Unidos, depende kung kaya ng gobernador-heneral na pamahalaan ang kolonya kasama ang tagapagbatas ng bansa. Ang mga kasapi ng kongreso ay naghangad na makamit kaagad ang kalayaan mula sa Estados Unidos. Ipinadala saWashington D.C.ang ilang mga misyong pang-kalayaan. Itinatag angserbisyong sibilna pinamahalaan ng mga Pilipino noong 1918.Ang politika ng Pilipinas noong panahon ng kolonyalismo nito sa Estados Unidos ay pinamahalaan ngPartido Nacionalista, na itinatag noong 1907. Kahit naghangad ito ng madaliang paggawad ng kasarinlan, naging mataas ang suporta nito sa Estados Unidos sa mga panukala nito.[15]Pinamunuan ito niManuel L. Quezon, na nagingpangulo ng Senadomula noong 1916 hanggang 1935.Panahon ng Komonwelt[baguhin|baguhin ang batayan]Pangunahing artikulo:Komonwelt ng Pilipinas

Manuel L. Quezon, pangulo ng Komonwelt kasama siFranklin D. Roosevelt,pangulo ng Estados UnidossaWashington, D.C..Noong 1933, ipinasa ngKongreso ng Estados UnidosangBatas Hare-Hawes-Cuttingbilang ang Batas ng Kalayaan ng Pilipinas kahit ito ay tinutulan ni PangulongHerbert Hoover.[16]Kahit ang batas na ito ay binuo sa tulong ng isang komisyon mula sa Pilipinas, tinutulan ito ngPangulo ng Senado, siManuel L. Quezon, dahil sa probisyon nitong manatili ang kontrol ng Estados Unidos sa mga base militar sa bansa. Sa ilalim ng kanyang impluwensiya, tinutulan ito ng lehislatura ng Pilipinas.[17]Noong sumunod na taon, isang bagong batas na tinawag naBatas Tydings-McDuffieay ipinasa ng lehislatura. Isinaad sa batas na ito ang pagtatatag ngKomonwelt ng Pilipinasna may 10-taong mapayapang transisyon patungo sa kasarinlan. Magkakaroon ang komonwelt ng sarilingsaligang-batasat magigingresponsibilidad ang pamamahala sa bansa, ngunit ang ugnayang panlabas ay responsibilidad ng Estados Unidos, at ilang mga batas ay kailangan aprubahan ng pangulo ng Estados Unidos.[17]

Manuel Quezon, Pangulong ng Pilipinas mula 1935 hanggang 1944.Isang konstitusyon ang binuo noong 1934 na pinagtibay sa isang plebisito noong sumunod na taon. Noong 14 Mayo 1935, isang halalan ang ginanap upang punan ang bagong tatag na posisyon ng Pangulo ng Komonwelt na napanalunan niManuel L. QuezonngPartido Nacionalista, at itinatag ang isang Pilipinong pamahalaan na ibinase sa mga prinsipyo ngKonstitusyon ng Estados Unidos. Ang komonwelt ay itinatag noong 1935, na mayroong malakas na sangay na tagapagpaganap, iisang sangay ng kapulungan, angNational Assemblyat angKataas-taasang Hukuman ng Pilipinasna binubuo ng mga Pilipino sa unang pagkakataon mula noong 1901. Noong panahon ng Komonwelt, nagpadala ang Pilipinas ng isang halal naResident CommissionersaMababang Kapulungan ng Estados Unidos(tulad ng ginagawa ngPuerto Ricongayon).Naging adhikain ng bagong pamahalaan ang pagtatatag ng batayan ng tanggulang pambansa, mas malakas na kontrol sa ekonomiya, mga reporma sa edukasyon, pagpapabuti sa transportasyon, ang kolonisasyon ng pulo ng Mindanao at ang promosyon ng lokal na kabisera at industriyalisasyon. Ngunit hinarap ng komonwelt ang problema sa agrikultura, ang di-tiyak na sitwasyong diplomatiko at militar saTimog-Silangan Asya, at hindi maliwanag na lebel ng komitment ng Estados Unidos sa panghinaharap na Republika ng Pilipinas. Binago ang konstitusyon noong 19391940 upang ibalik ang kongresong may dalawang kapulungan at ang pagpapahintulot ng pagtakbo muli ni Pangulong Quezon, na nagkaroon lamang ng isang anim na taong termino.Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang pagsakop ng mga Hapon[baguhin|baguhin ang batayan]Pangunang Artikulo:Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas (19411945)

Humigit-kumulang 10,000 katao ang namatay saMartsa ng Kamatayan sa Bataan.Naglunsad ang bansangHaponngisang sorpresang pag-atake sa Clark Air Base sa Pampanganoong 8 Disyembre 1941, halos sampung oras lamang matapos angPag-atake sa Pearl Harbor. Ang pagbobomba sa pamamagitan ng paggamit ng mga eroplano ay sinundan ng pagdating ng mga sundalong Hapones sa Luzon. Ang hukbo ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo ay pinamunuan ni HeneralDouglas MacArthur. Dahil sa pagdami ng mga kalabang dumarating sa bansa, lumikas ang mga hukbong Pilipino at Amerikano saBataanat sa pulo ngCorregidor. Ang Maynila, na idineklarang bukas na lungsod/Open City upang maiwasan ang pagkawasak nito, ngunit naging pasaway ang mga hapones at sinalakay pa rin ito[18]ito ay pinasok ng mga Hapones noong 2 Enero 1942[19]. Nagpatuloy ang pagtatanggol ng mga Pilipino hanggang sa pagsuko ng mga sundalong Pilipino at Amerikano sa Bataan noong 9 Abril 1942 at ang Corregidor noong Mayo 6. Karamihan sa 80,000 na mga preso ng digmaan na nahuli ng mga Hapones sa Bataan ay sapilitangpinagmartsapatungo sa isang kulungang may layo ng 105 kilometro sa Hilaga (Pampangga) . Tinatayang 10,000 mga Pilipino, 300 mga Pilipinong Intsik at 1,200 mga Amerikano ang namatay bago makarating sa destinasyon.[20]Sumama sina Quezon at Osmea sa mga sundalong patungong Corregidor at hindi nagtagal ay umalis sila patungong Estados Unidos, at doon pinamahalaan ang Komonwelt.[21]Inutusan si MacArthur na pumunta saAustralia, kung saan sinimulan niya ang planong pagbabalik sa Pilipinas.

Jose P. Laurel, Pangulong ng Pilipinas mula 1943 hanggang 1945.Agad na nag-organisa ang mga awtoridad ng militar ng Hapon ng bagong estruktura ng pamahalaan sa Pilipinas at itinatag angKALIBAPI(Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas). Isinaayos nila angKonseho ng Estadona nagpatupad ng mga pang-sibil na batas hanggangOktubre1943, nang ideklara nila ang Pilipinas bilang isang malayang bansa. Ang republikang nasa ilalim ng mga Hapones na pinamunuan niJose P. Laurelay hindi naging popular.[22]Ang pagsakop ng mga Hapon sa Pilipinas ay tinutulan nang maraming aktibidad ng mga gerilya. Lumaban ang pangkat ng militar ngHukbong Katihan ng Komonwelt ng Pilipinassa mga Hapones sa isang digmaang gerilya at kinilalang isa itong pangkat ng Hukbong Katihan ng Estados Unidos. Ang tagumpay ng pakikipaglabang ito ay ipinakita sa katapusan ng digmaan, kung saan kontrolado lamang ng mga Hapones ang labindalawa sa apatnapu't walong lalawigan sa bansa.[22]Ang pangunahing elemento ng paghihimagsik sa Gitnang Luzon ay ginampanan ngHukbalahap(Hukbong Bayan Laban sa Hapon), na mayroong 30,000 kasapi at ipinaabot ang kontrol sa karamihang lugar sa Luzon.[22]Noong 8 Mayo 1942 hanggang 2 Setyembre 1945, nagsimula ang kampanya ng Labanan ng Pilipinong Nadakpin-Muli sa Pilipinas sa ilalim ng pagsakop ng mga Hapon. Mahigit daan-libong mga Pilipino at mga Pilipinong Intsik na kalakihan ay sumali bilang sundalo ay isang dating militar ngHukbong Katihan ng Komonwelt ng Pilipinassa ilalim ng pangkat ng militar ng Estados Unidos (19351946) at ang sumali bilang gerilya ng kumilalang pangkat ng gerilya sa buong pagbabaka at labanang ito sa Pilipinas katulad ng Luzon, Visayas at Mindanao at lumaban sila sa mga Hapon, at bago po pagbabalik ng mga Amerikanong sundalo sa Pilipinas noong 1944.Dumatingsi Heneral Douglas MacArthur at si Pangulong Sergio Osmena kasama ang maraming mga Pilipino at Amerikanong sundalo saLeytenoong 20 Oktubre 1944. Maraming pang mga sundalo ang dumating, at pinasok ng mga Magkakaalyadong sundalong Pilipino at Amerikano angMaynila. Nagtagal ang labanan hanggang sa pormal na pagsuko ng Hapon noong 2 Setyembre 1945. Nagdanas ang Pilipinas ng pagkawala ng maraming buhay at malawakang pagkasira nang matapos ang digmaan. Tinatayang isang milyong Pilipino ang namatay, at nawasak ang Maynila dahil hindi idineklara ng mga Hapones ang Maynila bilang isang bukas na lungsod katulad ng ginawa ng mga Amerikano noong 1942.[22]

Sergio Osmena, Pangulong ng Pilipinas mula 1944 hanggang 1946.Kasama ni Pangulong Manuel L. Quezon sa Estados Unidos si Sergio Osmena. Namatay si Quezon sa sakit na tuberkulosis noong 1 Agosto 1944 at si Osmea ang humalili sa kanya. Kasama siya ng mga puwersang Amerikanong lumunsad sa Leyte. Samantala maraming ang magkakasanib ng mga sundalong Pilipino at Amerikano kasama ng mga kumilalang gerilya ay ipagtatanggol ng sagupaan ng pakipaglaban sa mga Hapones ay simula ng kampanya ng labanan ng pagpapalaya sa Pilipinas. Nagsilbi siya bilang pangulo ng bansa hanggang sa magkaroon ng halalan noong 23 Abril 1946. Paghahanda ito sa pagbibigay ng kalayaan ng Estados Unidos. Kumandidato siya bilang pangulo, ngunit natalo kay Manuel Roxas.Malayang Pilipinas at ang Ikatlong Republika (19461972)[baguhin|baguhin ang batayan]Pangunahing artikulo:Kasaysayan ng Pilipinas (19461972)Pamamamahala ni Manuel Roxas (19461948)[baguhin|baguhin ang batayan]Nagkaroon ng halalan noong 1946, na nagluklok kayManuel Roxasbilang unang pangulo ng malayang Pilipinas. Ibinalik ng Estados Unidos angsoberanyang Pilipinas noong 4 Hulyo 1946.[4]Ngunit ang ekonomiya ng Pilipinas ay nanatiling umaasa sa ekonomiya ng Estados Unidos, ayon kayPaul McNutt, isang mataas na komisyoner ng Estados Unidos.[23]AngPhilippine Trade Act, na ipinagtibay bilang isang kondisyon upang makatanggap ng perang gagamitin sa rehabilitasyon mula sa digmaan ang Pilipinas mula sa Estados Unidos,[24]ay lalong nagpalala sa relasyon ng dalawang bansa sa probisyon itong itali ang ekonomiya ng dalawang bansa. Isang kasunduan na militar ang nilagdaan noong 1947 na nagtakda sa Estados Unidos ng 99-taong pag-uupa sa mga pilingbase militarsa bansa (binawasan ito ng 25 taon noong 1967).Pamamamahala ni Elpidio Quirino (19481953)[baguhin|baguhin ang batayan]

Elpidio Quirino, Pangulong ng Pilipinas mula 1948 hanggang 1953.Pinatawad ng administrasyon ni Roxas ang mga taong nakipagtulungan sa mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, maliban sa mga taong gumawa ng mga marahas na krimen. Namatay si Roxas dahil saatake sa pusoattubercolosisnoongAbril1948, at humalili ang pangalawang pangulo, siElpidio Quirino, sa posisyon ng presidente. Tumakbo siya sa pagkapangulo noong 1949. Natalo ni Quirino siJose P. Laurelat nakamit niya ang apat na taong termino. Iniwan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang Pilipinas na sira-sira at nawalan ng moral. Ang muling pagbangon ng bansa ay naguluhan dahil sa mga aktibidad ng mga gerilyangHukbalahap("Huks") na naging kalaban ng bagong pamahalaan ng Pilipinas. Ang mga panukala ng pamahalaan sa mga Huk ay parehong naging pang-negosasyon at pang-supresyon. AngKalihim ng Tanggulang Pambansa, siRamon Magsaysayay nagsimula ng kampanya upang matalo ang mga rebelde sa pamamagitan ng militar at para makuha na rin ang suporta ng pamahalaan mula sa mga mamamayan. Unti-unting kumunti ang kampanya ng mga Huk noong dekada 1950's, at tuluyang nagwakas ito sa walang kundisyon na pagsuko niLuis Taruc, pinuno ng mga Huk noongMayo1954.Pamamamahala ni Ramon Magsaysay (19531957)[baguhin|baguhin ang batayan]

Ramon Magsaysay, Pangulong ng Pilipinas mula 1953 hanggang 1957.Suportado ng Estados Unidos, nahalal si Magsaysay sa pagkapangulo noong 1953 dahil sa popularidad niya sa mga tao. Ipinangako niya ang reporma sa ekonomiya, at napaunlad niya angreporma sa lupasa pamamagitan ng pagtaguyod sa paglipat ng tirahan ng mga mahihirap na tao sa Katolikong hilaga patungo sa mga tradisyonal na mga lugar ng mga Muslim. Kahit nakatulong ito sa pagbabawas ng populasyon sa Hilaga, tumaas ang tensiyong panrelihiyon.[25]Ngunit naging popular pa rin siya sa mga mamamayan, at ang kanyang pagkamatay sa pagbagsak ng kanyang eroplano noongMarso1957 ay nagdulot ng kalungkutan sa maraming mga Pilipino.Pamamamahala ni Carlos Garcia (19571961)[baguhin|baguhin ang batayan]

Carlos Garcia, Pangulong ng Pilipinas mula 1957 hanggang 1961.Humalili siCarlos P. Garciasa posisyon ng pangulo matapos ang pagkamatay ni Magsaysay, at nahalal rin siya sa apat na taong termino noong Nobyembre ng taon ding iyon. Ipinatupad niya ang patakarang "Pilipino Muna", na nagbibigay ng pagkakataon sa mga Pilipino na malinang ang ekonomiya ng bansa.[26]Nakipag-ugnayan si Garcia sa Estados Unidos ukol sa pagsasauli ang mga Amerikanong base militar sa Pilipinas. Ngunit nawala ang popularidad ng kanyang administrasyon dahil sa mga isyu ng kurapsiyon sa mga sumunod na taon.[27]Pamamamahala ni Diosdado Macapagal (19611965)[baguhin|baguhin ang batayan]

Diosdado Macapagal, Pangulong ng Pilipinas mula 1961 hanggang 1965.Nahalal siDiosdado Macapagalsa pagkapangulo noong halalan ng 1961. Ang panukalang banyaga ni Macapagal ay humingi ng mas malapit na relasyon sa mga kalapit na mga bansa, partikular na ang Malaya (ngayo'yMalaysia) atIndonesia.[25]Ang pakikipag-negosasyon niya sa Estados Unidos ukol sa mga karapatan sa mga base militar ay nagdulot ng negatibong damdamin sa mga Amerikano.[25]Binago niya angAraw ng Kalayaanmula sa Hulyo 4 na pinalitan ng Hunyo 12, upang gunitain ang araw na idineklara ni Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng bansa mula sa Espanya noong 1898.Sa panahon ng panunungkulan ni PangulongDiosdado Macapagalnagpatuloy sa pagtaas ang halaga ng bilihin, ngunit naisagawa niyang kahit paano'y mapanatili ang mababang halaga ngbigasatmais. Gayunpama'y ang pagpupuslit ng mga kalakal na ipinagbabayad sa adwana'y laganap pa rin tulad ng dati. Si Macapagal sa kanyang sarili'y isang taong matapat, ngunit ipinapalagy ng mga taong siya'y mahina at hindi nababagay sa kanyang tungkulin, o kaya'y kinukunsinti niya ang katiwalian at kasamaang ginagawa ng mga taong malapit sa kanya o may lakas sa kanyang tanggapan.Tangi sa pampalagiang suliranin na pangkabuhayan at pampamahalaan ang lumigalig sa kanyang pangasiwaan.Pamumuno ni Ferdinand Marcos- (19651986)[baguhin|baguhin ang batayan]

Ferdinand Marcos, pangulo ng Pilipinas mula 1965 hanggang 1986.Ang isa pang subyang sa panig ni Macapagal ay ang Pangulo ng Senado na siFerdinand Marcos, isang kapwa Liberal. Sinasabing upang matamo ang pagtulong ni Marcos sa halalan noong 1961, lihim na nakipagkasundo si Macapagal kay Marcos na hindi siya tatakbong muli para sa reeleksiyon sa halalan ng taong 1965. Ngunit habang lumalapit ang halalan ng taong 1965, napatunayang masugit si Macapagal sa pagkandidato.Sa pagkabigo ng pag-asa ni Marcos sa pagiging kandidato ng Partido Liberal sa pagkapangulo, at sa dahilang naanyayahang sumama sa Partido Nacionalista at samantalahin ang pagkakataon sa Kumbensiyon ng mga Nacionalista'y iniwan niya ang Partido Liberal at sumapi sa Nacionalista. Nagwagi si Marcos sa Kumbensiyon at naging opisyal na kandidato sa pagka-Pangulo.Sa una niyang termino, naglunsad si Marcos ng iba't ibang mga proyekto at nagtaas ng koleksiyon ngbuwisna nakatulong sa pag-unlad ng bansa noong dekada '70. Dahil rin sa pag-utang niya at sa tulong pang-ekonomiya na nanggaling sa Estados Unidos, mas maraming mga daan ang naitayo ng kanyang administrasyon kaysa sa lahat ng daan na naitayo ng mga nakalipas na pangulo at mas maraming mgapaaralankaysa sa nakalipas na administrasyon.[28]Nahalal muli si Marcos bilang pangulo noong 1969, na naging unang pangulo ng malayang Pilipinas na natamo ang ikalawang termino.Hinarangan ng mga kalaban ni Marcos ang kinailangang lehislasyon para maisakatuparan ang kanyang mga plano. Dahil dito, nawala ang positibong damdamin sa kanyang ikalawang termino at bumagal ang pag-unlad ng kabuhayan.[29]Dumami ang krimen at pagsuway ng mga sibilyan sa batas. Binuo ngPartido Komunista ng PilipinasangBagong Hukbong Bayan. Nagpatuloy ang pakikipaglaban ngMoro Islamic Liberation Frontpara sa kalayaan ng Mindanao. Ang isang pagsabog sa pagtitipon ngPartido Liberalkung saan idineklara ang kanilang kandidato para sa Senado noong 21 Agosto 1971 ang nagdulot ng pagsuspinde ni Marcos sawrit of habeas corpus, na ibinalik niya noong 11 Enero 1972 matapos ang mga protesta ng publiko.Batas Militar[baguhin|baguhin ang batayan]Tingnan din:Estratehiya ng tensiyon.

23 Setyembre 1972- Ipinahahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Batas Militar sa isang pagbabalita sa himpapawid.Dahil sa kawalan ng respeto sa batas at ang banta ng rebelyon ng mga Komunista, idineklara ni Marcos angbatas militarnoong 21 Setyembre 1972 sa bisa ngProklamasyon Blg. 1081. Tinanggal ni Marcos ang kalayaan ng pamamahayag at iba pang karapatan ng mga mamamayan, ipinasara ang Kongreso at ang mga kompanya ng pamamahayag, at iniutos ang pag-aresto sa mga pinuno ng oposisyon at mga aktibidad ng mga militante, kasama na ang kanyang pinakamalaking mga kritiko, si SenadorBenigno Aquino, Jr., SenadorJovito Salongaat SenadorJose Diokno.[30]Ang deklarasyon ng batas militar ay tinanggap ng karamihan, dahil sa problemang panlipunang dinaranas ng Pilipinas.[31]Malaki ang binaba ng bilang ng krimen matapos isakatuparan angcurfew.[32]Maraming mga kalaban sa politika ang napilitang umalis ng bansa.Isang konstitusyonal na kumbensiyon, na itinatag noong 1970 upang palitan angSaligang-Batas ng 1935, ay nagpatuloy sa pagbuo ng bagong saligang-batas matapos ang deklarasyon ng batas militar. Nagkaroon ng bisa ang bagong konstitusyon noong 1973, na binago ang istilo ng pamahalaan mula sapampanguluhanna nagingparlamentaryoat nagpahintulot kay Marcos na manatili siya sa kapangyarihan matapos ang 1973.Ayon kay Marcos, ang batas militar ang simula nang pagbubuo ng Bagong Lipunan na ibinase sa mga kahalagahang panlipunan at pampolitika.[33]Lumakas ang ekonomiya noong dekada 1970s, na nagkaroon ng sobrang salapi para sa budyet at pangangalakal. Tumaas angKabuuang Pambansang Produktomula sa 55 bilyong piso noong 1972 na naging 193 bilyong piso noong 1980. Lumaki ang kita ng pamahalaan sa turismo. Ngunit nakilahok si Marcos, ang kanyang mga kroni at ang kanyang maybahay, siImelda Romualdez-Marcossa paggawa ng kurapsiyon.[34]Sa pamumuno ni Nailah Ingco at Joanna Bayabao.Ikaapat na Republika[baguhin|baguhin ang batayan]Upang palubagin angSimbahang Katolikabago ang pagbisita ngSanto Papa, siPapa Juan Pablo II,[35]opisyal na ipinatigil ni Marcos ang batas militar noong 17 Enero 1981. Ngunit, pinanatili niya ang kapangyarihan ng pamahalaan sa paghuli at pagkulong. Ang kurapsiyon at ang kaguluhan sa lipunan ang naging sanhi ng pagbagal ng pag-unlad ng ekonomiya sa ilalim ni Marcos, na humina ang kalusugan dahil salupus.Binoykot ng oposisyon ng halalan noong 1981, kung saan lumaban si Marcos at ang retiradong heneral na siAlejo Santos.[30]Nanalo si Marcos ng 16 milyong boto, na pinahintulutan siyang manungkulan ng anim na taon. Nahalal ang Kalihim ng Pananalapi, siCesar ViratabilangPunong Ministrong Batasang Pambansa.Noong 1983, napatay ang pinuno ng oposisyon, siBenigno Aquino, Jr.saPandaigdigang Paliparan ng Maynilasa kanyang pagbalik sa Pilipinas matapos ang mahabang panahon ng pananatili sa ibang bansa. Nagdulot ito ng pagtutol sa pamumuno ni Marcos at ang serye ng mga pangyayari, kasama ang pag-aalala ng Estados Unidos, na nagsanhi ng halalan noongPebrero1986.[36]Nagkaisa ang oposisyon sa biyuda ni Aquino, siCorazon Aquino.Idineklara ngKomisyon ng Eleksiyon(Comelec), ang opisyal na tagabilang ng resulta ng halalan, ang pagkapanalo ni Marcos. Ngunit malaki ang pagkakaiba nito sa bilang ngNamfrel, isang pinagkakatiwalaang tagabantay ng halalan. Tinutulan niCorazon Aquinoat ng kanyang mga tagasuporta ang maling resulta ng halalan. Hindi rin kinilala ng mga dayuhang tagamasid, kasama ang delegasyon ng Estados Unidos, ang opisyal na resulta.[36]Binawi ni Hen.Fidel Ramosat Kalihim ng Tanggulang Pambansa, siJuan Ponce Enrile, ang suporta nila kay Marcos. Napatalsik si Marcos sa isang mapayapang demonstrasyon, tinatawag naRebolusyon sa EDSA ng 1986at ang paghalili niCorazon Aquinobilang pangulo noong 25 Pebrero 1986.Ikalimang Republika (1986-kasalukuyan)[baguhin|baguhin ang batayan]Pamamamahala ni Corazon Aquino (19861992)[baguhin|baguhin ang batayan]

Corazon Cojuangco-Aquino, Pangulong ng Pilipinas mula 1986 hanggang 1992.Bumuo kaagad siCorazon Aquinong isang rebolusyonaryong pamahalaan para maging normal ang sitwasyon, na naging batayan ang transisyonal naFreedom Constitution.[37]Isang bagong saligang-batas ang ipinagtibay noongPebrero1987.[38]Ipinagbawal ng konstitusyong ito ang pagdedeklara ng batas military, pagtatatag ng mga nagsasariling rehiyon saCordilleraat saTimog Mindanaoat ang pagbabalik ng istilong pampanguluhan ng pamahalaan at ang Kongresong may dalawang kapulungan.[39]Umunlad ang bansa sa pamamagitan ng pagtatatag muli ng mga demokratikong institusyon at respeto sa mga mamamayan, ngunit naging mahina ang pagbangon ng bansa sa administrasyong Aquino dahil sa mgakudetang mga di-apektadong mga kasapi ng militar.[40]Ang paglakas ng ekonomiya ay hinadlangan ng serye ng mga kalamidad, kasama na ang pagsabog ngBulkang Pinatubonoong 1991 na nagdulot ng pagkamatay ng 700 katao at ang pagkawala ng mga tirahan ng 200,000 na katao.[41]Noong 1991, ibinasura ng Senado ang kasunduang nagpapahintulot sa pananatili ng mga base militar ng Estados Unidos sa loob ng sampung taon. Isinauli ng mga Amerikano sa pamahalaan angClark Air BasesaPampanganoong Nobyembre ng taong iyon, at angSubic Bay Naval BasesaZambalesnoongDisyembre1992, na nagtapos sa halos isang siglo ng pamamalagi ng militar ng Estados Unidos sa Pilipinas.Namatay si Corazon Aquino noong 1 Agosto 2009 sa Makati medical center sa lungsod ng makati sa kadahilanang Colon Cancer.Pamamamahala ni Fidel V. Ramos (19921998)[baguhin|baguhin ang batayan]

Fidel Ramos, Pangulong ng Pilipinas mula 1992 hanggang 1998.Noong 1992, nagwagi sa halalan ang Kalihim ng Tanggulang Pambansa, siFidel Ramos, na inendorso ni Pangulong Aquino, na may 23.6% lamang ng kabuuang boto sa pagitan ng pitong kandidato. Sa mga unang taon ng kanyang termino, idineklara niya na mataas niyang prayoridad ang nasyonal na rekonsilyasyon at gumawa siya ng koalisyon upang makabangon sa mga hidwaan ng administrasyong Aquino.[39]Ginawa niyang legal angPartidong Komunistaat nakipag-negosasyon sa mga ito, sa mga rebeldeng Muslim at mga rebeldeng militar upang kumbinsihin sila na itigil ang kanilang mga kampanya laban sa pamahalaan. NoongHunyo1994, nilagdaan niya ang amnestiyang nagpapatawad sa mga rebeldeng pangkat, at mga Pilipinong militar at mga pulis na kinasuhan ngkrimenhabang nakikipaglaban sa mga rebelde. NoongOktubre1995, nilagdaan ng pamahalaan ang kasunduang nagtatapos sa kaguluhang rebelde. Isang kasunduang pang-kapayapaan ang nilagdaan ng pamahalaan at ngMoro National Liberation Front(MNLF), isang pangkat ng mga rebeldeng naghahangad na maging malayang bansa ang Mindanao, noong 1996, na nagtapos sa pakikipaglaban na nagtagal ng 24 taon. Ngunit ipinagpatuloy ng humiwalay na pangkat ng MNLF, angMoro Islamic Liberation Frontang pakikipaglaban. Maraming mga malalaking protesta ang kumontra sa pagsisikap ng mga taong sumuporta kay Ramos na susugan ang batas upang magkaroon siya ng pagkakataong tumakbo muli para sa ikalawang termino, na naging sanhi ng hindi pagtakbo muli ni Ramos sa halalan.[42]Pamamamahala ni Joseph Estrada (19982001)[baguhin|baguhin ang batayan]

Joseph Estrada, Pangulong ng Pilipinas mula 1998 hanggang 2001.Nanalo siJoseph Estrada, isang dating aktor at naging bise pangulong ni Ramos, sa halalan ng pagka-Pangulo noong 1998. Ipinangako niya sa kanyang kampanya ang pagtulong sa mga mahihirap at paunlarin ang sektor ng agrikultura sa bansa. Naging popular siya sa mga mahihirap.[43]Noong panahon ngkrisis na pinansiyal sa Asyana nagsimula noong 1997, ang pamamahala ni Estrada ay nagdulot ng mas malalang kahirapan sa ekonomiya. Maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho, lumaki ang kakulangan sa badyet at bumaba ang halaga ng piso. Ngunit nakabangon ang kabuhayan ng bansa ngunit mas mabagal ito kumpara sa mga kalapit-bansa nito.Sa loob ng isang taon ng kanyang eleksiyon, nawala ang popularidad ni Estrada dahil sa mga akusasyon ng kronyismo at kurapsiyon, at ang pagkabigo na masolusyonan ang mga suliranin sa kahirapan.[34]Noong Oktubre 2000, inakusahan si Estrada na tumatanggap siya ng pera mula sa sugal. Siya ay isinakdal ng Mababang Kapulungan, ngunit ang kanyang paglilitis sa Senado ay hindi natuloy nang iboto ng senado na huwag eksaminahin ang tala sa bangko ng pangulo. Bilang sagot, nagkaroon ng mga demonstrasyon na naghingi sa pag-alis ni Estrada. Dahil sa mga rally, ang resignasyon ng mga kalihim at ang pagkawala ng suporta ng sandatahang lakas, umalis si Estrada sa opisina noong 20 Enero 2001.Pamamamahala ni Gloria Macapagal-Arroyo (20012010)[baguhin|baguhin ang batayan]

Gloria Macapagal-Arroyo, Pangulo ng Pilipinas mula 2001 hanggang 2010.Humalili si Bise PangulongGloria Macapagal-Arroyo(ang anak ni PangulongDiosdado Macapagal) sa posisyon ng Pangulo sa araw ng kanyang paglisan. Tinatayang hindi lehitimo ang pag-upo ni Ginang Arroyo sa pwesto dahil hindi pa tapos ang paghahatol sa kaso ng nakaraang pangulong Estrada. Naging mas lehitimo ang kanyang pag-upo sa halalan pagkalipas ng apat na buwan, kung saan nanalo ang kanyang koalisyon sa karamihan ng mga posisyon.[34]Ang unang termino ni Arroyo ay nagkaroon ng hating politika ng mga koalisyon at isang kudeta sa Maynila noongHulyo2003 na naging sanhi ng pag-deklara niya ng isang buwang pambansangstate of rebellion.[34]Sinabi ni Arroyo noongDisyembre2002 na hindi siya tatakbo sa halalan noong 2004 ngunit binago niya ang kanyang desisyon noong Oktubre 2003 at nagdesisyong sumali sa halalan.[34]Siya ay muling nahalal at isinalin sa puwesto para sa kanyang anim na taong termino noong 30 Hunyo 2004. Noong 2005, isangtapena naglalaman ng isang usapan ay lumabas na naglalaman ng usapan ni Arroyo at isang opisyal ng halalan kung saan inutusan ni Arroyo ang opisyal na itaas ang bilang ng kanyang mga boto upang manatili siya sa puwesto.[44]Nagdulot ito ng mga protesta na humihingi sa pagbaba ni Arroyo sa puwesto. Inamin niya na kinausap niya ang isang opisyal ng halalan, ngunit tinatwa niya ang mga alegayon ng pandaraya at hindi siya bumaba sa puwesto.[44]Hindi nagtagumpay ang mga planong pagpapatalsik sa pangulo noong taong iyon. __________________________________________________