mong gawin sa ano ang dapat itapon mga napaso …
TRANSCRIPT
![Page 1: MONG GAWIN SA ANO ANG DAPAT ITAPON MGA NAPASO …](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012509/618713e8bc679c4aac2843a1/html5/thumbnails/1.jpg)
ITAPONNANG LIGTAS ANG MGANAPASO NA O HINDI NAGINAGAMIT NA GAMOT
ANO ANG DAPAT MONG GAWIN SA
MGA NAPASO NA O HINDI NA GINAGAMIT
NA GAMOT?
May ilang paraan para itapon ang mga napaso na o hindi na ginagamit na gamot.
Ano ang dapat mong gawin sa mga napaso na o hindi na ginagamit na gamot?
Ang materyal na ito ay ibinigay bilang pagsunod sa batas at hindi sumasalamin sa mga pananaw ng
MED-Project o ng mga kompanyang kasali sa Plano ng Pangangasiwa ng Produkto ng MED-Project.
SURIIN ANG PACKAGE
MGA LOKASYON NA MADALING
PUNTAHAN
MAIL BACK
Tumutulong ang mga gamot sa paglunas sa mga sakit, pamamahala ng mga pabalik-balik na kondisyon, at pagpapabuti ng kalusugan at kapakanan para sa milyun-milyong Amerikano. Importanteng inumin ng mga pasyente ang kanilang mga gamot ayon sa pagkakareseta ng kanilang tagapaglaan ng pangangalaga sa kalusugan, at ayon sa pagkakasaad sa etiketa o packaging. Mahalaga rin na tiyaking itago ang mga gamot nang ligtas para maiwasan ang di-sadyang pagkakainom o maling paggamit ng ibang tao, lalo na ng mga bata.
Kung mayroon kang mga napaso na o hindi na ginagamit na gamot, madali lang ang wastong pagtatapon sa mga ito. Para maprotektahan ang privacy mo, pinapaalala sa mga pasyente na alisin ang lahat ng personal na mapagkikilanlan na impormasyon sa mga etiketa o packaging ng gamot bago itapon ang mga hindi na ginagamit na gamot.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa programang MED-Project, pumunta sa www.med-project.org o tumawag sa 1 (844) MED-PROJECT o
1-844-633-7765 (TTY: 711).
USA.BR.01.010203.ALL.10.02.01.01.00TAGALOG
NAPASO NA
HINDI NA
GINAGAMITNAPASO NA
HINDI NA
GINAGAMIT
www.med-project.org
![Page 2: MONG GAWIN SA ANO ANG DAPAT ITAPON MGA NAPASO …](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012509/618713e8bc679c4aac2843a1/html5/thumbnails/2.jpg)
Anong mga item ang maaari kong itapon
sa isang kiosk?
SURIIN ANG PACKAGE
Kung mayroong mga partikular na tagubilin na nasa etiketa, package, o package insert, sundin ang mga tagubiling iyon.
Para maprotektahan ang privacy mo, pinapaalala sa mga pasyente na alisin ang lahat ng personal na mapagkikilan-lan na impormasyon sa mga etiketa o packaging ng gamot bago itapon ang mga hindi na ginagamit na gamot.
Available ang mga Serbisyong Mail-Back para sa mga hindi na ginagamit na gamot, kargadong injector na produkto at mga inhaler. Bisitahin ang seksiyong Mail-Back ng www.med-project.org
Para makahanap ng mga kiosk site sa inyong lugar, bisitahin ang seksiyong Mga Lokasyon na Madaling Puntahan ng www.med-project. org.
MGA LOKASYON NA MADALING PUNTAHAN
MAIL-BACK1
2
3
ITAPON ANG IYONG MGA
GAMOT DITO
HINDI TINATANGGAP:
TINATANGGAP:Mga gamot na nasa anumang dosis na
anyo, maliban sa mga tinukoy bilang Hindi Tinatanggap sa ibaba, sa orihinal na
sisidlan nito o nakaselyong bag.
Kung naglilipat ng mga gamot sa isang selyadong bag, pakitiyak na i-recycle ang maiiwan na packaging.
Mga halamang panlunas, bitamina, suplemento, kosmetiko, iba pang produkto sa personal na pangangalaga, aparatong
medikal, baterya, thermometer na naglalaman ng mercury, matatalim na
bagay, at mga ipinagbabawal na gamot.
PAGTATAPON NG MGA GAMOT NG
SAMBAHAYAN
PAGTATAPON NG MGA GAMOT NG
SAMBAHAYAN