modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

72
Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 Ikatlong Markahan MODYUL 12: ESPIRITWALIDAD AT PANANAMPALATAYA

Upload: maria-villa-canares

Post on 15-Feb-2017

4.224 views

Category:

Education


298 download

TRANSCRIPT

Page 1: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10

Ikatlong Markahan

MODYUL 12: ESPIRITWALIDAD

AT PANANAMPALATAY

A

Page 2: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Naitanong mo na ba sa iyong sarili kung bakit kailangang mahalin ang kapuwa?

Page 3: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Ang pagmamahal na ito ang susi ng pagpapalalim ng tao ng kaniyang pagmamahal at pananampalataya sa Diyos.

Page 4: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Ikaw, paano mo minamahal ang iyong kapuwa?

Page 5: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Layunin ng modyul na ito na magabayan ka na maunawaan na bilang pinakaespesyal na nilalang, tayo ay dapat tumugon sa panawagan ng Diyos na mahalin natin ang lahat ng Kaniyang nilikha lalo’t higit ang ating kapuwa.

Page 6: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Sa pamamagitan nito, naipahahayag natin ang ating tunay na pananampalataya na nagpapalalim ng ating espiritwalidad.

Page 7: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Mahalagang Tanong:Bakit mahalaga ang pagpapatibay ng espiritwalidad at pananampalataya sa pagkakaroon ng relasyon ng tao sa Diyos?

Page 8: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:

12.1 Natutukoy ang mga katangian ng tao bilang espiritwal na nilalang

Page 9: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

12.2 Nasusuri ang ugnayan sa Diyos12.3 Naipaliliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin12.4 Nakagagawa ng angkop na kilos upang mapaunlad ang sariling pananampalatayaat espiritwalidad

Page 10: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Paunang Pagtataya (5 mins.)

Page 11: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

B. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMANGawain 1Panuto:1. Isulat sa loob ng kahon ang iyong mga katangian bilang tao ayon sa sumusunodna aspekto (pangkatawan, panlipunan, pangkaisipan, emosyonal, at espiritwal).2. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

Page 12: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

PANGKAISIPAN

PANLIPUNAN

PANGKATAWAN

EMOSYONAL

ESPIRITWAL

Page 13: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Sagutin ang mga tanong:1. Ano ang masasabi mo sa iyong mga katangian sa mga aspektong nabanggit?2. Ano-ano ang iyong isinulat sa aspektong espirituwal? Ipaliwanag.3. Sa iyong palagay, alin sa mga aspektong iyan ang pinakamahalaga? Bakit?

Page 14: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Gawain 2Panuto:1. Isulat sa loob ng bilog ang iyong pakahulugan sa salitang espiritwalidad. Gawin ito sa kuwaderno.2. Matapos gawin ay ibahagi ang iyong sagot sa katabi.

Page 15: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

ESPIRITWALIDAD

Page 16: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Sagutin ang mga tanong:1. Sa iyong palagay, mahalaga ba na malaman ng tao ang kaniyang espiritwalidad?Patunayan.2. Ano ang magandang dulot nito sa tao? Ipaliwanag.3. Paano makatutulong ito sa pagpapaunlad ng pananampalataya?

Page 17: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Gawain 3Panuto:1. Sagutan ito na may katapatan.2. Lagyan ng tsek ang iyong sagot sa bawat kolum at bigyan ng paliwanag ang sagot sa huling hanay ng kolum.

C. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN,AT PAG-UNAWA

Page 18: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya
Page 19: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Sagutin ang mga tanong:1. Ano ang iyong natuklasan sa iyong sarili matapos mong magawa ang gawain?2. Naging masaya ka ba sa nakita mo mula sa iyong mga sagot? Bakit?3. Ano ang masasabi mo sa iyong ugnayan sa Diyos? Ipaliwanag.

Page 20: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Gawain 4Panuto1. Humanap ng lima hanggang anim na kamag-aral upang makabuo ng isangpangkat.2. Muling balikan ang inyong mga naging sagot sa mga tanong sa Gawain 3.3. Gumawa ng isang malikhaing presentasyon kung paano ninyo maipakikita anginyong ugnayan sa Diyos.

Page 21: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

4. Sagutin ang mga tanong:a. Ano ang napansin mo sa bawat presentasyon? Isa-isahin.b. Ano ang dapat gawin upang maipakita ang mabuting ugnayan sa Diyos?Ipaliwanag.c. Paano mo maisasabuhay ang iyong pakikipag-ugnayan sa Diyos? Ipaliwanag.

Page 22: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

D. PAGPAPALALIM

Ugnayan sa Diyos at pagmamahal sa kapuwa

Page 23: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Naranasan mo na bang magmahal?

Page 24: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Kung naranasan mo na ito, ano ang iyong naging pakiramdam? Naging masaya ka ba o kakaiba ang iyong pakiramdam?

Page 25: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Sa pagmamahal, binubuo ang isang maganda at malalim na ugnayan sa taong iyong minamahal. Sa ugnayang ito, nagkakaroon ng pagkakataon ang dalawang tao na magkausap, magkita, at magkakilala.

Page 26: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Mas nagiging maganda atmakabuluhan ang ugnayan kung may kasama itong pagmamahal.

Paano ka nakikipag-ugnayan sa mga taong nakapaligid sa iyo o sa iyong kapuwa?

Page 27: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Mula sa pagmamahal ay nagbabahagi ang tao ng kaniyang sarili sa iba. Naipakikita niya ang kaniyang pagiging kapuwa.

Sa oras na magawa ito ng tao, masasalamin sa kaniya ang pagmamahal niya sa Diyos dahil naibabahagi niya ang kaniyang buong pagkatao, talino, yaman, at oras nang buong-buo at walang pasubali.

Page 28: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Paghahanap ng kahulugan ng buhayNaitanong mo na ba sa iyong sarili ang kahulugan ng buhay para sa iyo?

Page 29: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Sa paglalakbay na ito ay kailangan ng tao ang makakasama upang maging magaan ang kaniyang paglalakbay.Una, paglalakbay kasama ang kapuwa at ikalawa, paglalakbaykasama ang Diyos.

Page 30: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Tanong:Ikaw ba ay naggagala o naglalakbay sa iyong buhay?

Page 31: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Hindi maaaring paghiwalayin ang paglalakbay kasama ang kapuwa at ang paglalakbay kasama ang Diyos dahil makikita ng tao sa mga ito ang kahulugan ngkaniyang buhay.

Page 32: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Sa kaniyang patuloy na paglalakbaysa mundong ito, siguradong matatagpuan niya ang kaniyang hinahanap. Kung siya ay patuloy na maniniwala at magbubukas ng puso at isip sa katotohanan ay may dahilan kung bakit siya umiiral sa mundo.

Page 33: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Dapat palaging tandaan na ang bawat isa ay may personal na misyon sa buhay.

Tanong:Ikaw, alam mo ba ang dahilan ng iyong pag-iral sa mundo?

Page 34: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

May magandang plano ang Diyos sa tao. Nais ng Diyos na maranasan ng tao ang kahulugan at kabuluhan ng buhay, ang mabuhay nang maligaya at maginhawa.

Page 35: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Ang makapagbibigay ng tunay na kaligayahan at kaginhawahan, ay ang ang paghahanap sa Diyos na Siyang pinagmumulan ng lahat ng biyaya at pagpapala.

Page 36: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Kaya’t sa paglalakbay ng tao, mahalagang malinaw sa kaniya ang tamang pupuntahan. Ito ay walang iba kundi ang Diyos – ang pinakamabuti at pinakamahalaga sa lahat.

Page 37: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Espiritwalidad at Pananampalataya: Daan sa pakikipag-ugnayan sa Diyos at KapuwaAng tunay na diwa ng espiritwalidad ay ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapuwa at ang pagtugon sa tawag ng Diyos.

Page 38: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Ito ay lalong lumalalim kung isinasabuhay niya ang kaniyang pagiging kalarawan ng Diyos at kung paano niya minamahal ang kanyang kapuwa. Kaya’t ang tunay na diwa ng espiritwalidad ay ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapuwa at ang pagtugon sa tawag ng Diyos na may kasamang kapayapaan at kapanatagan sa kalooban.

Page 39: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Ang pananampalataya ay ang personal na ugnayan ng taosa Diyos. Isa itong malayang pasiya na alamin at tanggapin ang katotohanan ng presensiya ng Diyos sa kaniyang buhay at sa pagkatao niya.

Page 40: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

“Ang pananampalataya ang siyang kapanatagan sa mga bagay na inaasam, ang kasiguruhan sa mga bagay na hindi nakikita.” (Hebreo 11:1)

Page 41: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

I believe for every drop of rain that fallsA flower growsI believe that somewhere in the darkest nightA candle glowsI believe for everyone that goes astraySomeone will come to show the wayI believeI believeI believe above the storm the smallest prayerWill still be heardI believe that Someone in the great somewhereHears every wordEvery time I hear a newborn baby cryOr touch a leafOr see the skyThen I know why I believe

Page 42: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Tanong:Ano ang mensahe ng awit para sa iyo?

Page 43: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Ikaw, kumusta naman ang iyong pananampalataya?Ito ba ay pananampalatayang buhay? Sa paanong paraan?

Page 44: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Sa awit ipinapahayag ang paniniwala at pagtitiwala ng taosa Diyos kahit hindi pa Siya nakikita.

Page 45: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Ang pananampalataya, tulad ngpagmamahal ay dapat ipakita sa gawa. Ito ay ang pagsasabuhay ngtao sa kaniyang pinaniniwalaan.

Page 46: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Wika nga ni Apostol Santiago sa Bagong Tipan, “Ang pananampalatayang walang kalakip na gawa ay patay” (Santiago 2:20).

Page 47: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Ikaw, kumusta naman ang iyong pananampalataya?

Ito ba ay pananampalatayang buhay? Sa paanong paraan?

Page 48: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Naririto ang isang sitwasyon na maaari mong pagnilayan at bigyan ng angkop na pagpapasiya.Si Vicky ay isang pinuno ng isang samahan sa kanilang simbahan.Bilang isang pinuno ay nagsagawa siya ng isang recollection o pagninilay para sa kaniyang mga kasama. Ito ay matagal na niyang pinaghandaan at marami siyang

Page 49: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

tiniis na hirap ng kalooban mula sa kaniyang mga kasama dahil maraming tumututol dito. Bago dumating ang araw ng recollection ay sinabi niya sakaniyang mga kasama na hindi maaaring hindi sila dumalo sa gawaing ito dahil hindi na sila maaaring magpanibago o

Page 50: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

magrenew sa kanilang tungkulin. Ito ay napagkasunduan ng lahat. Kinagabihan bago idaos ang recollection ay naisugod ang kaniyang asawa sa ospital dahil sa kaniyang sakit. Walang ibang maaaring magbantay sa kaniyang asawa maliban sa

Page 51: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

kaniya dahil ang mga anak niya ay nasa ibang bansa. Ngunit may mahalaga siyang tungkulin na dapat gawin sa simbahan. Siya ang pinuno at nasa kaniya ang malaking responsibilidad para sa gawaing iyon.

Page 52: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Tanong: Kung ikaw si Vicky ano ang iyong gagawin at bakit?

Page 53: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Iba’t-ibang uri ng relihiyon

Pananampalatayang Kristiyanismo.

Itinuturo nito ang buhay na halimbawa ng pagasa, pag-ibig, at paniniwalang ipinakita ni Hesukristo. Ang ilan sa mga mahalagang aral nito ay ang sumusunod:

Page 54: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

a. Ang Diyos ay nasa ating lahat sa bawat pagkakataon ng ating buhay. Nangangahulugang kasama ng tao ang Diyos sa bawat sandali ng kaniyang buhay.

Page 55: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

b. Tanggapin ang kalooban ng Diyos na may kagaanan at likas na pagsunod. Ang pagtanggap na ito ay nagmula sa pagkakaroon ng tiwala sa Diyos sa bawat oras at pagkakataon. Laging humingi ng pagpapala sa Diyos upang makagawa ng kabutihan.

Page 56: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

c. Magmahalan at maging mapagpatawad sa bawat isa. Maging mapagpakumbaba at ialay ang sarili sa pagtulong sa kapuwa.

Page 57: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Pananampalatayang Islam.Ito ay itinatag ni Mohammed, isang Arabo. Ang mga banal na aral ng Islam ay matatagpuan sa Koran, ang Banal na Kasulatan ng mga Muslim.

Page 58: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Limang Haligi ng Islam1. Ang Shahadatain (Ang Pagpapahayag ng Tunay na Pagsamba)2. Ang Salah (Pagdarasal)3. Ang Sawm (Pag-aayuno)4. Ang Zakah (Itinakdang Taunang Kawanggawa)5. Ang Hajj (Pagdalaw sa Meca)

Page 59: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Pananampalatayang BuddhismoAyon sa Buddhismo, ang paghihirap ng tao ay nag-uugat sa kaniyang pagnanasa. Ang pagnanasa ay nagbubunga ng kasakiman, matinding galit sa kapuwa, at labis na pagpapahalaga sa materyal na bagay. Ito ang nakatuon sa aral ni Sidhartha

Page 60: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Gautama o ang Budha, na isang dakilang mangangaral ang mga Budhismo.

Page 61: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

apat na katotohanan na naliwanagan1. Ang buhay ay dukha (kahirapan, pagdurusa).2. Ang kahirapan ay bunga ng pagnanasa (‘taha’). 3. Ang pagnanasa ay malulunasan.

Page 62: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

4. Ang lunas ay nasa walong landas (8 Fold Path) – tamang pananaw, tamang intensiyon, tamang pananalita, tamang kilos, tamang kabuhayan, tamang pagsisikap, tamang kaisipan, tamang atensiyon.

Page 63: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Tanong:1. Ano ang napansin mo sa pananampalataya ng tatlong relihiyon nanabanggit?2. Mayroon ba silang pagkakatulad? Pangatwiranan.

Page 64: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Sa tatlong relihiyon na nabanggit, iisa lamang ang makikita at ipinapahayag at ito ay ang sinasabi sa Gintong Aral (GoldenRule): “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo”.

Page 65: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Naririto ang ilan sa mga dapat gawin upang mapangalagaan ang ugnayan ng tao sa Diyos.1. Panalangin2.Panahon ng Pananahimik o Pagninilay3. Pagsisimba o Pagsamba4. Pag-aaral ng Salita ng Diyos5. Pagmamahal sa Kapuwa6. Pagbabasa ng mga aklat tungkol sa espiritwalidad

Page 66: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Tanong:1. Alin sa sumusunod na paraan ang iyong nagagawa upangmapalalim ang iyong ugnayan sa Diyos? Ipaliwanag.

Page 67: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Dalawang Pinakamahalagang Utos Ito ay ang: Ibigin mo ang Diyos nang buong isip, puso, at kaluluwa at ibigin mo ang iyong kapuwa tulad ng iyong sarili. Ang magmahal ang pinakamahalagang utos.

Ang Pagmamahal sa Diyos at Kapuwa ang Tunay na Pananampalataya

Page 68: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Sinasabi sa Juan 4:20, “Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot naman sa kaniyang kapatid ay isang sinungaling. Kung ang kapatid na kaniyang nakikita ay hindi niya magawang ibigin, paano niya maiibig ang Diyos na hindi niya nakikita?”

Page 69: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Tanong:1. Ano ang reaksiyon mo sa pahayag na ito? Ipaliwanag.2. Ano ang hamon nito sa iyo?

Page 70: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Tanong:1. Ano ang reaksiyon mo sa pahayag na ito? Ipaliwanag.2. Ano ang hamon nito sa iyo?

Page 71: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Apat na Uri ng Pagmamahal ayon kay C.S. Lewis.

1. Affection 2. Philia 3. Eros 4. Agape

Page 72: Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya

Ngayon ay tatanungin kitang muli, nagsusumikap ka bana magmahal para sa Diyos?