mga wikain sa pilipinas - · pdf filebansang pilipinas. ang wikang ... bilang isang pilipino....

2
7 February 2017 Publications MGA WIKAIN SA PILIPINAS Eden R. Leaño “Wika ang nagbubuklod sa sambayanang Pilipino” Ano ang ating pambansang wika? Ano ang kahalagahan ng wika sa atin bilang isang indibidwal o bilang isang mamamayang Pilipino? Kapamilya, kapatid, kapuso, kaibigan o ano pa man, wikang Filipino ang umiiral sa ating bansang Pilipinas. Ang wikang "Filipino" ay ang pangalan ng opisyal na wika ng Pilipinas, ang opisyal na wikang ito ay ibinatay sa Tagalog. Saan mang sulok ng mundo mayroon at mayroong sumasambit ng ating wika. Wika ang sumisimbolo sa katauhan natin bilang isang Pilipino. Wika ang dahilan kung bakit kaya nating makipagtalastasan sa araw-araw. Wika ang mabisang sandata sa pagpaparating ng mensahe maging ito man ay naganap sa loob o labas ng ating bansa. Wika ang nagdudulot ng pagkaka-intindihan o pagkaka-unawaan sa pagitan ng dalawang tao o higit pa. Sa pamamagitan ng wika, naipapahayag natin ang ating saloobin maging positibo man ito o hindi. Wika ang magtuturo sa atin kung paano tayo makaka-buo ng isang pamayanan o bansang marunong at kapaki-pakinabang na maipapamana natin sa mga susunod pang henerasyon. Tagalog, Ilocano, Pangasinense, Bicolano, Sebwano, Hiligaynon at Waray-waray ay ilan lamang sa mga wikang tanyag at malimit gamitin sa bawat rehiyon ng bansang Pilipinas. Sino- sino nga ba ang gumagamit ng wikang ito? Saan karatig ng bansang Pilipinas sila matatagpuan? Ang wikang Tagalog ay ginagamit sa mga Katimugang bahagi ng Luzon. Taal na gamit ang wikang Tagalog sa lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon o kilala sa tawag na CALABARZON. Tagalog din ang gamit sa mga lalawigan ng Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan o mas kilala sa tawag na MIMAROPA. Wikang Tagalog ang pangunahing wika ng pambansang punong rehiyon na siyang kabisera ng bansa. Samantala, wikang Ilocano ang gamit ng mga taga- Hilagang Luzon at rehiyong isa (1) at dalawa (2). Sa lalawigan naman ng Pangasinan at ilang bahagi ng Hilagang Luzon at Gitnang Luzon, ginagamit ang Pangasinense. Sa Timog Silangan ng Luzon, Bicolano ang pangunahing wika. Sebwano o tinatawag din na Bisaya ang

Upload: phungtuyen

Post on 30-Jan-2018

399 views

Category:

Documents


11 download

TRANSCRIPT

Page 1: Mga Wikain sa Pilipinas -  · PDF filebansang Pilipinas. Ang wikang ... bilang isang Pilipino. Wika ang dahilan kung bakit kaya ... o labas ng ating bansa. Wika ang nagdudulot ng

7 February 2017

Publications

MGA WIKAIN SA PILIPINAS Eden R. Leaño

“Wika ang nagbubuklod sa sambayanang Pilipino”

Ano ang ating pambansang wika?

Ano ang kahalagahan ng wika sa atin bilang isang indibidwal o bilang isang mamamayang

Pilipino?

Kapamilya, kapatid, kapuso, kaibigan o ano pa man, wikang Filipino ang umiiral sa ating

bansang Pilipinas. Ang wikang "Filipino" ay ang pangalan ng opisyal na wika ng Pilipinas, ang

opisyal na wikang ito ay ibinatay sa Tagalog. Saan mang sulok ng mundo mayroon at mayroong

sumasambit ng ating wika. Wika ang sumisimbolo sa katauhan natin bilang isang Pilipino. Wika

ang dahilan kung bakit kaya nating makipagtalastasan sa araw-araw. Wika ang mabisang sandata

sa pagpaparating ng mensahe maging ito man ay naganap sa loob o labas ng ating bansa. Wika

ang nagdudulot ng pagkaka-intindihan o pagkaka-unawaan sa pagitan ng dalawang tao o higit pa.

Sa pamamagitan ng wika, naipapahayag natin ang ating saloobin maging positibo man ito o hindi.

Wika ang magtuturo sa atin kung paano tayo makaka-buo ng isang pamayanan o bansang

marunong at kapaki-pakinabang na maipapamana natin sa mga susunod pang henerasyon.

Tagalog, Ilocano, Pangasinense, Bicolano, Sebwano, Hiligaynon at Waray-waray ay ilan

lamang sa mga wikang tanyag at malimit gamitin sa bawat rehiyon ng bansang Pilipinas. Sino-

sino nga ba ang gumagamit ng wikang ito? Saan karatig ng bansang Pilipinas sila matatagpuan?

Ang wikang Tagalog ay ginagamit sa mga Katimugang bahagi ng Luzon. Taal na gamit ang

wikang Tagalog sa lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon o kilala sa tawag na

CALABARZON. Tagalog din ang gamit sa mga lalawigan ng Mindoro, Marinduque, Romblon

at Palawan o mas kilala sa tawag na MIMAROPA. Wikang Tagalog ang pangunahing wika ng

pambansang punong rehiyon na siyang kabisera ng bansa. Samantala, wikang Ilocano ang gamit

ng mga taga- Hilagang Luzon at rehiyong isa (1) at dalawa (2). Sa lalawigan naman ng Pangasinan

at ilang bahagi ng Hilagang Luzon at Gitnang Luzon, ginagamit ang Pangasinense. Sa Timog

Silangan ng Luzon, Bicolano ang pangunahing wika. Sebwano o tinatawag din na Bisaya ang

Page 2: Mga Wikain sa Pilipinas -  · PDF filebansang Pilipinas. Ang wikang ... bilang isang Pilipino. Wika ang dahilan kung bakit kaya ... o labas ng ating bansa. Wika ang nagdudulot ng

7 February 2017

Publications

wikang mayroon ang mga lalawigan ng Cebu, Silangang Negros, Bohol at malaking bahagi ng

Mindanao. Sa pulo ng Panay at Kanlurang Negros, Hiligaynon o tinatawag ding Ilonggo ang

wikang kanilang ginagamit sa pakikipagtalastasan. Waray-waray naman ang pangunahing wikang

ginagamit sa lalawigan ng Silangang Visayas, pulo ng Samar at Leyte.

Aling wika ang mas kailangan nating hasain, ang wikang Filipino na siyang ating sariling

wika o ang wikang banyaga na kung saan ginagamit at halos palasak na at bukambibig ng

maraming kabataan ngayon?

Huwag nating kalilimutan ang mga katagang iniwan ng ating pambansang bayani na si Dr.

Jose P. Rizal “Ang di magmahal sa sariling wika ay higit pa sa amoy ng malansang isda”

http://www.translation.com.ph/fil/links/tagalog.html https://tl.wikipedia.org/wiki/Wikang_Tagalog