mga sinaunang sibilisasyon

87
MGA SINAUNANG SIBILISASYON

Upload: goodboy-batuigas

Post on 24-Dec-2014

17.276 views

Category:

Documents


29 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Page 1: mga sinaunang sibilisasyon

MGA SINAUNANG SIBILISASYO

N

Page 2: mga sinaunang sibilisasyon

• Ang R e b o l u s y o n g N e o l I t I k o ang naging dahilan ng malaking pagbabago sa estilo ng pamumuhay ng mga tao.

• Mula sa pangangaso ng mga hayop at pag-iipon ng mga prutas natuto ang mga tao na magtanim.

• Sa kaalaman sa A g r I k u lt u r a nagmula ang iba’t ibang uri ng pagbabago sa daigdig.

• Dahil sa Agrikultura yumabong ang mga grupo tungo sa pagiging isang sibilisasyon.

• Ang S I b I l I s a s y o n ay isang mataas na uri ng lipunan kung saan may pagkakabaha-bahagi ang mga gawain.

• Karamihan sa mga Sibilisasyon ay nabuo sa tabing ilog.

Page 3: mga sinaunang sibilisasyon

MGA SINAUNANG

SIBILISASYON SA

MESOPOTAMIA

Page 4: mga sinaunang sibilisasyon

• Sa A s y a unang umusbong ang mga unang Sibilisasyon partikular na ang pinakamatanda sa mga ito -- ang mga sibilisasyon sa M e s o p o t a m i a .

• isang malaking rehiyon sa pagitan ng

ilog Tigris at Euphrates.• Ang Mesopotamia ay

nangangahulugang “lupain sa pagitan ng dalawang ilog. ”

• Sa lugar na ito unang tumubo ang sibilisasyon kung kaya ‘t tinawag din itong “ Kubkuban ng Sibilisasyon ”

• Ang malalaki at sinaunang sibilisasyon ay dito umusbong.

Page 5: mga sinaunang sibilisasyon

Mapa ng Mesopotamia

Page 6: mga sinaunang sibilisasyon

ANG MGA SUMERIAN• Ang unang grupo na naninirahan sa

Mesopotamia noong 4000 B.C.• Sila ay nanggaling sa mga bundok sa

hilagang-silangan na ngayon ay I r a n at naninirahan sa bahagi ng Mesopotmia na ngayon ay I r a q.

• Sila ay naharap sa isang malupit na kalagayan at klima.

• Hinarap nila ito at ginawan ng paraan.• gumawa sila ng dike at kanal upang

magsilbing puntahan ng tubig.• Ginamit din nila ang tubig ng ilog upang

matustusan ng panubig ng kanilang pananim.

Page 7: mga sinaunang sibilisasyon

• Nagtayo sila ng mga lungsod estado na may sariling pamumuno at kalayaan.

• Pinamumunuan ito ng mga haring-pari na may kapangyarihang espiritwal at pulitikal.

• Ang kanilang mga bahay , palasyo at templo ay yari sa mga bloke ng luwad o clay na pinatuyo.

• Z I g g u r a t ang tawag sa mga templo na ipinatayo nila sa paraang piramide.

• Ang mga lungsod estado nila ay naging sentro ng sibilisasyon sa rehiyon.

• Nakabuo sila ng sistema ng p a g s u s u l a t.

Page 8: mga sinaunang sibilisasyon

Z I G G U R A T

Page 9: mga sinaunang sibilisasyon

• C U N E I F O R M -> Ang sistema ng pagsusulat na naimbento ng mga Sumerian.

• Sa mga tabletang luwad nila itinala ang mga trasaksiyong pangnegosyo sa pagtatalang ito nagsimula ang isinulat na kasaysayan ng tao.

• Pinapahalagahan din nila ang edukasyon.

• Pangunahing itinuturo nila ay ang pagsusulat upang ang mga ito ay maging tagatala ng mga pangyayari sa kanilang lungsod estado.

• Sila rin ang unang bumuo ng unang mga aklat ng kasaysayan , tula at mga kwento.

• Dahil walang iisang lider ang maraming lungsod estado ay nagkaroon ng pagtatalo na nauwi sa digmaan nasiyang nagpahina sa kanila.

Page 10: mga sinaunang sibilisasyon

C U N E I F O R M

Page 11: mga sinaunang sibilisasyon

ANG IMPERYO NG AKKADIA

• Habang humihina ang mga lungsod estado ng mga Sumerian ay unti-unti namang lumalakas ang katabi nito ang kaharian ng Akkadia.

• Ito ay pinamumunuan ni haring S a r g o n .• 2300B.C. ay sinakop niya ang mga Sumerian.• Napagkaisa niya ang ang mga lungsod estado

at lumawak ang kanyang imperyo mula

Golpo ng Persia hanggan Dagat

Mediterranean.• Sentralisado ang pamahalan ni Sargon.

Page 12: mga sinaunang sibilisasyon

S A R G O N

Page 13: mga sinaunang sibilisasyon

• Kalaunan ay tinanggap at ginaya nila ang sistemang Sumerian sa edukasyon , teknolohiya , literatura at paniniwalang panrelihiyon.

• Sa pagkamatay ni Sargon ay pawang mahihina na mga lider ang pumalit sa kanya.

• Di nagtagal ang imperyo umabot lamang ito ng 150 taon.

• Muling nalugmok sa kaguluhan ang imperyo dahil sa kawalan ng isang malakas na lider.

Page 14: mga sinaunang sibilisasyon

ANG KAHARIAN NG BABYLONIA

• Sa pagpasok ng 2000B.C. ay sinakop ng mga simitikong taga Syria ang Mesopotamia.

• BABYLON -> ginawa nilang kabisera ng kanilang kaharian.

• SUMULABUM -> ang unang naging hari nito

H A M M U R A B I • Ikaanim na hari ng Babylonia noong 1792B.C.• Pinalawak niya ang teritoryo ng kaharian sa

pamagitan ng pananakop ng mga teritoryo sa paligid nito.

• Dahil dito naging isang imperyo ang Babylonia sa pamumuno ni Hammurabi.

Page 15: mga sinaunang sibilisasyon

H A M M U R A B I

Page 16: mga sinaunang sibilisasyon

• Naging isang mabuting pinuno si Hammurabi sa kanyang nasasakupan.

• Hindi niya pinakialaamanang mga umiiral na sistemang panrelihiyon at tradisyon ng mga taga Mesopotamia.

• Nakipagkalakalan din siya sa mga karatig kaharian.• Sinuportahan din niya ang sining at literatura.• Pinakamainam at pinakatanyag na nagawa ni

Hammurabi ay pagtipon, pagkolekta , pag-organisa at pagsulat ng mga batas na kikilalanin at sundin ng kanyang mga nasasakupan.

• Ang mga batas na ito ay nakilala bilang “Koda ng Batas ni Hammurabi” na nakasulat sa isang malaking tipak na bato na may habang higit sa dalawang metro.

Page 17: mga sinaunang sibilisasyon

• Dahil dito kinilala siya bilang “Dakilang Tagapagbigay ng Batas sa Babylonia“

• Ang batas na ito ay mayroong higit sa 280 ang bilang.

• Tumutukoy ito sa lahat ng aspeto ng pamumuhay ng mga Babylonian mula sa krimen , pagnenegosyo, relihiyon , pag-aasawa , pag-aari ng mga gamit at lupa , at iba pang aspeto.

• Ito ay may prinsipyong “mata sa mata” o “ngipin sa ngipin “

Page 18: mga sinaunang sibilisasyon

KODA NG BATAS NI HAMMURABI

Page 19: mga sinaunang sibilisasyon

ANG IMPERYONG ASSYRIAN

• Sa pagkamatay ni Hammurabi ay humina ang kaharian ng Babylonia at bumagsak noong 1370B.C. sa kamay ng mga Assyrian.

• Ang mga ito ay magigting na mandirigma na gumamit ng kakaibang taktika at estilo sa pakikipaglaban.

• Gumamit sila ng karwahe na hinihila ng kabayo at sandatang bakal.

• Tiglath-Pileser ->isang magiting na lider noong 1115B.C. sinakop niya ang Babylonia , Syria at Phoenicia at ginawa niyang Imperyo ang Assyria.

Page 20: mga sinaunang sibilisasyon

• Tiglath-Pileser III -> lalong lumawak ang teritoryo ng Assyria sa kanyang pamumuno.

• Idinagdag niya ang Armenia at Ehipto sa kanyang tertoryo.

• A S H U R B A N P A L -> HULING HARI NG MGA ASSYRIAN NA NAGTATAG NG PINAKAUNANG AKLATAN SA KASAYSAYAN.

• Gayunman tulad ng mga naunang Imperyo’ t kaharian ay bumagsak din ito sa kamay ng ibang mananakop.

Page 21: mga sinaunang sibilisasyon

T I G L A T H P I L E S E R III

Page 22: mga sinaunang sibilisasyon

A S H U R B A N I P A L

Page 23: mga sinaunang sibilisasyon

AKLATAN NI ASHURBANIPAL

Page 24: mga sinaunang sibilisasyon

ANG IMPERYONG CHALDEANSa pagsapit ng 700B.C. ay bumagsak ang mga

Assyrian sa kamay ng mga C h a l d e a n grupong semitiko mula sa Arabia.

N e b u c h a n e z z a r -> ang namuno sa Imperyo noong 604 B.C. at higit niya itong

pinalawak.Sinakop niya ang Jerusalem , Syria at Ehipto.

Ipinatayo niya ang “Hanging Gardens of Babylon”

Na naging isa sa pitong kamanghaan ng daigdig. Sa pagkamatay ni Nebuchadnezzar bumagsak

ang imperyo sa mga mananakop mula sa Persia.

Page 25: mga sinaunang sibilisasyon

N E B U C H A D N E Z Z A R

Page 26: mga sinaunang sibilisasyon

HANGING GARDENS OF BABYLON

Page 27: mga sinaunang sibilisasyon

MGA KONTRIBUSYON

NG MESOPOTAMIA

SA SIBILISASYON

Page 28: mga sinaunang sibilisasyon

1. SISTEMA NG PAGSUSULAT

• Sila ang nakaimbento ng unang sistema ng

pagusulat . C U N E I F O R M

• Iniukit nila sa tabletang bato ang mga simbolo.

• Ginamit ito ng mga iba’t ibang sibilisasyon sa

Mesopotamia.

Page 29: mga sinaunang sibilisasyon

2. MGA MAGAGARANG GAWA NG ARKITEKTURA

Ang kanilang magagarang gawang sining ay makikita sa

kanilang mga aklatan , hardin , templo , paaralan ,

palasyo at iba pang istruktura.1.Z I G G U R A T

2.HANGING GARDENS OF BABYLON

3.Aklatan ni ashurbanipal

Page 30: mga sinaunang sibilisasyon

3. PAGKAKALOOB NG ISANG SISTEMA NG BATAS AT

KATUTURAN

Makikita ito sa pagkakaroon nila ng mga batas tulad ng

KODA NG BATAS NI HAMMURABI

Page 31: mga sinaunang sibilisasyon

4. PAG-UNLAD NG

AGRIKULTURAHigit nilang napaunlad ang Agrikultura

sa pagka-imbento ng araro na nakapagpabilis at nagpaunlad sa sistema

ng pagtatanim sa bukid.

Paggawa ng kanal na daluyan ng tubig tungo sa kanilang mga pananim.

Page 32: mga sinaunang sibilisasyon

5. PAGSULONG SA TAKTIKA AT SISTEMANG MILITAR

• Ang kanilang paggamit ng Moog o Fortrees .

• karwaheng pandigma ay nakapagpataas ng antas ng taktika at sistemang militar.

Page 33: mga sinaunang sibilisasyon

6. KATANGI-TANGING SISTEMA NG PANINIWALA AT

RELIHIYON

Kabilang sa kanilang paniniwala ang maramihang diyos.

Paniniwala sa Astrolohiya na pag-aaral ng Ugali at Tadhana ng mga

tao gamit ang Zodiac signs.

Page 34: mga sinaunang sibilisasyon

7. GRUPO NG PANITIKAN

• Kinapalooban ito ng mga kuwentong epiko at mga

kasabihan ng kanilang kultura.EPIKO NI GILGAMESH

tumatalakay sa maalamat na bayani ng Mesopotamia na si

Gilgamesh at kaibigan nitong si Enkido at isang malakihang pagbaha na tulad sa Bibliya.

Page 35: mga sinaunang sibilisasyon

MGA SINAUNANG

SIBILISASYON SA INDUS

Page 36: mga sinaunang sibilisasyon

• Isa sa mga sinaunang sibilisasyon ay tumubo sa may bahagi ng subkontinente ng India.

• Noong una hindi pa nakakakita ng maraming ebidensiya ukol sa sibilisasyong ito.

• Nang lumaon ay nakatagpo sa lugar ng mga lumang bloke na nagpatunay ng pagkakaroon ng sibilisasyon sa lugar.

• Sa pagpatuloy na paghuhukay ay natuklasan ang maraming istruktura at tirahan ng isang sinaunang sibilisasyon ng mga tao.

• Dalawang lungsod ang natagpuan dito ang MOHENJO-DARO at HARAPPA.

Page 37: mga sinaunang sibilisasyon

Harrapa

Page 38: mga sinaunang sibilisasyon

Mohenjo-Daro

Page 39: mga sinaunang sibilisasyon

SIMULA NG SIBILISASYONG INDUS

NOMADSAng unang naninirahan sa Lambak ng

Indus mula sa bahagi ng Sumeria.

3000-2500B.CTinatayang mayroon ng malalaking

komunidad sa lambak na ito sa kasalukuyang lugar ng Punjab,India.

Ang lambak ay higit na pinagpala kaysa karatig lugar dahil sa suplay ng tubig mula

sa Ilog Indus , putik na magagamit sa pagawa ng mga bloke at kahoy sa

pagsusunog at pagpapatigas ng mga ito.

Page 40: mga sinaunang sibilisasyon
Page 41: mga sinaunang sibilisasyon

ARKITEKTURA AT PLANONG PANLUNGSOD

• Mataas ang antas ng arkitektura sa sibilisasyon ng Indus.

• Ang mga lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa ay mayroon nang mga pader na pangharang sa mga kalaban at mababangis na hayop.

• Mayroong mga sistemang pangtrapiko ang mga daan at kalye at nahahati ang isang lungsod sa labindalawang malalaking bloke o lugar.

• Mayroong malaking pampublikong paliguan.

Page 42: mga sinaunang sibilisasyon

KABAHAYAN• Ang mga bahay dito ay kakikitaan ng

mataas na antas ng teknolohiya.• Ang pagkagawa nito ay itinutugma sa

klima ng lugar.• Ang mga bahay dito ay mayroong mga

palikuran at mga napapalamutiang mga upuan.

• Mayroon ding sistema ng patubigan mula sa mga bahay tungo sa mga kanal sa mga kalye.

Page 43: mga sinaunang sibilisasyon

MGA SELYO NG PANGANGALAKAL

• Isa sa kahanga-hangang naiwan ng sibilisasyon sa Indus ay ang mga selyo ng pangangalakal.

• Ginagamit ito sa pagbigay tanda sa mga produkto.

• Mayroon itong iba’t ibang larawan tulad ng disenyo ng baka at elepante.

• Ang mga inskripsiyon na nakaukit dito ay hindi pa rin nauunawaan ng mga arkeologo hanggang sa kasalukuyan.

Page 44: mga sinaunang sibilisasyon

Selyo ng pangangalakal

Page 45: mga sinaunang sibilisasyon

PAGDATING NG MGA ARYAN• Hindi malinaw kung ano ang dahilan ng

pagbagsak ng sibilisasyon sa Lambak ng Indus.

• Sinasabi ng mga mananaliksik ay marahil isang malakas na lindol , pagbahang malakas sa Ilog Indus o kaya nama’y sa pagsalakay ng mga Aryan.

• Tunay na sumalakay ang mga Aryan ngunit hindi parin mapapatunayan kung sila ang dahilan ng pagbagsak ng sibilisasyon sa Indus.

• Ito ay dahil walang anumang paglaban na natanggap mula sa naninirahan dito.

Page 46: mga sinaunang sibilisasyon

• Ang mga Aryan ay galing sa bandang hilaga ng rehiyon.maputi ang kanilang mga balat at nagsasalita ng wikang tinatawag na Sanskrit.

• Nagtatag sila ng mga kaharian sa lugar na pinamumunuan ng mga hari.

• Sila ay mga magsasaka , mandirigma at mga mangangalakal

• Sila ay sumasamba sa kalikasan tulad ng hayop ,ulap at langit.

• Naniniwala sila sa maraming diyos.• Mula sa mga paniniwalang ito ay nabuo ang

relihiyong Hinduismo na siyang pinakamalaking relihiyon sa India ngayon.

• Dito rin umusbong ang mga relihiyong Budismo at Jainismo.

Page 47: mga sinaunang sibilisasyon

HINDUISMO• Isa sa pinakamalaking relihiyon sa

daigdig.• Walang iisang tagapagtatag • Sa pangkalahatan ang mga Hindu

ay naniniwala sa isang kataas-taasang diyos na B h r a m a n.

• Si Bhraman ay isang dakila ngunit hindi personal na espirito.

• Ang mga tao , hayop , halaman at lahat ng mga nilikha ay galing kay B h r a m a n.

• Mayroon silang tatlong pangunahing diyos.

Page 48: mga sinaunang sibilisasyon

B h r a m a n

Page 49: mga sinaunang sibilisasyon

MGA PANGUNAHING DIYOS NG HINDU

Page 50: mga sinaunang sibilisasyon

Bhrama ang tagalikha

Page 51: mga sinaunang sibilisasyon

Shiva ang tagawasak

Page 52: mga sinaunang sibilisasyon

Vishnu ang tagapanatili

Page 53: mga sinaunang sibilisasyon

ANG IBA PANG

DIYOS NG MGA HINDU

Page 54: mga sinaunang sibilisasyon

Varuna Diyos ng langit at tubig

Page 55: mga sinaunang sibilisasyon

Krishna nagkatawang taong diyos na si Vishnu

Page 56: mga sinaunang sibilisasyon

Hanuman ang diyos ng mga unggoy

Page 57: mga sinaunang sibilisasyon

Lakshmi diyosa ng kayamanan at kagandahan

Page 58: mga sinaunang sibilisasyon

Indra ang diyos ng kulog

Page 59: mga sinaunang sibilisasyon

Agni ang diyos ng apoy

Page 60: mga sinaunang sibilisasyon

MAHAHALAGANG KONSEPTO SA HINDUISMO

DHARMAAng tungkulin o responsibilidad ng isang tao na sundin ang kanyang

nararapat na gawin ayon sa ibinigay na talento , estado sa buhay at

kapalaran.Ang paghahanap ng katotohanan at

kalinawan ay isang bahagi ng Dharma ng tao.

Pagsinunod niya ang kanyang Dharma ay maaaring magresulta sa kanyang

kaligtasan.

Page 61: mga sinaunang sibilisasyon

K A R M A

• Kabuuang pagkilos ng tao.• Sa pagtira ng tao sa mundo ay maaari siyang

makagawa ng masama o mabuti.• Base sa kanyang karma ang tao ay maaaring

bumalik sa katawan ng hayop , insekto o tao pa rin.

R E I N K A R N A S Y O N

• Siklo ng kapanganakan at kamatayan.• Dahil ang tao ay di kaya maging banal sa iisang

buhay lamang ,kaya kailangan nilang bumalik muli.

Page 62: mga sinaunang sibilisasyon
Page 63: mga sinaunang sibilisasyon

Reinkarnasyon

Page 64: mga sinaunang sibilisasyon

• Ang mga Hindu ay nagsagawa ng pagsamba sa mga templo at mga gawaing paglilinis-espiritwal tulad ng pagliligo sa Ilog Ganges.

• Gayun paman ay pinapahalagahan ng mga Hindu ang indibidwal na pagsamba.

• Ang kanilang mga panalangin ay hindi paghiling kundi pag-uulit ng pangalan ng kanilang mga diyos.V E D A S AT U P H A N I S H A D S

itinuring na banal na kasulatan ng mga Hindu naglalaman ito ng mga awit at papuri sa kanilang mga diyos. mga katuruan at pagpapaliwanag ng mga ritwal.

Page 65: mga sinaunang sibilisasyon
Page 66: mga sinaunang sibilisasyon

RAMAYANA AT MAHABHARATA

naglalaman ito ng mga epiko. ang mga kwento ng mga ito ay ukol sa paglalaban ng kabutihan at kasamaan at pagtatagumpay ng kabutihan sa bandang huli.

BHAGAVAD - GITA

bahagi ng mahabharata na may kwento ukol sa isang digmaan kung saan tinanong ng isang mandirigma si Arjuna ukol sa buhay ni Krishna.

Page 67: mga sinaunang sibilisasyon
Page 68: mga sinaunang sibilisasyon
Page 69: mga sinaunang sibilisasyon

CASTE SYSTEM o URI NG LIPUNAN

1. B H R A M I N kinabibilangan ng mga pari at iskolar2. K S H A T R I YA S kinabibilanga ng mga mandirigma at nobilidad.3. V A I S Y A S kinabibilangan ng mga mangangalakal , artisan at magsasaka.4. S U D R A S kinabibilangan ng mga tagasilbi o alipin.5 .HARIJAN o UNTOUCHABLES mga taong pinandidirian dahil sa kanilang uri.

Page 70: mga sinaunang sibilisasyon

BUDISMO• Relihiyong lumitaw mula sa pagiging

diskontento sa mga bahagi ng paniniwalang HINDUISMO.

• Galing kay Siddhartha Gautama ang mga prinsipyo at ideya ng Budismo na ipinanganak sa India noong ika-6 na siglo.

• Pangunahin sa pilosopiya ng Budismo ay ang pagsunod sa Apat na Dakilang Katotothanan ukol sa buhay.

Page 71: mga sinaunang sibilisasyon

APAT NA DAKILANG KATOTOHANAN

1. Ang buhay ay puno ng pagdurusa.2. Ang sanhi ng pagdurusa ay ang pagnanasa.3. Maalis ang pagdurusa kung alisin ang pagnanasa.4. Maalis ang pagnanasa kung susunod sa Walong

Tunguhin.

WALONG TUNGUHIN

1.Tamang pag-iisip 2.Tamang pagkilos3. Tamang pananaw 4. Tamang hanapbuhay5.Tamang intensyon 6. Tamang pagkaunawa7.Tamang pagsasalita 8.Tamang konsentrasyon

Page 72: mga sinaunang sibilisasyon

SINAUNANG SIBILISASYON SA

TSINA

Page 73: mga sinaunang sibilisasyon

Ang sibilisasyong Tsino ay umusbong sa bahagi ng ilog Huang Ho.

Pinamahalaan ito ng mga maalamat na hari ang sinaunang kasaysayan ng Tsina.

Makikita dito ang tanda ng pagsulong ng sibilisasyon sa Agrikultura , Pakikidigma at

matatandang Kalendaryo.Haring Yu

Isa sa huling hari sa panahong ito at ang kanyang tagapagmana ang nagtatag ng unang dinastiya sa Tsina ang Dinastiyang

Xia(Hsia)

Page 74: mga sinaunang sibilisasyon

Dinastiyang Xia (Hsia)2000-1600B.C.

Ang dinastiyang ito ang nagsilbing panahon ng transisyon mula sa panahon

ng Bato tungo sa panahon ng Bronse.Makikita sa panahong ito ang pagsimula ng

pagsusulat,paggamit ng metal,pagdodomestika at pagbuo ng sistemang pulitikal at panrelihiyon.Walang gaanong tala sa iba pang

pangyayari sa panahong ito.

Page 75: mga sinaunang sibilisasyon

Dinastiyang Shang(1570-1045B.C.)

Ang dinastiyang ito ay kakikitaan ng isang malakas na monarkiya.

Ang hari ay may absolutong kapangyarihan sa pulitika at relihiyon.

Kinilala siya bilang pinuno na may kaalaman sa dibinasyon tulad ng panghuhula sa mangyayari sa

hinaharap.Madalas na nakikidigma ang mga mamamayan ng

Shang lalo na sa kalapit na kaharian at sibilisasyon.Malaki at malakas ang hukbo ng Dinastiyang Shang.

Subalit ang gitnang bahagi lamang ng Tsina ang kontolado nila bagama’t may impluwensya sila sa

ibang bahagi ng rehiyon.

Page 76: mga sinaunang sibilisasyon

Mahalaga ang papel ng hari ng Shang sa mga gawaing panrelihiyon.

Gumamit na rin ang taga Shang ng isang paraan ng pagsusulat na siyang naging

ugat ng sistemang pagsusulat sa kasalukuyan.

Dahil ilang libo ang karakter na kailangan upang matutunan ang wikang ito kaya naging mahirap ito sa karaniwang tao.

May ilan lamang ang gumugol ng panahon sa pag-aaral nito.

Page 77: mga sinaunang sibilisasyon

Dinastiyang Zhou(1045-256B.C.)

Ang Zhou ay isang probinsiya sa dinastiyang Shang na nag-alsa at tinalo ang Shang.

Sa umpisa nakontrol ng Zhou ang kanilang nasasakupan.

Ngunit nang lumaon mayroong mga probinsiya na nagrebelde at pinaalis sila.

Lumipat ang Zhou sa Chengzhou ngunit humina ang kanilang impluwensya sa Tsina.

Sa panahong ito nagkaroon ng malaking pag-unlad sa lipunan at kabuhayan ng mga taga-Zhou.Umunlad ang kagamitang pang-agrikultura ,

irigasyon , at pagmamay-ari ng lupa.Nagresulta ito sa pag-unlad ng kanilang ekonomiya

at mga lungsod.

Page 78: mga sinaunang sibilisasyon

Bagama’t sa panahong ito ay totoong magulo ang pulitika at hindi sila nagkakaiasa nagkaroon naman

ng pagbangon ng mga bagong ideya.Dahil sa dami ng ideya sa panahong ito tinawag itong Hundred School of

Thoughts.Dalawang pinakamahalagang pilosopiya na umusbong sa

panahong ito ay ang Confucianismo at Taoismo.

Page 79: mga sinaunang sibilisasyon

CONFUCIANISMOPilosopiya na nagmula sa mga aral at ideya ni Kung Fu Tze o Confucius.(551-479B.C.)

Pinahalagahan niya ang tradisyon at kaayusang panlipunan.

Pinapahalagahan din niya ang: paggalang sa magulang at nakakatanda , pagiging makatao , pagkakaroon ng integridad o

karangalan at pagsunod sa katungkulan.

ANALECTSKompilasyon ng mga aral ni Confucius.

Page 80: mga sinaunang sibilisasyon

MENCIUSIsa sa mga disipulo ni Confucius na nakatulong sa pagpakalat ng mga

ideya ng Confucianismo.Sinabi niya na ang matapat na pinuno

ay kinasiyahan ng Diyos.XUN ZI

Nagpanukala na higit na epektibo ang isang awtoritaryan na pamahalaan.Binigyang diin niya ang halaga ng

ritwal bilang bahagi lamang ng tradisyon at hindi dahil epektibo ito.

Page 81: mga sinaunang sibilisasyon

TAOISMOAng katuruan ng pilosopiyang ito ay galing sa ideya ng dakilang gurong

si Lao Tzu(matandang maestro)

DAO o TAO ang daan na dapat sundin o pakibagayan upang maging maayos

ang buhay.Hinikayat ng Taoismo ang mga tao na hanapin ang sarili at makibagay sa

kalikasan.

Page 82: mga sinaunang sibilisasyon

DINASTIYANG QIN o CHIN (221-206B.C.)

Ang unang dinastiya na nakapag-isa sa buong Tsina.

Sa panahong ito sinunog ang mga aklat ng Confucianismo at hinuli’t pinatay ang

maraming iskolar.Sa panahon ding ito inumpisahan ang pagpatayo ng dakilang pader sa Tsina.

Noong 210B.C. maraming estado ang nag-aklas na siyang dahilan nhg pagbagsak ng

dinastiyang Qin.Dito hinango ang pangalan ng Tsina dahil sa

napag-isa nito ang malaking bahagi ng bansa.

Page 83: mga sinaunang sibilisasyon

DINASTIYANG HAN (206B.C.-220A.D.)

Binago ng dinastiyang ito ang sentralisadong pamahalaan ng Qin.

Ibinalik nito ang mga ideya ng Confucianismosa pamamalakad ng pamahalaan.

Nagtatag sila ng serbisyo sibil kung saan ang mga nagtatrabaho sa pamahalaan ay binigyan muna

nhg pagsusulit.Sima Qian ang nagsulat ng mahabang

kasaysayan ng Tsina.Ang papel at porselana ay naimbento sa panahong

ito.Dahil sa hidwaan at korapsiyon sa gobyerno humina ang dinastiya at tuluyang bumagsak noong 220A.D.

Page 84: mga sinaunang sibilisasyon

ANG SINAUNANG SIBILISASYON

sa EHIPTO

Page 85: mga sinaunang sibilisasyon

SIMULA NG SIBILISASYON SA EHIPTO

Tinatayang mula 8000-5000B.C. ay nagkaroon na ng maliliit na grupo at komunidad sa paligid ng ilog

Nile.Sa paglaki ng populasyon ay nahati ito sa dalawang

kaharian ang Mataas at Mababang Ehipto na kapwa may kanya-kanyang komunidad.

MENES pinuno ng Mataas na Ehipto na sumakop sa

Mababang Ehipto. napag-isa niya ang dalawang grupo sa iisang kaharian. siya ang naging unang hari ng sinaunang Ehipto.

Page 86: mga sinaunang sibilisasyon

Binansagang Dinastiya 0 ang kanyang pamumuno.(3100-2920B.C.) Sa panahong ito nabuo ang istraktura ng estado sa Ehipto.namuno naman ang dinastiyang I at II noong 2920-2686 b.c. Sa panahong ito ay nabuo ng mga taga Ehipto ang araro at pagsusulat sa sistemang Hieroglyphics.

Page 87: mga sinaunang sibilisasyon

ANG LUMANG KAHARIAN

Sa pagpasok ng dinastiyang III noong 2686B.C. ay dumating na ang Lumang Kaharian.

Sa panahong ito nakabuo ang mga taga Ehipto ng isang matibay na pamahalang sentral.

Nagpatayo sila ng napakaraming piramide sa sumunod na 500 taon.

IMHOTEP Dakilang arkitektong nagtayo ng unang hinagdanang piramide para sa karangalan ni Zoser ang ikalawang hari ng dinastiyang III.