mga parabula

6
Ang Parabula ng Nawalang Anak (Parable of the Prodigal Son) May isang mayaman na may dalawang anak na lalaki. Ang pinakabata ay lumapit sa ama at hiningi ang kanyang mana kaya ang ginawa ng matanda ay hinati niya ang kaniyang kayamanan sa dalawa. Ilang araw ang nakalipas, umalis ang bunsong anak at nangibang bayan. Inubos niya ang lahat nang ibinigay sa kaniya ng ama at naghirap. Nagkaroon ng matinding taggutom sa bansang iyon kaya napilitan siyang mamasukan sa isang mamamayan na nagpadala sa kaniya sa bukid bilang tagapagpakain ng baboy. Habang nagtitiis siyang kumain ng kaning baboy dahil wala namang ibinibigay sa kanyang pagkain, naalala niya ang kaniyang ama at ang mga katulong nito sa kanilang sariling pataniman. Naisip niyang bakit siya magtitiis na mamatay sa gutom habang ang mga katulong ng kaniyang ama ay sagana sa pagkain. Minabuti niyang umuwi at humingi ng patawad at handa siyang magtrabaho kahit na bilang katulong lang. Sa pag-uwi ng bunsong anak, malayo pa lang siya ay natanaw na siya ng kaniyang ama na tumakbo at siya ay niyakap at hinalikan. Tinawag nito ang kaniyang mga katulong at inutusang bihisan ang kaniyang anak ng magarang kasuotan, sapatos, at singsing sa kaniyang daliri. Iniutos din niya ang magpatay ng baka upang ipadiwang ang pagbalik ng kaniyang anak. Ang panganay niyang anak na nasa pataniman ay narinig ang musika at ang pagsasaya habang siya ay papalapit sa bahay. Tinanong niya ang isa sa mga utusan kung ano ang kasayahang yaon. Nalaman niya na nadiriwang ang kaniyang ama sa pagbabalik ng bunsong anak. Nagalit ang panganay na anak at ayaw niyang pumasok para sumali sa pagdiriwang. Sinumbatan niya ang kaniyang ama tungkol sa kaniyang pagsisilbi dito na parang alipin subalit ni minsan ay hindi siya

Upload: cutemichi

Post on 21-Oct-2015

331 views

Category:

Documents


5 download

DESCRIPTION

Mga parabulang ipinasuri ko sa aking mga mag-aaral sa Filipino III.

TRANSCRIPT

Page 1: Mga Parabula

Ang Parabula ng Nawalang Anak (Parable of the Prodigal Son)

May isang mayaman na may dalawang anak na lalaki. Ang pinakabata ay lumapit sa ama at hiningi ang kanyang mana kaya ang ginawa ng matanda ay hinati niya ang kaniyang kayamanan sa dalawa.

Ilang araw ang nakalipas, umalis ang bunsong anak at nangibang bayan. Inubos niya ang lahat nang ibinigay sa kaniya ng ama at naghirap.

Nagkaroon ng matinding taggutom sa bansang iyon kaya napilitan siyang mamasukan sa isang mamamayan na nagpadala sa kaniya sa bukid bilang tagapagpakain ng baboy. Habang nagtitiis siyang kumain ng kaning baboy dahil wala namang ibinibigay sa kanyang pagkain, naalala niya ang kaniyang ama at ang mga katulong nito sa kanilang sariling pataniman. Naisip niyang bakit siya magtitiis na mamatay sa gutom habang ang mga katulong ng kaniyang ama ay sagana sa pagkain. Minabuti niyang umuwi at humingi ng patawad at handa siyang magtrabaho kahit na bilang katulong lang.

Sa pag-uwi ng bunsong anak, malayo pa lang siya ay natanaw na siya ng kaniyang ama na tumakbo at siya ay niyakap at hinalikan. Tinawag nito ang kaniyang mga katulong at inutusang bihisan ang kaniyang anak ng magarang kasuotan, sapatos, at singsing sa kaniyang daliri. Iniutos din niya ang magpatay ng baka upang ipadiwang ang pagbalik ng kaniyang anak.

Ang panganay niyang anak na nasa pataniman ay narinig ang musika at ang pagsasaya habang siya ay papalapit sa bahay. Tinanong niya ang isa sa mga utusan kung ano ang kasayahang yaon. Nalaman niya na nadiriwang ang kaniyang ama sa pagbabalik ng bunsong anak. Nagalit ang panganay na anak at ayaw niyang pumasok para sumali sa pagdiriwang.

Sinumbatan niya ang kaniyang ama tungkol sa kaniyang pagsisilbi dito na parang alipin subalit ni minsan ay hindi siya binigyan ng kahit maliit na kambing para magsaya kasama ang kaniyang mga kaibigan. Pero nang dumating ang kaniyang kapatid na nilustay ang kaniyang mana sa mga masasamang babae, ito ay binigyan pa ng pagsalubong.

Sinagot siya ng kaniyang ama na siya ay naroong kasama niya at lahat ng kasaganaang tinatamasa niya ay kasama siya samantalang ang kapatid niya ay nawala at bumalik. Tila siya namatay na nabuhay ulit.(Luke 15:11-3)

Page 2: Mga Parabula

Ang Talinghaga Patungkol sa Fariseo at Maniningil ng Buwis

May ilang mga nagtiwala sa kanilang mga sarili na sila ay matuwid at hinamak nila ang iba; sa kanila ay sinabi rin ni Jesus ang talinghagang ito:

Dalawang lalaki ang umahon sa templo upang manalangin. Ang isa ay Fariseo at ang isa ay maniningil ng buwis. Tumayo ang Fariseo at nanalangin siya sa kaniyang sarili ng ganito, “Diyos, pinasasalamatan kita na hindi ako katulad ng ibang tao. Hindi ako katulad nila na mga mangingikil, mga hindi matuwid, at mga mangangalunya. Hindi rin ako katulad ng maniningil ng buwis na ito. Dalawang ulit akong nag-aayuno sa loob ng isang linggo. Nagbibigay ako ng ikapu sa lahat ng bagay na aking tinatangkilik.”

Ngunit ang maniningil ng buwis na nakatayo sa malayo ay hindi man lamang niya itinataas ang kaniyang paningin sa langit, sa halip ay kaniyang binabayo ang kaniyang dibdib. Sinabi niya, “Diyos, pagkalooban mo ako ng iyong habag, ako na isang makasalanan.”

Sinasabi ko sa inyo, ang maniningil ng buwis ay umuwi sa kaniyang bahay na matuwid at ang isa ay hindi. Ito ay sapagkat ang bawat isang nagtataas ng kaniyang sarili ay ibababa, at ang bawat isang nagpapakumbaba ay itataas. (Lucas 18:9-14)

Page 3: Mga Parabula

Ang Dakilang Utos at ang Mabuting SamaritanoIsang dalubhasa sa kautusan ang tumayo na sinusubok si Hesus at tinanong, “Guro,

anong gagawin ko upang magmana ng walang hanggang buhay?”

Sinabi ni Hesus sa kaniya, “Ano ba ang nakasulat sa kautusan? Ano ang pagkabasa mo rito?”

Sumagot siya at sinabi, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos ng buong puso mo, ng buong kaluluwa mo, ng buong lakas mo, at ng buong isip mo. Ibigin mo ang iyong kapwa tulad ng iyong sarili.”

Sinabi ni Hesus sa kaniya, “Tama ang sagot mo. Gawin mo ito at ikaw ay mabubuhay.”

Sa kaniyang pagnanais na maipakitang matuwid ang kaniyang sarili, tinanong niya muli si Hesus, “Sino ang aking kapwa?”

Bilang tugon, sinabi ni Hesus ang ganito:Isang lalaki ang bumaba mula sa Jerusalem patungong Jerico. Siya ay

nahulog sa kamay ng mga tulisan. Pagkatapos nila siyang hubaran at sugatan, sila ay umalis. Iniwan nila siyang nag-aagaw-buhay.

Nagkataong isang saserdote ang lumusong sa daang iyon. Pagkakita nito sa lalaking ninakawan, ang saserdote ay dumaan sa kabilang tabi. Gayundin naman ang isang Levita na nang mapadako roon ay tiningnan siya. Pagkatapos nito, siya ay dumaan lang din sa kabilang tabi.

May isang naglalakbay na taga-Samaria naman na lumapit sa kaniya. Pagkakita sa kaniya, ang taga-Samaria ay nahabag sa kaniya. Paglapit niya sa kaniya, binuhusan niya ng langis at alak ang kaniyang mga sugat at tinalian niya ang mga ito. Ang lalaking sugatan ay isinakay niya sa kaniyang sariling hayop, dinala siya sa isang bahay-tuluyan, at inalagaan.  Kinabukasan, sa pag-alis ng taga-Samaria ay naglabas ito ng dalawang denaryo. Ibinigay niya ito sa tagapamahala ng bahay-tuluyan. Sinabi niya sa kaniya: Alagaan mo siya. Anumang iyong magugugol nang higit ay babayaran ko sa iyo sa aking pagbababalik. (Lucas 10:25-35)

Page 4: Mga Parabula

Ang Talinghaga Patungkol sa TalentoMay isang panginoon ng lupa ang papaalis ng bansa. Tinawag niya ang kaniyang mga

alipin at ipinagkatiwala sa kanila ang kaniyang mga ari-arian. Ibinigay niya sa isang alipin ang limang talento, sa isa pang alipin ay dalawang talento, at sa isa pang alipin ay isang talento. Binigyan niya ang bawat isa ayon sa kani-kaniyang kakayanan. Pagkabigay, siya ay umalis agad ng bansa.

Ang unang alipin na nakatanggap ng limang talento ay nangalakal at tumubo ng lima pang talento. Gayundin ang nakatanggap ng dalawang talento; siya ay tumubo ng dalawa pa. Ngunit ang ikatlong alipin na nakatanggap ng isang talento ay umalis at siya ay naghukay sa lupa upang itago ang salapi na ibinigay sa kanya.

Pagkatapos ng mahabang panahon, dumating ang panginoon ng mga aliping iyon at sila ay nagbigay-puri sa kaniya. Ang nakatanggap ng limang talento ay may dala-dalang lima pang talento. Sinabi niya, “Panginoon, ipinagkatiwala mo sa akin ang limang talento. Narito, bukod dito ay tumubo pa ako ng lima.”

Sinabi ng kaniyang panginoon sa kaniya, “Magaling ang iyong ginawa. Ikaw ay mabuti at tapat na alipin. Naging tapat ka sa kakaunting bagay. Pamamahalain kita sa maraming pang mga bagay. Pumasok ka sa kagalakan ng iyong panginoon.”

Dumating din ang nakatanggap ng dalawang talento. Sinabi niya, “Ipinagkatiwala mo sa akin ang dalawang talento. Tingnan ninyo, bukod dito ay tumubo pa ako ng dalawa.”

Sinabi ng kaniyang panginoon sa kaniya: “Magaling ang iyong ginawa. Ikaw ay mabuti at tapat na alipin. Naging tapat ka sa kakaunting bagay. Pamamahalain din kita sa marami pang bagay. Pumasok ka sa kagalakan ng iyong panginoon.”

Dumating din ang nakatanggap ng isang talento. Sinabi niya, “Panginoon, kilala kita na ikaw ay isang malupit na tao dahil sa takot, ako ay umalis at itinago ang iyong talento sa ilalim ng lupa. Narito ang para sa iyo.”

Sumagot ang kaniyang panginoon, “Ikaw ay masama at tamad na alipin!  Nararapat sana na inilagay mo ang aking salapi sa mga mamamalit ng salapi upang sa aking pagdating ay tatanggapin ko ang aking salapi na may tubo. Kunin nga sa kaniya ang talento at ibigay sa may sampung talento. Ito ay sapagkat ang bawat mayroon ay bibigyan at siya ay tatanggap ng sagana. Ngunit sa kaniya na wala, maging ang nasa kaniya ay kukunin pa sa kaniya. Ang walang silbing alipin ay itatapon sa kadiliman sa labas. Doon ay may pananangis at pagngangalit ng mga ngipin. (Mateo 25:14-30)