mga kontemporaneong isyu sa kapaligiran
TRANSCRIPT
![Page 1: Mga Kontemporaneong Isyu sa Kapaligiran](https://reader030.vdocuments.site/reader030/viewer/2022012607/619b99c4a9e3b94022355651/html5/thumbnails/1.jpg)
Mga
Kontemporaneong Isyu sa Kapaligiran
![Page 2: Mga Kontemporaneong Isyu sa Kapaligiran](https://reader030.vdocuments.site/reader030/viewer/2022012607/619b99c4a9e3b94022355651/html5/thumbnails/2.jpg)
Ang pagbabago ng klima o climate
change ay natural na proseso ng kalikasan
na nagaganap sa loob ng 100 na taon o
higit pang panahon. Gayunpaman, dahil
sa industriyalisasyon at pagbabago sa
pisikal na kapaligiran, nagging mabilis ang
pagpapalit ng klima. Nagaganp ang
global warming, isang phenomena hinggil
sa pag-init ng ibabaw ng mundo dahil sa
mga greenhouse gas sa atmospera.
![Page 3: Mga Kontemporaneong Isyu sa Kapaligiran](https://reader030.vdocuments.site/reader030/viewer/2022012607/619b99c4a9e3b94022355651/html5/thumbnails/3.jpg)
Ang mga greenhouse gas ang sumasala sa radyasyon na direktang natatanggap ng mundo mula sa araw. Dahil sa tumataas na antas ng mga greenhouse gas sa himpapawid, ang init sa daigdig ay hindi makasingaw patungo sa kalwakan at nananatili dito. Nagmula ang mga greenhouse gas sa mga kemikal na ginagamit sa paggawa ng kuryente, pagpapaandar ng makina, mga nabubulok na basura, mga kemikal na ginagamit sa airconditioning, spray, at pintura.
![Page 4: Mga Kontemporaneong Isyu sa Kapaligiran](https://reader030.vdocuments.site/reader030/viewer/2022012607/619b99c4a9e3b94022355651/html5/thumbnails/4.jpg)
Ayon sa tala ng Global Climate Risk Index 2018, ang Pilipinas ang ikalimang bansa sa mundo na lubhang apektado sa pagbabago ng klima. Ipinatupad sa bansa ang Batas Republika blg. 9729 o The Climate Change Act of 2009. Inilahad sa naturang batas ang mga hakbang ng pamahalaan para sa mitigasyon at adaptasyon sa pagbabago.
![Page 5: Mga Kontemporaneong Isyu sa Kapaligiran](https://reader030.vdocuments.site/reader030/viewer/2022012607/619b99c4a9e3b94022355651/html5/thumbnails/5.jpg)
Nilikha ang National Climate Change Action
Plan (NCCAP 2011-2028) na kalakip ang
sumusunod na priyoridad:
1. Seguridad sa pagkain
2. katatagan ng ekonohiya at kapaligiran
3. Sapat na tubig
4. Seguridad ng mga tao
5. mga industriya at serbisyo na naaayon
sa isyung pangklima
6. alternatibo at likas-kayang enerhiya
7. kaalaman at sapat na pagsasanay
![Page 6: Mga Kontemporaneong Isyu sa Kapaligiran](https://reader030.vdocuments.site/reader030/viewer/2022012607/619b99c4a9e3b94022355651/html5/thumbnails/6.jpg)
Climate Change Commission (CCC)- komisyong itinatag upang maging pangunahing tagapagngasiwa ng lahat ng programa ng pamahalaan na may kinalaman sa climate change.
![Page 7: Mga Kontemporaneong Isyu sa Kapaligiran](https://reader030.vdocuments.site/reader030/viewer/2022012607/619b99c4a9e3b94022355651/html5/thumbnails/7.jpg)
National Disaster Risk Reduction
and Management Council
(NDRRMC)- konseho na binuo
upang mangasiwa sa
pangangalaga sa kaligtasan at
kapakanan ng mga Pilipino sa
panahon ng mga sakuna.
![Page 8: Mga Kontemporaneong Isyu sa Kapaligiran](https://reader030.vdocuments.site/reader030/viewer/2022012607/619b99c4a9e3b94022355651/html5/thumbnails/8.jpg)
Department of Environment
and Natural Resources
(DENR)- nangangasiwa sa
pagpapatupad ng mga
batas pangkalikasan.
![Page 9: Mga Kontemporaneong Isyu sa Kapaligiran](https://reader030.vdocuments.site/reader030/viewer/2022012607/619b99c4a9e3b94022355651/html5/thumbnails/9.jpg)
Department of Energy (DoE)-
humihikayat sa pagtatayo
ng mga alternatibong
mapagkukunan ng enerhiya
sa bansa.
![Page 10: Mga Kontemporaneong Isyu sa Kapaligiran](https://reader030.vdocuments.site/reader030/viewer/2022012607/619b99c4a9e3b94022355651/html5/thumbnails/10.jpg)
Malaki ang epekto ng pagkasira ng likas na yaman sa ating mga tao at maging sa lahat ng may buhay na naninirahan sa mundong ibabaw. Dahil sa ating mga likas na yaman ay nabubuhay tayo ng matiwasay masagana,malusog at masaya dahil sa ating mga likas na yaman tayo kumukuha ng mga pagkain, maiinom,malalanghap na sariwang hangin at iba pa, kaya ano na lamang kung masira ang ating likas na yamang maaring lahat ng nabubuhay sa mundo ay mawala narin.
![Page 11: Mga Kontemporaneong Isyu sa Kapaligiran](https://reader030.vdocuments.site/reader030/viewer/2022012607/619b99c4a9e3b94022355651/html5/thumbnails/11.jpg)
1. Mga likas na yaman
2. Likas na yamang Gubat
3. Likas na yamang Lupa
4. Likas na yamang Mineral
5. Likas na yamang Tubig
![Page 12: Mga Kontemporaneong Isyu sa Kapaligiran](https://reader030.vdocuments.site/reader030/viewer/2022012607/619b99c4a9e3b94022355651/html5/thumbnails/12.jpg)
1. Likas na yamang gubat
Kung masisira ang likas na yamang gubat, malaki
ang epekto nito sa mga tao na umaasa ang
ikinabubuhay sa ating kagubatan, gayundin ang
mga hayop na naninirahan sa ating kagubatan
maari silang mangamatay at tuluyan ng maubos.
dahil na rin sa ilan nating mga kababayan na iniisip
ay pang sarili lamang walang habas na pagputol ng
mga punong kahoy, dahilan kung bakit nagaganap
ang malawakang pagbaha at pagguho ng lupa.
dahil na uubos na ang mga punong kahoy na dapat
sana ay sasangga sa mga ganitong klase ng sakuna.
![Page 13: Mga Kontemporaneong Isyu sa Kapaligiran](https://reader030.vdocuments.site/reader030/viewer/2022012607/619b99c4a9e3b94022355651/html5/thumbnails/13.jpg)
2. Likas na yamang lupa
Ang likas na yamang lupa ay tumutukoy sa
mga halaman na nabubuhay sa lupa na siya
nating pinagkukunan ng pagkain,katulad ng
palay,niyog,mga gulay,at maging ang mga
herbal na halaman. isipin natin kung masisira
ito ng tuluyan ay magkakaroon ng taggutom,
pagtaas ng bilihin sa merkado dahil
magkukulang na ang supply ng mga
produktong nagmumula sa ating mga
anyong lupa.
![Page 14: Mga Kontemporaneong Isyu sa Kapaligiran](https://reader030.vdocuments.site/reader030/viewer/2022012607/619b99c4a9e3b94022355651/html5/thumbnails/14.jpg)
3. Likas na yamang mineral ang likas nayamang mineral ay tumutukoy sa mga mineral na nakukuha o nagmumula sa ating mga kabundukan at ilalim ng lupa.katulad ng ginto,pilak,marmol, Copper, dyamante at iba pa.Kung masisira ang mga ito malaki ang mawawala sa ating ekonomiya, marami din ang mga mawawalan ng trabaho at pagkakakitaan dahil marami sa atin mga kababayan ay minero lalo na sa Lungsod ng Benguet.
![Page 15: Mga Kontemporaneong Isyu sa Kapaligiran](https://reader030.vdocuments.site/reader030/viewer/2022012607/619b99c4a9e3b94022355651/html5/thumbnails/15.jpg)
4. Yamang tubig
ang likas na yamang tubig ay tumutukoy
sa ating karagatan,lawa,sapa,ilog, malaki
ang magiging epekto nito sa atin lalo na
sa mga mangingisda dahil dito sila
kumukuha ng pangkabuhayan upang
ipangtustos nila sa kanilang pamilya sa
mga pang araw-araw nitong
pangangailangan.