mga kasanayan sa akademikong pagsusulat

21
Mga kasanayan sa Akademikong Pagsusulat KABANATA 3

Upload: via-abayon

Post on 15-Apr-2017

613 views

Category:

Education


25 download

TRANSCRIPT

Page 1: Mga kasanayan sa akademikong pagsusulat

Mga kasanayan sa Akademikong Pagsusulat

KABANATA 3

Page 2: Mga kasanayan sa akademikong pagsusulat

KONSEPTONG PAPEL

O Inihanda upang magpaliwanag , magbigay linaw at bigyang kahulugan ang isang konsepto, ideya o pormula sa isang malinaw na paraan.

O Binabanggit nito ang kahalagahan, katangian (abstrak o konkreto man) sa paraang madaling maunawaan.

Page 3: Mga kasanayan sa akademikong pagsusulat

O Sa pagpapaliwanag o pagbibigay linaw sa konsepto, diwa o purmula ay gumagamit tayo ng iba’t ibang pamamaraan sa pagpapasya ng mga ideya tulad ng pagbibigay katuturan o definisyon , paglalarawan , pagkukumpara, analohiya, pagsasalaysay, pagsusuri, pagtukoy sa pinagmulan ng terminolohiya , ilustrasyon at iba pa.

Page 4: Mga kasanayan sa akademikong pagsusulat

Mga Dapat Tandaan sa Pagbou ng Konseptong Papel

1. Ilakip lahat ng impormasyon gustong isama sa definisyon ng konsepto at tanggalin ang mga detalyeng nais alisin.

2. Ilarawan at ipaliwanag ang konsepto sa malinaw na wika at gamitan ng mga tiyak na salita upang madali itong maiugnay sa karanasan ng mambabasa.

3. Kung ang konseptong ipinaliwanag ay masyadong masalimuot at masaklaw maari itong hatiin sa iba’t ibang bahagi ayon sa aspekto,elemento o sangkap,hakbang, uri o antas na bumubuo sa mga bahagi ng boung konsepto.

Page 5: Mga kasanayan sa akademikong pagsusulat

Laging isaisip na sa pagpapaliwanag ng definisyon o kahulugan ng isang konsepto, ang pagpapaliwanag ay hindi nakabatay sa kumbensyunal na kahulugan ng terminolohiya( kahulugan galing sa diksyunaryo)kundi ibagay ang kahulugan nito sa larangan o kaalamang paggagamitan nito.

Page 6: Mga kasanayan sa akademikong pagsusulat

Perla P. Ulit(2003), kung gusto nating ipaliwanag ang konsepto ng “pag-ibig’’ ang terminolohiyang ito ay hindi dapat limitado lamang sa kahulugang ibinibigay ng diksyunaryo na tumutukoy sa ekspresyon ng isang tao sa iba batay sa pagkakatugma ng kanilang mga karanasan o interes batay sa pagnanasang sekswal .

Page 7: Mga kasanayan sa akademikong pagsusulat

Sa pagsulat ng konseptong papel, kailangan ang pagbabasa ng iba’t ibang sanggunian na maaring mapagkunan ng mga impormasyon tungkol sa konseptong pinagpapakahulugan.

Page 8: Mga kasanayan sa akademikong pagsusulat

Mga Bahagi ng Konseptong Papel

1. Panimula(Introduksyon). Dito nagbibigay ng pahapyaw na pahayag bilang motivesyon ukol sa ideya o konseptong binibigyang kahulugan.

2. Katawan. Sa bahaging ito isinasagawa ang pagbibigay kahulugan sa pamamagitan ng tuwirang definisyon, paghahambing , pagbibigay halimbawa , pagbibigay katangian at iba pa.

3. Konklusyon. Inilalahad ang kahalagahan o kaugnayan ng isang konsepto sa iba’t ibang paraan,

Page 9: Mga kasanayan sa akademikong pagsusulat

Ang Talatani Yolanda C. Valencia

A. Napakahalagang matutuhan ng isang tao ang pagsulat ng talata . Ang kakayahang ito ang magiging daan tungo sa ibayong pagpapaunlad ng kakayahang sumulat nang mas mahahabang diskurso tulad ng komposisyon at sanaysay . Isa rin itong paraan upang maipahayag ang kanyang damdamin at pag-iisip sa paraan ng panulat.

Page 10: Mga kasanayan sa akademikong pagsusulat

B. Ano nga ba ang talata?Sa wikang Ingles, ang salitang “paragraph”(talata sa Filipino) ay nagmula sa salitang Griyego: “para” na ang ibig sabihin ay “alongside” o magkabilang gilid at ang “graph” na ang ibig sabihin ay “to write” o sumulat. Noong unang panahon na ang larangan ng panunulat ay ginagamitan ng manwal na paraan , ang mga eskribano o manunulat ay hindi gumagamit ng indensyon upang ipakita ang simula ng talata. Sa halip, naglalagay sila ng mga simbolo sa alin man sa magkabilang panig ng sinusulatan, kaliwa o kanan man , upang magsimula ng bagong ideya. Sa kasalukuyan ang indensyon ay naging konvensyonal na tuntunin o palatandaan sa pagsisimula ng isang talata.

Page 11: Mga kasanayan sa akademikong pagsusulat

C. Ang talata ay nangangahulugang isang klaster , isang grupo o serye ng magkakaugnay na pangungusap na bumubou ng isang diwa. Ang magkakaugnay na pangungusap ay bunga ng nauna o sinusundan nito at tungo sa susunod pa at lahat ay tumutulong bumou ng isang pangunahing ideya, kapag sinabing ang mga pangungusap ay bumubou ng isang paksa, nangangahulugan ito na ang mga pangungusap ay naglalahad ng sapat na nilalaman at may kakayahang ipaliwanag ang paksa sa isang malinaw na paraan.

Page 12: Mga kasanayan sa akademikong pagsusulat

D. Ang pagsulat ng talata ay maihahalintulad sa paglikha ng larawan. Ang ideyang nagkukubli sa isipan ay tila mga imaheng nakatago sa hindi pa nabubuong film. Kung ang kemikal ang unti unting nagpapakita ng mga imahe sa larawan , ang kemistri naman ng mga salita ,parirala at pangungusap ang naglalahad ng mga nakatagong ideya ng manunulat sa pag –unawa ng mambabasa.

E. Ang mga nabanggit ay sapat na dahilan upang bigyang halaga ang pagkakaroon ng kasanayan sa pagsulat ng talata.

Page 13: Mga kasanayan sa akademikong pagsusulat

Pagsusuri ng konseptong papelI. Panimula o introduksyon( Talata A )II. Katawan A. Etimolohiya o pinagmulan ng konsepto ( Talata B ) B. Kahulugan o Katuturan ng talata batay sa pag-aaral( Talata C) C. Paghahalintulad ng pagsulat ng talata sa pagbuo ng larawan (Talata D )III. Konklusyon o Wakas pagkilala sa kahalagahan ng pagkakaroon ng ng kasanayan sa pagsulat ng talata(Talata E)

Page 14: Mga kasanayan sa akademikong pagsusulat

MUNGKAHING GAWAINPumili ng isa sa mga konseptong nakatala sa ibaba. Sumulat ng isang konseptong papel tunkol dito.

1. Kagandahan2. Kalinisan3. Kapayapaan4. Dakilang pag-ibig5. Kalusugan6. Tahanan7. Musika8. Pamilya9. Pag-asa10. terorismo

Page 15: Mga kasanayan sa akademikong pagsusulat

Halimbawa

ANG SUMPONG NG PINOY: ISANG PAGTATANGKANG PAGSUSURI ni Nestor C. De Guzman

Ugali ko di n’ya matant’yaHindi raw ako nagsa-smile pero tawa ng tawa

Minsan parati akong tulalaSumpungin , hindi matimpla

Pare ko beer nalang tayoMagpakalunod na tayo sa kalasingan

Ugali ko di n’ya matant’yaHindi raw ako nagsa-smile pero tawa nang tawa

Page 16: Mga kasanayan sa akademikong pagsusulat

Minsan parati akong tulalaSumpungin, hindi matimpla Pare ko, jutes nalang tayo

Magpakalunod na tayo sa kapraningan kailangan remedyuhan

Kung hindi , matutuluyan Papunta na ako sa doctor ako’y io-opera

Page 17: Mga kasanayan sa akademikong pagsusulat

Ang Damdam at Sumpong Pinoy

Sapagkat ang sumpong ay bahagi ng nararamdaman ng tao , mas makabubuting talakayin muna ang ukol sa konsepto ng damdam. Ayon kay Mercado(2000), ang damdam ay anumang nararamdaman sa kalooban. Samakatwid , ang saya, tuwa, galit, lungkot at iba pa ay masasabing isang damdam,sapagkat nararamdaman ito ng kalooban ng isang tao. Iba’t ibang salita ang ikinakabit sa salitang damdam gaya ng magdamdam, karamdaman, karamdamanin, damdamin, madamdamin, maramdamin, pakiramdam, paramdam, at magpakiramdam. iba;’t ibang diwa ang ipinapahiwatig ng mga ito batay sa panlaping ikinakabit sa salitang ito.

Page 18: Mga kasanayan sa akademikong pagsusulat

Samantala ang salitang dama ay sinasabi ring sinonim ng salitang damdam na ma’y iba’t iba ring diwang ipinahahayag batay sa panlaping ikinakabit dito gaya ng damhin, madama, pandama at nadarama na nakapatungkul rin sa kalooban ng isang tao.Ang damdam ay maaring fisikal, intelekwal at emosyonal. Makikita ang pagkaklasipika sa mga ito:

Page 19: Mga kasanayan sa akademikong pagsusulat

IntelekwalAlamDiwa

DunongMalay

Pananaw

Fisikal Akap Dampi Kurot Haplos himas

EmosyonSayaGalitInis

TuwaMuhi

Page 20: Mga kasanayan sa akademikong pagsusulat

Ang ibinigay na salita ay ilan lamang halimbawa upang ipakita ang pagkakaiba ng tatlo. Kung pagbabatayan ang mga impormasyon sa itaas, masasabing ang sumpong ay isang damdam sapagkat nagaganap ito sa kalooban ng tao. Isa itong emosyon na nararamdaman ng isang tao sa kanyang kalooban.

Page 21: Mga kasanayan sa akademikong pagsusulat

END OF SLIDE SHOW!!