mga kasabihang pilipino at salawikaing tagalog

6
Mga Kasabihang Pilipino at Salawikaing Tagalog Filipino Proverbs Ang mga kasabihan at salawikain ay naglalayong magbigay payo at patnubay sa ating pangaraw-araw na pamumuhay. Ang mga kasabihang Pilipino at salawikaing Tagalog ay isinasaad sa mga maiiksing pangungusap lamang subalit ang mga eto ay makahulugan at makabuluhan. Eto ay kadalasang tumatalakay din sa mga karanasan ng ating mga ninuno at nakatatanda at naglalayong ituwid ang ating pamumuhay ng naaayon sa kanilang mga naging karanasan. Heto ang ilan sa ating mga kasabihan at salawikain, kasama ang maiksing pagpapaliwanag sa ibig sabihin ng mga eto: Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit. Ang taong nagigipit ay napipilitan minsan na gumawa ng mapangahas na hakbang na maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na pangangailangan sa pera ay nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng 5-6, na nagiging dahilan upang siya ay mabaon sa utang at lalu pang maghirap. Kahit saang gubat, ay mayruong ahas. Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa. Kung ano ang itinanim, siya rin ang aanihin. Kung ano ang ginawa mo sa kapuwa ay kadalasang ganun din ang gagawin sa iyo. Halimbawa, kung naging matulungin ka sa kapuwa mo ay tutulungan ka rin nila. Kung ano ang puno, siya rin ang bunga. Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang. Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag- uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag- uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, ay karaniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga magulang.

Upload: brandy-brandares

Post on 09-Apr-2015

24.684 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Mga Kasabihang Pilipino at Salawikaing Tagalog

Mga Kasabihang Pilipino at Salawikaing TagalogFilipino Proverbs

Ang mga kasabihan at salawikain ay naglalayong magbigay payoat patnubay sa ating pangaraw-araw na pamumuhay. Ang mgakasabihang Pilipino at salawikaing Tagalog  ay isinasaad sa mgamaiiksing pangungusap lamang subalit ang mga eto ay makahuluganat makabuluhan. Eto ay kadalasang tumatalakay din sa mga karanasanng ating mga ninuno at nakatatanda at naglalayong ituwid ang ating pamumuhay ng naaayon sa kanilang mga naging karanasan.

Heto ang ilan sa ating mga kasabihan at salawikain, kasama angmaiksing pagpapaliwanag sa ibig sabihin ng mga eto:

Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.

Ang taong nagigipit ay napipilitan minsan na gumawa ng mapangahasna hakbang na maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na pangangailangan sapera ay nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng 5-6, na nagiging dahilan upang siya ay mabaon sa utang at lalu pang maghirap.

Kahit saang gubat, ay mayruong ahas.

Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawang mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa.

Kung ano ang itinanim,  siya rin ang aanihin.

Kung ano ang ginawa mo sa kapuwa ay kadalasang ganun din anggagawin sa iyo. Halimbawa, kung naging matulungin ka sa kapuwamo ay tutulungan ka rin nila.

Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.

Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang.Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag-uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, aykaraniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga magulang.

Kung hindi ukol, hindi bubukol.

Ang suwerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hinditalagang nakalaan para sa iyo.

Page 2: Mga Kasabihang Pilipino at Salawikaing Tagalog

Kung may isinuksok, may dudukutin.Matutong magtipid upang sa oras nang pangangailangan ay may perang makukuha sa sariling ipon upang hindi na umasa sa tulong ng ibang tao.

Kung sino ang pumutak, siya ang nanganak.Kung minsan ay kung sino pa ang nangangatuwiran ay siya pala ang mali.At kung sino pa ang nagkakaila ay siya pala ang may gawa o may  sala.

Magkulang ka na sa iyong magulang, huwang lang sa iyong biyenan.

Kadalasang ipinapayo eto sa mga nagbabalak magpakasal at sa mgabagong mag-asawa upang mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mgamagulang kase ay higit na mapagtatakpan o mapapatawad ang mgapagkukulang ng sariling anak.

May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.Mag-ingat sa mga sinasabi dahil maaaring marining iba nang hindi mo nalalaman dahil may mga taong tsismoso at mahilig magkalat o gumawa ng kuwento sa ibang tao.

Nasa tao ang gawa,  nasa Diyos ang awa.

Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natinang magsikap at gumawa upang matamo ang minimithing biyaya

Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.

Sa tinagal-tagal man ng samahan ng isang magkasintahan, at sa kabila ng maaaring maging balakid sa kanilang pagmamahalan, sa bandang huli ay hahantong  din sa kasalan ang kanilang samahan kung sila ay talagang nakalaan para sa isa't-isa.

Pagmakitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot.

Tayo ay dapat mamuhay nang naaayon sa ating sariling kakayahan. Dapat magtipid at mamuhay ng payak kung eto lang ang kaya ng ating kabuhayan. Huwag nating tularan ang pamumuhay ng mga mas nakiririwasa sa atin.

Page 3: Mga Kasabihang Pilipino at Salawikaing Tagalog

Ang mga salawikain o kawikaang Pilipino ay mabuting hanguan ng impormasyon hinggil sa matatandang kaugalian,paniniwala, asal, at gawi.

mga halimbawa:

Nasa Diyos ang awa,nasa tao ang gawa.

Kapag ang tao'y matipid,maraming maililigpit.

Ano man ang gagawin, makapitong iisipin.

Ang hindi napagodmagtipon, walanghinayang magtapon.

Madali ang maging tao, mahirap magpakatao.

Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila.

Ang magalang na sagot ay nakakapawi ng poot.

Ang gawa sa pagkabata, dalahanggang pagtanda.

Page 4: Mga Kasabihang Pilipino at Salawikaing Tagalog

Pag di ukol, ay di bubukol.

Kung sino ang masalitaay siyang kulang sa gawa.

Daig ng maagap angtaong masipag.

Ako ang nagbayo ako ang nagsaing saka ng maluto'yiba ang kumain.

Ubus-ubos biyaya, pagkataposnakatunganga.

Ang Tagalog ay mayaman sa mga sawikain. Ang sawikain ay mga salita o pagpapahayag na karaniwangginagamit sa araw-araw.

Ang mga pagpapahayag na mga ito ay nagbibigay, hindi ng tiyakang kahulugan ng bawat salita, kundi ng ibang kahulugan.

mga halimbawa:

anak-dalita -- mahirap alilang-kanin -- utusang walang sweldo, pagkain langbalitang kutsero -- hindi totoong balitadalawa ang bibig -- mabunganga, madaldalhalang ang bituka -- salbahe, desperado, hindi nangingiming pumatay ng taosukat ang bulsa -- marunong gumamit ng pera, marunong magbayad at mamahala ng kayamanankusang palo -- sariling sipag

Page 5: Mga Kasabihang Pilipino at Salawikaing Tagalog

mabigat ang kamay -- tamad magtrabahomalikot ang kamay -- kumukuha ng hindi kanyaisulat sa tubig -- kalimutanmahabang dulang -- kasalanmahaba ang buntot -- laging nasusunod ang gusto, kulang sa palo, salbahe

Ang mga Idyomatikong Pahayag o Salitang Matalinghaga, ay parirala o pangungusap na ang kahulugan ay kumpletong magkaiba ang literal na kahulugan ng salitang gawa sa matalinghagang salita. Gayunman ang Idyomatikong Pahayag ay naging pangmalawakang gamit dahil ito'y Makahulugang Mensahe.

HALIMBAWA:

1.2. nagasgasang bulsa-nakagastos ng malaki 3. matsalim ang dila-masakit magsalita 4. agaw buhay-naghihingalo 5. anak pawis-magsasaka o mangagawa 6. anak dalita-mahirap 7. bungang tulog-panaginip 8. butot balat-payat na payat 9. makapal ang bulsa-maraming pera 10. butas ang bulsa-walang pera 11. dilang angel-nagsasabi ng totoo 12. tengang kawali-nagbibingbingihan 13. gintong kutsara-mayaman 14. matandang tinali-matandang binata 15. dilang pilipit-bulol magsalita

parang pinitpit na luya-di tumitigil sa paglakihalang ang bituka-masama ang ugali