mga kasabihang pilipino at salawikaing tagalog

9
Mga Kasabihang Pilipino at Salawikaing Tagalog Filipino Proverbs .May salitang lumuluha,may luhang nagsasalita. -kung nagmamakaawa ka ang salita mo'y halos umiiyak.Kung sa kalungkutan mo'y hindi ka makaimik,ang luha mo ang magpapahayag ng iyong damdamin Ang mga kasabihan at salawikain ay naglalayong magbigay payo at patnubay sa ating pangaraw-araw na pamumuhay. Ang mga kasabihang Pilipino at salawikaing Tagalog ay isinasaad sa mga maiiksing pangungusap lamang subalit ang mga eto ay makahulugan at makabuluhan. Eto ay kadalasang tumatalakay din sa mga karanasan ng ating mga ninuno at nakatatanda at naglalayong ituwid ang ating pamumuhay ng naaayon sa kanilang mga naging karanasan. Heto ang ilan sa ating mga kasabihan at salawikain, kasama ang maiksing pagpapaliwanag sa ibig sabihin ng mga eto: Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit. Ang taong nagigipit ay napipilitan minsan na gumawa ng mapangahasna hakbang na maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na pangangailangan sa pera ay nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng 5 -6, na nagiging dahilan upang siya ay mabaon sa utang at lalu pang maghirap. Kahit saang gubat, ay mayruong ahas. Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa. Kung ano ang itinanim, siya rin ang aanihin. Kung ano ang ginawa mo sa kapuwa ay kadalasang ganun din ang gagawin sa iyo. Halimbawa, kung naging matulungin ka sa kapuwa mo ay tutulungan ka rin nila. Kung ano ang puno, siya rin ang bunga. Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang. Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag- uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag-uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, ay karaniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga magulang. Kung hindi ukol, hindi bubukol. Ang suwerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi talagang nakalaan para sa iyo. Kung may isinuksok, may dudukutin. Matutong magtipid upang sa oras nang pangangailangan ay may perang makukuha sa sariling ipon upang hindi na umasa sa tulong ng ibang tao. Kung sino ang pumutak, siya ang nanganak. Kung minsan ay kung sino pa ang nangangatuwiran ay siya pala ang mali. At kung sino pa ang

Upload: sushitabethsenobago

Post on 11-Nov-2015

354 views

Category:

Documents


5 download

DESCRIPTION

filipino sayings

TRANSCRIPT

Mga Kasabihang Pilipino at Salawikaing TagalogFilipino Proverbs

.May salitang lumuluha,may luhang nagsasalita. -kung nagmamakaawa ka ang salita mo'y halos umiiyak.Kung sa kalungkutan mo'y hindi ka makaimik,ang luha mo ang magpapahayag ng iyong damdamin

Ang mga kasabihan at salawikain ay naglalayong magbigay payo at patnubay sa ating pangaraw-araw na pamumuhay. Ang mga kasabihang Pilipino at salawikaing Tagalog ay isinasaad sa mga maiiksing pangungusap lamang subalit ang mga eto ay makahulugan at makabuluhan. Eto ay kadalasang tumatalakay din sa mga karanasan ng ating mga ninuno at nakatatanda at naglalayong ituwid ang ating pamumuhay ng naaayon sa kanilang mga naging karanasan.

Heto ang ilan sa ating mga kasabihan at salawikain, kasama ang maiksing pagpapaliwanag sa ibig sabihin ng mga eto:

Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.Ang taong nagigipit ay napipilitan minsan na gumawa ng mapangahasna hakbang na maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyangmagipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na pangangailangan sa pera ay nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng 5 -6, na nagigingdahilan upang siya ay mabaon sa utang at lalu pang maghirap.

Kahit saang gubat, ay mayruong ahas.Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa.

Kung ano ang itinanim, siya rin ang aanihin.Kung ano ang ginawa mo sa kapuwa ay kadalasang ganun din ang gagawin sa iyo. Halimbawa, kung naging matulungin ka sa kapuwa mo ay tutulungan ka rin nila.

Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang. Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag-uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, ay karaniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga magulang.

Kung hindi ukol, hindi bubukol.Ang suwerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi talagang nakalaan para sa iyo.

Kung may isinuksok, may dudukutin.Matutong magtipid upang sa oras nang pangangailangan ay may perang makukuha sa sariling ipon upang hindi na umasa sa tulong ng ibang tao.

Kung sino ang pumutak, siya ang nanganak.Kung minsan ay kung sino pa ang nangangatuwiran ay siya pala ang mali. At kung sino pa ang nagkakaila ay siya pala ang may gawa o may sala.

Magkulang ka na sa iyong magulang, huwang lang sa iyong biyenan.Kadalasang ipinapayo eto sa mga nagbabalak magpakasal at sa mga bagong mag-asawa upang mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mga magulang kase ay higit na mapagtatakpan o mapapatawad ang mga pagkukulang ng sariling anak.

May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.Mag-ingat sa mga sinasabi dahil maaaring marining iba nang hindi mo nalalaman dahil may mga taong tsismoso at mahilig magkalat o gumawang kuwento sa ibang tao.

Nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa.Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin ang magsikap at gumawa upang matamo ang minimithing biyaya

Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.Sa tinagal-tagal man ng samahan ng isang magkasintahan, at sa kabila ng maaaring maging balakid sa kanilang pagmamahalan, sa bandang huli ay hahantong din sa kasalan ang kanilang samahan kung sila ay talagangnakalaan para sa isa't-isa.

Pagmakitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot.Tayo ay dapat mamuhay nang naaayon sa ating sariling kakayahan. Dapat magtipid at mamuhay ng payak kung eto lang ang kaya ng ating kabuhayan.Huwag nating tularan ang pamumuhay ng mga mas nakiririwasa sa atin.

Pamantayan sa pamimiliLibo-libo man ang salawikain sa Pilipinas, maaari pa ring mahugot sa hanay nito ang mga hiyas na hindi maluluma magpahangga ngayon. Inuri ito ng mga tagasubaybay ngWikifilipinoat ginamit ang ilang pamantayan. Una, ang paggamit ng talinghaga. Ikalawa, ang paggamit ng imahen o hulagway. Ikatlo, ang masining na paggamit ng sukat at tugma sa ilang pagkakataon. Ikaapat, ang paggamit ng katutubong dalumat o konseptong mula sa isang bayan o lipi. At ikalima, ang himig at tinig ng tula. Ang kombinasyon ng katutubong kasiningan at bisa nito ang pinahalagahan sa pamimili.Nilimitahan ng pangkat ang pamimili hinggil sa konsepto ng kagandahan ng Filipino, bilang panimula. Hindi lamang Tagalog ang pinagbatayang salawikain, bagkus maging ang iba pang wikang lalawiganin sa Pilipinas. Ang sumusunodang sa aming palagayang pinakamakukulay na salawikaing Filipino hinggil sa kagandahan.1.Magandang pamintana,masamang pangkusina.Paliwanag: Sa modernong panahon, maaaring ipakahulugan ito na magandang idispley na siyota, pero tamad sa kitchen! O kaya'y walang alam na gawaing bahay ang kasintahan o asawa, ngunit seksi o makisig pumorma.2.Ang matuod nga katahom,makita sa tagiposuon.Paliwanag: Kawikaan ito ng Hiligaynon. Nakikita umano ng puso ang tunay na ganda o x-factor. Kaugnay nito ang loob na isa pang katutubong konsepto ng Filipino. Paano makikita ang tunay na ganda? Huwag magsalamin. Gamitin ang pag-ibig at pag-unawa.3.Kadalasan, ang karikta'yginagawang isang bitagupang siyang ipanghuliNoong ibig ipahamak.Paliwanag: Totoo hangga ngayon, at ginagamit pa ring padron kahit sa telenobela, gaya ngMarimar. Ang pisikal na ganda ay malimit umanong pang-akit upang ibulid sa masama ang isang tao.4.Ang puri at ang dangal,mahalaga kaysa buhay.Paliwanag: Ang dangal at puri ay halos magkasingkahulugan at tumutukoy sa honor sa Ingles. Kaugnay ng puri ang chastity, virginity, at respect ngunit hindi limitado rito ang pakahulugan. Muli, ang dalisay na loob ang isa pang katangian ng kagandahan, at gagamitin kahit ngKatipunan.5.Maong ni makapoy a lupaNen say makapoy a kanunutan.Paliwanag: Pangasinense ito, na ang ibig sabihin ay Mabuti na ang pangit na mukha, huwag lang pangit na pag-iisip. Ano ang pangit na pag-iisip? Maaaring ito ay pagbabalak ng masama, pagkabagabag ng loob, mahalay na pagnanasa, at iba pa.6.Sa paggianan yo makas ta lapaorera,ay ana lamang yo ulag.Paliwanag: Mula ito sa Gaddang, na ang literal na salin ay Kung saan naroroon ang magagandang bulaklak, naroroon lagi ang uod. Bulaklak karaniwan ang talinghaga sa babae, at ang uod na nagiging paruparo ay panumbas naman sa lalaki. Hindi lahat ng paruparo ay lalaki; ang paruparong bukid mula sa awiting-bayan ay pasaring sa baklang transvestite.7.Mabuti't masamang gintoSa urian natatanto.Paliwanag: Makikilatis ang ganda ng isang tao o bagay kung iyong susubukin. Ito ang paalaala ng kawikaan. Kaya hindi dapat masilaw agad sa panlabas na anyo. Magpigil. Bago maloko ng peke.8.Sa maliliit na dampnagmumula ang dakila.Paliwanag: Isang aspekto ng kagandahan ang kadakilaan. At gaya ng ipinapahiwatig ng salawikain, ang mga dakilang tao ay isinisilang na dukha. Gayunman, ang nasabing kahirapan ay hindi sagka upang makamit niya ang tagumpay.9.Ang bayaning masugatannag-iibayo ang tapang.Paliwanag: Ang bayani na tinutukoy dito ay malayo sa konseptong hero ng Estados Unidos o Europa, kung gagamitin ang pagdalumat ni Zeus Salazar. Hindi iisa ang bayani bagkus maramiang buong bayan. Kaya ang kawikaan ay magsisilbing inspirasyon sa lahat na magpatuloy sa pakikibaka kahit may digmaan o kahirapan. Ito ang tunay na kagandahan.10.Minsan orai bolawan i oranSa di ta inged na tomo denSo tarintik sa tambira inged ami.Paliwanag: Umulan man daw ng ginto sa ibang bansa, walang makahihigit sa ambon sa sariling bayan. Sa salawikaing ito ng Maranaw, ang konsepto ng ganda ay hindi na lamang sa tao, bagkus naisalin sa bansa. Hindi umano maipagpapalit ang materyal na kaginhawahan sa ginhawang matatamo sa bayang sinilangan.Sampu lamang itong salawikain. At maaari ninyong dagdagan, bawasan, o susugan upang mabatid ng lahat kung ano nga ba talaga ang ganda sa ating mga Filipino.Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila.Literal Translation:A true invitation is coupled by a reassuring pull.Meaning:If you are being invited to a party or other things, you would always know that it is more than lip service when the would be host/hostess would give you a reassuring hug or pull you by the hand. Or even tell you that you are most welcome and you would enjoy the shindig. If you saw a friend who was on a date with boyfriend/girlfriend and they asked you to join them, refuse at once. They are just being polite, dont be a third wheel in a bicycle (otherwise if would be a tricycle, lol)

Ang taong walang pilak ay parang ibong walang pakpak.Literal translation: A person with no silver is like a bird without wings.Meaning:This is the ugly truth of capitalism and commercialism, it rules lives. We have to accept, Iamafraid, thatmoney makes theworldgo round. We live in a material world and most things cost money. Without money, we are like birds that cannot soar into the blue yonder. Everywhere you turn would cost money. We all want to makeour familyhappy and in so doing would usually cost money. We are, therefore, constraint in our ability to do what we wish to do by lack of money. My Motherused to say to choose someone to marry who has a good job because no money, no honey. Withoutfood, love flies out of the window! I think that was a sagely advice.

Sa taong walang takot, walang mataas na bakod.Literal translation:To a fearless person no fence is too high.Meaning: An overly confident person doesnt take no for an answer. Nothing cant be overcome! There is nothing to fear than fear itself. Fear is just a word. He has a tunnel vision in getting what he wants. Nothing can stop him to get to where he wants to be.

Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula.Literal Translation:The goodness of a child, starts from adults.Meaning:If you want your child to be respectful, loving and tender, then as an adult you should show the child respect, love and tenderness. A child is like a sponge, he soaks up everything he sees, hears and feels from adults around him. Inspire the children to do go and live well.

-Salawikain: Pag makitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot.-Kahulugan: Kung nakakaranas ng kakulangan sa buhay ang isang tao ay dapat siyang mamuhay ng naaayon sa kanyang kakayahan. Matutong magtipid at maging payak sa pamumuhay.-Salawikain: Kung hindi ukol, hindi bubukol.-Kahulugan: Ang swerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi nakalaan para sa iyo.

-Salawikain: Nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa.-Kahulugan: Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin na pag-ukulan ng sikap at gawa upang matamo ang mimithing biyaya.

-Salawikain: Lahat ng gubat ay may ahas.-Kahulugan: Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa.

-Salawikain: Magkulang ka na sa magulang huwang lamang sa iyong biyenan.-Kahulugan: Kadalasang ipinapayo eto sa mga nagbabalak magpakasal o sa mga bagong mag-asawa upang mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mga magulang kase ay higit na mapagtatakpan o mapapatawag ang pagkukulang ng sariling anak keysa sa pagkukulang ng ibang tao.

-Salawikain: Kung ano ang puno, siya ang bunga.-Kahulugan: Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang. Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag-uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, ay karaniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga magulang.

-Salawikain: Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin.-Kahulugan: Kung ano ang ginawa mo sa kapwa ay kadalasang ganun din ang gagawin sa iyo. Halimbawa kung naging matulungin ka sa kapwa ay tutulungan ka rin.

Wala nang hihigit pang kadakilaan sa pag-alay ng buhay sa bayan.There is no greater nobility than offering one's life to the nation.

EXAMPLES OF FILIPINO SAYINGS

Huwag kang magtiwala sa 'di mo kakilala.Never trust someone you don't know. / Never trust a stranger.

Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.If you don't know how to look back to where you came from, you will not reach your destination.

Walang mahirap na gawa 'pag dinaan sa tiyaga.Nothing's hard to do if you pursue it through perseverance.

Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan, at wala sa kasaganaan.Well-being is in happiness and not in prosperity.

Ang hindi magmahal sa kanyang wika ay mahigit pa sa hayop at malansang isda.A person who does not love his own language is worse than beast and foul-smelling fish. (This is a quote attributed to Jos Rizal.)

Ang tunay na pag-ibig sa bayan ay nasa pawis ng gawa.Genuine patriotism is in the sweat of action.(This quote is attributed to Filipino educator Onofre Pagsanghan.)

Salawikain (Tagalog Proverbs)Ang salawikain ay mga kasabihan na nagmula sa mga pahayag at payo ng mga matatanda ayon sa kanilang mga karanasan sa buhay o sa isinalin sa kanila ng kanilang mga ninuno.Ang ibang salawikain ay napapalooban ng mga pahayag sa kagandahang asal kaya ang mga ito ay nagsisilbing parang code of conduct.May mga katumbas ang ibang salawikain sa Ingles katulad halimbawa ng:Turan mo ang iyong kaibigan, sasabihin ko kung sino ikaw. (Tell me who your friends are, and Ill you who you are.)Ang tunay na kaibigan, nakikilala sa kagipitan (A friend indeed is a friend in need.)Gawin mo sa kapuwa mo. Ang nais mong gawin niya sa iyo. (Do unto others what you want others do unto you.)Malaki ang impluwensya ng salawikain sa kultura ng mga Filipino dahil sa bisa nito sa pagpapahiwatig ng pakikipagkapwa-tao, sa ugnayan ng tao sa Diyos, sa pagbibigay galang at puri sa mga magulang at sa pamumuhay.Nandito ang ilang salawikain na hinango namin mula sa ibat ibang lathalain:SALAWIKAINAng paala-ala ay mabisang gamot sa taong nakakalimot.Ang taong nagigipit, kahit sa patalim ay kumakapit.Hanggat makitid ang kumot, magtiis mamaluktot.Magsisi ka man at huli wala nang mangyayari.Huli man daw at magaling, naihahabol din.Kung hindi ukol, hindi bubukol.Matalino man ang matsing, napaglalalangan din.Bawat palayok ay may kasukat na suklob.Batang puso madaling marahuyo.Tikatik man kung panay ang ulan,malalim mang ilog ay mapapaapaw.Naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala.Ubus-ubos biyaya, maya-maya ay nakatunganga.Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.Kung binigyan ng buhay, bibigyan din ng ikabubuhay.Ang iyong kakainin, sa iyong pawis manggagaling.Buhay alamang, paglukso ay patay.Buntot mo, hila mo.Kung nasaan ang asukal, naruon ang langgam.Walang mapait na tutong sa taong nagugutom.Lahat ng gubat ay may ahas.Ang anumang kasulatan dapat ay lalagdaan.Nasa taong matapat ang huling halakhak.Ang tunay na kaibigan karamay kailan man.Ang tunay na kaibigan, nakikilala sa kagipitan.Ang matapat na kaibigan, tunay na maaasahan.Turan mo ang iyong kaibigan, sasabihin ko kung sino ikaw.Ang tunay mong pagkatao, nakikilala sa gawa mo.Ang tao kapag mayaman marami ang kaibigan.Magkulang ka na sa magulang huwag lamang sa biyenan.Ang pag-aasawa ay hindi biro, di tulad ng kaninIluluwa kung mapaso.Nakikita ang butas ng karayon, hindi makita ang butas ng palakol.Kung gaano kataas ang lipad gayon din ang lagapak pag bagsak.Hampas sa kalabaw, sa kabayo ang latay.Kapag ang ilog ay matahimik, asahan mo at malalim.Kapag ang ilog ay maingay, asahan mo at mababaw.Ang lumalakad nang mabagal, kung matinik ay mababaw.Ang lumalakad nang matulin, kung matinik ay malalim.Ang hindi lumingon sa pinanggalingan,hindi makakarating sa paruruonan.Ang langaw na dumapo sa kalabaw,mataas pa sa kalabaw ang pakiramdam.May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.Kung ano ang itinanim, iyon din ang aanihin.Ako ang nagtanim, ang nagbayo at nagsaing,saka nang malutoy iba ang kumain.Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.Huwag magbilang ng manok hanggat hindi napipisa ang itlog.Kung sino ang unang pumutak, siya ang nanganak.Magkupkop ka ng kaawa-awa, langit ang iyong gantimpala.Ang mabuting gawa kinalulugdan ng madla.Kapag bukas ang kaban, nagkakasala sinuman.Ang butong tinangay na aso, walang salang nalawayan ito.Ang utang ay utang, hindi dapat kalimutan.Ang iyong hiniram, isauli o palitan.Upang sa susunod, hindi ka makadalaan.Ang bungang hinog sa sanga matamis ang lasa.Ang bungang hinog sa pilit kung kainin ay mapait.Walang humawak ng lutuan na hindi naulingan.Gawin mo sa kapuwa mo. Ang nais mong gawin niya sa iyo.Ang sakit ng kalingkingan damdamin ng buong katawan.Ang mabigat ay gumagaan kapag pinagtulung-tulungan.Madaling pumitas ng bunga,kung dadaan ka sa sanga.Ibong sa awlay ikinulong nang mahigpit,kapag nakawalay hindi na babalik.Kahoy mang babad sa tubig sa apoy huwag ilapitpag itoy nadarang sa init, sapilitang magdirikit.Nawawala ang ari, ngunit ang uri ay hindi.Sa larangan ng digmaan, nakikilala ang matapang.Kung may hirap ay may ginhawa.Kung ano ang taas ng pagkadakilasiya ring lagapak kapag nadapa.Ang pag-ilag sa kaaway ang tunay na katapangan.Bago mo batiin ang dungis ng ibang tao,ang dungis mo muna ang tingnan mo.Walang pagod magtipon, walang hinayang magtapon.Ano man ang tibay ng piling abakaay wala ring silbi kapag nag-iisa.Ang gawa sa pagkabata, dala hanggang sa pagkamatanda.Ang taong mainggitin, lumigaya man ay sawi rin.Walang matiyagang lalake sa pihikang babae.Ang bayaning nasugatan, nag-iibayo ang tapang.Kung takot sa ahas, iwasan mo ang gubat.Kapag may isinuksok, may madudukot.Matutuyo na ang sapa ngunit hindi ang balita.Ang tunay na anyaya, may kasamang hila.