mga hamong pangkapaligiran
TRANSCRIPT
Noong Hunyo 2014, idineklara nglokal na pamahalaan ng Albay ang zerocasualty sa kanilang lalawigan na isa sasinalanta ng malakas na bagyongGlenda (Andrade, 2014).
Ibig sabihin, sa kabila ng pagtama ngmalakas na bagyo, walang namatay sanasabing probinsiya.
Marami ang pumuri sa tagumpay naito ng mga taga-Albay dahil kadalasan,nagdudulot ng malawakang pinsala sabuhay at ari-arian ang malalakas nabagyong nararanasan sa ating bansa.
Paano kaya nila ito nagawa?Nagkataon lang ba o ito ay dulot ngmasusi at maayos na paghahanda?
Paano kaya nila ito nagawa?Nagkataon lang ba o ito ay
dulot ng masusi at maayos napaghahanda?
Ang pagiging handa sa pagharap sa mgahamong pangkapaligiran ay mahalaga dahilsa kasalukuyan itinuturing ang Pilipinasbilang isa sa mga bansang may mataas naposibilidad na makaranas ng iba’t ibangkalamidad at suliraning pangkapaligiran.
Sa modyul na ito, pagtutunan mo ngpansin ang mga suliranin at hamongpangkapaligiran na nararanasan sakasalukuyan. Inaasahan na masagot mo angtanong na:
Paano mabisang matutugunanang mga suliranin at hamongpangkapaligiran?
Kontekstong Suliraning
Pangkapaligiran
Ang pagkilos para sa pangangalaga ngkapaligiran ay nagsisimula sa pag - unawa samga sanhi at bunga ng suliranin at hamongnararanasan natin sa kasalukuyan.Tatalakayin sa araling ito ang kalagayangpangkapaligiran ng Pilipinas at ang pagtugonna ginagawa upang ito ay mabigyan ngsolusyon.
“Sa Gitna ngKalamidad”
Makibahagi sa gawain na ito sapamamagitan ng pagsunod sa alituntunin nailalahad ng iyong guro. Isabuhay ang mgatauhan na maitatalaga sa iyo.
Ang Barangay Sanipilip ay isang isla nakadalasang nakararaanas ng malakas nabagyo. Isipin ang hakbang na dapat gawin ngtauhan na naitalaga sa iyo sa sumusunod napagkakataon:
a. bago ang bagyob. pagtama ng bagyoc. pagkatapos ng bagyo
Unang Pangkat:Government official
Ikalawang Pangkat:miyembro ng isang Non-GovernmentalOrganization
Ikatlong Pangkat:Media personnel
Ika – apat na Pangkat:pangkaraniwang mamamayan
Pamprosesong mga Tanong:1. Sa iyong palagay, tama ba ang iyongginawang aksiyon sa naganap na kalamidad?Bakit?2. Bakit may mga pagkakataon na malakiang pinasalang dulot ng mga kalamidad sabuhay at ari-arian?3. Paano magiging handa ang isang lugar sapagharap sa mga kalamidad?
Inner / Outer Circle
Sagutin ang tanong na: “Paano mabisangmatutugunan ang mga suliranin at hamongpangkapaligiran?” Isulat ang sagot sa innercircle.
Gaano nga ba kahalaga ang likas na yaman?Natutuhan mo sa pag-aaral ng Ekonomiks na isaang likas na yaman sa tinatawag na salik ngproduksiyon. Mahalaga ito dahil dito kumukuhang mga hilaw na materyales upang gawingprodukto at pinagmumulan din ito ng iba’t ibanghanapbuhay. Sa katunayan, humigit kumulang sa65 milyong Pilipino ang umaasa sa likas nayaman para mabuhay.
Ilan sa mga pangunahing hanapbuhay nila ay angpagsasaka at pangingisda na bumubuo sa halos 20% ngGross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas noong 2014.Kasama din dito ang 1.4% mula sa yamang-gubat, at2.1% mula sa pagmimina. Ang likas na kagandahan ngPilipinas ay isa sa mga dahilan kung bakit ang turismo aynagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino. Makikita sa mganabanggit na situwasiyon ang kahalagahan ng likas nayaman at kalikasan sa ating pamumuhay. Ngunit, sakabila nito ay tila hindi nabibigyang-halaga angpangangalaga sa ating kalikasan.
Sa kasalukuyan ay malaki ang suliranin athamong kinahaharap ng ating bansa dahil sa pang-aabuso at pagpapabaya ng tao sa kalikasan. Angkapabayaang ito ay nagpapalala sa mga natural nakaganapan tulad ng pagkakaroon ng malalaakas nabagyo, pagguho ng lupa, at malawakang pagbaha. Sahuli, ang mga mamamayang umaasa sa kalikasanpara mabuhay ang siya ring nakararanas ng hindimabuting epekto sa iba’t ibang aspekto ngpamumuhay. Ilan sa mga suliranin at hamongpangkapaligiran sa Pilipinas ay ang sumusunod:
Tumutukoy ang solid waste sa mga basurangnagmula sa mga tahanan at komersyal naestablisimyento, mga basura na nakikita sapaligid, mga basura na nagmumula sa sektor ngagrikultura at iba pang basurang hindinakakalason (Official Gazette, 2000). Ayon sapag-aaral ni Oliveira at mga kasama (2013), angPilipinas ay nakalikha ng 39,422 tonelada ngbasura kada araw noong taong 2015.
Halos 25% ng mga basura ng Pilipinas aynanggagaling sa Metro Manila kung saan ang isangtao ay nakalilikha ng 0.7 kilong basura araw-araw.Mas mataas ito ng 130% kaysa sa world average(National Solid Waste Management,2016). Angmalaking bahagdan ng itinatapong basura ng mgaPilipino ay mula sa mga tahanan na mayroong 56.7%.Samantalang pinakamalaki naman sa uri ngtinatapong basura ay iyong tinatawag na bio-degradable na may 52.31% (National Solid WasteManagement Status Report,2015).
Mayroong iba’t ibang dahilan kung bakit mayproblema ang Pilipinas sa solid waste. Isa na rito angkawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura.Tinatayang 1500 tonelada ng basura ang itinataponsa mga ilog, estero, kalsada, bakanteng lote, at saManila Bay na lalong nagpapalala sa pagbaha atpaglaganap ng mga insekto na nagdudulot naman ngiba’t ibang sakit. Bagama’t ipinagbabawal, madamipa rin ang nagsusunog ng basura na nakadaragdag sapolusyon sa hangin.
Nadaragdagan din ang trabaho ng mgawaste collector dahil kailangan nilangmagsagawa ng waste segregation bagodalhin ang mga nakolektang basura sadumpsite, problemang maaari sanangmaiwasan kung mahigpit na ipinatutupad samga kabahayan at mga pampublikong lugarang waste segregation.
Samantala, ang mga dumpsite sa Pilipinas, partikularsa Metro Manila, ay nagdudulot din ng panganib sa mgananinirahan dito. Sa ulat na pinamagatang The GarbageBook (Asian Development Bank, 2004) ang leachate o katasng basura mula sa Rodriguez at Payatas dumpsite nadumadaloy patungo sa ilog ng Marikina at Ilog Pasighanggang sa Manila Bay ay nagtataglay ng lead at arsenicna mapanganib sa kalusugan ng tao. Panganib din ang dulotng pamumulot ng basura sa kalusugan at buhay ng halos4,300 na waste pickers sa mga dumpsite sa Metro Manila atsa maraming iba pa na pakalat-kalat at nagkakalkal sa mgatambak ng basura.
Apektado din ang pag-aaral ng mga kabataangwaste pickers bukod pa sa posibilidad na sila aymagkasakit, maimpluwensiyahan na gumawa ngilegal na gawain, o kaya ay mamatay. Matatandaan naipinasara ang Payatas dumpsite matapos angtrahedya na naganap noong Hulyo 2000 kung saanmaraming bahay ang natabunan nang gumuho angbundok ng basura dahil sa walang tigil na ulan.Nasundan pa ito ng sunog na ikinamatay ng 205katao.
Isa pang lumalaking suliranin ng Pilipinas ay ang tamangpagtatapon ng electronic waste o e-waste tulad ngcomputer,cellphone, at tv. Lumabas sa pagsusuri na ginawa ng GlobalInformation Society (2010), na humigit kumulang sa anim natoneladang e-waste ang tinatapon sa landfill na siyangkinukuha ng mga waste pickers upang ipagbili ang anomangbahagi nito na mapapakinabangan. Subalit ang mgaginagawang pamamaraan tulad ng pagsunog upang makuhaang tanso, at pagbabaklas ng e-waste ay nagdudulot ngpanganib dahil pinagmumulan ito ng mga delikadong kemikaltulad ng lead, cadmium, barium, mercury, at polyvinyl chloridena nakalalason ng lupa at maging ng tubig(Mooney, Knox, &Schacht, 2011).
Ang mga nabanggit na suliranin sa solidwaste ay pinagtutulungang solusyunan ng iba’tibang sektor. Ipinatupad ng pamahalaan angRepublic Act 9003 o kilala bilang Ecological SolidWaste Management Act of 2000 upangmagkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibangdesisyon at proseso ng pamamahala ng solidwaste sa bansa (Official Gazette, 2000).
Isa sa mga naging resulta ng batas ay ang pagtatayo ngmga Materials Recovery Facility (MRF) kung saan isasagawaang waste segregation bago dalhin ang nakolektang basurasa mga dumpsite. Maraming barangay ang tumugon sakautusang ito, sa katanuyan mula sa 2,438 noong 2008 aytumaas ang bilang ng MRF sa 8,656 noong 2014 (NationalSolid Waste Management Status Report, 2015). Iniulat dinng National Solid Waste Management Commission ang ilansa best practices ng mga Local Government Units (LGUs) sapamamahala sa solid waste.
Mayroon ding suporta na nanggagaling sa mgaNGO upang mabawasan ang suliranin sa solid wastesa Pilipinas. Ilan sa mga ito ay sumusunod:
Mother Earth Foundation - tumutulong sapagtatayo ng MRF sa mga barangay.
Clean and Green Foundation- kabahagi ng mgaprograma tulad ng Orchidarium and ButterflyPavilion, Gift of Trees, Green Choice Philippines, PisoPara sa Pasig, at Trees for Life Philippines(Kimpo,2008).
Bantay Kalikasan – paggamit ng mediaupang mamulat ang mga mamamayan sasuliraning pangkapaligiran. Nanguna sareforestation ng La Mesa Watershed at saPasig River Rehabilitation Project.
Greenpeace – naglalayong baguhin angkaugalian at pananaw ng tao sa pagtrato atpangangalaga sa kalikasan at pagsusulong ngkapayapaan
Sa kabila ng mga nabanggit na batas at programaay nananatili pa rin ang mga suliranin sa solid wastesa Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang pinakamalakinghamon ay ang pagpapatupad ng batas at pagbabagong pag-uugali ng mga Pilipino sa pagtatapon ngbasura. Nangangailangan pa nang mas malawak nasuporta at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor upangtuluyang mabigyan ng solusyon ang suliraning itodahil ang patuloy na paglala nito ay lalongmagpapabigat sa iba pang suliraning pangkapaligiranna ating nararanasan.
Data RetrievalChart
Punan ng tamang sagot ang chartbatay sa iyong natutuhan sa suliranin sasolid waste sa Pilipinas.
Pamprosesong mga Tanong: 1. Ano ang pangunahing sanhi ng suliraninsa solid waste? 2. Paano ito nakaaapekto sa atingpamumuhay? 3. Paano ka makatutulong upang mabawasan ang suliranin sa solid waste?
Sa AkingKomunidad
Magsaliksik ng programa para sa solid wastemanagement na ipinatutupad sa inyongpaaralan o barangay. Gumawa ng presentationtungkol dito.
Pamprosesong mga Tanong:1. Ano-ano ang mga balakid na kinaharap okinahaharap ng programa na inyong inilahad?2. Bakit mahalaga ang partisipasyon ng iba’tibang sektor sa mga programa para sa solidwaste management?3. Bilang mag-aaral, paano ka makatutulongupang mabawasan ang suliranin sa solid waste?
Ang Pilipinas ay isa mga bansa na biniyayaan ngmaraming likas na yaman. Tinatayang 15% ng kabuuangkita ng Pilipinas noong 2010 ay kita mula sa direktangpaggamit ng mga likas na yaman, halimbawa nito ay angpagtatanim at pangingisda. Mahalaga din ang likas nayaman bilang sangkap sa paggawa ng produkto naginagamit sa iba’t ibang sektor tulad ng industriya atpaglilingkod, halimbawa, ang mga computer, sasakyan,makina, at pagkain ay naggawa mula sa mga likas nayaman. Tunay na napakahalaga ng likas na yaman saekonomiya ng isang bansa.
Sa kasalukuyan, patuloy na nasisira at nauubosang likas na yaman ng Pilipinas dahil sa mapang-abusong paggamit nito, tumataas na demand nglumalaking populasyon, hindi epektibongpagpapatupad ng mga programa at batas para sapangangalaga sa kalikasan, at mga natural nakalamidad. Matutunghayan sa susunod na bahagi ngaralin ang mga kalagayan ng ilan sa mga likas nayaman ng ating bansa.
Maraming benepisyo ang nakukuha natin mula sakagubatan. Ito ang tahanan ng iba’t ibang mga nilalang nanagpapanatili ng balanse ng kalikasan, mahalagang mapanatiliang balanseng ito dahil kung patuloy na masisira ito aymaapektuhan din ang pamumuhay ng tao. Nagmumula din sakagubatan ang iba’t ibang produkto tulad ng tubig, gamot,damit, at iba pang pangunahing pangangailangan ng tao.Mayroon ding mga industriya na nagbibigay ng trabaho sa mgamamamayan na nakasalalay sa yamang nakukuha mula sakagubatan (Philiipine Tropical Forest Conservation Foundation,2013). Sa kabila ng kahalagan, pinangangambahan na mauboso masira ang kagubatan ng Pilipinas kung magpapatuloy angdeforesataion.
Ayon sa Food and Agriculuture Organization ng UnitedNations, ang deforestation ay tumutukoy sa matagalan opermanenteng pagkasira ng kagubatan dulot ng iba’t ibang gawainng tao o ng mga natural kalamidad (FAO, 2010). Nagsimula angdeforestation sa Pilipinas noon pang 1500s kung saan ang noo’y 27milyong ektarya ng kagubatan ay naging 7.2 milyong ektarya nalamang ngayong 2013 (Philippine Climate Change Commission,2010). Sa katunayan sa ulat ni dating DENR officer-in-chargeDemetrio Ignacio, lumabas na ang 24% kagubatan ng Pilipinas aypangalawa sa pinakamaliit sa mga bansa sa Timog silangang Asya(Andrade, 2013). Higit na mababa ang ulat na inilabas ng EuropeanUnion Joint Research Centre kung saan gamit ang satellite-basedimage, nasabi nila na mayroon na lamang 19% ang kagubatan ngPilipinas (Country delegate to the European Commission, 2009).
Sa ulat na pinamagatang Status of Philippine Forests(2013) ay inisa-isa nito ang mga dahilan at epekto ngdeforestation sa Pilipinas. Ito ay ang sumusunod:
GAWAIN EPEKTOIllegal logging- Ilegal na pagputol sa mgapuno sa kagubatan. Angkawalan ng ngipin sapagpapatupad ng mga batas saillegal logging sa Pilipinas angnagpapalubha sa suliraning ito.
Ang walang habas na pagputol ng puno aynagdudulot ng iba’t ibang suliranin tulad ng pagbaha,soil erosion, at pagkasira ng tahanan ng mga ibon athayop. Sa katunayan noong 2008 ay mayroong221species ng fauna at 526 species ng flora angnaitala sa threatened list (National EconomicDevelopment Authority, 2011)
GAWAIN EPEKTOMigration – paglipat ng pookpanirahan
Nagsasagawa ng kaingin (slash-and-burn farming) ang mgalumilipat sa kagubatan at kabundukan na nagiging sanhi ngpagkakalbo ng kagubatan at pagkawala ng sustansya nglupain dito.
Mabilis na pagtaas ng populasyon Ang mabilis na pagtaas ng populasyon ng Pilipinas aynangangahulugan ng mataas na demand sa mgapangunahing produkto kung kaya’t ang mga datingkagubatan ay ginawang plantasyon, subdivision, paaralan,at iba pang imprastruktura.
Fuel wood harvesting-paggamit ng puno bilangpanggatong. Isang halimbawa ayang paggawa ng uling mula sapuno.
Ayon sa Department of Natural Resources na lumabas saulat ng National Economic Development Authority (2011),tinatayang mayroong 8.14 milyong kabahayan at industriyaang gumagamit ng uling at kahoy sa kanilang pagluluto atpaggawa ng produkto, ang mataas na demand sa uling atkahoy ay nagiging dahilan ng pagputol ng mga puno sakagubatan.
GAWAIN EPEKTO
Ilegal na Pagmimina Apektado ang kagubatan sa pagmimina dahilkadalasang dito natatagpuan ang deposito ng mgamineral tulad ng limestone, nickel, copper, at gold.Kinakailangang putulin ang mga puno upang magingmaayos ang operasyon ng pagmimina. Nagdudulotdin ng panganib sa kalusugan ng tao at ng iba pangnilalang sa kagubatan ang mga kemikal na ginagamitsa pagpoproseso ng mga nahukay na mineral. Ayonsa DENR, mayroong 23 proyekto ng pagmimina angmatatagpuan sa kabundukan ng Sierra Madre,Palawan, at Mindoro.
Ang pangkalahatang epekto ng deforestation aynararanasan ng mga mamamayan lalo na yaong mgamahihirap na umaasa lamang sa kagubatan. Angpatuloy na pagliit ng forest cover ay nagpapaliit din sapinagkukunan nila ng kabuhayan.
Sa mga nakalipas na taon ay mayroong iba’t ibang batas,kautusan, programa at proyekto na isinagawa sa Pilipinas mulasa pagtutuluungan ng pamahalaan at iba’t ibang sektor nglipunan upang mapangalagaan ang kagubatan. Makikita ito satimeline na nahahati sa tatlong bahagi: ang una ay noongpanahon ng pananakop mula (1910-1945); panahon mataposang digmaan (1946-mid 1970s), at 1970-hanggang sakasalukuyan. Ang mga impormasyon sa timeline na ito ayhango sa aklat na pinamagatang One century of forestrehabilitation in the Philippines (Chokkalingam et al., 2006), saulat na pinamagatang Philippine Forest and Wildlife LawEnforcement (Oliva, 2007) at sa opisyal na website ng ForestManagement Bureau.
Sa kasalukuyan, isa sa maituturing natagumpay ng pagtutulungan ng pamahalaan,pribadong sektor, NGO, at mga mamamayan ayang unti-unting pagbuti ng kalagayan ngkagubatan ng Pilipinas. Ayon sa ulat ng UnitedNations Food and Agriculture Organization(FAO), noong 2015 ay panlima ang Pilipinas sa234 na bansa na may malawak na lupaingnapapanumbalik sa kagubatan (Galvez, 2016).
Thesis Proof Worksheet
Punan ng sagot ang chart batay sa iyongnatutuhan sa mga suliraning nararanasan saating yamang gubat.
Tanong: Dapat bang ipagpatuloyang mga gawaingpangkabuhayan sa kabila ngpagkasira ng kagubatan?
Thesis: (dapat o hindi dapatipagpatuloy) dahil____________________________________________________
Proof o mga patunay upangsuportahan ang iyong thesis.1.
2.
3.
Kongklusyon:
Pamprosesong mga Tanong:1. Paano natin dapat ginagamit ang atingkagubatan?2. Makatutulong ba kung ititigil na angpaggamit sa yamang-gubat? Bakit?3. Paano kaya makakamit ang pag-unladnang hindi nalalagay sa panganib ang atingkalikasan?
Status Report
Makibahagi sa iyong pangkat upanggumawa ng status report tungkol sasuliraning nararanasan sa iba pang likas nayaman ng ating bansa. Gamiting gabay angformat sa ibaba. Maging malikhain sapaglalahad ng status report.
Suliranin sa _______________________
Panimula: (Magbanggit ng mga datos tungkol salikas na yaman na napili ng inyong pangkat)
Kahalagahan: (Ipaliwanag ang kahalagahan ngnapiling likas na yaman. Suportahan ito ng mgadatos.
Suliranin:(Suriin ang mga suliraning nararanasan sakasalukuyan at epekto nito)
Mga Pagkilos: (Magsaliksik tungkol sa mgaprograma ng pamahalaan at iba’t ibang sektortungkol sa likas na yamang napili)
Konklusyon:(Magbigay ng konklusyon kung bakit patuloy nanararanasan ang mga suliranin sa likas na yaman)
Pamprosesong mga Tanong:1. Ano ang pangunahing sanhi ng suliranin salikas na yaman na sinuri ng inyong pangkat?2. Paano ito nakaapekto sa ating pamumuhay?3. Kung magpapatuloy ang mga nabanggit nasuliranin, ano ang maaaring mangyari sa atingpamumuhay?4. Paano masosolusyunan ang mga nabanggit nasuliranin sa ating mga likas na yaman?
Sa 2016 edisyon ng Global Climate RiskIndex (Sönke, Eckstein, Dorsch, & Fischer, 2015),naitala ang Pilipinas bilang pang-apat sasampung bansa na pinakanaapektuhan ngClimate Change. Ito ay dahil mas lumalakas,dumadalas, at nagiging unpredictable angpagkakaroon ng mga natural na kalamidad tuladng bagyo, pagbaha, at malalakas na ulan nanararanasan sa Pilipinas dahil sa climate change.
Ano nga ba ang Climate Change? Ayon sa IntergovernmentalPanel on Climate Change (2001), “Climate change is a statisticallysignificant variation in either the mean state of the climate or inits, variability, persisting for an extended period (typically decadesor longer). It may be due to natural internal processes or externalforcing, or to persistent anthropogenic changes in the compositionof atmosphere or in land use.” Sinasabi na kahulugan na angclimate change ay maaaring isang natural na pangyayari o kaya aymaaari ding napabibilis o napapalala dulot ng gawin ng tao. Isa sasinasabing dahilan nito ay ang patuloy na pag-init ng daigdig oglobal warming dahil sa mataas na antas ng konsentrasyon ngcarbon dioxide na naiipon sa atmosphere. Nanggagaling ito mulasa usok ng pabrika, mga iba’t ibang industriya, at pagsusunog ngmga kagubatan.
Lumabas sa pag-aaral nina Domingo at mgakasama (2008), na nararanasan na sa Pilipinasang epekto ng climate change. Patunay nito angmadalas at matagalang kaso ng El Niño at LaNiña, pagkakaroon ng malalakas na bagyo,malawakang pagbaha, pagguho ng lupa,tagtuyot, at forest fires.
Nagkakaroon din ng suliranin sa karagatan dahilsa tinatawag na coral bleaching na pumapatay sa mgacoral reef na siyang tahanan ng mga isda at iba panglamang dagat, nagdudulot din ito ng pagbaba sabilang ng nahuhuling mga isda at pagkawala(extinction) ng ilang mga species. Pinangangambahandin na malubog sa tubig ang ilang mabababang lugarsa Pilipinas dahil sa patuloy na pagtaas ng sea levelbunga ng pagkatunaw ng mga iceberg sa Antartic.
Ilan sa epekto ng climate change sa Pilipinas ay ang panganibsa food security dahil pangunahing napipinsala ng malalakas nabagyo ang sektor ng agrikultura. Lumiliit ang produksiyon ng sektorng agrikultura dahil sa pagkasira ng mga kalsda, bodega, mgakagamitan sa pagtatanim at pag-aani, irigasyon, pagkawasak ngmga palaisdaan, at pagkamatay ng mga magsasaka atmangingisda. Nagiging mataas din ang bilang ng mga nagigingbiktima ng sakit tulad ng dengue, malaria, cholera dahil sa pabago-bagong panahon at matinding init. Mayroon ring ilang mgamamamayan ang napipilitang lumikas sinira ng malakas na bagyoang kanilang mga tahanan o kaya ay natabunan ng lupa dahil salandslide, samantalang ang iba naman ay kinain ng dagat angdating lupa na kinatatayuan ng kanilang mga tahanan.
Sa mga nabanggit na situwasiyon, isa lamang angmalinaw, mayroong ginagawa ang tao na lalongnagpapabilis at nagpapasidhi sa climate change. Ang mgasuliraning pangkapaligiran tulad ng suliranin sa solid waste,deforestation, water pollution at air pollution aymaituturing na mga sanhi ng climate change. Kung hindi itomahihinto, patuloy na daranas ang ating bansa ng masmatitinding kalamidad sa hinaharap. Hindi na natinmapipigilan pa ang climate change, kung kaya’t angmahalagang dapat gawin ay maging handa tayo sapagharap sa mga kalamidad na dulot nito.
Climate Change Forum
Magsaliksik ng batas, programa, mga bestpractices ng pamahalaan, NGO, at mga pamayananbilang tugon sa hamon ng climate change sa Pilipinas.Gumawa ng presentasyon tungkol dito at ilahad saClimate Change Forum ng inyong klase. Sa hulingbahagi ng forum, gumawa ng repleksiyon kung paanonauugnay ang mga suliranin tulad ng suliranin sa solidwaste management at pagkaubos ng likas na yamansa Climate change.
Repleksiyon:
Environmental Issue Map
Pumili ng isang suliraning pangkapaligiran. Gumawang environmental issue map sa pamamagitan ng paggawasa sumusunod:
a. sanhi – suriin kung ito ba ay gawa ng tao o naturalna pangyayari
b. epekto – suriin ang epekto sa iba’t ibang aspekto ngpamumuhay
c. kaugnayan – suriin ang kaugnayan nito sa mgasuliraning nararanasan sa iba pang likas na yaman
d. tunguhin – suriin ang maaaring maging epekto kungmagpapatuloy ang nararanasang suliraning pangkapaligiran
Pamprosesong mga Tanong:1. Ano ang kongklusyon na iyong mabubuo tungkol saepekto ng mga suliraning pangkapaligiran?2. Ang suliraning pangkapaligiran ba na atingnararanasan ay may kaugnayan sa isa’t isa? Patunayan.3. Kung magpapatuloy ang mga suliranin at hamongpangkapaligiran na ito, sino ang pangunahingmaapektuhan? Bakit?4. Paano mabisang masosolusyunan ang mga nabanggitna suliranin at hamong pangkapaligiran?
Generalization Chart
Basahin ang tatlong sanggunian tungkol saepekto suliranin at hamong pangkapaligiran at punanng sagot ang generalization chart.
REFERENCESAP 10 LM, pp. 51 - 81
DOWNLOAD LINKhttp://www.slideshare.net/jaredram55
E-mail:
PREPARED:
JARED RAM A. JUEZANTeacher, AP 10
July 9, 2017
THANK YOU VERY MUCH!