mga anyong lupa at kahulugan

9
Ang talampas, na kung minsang tinatawag ding mesa ay ang kapatagan sa tuktok ng isang bundok o anumang lokasyong lupa na mataas kaysa anumang katawan ng karagatan o katubigan. Ito ang lupang dalata o patag na itaas ng bundok, na kilala rin bilangpantayanin, bakood, at bakoor

Upload: asa-net

Post on 05-Jul-2015

769 views

Category:

Education


23 download

DESCRIPTION

Filipino http://www.slideshare.net/nicogranada31/k-to-12-filipino-learners-module English http://www.slideshare.net/marcomed/deped-grade-9-english-learners-material Mathematics http://www.slideshare.net/marcomed/grade-9-mathematics-learners-module Science http://www.slideshare.net/marcomed/deped-grade-9-learners-module-science Araling Panlipunan http://www.slideshare.net/jhingsworld/kasaysayan-ng-daigdig-ap-9-module-first-quarter Edukasyon sa Pagpapakatao http://www.slideshare.net/marcomed/grade-9-edukasyon-sa-pagpapakatao-learners-module

TRANSCRIPT

Page 1: Mga Anyong Lupa at Kahulugan

Ang talampas, na kung minsang tinatawag ding mesa ay ang kapatagan sa tuktok ng

isang bundok o anumang lokasyong lupa na mataas kaysa anumang katawan ng karagatan o

katubigan. Ito ang lupang dalata o patag na itaas ng bundok, na kilala rin

bilangpantayanin, bakood, at bakoor

Page 2: Mga Anyong Lupa at Kahulugan

Ang kapatagan sa heograpiya ay mahaba, patag at malawak na anyong lupa. Madaling

linangin at paunlarin ang mga pook na kapatagan. Mainam ito sa pagsasaka, Pagtatayo ng mga

kabahayan at paaralan at sa pangangalakal kaysa sa mga talampas at mga bundok.

Page 3: Mga Anyong Lupa at Kahulugan

Ang bulkan ay isang uri ng anyong lupa na naglalabas ng mainit na "lava" tuwing pagputok.

Ang isang bulkan ay maaring maging di-aktibo o dormant (di nagkakaroon ng pagputok) o aktibo

(may panahon ng pagputok).

Page 4: Mga Anyong Lupa at Kahulugan

And dalisdis ay mataas at mabatong pader

Page 5: Mga Anyong Lupa at Kahulugan

Ang pulo o isla ay isang bahagi ng lupa na higit na maliit sa kontinente at higit na malaki sa bato na

napaliligiran ng tubig

Page 6: Mga Anyong Lupa at Kahulugan

Ang burol ay isang anyong lupa na lumalagpas sa taas ng pumapalibot na kalupaan, sa isang

limitadong sukat. Kadalasang may natatanging tuktok, bagaman sa ibang lugar na may ungos,

maaaring tumukoy ang isang partikular na seksiyon ng dalusdos ng ungos na walang malinaw na

tuktok. Maliit na burol ang isang punso.

Page 7: Mga Anyong Lupa at Kahulugan

Ang yungib o kuweba ay mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring pasukin

ng tao at hayop. Lungib o alkoa ang tawag sa mga yungib na nasa ilalim ng mga anyo ng tubig.

Kabilang dito ang mga groto. Isang halimbawa nito ang Kuwebang Tabonsa Palawan, Pilipinas.

Tinatawag namang kaberna ang isang malaking kuweba.

Page 8: Mga Anyong Lupa at Kahulugan

Ang lambak ay patag na lupa na pinapaligiran ng dalawang bundok. Ang lambak ay isang uri ng

lupa kung saan may mga parte na hindi pantay pantay ang lupa.

Page 9: Mga Anyong Lupa at Kahulugan

Ang bundok (Ingles: mountain[1], mont [katawagang pang-heograpiya][1], at mount[1] [isa pang

katawagang pang-heograpiya] ay anyong lupa na lumalagpas sa taas ng paligid ng mababang

bahagi ng lupa sa isang limitadong lawak. Sa pangkalahatan, mas matarik ang bundok kaysa

isang burol, ngunit walang mga pangkalahatan pamantayan tinatanggap para sa kahulugan ng taas

ng isang bundok o isang burol bagaman may kinikilalang tuktok ang isang bundok.