mga abala at aksidente sa kalsada [pananaliksik]
TRANSCRIPT
DAHON NG PAGPAPATIBAYDAHON NG PAGPAPATIBAYBilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino IV,
Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pananaliksik na ito ay
pinamagatang, “Mga Abala at Aksidente sa Kalsada”. Inihanda at
iniharap ang pananaliksik na ito sa aming guro sa asignaturang Filipino na si
Bb. Jessilyn Ranges ng mananaliksik na nagmula sa seksyon na IV - St. Titus
ng Flos Carmeli Institution of Quezon City, SY 2010-2011
Ang mga datos na nakapaloob sa pananaliksik na ito ay sinaliksik, inayos, at
inihanda ng mananaliksik na nasa ika-apat na antas sa mataas na paaralan.
Tinanggap bilang proyekto sa Filipino IV bilang isa sa mga pangangailangan
sa nabanggit na asignatura ni Bb. Jessilyn B. Ranges:
_____________________Gng. Brenilda Medina
(Punong-Guro)
_____________________________Bb. Jessilyn Ranges
(Guro sa Filipino)
PASASALAMATPASASALAMAT
Sa aking pagsisikap na magampanan at matupad ang pagtapos ng
pananaliksik na ito bilang bahagi ng aking ika-apat na taon sa mataas na
antas, pinasasalamatan ko ang mga sumusunod na tumulong, gumabay,
sumuporta at walang alinlangang magbigay ng opinyon sa ikabubuo ng
proyektong ito:
Sa Diyos na aking pinanaligan sa aking mga gawain. Sa aking Ina at Kuya na
nagbigay ng mga materyal, ideya at inspirasyon para makapagsimula at
tumulong sa pagbuo. Sa kay Bb. Jessilyn D. Ranges na walang sawang
gumabay at sumuporta sa aking paksa; sa kamodernohang pamaraan ng
pananaliksik sa internet at sa medya; sa mga kaklase ko na nagbibigay ng
suhestiyon para sa kaayusan nito.
Maraming salamat.
TALAAN NG NILALAMANTALAAN NG NILALAMAN
PASASALAMAT
KABANATA 1 “ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO”
A. INTRODUKSYON
B. LAYUNIN NG PAG-AARAL
C. SAKLAW AT LIMITASYON
D. PAGLALAHAD NG SULIRANIN
KABANATA 2 “MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA”
KABANATA 3 “DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK”
A. DISENYO NG PANANALIKSIK
B. MGA RESPONDENT
C. INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK
D. TRITMENT NG DATOS
KABANATA 4 “PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS”
KABANATA 5 “LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON”
A. LAGOM
B. KONKLUSYON
C. REKOMENDASYON
BIBLIOGRAPIYA
KABANATA I
ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO
A. INTRODUKSYON
Karamihan sa nagaganap na mga abala sa kalsada sa Metro Manila ay
dahil sa kakulangan ng kaalaman ng mga tsuper ng pampublikong sasakyan.
Ang paksa ng pananaliksik na ito ay tungkol sa kakulangan ng kaalaman ng
mga tsuper sa pampublikong sasakyan tulad ng dyip, taxi, bus at FX sa
Metro Manila. Ito ay maaaring may kinalaman sa pagkakaroon ng aksidente,
kaligtasan sa kalsada at pag-iwas sa pagkakaroon ng aksidente. Sabay sa
paglaki ng populasyon at pagdami ng sasakyan ay ang pagtaas ng dami ng
trapiko at aksidente. Ang pagtaas ng antas ng mga abala sa kalsada ay
proporsyonal sa pagtaas ng antas ng aktibidad ng mga sasakyan at
pasahero lalong-lalo na sa Metro Manila. Ang pampublikong sasakyan ay
ang may pinakamaraming bilang ng mga sasakyan sa kalsada, at dahil dito,
masasabi na sila ang nagdudulot ng malaking porsyento ng mga abala sa
kalye bunga ng pagsuway sa batas trapiko. Ito ay nais patunayan sa
pananaliksik na ito.
B. LAYUNIN NG PAG-AARAL
Ang pananaliksik na ito ay may layuning matanto at mapatunayan na
malaking porsyento ng nagdudulot ng abala sa kalsada ay ang hindi sapat na
kaalaman ng mga drayber ng pampublikong sasakyan sa Metro Manila.
Layunin din nitong mailahad ang mga paglabag na kadalasang ginagawa ng
mga drayber ng pampublikong sasakyan upang mabigyan ito ng pansin at
makapagbigay ng karapatang solusyon upang maiwasan o mabawasan ang
mga pangyayayring ito.
Nais din nitong mabigyang kaalaman ang publiko ukol sa tamang
pagsunod ng mga alituntunin at batas trapiko. Kabilang din ang
makapagbigay ng kapaki-pakinabang na mungkahi upang mabawasan at
maiwasan ang mga nagaganap na mga abala sa kalsada.
Kung maisakatuparan ang mga layuning ito, ang mga kaalaman at
impormasyon sa pananaliksik na ito ay makatutulong sa solusyon o paraan
upang maiwasan at mabawasan ang abala sa kalye habang ipinatutupad
nang tama at patas ang mga batas trapiko. Ito rin ay makapagbibigay-
kaalaman sa publiko lalo na sa mga pasahero ng mga pampublikong
sasakyan gaya ng mga naghahanap-buhay at mga mag-aaral.
C. SAKLAW AT LIMITASYON
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagkilala, pagbibigay at
paggawa ng kabuohang sitwasyon at makabuluhang impormasyon at datos
sa kasalukuyang kaganapang aksidente sa kalsada lalo na sa Metro Manila.
Ang mga nakalap na impormasyon sa panananaliksik na ito ay galing sa
pansariling obserbasyon, opinyon at datos galing sa internet.
D. PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa pagtaas o pagdami ng kaganapang
aksidente sa kalsada sa Metro Manila, ang dulot ng mga aksidenteng ito, at
ang paghanap ng konkretong solusyon sa maaaring pag-iwas o mabawasan
man lang ang laganap na suliranin. Maraming batas at alituntuning
pangkalye ang naisasantabi o hindi alam ng mga drayber, mga ordinaryong
mamamayan, at maging ng mga kapulisang pangkalye.Ang mga nakalimbag
na batas at alituntunin ay upang mapanatiling maayos ang kalagayan ng
daloy ng trapiko sa Metro Manila, at upang maiwasan ang aksidente, trapiko,
at krimen sa kalye. Ngunit, ilan dito ay hindi na nasusunod dahil karamihan
sa mga mamamayan ay hindi ito alam.May karampatang parusa at multa sa
bawat pagsuway sa batas trapiko. May ahensyang, katulad ng Opisina ng
Kalupaang Transportasyon, naatasan upang maisakatuparan ang mga batas
at alituntuning ito at magbigay ng karapatang parusa sa pagsuway.
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA
Sa datos ng Metro Manila Accident Reporting and Analysis System,
bumaba umano ng 18% ang aksidente sa mga kalsada mula Enero hanggang
Mayo 2010. Mula sa 24,417 aksidente na naitala sa parehong buwan noong
2009, nakapagtala ang ahensya ng 20,151 aksidente kung saan nangunguna
ang sangkot ang mga motorsiklo.
Nangunguna pa rin sa bilang ng mga aksidenteg naganap ang Quezon
City kasunod ang Maynila, habang ang bayan ng Pateros ang pinakamaliit
kasunod ang Navotas City. Ikinatwiran naman ng MMDA na ang Quezon City
ang may pinakamalawak na lupain at sakop ang pinakamalaking kalsada
tulad ng EDSA, Commonwealth Avenue at Quezon Avenue na nangngunang
mga kalsada sa aksidente. Pinakamaliit na "land area" naman ang sakop ng
Pateros at walang malalaking kalsada.
Nangunguna sa mga dahilan ng aksidente ang "human error" kabilang
ang "over speeding", kawalang atensyon, "overtaking" at hindi pagsunod sa
mga "traffic signs". Sa kabila nito, patuloy pa ring nananawagan ang MMDA
sa mga motorista na sumunod sa batas trapiko at maging alerto sa kalsada
upang mapababa pang lalo ang istatistika sa aksidente. Pinaalala ng MMDA
lalo na sa mga motorsiklo na huwag magmameho kapag nakainom ng alak
at palagiang magsuot ng helmet na kung minsan ay binibitbit lamang
(Danilo Garcia, June 2010).
Mga leksyon na dapat nating matutunan sa kahit anong aksidente.
Una, lahat ay pwedeng maaksidente. Mag-ingat palagi sa pagmamaneho,
pagsakay ng mga pampasaherong sasakyan o paglalakad sa kalsada.
Ikalawa, walang ibinubungang mabuti ang matulin na pagmamaneho. Sa
matulin na pagmamaneho, inilalagay mo sa peligro hindi lamang ang buhay
mo at ng iyong pasahero kundi maging ang buhay at ari-arian ng ibang tao.
Ikatlo, hindi porke't berde na ang ilaw ay puwede ka nang tumawid.
Maraming drayber - lalo na sa hatinggabi - ang inaantok. Kaya naman
malaki ang posibilidad na hindi sila agad makahinto. Lumingon muna sa
magkabilang bahagi ng tatawirang kalsada bago paandarin ang sasakyan.
Ikaapat, huwag nang magmaneho kung pagod, lasing o inaantok. Panghuling
payo, magdasal muna bago magbiyahe (Junep Ocampo, November,
2007).
KABANATA III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
A.DISENYO NG PANANALIKSIK
Ang pananaliksik na ito ay nasa pamaraang inpormatiba kung saang
inilalahad ang mga sanhi at dulot o epekto ng mga aksidente sa kalsada. Sa
pamamagitan ng pananaliksik, ito ay nagbibigay ng kalinawan, kaalaman at
solusyon sa anumang paksang tinatalakay.
B. MGA RESPONDENTE
Ang mga repondente sa pananaliksik na ito ay may sapat na kaalaman
sa tinatalakay na paksa ukol sa mga aksidente sa kalsada. Kasama na rin
ang ordinaryong mamayan na siyang bumubuo ng ating lipunan.
C. INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK
Sa pamamagitan ng libro, artikulo, medya at lalo na sa internet,
nakapangangalap ng pangangailangan impormasyon upang ang pananaliksik
na ito ay mabuo - serbey sa publiko ukol sa kaalaman nila sa kalye, panayam
sa mga awtoridad sa kaalaman ukol sa kalye at ang pagsubok na sumakay
sa pampublikong sasakyan.
D. TRITMENT NG MGA DATOS
Ang nilalaman ng proyektong ito ay bumabase sa nakalap na datos
galing sa instrumentong pampananaliksik.
KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG
MGA DATOS
Kadalasang Nagaganap na Pagsusuway sa Trapiko (NCR Pangkataonang
Serbey 2004)
Mga Pagsuway Kaganapan Porsyento
Ang hindi pagpansin sa Traffic Sign 18,196 21%
Obstraksiyon 18,056 20%
R.A. 8750 Paggamit ng sinturong pangkaligtasan 16,393 18%
Hindi maayos na Ilaw 10,908 12%
R.A. 8749 Smoke Belching 10,754 12%
Hindi maingat na pagmamaneho 6,811 8%
Sobrang karga 2,780 3%
Colorum Operation 1,723 2%
Ilegal na pa overtake 1,703 2%
Ang hindi pagbibigay daan sa sasakyang pulisya,
pansunog at ambulansiya 1,440 2%
Upang maging mas mabisa at kapaki-pakinabang ang pananaliksik na
ito ay nagsagawa ang mga mananaliksik ng panayam sa isang opisyal ng
MMDA-TOC at pati na rin sa dalawang taxi drayber, ilang serbey ang ginawa
mula sa mga pasahero ng iba't ibang pampublikong sasakyan at
pangangalap ng datos na may kinalaman sa daloy ng trapiko sa Metro Manila
at isang artikulo na tungkol sa naging pag-aaral ng Japan International
Cooperation Agency (JICA).
Ayon kay Direktor Angelito Vergel de Dios, "Kadalasan talaga ng mga
nagdudulot ng trapiko ay yung mga PUJ at PUV na yan... Well, wala naman
tayong magagawa diyan dahil for survival ang ginagawa nila... Marami
talaga sa kanila ang hindi alam ang tamang mga batas na dapat ding
sundin... Eh, para saan pa na maglalagay kami ng mga signs, hindi naman
nila binabasa o sinusunod. Naglagay nga kami ng mga timers at fences, hindi
rin nasusunod. Kaya naman napag-isipan nalang namin na maglagay nga
kamera, actually, meron na kaming 51 na kamera na naka-install pero balak
naming mabalutan ang buong sakop namin ng 400 na kamera. Ito ay para
kahit wala kami mismo doon sa lugar kung saan nangyari ang violations,
alam pa rin ng mga drayber na 'yan nakita namin sila... Kung iisipin hindi
lamang mga drayber ang lumalabas sa batas kundi pati mga sibilyan...
Kasalanan din ng gobyerno kung bakit nagta-trapik... Kung hindi ba naman
kasi nila kinokonsinti yang mga bus sa edsa na dumoble ang dami kaysa sa
tamang limitasyon lang eh... Hindi sana nagkakaroon ng
gitgitan... Matigas din kasi yang ulo ng mga bus at dyip, sinabi nang walang
magbaba sa kanto, ganoon parin ang ginagawa nila... Kaya nga may babaan
o waiting shed kaming ginawa eh... Pero mas matigas yang mga
businessmen dahil dinagdagan nila ng mga waiting sheds for advertising
ayan kami ang nahihirapan... Pero talaga DISIPLINA talaga ang kailangan ng
mga drayber na yan eh..."
Mula naman sa napagtanungang drayber ng taxi na si Danillo Lagman,
"Alam niyo, kaming mga drayber ay nagtra-trabaho lang para sa kabuhayan
kaya hindi rin masisisi masyado kung bakit mayroong mga hindi talaga
sumusunod sa batas o nagmamaang- maangan dito..."
"... Hindi naman lahat ay ganyan, meron pa ring drayber na talagang
sumusunod sa batas, nasa disiplina lang talaga lahat... minsan kasi yung
pasahero ang pumipilit na bumaba sa gitna dahil masyadong malayo daw
ang susunod na babaan kaya nagkakaroon ng trapik...", sagot naman ni
Henry Enriquez.
Ayon naman sa serbey na itinanong sa mahigit tatlumpung katao na
pawang commuters ng iba't ibang pampublikong sasakyan, masasabing
nangunguna sa kanilang listahan ang pampublikong sasakyan, sumunod ang
mga taong tumatawid at huli ang pamahalaan sa mga dahilan ng "road
disturbances".
Isa sa kanila ay pumayag na makipagusap, itago na lamang natin siya
sa pangalang Chen, "'Yang mga dyip na 'yan, ang bibilis magpatakbo ng
kanilang sasakyan at talagang nakikipag-unahan pa sila... Kung gaano sila
kabilis magpatakbo ganoon din sila kabilis magpreno... Minsan pa dahil may
nagbungguang dyip at bus muntikan pa akong ma-late sa pagpasok at hindi
makaabot sa exam ko... Tapos minsan pa sa sobrang tagal nila maghintay sa
isang lugar para sa pasahero nasasayang ang higit sa 20minutes ko..."
Sa mga iyan, unti-unti nang nabubuo ang kaalaman na hindi lamang
dahil road illiterate kundi sila mismo ay ayaw nilang sundin o kilalanin ang
batas dahil na din sa nais nilang makakuha man lang ng kikitain sa pang-
araw-araw.
Nabigyan din ng pansin na ayon kay Direktor de Dios ng MMDA-TOC,
ang mga paglabag na ito ay may pangkalahatang katawagan na
"obstruction". Ang mga dyip ay kadalasang nakagagawa nito dulot nga ng
pag-uunahang makapunta sa mga mataong lugar upang makakuha ng mas
maraming pasahero. Ginagawa nilang parang karerahan ang ating kalye na
talaga namang nakakadulot ng perhuwisyo sa lahat. Bagaman batid natin na
ang lahat ng ito ay bunsod lamang ng matindi nilang pangangailangang
pampinansyal at pangkabuhayan, nararapat pa rin na isaalang- alang nila
ang mga magiging epekto ng mga "obstructions" na ito. (Panayam nina
Abracosa, Anunciasion, Barcebal, Barza at Viundez).
Ang Pagbalangkas
____________ ____________
Publiko ____________ Pamahalaan ____________ Organisasyong
Pampublikong
Sasakyan
___________ ___________
Pasahero ___________Ahensya ng___________ Pampublikong
Pamahalaan Sasakyan
Alituntunin at
____________ Batas Pangkalye _____________
Walang Wastong
________________ Kaalaman sa _________________
Batas Trapiko
Mga Abala at
Aksidente sa
Kalsada
Dahil sa pagdami ng populasyon sa Metro Manila, nagkakaroon ng
dahilan ang mga namamahala ng mga pampublikong sasakyan na
magdagdag ng mga sasakyan sa kalsada. May mga taong hindi
nakapagtapos ng pag-aaral na pinili na lamang magmaneho ng bus, dyip o
kaya ay taxi dahil mas madali itong mapag-aralan. Ang pamahalaan gumawa
ng mga ahensiyang maaaring magpatupad ng batas at mangangasiwa sa
sektor ng transportasyon. Ang mga ahensiyang ito ang
nagbibigay patakaran at mga regulasyon na kailangang sundin ng bawat
sasakyan at nagbabantay ng mga kalsada upang mapanatili ang kaayusan at
maitala ang lahat ng mga nangyayari dito upang mapag-aralan. Ang pag-
aaral nito ay nakakatulong sa kanila upang makita ang problema at
malalapatan ng solusyon kaagad upang mapanatili ang kaayusan ng
kalagayan sa kalsada.
Bagamat may mga batas na ipinatutupad ang pamahalaan, hindi
mawawala ang mga lumalabag dito. Ang mga alituntunin at batas trapiko ay
madalas isinasantabi lamang ng mga drayber na nagiging dulot ng kanilang
pagiging walang wastong kaalaman sa mga batas trapiko, at nagdudulot ng
abala gaya ng trapiko at mga aksidente sa kalsada.
KABANATA V
LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
A. LAGOM
Ang pananaliksik na ito ay isang pag-aaral sa mga problemang
pangkalsada ng ating basa lalo na sa Metro Manila, kung ano ang dahilan kung
bakit marami pa rin ang aksidente at gambala sa kalsada, ang eprkto nito. Sa
pananaliksik na rin makitaan ng mga solusyon ang mga kaganapang problema
sa paglalahd ng kanya-kanyang opinyon, proposisyon at kuro-kuro na
nanggagaling sa mga indibidwal na kinauukulan.
B. KONKLUSYON
Isang maklaking porsyento sa pagkakaroon ng mga abala sa kalsada ay
ang hindi sapat na kaalaman ng mga tao sa batas trapiko. Ito ay pinatunayan ni
Direktor Angelito Vergel de Dios sa isang panayam sa kanya. Hindi lamang mga
drayber ng mga pampublikong sasakyan ang siyang sapat sisihin dito, ngunit
masasabing sila pa rin sa mas malaking porsyento ang dahilan. Maaari rin isisi
sa mismong mga "commuters" o publiko ang ilan dito dahil maging sila ay hindi
marunong sumunod sa batas o ignorante sa mga sapat na regulasyon. Ang
pamahalaan ay kasangkot din dito dahil kung hindi nila hinahayaan ang mga
pasaway na drayber at commuters ay magiging maayos din sana ang lahat.
Samakatuwid, napatunayan na karamihan sa mga kaguluhan sa kalye ay dulot
ng hindi sapat na kaalaman ng mga brayber ng pampublikong sasakyan, mga
pasahero ng pampublikong sasakyan ay siyempre ng ating gobyerno.
C. REKOMENDASYON
Sa nais nating lahat na maayos ang ating kalye at hindi maabala, labis na
maiwasan ang aksidente sa kalsada, ang bawat mamamayan - pasaherong
publiko, mga brayber, pati na ang kapulisang trapiko - ay may tungkulin at
responsibilidad na dapat gampanan - alamin at sumunod sa batas trapiko,
pakikiisa sa mga programa ng ahensya ng gobyerno para dito. Malaki ang
naitutulong kung tayo lahat ay may matututo ng tamang disiplina sa sarili na
siyang maiiwasan ang disgrasya at aksidente.
BIBLIOGRAPIYABIBLIOGRAPIYA
Ang Road Illiteracy sa Metro Manila, February 28, 2009,
http://www.skrap2009,wordpress.com
Pilipino Star Ngayon, Danilo Garcia, June 25, 2010
PATUNGKOL SA AWTORPATUNGKOL SA AWTORI. Contact Information
Pangalan : John Kevin S. Baldovino
Tirahan : 2146 Don Fabian St. Commonwealth Avenue Q.C.
Telepono/Cellphone Number : 9376418
E-mail Address : [email protected]
II. Personal na Datos
Edad: 16
Kapanganakan : April 14, 1994
Lugar ng Kapanganakan : Quezon City
Lahi : Filipino
Kasarian : Babae
Pangalan ng Ama : Ken A. Morana
Pangalan ng Ina : Joyce T. Mondia
III. Educational Background
Paaralan :
Elementarya : Flos Carmeli Institution of Quezon City Sekondarya : Flos Carmeli Institution of Quezon City