marso 15, 2013 34567 - jw- · pdf filebagong sanlibutang salin ng banal na kasu-latan....

32
ARALING ARTIKULO ABRIL 29–MAYO 5 “Walang Katitisuran” Para sa mga Umiibig kay Jehova PAHINA 3 ˙ AWIT: 45, 32 MAYO 6-12 Mayroon Ka Bang “Isang Puso Upang Makilala” si Jehova? PAHINA 8 ˙ AWIT: 62, 60 MAYO 13-19 “Ngayong Nakilala Na Ninyo ang Diyos”—Ano ang Susunod? PAHINA 13 ˙ AWIT: 81, 135 MAYO 20-26 Si Jehova—Ang Ating Tahanang Dako PAHINA 19 ˙ AWIT: 51, 95 MAYO 27–HUNYO 2 Parangalan ang Dakilang Pangalan ni Jehova PAHINA 24 ˙ AWIT: 27, 101 34567 MARSO 15, 2013

Upload: trinhnhi

Post on 05-Feb-2018

307 views

Category:

Documents


9 download

TRANSCRIPT

Page 1: MARSO 15, 2013 34567 - jw- · PDF fileBagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasu-latan. Publishers: ... tayo ay apektado ng sarili nating kahinaan at ng sa iba. Kaya naman kung minsan,

ARALING ARTIKULO

������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

ABRIL 29–MAYO 5

“Walang Katitisuran”Para sa mga Umiibigkay JehovaPAHINA 3 ˙ AWIT: 45, 32

������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

MAYO 6-12

Mayroon Ka Bang“Isang Puso UpangMakilala” si Jehova?PAHINA 8 ˙ AWIT: 62, 60

������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

MAYO 13-19

“Ngayong Nakilala NaNinyo ang Diyos”—Anoang Susunod?PAHINA 13 ˙ AWIT: 81, 135

������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

MAYO 20-26

Si Jehova—Ang AtingTahanang DakoPAHINA 19 ˙ AWIT: 51, 95

������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

MAYO 27–HUNYO 2

Parangalan angDakilang Pangalanni JehovaPAHINA 24 ˙ AWIT: 27, 101

34567MARSO 15, 2013

Page 2: MARSO 15, 2013 34567 - jw- · PDF fileBagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasu-latan. Publishers: ... tayo ay apektado ng sarili nating kahinaan at ng sa iba. Kaya naman kung minsan,

Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito. Inilaan ito

bilang bahagi ng pambuong-daigdig na pagtuturo

sa Bibliya na tinutustusan ng kusang-loob na mga

donasyon.

Malibang iba ang ipinakikita, ang mga pagsi-

pi sa Kasulatan ay mula sa makabagong-wikang

Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasu-

latan.

Publishers: Watchtower Bible and Tract Society

of New York, Inc. � 2013 Watch Tower Bible and

Tract Society of Pennsylvania. All rights reserved.

Printed in Japan.

34567 March 15, 2013Vol. 134, No. 6 Semimonthly TAGALOG

ARALING ARTIKULO

����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

ˇ “Walang Katitisuran” Para sa mga Umiibig kay Jehova

Lahat ng Kristiyano ay kasali sa takbuhan ukol sa buhay na walang

hanggan. Pero dahil sa minanang kasalanan, lahat tayo ay natitisod.

Tutulungan tayo ng artikulong ito na matukoy ang limang katitisuran

at ipaliliwanag kung paano maiiwasan ang mga ito.

����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

ˇ Mayroon Ka Bang “Isang Puso Upang Makilala”si Jehova?

Maraming itinuturo sa atin ang aklat ni Jeremias tungkol sa puso. Tu-

tulungan tayo ng artikulong ito na malaman kung ano ang “pusong di-

tuli” at kung paano maaaring mapahamak ang isang Kristiyano dahil

dito. Gayundin, paano tayo magkakaroon ng “isang puso upang makila-

la” si Jehova?—Jer. 9:26; 24:7.

����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

ˇ “Ngayong Nakilala Na Ninyo ang Diyos”—Ano ang Susunod?

Ano ang mga hakbang para makilala ang Diyos at makilala niya? Bakit

kailangang patuloy na sumulong ang isang Kristiyano kahit may-gulang

na siya sa espirituwal at paano niya ito magagawa? Sasagutin ng artiku-

long ito ang mga tanong na iyan.

����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

ˇ Si Jehova—Ang Ating Tahanang Dako

Nabubuhay tayo sa isang daigdig na mapanganib sa ating espirituwa-

lidad, pero hindi tayo dapat matakot. Ipinakikita ng artikulong ito na

mayroon tayong ligtas na tahanang dako—ang ating Diyos na si Jehova.

����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

ˇ Parangalan ang Dakilang Pangalan ni Jehova

Ano ang ibig sabihin ng pagiging kabilang sa bayang tinatawag sa pa-

ngalan ng Diyos? Ano ang ibig sabihin ng paglakad sa pangalang iyon?

At ano ang pangmalas ng Diyos sa mga lumalapastangan sa pangalan

niya? Sasagutin iyan ng artikulong ito.

SA ISYU RING ITO

��������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

18 Maaliw at Mang-aliw��������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

29 Talaga Bang si Josephus ang

Sumulat Nito?��������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

30 Huwag Mawalan ng Pag-asa!

FINLAND

PABALAT: Mahaba ang baybayin ngFinland at maraming isla. Libu-libo rinang lawa rito, lalo na sa sentral at sila-ngang Finland. Gumagamit ng mgabangka sa pangangaral ang ilangmamamahayag na pansamantalangnaglilingkod kung saan mas malakiang pangangailangan

� � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � �

POPULASYON:

5,375,276

RATIO:

1 Saksi sa bawat283 katao

REGULAR PIONEER:

1,824

Page 3: MARSO 15, 2013 34567 - jw- · PDF fileBagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasu-latan. Publishers: ... tayo ay apektado ng sarili nating kahinaan at ng sa iba. Kaya naman kung minsan,

KABATAAN pa lang noon si Mary Decker, pero kilala nasiya bilang isa sa pinakamahuhusay na mananakbo sa da-igdig. Siya ang inaasahang manalo ng gintong medalyasa 3,000-meter final noong 1984 Summer Olympics. Perohindi siya nakatawid sa finish line. Napatid siya sa binti ngisa pang mananakbo, at bumagsak. Nasaktan at luhaan,kinailangan siyang buhatin papalabas sa takbuhan. Perohindi sumuko si Mary. Wala pang isang taon, muli siyanglumaban at nakapagtala ng bagong world record para sawomen’s mile noong 1985.

2 Bilang mga Kristiyano, kasali rin tayo sa isang takbu-han—isang takbuhan ukol sa buhay na walang hanggan.Tunguhin nating manalo. Ang takbuhang ito ay hindi gayang isang sprint, kung saan kailangan ang pabilisan. Hindirin ito gaya ng jogging, na mabagal lang ang takbo at pa-hintu-hinto pa nga. Sa halip, katulad ito ng isang mara-thon, kung saan kailangan ang tibay at resistensiya. Gina-mit ni apostol Pablo ang metapora ng isang mananakbonang lumiham siya sa mga Kristiyanong nakatira sa Corin-to, isang lunsod na bantog sa mga palaro. Sumulat siya:“Hindi ba ninyo alam na ang mga mananakbo sa isang tak-buhan ay tumatakbong lahat, ngunit isa lamang ang tuma-tanggap ng gantimpala? Tumakbo kayo sa paraang maka-kamit ninyo ito.”—1 Cor. 9:24.

3 Sinasabi sa atin ng Bibliya na takbuhin natin ang tak-buhang ito. (Basahin ang 1 Corinto 9:25-27.) Ang gantim-pala ay buhay na walang hanggan—sa langit para sa mgapinahirang Kristiyano, o sa lupa para sa iba pang kalahok.

1. Paano ipinakikita ng saloobin ng isang mananakbo ang ating de-terminasyong huwag sumuko?2. Bakit masasabing ang mga tunay na Kristiyano ay kasali sa isangtakbuhan? Ano ang tunguhin natin?3. Sino ang maaaring magwagi sa takbuhan ukol sa buhay na walanghanggan?

“WALANGKATITISURAN”PARA SA MGA UMIIBIGKAY JEHOVA

“Ang saganang kapa-yapaan ay nauukol samga umiibig sa iyongkautusan, at sa kanilaay walang katitisuran.”—AWIT 119:165.

PAANO MO SASAGUTIN?

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

Bakit masasabing ang mga Kristi-

yano ay kasali sa isang takbuhan,

at ano ang gantimpala?

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

Anong mga bagay ang maaaring

makatisod sa isang Kristiyano?

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

Sa anong diwa walang katitisuran

para sa mga umiibig sa kautusan

ni Jehova?

3

Page 4: MARSO 15, 2013 34567 - jw- · PDF fileBagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasu-latan. Publishers: ... tayo ay apektado ng sarili nating kahinaan at ng sa iba. Kaya naman kung minsan,

4 ANG BANTAYAN

Di-tulad ng ibang palaro, lahat ng sumasalisa takbuhang ito ay tatanggap ng gantimpa-la kung magbabata sila hanggang sa wakas.(Mat. 24:13) Matatalo lang ang mga kalahokkung hindi sila tatakbo ayon sa mga alituntu-nin o kung hindi sila makatatawid sa finishline. Ito lang ang takbuhan na may premyongbuhay na walang hanggan.

4 Hindi madaling takbuhin ang takbuhangito. Kailangan ang disiplina at determinasyon.Iisa lang ang nakatawid sa finish line nanghindi natisod kahit minsan—si Jesu-Kristo.Pero hinggil sa mga tagasunod ni Kristo, isi-nulat ng alagad na si Santiago na “lahat ay na-titisod nang maraming ulit.” (Sant. 3:2) Lahattayo ay apektado ng sarili nating kahinaan atng sa iba. Kaya naman kung minsan, maaa-ri tayong mapatid at mawalan ng panimbang.Baka nga mabuwal pa tayo; pero bumabangontayo at patuloy na tumatakbo. Matindi angpagbagsak ng ilan anupat nangailangan silang tulong para makabangon at patuloy na ma-katakbo patungo sa finish line. Oo, posibleng

4. Bakit hindi madaling takbuhin ang takbuhan ukolsa buhay na walang hanggan?

matisod tayo o mabuwal nang panandalian,o paulit-ulit pa nga.—1 Hari 8:46.

KAPAG NATISOD, HUWAG HUMINTO

SA TAKBUHAN

5 Baka kung minsan ay napagpapalit moang mga salitang “matisod” at “mabuwal”para tukuyin ang isang kalagayan sa espiri-tuwal. Ayon sa pagkakagamit sa Bibliya, maymga panahong pareho ang diwa ng mga sa-litang ito, pero hindi laging gayon. Halimba-wa, pansinin ang sinasabi ng Kawikaan 24:16:“Ang matuwid ay maaaring mabuwal nangkahit pitong ulit, at tiyak na babangon siya;ngunit ang mga balakyot ay matitisod dahil sakapahamakan.”

6 Hindi pahihintulutan ni Jehova ang mganagtitiwala sa kaniya na matisod o mabuwal—anupat hindi na makabangon kapag napaha-rap sa mga problema o nakagawa ng mga pag-kakamali. Tinitiyak sa atin na tutulungan tayoni Jehova na ‘makabangon’ para patuloy na

5, 6. (a) Sa anong diwa “walang katitisuran” para saisang Kristiyano? Ano ang tutulong sa kaniya na ‘ma-kabangon’? (b) Bakit hindi bumabangon ang iba mata-pos matisod?

Kapag nabuwal,magpatulong ka at bumangon!

Page 5: MARSO 15, 2013 34567 - jw- · PDF fileBagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasu-latan. Publishers: ... tayo ay apektado ng sarili nating kahinaan at ng sa iba. Kaya naman kung minsan,

MARSO 15, 2013 5

makapaglingkod sa kaniya. Talagang nakaa-aliw iyan sa lahat ng tunay na nagmamahalkay Jehova! Ang mga balakyot ay walang pag-nanais na ‘bumangon.’ Hindi nila hinahanapang tulong ng banal na espiritu at ng bayan ngDiyos, at tinatanggihan nila ito kapag ibinibi-gay sa kanila. Pero para sa ‘mga umiibig sa ka-utusan ni Jehova,’ walang katitisuran na per-manenteng makapag-aalis sa kanila mula satakbuhan ukol sa buhay.—Basahin ang Awit119:165.

7 Ang ilan ay nakagagawa ng maliliit na ka-salanan—baka paulit-ulit pa nga—dahil sa ka-hinaan. Pero matuwid pa rin sila sa paninginni Jehova kung patuloy silang ‘babangon,’ otaimtim na magsisisi at magsisikap na mana-tiling tapat. Ganiyan ang naging pakikitungong Diyos sa sinaunang Israel. (Isa. 41:9, 10)Sa halip na idiin ang negatibo—ang ating ‘pag-kabuwal’—idiniriin ng Kawikaan 24:16 angpositibo—ang ating ‘pagbangon,’ sa tulong ngating maawaing Diyos. (Basahin ang Isaias55:7.) Para ipakitang nagtitiwala sila sa atin,pinasisigla tayo ng Diyos na Jehova at ni Jesu-Kristo na ‘bumangon.’—Awit 86:5; Juan 5:19.

8 Kahit matisod o mabuwal ang isang ma-nanakbo sa marathon, baka may panahonsiyang makabawi at tapusin ang takbuhankung agad siyang babangon. Sa ating takbu-han ukol sa buhay na walang hanggan, hindinatin alam kung anong “araw at oras” dara-ting ang wakas. (Mat. 24:36) Pero kung si-sikapin nating huwag matisod, mapananati-li natin ang ating bilis at matagumpay natingmatatapos ang takbuhan. Kung gayon, paanonatin maiiwasang matisod?

MGA SANHI NG PAGKATISOD

9 Talakayin natin ang limang bagay na ma-aaring maging katitisuran—mga kahinaan na-tin, mga pagnanasa ng laman, kawalang-kata-rungang ginawa ng mga kapananampalataya,

7, 8. Paano mapananatili ng isa ang pagsang-ayon ngDiyos kahit ‘mabuwal’ siya?9. Anong mga sanhi ng pagkatisod ang tatalakayinnatin?

kapighatian o pag-uusig, at mga kahinaan ngiba. Tandaan na kung natisod tayo, si Jehovaay napakamatiisin at hindi siya agad-agad su-musuko sa atin.

10 Ang mga kahinaan natin ay maihahalintu-lad sa mga batong nagkalat sa daan. Magba-lik-tanaw tayo sa buhay ni Haring David at niapostol Pedro at pansinin ang dalawa sa mgakahinaang ito—kawalan ng pagpipigil sa sariliat pagkatakot sa tao.

11 Hindi laging nakapagpakita ng pagpipi-gil sa sarili si Haring David, gaya ng pinatu-tunayan ng mga ikinilos niya may kaugnayankay Bat-sheba. Noong insultuhin siya ni Na-bal, muntik na siyang kumilos nang padalus-dalos. Pero nagkulang man siya ng pagpipigilsa sarili, hindi siya sumuko sa pagsisikap napalugdan si Jehova. Sa tulong ng iba, ‘nakaba-ngon’ siya mula sa kaniyang mga pagkakama-li.—1 Sam. 25:5-13, 32, 33; 2 Sam. 12:1-13.

12 Tapat si Pedro kay Jesus at kay Jehova.Pero may mga pagkakataong natisod siya da-hil sa takot sa iisipin ng iba. Halimbawa, taha-san niyang ikinaila ang kaniyang Panginoon,hindi lang minsan, kundi tatlong ulit. (Luc.22:54-62) Nang maglaon, nabigo siyang kumi-los bilang Kristiyano nang tratuhin niya angmga mananampalatayang Gentil na parangnakabababa sa mga tuling Judiong Kristiya-no. Nakita ni apostol Pablo ang maling saloo-bin ni Pedro. Hindi dapat magkaroon ng pag-tatangi sa loob ng kongregasyon. Kaya bagomasira ang samahan ng mga kapatid dahil saiginawi ni Pedro, kumilos si Pablo at pina-yuhan ito nang mukhaan. (Gal. 2:11-14) Nag-damdam ba si Pedro dahil sa payong ito at hu-minto na sa takbuhan ukol sa buhay? Hindi.Pinag-isipan niya ang payo ni Pablo, ikinapitito, at nagpatuloy sa takbuhan.

13 Kung minsan, ang kahinaan natin ay

10, 11. Anong mga kahinaan ang pinaglabanan niDavid?12. Paano nanatili si Pedro sa takbuhan sa kabila ngpagkatisod?13. Paano maaaring maging katitisuran ang proble-ma sa kalusugan?

Page 6: MARSO 15, 2013 34567 - jw- · PDF fileBagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasu-latan. Publishers: ... tayo ay apektado ng sarili nating kahinaan at ng sa iba. Kaya naman kung minsan,

6 ANG BANTAYAN

may kinalaman sa ating kalusugan. Maaaridin itong maging katitisuran. Puwede tayongbumagal, mawalan ng panimbang, o mang-himagod pa nga. Halimbawa, 17 taon mata-pos mabautismuhan, isang sister na Hapone-sa ang nagkasakit nang malubha. Masyadosiyang nabahala sa kaniyang kalusugan anu-pat nanghina sa espirituwal at naging di-akti-bo. Dalawang elder ang dumalaw sa kaniya.Napatibay siya sa sinabi nila kung kaya duma-lo siyang muli. Sinabi niya, “Napaiyak ako da-hil napakainit ng pagtanggap sa akin ng mgakapatid.” Kasali na uli sa takbuhan ang sisterna ito.

14 Naging katitisuran din sa marami angmga pagnanasa ng laman. Kapag natutukso, ka-ilangan tayong kumilos para makapanatilingmalinis sa mental, moral, at espirituwal. Tan-daan ang payo ni Jesus na ‘itapon’ ang anu-mang bagay na makatitisod sa atin, kahit angating mata o kamay. Hindi ba’t kasama riyanang imoral na mga kaisipan at paggawi na na-ging dahilan kung bakit ang ilan ay humintosa pagtakbo?—Basahin ang Mateo 5:29, 30.

15 Isinulat ng isang brother, na pinalaki sakatotohanan, na napakatagal na niyang pi-naglalabanan ang kaniyang homoseksuwalna damdamin. Sinabi niya: “Lagi akong naaa-siwa. Parang wala akong kalagyan.” Pagtun-tong ng edad 20, nag-regular pioneer siyaat naging ministeryal na lingkod sa kongre-gasyon. Pero nakagawa siya ng malubhangkasalanan, kinailangang madisiplina, at tu-manggap ng tulong mula sa mga elder. Sa pa-mamagitan ng panalangin, pag-aaral ng Bibli-ya, at pagtulong sa iba, nakabangon siya atnaipagpatuloyang kaniyang pagtakbo. Pagka-raan ng maraming taon, inamin niya: “Kungminsan, nagbabalik ang mga damdamingiyon, pero hindi ako nagpapadaig. Natutuhankong hindi hinahayaan ni Jehova na matuk-so tayo nang higit sa makakaya natin. Kaya

14, 15. Ano ang dapat nating gawin kapag buma-ngon ang maling mga pagnanasa? Magbigay ng halim-bawa.

alam kong may tiwala ang Diyos na mapagta-tagumpayan ko ito.” Sinabi pa niya: “Sa ba-gong sanlibutan, magiging sulit ang lahat ngpakikipagpunyagi ko. Iyan ang gusto ko! Kayapatuloy akong makikipaglaban.” Determina-do siyang manatili sa takbuhan.

16 Maaari ding maging katitisuran ang ka-walang-katarungang ginawa ng mga kapananam-palataya. Sa Pransiya, inisip ng isang dating el-der na biktima siya ng kawalang-katarungan.Naghinanakit siya, huminto sa pagdalo samga pulong, at naging di-aktibo. Dalawang el-der ang dumalaw sa kaniya at may-kabaitangnakinig nang hindi sumasabad habang inila-lahad niya ang bersiyon niya ng mga pangya-yari. Pinasigla nila siyang ihagis ang kaniyangpasanin kay Jehova. Ipinaalaala nila na ang pi-nakaimportante ay ang palugdan ang Diyos.Nakinig siya sa kanilang payo at di-nagtagalay nakabalik sa takbuhan, anupat muling na-ging aktibo sa kongregasyon.

17 Lahat ng Kristiyano ay dapat tuminginsa inatasang Ulo ng kongregasyon, si Jesu-Kristo, at hindi sa di-sakdal na mga tao. Ya-mang ang “mga mata [ni Jesus] ay gaya ngnagliliyab na apoy,” nakikita niya ang lahatng bagay at nauunawaan ito nang higit kaysakaninuman sa atin. (Apoc. 1:13-16) Halimba-wa, alam niya kung ang inaakala nating ka-walang-katarungang ginawa sa atin ay isa la-mang di-pagkakaunawaan. Itutuwid niya angmga bagay-bagay sa kongregasyon sa tamangparaan at panahon. Kaya naman, hindi natindapat pahintulutan ang mga pagkilos o pag-papasiya ng ibang Kristiyano na maging kati-tisuran sa atin.

18 Ang dalawa pang halimbawa ng katitisu-ran ay ang kapighatian o pag-uusig at ang mgakahinaan ng iba sa kongregasyon. Sa talinghagatungkol sa manghahasik, sinabi ni Jesus na

16, 17. (a) Ano ang nakatulong sa isang brother nanag-isip na biktima siya ng kawalang-katarungan?(b) Kanino tayo dapat tumingin para huwag matisod?18. Paano natin makakayanan ang kapighatian o pag-uusig?

Page 7: MARSO 15, 2013 34567 - jw- · PDF fileBagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasu-latan. Publishers: ... tayo ay apektado ng sarili nating kahinaan at ng sa iba. Kaya naman kung minsan,

“ang kapighatian o pag-uusig” dahil sa sali-ta ay maaaring ikatisod ng ilang indibiduwal.Maaari tayong pag-usigin ng ating mga kapa-milya, kapitbahay, o ng mga awtoridad sa pa-mahalaan dahil sa katotohanan. Kung ang isaay hindi nakaugat sa katotohanan, nanganga-nib siyang matisod. (Mat. 13:21) Pero kung ii-ngatan natin ang isang matuwid na puso, angbinhi ng Kaharian ay makatutulong para mag-karoon ng matitibay na ugat ang ating pa-nanampalataya. Kapag napapaharap sa mgapagsubok, sikaping bulay-bulayin ang ‘kapu-ri-puring mga bagay.’ (Basahin ang Filipos 4:6-9.) Bibigyan tayo ni Jehova ng lakas na ma-kayanan ang mga pagsubok at huwag mati-sod.

19 Nakalulungkot, ang ilan ay huminto satakbuhan dahil nagpaapekto sila sa mga kahi-naan ng iba. Naging katitisuran sa kanila angpagkakaiba-iba ng pangmalas sa mga bagayna nakadepende sa personal na pagpapasi-ya. (1 Cor. 8:12, 13) Kapag may nakasakit saating damdamin, palalakihin ba natin ito? Pi-napayuhan ng Bibliya ang mga Kristiyano nahuwag nang humatol, kundi magpatawad athuwag igiit ang sariling karapatan. (Luc. 6:37)Kapag napaharap ka sa isang katitisuran, ta-nungin ang sarili: ‘Hinahatulan ko ba ang ibabatay sa sarili kong kagustuhan? Hahayaan koba ang di-kasakdalan ng iba na magpahintosa akin sa takbuhan ukol sa buhay?’ Anumanang gawin ng iba, ang pag-ibig natin kay Jeho-va ay magpapatibay ng ating determinasyonna makatawid sa finish line.

TUMAKBO NANG MAY PAGBABATA

AT HUWAG MATISOD

20 Determinado ka bang ‘tumakbo hang-gang sa katapusan’? (2 Tim. 4:7, 8) Kung ga-yon, napakahalaga ng personal na pag-aaral.Gamitin ang Bibliya at ang ating mga publi-

19. Paano natin maiiwasang matisod kapag may na-kasakit sa atin?20, 21. Ano ang determinasyon mo kung tungkol satakbuhan ukol sa buhay?

kasyon para magsaliksik, magbulay-bulay, atpara matukoy ang mga bagay na maaaringmaging katitisuran sa iyo. Hingin ang banalna espiritu ng Diyos para magkaroon ka ngespirituwal na lakas. Tandaan, hindi talunanang isang mananakbo dahil lang sa natitisodo nabubuwal siya paminsan-minsan. Maaarisiyang bumangon at magpatuloy sa pagtakbo.Puwede pa nga niyang gawing tuntungang-bato ang mga batong katitisuran, anupat na-tututo sa kaniyang mga pagkakamali paramapagtagumpayan ang anumang hadlang sakaniyang pananampalataya.

21 Ipinakikita ng Bibliya na kailangan ta-yong magsikap sa takbuhan ukol sa buhay nawalang hanggan. Hindi ito parang pagsakaylang sa bus na maghahatid sa atin sa tagum-pay. Kailangan tayong tumakbo sa takbuhanukol sa buhay. Habang ginagawa natin ito,ang “saganang kapayapaan” mula kay Jehovaay aalalay sa atin. (Awit 119:165) Makapagtiti-wala tayo na patuloy niya tayong pagpapala-in ngayon at sa hinaharap, kung makatatawidtayo sa finish line.—Sant. 1:12.

Huwag magpahadlang at tapusin ang takbuhan!

MARSO 15, 2013 7

Page 8: MARSO 15, 2013 34567 - jw- · PDF fileBagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasu-latan. Publishers: ... tayo ay apektado ng sarili nating kahinaan at ng sa iba. Kaya naman kung minsan,

NAKATIKIM ka na ba ng igos? Paborito ito ng marami,kaya naman itinatanim ito sa maraming lugar sa buongmundo. Mahalaga sa sinaunang mga Israelita ang bungang igos. (Na. 3:12; Luc. 13:6-9) Ang mga ito ay mayaman safiber, antioxidant, at mga mineral. Kaya naman sinasabi ngilan na ang mga igos ay mabuti sa puso.

2 Minsan, iniugnay ni Jehova sa mga igos ang puso ngtao. Hindi niya tinutukoy ang sustansiyang nakukuha sa li-teral na igos. Tinutukoy niya ang makasagisag na puso.Ang mga sinabi niya sa pamamagitan ni propeta Jeremiasay makaaapekto sa puso natin at ng ating mga mahal sabuhay. Habang tinatalakay natin iyan, tingnan natin kungano ang kahulugan nito para sa ating mga Kristiyano.

3 Talakayin muna natin ang sinabi ng Diyos tungkol samga igos. Noong 617 B.C.E., nang panahon ni Jeremias,napakasama ng espirituwal na kalagayan ng bansangJuda. Nagbigay ang Diyos ng isang pangitain tungkol samangyayari sa hinaharap, at gumamit siya ng dalawang uring igos—mga igos na “napakabuti” at mga igos na “napa-kasama.” (Basahin ang Jeremias 24:1-3.) Ang masasamangigos ay tumutukoy kay Haring Zedekias at sa iba pang tu-lad niya na daranas ng kalupitan ni Haring Nabucodono-sor at ng mga kawal nito. Kumusta naman si Ezekiel, si Da-niel at ang tatlong kasamahan nito na nasa Babilonya na,at ang ilang Judio na malapit nang dalhing bihag doon?Katulad sila ng mabubuting igos. Isang nalabi sa kanilaang babalik para itayong-muli ang Jerusalem at ang templonito. Natupad ito sa takdang panahon.—Jer. 24:8-10; 25:11, 12; 29:10.

4 Ganito ang sinabi ni Jehova hinggil sa mabubutingigos: “Bibigyan ko sila ng isang puso upang makilala ako,

1, 2. Bakit ang ilan ay interesado sa mga igos?3. Sa ano tumutukoy ang mga igos na binanggit sa Jeremias kabana-ta 24?4. Bakit nakapagpapatibay ang sinabi ng Diyos tungkol sa mabubu-ting igos?

MAYROON KA BANG“ISANG PUSO UPANGMAKILALA” SI JEHOVA?

“Bibigyan ko sila ngisang puso upang maki-lala ako, na ako ay siJehova; at sila angmagiging aking bayan.”—JER. 24:7.

PAANO MO SASAGUTIN?

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

Sa anong diwa “may pusong di-

tuli” ang maraming Judio noong

panahon ni Jeremias?

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

Bakit dapat suriin ng bawat isa

sa atin ang ating makasagisag

na puso?

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

Paano tayo magkakaroon ng

“isang puso upang makilala”

si Jehova?

8 ANG BANTAYAN

Page 9: MARSO 15, 2013 34567 - jw- · PDF fileBagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasu-latan. Publishers: ... tayo ay apektado ng sarili nating kahinaan at ng sa iba. Kaya naman kung minsan,

MARSO 15, 2013 9

na ako ay si Jehova; at sila ang magiging akingbayan.” (Jer. 24:7) Iyan ang temang teksto ngartikulong ito, at nakapagpapatibay malamanna ang Diyos ay handang magbigay sa mgaindibiduwal ng “isang puso upang makilala”siya! Sa tekstong ito, ang “puso” ay may kaug-nayan sa disposisyon ng isang tao. Tiyak nanais mong magkaroon ng gayong uri ng pusoat maging bahagi ng bayan ng Diyos. Kasa-ma sa mga hakbang na kailangan mong gawinang pag-aaral at pagkakapit ng kaniyang Sa-lita, pagsisisi at panunumbalik, pag-aalay ngiyong buhay sa Diyos, at pagpapabautismo sapangalan ng Ama, Anak, at banal na espiritu.(Mat. 28:19, 20; Gawa 3:19) Baka nagawa mona ang mga iyan, o kaya naman ay regular kanang dumadalo sa mga pulong ng mga Saksini Jehova at kasalukuyang ginagawa ang mgahakbang na iyan.

5 Kahit nagawa na natin ang mga hakbangna iyan, kailangan pa rin nating bigyang-pansin ang ating saloobin at paggawi. Bakit?Makikita natin ang sagot sa mga isinulat ni Je-remias tungkol sa puso. Bagaman tinalakay sailang kabanata ng aklat ng Jeremias ang mgabansa sa palibot ng Juda, pangunahin itongmay kinalaman sa bansang Juda noong pana-hon ng pamamahala ng lima sa mga hari nito.(Jer. 1:15, 16) Oo, ang mensahe ni Jeremias aytungkol sa mga lalaki, babae, at mga bata nanakaalay kay Jehova. Ang mga ninuno nila aykusang-loob na nakipagtipan kay Jehova. (Ex.19:3-8) At noong panahon ni Jeremias, kinila-la ng bayan na nakaalay sila sa Diyos sa pag-sasabi: “Pumarito kami sa iyo, sapagkat ikaw,O Jehova, ang aming Diyos.” (Jer. 3:22) Peroano kaya ang kalagayan ng kanilang puso?

KAILANGANG OPERAHAN ANG KANILANG

MAKASAGISAG NA PUSO

6 Sa ngayon, ang mga doktor ay gumagamitng makabagong teknolohiya para makita angkondisyon ng puso. Pero higit pa ang kayang

5. Para kanino ang mensahe ni Jeremias?6. Bakit tayo interesado sa sinasabi ng Diyos tungkolsa puso?

gawin ni Jehova, gaya ng makikita sa sinabiniya: “Ang puso ay higit na mapandaya kaysaanupamang bagay at mapanganib. Sino angmakakakilala nito? Akong si Jehova ang sumi-siyasat sa puso, . . . upang ibigay nga sa ba-wat isa ang ayon sa kaniyang mga lakad, ayonsa bunga ng kaniyang mga pakikitungo.” (Jer.17:9, 10) Hindi literal na puso, na tumitiboknang mga tatlong bilyong beses sa loob ng 70o 80 taon, ang tinutukoy rito. Ang ‘sinisiyasat’ni Jehova ay ang ating makasagisag na puso.Tumutukoy ito sa kabuuang pagkatao ng isa,lakip na ang kaniyang mga pagnanasa, kaisi-pan, disposisyon, saloobin, at mga tunguhin.Oo, sinusuri ng Diyos ang ating puso, at pu-wede mo ring masuri ang iyong puso.

7 Bago natin suriin ang ating puso, maitata-nong natin, ‘Ano ba ang kalagayan ng maka-sagisag na puso ng karamihan sa mga Judionoong panahon ni Jeremias?’ Pansinin angkakaibang pananalita na ginamit ni Jeremias:“Ang buong sambahayan ng Israel ay may pu-song di-tuli.” Hindi ang literal na pagtutulingginagawa noon sa mga lalaking Judio ang ti-nutukoy niya, dahil sinabi niya: “ ‘Narito! Angmga araw ay dumarating,’ ang sabi ni Jehova,‘at hihingi ako ng pagsusulit sa lahat ng tulingunit nasa kalagayan pang di-tuli.’ ” Kung ga-yon, kahit tuli ang mga lalaking Judio, sila ay“may pusong di-tuli.” (Jer. 9:25, 26) Ano angibig sabihin nito?

8 Para maunawaan ang ibig sabihin ng “pu-song di-tuli,” pansinin natin kung ano ang si-nabi ng Diyos sa mga Judio: “Alisin ninyo angmga dulong-balat ng inyong mga puso, ka-yong mga tao ng Juda at mga tumatahan saJerusalem; upang ang aking pagngangalit ayhuwag lumabas . . . dahil sa kasamaan ng in-yong mga pakikitungo.” Saan nagmula ang kani-lang masasamang pakikitungo? Sa loob, mulasa kanilang puso. (Basahin ang Marcos 7:7. Paano inilarawan ni Jeremias ang puso ng karami-han sa mga Judio noong panahon niya?8, 9. May kinalaman sa kanilang puso, ano ang kaila-ngang gawin ng karamihan sa mga Judio?

Page 10: MARSO 15, 2013 34567 - jw- · PDF fileBagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasu-latan. Publishers: ... tayo ay apektado ng sarili nating kahinaan at ng sa iba. Kaya naman kung minsan,

10 ANG BANTAYAN

20-23.) Sa pamamagitan ni Jeremias, tinukoyng Diyos ang pinagmumulan ng masasamangpakikitungo ng mga Judio. Ang puso nila aysutil at mapaghimagsik. Hindi kalugud-lugodsa kaniya ang kanilang mga motibo at pag-iisip. (Basahin ang Jeremias 5:23, 24; 7:24-26.)Kaya naman sinabi sa kanila ng Diyos: “Mag-patuli kayo para kay Jehova, at alisin ninyoang mga dulong-balat ng inyong mga puso.”—Jer. 4:4; 18:11, 12.

9 Kung gayon, ang mga Judio noong pana-hon ni Jeremias ay nangangailangan ng maka-sagisag na operasyon sa puso—ang ‘pagtutu-li ng puso’—gaya rin ng mga Israelita noongpanahon ni Moises. (Deut. 10:16; 30:6) Kaila-ngan nilang ‘alisin ang dulong-balat ng kani-lang puso.’ Ibig sabihin, kailangan nilangalisin ang anumang nagpapamanhid sa kani-lang puso—mga kaisipan, pagnanasa, o moti-bo na salungat sa kalooban ng Diyos.—Gawa7:51.

PAANO TAYO MAGKAKAROON NG “ISANG

PUSO UPANG MAKILALA” SIYA?

10 Laking pasasalamat natin na tinutulu-ngan tayo ng Diyos na maunawaan ang tung-kol sa makasagisag na puso! Pero baka maita-nong mo, ‘Bakit dapat maging interesado ritoang mga Saksi ni Jehova ngayon?’ Karamihanng Kristiyano sa mga kongregasyon sa ngayon

10. Gaya ni David, ano ang nanaisin nating gawin?

ay hindi naman lumalakad sa kasamaan o na-giging “masasamang igos,” gaya ng maramingJudio noon. Sa katunayan, ang mga lingkodng Diyos ay isang malinis na bayang tapat nanaglilingkod sa kaniya. Pero tandaan natin nakahit si David ay nagsumamo kay Jehova: “Si-yasatin mo ako, O Diyos, at kilalanin mo angaking puso. Suriin mo ako, at alamin mo angaking mga nakababalisang kaisipan, at ting-nan mo kung sa akin ay may anumang naka-sasakit na lakad.”—Awit 17:3; 139:23, 24.

11 Nais ni Jehova na magkaroon tayo ng si-nang-ayunang katayuan sa harap niya at ma-panatili ito. Sinabi ni Jeremias: “Ikaw, O Jeho-va ng mga hukbo, ang sumusuri sa matuwid;nakikita mo ang mga bato at ang puso.” (Jer.20:12) Kung sinusuri ng Makapangyarihan-sa-lahat kahit ang puso ng matuwid, hindi badapat din nating tapatang suriin ang ating sa-rili? (Basahin ang Awit 11:5.) Habang ginaga-wa ito, baka makita natin na mayroon tayongsaloobin, tunguhin, o damdamin na kaila-ngang ituwid. Baka matuklasan natin na maynagpapamanhid sa ating puso, isang ‘dulong-balat ng ating puso,’ wika nga, na kailanganpala nating alisin. Iyan ay makasagisag naoperasyon sa ating puso. Kung gayon, anongmaling saloobin o damdamin ang maaaringnasa puso natin? Paano tayo makagagawa ngkinakailangang pagbabago?—Jer. 4:4.

12 Ito ang matitiyak natin: Hindi tayo pipi-litin ni Jehova na magbago. Tungkol sa “ma-bubuting igos,” sinabi niya na “bibigyan [niya]sila ng isang puso upang makilala” siya. Hindiniya sinabi na pipilitin niya silang magbago.Kailangang naisin nila na magkaroon ng pu-song nakakakilala sa Diyos. Ganiyan din anggusto nating gawin.

13 Sinabi ni Jesus: “Mula sa puso ay nang-gagaling ang mga balakyot na pangangatu-wiran, mga pagpaslang, mga pangangalunya,

11, 12. (a) Bakit dapat suriin ng bawat isa ang kani-yang puso? (b) Ano ang hindi gagawin ng Diyos?13, 14. Paano maaaring mapahamak ang isang Kris-tiyano dahil sa kaniyang puso?

Page 11: MARSO 15, 2013 34567 - jw- · PDF fileBagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasu-latan. Publishers: ... tayo ay apektado ng sarili nating kahinaan at ng sa iba. Kaya naman kung minsan,

mga pakikiapid, mga pagnanakaw, mga bula-ang patotoo, mga pamumusong.” (Mat. 15:19)Dahil sa manhid na puso, ang isang Kris-tiyano ay maaaring magkasala ng panganga-lunya o pakikiapid. Kung hindi siya magsi-sisi, permanenteng mawawala sa kaniya angpagsang-ayon ng Diyos. Maaaring hindi na-man nakagawa ng gayong malubhang kasala-nan ang isang tao pero baka pinahihintulu-tan niyang tumubo sa kaniyang puso angdi-wastong pagnanasa. (Basahin ang Mateo 5:27, 28.) Dito kinakailangan ang pagsusuri sapuso. Kapag ginawa mo ito, may makikita kakayang di-wastong damdamin para sa isangdi-kasekso, mga lihim na pagnanasang hin-di kukunsintihin ng Diyos at kailangan mongalisin?

14 O baka hindi naman aktuwal na naka-gawa ng “mga pagpaslang” ang isang Kristi-yano pero hinahayaan niyang lumalim nanglumalim ang hinanakit niya sa isang kapatidhanggang sa puntong kapootan niya ito. (Lev.19:17) Pagsisikapan kaya niyang alisin anggayong mga damdamin na maaaring magpa-manhid sa kaniyang puso?—Mat. 5:21, 22.

15 Nakatutuwa, hindi ganiyan ang kalaga-yan ng puso ng maraming Kristiyano. Pero

15, 16. (a) Magbigay ng halimbawa na nagpapaki-tang ang isang Kristiyano ay “may pusong di-tuli.”(b) Sa palagay mo, bakit hindi nakalulugod kay Jeho-va ang isang “pusong di-tuli”?

binanggit din ni Jesus ang “mga balakyot napangangatuwiran.” Ito ay mga pangmalas osaloobin na makasasama sa atin. Halimba-wa, bilang mga Kristiyano, mahal natin angating mga kamag-anak, di-gaya ng maramingtao sa mga huling araw na ito na “walanglikas na pagmamahal.” (2 Tim. 3:1, 3) Perobaka ang isa ay magpakita ng di-wastong ka-tapatan sa kaniyang mga kamag-anak. Si-nasabi ng marami na “mas matimbang angdugo kaysa sa tubig.” Kaya naman, kapagnaagrabyado ang kanilang kamag-anak, na-sasaktan sila. Baka kampihan at ipagtanggolnila ito, anuman ang mangyari. Isipin kungano ang ginawa ng mga kuya ni Dina dahil satindi ng kanilang galit. (Gen. 34:13, 25-30) Atisipin din kung ano ang nasa puso ni Absa-lom, na nag-udyok sa kaniya na paslangin siAmnon na kaniyang kapatid sa ama. (2 Sam.13:1-30) Hindi ba’t “mga balakyot na panga-ngatuwiran” ang nasa likod ng mga halimba-wang ito?

16 Sa ngayon, hindi naman pumapatay angmga tunay na Kristiyano. Pero baka nagki-kimkim sila ng matinding sama ng loob saisang kapatid na nakasakit, o inaakala nilangnakasakit, sa kanilang kamag-anak. Baka tu-manggi silang makisama sa kapatid na iyon,o baka ayaw nila siyang anyayahan sa kani-lang tahanan. (Heb.13:1, 2) Pero hindi ito sim-pleng bagay dahil kawalan ito ng pag-ibig. Oo,

Tatanggap tayong mga pagpapalakung susuriin natinang ating pusoat itutuwidang di-wastongmga pagnanasa

MARSO 15, 2013 11

Page 12: MARSO 15, 2013 34567 - jw- · PDF fileBagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasu-latan. Publishers: ... tayo ay apektado ng sarili nating kahinaan at ng sa iba. Kaya naman kung minsan,

12 ANG BANTAYAN

sa paningin ng Tagasuri ng mga puso, ito aykatibayan ng “pusong di-tuli.” (Jer. 9:25, 26)Tandaan ang sinabi ni Jehova: “Alisin ninyoang mga dulong-balat ng inyong mga puso.”—Jer. 4:4.

PAGTATAMO AT PAG-IINGAT NG

“ISANG PUSO UPANG MAKILALA” ANG DIYOS

17 Paano kung matapos mong suriin angiyong makasagisag na puso, natuklasan monghindi ito ganoon kabilis tumugon sa payoni Jehova, at baka sa paanuman ay “di-tuli”?Baka nakita mong takot ka sa sasabihin ngiba, naghahangad ng katanyagan o luho, omay tendensiya pa ngang maging sutil o ma-pagsarili. Hindi ka nag-iisa, marami na angnakadama ng ganiyan. (Jer. 7:24; 11:8) Sinabini Jeremias na ang di-tapat na mga Judio no-ong panahon niya ay may “pusong sutil at ma-paghimagsik.” Idinagdag niya: “Hindi nila si-nabi sa kanilang puso: ‘Matakot tayo ngayonkay Jehova na ating Diyos, ang Isa na nagbibi-gay ng buhos ng ulan at ng ulan sa taglagas.’ ”(Jer. 5:23, 24) Ipinakikita niyan na kailangannating linangin ang higit na takot at pagpa-pahalaga kay Jehova para maalis ang ‘dulong-balat ng ating puso.’Ang wastong pagkatakotna iyan ay tutulong sa atin na magkaroon ng

17. Bakit mas mabilis tumugon ang ating puso kungmay takot tayo kay Jehova?

pusong mabilis tumugon sa mga kahilinganng Diyos.

18 Makipagtulungan tayo kay Jehova ha-bang binibigyan niya tayo ng “isang pusoupang makilala” siya. Iyan ang ipinangakoniya sa mga pinahiran na kabilang sa bagongtipan: “Ilalagay ko sa loob nila ang aking ka-utusan, at sa kanilang puso ay isusulat koiyon. At ako ang magiging kanilang Diyos, atsila mismo ang magiging aking bayan.” Tala-ga bang makikilala nila siya? Idinagdag niya:“Hindi na sila magtuturo pa, bawat isa ay sakaniyang kasama at bawat isa ay sa kaniyangkapatid, na sinasabi, ‘Kilalanin ninyo si Jeho-va!’ sapagkat silang lahat ay makakakilala saakin, mula sa pinakamababa sa kanila at ma-ging hanggang sa pinakadakila sa kanila . . .Sapagkat patatawarin ko ang kanilang kama-lian, at ang kanilang kasalanan ay hindi ko naaalalahanin pa.”—Jer. 31:31-34.�

19 Makalangit man o makalupa ang pag-asamo, tiyak na gusto mong makilala si Jehova atmaging bahagi ng kaniyang bayan. Pero bagomo matanggap ang mga pagpapalang iyan,kailangang mapatawad ang iyong mga kasala-nan, salig sa pantubos ni Kristo. At dahil sakapatawarang ito, dapat ka ring maging ma-pagpatawad sa iba, kahit doon sa mga nakasa-kit sa iyong damdamin. Makabubuti sa iyongpuso kung aalisin mo ang anumang hinana-kit na kinikimkim mo. Sa gayon, ipinakikitamo na gusto mong maglingkod kay Jehova atlalo mo siyang nakikilala. Magiging katuladka ng mga tao noong panahon ni Jeremias nasinabihan ni Jehova: “Hahanapin nga ninyoako at masusumpungan ako, sapagkat sasa-liksikin ninyo ako nang inyong buong puso.At hahayaan kong ako ay masumpungan nin-yo.”—Jer. 29:13, 14.

� Ang bagong tipan ay tinatalakay sa kabanata 14 ngaklat na Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jere-mias.

18. Ano ang ipinangako ni Jehova sa mga kabilang sabagong tipan?19. Ano ang magandang pag-asa ng mga tunay naKristiyano?

Page 13: MARSO 15, 2013 34567 - jw- · PDF fileBagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasu-latan. Publishers: ... tayo ay apektado ng sarili nating kahinaan at ng sa iba. Kaya naman kung minsan,

BAGO magpalipad ng eroplano, maingat munang sinu-suri ng mga piloto ang kondisyon ng eroplano gamit angisang checklist na may mahigit 30 detalye. Kung hindinila ito gagawin, mas malaki ang posibilidad na magka-roon ng aksidente. Alam mo ba kung sino ang lalo nanghinihimok na gumawa nito? Ang makaranasang mga pi-loto! Kahit beterano na ang isang piloto, kailangan pa rinniyang isa-isahin ang mga nasa checklist.

2 Gaya ng isang pilotong palaisip sa kaligtasan, maa-ari ka ring gumamit ng isang checklist, wika nga, paramatiyak na hindi manghihina ang pananampalataya mosa harap ng pagsubok. Baguhan ka man o matagal nangnaglilingkod sa Diyos, napakahalagang regular na suriinkung matibay ang iyong pananampalataya at debosyon saDiyos na Jehova. Kung hindi mo ito gagawin nang pala-gian, baka masira ang iyong kaugnayan kay Jehova. Nag-babala ang Bibliya: “Siyang nag-iisip na nakatayo siya aymag-ingat upang hindi siya mabuwal.”—1 Cor. 10:12.

3 Kailangang patuloy na suriin ng mga Kristiyano saGalacia ang kanilang pananampalataya at pahalagahanang kanilang espirituwal na kalayaan. Dahil sa pantubosni Jesus, nagkaroon ng pagkakataon ang mga nananam-palataya sa kaniya na makilala ang Diyos sa isang natata-nging paraan—maaari silang maging mga anak ng Diyos!(Gal. 4:9) Para maingatan ang gayong pinagpalang kaug-nayan, kailangang iwan ng mga taga-Galacia ang turo ngmga tagapagtaguyod ng Judaismo, na naggigiit ng pag-sunod sa Kautusang Mosaiko. Hindi na ipinatutupadng Diyos ang Kautusang ito, at hindi kailanman nagingsakop nito ang mga Gentil na kabilang sa kongregasyon.Kapuwa ang mga Judio at Gentil ay kailangang sumu-long sa espirituwal. Dapat nilang maunawaan na hindi na

1. Bago magpalipad ng eroplano, bakit kailangang gumamit ngisang checklist ang mga piloto?2. Anong checklist ang inirerekomenda sa mga Kristiyano?3. Ano ang kailangang gawin ng mga Kristiyano sa Galacia?

“NGAYONG NAKILALANA NINYO ANG DIYOS”—ANO ANG SUSUNOD?

“Nakilala na ninyo angDiyos.”—GAL. 4:9.

ANO ANG SAGOT MO?

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

Bakit mahalagang repasuhin sa

pana-panahon ang isang espiritu-

wal na checklist?

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

Bakit kailangan pa ring sumulong

sa espirituwal ang isang may-

gulang na Kristiyano?

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

Bakit natin dapat bulay-bulayin

ang ating pananampalataya at

ang ating pag-aalay kay Jehova?

13

Page 14: MARSO 15, 2013 34567 - jw- · PDF fileBagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasu-latan. Publishers: ... tayo ay apektado ng sarili nating kahinaan at ng sa iba. Kaya naman kung minsan,

14 ANG BANTAYAN

hinihiling ng Diyos na sundin ng mga tao angKautusan para maituring silang matuwid.

PANIMULANG MGA HAKBANG PARA

MAKILALA ANG DIYOS

4 Ang payo ni apostol Pablo sa mga taga-Galacia ay isinulat para paalalahanan ang la-hat ng Kristiyano na huwag talikuran angmga katotohanan sa Bibliya at huwag buma-lik sa mga bagay na nasa likuran. Kinasihanni Jehova ang apostol na patibayin hindi langang mga taga-Galacia, kundi ang lahat ng Ka-niyang mga mananamba.

5 Makabubuting alalahanin natin kungpaano tayo pinalaya mula sa espirituwal napagkaalipin at naging Saksi ni Jehova. Paramagawa iyan, pag-isipan ang dalawang ta-nong na ito: Natatandaan mo pa ba angmga hakbang na ginawa mo para magingkuwalipikado sa bautismo? Naaalaala mopa ba kung paano mo nakilala ang Diyos atkung ano ang nadama mo nang makilala kaNiya?

6 May siyam na panimulang hakbang ta-yong ginawa. Ang mga hakbang na ito, nagaya ng isang checklist, ay nakatala sa ka-hong “Mga Hakbang na Umaakay sa Bautis-mo at Higit Pang Pagsulong.” Kung lagi na-ting aalalahanin ang siyam na hakbang naito, titibay ang ating determinasyon na hu-wag balikan ang mga bagay sa sanlibutan.Gaya ng isang makaranasang piloto na ligtasna nakapagpapalipad ng eroplano dahil nire-repaso muna niya ang isang checklist, maka-pananatili kang tapat kung rerepasuhin moang ating espirituwal na checklist.

ANG MGA NAKILALA NG DIYOS AY PATULOY

NA SUMUSULONG SA ESPIRITUWAL

7 Ang checklist ng piloto ay nagpapaalaa-la sa kaniya na mayroon siyang rutin na da-

4, 5. Anong payo ang ibinigay ni Pablo sa mga taga-Galacia? Ano ang kaugnayan nito sa atin?6. Anong checklist ang rerepasuhin natin?7. Anong parisan ang kailangan nating sundin, at ba-kit?

pat sundin bago lumipad ang eroplano. Ma-aari din nating regular na suriin ang atingsarili at ang rutin na sinusunod natin mulanang mabautismuhan tayo. Sumulat si Pablokay Timoteo: “Patuloy kang manghawakansa parisan ng nakapagpapalusog na mga sa-lita na narinig mo sa akin kalakip ang pana-nampalataya at pag-ibig na may kaugnayankay Kristo Jesus.” (2 Tim. 1:13) Ang “naka-pagpapalusog na mga salita” na iyon ay ma-tatagpuan sa Salita ng Diyos. (1 Tim. 6:3)Kung paanong ang sketch ng isang pintor aynagbibigay ng ideya tungkol sa magiging hit-sura ng isang larawan, ang ‘parisan ng ka-totohanan’ ay nagbibigay ng pangkalahatangideya tungkol sa mga kahilingan sa atin niJehova. Suriin natin ngayon ang mga hak-bang na umakay sa ating bautismo at ting-nan kung nakasusunod tayo sa parisan ngkatotohanan.

8 Ang una sa checklist natin ay ang pagku-ha ng kaalaman. Sa tulong nito, magkakaro-on tayo ng pananampalataya. Pero kailangangpatuloy na lumago ang ating kaalaman at lu-maki ang ating pananampalataya. (2 Tes. 1:3)Ang paglago, o paglaki, ay nangangahuluganng patuluyang pagsulong. Kaya naman, pag-katapos ng bautismo, kailangan tayong patu-loy na lumago o lumaki sa espirituwal na pa-raan.

9 Maihahalintulad natin ang ating espiri-tuwal na paglaki sa pisikal na paglaki ngisang puno. Puwedeng lumaki nang hustoang isang puno, lalo na kung malalim angpagkakaugat nito. Halimbawa, ang ilan samatatayog na sedro ng Lebanon ay maaa-ring lumaki nang sintaas ng 12-palapag nagusali, magkaroon ng matitibay at malala-lim na ugat, at maaaring umabot nang hang-gang 12 metro ang sirkumperensiya ng kata-wan nito. (Sol. 5:15) Sa simula, napakabilisng paglaki ng punong ito. Habang lumala-

8, 9. (a) Tungkol sa kaalaman at pananampalataya,ano ang kailangan nating gawin? (b) Ilarawan kungbakit mahalaga ang patuluyang pagsulong bilang mgaKristiyano.

Page 15: MARSO 15, 2013 34567 - jw- · PDF fileBagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasu-latan. Publishers: ... tayo ay apektado ng sarili nating kahinaan at ng sa iba. Kaya naman kung minsan,

MARSO 15, 2013 15

lim at lumalawak ang mga ugat nito, lumala-pad at tumataas ang puno. Pero sa kalaunan,hindi na gaanong napapansin ang paglakinito. Maihahalintulad natin diyan ang atingespirituwal na paglaki bilang mga Kristiya-no. Sa simula, baka mabilis ang pagsulongnatin nang mag-aral tayo ng Bibliya at ma-bautismuhan. Tuwang-tuwa ang mga kapa-tid dahil nakikita nila ang pagsulong natin.Baka nga maging kuwalipikado pa tayo sapagpapayunir at ibang mga pribilehiyo. Perosa paglipas ng mga taon, baka hindi na gaa-nong kapansin-pansin ang pagsulong na-tin sa espirituwal. Gayunpaman, kailanganpa rin nating lumago sa pananampalataya atkaalaman “upang maging isang tao na hus-to ang gulang, hanggang sa sukat ng laki nanauukol sa kalubusan ng Kristo.” (Efe. 4:13)Kaya naman bilang mga Kristiyano, para ta-yong isang napakaliit na binhi na lumaki atnaging isang matibay na puno.

10 Pero hanggang diyan na lang ba? Hin-di. Ang ating kaalaman sa Salita ng Diyosat pananampalataya ay gaya ng mga ugat namagpapatibay sa atin. Kailangang patuloy nalumakas ang mga ugat na ito. (Kaw. 12:3)Marami nang kapatid ang nakagawa ng ga-niyang pagsulong. Halimbawa, isang brotherna mahigit 30 taon nang naglilingkod bilangelder ang nagsabi na patuloy pa rin ang kani-yang pagsulong. Sinabi niya: “Sumidhi angpagpapahalaga ko sa Bibliya. Patuloy kongsinisikap na ikapit ang mga simulain at kau-tusan ng Bibliya sa iba’t ibang paraan. Patu-loy ring lumalaki ang pagpapahalaga ko saministeryo.”

PATATAGIN ANG IYONG

PAKIKIPAGKAIBIGAN SA DIYOS

11 Kasama rin sa ating espirituwal na pag-laki ang pagkakaroon ng mas malapıt na ka-ugnayan kay Jehova, ang ating Kaibigan at

10. Bakit kailangan pa ring sumulong kahit ang may-gulang na mga Kristiyano?11. Paano natin higit na makikilala si Jehova sa pagli-pas ng panahon?

Ama. Gusto niyang makadama tayo ng kapa-natagan at pagmamahal, gaya ng isang batana nakadarama ng pagmamahal at kapanata-gan kapag niyayakap siya ng kaniyang mai-biging magulang o gaya ng nadarama natinkapag kasama ang ating tunay at tapat na ka-ibigan. Siyempre pa, hindi tayo basta-bastamagkakaroon ng ganitong malapıt na kaug-nayan kay Jehova. Kailangan ang panahonpara higit siyang makilala at mahalin. Kayanaman dapat tayong maglaan ng panahonpara basahin ang kaniyang Salita araw-araw.Basahin din natin ang bawat isyu ng Ang Ban-tayan at Gumising! at iba pang salig-Bibliyangmga publikasyon.

12 Nakatutulong din sa espirituwal napaglaki ng mga kaibigan ng Diyos ang

12. Ano ang kailangan para makilala tayo ni Jehova?

Ang isang puno ay patuloy sa paglaki. Ganiyan dindapat ang isang Kristiyano

Page 16: MARSO 15, 2013 34567 - jw- · PDF fileBagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasu-latan. Publishers: ... tayo ay apektado ng sarili nating kahinaan at ng sa iba. Kaya naman kung minsan,

16 ANG BANTAYAN

taimtim na panalangin at mabuting pakikipag-samahan. (Basahin ang Malakias 3:16.) Angmga tainga ni Jehova ay “nakatuon sa kani-lang pagsusumamo.” (1 Ped. 3:12) Gaya ngisang maibiging magulang, pinakikingganni Jehova ang ating mga pagdaing. Kaya kai-langan tayong ‘magmatiyaga sa pananala-ngin.’ (Roma 12:12) Hindi tayo makapana-natiling may-gulang na mga Kristiyano kungwala ang tulong ng Diyos. Hindi natin kaka-yanin sa ating sariling lakas ang panggigipitng sanlibutan. Kung manghihimagod tayosa pananalangin, tinatanggihan natin ang la-kas na maibibigay ng Diyos. Kontento ka naba sa kalidad ng iyong panalangin, o kai-langan mong pasulungin ang bagay na ito?—Jer. 16:19.

13 Nalulugod si Jehova sa lahat ng “na-nganganlong sa kaniya.” Kaya naman, kahitnakilala na natin ang Diyos, kailangan na-ting patuloy na makisama sa kongregasyon.(Na. 1:7) Dahil napakasama ng sanlibutan,kailangan nating gumugol ng panahon ka-sama ng ating mga kapatid. Ano ang magi-ging pakinabang natin? Nasa kongregasyonang mga taong mag-uudyok sa atin sa “pag-ibig at sa maiinam na gawa.” (Heb. 10:24, 25)Hindi natin masusunod ang payo ni Pablona magpakita ng ganitong pag-ibig kunghindi tayo makikisama sa mga kapatid sakongregasyon. Isama sa iyong checklist angregular na pagdalo at pakikibahagi sa mgapulong.

14 Bago tayo naging Kristiyano, kinaila-ngan tayong magsisi at manumbalik, o tuma-likod sa kasalanan. At kahit ngayon, dapatna handa pa rin tayong magsisi at gumawang mga pagbabago sa buhay. Yamang hinditayo sakdal at may mga kahinaan, napaka-dali nating mahulog sa kasalanan. Ang ka-

13. Bakit mahalaga sa espirituwal na paglaki ang pa-kikisama sa mga kapuwa Kristiyano?14. Bakit kailangang handa tayong magsisi at guma-wa ng mga pagbabago sa buhay?

salanan ay gaya ng ahas na nakahandang tu-muklaw sa atin. (Roma 3:9, 10; 6:12-14) Da-pat tayong maging alisto at huwag ipagwa-lang-bahala ang ating mga kahinaan. Mabutina lamang at si Jehova ay matiisin sa atin ha-bang pinaglalabanan natin ang ating mga ka-hinaan at gumagawa ng kinakailangang mgapagbabago. (Fil. 2:12; 2 Ped. 3:9) Malakingtulong ang matalinong paggamit ng ating pa-nahon at lakas, anupat iniiwasan ang maka-sariling mga tunguhin. Isinulat ng isang sis-ter: “Pinalaki ako sa katotohanan, pero ibaang pangmalas ko kay Jehova. Iniisip kongdapat siyang katakutan nang husto at hin-di ko siya mapalulugdan kahit kailan.” Nangmaglaon, ang sister na ito ay nanghina saespirituwal at nakagawa ng mga pagkaka-mali sa buhay. “Hindi ito dahil sa hindi komahal si Jehova,” ang sabi niya, “kundi da-hil hindi ko siya talaga nakilala. Pero pagka-tapos ng marubdob na mga panalangin, gu-mawa ako ng mga pagbabago.” Idinagdag paniya: “Napatunayan kong inakay ako ni Je-hova gaya ng isang bata, tinulungan akongmapagtagumpayan ang bawat hadlang, at ti-nuruan ako kung ano ang kailangan kong ga-win.”

15 “Patuloy [na] salitain sa mga tao” ang ma-buting balita. Ito ang sinabi ng anghel ngDiyos kay Pedro at sa iba pang mga apos-tol matapos silang makahimalang palayainsa bilangguan. (Gawa 5:19-21) Oo, kasamarin sa ating checklist ang lingguhang pakiki-bahagi sa pangangaral. Nakikita ni Jesus atng kaniyang Ama ang ating pananampalata-ya at ministeryo. (Apoc. 2:19) Gaya ng sinabing elder na sinipi kanina: “Ang ministeryoang siyang buhay natin.”

16 Bulay-bulayin ang iyong pag-aalay. Angkaugnayan natin kay Jehova ang pinakama-halagang pag-aari natin. Kilala niya ang mga

15. Ano ang nakikita ni Jesus at ng kaniyang Ama?16. Bakit mahalagang bulay-bulayin ang iyong pag-aalay kay Jehova?

Page 17: MARSO 15, 2013 34567 - jw- · PDF fileBagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasu-latan. Publishers: ... tayo ay apektado ng sarili nating kahinaan at ng sa iba. Kaya naman kung minsan,

MGA HAKBANG NAUMAAKAY SA BAUTISMOAT HIGIT PANG PAGSULONG

1 Magsisimula tayo sa “pagkuha ng ka-alaman” tungkol kay Jehova at sa kani-yang Anak, si Jesu-Kristo.—Juan 17:3

2 Dahil lumalago ang ating kaalaman,tumitibay ang ating pananampalataya.—Juan 3:16

3 Regular tayong nananalangin kayJehova.—Gawa 2:21

4 Regular tayong nakikisama sa mgakapananampalataya.—Heb. 10:24, 25

5 Pinagsisisihan natin ang ating mgakasalanan.—Gawa 17:30

6 Nanunumbalik tayo, anupat iniiwan angmasasamang paggawi.—Gawa 3:19

7 Pinakikilos tayo ng ating pananampala-taya na salitain ang mabuting balita saiba.—2 Cor. 4:13

8 Iaalay natin ang ating sarili kay Jehovapara matularan natin si Jesus satamang paraan.—1 Ped. 4:2

9 Sasagisagan natin ang ating pag-aalaysa pamamagitan ng bautismo.—1 Ped. 3:21

taong nauukol sa kaniya. (Basahin ang Isa-ias 44:5.) Suriin ang iyong kaugnayan kayJehova at ipanalangin na manatili itong ma-tatag. Huwag ding kalimutan ang petsa ngiyong bautismo. Ipaaalaala nito sa iyo ang pi-nakamahalagang desisyong ginawa mo sabuhay.

KAILANGAN ANG PAGBABATA PARA

MANATILING MALAP´IT KAY JEHOVA

17 Nang sumulat si Pablo sa mga taga-Galacia, idiniin niya ang kahalagahan ngpagbabata. (Gal. 6:9) Kailangan din iyan ngmga Kristiyano sa ngayon. Mapapaharap kasa mga pagsubok, pero tutulungan ka ni Je-hova. Patuloy na manalangin ukol sa banalna espiritu, at makadarama ka ng kagala-kan at kapayapaan sa kabila ng mga proble-ma. (Mat. 7:7-11) Pag-isipan ito: Kung maymalasakit si Jehova sa mga ibon, lalo nangmay malasakit siya sa iyo, na nagmamahalsa kaniya at nag-alay ng iyong sarili sa kani-ya. (Mat. 10:29-31) Anumang panggigipit angmapaharap sa iyo, huwag sumuko. Huwagbalikan ang mga bagay na iniwan mo sa san-libutan. Kayraming pagpapala ang tinatama-sa ng mga nakilala ni Jehova!

18 Kung nakilala mo na si Jehova at nabau-tismuhan ka kamakailan, ano ang susunod?Sikaping makilala pa nang higit si Jehovaat sumulong sa espirituwal na pagkamaygu-lang. At kung matagal ka nang bautisado,ano ang susunod? Patuloy na palalimin at pa-lawakin ang iyong kaalaman kay Jehova. Hu-wag nating pabayaan ang ating kaugnayansa kaniya. Sa pana-panahon, repasuhin natinang ating espirituwal na checklist para mati-yak na patuloy na lumalago ang ating kaug-nayan sa ating maibiging Ama, Kaibigan, atDiyos—si Jehova.—Basahin ang 2 Corinto 13:5, 6.17. Bakit kailangan ang pagbabata para manatili ta-yong malapıt kay Jehova?18. Yamang ‘nakilala mo na ang Diyos,’ ano ang gus-to mong gawin ngayon?

MARSO 15, 2013 17

Page 18: MARSO 15, 2013 34567 - jw- · PDF fileBagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasu-latan. Publishers: ... tayo ay apektado ng sarili nating kahinaan at ng sa iba. Kaya naman kung minsan,

18 ANG BANTAYAN

Ang isang mahalagang tulong ay ang kaaliwang na-tatanggap natin mula sa ating kapamilya, kaibigan, atmga kapananampalataya.

Ang mabait at magiliw na pananalita ng ating kai-bigan ay gaya ng pamahid na nagpapagaling at na-kagiginhawa sa atin. (Kaw. 16:24; 18:24; 25:11) Peroang mga tunay na Kristiyano ay hindi lang tumatang-gap ng kaaliwan. Sinisikap din nilang ‘aliwin yaongmga nasa anumang uri ng kapighatian sa pamama-gitan ng kaaliwan na ipinang-aaliw din naman sa ka-nila ng Diyos.’ (2 Cor. 1:4; Luc. 6:31) Ganiyan ang na-ranasan ni Antonio, isang tagapangasiwa ng distritosa Mexico.

Nang ma-diagnose na mayroon siyang lymphoma,isang uri ng kanser sa dugo, nanlumo si Antonio. Sakabila nito, sinikap pa rin niyang kontrolin ang ka-niyang negatibong mga damdamin. Paano? Inaalaa-la niya ang mga awiting pang-Kaharian at inawit angmga iyon para mabulay-bulay ang liriko. Nakatulongdin nang malaki sa kaniya ang pananalangin nangmalakas at pagbabasa ng Bibliya.

Pero ngayon, alam ni Antonio na ang isa sa pi-nakamalalaking tulong na natanggap niya ay mulasa mga kapananampalataya niya. Sinabi niya: “Ka-pag nababahala kaming mag-asawa, hinihilingan na-min ang isang kamag-anak na elder sa kongregasyonna puntahan kami at manalangin kasama namin. Da-hil dito, naaaliw kami at nagiging kalmado. Sa ka-tunayan,” ang dagdag pa niya, “dahil sa suporta ngaming pamilya at mga kapananampalataya, madalinaming napagtagumpayan ang negatibong mga dam-damin.” Talagang nagpapasalamat siya na mayroonsiyang maibigin at mapagmalasakit na mga kaibigan!

Ang isa pang tulong sa panahon ng kabagabaganay ang banal na espiritu. Sinabi ni apostol Pedro naito ay isang “walang-bayad na kaloob” mula sa Diyos.(Gawa 2:38) Napatunayang totoo iyan nang pahiranng banal na espiritu ang maraming alagad noong Pen-tecostes 33 C.E. Pero lahat tayo ay maaaring tumang-gap ng banal na espiritu. Walang katapusan ang sup-

lay ng kaloob na ito, kaya lagi natin itong hilingin saDiyos.—Isa. 40:28-31.

MAGPAKITA NG TAIMTIM NA MALASAKIT

SA MGA NAGDURUSA

Si apostol Pablo ay dumanas ng maraming pagdu-rusa. Sa ilang pagkakataon, nalagay pa nga siya sa bi-ngit ng kamatayan. (2 Cor. 1:8-10) Pero hindi tak

´ot

mamatay si Pablo. Naaliw siya dahil alam niyang hin-di siya pababayaan ng Diyos. Isinulat niya: “Pagpala-in nawa ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Kristo, ang Ama ng magiliw na kaawaan at ang Diyosng buong kaaliwan, na umaaliw sa amin sa lahat ngaming kapighatian.” (2 Cor. 1:3, 4) Hindi hinayaan niPablo na madaig siya ng awa sa sarili. Sa halip, humu-got siya ng lakas mula sa mga pagsubok na iyon paramaaliw rin niya ang ibang nagdurusa.

Nang makarekober si Antonio sa kaniyang karam-daman, naglingkod siyang muli bilang naglalakbayna tagapangasiwa. Dati na siyang may malasakit sakaniyang mga kapananampalataya. Pero silang mag-asawa ay lalong nagsikap na dalawin at patibayinang mga maysakit. Halimbawa, matapos dalawin angisang Kristiyano na may malubhang sakit, nalaman niAntonio na ayaw nang dumalo ng brother na ito. “Hin-di naman sa hindi na niya mahal si Jehova o ang mgakapatid,” ang sabi ni Antonio, “pero napakatindi ngepekto ng sakit niya, anupat pakiramdam niya’y walana siyang silbi.”

Para mapasigla ang may-sakit na brother, hinili-ngan siya ni Antonio na manalangin sa isang salu-salo. Bagaman atubili, pumayag ang brother. Sinabini Antonio: “Napakaganda ng panalangin niya. Mulanoon, parang nagbago ang disposisyon niya. Nadamaniyang may silbi na siyang muli.”

Oo, lahat tayo ay nakaranas na ng iba’t ibang pagdu-rusa. Pero gaya ng sinabi ni Pablo, makatutulong itopara maaliw rin natin ang iba. Kung gayon, maging pa-laisip sa pagdurusa ng ating mga kapuwa Kristiyano at

tularan ang ating Diyos na Jehova sa pang-aaliw sa iba.

Maaliw at Mang-aliwDahil sa di-kasakdalan, nagkakasakit tayong lahat, ang ilan ay malubha pa nga. Kapag

ganiyan ang ating kalagayan, paano natin ito haharapin?

Page 19: MARSO 15, 2013 34567 - jw- · PDF fileBagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasu-latan. Publishers: ... tayo ay apektado ng sarili nating kahinaan at ng sa iba. Kaya naman kung minsan,

PANATAG ka ba sa sanlibutang ito? Kung hindi, huwagkang mag-alala dahil hindi ka nag-iisa! Mula noong sinau-nang panahon, nadarama ng lahat ng tunay na nagmama-hal kay Jehova na sila ay mga estranghero, o mga dayuhan,sa sistemang ito ng mga bagay. Halimbawa, habang nagpa-palipat-lipat ng kampamento sa lupain ng Canaan ang ta-pat na mga mananamba ng Diyos, ‘hayagan nilang sinabina sila ay mga taga-ibang bayan at mga pansamantalangnaninirahan sa lupain.’—Heb. 11:13.

2 Ang “pagkamamamayan” ng mga pinahirang tagasu-nod ni Kristo ay “nasa langit.” Kaya naman, itinuturing nilaang kanilang sarili bilang “mga dayuhan at mga pansaman-talang naninirahan” sa kasalukuyang sistema ng mga ba-gay. (Fil. 3:20; 1 Ped. 2:11) Ang “ibang mga tupa” ni Kristoay “hindi [rin] bahagi ng sanlibutan, kung paanong [si Je-sus] ay hindi bahagi ng sanlibutan.” (Juan 10:16; 17:16) Perohindi ibig sabihin na walang “tahanan” ang bayan ng Diyos.Sa katunayan, mayroon tayong ligtas na tahanang punung-puno ng pagmamahal—isang tahanang nakikita lang ngmata ng pananampalataya. Sumulat si Moises: “O Jehova,ikaw ay naging tunay na tahanang dako namin sa sali’t sa-linlahi.”� (Awit 90:1) Bakit masasabing si Jehova ang “taha-nang dako” para sa kaniyang tapat na mga lingkod noongunang panahon? Sa anong diwa siya ang “tunay na taha-nang dako” ng kaniyang bayan sa ngayon? At paanong siyalang ang magiging tiwasay na tahanang dako sa hinaharap?

SI JEHOVA—“TUNAY NA TAHANANG DAKO”

NG KANIYANG SINAUNANG MGA LINGKOD

3 Gaya ng maraming ilustrasyon sa Bibliya, ang Awit 90:1ay may paksa, larawan, at pagkakatulad. Ang paksa ay si

� Ganito ang salin ng Magandang Balita Biblia sa Awit 90:1: “Panginoonnaming Diyos, ikaw ang aming tahanan.”

1, 2. Ano ang nadarama ng mga lingkod ng Diyos sa kasalukuyangsistema ng mga bagay? Sa anong diwa mayroon silang tahanan?3. Anong paksa, larawan, at pagkakatulad ang makikita natin saAwit 90:1?

SI JEHOVA—ANG ATINGTAHANANG DAKO

“O Jehova, ikaw aynaging tunay na taha-nang dako namin sasali’t salinlahi.”—AWIT 90:1.

PAANO MO SASAGUTIN?

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

Paano naging “tunay na tahanang

dako” si Jehova para sa kaniyang

sinaunang mga lingkod?

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

Ano ang matututuhan natin sa

halimbawa ni Abraham?

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

Paano natin maipakikita na si

Jehova ang ating “tunay na taha-

nang dako”?

19

Page 20: MARSO 15, 2013 34567 - jw- · PDF fileBagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasu-latan. Publishers: ... tayo ay apektado ng sarili nating kahinaan at ng sa iba. Kaya naman kung minsan,

20 ANG BANTAYAN

Jehova. Ang larawan ay isang tahanan. Mara-ming pagkakatulad si Jehova sa isang tahanan.Halimbawa, si Jehova ay naglalaan ng protek-siyon sa kaniyang bayan. Hindi nakapagtatakaiyan dahil siya mismo ang personipikasyon ngpag-ibig. (1 Juan 4:8) Siya rin ay Diyos ng ka-payapaan, anupat ‘pinatatahan nang tiwasay’ang mga tapat sa kaniya. (Awit 4:8) Talakayinnatin ang pakikitungo niya sa tapat na mga pa-triyarka, pasimula kay Abraham.

4 Malamang na nabalisa si Abraham, na ti-natawag noong Abram, nang sabihin ni Jeho-va: “Yumaon ka sa iyong lakad mula sa iyonglupain at mula sa iyong mga kamag-anak . . .patungo sa lupain na ipakikita ko sa iyo.”Pero tiyak na napatibay siya sa sinabi pa ni Je-hova: “Gagawa ako ng isang dakilang bansa

4, 5. Paano naging “tunay na tahanang dako” angDiyos para kay Abraham?

mula sa iyo at pagpapalain kita at padadaki-lain ko ang iyong pangalan . . . At pagpapala-in ko yaong mga nagpapala sa iyo, at siya nasumusumpa sa iyo ay susumpain ko.”—Gen.12:1-3.

5 Nangako si Jehova na magiging tiwasayna tahanan siya ni Abraham at ng mga inaponito. (Gen. 26:1-6) Tinupad ni Jehova ang pa-ngakong ito. Halimbawa, hinadlangan niyaang Paraon ng Ehipto at ang hari ng Gerarna si Abimelec sa pagkuha kay Sara at pag-patay kay Abraham. Ipinagsanggalang dinniya sina Isaac at Rebeka sa katulad na para-an. (Gen. 12:14-20; 20:1-14; 26:6-11) Maba-basa natin: “Hindi [pinahintulutan ni Jehovana] dayain sila ng sinumang tao, kundi dahilsa kanila ay sumaway siya ng mga hari, na si-nasabi: ‘Huwag ninyong galawin ang akingmga pinahiran, at ang aking mga propeta ayhuwag ninyong gawan ng masama.’ ”—Awit105:14, 15.

6 Kasama sa mga propetang iyon ang aponi Abraham na si Jacob. Nang panahon napara mag-asawa si Jacob, sinabihan siya ngkaniyang amang si Isaac: “Huwag kang ku-kuha ng asawa mula sa mga anak na babaeng Canaan. Bumangon ka, pumaroon ka saPadan-aram sa bahay ni Betuel na ama ngiyong ina at doon ka kumuha ng asawa mulasa mga anak na babae ni Laban.” (Gen. 28:1, 2) Agad na sumunod si Jacob kay Isaac.Iniwan ni Jacob ang katiwasayan sa piling ngkaniyang pamilya sa Canaan at lumilitaw namag-isang naglakbay nang daan-daang kilo-metro patungong Haran. (Gen. 28:10) Ma-rahil naisip niya: ‘Gaano katagal akong ma-papalayo? Tatanggapin kaya ako ng akingtiyuhin at bibigyan ako ng asawang may-takot sa Diyos?’ Kung nabalisa man si Jacob,nawala ito nang makarating siya sa Luz, mga100 kilometro mula sa Beer-sheba. Ano angnangyari pagdating niya sa Luz?

6. Ano ang iniutos ni Isaac kay Jacob? Ano ang mala-mang na nadama ni Jacob?

“Hindi kita iiwan”

Page 21: MARSO 15, 2013 34567 - jw- · PDF fileBagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasu-latan. Publishers: ... tayo ay apektado ng sarili nating kahinaan at ng sa iba. Kaya naman kung minsan,

7 Sa Luz, nagpakita si Jehova kay Jacobsa panaginip at nagsabi: “Narito, ako ay su-masaiyo at iingatan kita sa lahat ng paroro-onan mo at ibabalik kita sa lupang ito, sa-pagkat hindi kita iiwan hanggang sa magawako nga ang sinalita ko sa iyo.” (Gen. 28:15)Siguradong napatibay si Jacob sa mabait napananalitang iyon! Pagkatapos, tiyak na ina-sam-asam niya kung paano tutuparin ni Jeho-va ang Kaniyang pangako. Kung iniwan moang iyong tahanan para maglingkod sa ibangbansa, malamang na naiintindihan mo angmagkahalong emosyon ni Jacob. Pero tiyakna naranasan mo rin ang pagmamalasakit saiyo ni Jehova.

8 Nang makarating si Jacob sa Haran, ma-init siyang tinanggap ng tiyuhin niyang siLaban at nang maglaon ay ibinigay nito sakaniya sina Lea at Raquel bilang asawa.Pero di-nagtagal, sinikap ni Laban na dayainsi Jacob, anupat binago nang sampung ulitang kabayaran nito! (Gen. 31:41, 42) Tiniisni Jacob ang kawalang-katarungang ito da-hil nagtitiwala siyang hindi siya pababayaanni Jehova—at talagang pinangalagaan Niyasiya! Nang sabihin ng Diyos kay Jacob na bu-malik sa Canaan, mayroon na siyang “mala-laking kawan at mga alilang babae at mgaalilang lalaki at mga kamelyo at mga asno.”(Gen. 30:43) Buong-pasasalamat na nanala-ngin si Jacob: “Ako ay di-karapat-dapat salahat ng maibiging-kabaitan at sa lahat ngkatapatan na ipinakita mo sa iyong lingkod,sapagkat ang dala ko lamang ay ang akingbaston nang tawirin ko itong Jordan at nga-yon ay naging dalawang kampo na ako.”—Gen. 32:10.

9 Totoo nga ang sinabi ni Moises sa panala-ngin: “O Jehova, ikaw ay naging tunay na ta-hanang dako namin sa sali’t salinlahi”! (Awit

7. Paano pinatibay ng Diyos si Jacob sa pamamagitanng panaginip?8, 9. Sa anong mga paraan naging “tunay na taha-nang dako” si Jehova para kay Jacob? Ano ang matu-tutuhan natin dito?

90:1) Kapit pa rin hanggang sa ngayon angpananalitang iyan. Kay Jehova ay “wala manlamang pagbabago sa pagbaling ng anino” atnananatili siyang isang tiwasay na tahananpara sa mga tapat sa kaniya. (Sant. 1:17) Isa-alang-alang natin kung paano.

SI JEHOVA—“TUNAY NA TAHANANG DAKO”

NATIN SA NGAYON

10 Ipagpalagay mong tumetestigo ka labansa isang makapangyarihang sindikato. Anglider nito ay napakatuso, makapangyarihan,napakasinungaling, at mamamatay-tao. Anoang madarama mo paglabas mo ng korte ma-tapos ang pagdinig? Panatag? Imposible! Na-tural lang na humingi ka ng proteksiyon.Ganiyan ang kalagayan ng mga lingkod ni Je-hova, na may-katapangang nagpapatotoo kayJehova at walang-takot na nagbubunyag sakaniyang malupit na kaaway, si Satanas! (Ba-sahin ang Apocalipsis 12:17.) Pero napatahi-mik ba ni Satanas ang bayan ng Diyos? Hindi!Sa katunayan, patuloy ang ating pagsulong—isang bagay na naging posible dahil si Jeho-va ay nananatiling ating kanlungan, ang “tu-nay na tahanang dako” para sa atin, lalo nasa mga huling araw na ito. (Basahin ang Isa-ias 54:14, 17.) Pero siyempre, hindi magigingtiwasay na tahanang dako si Jehova sa atinkung magpapalinlang tayo kay Satanas.

11 Mayroon pa tayong matututuhan samga patriyarka. Kahit nakatira sila sa lu-pain ng Canaan, nanatili silang hiwalay samga tagaroon dahil kinasuklaman nila angmasasamang bagay na ginagawa ng mga ito.(Gen. 27:46) Sila ay mga taong may prinsi-pyo. Hindi nila kailangan ng mahabang lis-tahan ng mga pagbabawal. Sapat na sa ka-nila ang kaalaman nila tungkol kay Jehovaat sa kaniyang personalidad. Dahil si Je-hova ang kanilang tahanang dako, nagsikap

10. Bakit tayo makatitiyak na mananatiling tiwasayna tahanang dako si Jehova para sa kaniyang mgalingkod?11. Ano ang matututuhan natin sa mga patriyarka?

MARSO 15, 2013 21

Page 22: MARSO 15, 2013 34567 - jw- · PDF fileBagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasu-latan. Publishers: ... tayo ay apektado ng sarili nating kahinaan at ng sa iba. Kaya naman kung minsan,

22 ANG BANTAYAN

silang huwag maging bahagi ng sanlibutan.Napakagandang halimbawa para sa atin! Si-nisikap mo bang tularan ang tapat na mgapatriyarka sa pagpili ng mga kasama at liba-ngan? Nakalulungkot, may ilan sa kongre-gasyon na, sa paanuman, komportable nasa sanlibutan ni Satanas. Kung ganiyan ka,ipanalangin mo ito. Tandaan na ang sanli-butang ito ay kay Satanas, kung kaya masa-salamin dito ang kaniyang pagkamakasariliat kawalan ng malasakit.—2 Cor. 4:4; Efe. 2:1, 2.

12 Para malabanan ang mga pakana ni Sa-tanas, kailangang samantalahin natin angespirituwal na mga paglalaan ni Jehova sa

12. (a) Ano ang mga inilalaan ni Jehova sa kaniyangsambahayan ng mga mananampalataya? (b) Ano angnadarama mo sa mga paglalaang ito?

kaniyang sambahayan ng mga mananampa-lataya. Kabilang dito ang mga Kristiyanongpagpupulong, pampamilyang pagsamba, atang “mga kaloob na mga tao”—mga pas-tol na hinirang ng Diyos para magbigay ngkaaliwan at suporta habang nakikipagpun-yagi tayo sa mga problema sa buhay. (Efe. 4:8-12) Ganito ang isinulat ni Brother GeorgeGangas, na maraming taong naglingkod bi-lang miyembro ng Lupong Tagapamahala:“Para akong nasa sariling tahanan kapag ka-sama ko [ang bayan ng Diyos] sa espiritu-wal na paraiso.” Ganiyan din ba ang nadara-ma mo?

13 Ang isa pang katangian ng mga patriyar-ka na karapat-dapat tularan ay ang kanilanglakas ng loob na mapaiba sa mga taong naka-palibot sa kanila. Gaya ng binanggit sa para-po 1, ‘hayagan nilang sinabi na sila ay mgataga-ibang bayan at mga pansamantalang na-ninirahan sa lupain.’ (Heb. 11:13) Determi-nado ka bang mapaiba sa mga tao sa san-libutan? Totoo, hindi ito laging madali. Peromakakaya mo iyan sa tulong ng Diyos at ngmga kapuwa Kristiyano. Tandaan mong hin-di ka nag-iisa. Lahat ng naglilingkod kay Je-hova ay may pakikipaglaban! (Efe. 6:12) Peromagwawagi tayo kung magtitiwala tayo kayJehova at gagawin siyang ating tiwasay na ta-hanan.

14 Gaya ni Abraham, ituon natin ang atingmga mata sa gantimpala. (2 Cor. 4:18) Isinu-lat ni apostol Pablo na “hinihintay [ni Abra-ham] ang lunsod na may tunay na mga pun-dasyon, na ang tagapagtayo at maygawa nglunsod na ito ay ang Diyos.” (Heb. 11:10) Ang“lunsod” na iyon ay ang Mesiyanikong Kaha-rian. Kinailangang hintayin ni Abraham ang“lunsod” na iyon. Pero sa isang diwa, hindi nanatin ito kailangang hintayin dahil namama-hala na ito sa langit. Bukod diyan, ipinakiki-

13. Anong mahalagang aral ang matututuhan natinsa Hebreo 11:13?14. Anong “lunsod” ang hinihintay ni Abraham?

Inaalalayan at pinoprotektahan ng mga anghelang mga lingkod ng Diyos

Page 23: MARSO 15, 2013 34567 - jw- · PDF fileBagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasu-latan. Publishers: ... tayo ay apektado ng sarili nating kahinaan at ng sa iba. Kaya naman kung minsan,

MARSO 15, 2013 23

ta ng napakaraming ebidensiya na malapit naitong mamahala sa buong lupa. Totoo ba saiyo ang Kahariang iyan? Nakaiimpluwensiyaba ito sa iyong pananaw sa buhay, pangmalassa sanlibutang ito, at mga priyoridad?—Basa-hin ang 2 Pedro 3:11, 12.

ANG ATING “TAHANANG DAKO”

HABANG PAPALAP´IT ANG WAKAS

15 Habang papalapıt ang wakas ng sanli-butan ni Satanas, lalo pang titindi ang “mgahapdi ng kabagabagan” nito. (Mat. 24:7, 8)At tiyak na magiging mas mahirap ang bu-hay kapag nagsimula na ang malaking kapig-hatian. Guguho ang mga imprastraktura, atmanghihilakbot ang mga tao. (Hab. 3:16, 17)Palibhasa’y desperado, manganganlong sila“sa mga yungib at sa mga batong-limpak ngmga bundok.” (Apoc. 6:15-17) Pero walangmaibibigay na proteksiyon ang literal na mgayungib ni ang tulad-bundok na mga pulitikalat komersiyal na organisasyon.

16 Sa kabaligtaran, ang bayan ni Jehova aymananatiling ligtas sa kanilang “tunay na ta-hanang dako,” ang Diyos na Jehova. Gaya nipropeta Habakuk, “magbubunyi [sila] kay Je-hova.” Sila ay ‘magagalak sa Diyos ng kani-lang kaligtasan.’ (Hab. 3:18) Sa anong mgaparaan magiging “tunay na tahanang dako” siJehova sa panahon ng malaking kapighatian?Malalaman pa natin. Pero makatitiyak tayo:Gaya ng mga Israelita noong panahon ngPag-alis sa Ehipto, ang “malaking pulutong”ay mananatiling organisado at alisto sa tagu-bilin ng Diyos. (Apoc. 7:9; basahin ang Exodo13:18.) Isisiwalat ang tagubiling ito sa teokra-tikong paraan, malamang ay sa pamamagitanng kongregasyon. Maaaring ang libu-libongkongregasyon sa buong daigdig ang inilalara-wan ng “mga loobang silid” na inihula sa Isa-15. Ano ang magiging kinabukasan ng mga nagtiti-wala sa sanlibutang ito?16. Ano ang dapat nating maging pangmalas sa kon-gregasyong Kristiyano? Bakit?

ias 26:20. (Basahin.) Pinahahalagahan mo baang mga pulong ng kongregasyon? Agad mobang ikinakapit ang mga tagubiling ibinibi-gay ni Jehova sa pamamagitan ng kongrega-syon?—Heb. 13:17.

17 May mga tapat kay Jehova na baka ma-matay bago magsimula ang malaking kapig-hatian. Si Jehova ay mananatiling “tunay natahanang dako” para sa kanila. Paano? Ma-raming taon pagkamatay ng tapat na mgapatriyarka, sinabi ni Jehova kay Moises:“Ako ang Diyos . . . ni Abraham, ang Diyosni Isaac at ang Diyos ni Jacob.” (Ex. 3:6) Ma-tapos sipiin ni Jesus ang mga salitang ito, idi-nagdag niya: “Siya ay Diyos, hindi ng mgapatay, kundi ng mga buhay, sapagkat silanglahat ay buhay sa kaniya.” (Luc. 20:38) Oo,ang kaniyang mga lingkod na namatay nangtapat ay buhay sa paningin ni Jehova; sigu-rado ang kanilang pagkabuhay-muli.—Ecles.7:1.

18 Sa bagong sanlibutan, si Jehova ay ma-giging “tunay na tahanang dako” para sakaniyang bayan sa natatanging paraan. Si-nasabi sa Apocalipsis 21:3: “Narito! Ang tol-da ng Diyos ay nasa sangkatauhan, at tatahansiyang kasama nila.” Sa umpisa, si Jehova aytatahang kasama ng mga tao sa pamamagi-tan ng kaniyang kinatawan na si Kristo Je-sus. Pagkatapos ng sanlibong taon, isasau-li ni Jesus ang Kaharian sa kaniyang Ama,palibhasa’y naisakatuparan na niya ang ka-looban ng Diyos para sa lupa. (1 Cor. 15:28)Sa gayon, hindi na mangangailangan ng taga-pamagitan ang sakdal na sangkatauhan. SiJehova ay sasakanila. Napakagandang kina-bukasan! Kaya naman, gaya ng tapat na mgalingkod noon, gawin nating “tunay na taha-nang dako” si Jehova ngayon.

17. Sa anong diwa si Jehova ay mananatiling “tunayna tahanang dako” para sa kaniyang mga lingkod nanamatay nang tapat?18. Sa bagong sanlibutan, paano magiging “tunay natahanang dako” si Jehova para sa kaniyang bayan sanatatanging paraan?

Page 24: MARSO 15, 2013 34567 - jw- · PDF fileBagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasu-latan. Publishers: ... tayo ay apektado ng sarili nating kahinaan at ng sa iba. Kaya naman kung minsan,

24 ANG BANTAYAN

KARAMIHAN ng relihiyon sa Sangkakristiyanuhan ayhindi gumagamit ng pangalan ng Diyos. Halimbawa, gani-to ang mababasa sa paunang salita ng Revised Standard Ver-sion: “Ang paggamit ng anumang pangalang pantangi parasa iisa at tanging Diyos, [ay] hindi . . . angkop sa pangka-lahatang pananampalataya ng Simbahang Kristiyano.”

2 Sa kabaligtaran, ipinagmamalaki ng mga Saksi ni Je-hova na tawagin sila sa pangalan ng Diyos at luwalhatiinito. (Basahin ang Awit 86:12; Isaias 43:10.) Bukod diyan,pribilehiyo nating maunawaan ang kahulugan ng panga-lang iyon at ang pansansinukob na usapin tungkol sapagpapabanal dito. (Mat. 6:9) Iyan ay pribilehiyong dapatnating pahalagahan. Kaya naman, talakayin natin ang tat-long mahahalagang tanong: Ano ang ibig sabihin ng pag-kilala sa pangalan ng Diyos? Paano ipinakita ni Jehova nakarapat-dapat siya sa kaniyang dakilang pangalan? At pa-ano tayo lalakad sa pangalan ni Jehova?

KUNG ANO ANG IBIG SABIHIN NG PAGKILALA

SA PANGALAN NG DIYOS

3 Hindi sapat na alam natin ang pangalang “Jehova”para masabing kilala natin ang Diyos. Kailangang alamnatin ang reputasyon ni Jehova, pati na ang kaniyangmga katangian, layunin, at mga gawaing isinisiwalat ngBibliya, gaya ng pakikitungo niya sa kaniyang mga ling-kod. Siyempre pa, unti-unting ipinababatid ni Jehovaang mga ito, kasuwato ng kaniyang layunin. (Kaw. 4:18)Alam nating isiniwalat ni Jehova ang kaniyang pangalansa unang mag-asawa dahil ginamit ito ni Eva matapos ni-yang isilang si Cain. (Gen. 4:1) Alam ng tapat na mgapatriyarkang sina Noe, Abraham, Isaac, at Jacob ang pa-ngalan ng Diyos. Lalo nila itong napahalagahan nang ma-

1, 2. Di-tulad ng mga relihiyon sa Sangkakristiyanuhan, ano angpangmalas ng mga Saksi ni Jehova sa pangalan ng Diyos?3. Ano ang ibig sabihin ng pagkilala sa pangalan ng Diyos?

PARANGALAN ANGDAKILANG PANGALANNI JEHOVA

“Luluwalhatiin koang iyong pangalanhanggang sa panahongwalang takda.”—AWIT 86:12.

MAIPALILIWANAG MO BA?

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

Ano ang ibig sabihin ng pagkilala

sa pangalan ng Diyos?

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

Paano unti-unting isiniwalat ni Je-

hova ang kaniyang pangalan?

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

Ano ang ibig sabihin ng paglakad

sa pangalan ni Jehova?

Page 25: MARSO 15, 2013 34567 - jw- · PDF fileBagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasu-latan. Publishers: ... tayo ay apektado ng sarili nating kahinaan at ng sa iba. Kaya naman kung minsan,

ranasan nila ang pagpapala at pangangala-ga ni Jehova, at nang ipaalam niya sa kanilaang layunin niya. Nang maglaon, isiniwalatng Diyos kay Moises ang natatanging kahu-lugan ng Kaniyang pangalan.

4 Basahin ang Exodo 3:10-15. Nang 80 an-yos na si Moises, inutusan siya ng Diyos:“Ilabas mo mula sa Ehipto ang aking bayanna mga anak ni Israel.” Magalang na tumu-gon si Moises, anupat sa diwa ay itinanongniya: ‘Ano po ang pangalan ninyo’? Yamangmatagal nang alam ng mga tao ang panga-lan ng Diyos, bakit itinanong pa ito ni Moi-ses? Lumilitaw na gusto niyang malamankung anong uri ng Diyos si Jehova. Gusto ni-yang makumbinsi ang mga Israelita na tala-gang ililigtas sila ng Diyos. Natural lang namabahala si Moises dahil matagal nang inaa-lipin ang mga Israelita. Malamang na pinag-aalinlangan nila kung makakaya silang iligtasng Diyos ng kanilang mga ninuno. Sa katu-nayan, may mga Israelita na nagsimula nangsumamba sa mga diyos ng Ehipto!—Ezek. 20:7, 8.

5 Paano sinagot ni Jehova si Moises? Sinabiniya: “Ito ang sasabihin mo sa mga anak ni Is-rael, ‘Isinugo ako sa inyo ni AKO AY MAGIGINGGAYON.’ ”� Idinagdag pa niya: “Isinugo ako sainyo ni Jehova na Diyos ng inyong mga ninu-no.” Isiniwalat ng Diyos na siya ay magiginganuman na kinakailangan para matupad angkaniyang layunin, anupat lagi niyang tutupa-rin ang kaniyang pangako. Kaya sa talata 15,sinabi mismo ni Jehova: “Ito ang aking panga-lan hanggang sa panahong walang takda, atito ang pinakaalaala sa akin sa sali’t salinlahi.”Tiyak na napahanga si Moises at tumibay angkaniyang pananampalataya!

� Ang pangalan ng Diyos ay isang anyo ng pandiwangHebreo na nangangahulugang “maging.” Kaya ang “Je-hova” ay nangangahulugang “Kaniyang PinangyayaringMagkagayon.”—Gen. 2:4.

4. Bakit nagtanong si Moises tungkol sa pangalan ngDiyos? Bakit natural lang na mabahala si Moises?5. Ano ang isiniwalat ni Jehova kay Moises tungkol saKaniyang pangalan?

PINATUNAYAN NI JEHOVA NA KARAPAT-DAPAT

SIYA SA KANIYANG PANGALAN

6 Di-nagtagal matapos niyang atasan siMoises, lubusang pinatunayan ni Jehovana karapat-dapat siya sa kaniyang panga-lan nang maging Tagapagligtas siya ng Isra-el. Pinarusahan niya ang Ehipto nang magpa-sapit siya ng sampung mapaminsalang salotat ipinakita niyang inutil si Paraon at ang ibapang mga diyos ng Ehipto. (Ex. 12:12) Pagka-tapos, hinati ni Jehova ang Dagat na Pula, pi-natawid dito ang Israel, at nilunod si Paraonat ang hukbong militar nito. (Awit 136:13-15)Sa ‘malaki at kakila-kilabot na ilang,’ si Jeho-va ay naging Tagapag-ingat ng buhay sa pa-mamagitan ng paglalaan ng pagkain at tubigsa kaniyang bayan, na marahil ay binubuo ng

6, 7. Paano lubusang pinatunayan ni Jehova na kara-pat-dapat siya sa kaniyang dakilang pangalan?

Alam ni Moises ang kahulugan ng pangalan ng Diyos,at iyan ang nagpatibay ng pananampalataya niya

MARSO 15, 2013 25

Page 26: MARSO 15, 2013 34567 - jw- · PDF fileBagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasu-latan. Publishers: ... tayo ay apektado ng sarili nating kahinaan at ng sa iba. Kaya naman kung minsan,

dalawa hanggang tatlong milyon katao, o higitpa! Kahit ang mga kasuutan at sandalyas nilaay hindi naluma. (Deut. 1:19; 29:5) Oo, wa-lang makahahadlang kay Jehova sa pagtupadsa kaniyang mga pangako. Nang maglaon, si-nabi niya kay Isaias: “Ako—ako ay si Jehova,at bukod pa sa akin ay walang tagapagligtas.”—Isa. 43:11.

7 Nasaksihan din ng kahalili ni Moises na siJosue ang kagila-gilalas na mga gawa ni Jeho-va sa Ehipto at sa ilang. Kaya noong malapitnang mamatay si Josue, lakas-loob niyang na-sabi sa kaniyang mga kapuwa Israelita: “Nala-laman ninyong lubos ng inyong buong pusoat ng inyong buong kaluluwa na walang isamang salita sa lahat ng mabubuting salita nasinalita sa inyo ni Jehova na inyong Diyos angnabigo. Ang mga iyon ay nagkatotoong lahatpara sa inyo. Walang isa mang salita sa mgaiyon ang nabigo.” (Jos. 23:14) Tinupad ni Jeho-va ang lahat ng ipinangako niya.

8 Tinutupad din sa ngayon ni Jehova angkaniyang ipinangako. Sa pamamagitan ng ka-niyang Anak, inihula niya na sa mga hulingaraw, ang mensahe ng Kaharian ay ipanga-ngaral sa “buong tinatahanang lupa.” (Mat.24:14) Maliban sa Diyos na Makapangyari-han-sa-lahat, may iba pa bang makahuhulatungkol sa gayong gawain, titiyak na magaga-nap ito, at gagamit ng maraming “taong wa-lang pinag-aralan at pangkaraniwan” para isa-katuparan ito? (Gawa 4:13) Kaya naman,kapag nakikibahagi tayo sa gawaing ito, aktu-wal tayong nakikibahagi sa katuparan ng hu-lang ito sa Bibliya. Pinararangalan natin angating Ama at ipinakikita na dinidibdib natinang panalangin: “Pakabanalin nawa ang iyongpangalan. Dumating nawa ang iyong kahari-an. Mangyari nawa ang iyong kalooban, kungpaano sa langit, gayundin sa lupa.”—Mat. 6:9, 10.

DAKILA ANG KANIYANG PANGALAN

9 Di-nagtagal matapos ang Pag-alis ng mgaIsraelita sa Ehipto, nagkaroon ng bagong ka-ugnayan si Jehova sa kaniyang bayan. Sa pa-mamagitan ng tipang Kautusan, siya ay na-ging “asawang nagmamay-ari” sa kanila,anupat kusang-loob na binalikat ang mgapananagutang kaakibat nito. (Jer. 3:14) Angmga Israelita naman ay naging kaniyang ma-kasagisag na asawa, ang bayang tinatawag sapangalan niya. (Isa. 54:5, 6) Kung susundinnila ang kaniyang mga kautusan, siya’y ma-giging sakdal na ‘Asawa’ para sa kanila, anu-pat pagpapalain sila, ipagsasanggalang, at bi-bigyan ng kapayapaan. (Bil. 6:22-27) Sa gayon,ang dakilang pangalan ni Jehova ay malulu-walhati sa gitna ng mga bansa. (Basahin angDeuteronomio 4:5-8; Awit 86:7-10.) Sa katu-nayan, noong ang Israel ay bayan pa ng Diyos,maraming banyaga ang naakit sa tunay napagsamba. Parang sinabi nila ang sinabi ng

8. Paano pinatunayan ni Jehova sa ngayon na karapat-dapat siya sa kaniyang pangalan?9, 10. Ano pa ang matututuhan natin kay Jehova sakaniyang pakikitungo sa mga Israelita?

Hindi kinilala ni Paraon si Jehova bilang Diyos

ANG BANTAYAN

Page 27: MARSO 15, 2013 34567 - jw- · PDF fileBagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasu-latan. Publishers: ... tayo ay apektado ng sarili nating kahinaan at ng sa iba. Kaya naman kung minsan,

MARSO 15, 2013 27

Moabitang si Ruth kay Noemi: “Ang iyong ba-yan ay magiging aking bayan.”—Ruth 1:16.

10 Sa loob ng mga 1,500 taon, isiniwalat niJehova ang maraming aspekto ng kaniyangpersonalidad sa pakikitungo niya sa Israel.Sa kabila ng paulit-ulit na pagrerebelde ngbayan, pinatunayan ni Jehova na isa siyang“Diyos na maawain” at “mabagal sa pagkaga-lit.” Nagpakita siya ng napakahabang pagtitiissa kanila. (Ex. 34:5-7) Pero umabot ito sa suk-dulan nang itakwil at ipapatay ng bansang Ju-dio ang kaniyang Anak. (Mat. 23:37, 38) Hin-di na sila maaaring tawagin sa pangalan ngDiyos. Sa pangmalas ni Jehova, sila ay nagingpatay sa espirituwal, tulad ng tuyot na pu-nungkahoy. (Luc. 23:31) Paano ito nakaapek-to sa saloobin nila sa pangalan ng Diyos?

11 Sa paglipas ng panahon, ang mga Israe-lita ay nagkaroon ng pamahiin tungkol sa pa-ngalan ng Diyos. Inisip nilang napakabanalnito at hindi dapat bigkasin. (Ex. 20:7) Kayadumating sa punto na hindi na nila ginamitang pangalan ng Diyos. Walang-alinlangangnasaktan si Jehova sa paglapastangang itosa kaniyang pangalan. (Awit 78:40, 41) Tiyakna hindi papayag ang Diyos, “na ang panga-lan ay Mapanibughuin,” na patuloy na gami-tin ng isang bayang mapaghimagsik ang kani-yang pangalan. (Ex. 34:14) Itinuturo nito nanapakahalagang igalang natin ang pangalanng ating Maylalang.

ISANG BAGONG BAYAN NA TINATAWAG

SA PANGALAN NG DIYOS

12 Sa pamamagitan ni Jeremias, isiniwalatni Jehova ang kaniyang layunin na magtatagng “isang bagong tipan” sa isang bagong ban-sa, ang espirituwal na Israel. Lahat ng mi-yembro nito, “mula sa pinakamababa sa ka-nila at maging hanggang sa pinakadakila sakanila,” ay ‘makakakilala kay Jehova.’ (Jer. 31:31, 33, 34) Nagsimulang matupad ang hulang

11. Bakit hindi na ginamit ng bansang Judio ang pa-ngalan ni Jehova?12. Sino ang naging bayang tinatawag sa pangalan ngDiyos?

iyan noong Pentecostes 33 C.E. Itinatag ngDiyos ang bagong tipan. Ang bagong bansangiyon, ang “Israel ng Diyos,” na kinabibilanganng mga Judio at di-Judio, ay naging ‘isang ba-yan ukol sa pangalan ng Diyos.’ Sila ay “mgataong tinatawag ayon sa aking pangalan,” angsabi ni Jehova.—Gal. 6:16; basahin ang Gawa15:14-17; Mat. 21:43.

13 Bilang ‘mga taong tinatawag ayon sa pa-ngalan ng Diyos,’ ginagamit ng mga miyem-bro ng espirituwal na bansang iyon ang banalna pangalan, lalo na kapag sumisipi sa He-breong Kasulatan.� Kaya nang magpahayagsi apostol Pedro sa malaking grupo ng mgaJudio at proselita noong Pentecostes 33 C.E.,ginamit niya ang pangalan ng Diyos nangmaraming ulit. (Gawa 2:14, 20, 21, 25, 34) Pi-narangalan ng unang mga Kristiyano si Jeho-va kaya pinagpala niya ang kanilang panga-ngaral. Sa katulad na paraan, pinagpapala niJehova ang ating ministeryo kapag ipinaha-hayag natin sa iba ang kaniyang pangalan atipinakikita ito mula sa kanilang kopya ng Bi-bliya, hangga’t maaari. Isang karangalan namaipakilala ang tunay na Diyos sa ganitongparaan! Para sa mga interesado, maaaring itoang pasimula ng isang matibay at habambu-hay na pakikipagkaibigan kay Jehova.

14 Nang maglaon, lalo na pagkamatay ngmga apostol, nagsimulang lumaganap sa kon-gregasyong Kristiyano ang apostasya. (2 Tes.2:3-7) Itinaguyod pa nga ng mga bulaang guroang tradisyong Judio na di-paggamit sa pa-ngalan ng Diyos. Pero hahayaan kaya ni Je-hova na tuluyang makalimutan ang kaniyang

� Ang tekstong Hebreo na ginamit ng unang mga Kris-tiyano ay naglalaman ng Tetragrammaton. Ipinakikitang ebidensiya na gayon din ang unang mga kopya ngSeptuagint, isang salin ng Hebreong Kasulatan sa wikangGriego.

13. (a) Ginamit ba ng unang mga Kristiyano ang pa-ngalan ng Diyos? Ipaliwanag. (b) Ano ang saloobinmo sa paggamit sa pangalan ni Jehova sa iyong minis-teryo?14, 15. Sa kabila ng paglaganap ng apostasya, paanoiningatan ni Jehova ang kaniyang pangalan?

Page 28: MARSO 15, 2013 34567 - jw- · PDF fileBagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasu-latan. Publishers: ... tayo ay apektado ng sarili nating kahinaan at ng sa iba. Kaya naman kung minsan,

28 ANG BANTAYAN

pangalan? Hinding-hindi! Bagaman hindi ma-tiyak kung ano ang eksaktong bigkas dito, na-nanatili ang pangalang ito. Sa loob ng daan-daang taon, lumitaw ito sa iba’t ibang salin ngBibliya, pati na sa mga akda ng mga iskolarng Bibliya. Halimbawa, noong 1757, isinulatni Charles Peters na kung ihahambing sa ma-raming titulo ng Diyos, ang “Jehova” ang “wa-ring pinakamagandang paglalarawan sa kani-ya.” Sa isang aklat tungkol sa pagsamba saDiyos noong 1797, ganito sinimulan ni Hop-ton Haynes ang kabanata 7: “JEHOVA ang pa-ngalang pantangi ng DIYOS na kinikilala ngmga Judio; na tangi nilang sinasamba; gayarin ng ginawa ni Kristo at ng kaniyang mgaApostol.” Hindi lang ginamit ni Henry Grew(1781-1862) ang pangalan ng Diyos, kundi ki-nilala rin niya na nilapastangan ito at kai-langang pabanalin. Ginamit din ni GeorgeStorrs (1796-1879), malapıt na kasamahan niCharles T. Russell, ang pangalan ng Diyos,gaya ng ginawa ni Russell.

15 Napakahalaga ng taong 1931 dahil noontinanggap ng International Bible Students(gaya ng tawag noon sa bayan ng Diyos) angmaka-Kasulatang pangalan na Mga Saksi niJehova. (Isa. 43:10-12) Sa gayon, inihayag nilasa buong daigdig na ipinagmamalaki nilangmaging mga lingkod ng tanging tunay naDiyos, “isang bayan ukol sa kaniyang panga-lan,” na pumupuri sa pangalang iyon. (Gawa15:14) Ipinaaalaala sa atin ng mga pangyaya-ring ito ang sinabi ni Jehova sa Malakias 1:11:“Mula sa sikatan ng araw hanggang sa lubu-gan nito ay magiging dakila ang aking panga-lan sa gitna ng mga bansa.”

LUMAKAD SA PANGALAN NI JEHOVA

16 Isinulat ng propetang si Mikas: “Ang la-hat ng mga bayan, sa ganang kanila, ay lala-kad bawat isa sa pangalan ng kaniyang diyos;ngunit tayo, sa ganang atin, ay lalakad sa pa-ngalan ni Jehova na ating Diyos hanggang sa

16. Bakit natin dapat ituring na isang karangalan nalumakad sa pangalan ni Jehova?

panahong walang takda, magpakailan-kailan-man.” (Mik. 4:5) Hindi lang isang malakingkarangalan para sa mga Estudyante ng Bi-bliya na matawag sa pangalan ng Diyos. Isarin itong nakapagpapatibay na indikasyon nataglay nila ang pagsang-ayon niya. (Basahinang Malakias 3:16-18.) Kumusta ka naman?Sinisikap mo bang ‘lumakad sa pangalan niJehova’? Nauunawaan mo ba ang ibig sabihinniyan?

17 Tatlong bagay ang nasasangkot sa pag-lakad sa pangalan ng Diyos. Una, dapat na-ting ipaalam sa iba ang pangalang iyan, dahiltanging ang mga “tumatawag sa pangalan niJehova [ang] maliligtas.” (Roma 10:13) Ikala-wa, kailangan nating tularan ang mga kata-ngian ng Diyos, lalo na ang kaniyang pag-ibig.(1 Juan 4:8) At ikatlo, lumalakad tayo sa pa-ngalan ng Diyos kapag sinusunod natin angkaniyang matuwid na mga pamantayan, anu-pat iniiwasang magdulot ng upasala sa kani-yang pangalan. (1 Juan 5:3) Determinado kabang ‘lumakad sa pangalan ni Jehova na atingDiyos hanggang sa panahong walang takda’?

18 Di-magtatagal, ang mga nagwawalang-bahala o lumalapastangan kay Jehova ay ma-pipilitang kumilala sa kaniya. (Ezek. 38:23)Kasama sa mga ito ang mga taong gaya ni Pa-raon, na nagsabi: “Sino si Jehova, anupat su-sundin ko ang kaniyang tinig?” Talaga ngangnakilala niya kung sino si Jehova! (Ex. 5:1, 2;9:16; 12:29) Sa kabaligtaran, kusang-loob na-ting kinikilala si Jehova. Ipinagmamalaki na-ting dalhin ang kaniyang pangalan at sundinsiya. Kaya naman, makaaasa tayo ng magan-dang kinabukasan kapag natupad ang panga-ko sa Awit 9:10: “Yaong mga nakaaalam ngiyong pangalan ay magtitiwala sa iyo, sapagkattiyak na hindi mo iiwan yaong mga humaha-nap sa iyo, O Jehova.”

17. Ano ang nasasangkot sa paglakad sa pangalan ngDiyos?18. Bakit makaaasa ng magandang kinabukasan anglahat ng nagpaparangal sa dakilang pangalan ni Je-hova?

Page 29: MARSO 15, 2013 34567 - jw- · PDF fileBagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasu-latan. Publishers: ... tayo ay apektado ng sarili nating kahinaan at ng sa iba. Kaya naman kung minsan,

Sa Book XX ng Jewish Antiquities ng unang-siglong

istoryador na si Flavius Josephus, tinukoy niya ang

kamatayan ni “Santiago, kapatid ni Jesus na tina-

tawag na Kristo.” Kinikilala ng maraming iskolar na

totoo ang mga pananalitang ito. Pero may ibang

pananalita tungkol kay Jesus sa akda ring iyon na pi-

nag-aalinlanganan ng ilan. Ang bahaging ito ng akda

ay tinatawag na Testimonium Flavianum. Ganito ang

mababasa roon:

“Nang mga panahong ito, nariyan si Jesus, isang

pantas na tao, kung matatawag man siyang tao,

sapagkat gumagawa siya ng kamangha-manghang

mga gawa—isang guro ng mga taong malugod na tu-

matanggap sa katotohanan. Nahikayat niya ang ma-

rami sa mga Judio, at marami sa mga Gentil. Siya

ang Kristo; at nang hatulan siya ni Pilato na ipako sa

krus, udyok ng mga pangunahing lalaki sa gitna na-

tin, hindi siya iniwan ng mga unang umibig sa ka-

niya, dahil nagpakita siyang buh´ay sa kanila noong

ikatlong araw, kung paanong ito at ang sampung li-

bong iba pang kamangha-manghang bagay tungkol

sa kaniya ay inihula ng mga propeta ng Diyos; at

ang tribo ng mga Kristiyano, na isinunod sa kani-

yang pangalan, ay umiiral pa rin hanggang ngayon.”

—Josephus—The Complete Works, isinalin ni William

Whiston.

Noong huling bahagi ng ika-16 na siglo, nagsimu-

la ang mainit na debate sa pagitan ng mga naniniwa-

la sa bahaging ito ng akda at ng mga nag-aalinlangan

na si Josephus ang sumulat nito. Isang Pranses na

istoryador at dalubhasa sa klasikal na panitikan, si

Serge Bardet, ang nagsikap na pag-aralan ang usa-

ping ito na naging masalimuot sa nakalipas na ma-

higit apat na siglo. Inilathala niya ang kaniyang na-

saliksik sa aklat na pinamagatang Le Testimonium

Flavianum—Examen historique consid´

erations histo-

riographiques (Ang Testimonium Flavianum—Isang

Pag-aaral at Pagsasaliksik sa Kasaysayan).

Hindi Kristiyanong awtor si Josephus. Isa siyang is-

toryador na Judio; kaya ang sentro ng kontrobersiya

ay ang pagtawag niya kay Jesus bilang “ang Kristo.”

Sa pagsusuri ni Bardet, iginiit niya na ang pagga-

mit ng titulong ito ay katugmang-katugma ng “isti-

lo ng mga Griego na paglalagay ng [pamanggit na]

pantukoy sa pangalan ng mga tao.” Idinagdag pa ni

Bardet na mula sa pangmalas ng isang Judeo-Kristi-

yano, “hindi imposibleng gumamit si Josephus ng ter-

minong Christos,” sa halip, isa itong indikasyon na

“may-kamaliang binale-wala ng karamihan sa mga

kritiko.”

Posible kaya na ang akda ay dinagdagan na lang

nang maglaon ng isang manghuhuwad, na guma-

ya sa istilo ni Josephus? Batay sa ulat ng kasaysa-

yan at sa akda mismo, sinabi ni Bardet na imposi-

bleng mangyari iyon. Kailangan ang manghuhuwad

na “walang-katulad ang talento sa panggagaya,” sa

ibang pananalita, isa na kasinghusay mismo ni Jo-

sephus.

Bakit may ganitong isyu? Bilang pagtukoy sa ta-

lagang problema, sinabi ni Bardet na “di-gaya ng

karamihan sa mga sinaunang akda—pinag-aalinla-

nganan ang Testimonium dahil lang sa may kumu-

westiyon dito.” Sinabi pa niya na ang mga paninindi-

gan ng mga tao laban dito sa nakalipas na mga siglo

ay udyok ng “ibang motibo” sa halip na ng makatuwi-

rang pagsusuri sa akda, na pumapabor nang husto

sa autentisidad nito.

Hindi pa alam kung magbabago ang opinyon ng

ibang iskolar tungkol sa Testimonium Flavianum da-

hil sa pagsusuri ni Bardet. Pero nakumbinsi nito ang

isang bantog na dalubhasa sa Helenistikong Judais-

mo at sinaunang Kristiyanismo na si Pierre Geoltrain.

Matagal niyang itinuring na dagdag lang sa akda ni

Josephus ang Testimonium. Pinagtawanan pa nga

niya ang mga naniniwala rito. Pero nagbago ang opin-

yon niya. Sinabi niya na ang akda ni Bardet ang da-

hilan. Sinasabi ngayon ni Geoltrain na “wala nang da-

pat mangahas na tukuyin [ang Testimonium] bilang

‘di-kapani-paniwalang testimonya’ ni Josephus.”

Siyempre pa, may mas nakakukumbinsing dahilan

ang mga Saksi ni Jehova para maniwalang si Jesus

ang Kristo—ang ulat mismo ng Bibliya.—2 Tim. 3:16.

Talaga Bang si Josephus ang Sumulat Nito?

MARSO 15, 2013 29

Page 30: MARSO 15, 2013 34567 - jw- · PDF fileBagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasu-latan. Publishers: ... tayo ay apektado ng sarili nating kahinaan at ng sa iba. Kaya naman kung minsan,

Huwag Mawalanng Pag-asa!���������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

Matagal ka na bang Saksi ni Jehova���������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

at umaasang makasama mo���������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

sa pagsamba kay Jehova ang asawa mo?���������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

O nasiraan ka na ba ng loob���������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

dahil ang inaaralan mo sa Bibliya,���������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

na mukhang masulong sa umpisa,���������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

ay hindi nanindigan���������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

sa katotohanan?���������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

Halos 40 taon mula

nang unang makilala ni

Georgina ang mga

Saksi, nabautismuhan

din ang kaniyang asawa

Ganito ang mababasa sa sulat ni Alice

kay Stella: “Siguradong matutuwa ka

na ang inaralan mo ng Bibliya noong

1974 ay nabautismuhan kamakailan

sa isang pandistritong kombensiyon”

Page 31: MARSO 15, 2013 34567 - jw- · PDF fileBagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasu-latan. Publishers: ... tayo ay apektado ng sarili nating kahinaan at ng sa iba. Kaya naman kung minsan,

MARSO 15, 2013 31

Ipakikita ng ilang karanasan mula sa Britanyakung bakit hindi ka dapat mawalan ng pag-asa. Ma-lalaman mo rin kung ano ang puwede mong gawinpara ‘maihagis ang iyong tinapay sa ibabaw ng tu-big,’ wika nga, at matulungan ang mga hindi pa tu-mutugon sa katotohanan.—Ecles. 11:1.

MAHALAGA ANG PAGTITIYAGA

Mahalaga na huwag kang tumigil sa pagsambakay Jehova. Kailangan mong manghawakan sa kato-tohanan at mangunyapit kay Jehova. (Deut. 10:20)Ganiyan ang ginawa ni Georgina. Nang magsimulasiyang makipag-aral ng Bibliya sa mga Saksi ni Jeho-va noong 1970, galit na galit ang mister niyang siKyriacos. Tinangka nitong hadlangan ang pag-aaralni Georgina, hindi pinapapasok sa kanilang bahayang mga Saksi, at itinatapon ang anumang makitaniyang publikasyon ng mga Saksi ni Jehova.

Lalong nagalit si Kyriacos nang magsimulang du-malo si Georgina sa mga pulong ng kongregasyon.Isang araw, pumunta si Kyriacos sa Kingdom Hallpara makipagtalo. Nakita ng isang sister na mas sa-nay magsalita ng Griego si Kyriacos kaysa Ingles,kaya tinawagan niya ang isang brother na Griegomula sa ibang kongregasyon at pinapunta ito paratumulong. Maganda ang pagtugon ni Kyriacos sa ka-baitang ipinakita ng brother, at nakipag-aral pa ngasiya ng Bibliya rito sa loob ng ilang buwan. Pero hu-minto rin si Kyriacos.

Tatlong taon pang dumanas ng pagsalansang siGeorgina. Sinabi ni Kyriacos na iiwan niya si Geor-gina kapag nagpabautismo ito. Noong araw ng kani-yang bautismo, taimtim na nanalangin si Georginakay Jehova na sana’y huwag siyang iwan ni Kyriacos.Nang sunduin si Georgina ng mga Saksi papunta saasamblea, sinabi ni Kyriacos: “Mauna na kayo. Susu-nod kami sakay ng kotse namin.” Dumalo siya sa se-syon sa umaga at nasaksihan niya ang bautismo ngkaniyang misis!

Nang maglaon, nabawasan ang pagsalansang niKyriacos at nagsimula siyang magbago. Halos 40 taonmula nang unang makilala ni Georgina ang mga Sak-si, nabautismuhan din ang kaniyang asawa! Ano angnakatulong kay Kyriacos? Sinabi niya: “Tuwang-tuwaako kay Georgina dahil talagang determinado siya.”Sinabi ni Georgina: “Kahit salansang ang mister ko,hindi ako hihinto sa pagsamba sa aking Diyos. Saloob ng panahong iyon, patuloy akong nanalanginkay Jehova, at hindi ako nawalan ng pag-asa.”

MAHALAGA ANG BAGONG PERSONALIDAD

Para matulungan ang iyong asawa, mahalaga ringlinangin ang Kristiyanong personalidad. Pinayuhanni apostol Pedro ang mga Kristiyanong asawang ba-bae: “Magpasakop kayo sa inyu-inyong asawang la-laki, upang, kung ang sinuman ay hindi masunurinsa salita, mawagi sila nang walang salita sa pa-mamagitan ng paggawi ng kani-kanilang asawangbabae.” (1 Ped. 3:1) Sinunod ni Christine ang pa-yong iyan, bagaman inabot ng maraming taon bagoniya nawagi ang mister niyang si John. Nang ma-ging Saksi si Christine mahigit 20 taon na ang naka-raraan, hindi naniniwala sa Diyos ang asawa niya.Ayaw masangkot ni John sa relihiyon, pero nakitaniyang mahalaga kay Christine ang bagong relihi-yon nito. “Nakita kong masaya siya dahil dito,” angsabi ni John. “Naging matatag siya, at nakatulong itosa akin nang mapaharap ako sa maraming proble-ma.”

Hindi kailanman ipinilit ni Christine ang relihi-yon niya kay John, na umamin: “Sa simula pa lang,alam na ni Christine na ayokong pinakikialamanako, kaya hinayaan niya akong matuto sa sarili kongparaan.” Kapag may nakikita si Christine na mga ar-tikulo sa Bantayan o Gumising! na alam niyang magi-ging interesado si John, gaya ng tungkol sa siyensiyaat kalikasan, ipinakikita niya ang mga ito kay Johnat sinasabi, “Palagay ko magugustuhan mo ito.”

Nang maglaon, nagretiro si John at nagsimulangmag-gardening. Dahil marami na siyang panahon,napag-isip-isip niya ang malalalim na tanong sa bu-hay gaya ng, ‘Nagkataon lang ba na naririto tayo, omay layunin kung bakit tayo nilikha?’ Isang araw, ti-nanong si John ng brother na kakuwentuhan niya,“Ano kaya kung magpa-study ka?” “Ngayong nanini-wala na ako sa Diyos,” ang sabi ni John, “tinanggapko ang alok niya.”

Mabuti na lang at hindi nawalan ng pag-asa siChristine! Matapos niyang ipanalangin sa loob ng20 taon na sana ay tumanggap ng katotohanan siJohn, nabautismuhan ito. Ngayon, magkasama na si-lang masigasig na naglilingkod kay Jehova. Sinabi niJohn: “Dalawang bagay ang nakawagi sa akin—angkabaitan at ang pagiging palakaibigan ng mga Sak-si. At kapag isang Saksi ni Jehova ang asawa mo,mayroon kang tapat, maaasahan, at mapagsakripi-syong kabiyak.” Oo, ikinapit ni Christine ang sinasa-bi ng 1 Pedro 3:1, at nagtagumpay siya!

Page 32: MARSO 15, 2013 34567 - jw- · PDF fileBagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasu-latan. Publishers: ... tayo ay apektado ng sarili nating kahinaan at ng sa iba. Kaya naman kung minsan,

w13 03/15-TG

MGA BINHING NAMUNGA PAGKARAAN NG

MARAMING TAON

Kumusta naman ang mga inaaralan sa Bibliya nasa iba’t ibang kadahilanan ay nawalan ng interes?“Sa umaga ay ihasik mo ang iyong binhi at hang-gang sa kinagabihan ay huwag mong pagpahingahinang iyong kamay,” ang isinulat ni Haring Solomon,“sapagkat hindi mo nalalaman kung saan ito mag-tatagumpay, kung dito o doon, o kung ang dalawaay parehong magiging mabuti.” (Ecles. 11:6) Kungminsan, maaaring abutin ng maraming taon bago tu-mubo ang binhi ng katotohanan. Pero pagdating ngpanahon, baka maunawaan din ng isang tao ang ka-halagahan ng pagiging malapıt sa Diyos. (Sant. 4:8)Oo, balang-araw, baka masorpresa ka na lang.

Kuning halimbawa si Alice, na lumipat sa Englandmula sa India. Noong 1974, nag-aral siya ng Bibliya.Nagsasalita siya ng wikang Hindi pero gusto niyangmatuto pa ng Ingles. Nagpa-study si Alice sa loob ngilang taon, at ilang beses pa ngang dumalo sa pu-long ng isang kongregasyon sa wikang Ingles. Alamniyang ito na ang katotohanan, pero hindi niya itonapahalagahan. Bukod diyan, mas interesado siya sapera at sa mga parti. Nang maglaon, huminto na siyasa pag-aaral ng Bibliya.

Makalipas ang halos 30 taon, nakatanggap ng su-lat si Stella, ang dating nag-i-study kay Alice. Gani-to ang mababasa roon: “Siguradong matutuwa ka naang inaralan mo ng Bibliya noong 1974 ay nabautis-muhan kamakailan sa isang pandistritong komben-siyon. Naging mahalagang bahagi ka ng buhay ko.Ikaw ang naghasik ng binhi ng katotohanan sa akin,at bagaman hindi pa ako handang mag-alay ng sari-li ko sa Diyos noon, iningatan ko sa puso’t isip koang binhing iyon ng katotohanan.”

Ano ba ang nangyari? Ipinaliwanag ni Alice na na-depress siya nang mamatay ang mister niya noong1997. Nanalangin siya sa Diyos. Wala pang sampungminuto, dalawang Saksi na nagsasalita ng Punjabiang dumalaw sa tahanan niya at nag-iwan ng tractna Ano ang Pag-asa Para sa Namatay na mga Minama-hal? Nadama ni Alice na sinagot ang panalangin niyaat na dapat siyang makipag-ugnayan sa mga Sak-si ni Jehova. Pero paano? Nakita niya ang isang lu-mang diary na naglalaman ng adres ng kongrega-

syong Punjabi na ibinigay ni Stella noon. Pumunta siAlice sa Kingdom Hall at mainit siyang tinanggap ngmga kapatid doon na nagsasalita ng Punjabi. “Da-mang-dama ko ang pag-ibig na iyon kahit naghiwa-hiwalay na kami, at nakatulong iyon sa aking depre-syon,” ang sabi ni Alice.

Naging regular na siya sa pagdalo sa mga pulongat nagpatuloy sa kaniyang Bible study. Natuto siyangmagsalita at magbasa ng Punjabi. Noong 2003, na-bautismuhan siya. Ganito ang pagtatapos ng sulatniya kay Stella, “Maraming salamat sa paghahasikng mga binhing iyon 29 na taon na ang nakararaan,at sa pagpapakita ng mabuting halimbawa sa akin.”

Ano ang matututuhan mo sa mga karanasang ito?Maaaring mas matagal kaysa sa inaasahan mo, pero

kung ang isang tao ay gutom sa espirituwal, matapat,at mapagpakumbaba, pahihintulutan ni Jehova na tu-mubo ang katotohanan sa puso ng taong iyon. Tan-daan ang ilustrasyon ni Jesus: “Ang binhi ay sumisi-bol at tumataas, kung paano ay hindi . . . alam [ngmanghahasik]. Ang lupa sa ganang sarili ay nagbu-bunga nang unti-unti, una ay ang dahon, pagkataposay ang uhay sa tangkay, sa wakas ay ang kabuuangbutil sa uhay.” (Mar. 4:27, 28) Ang paglaking iyon ayunti-unti at “sa ganang sarili.” Ang totoo, hindi alamng bawat tagapaghayag ng Kaharian kung paano itonangyayari. Kaya patuloy na maghasik nang sagana,at balang-araw ay baka umani ka nang sagana.

At huwag mo ring kalimutan na mahalaga ang pa-nanalangin. Sina Georgina at Christine ay patuloyna nanalangin kay Jehova. Kung ‘magmamatiyagaka sa pananalangin’ at hindi mawawalan ng pag-asa,“pagkalipas ng maraming araw” ay baka masumpu-ngan mo uli ang “tinapay” na inihagis mo sa ibabawng tubig.—Roma 12:12; Ecles. 11:1.

������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

“Maraming salamat sa paghahasik������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

ng mga binhing iyon 29 na taon na������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

ang nakararaan, at sa pagpapakita ng������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

mabuting halimbawa sa akin.”—Alice������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

sAng magasing ito at

iba pang publikasyon ay

maaaring i-download nang

libre sa www.jw.org/tl

Mababasa rin ang Bagong

Sanlibutang Salin online