march 2016

8
Libre! VOLUME XXXVI Issue 3 MARCH 2016 Serving Los Baños and nearby communities www.lbtimes.ph LB celebrates Women’s Month Pulong para sa PNR housing validation, idinaos BFP, pinangunahan ang Fire Prevention Month Lakbay Alalay 2016 isinagawa ng LBMDRRM by Camille Anne Mendizabal and Renee Marsha Babao Continued on page 5 A human HIV symbol was one of the highlights of the Women's Month Celebration last March. With the theme “Kapakanan ni Juana, Isama sa Agenda!”, the Los Baños Gender and Development (GAD) Office spearheaded the month-long event as mandated by Proclamation No. 227, Series of 1988. Every year, the GAD Office organizes a series of activities promoting women's health and welfare in the municipality. The members of the Los Baños Barangay Women's Brigade were the prime collaborators in the celebration. The highlight of the International Women's Day celebration on March 8 was forming the human HIV symbol, which aimed to promote the municipality's HIV testing programs and to signify the participants' commitment to help the GAD Office with the advocacy. According to Karen Mercado, head of the GAD Office, people should not be afraid to have themselves tested. Mercado said that the number of reported HIV cases in Los Baños has been increasing, indicating the need to further strengthen HIV campaigns that Los Baños residents are formed into a human HIV symbol on March 8, 2016 as part of the celebrations for the National Women’s Day. (Photo from GAD Office Head Karen Mercado’s Facebook account) ni Jaztine Calderon Itutuloy sa pahina 5 Itutuloy sa pahina 4 Itutuloy sa pahina 6 ni Aleksis Sarmiento at Dionelyn Servañez ni Arman Esteban ng Brgy. Timugan, Los Baños Times Collaborator at LBMDRRM volunteer Pinangunahan ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) ang pagpupulong ng Local Inter-agency Committee (LIAC) tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng mga loteng hindi na ginagamit ng Philippine National Railway (PNR) na nasasakupan ng Los Baños. Noong nakaraang Pebrero 2016 ay nagkaroon ng mga land survey sa mga lote ng PNR sa Los Baños upang malaman ang bilang ng nakatira rito at kung may espasyo pang natitira na maaaring gawing mga pabahay. Makakatulong ang resulta ng land survey para sa pagpaplano ng proyektong pabahay sa mga lote ng PNR. Ani Ato Catipon, miyembro ng Municipal Urban and Development Housing Office (MUDHO), “Noong 2002 pa ang huling survey doon at madami pa noong bakanteng lote na pwede pang tayuan ng mga bahay ngunit ngayon ito ay punong- puno na ng mga informal settlers.” Ang survey ay isinasagawa upang planuhin muli Isinagawa ng Los Baños Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (LBMDRRMO) ang Lakbay Alalay: SUMVAC 2016 noong ika-20 hanggang 27 ng Marso. Ang nasabing proyekto ay naglalayon na gabayan ang mga residente at turista na dumayo sa Los Baños kasabay ng bakasyon at ng kwaresma. Layon din ng naturang proyekto na malapatan ng paunang lunas ang mga bisitang naaksidente habang nililibot ang Los Baños. Sa pamumuno ng LBMDRRMO, nagpulong ang iba’t-ibang mga organisasyon sa munisipalidad kabilang ang Kabalikat Civicom, UROCOM, COPS, LOBSET, ALERT, at Philippines Red Cross-Los Baños. Kasama rin sa mga tumulong ang mga kinatawan ng mga sumusunod na barangay: Anos, Bagong Silang, Batong Malake, Lalakay, Timugan. Ayon kay Kagawad Fredilino Parabuac ng Brgy. Timugan, “mahigpit na [ginabayan] ng “Kaalaman at Pagtutulungan ng Sambayanan, Kaligtasan sa Sunog ay Makakamtan” ang tema para sa Fire Prevention Month ngayong taon. Bilang bahagi ng Fire Prevention Month ngayong Marso, inikot ng Los Baños Bureau of Fire Protection (BFP) ang mga paaralan, opisina ng mga ahensya ng gobyerno, business establishments, at ang mga barangay ng Los Baños para magsagawa ng mga seminar, training, at fire drill. Binuksan din ng BFP ang kanilang tanggapan para sa mag-aaral. Ayon sa tala ng BFP Los Baños, mula 2015 ay may 11 naiulat na kaso ng sunog sa Los Baños. Nangunguna dito ang Batong Malake na may limang naiulat na kaso ng

Upload: los-banos-times

Post on 29-Jul-2016

239 views

Category:

Documents


7 download

DESCRIPTION

NEWS LB celebrates Women’s Month Pulong para sa PNR housing validation, idinaos BFP, pinangunahan ang Fire Prevention Month Lakbay Alalay 2016 isinagawa ng LBMDRRM LB-GAD nagsagawa ng nancial literacy training Libreng bakuna sa mga hayop isinagawa sa Los Baños DOST-PCAARRD holds SIPAG Fiesta CALABARZON lmmakers join Pelikultura 2016 Tuntungin-Putho, wagi sa idinaos na ‘Juana Got Talent’ SPES 2016 magsisimula na LBCES YES-O holds climate change seminar for elementary students Libreng prosthetic legs para sa 4 na LB amputees, handog ng Rotary Club FEATURE Mga Natatanging Buntis ng Los BañosA Farmer’s Other Half:Dairy-Based Opportunities from Carabao through CBED TATAK LB: Ang huling ani

TRANSCRIPT

Page 1: March 2016

Libre!VOLUME XXXVIIssue 3 MARCH 2016Serving Los Baños and nearby communities

www.lbtimes.ph

LB celebrates Women’s Month

Pulong para sa PNR housing validation, idinaos

BFP, pinangunahan ang Fire Prevention Month

Lakbay Alalay 2016 isinagawa ng LBMDRRM

by Camille Anne Mendizabal and Renee Marsha Babao

Continued on page 5

A human HIV symbol was one of the highlights of the Women's Month Celebration last March.

With the theme “Kapakanan ni Juana, Isama sa Agenda!”, the Los Baños Gender and Development (GAD) Office spearheaded the month-long event as mandated by Proclamation No. 227, Series of 1988. Every year, the GAD Office organizes a series of activities promoting women's health and welfare in the municipality.

The members of the Los Baños Barangay Women's Brigade were the prime collaborators in the celebration.

The highlight of the International Women's Day celebration on March 8 was forming the human HIV symbol, which aimed to promote the municipality's HIV testing programs and to signify the participants' commitment to help the GAD Office with the advocacy. According to Karen Mercado, head of the GAD Office, people should not be afraid to have themselves tested.

Mercado said that the number of reported HIV cases in Los Baños has been increasing, indicating the need to further strengthen HIV campaigns that

Los Baños residents are formed into a human HIV symbol on March 8, 2016 as part of the celebrations for the National Women’s Day. (Photo from GAD Office Head Karen Mercado’s Facebook account)

ni Jaztine Calderon

Itutuloy sa pahina 5

Itutuloy sa pahina 4 Itutuloy sa pahina 6

ni Aleksis Sarmiento at Dionelyn Servañez

ni Arman Esteban ng Brgy. Timugan, Los Baños Times Collaborator at LBMDRRM volunteer

Pinangunahan ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) ang pagpupulong ng Local Inter-agency Committee (LIAC) tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng mga loteng hindi na ginagamit ng Philippine National Railway (PNR) na nasasakupan ng Los Baños.

Noong nakaraang Pebrero 2016 ay nagkaroon ng mga land survey sa mga lote ng PNR sa Los Baños upang malaman ang bilang ng nakatira rito at kung may espasyo pang natitira na maaaring gawing mga pabahay. Makakatulong

ang resulta ng land survey para sa pagpaplano ng proyektong pabahay sa mga lote ng PNR.

Ani Ato Catipon, miyembro ng Municipal Urban and Development Housing Office (MUDHO), “Noong 2002 pa ang huling survey doon at madami pa noong bakanteng lote na pwede pang tayuan ng mga bahay ngunit ngayon ito ay punong-puno na ng mga informal settlers.” Ang survey ay isinasagawa upang planuhin muli

Isinagawa ng Los Baños Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (LBMDRRMO) ang Lakbay Alalay: SUMVAC 2016 noong ika-20 hanggang 27 ng Marso.

Ang nasabing proyekto ay naglalayon na gabayan ang mga residente at turista na dumayo sa Los Baños kasabay ng bakasyon at ng kwaresma. Layon din ng naturang proyekto na malapatan ng paunang lunas ang mga bisitang naaksidente habang nililibot ang Los Baños.

Sa pamumuno ng LBMDRRMO, nagpulong ang iba’t-ibang mga organisasyon sa munisipalidad kabilang ang Kabalikat Civicom, UROCOM, COPS, LOBSET, ALERT, at Philippines Red Cross-Los Baños. Kasama rin sa mga tumulong ang mga kinatawan ng mga sumusunod na barangay: Anos, Bagong Silang, Batong Malake, Lalakay, Timugan.

Ayon kay Kagawad Fredilino Parabuac ng Brgy. Timugan, “mahigpit na [ginabayan] ng

“Kaalaman at Pagtutulungan ng Sambayanan, Kaligtasan sa Sunog ay Makakamtan” ang tema para sa Fire Prevention Month ngayong taon.

Bilang bahagi ng Fire Prevention Month ngayong Marso, inikot ng Los Baños Bureau of Fire Protection (BFP) ang mga paaralan, opisina ng mga ahensya ng gobyerno, business

establishments, at ang mga barangay ng Los Baños para magsagawa ng mga seminar, training, at fire drill. Binuksan din ng BFP ang kanilang tanggapan para sa mag-aaral.

Ayon sa tala ng BFP Los Baños, mula 2015 ay may 11 naiulat na kaso ng sunog sa Los Baños. Nangunguna dito ang Batong Malake na may limang naiulat na kaso ng

Page 2: March 2016

2 LOS BAÑOS TIMES

E D I T O R I A L S TA F FCharmaine DistorHeidecel SerranoCamille Anne MendizabalRicarda VillarEditors-in-Chief

Czarina ArevaloDebbie MelgarejoRenee Marsha BabaoAssociate Editors

Jaztine CalderonJordan CabarlesJuan Gabriel TalensVicente MoranoRicarda VillarLayout Artists

Elijah Jesse PineLisa CabreraWinifredo DagliRosa Pilipinas F.-FranciscoAdvisers

Jhom Marvin SurioDionelyn ServañezZane Cortez and Jhobel LaurenteNews Editors

The Los Baños Times is produced by the students and staff of the Department of Development Journalism

at the UP Los Baños College of Development Communication in partnership with collaborators from

local government agencies, civil society organizations, and schools in Los Baños. No part of this paper

may be reproduced or distributed in any form or by any means stored in a database or retrieval system

without prior consent. All rights reserved.

The Los Baños Times is located at Rm. 201B, Department of Development Journalism,

College of Development Communication, University of the Philippines Los Baños

College, Laguna

Tel. No.: (049) 536-2511 local 401 or 410Email: [email protected]

Website: http://lbtimes.ph

NEWSLB-GAD nagsagawa ng financial literacy training

Libreng bakuna sa mga hayop isinagawa sa Los Baños

nina Anna Nicole Teston at Aliana Bianca Baraquio

ni Dionelyn Servañes

RMBabao ■ DZBulfa ■ MCabillan ■ JCalderon ■ MFCiasico ■ZACortez ■ FMFlores ■ MTJFungo ■ MIlang-Ilang ■ GTItchon ■ RMManahan ■ PMarvida ■ CAMendizabal ■ NAMercado ■ RLMojado ■ JGTalens ■ AQuinones ■ JPRington ■ ASarmiento ■ DServañezWriters

Jahn Patrice RingtonFlorianne Amion AlvarezRoi Louis Mojado and Joy Camille LuzaFeature Editors

Idinaos ng Gender and Development (GAD) Office ng Los Baños ang Pinoy WISE Training on Family and Income Management noong ika-4 ng Marso 2016 sa New Municipal Building Multipurpose Hall.

Ang seminar ukol sa pagpapaunlad ng financial literacy ay para sa mga kapamilya ng mga overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Los Baños, kasalukuyang nagtatrabaho o nagretiro na. Ito ay isinagawa upang matugunan ang mga pampinansyal na pangangailangan ng mga kapamilya ng mga OFW mula sa Los Baños.

Tinalakay sa seminar ang mga positibo at negatibong dulot ng migration, at ang konsepto ng pagtitipid at epektibo at tamang goal setting. Sinundan ito ng mga workshop sa needs assessment, budgeting, at tracking expenses. Bukod sa budgeting, ipinaliwanag din ang benepisyo ng pagkakaroon ng mga investment bilang isang paraan kung saan mapapalago ng mga kapamilya ng OFWs ang naiipon nila.

Kasama ring tinalakay sa seminar ang mga positibo at negatibong epekto ng pagtatrabaho sa ibang bansa sa pamilya ng mga OFW, lalo na sa mga anak nila, upang mapanatili ang kaayusan ng pamilya.

Ang 15 trainers ng naturang seminar ay pawang mga empleyado ng Provincial Public Employment Service Office na mayroon ring mga kamag-anak na OFWs.

Ayon kay Karen Lagat-Mercado, ang head ng GAD Office, layon ng programa na makabuo ng Los Baños OFW Family Circle kung saan magkakaroon ng organisasyon ng mga asawa, anak, kamag-anak at kapamilya ng mga OFWs, OFW returnees, at dating OFW workers.

Ang seminar ay naisagawa sa pagtutulungan ng Pinoy WISE - PINOY WISE (Worldwide Initiative for Savings Investment and Entrepreneurship), International Fund for Agricultural

Development, Union of Local Authorities of the Philippines, Public Employment Service Office ng Los Baños, Atikha Overseas Workers and Communities Initiative, Inc., at Migration for Development.

Ang Pinoy WISE Movement ay binubuo ng Athika at ng Philippine Consortium on Migration and Development (PHILCOMDEV) upang mabigyan ng tamang impormasyong pinansyal ang mga OFWs at ang kanilang mga pamilya tungkol sa sa pag-iipon, pag-i-invest at pagpapalago ng pera sa pamamagitan ng pagnenegosyo. Maliban sa Laguna, ginaganap na ang naturang programa sa ibang probinsya tulad ng Batangas, Laguna, Tarlac, at iba pa sa tulong ng International Fund for Agricultural Development - Financing Facility for Remittances.

Para sa karagdagang impormasyon, maaring bisitahin ang Pinoy WISE International website sa www.pinoywiseinternational.org.

Humigit kumulang na 1,699 na alagang hayop ang nabigyan ng libreng bakuna sa taunang Anti-Rabies Vaccination mula ika-28 ng Pebrero hanggang ika-17 ng Marso.

Ang proyektong ito ay handog ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor sa pakikipagtulungan ng University of the Philippines Society for the Advancement of Veterinary Education and Research (UP-SAVER), at University of the Philippines Rodeo Club.

Isinagawa ang proyekto bilang bahagi ng pagdiriwang sa National Rabies Awareness Month ngayong Marso at upang isulong ang layuning gawing “rabies-free community” ang Los Baños sa darating na 2020.

Kabilang sa mga barangay na nabigyan ng libreng bakuna ang mga barangay ng Anos, Mayondon, Malinta, Bayog, San Antonio, Maahas, at Bambang. Ayon kay Mariel Rebosura, bise-presidente ng UP SAVER, napili ang mga benipisyaryo base sa mga komunidad na hindi pa naaabot ng serbisyo, at sa dami ng populasyon ng mga alagang hayop gaya ng aso at pusa sa bawat barangay.

Ang Brgy. Anos ang una at may pinakamaraming nabigyan ng libreng bakuna na may bilang na 375 noong Pebrero 28. Sinundan ito ng Brgy. Bambang (363), Mayondon (269), Lalakay (258), Bayog (205), San Antonio (114), Maahas (81), at Malinta (34). Ang mga

libreng bakuna ay mula sa Bureau of Animal Industry.

Apat hanggang limang volunteer kasama ng isang veterinarian ang nakadestino sa bawat barangay. Karamihan sa mga volunteer ay estudyante ng UPLB Veterinary Medicine.

Ayon sa mga ng UP SAVER, ngayong taon ay naging mas madali ang pagkuha ng partisipasyon sa mga tao sa programa.

Maliban sa mga posters, gumamit din ngayon ang mga organisasyon ng social media sites upang mas madaling ipakalat ang balita ukol sa gaganaping libreng pagbabakuna.

Ayon kay Baby Villegas, residente ng San Antonio, taun-taon ay dumadalo siya sa

Itutuloy sa pahina 5

Page 3: March 2016

3LOS BAÑOS TIMES

I-share ang inyong mga larawan/videos tungkol sa Los Baños dito sa Los Baños Times!

Mapa-Facebook, Twitter, o Instagram man, gamitin lamang ang mga sumusunod na hashtags para mailathala namin ang inyong mga posts.

#LBTimes #RondaLB

#LBTimes #TatakLB

#LBTimes #UlatBayan

NEWSDOST-PCAARRD holds SIPAG Fiestaby Gabrielle Therese Itchon and Raymond Martin Manahan

DOST Sec. Mario Montejo checks out various exhibits at the PCAARRD Innovation and Technol-ogy Center. (Photo by GItchon)

The Philippine Council for Agricultural, Aquatic, and Natural Resources Research and Development (PCAARRD) showcased products of scientific research during the Strategic Industry S&T Programs for Agri-aqua Growth (SIPAG) through the Farms and Industry Encounters through the Science and Technology Agenda (FIESTA) from March 2-4.

The SIPAG Fiesta featured PCAARRD’s achievements for the past six years in the exhibits on technologies and products, and series of fora about innovative technologies on agriculture, aquatic resources, livestock, crops, forestry, and natural resources. There were also bazaars featuring S&T-based products and a “convergence hub” for technology users and investors in the agriculture and aquatic sectors.

The first day of the SIPAG fiesta was also the opening and blessing of the DOST-PCAARRD Innovation and Technology Center (DPITC). It is where the science and technology innovations of the different partners and research-based institutions were showcased.

DOST Secretary Mario G. Montejo said that the breakthroughs of science and technology were well-showcased and was done in a festive manner.

Several seminars about innovations on agriculture, aquatic resources, livestock, and forestry were simultaneously held during the event. Some of the topics discussed included technologies on the shrimp, mangrove crab, and milkfish industries in the Philippines. According to Dr. Danilo Cardenas, the head coordinator of SIPAG Fiesta, the main

purpose of the event was to showcase the achievements of DOST-PCAARRD to their varied stakeholders.

Aside from partner local government units and research-based institutions, students were also invited to SIPAG Fiesta to “encourage them to go into science courses, become agriculturists themselves.” Dr. Cardenas also pointed out that they need a new generation of agriculturists. SIPAG Fiesta was organized in the pursuit of “bringing out those knowledge, those information, and converting that knowledge that (the) public can appreciate, can use, can see for themselves,” said Dr. Cardenas.

Farmers, fisherfolk, high school and college students, and educators from different academic and research-based institutions as well as investors and other technology users attended the SIPAG Fiesta where academic and research institutions exhibited their scientific and technology innovations.

Sen. Cynthia Villar, chair of the senate Committee on Agriculture and Food, attended the event and emphasized that SIPAG Fiesta proved that “merong pag-asa ang agriculture sa Pilipinas.”

CALABARZON filmmakers join Pelikultura 2016by Raymond Manahan

Southern Tagalog filmmakers showcased their craft in the 6th CALABARZON Film Festival entitled “Pelikutura 2016” held at the University of the Philippines Los Baños (UPLB) from March 1-3 .

Eighteen entries were shortlisted as finalists and were featured in the free film screening part of the festival.

The entry “Uli” by UPLB alumnus Mark Ian Billante won Best Film in the student category, while “Kyel” by Arvin Belarmino won the same award in the open category.

Other awardees in the student category included: “Uli” (Best Editing); “Para Po” by Kristina Macaraeg (Best Sound Design); “Indifference” by Alfonso Raphael Silva (Best Production Design); Dennis Llanes and Steven Victor (Best Director for “Tangis”); “Spaceman” by Miguel Eleazar Pablo (Best Cinematography); “Uli” (Best Screenplay); “Uli” (Best Performance).

For the open category, the other awardees were: “Kyel” (Best Editing); “Itlog na Hindi

Masyadong Maalat” by Lexian Losley Avestrus (Best Sound Design); “Kyel” (Best Production Design); Arvin Belarmino (Best Director for “Kyel”); “Kyel” (Best Cinematography); “Tina” by Rhon Kenneth Mercado (Best Screenplay); Frank Ferguson (Best Performance for “Kyel”).

Arvin Belarmino, director of the award winning short film “Kyel”, addressed aspiring film makers during the closing ceremony of the event. “Yung mga mahilig gumawa ng pelikula, gawa lang ng gawa, hindi dahilan ang pera sa paggawa ng pelikula,” said Belarmino.

Pelikultura was first conceptualized in 2010, and was based on Cinema Rehiyon, a regional film festival showcasing masterpieces of artists in each region of the country. Cinema Rehiyon is a project of the National Commission for Culture and the Arts, which was also one of the co-presenters of Pelikultura 2016.

Para sa lahat ng posts tungkol sa bayan ng Los Baños - larawan o video ng aktibidades, balita, traffic report, at iba pa

Para sa mga natatanging kwento ng mga indibidwal o samahan mula sa inyong barangay o opisina na nais niyong mailathala dito sa Los Baños Times

Para maipamahagi ang mga gawain at proyekto ng inyong barangay, samahan, o ahensya sa bayan ng Los Baños

Page 4: March 2016

4 LOS BAÑOS TIMES NEWS

SPES 2016 magsisimula na

Tuntungin-Putho, wagi sa idinaos na ‘Juana Got Talent’

ni Faith Marie Flores

nina Zane Andrei Cortez at Roi Louis Mojado

Inaasahang magsisimula na sa darating na ika-18 ng Abril ang summer job ng mga kabataang mag-aaral mula Los Baños sa ilalim ng programang Special Program for Employment of Students (SPES). Ang SPES ay isang programang inilulunsad ng Public Employment Service Office (PESO) tuwing bakasyon para sa mga estudyanteng may edad 15 hanggang 25.

Ang SPES ay alinsunod sa Republic Act (RA) No. 7323 na inamyendahan sa ilalim ng RA No. 9547. Ang batas na ito ay nagtatakdang mabigyan ng mapagkakakitaan ang mga kapos ngunit karapatdapat na mag-aaral upang masuportahan ang kanilang pag-aaral.

Ayon kay Gliceria Trinidad, punong-tagapamahala ng PESO sa Los Baños, ang SPES ay naglalayong “makapagbigay ng hanapbuhay sa mga estudyante para makapag-aral” partikular sa mga kabataang kapos sa pantustos sa kanilang pag- aaral.”

“Gagamitin nila yun [sweldo] kasi ang purpose talaga nun ay gamitin sa pag- aaral, makapag enroll… yung sobra, pangbili ng gamit sa school,” dagdag pa niya.

Ayon sa isa sa mga aplikante, si Jenerose Geronda, 22 taong gulang, mula Brgy. Batong Malake, nag-apply siya sa SPES para

Nagwagi ang grupo ng mga kababaihan mula sa Brgy. Tuntungin-Putho sa ginanap na Juana Got Talent noong ika-18 ng Marso sa bagong munisipyo ng Los Baños. Ipinagdiwang ng programa ang pagtatapos ng Buwan ng mga Kababaihan na may temang “Kapakanan ni Juana, Isama sa Agenda!”

Labintatlong grupo ng mga kababaihan mula sa bawat barangay ng Los Baños ang nagtagisan ng talento sa pagsayaw. Tangan ang kanilang mga ngiti at kumpyansa, nagwagi ang grupo ng Brgy. Tuntungin-Putho sa kanilang sayaw na Egyptian-style. Tumanggap sila ng cash prize na nagkakahalagang PhP 15,000.

Ayon sa head ng ng Gender and Development (GAD) Office na si Karen Mercado, ang pagdiriwang ay isinagawa upang pasalamatan ang mga kababaihan na laging sumusuporta sa mga aktibidad ng bayan. Ito ay para rin sa matagumpay na pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan na nagsimula noong Pebrero 29.

Para sa ilang kababaihan na dumalo, mahalaga ang ganitong uri ng programa dahil naipapakita nila ang kanilang talento at napapatunayan nila na ang kanilang kakayahan ay hindi lamang nalilimitahan sa mga gawaing

pandagdag ng baon sa darating na pasukan. Para naman kay Raiza Terrobias, 14 taong gulang, ng Brgy. Bayog, gagamitin niya ang perang kikitain sa SPES para pambili ng school supplies sa susunod na pasukan.

Para sa taong ito, nagsimula ang pagtanggap ng mga aplikante noong Enero. Nagsagawa rin ng pagsusulit para sa mga aplikanteng taga-Los Baños noong ika-18 ng Enero. Mula sa mahigit 150 na kumuha ng pagsusulit, 20 aplikante ang natatanggap. Isang orientation ang isinasagawa pagkatapos ng pag-aayos sa mga kinakailangang dokumento. Dito tinatalakay ang tamang asal sa trabaho at inaanunsyo ang pampublikong ahensya o pribadong kumpanya na kanilang pagtatrabahuhan.

Dagdag ni Trinidad, madalas ay dine-deploy ang mga mag-aaral na kalahok ng SPES sa mga pampublikong ahensya. Kung hindi pa ito sapat ay nakikipag-uganayan ang PESO sa mga pribadong kumpanya. Dagdag pa niya, ang mga mag-aaral ay nagtatrabaho ng clerical work sa loob ng 20-50 na araw. Kumikita ang mga kalahok ng minimum wage tulad ng ibang manggagawa.

bahay. Bukod pa rito, nagkakaroon rin sila ng oras upang makisama at makipagkaibigan sa kapwa nila kababaihan.

Ayon kay Baby De Castro ng Brgy. San Antonio, “Nagkakatipon-tipon ang mga kababaihan [dito]. Kumbaga, yung mga nanay na talagang mga pambahay lang, nagkakaroon ng tsansang maka-attend sa ganitong gathering.”

Para naman kay Donna Lalap ng Brgy. Maahas, “mas nae-expose ang mga nanay, natututong makihalubilo, or magshare sa mga ganitong ano [programa].”

Ito ang unang beses na nag-organisa ng ganitong gawain ang GAD Office.

Kapit-bisig na napagtagumpayan ng mga kababaihan mula sa Brgy. Putho-Tuntungin ang naganap na Juana Got Talent noong ika-18 ng Marso sa munisipyo. (Larawang kuha ni Roi Mojado)

BFP, nanguna...Mula sa pahina 1

Itutuloy sa pahina 7

sunog. Sinundan ito ng Brgy. San Antonio at Brgy. Mayondon na kapwa may dalawang sunog na naitala. Habang tig-isang insidente ng sunog naman ang naitalan sa Brgy. Maahas at Brgy. Bambang.

Ginanap ang isang motorcade noong ika-1 ng Marso kung saan nakilahok ang fire brigade ng bawat barangay sa Los Baños, iba’t-ibang mga sponsors, civil society organizations, International Rice Research Institute (IRRI), at Philippine Army.

Isinulong ng BFP ang pakikilahok ng mga miyembro ng komunidad at pamilya sa kanilang mga programa. “Ang paghihikayat sa bawat isa sa atin to join as a volunteer ng LGU ay sana palakasin pa natin kasi ‘pag ang lahat ay marunong, ang lahat ay nakakaintindi (ng fire safety), siguro po mas mami-minimize natin ang casualty…kasi everybody knows kung anong gagawin,” sabi ng dating Municipal Fire Marshall Renato Samson.

Maliban sa isinagawang training, nag-organisa rin ang BFP ng iba’t-ibang aktibidades kung saan binigyan ng pagkakataong lumahok ang mga estudyante ng elementarya, sekundarya, at kolehiyo. Kasama rito ang drawing contest para sa elementarya, poster making contest para sa sekundarya, at Musika Laban sa Sunog para sa mga estudyante sa kolehiyo.

Nagsagawa rin ng open house ang BFP kung saan inimbitahan ang mga estudyante ng Los Baños Central Elementary School upang ibahagi ang iba’t-ibang pamamaraan sa pag-iwas sa sunog at ipamulat ang propesyon ng pagiging bahagi ng

Page 5: March 2016

5LOS BAÑOS TIMESNEWSLBCES YES-O holds climate change seminar for elementary studentsby Maria Teresa Jane Fungo and Juan Gabriel Talens

The Youth for Environment in Schools Organization (YES-O) of the Los Baños Central Elementary School (LBCES) launched Siyensiya sa Pagbabago ng Klima, a seminar on climate change mitigation on March 28 at LBCES. The seminar was spearheaded by LBCES YES-O adviser, Robert Rodriguez, in cooperation with the Municipal Disaster Risk Reduction Management Office of Los Baños.

Fifty-six (56) Grade 5 and 6 pupils from LBCES attended the seminar that was organized to educate the pupils about the basics of proper waste segregation in Los Baños, and the causes, effects, and misconceptions about global warming and climate change.

Dr. Antonio Alcantara, current designated Municipal Environment and Natural Resources o dfficer and former dean of the UPLB School of Environmental Science and Management, discussed waste segregation in Los Baños. During his talk, he stated that Los Baños spends PhP 9M annually for solid waste management. Despite this, there are still parts of the municipality where people need discipline. Dr. Alcantara stressed the importance of children in the crusade. “Children are the champions of the environment,” he claimed. He closed his discussion with a challenge to the students to use the knowledge they gained to join

the Science Research Contest of the Division of Laguna and become part of the solution.

“Climate change hits the poor the hardest,” said Martin Imatong, a consultant on disaster risk reduction and climate change mitigation served as the second resource person for the seminar. In his lecture, Imatong discussed the local aspect of climate change and highlighted its repercussions to underprivileged people such as food insecurity, loss of lands, and natural disasters.

The lecture-seminar ended with an open forum followed by the launching of LBCES’ new program, Nasa Iyong Kamay ang Kalikasan.

libreng paturok. Aniya ito ay para sa safety at para maging rabies-free ang kanyang mga alagang aso at pusa. Nalaman niya ang proyekto sa anunsiyo ng barangay, sa Facebook, at mga tarpaulin na nakapaskil sa kalsada. Kung ikukumpara sa nakalipas na taon ay mas marami ang dumalo ngayon.

“Ang laking tulong ng campaign na rabies-free community in terms sa safety ng mga tao. Nalilimitahan ‘yung mga nakakagat at naho-hospitalize. Kung may mga ganyang campaign, mas madali ang pagpapanatili ng safety sa barangay level,” ayon kay Marissa Esguerra, ang barangay secretary ng Maahas.

Libreng bakuna...

Pulong sa PNR...

LB celebrates...

Mula sa pahina 2

Mula sa pahina 1

Mula sa pahina 1

ang mga lote ng PNR na gawing pabahay. Magkakaroon din ng housing validation

ng mga lupa na kung saan susukatin ng LIAC ang lupang kinatitirikan ng mga kasalukuyang nakaokupa sa lugar. Pagkatapos ma-validate ang kanilang lupang kinatitirikan, mabibigyan sila ng Certificates of Entitlement of Lot Allocation (CELA) bilang patunay na sila ay lehitimong nakatira sa lupa ng PNR at magiging benepisyaryo ng pabahay.

Iminungkahi din sa pagpupulong na magkaroon ng eleksyon ng mga opisyal ang

homeowner’s association ng bawat kalapit-komunidad ng mga riles. Ang mahahalal na opisyal ay papayuhan na magsulat ng isang liham sa PNR na bibilhin ang kanilang lupa upang magkaroon ng lehitmong titulo at security of tenure ang mga naninirahan doon. Ayon sa MUDHO ay puwede silang magbigay ng liham sa PNR kapag natapos na ang naturang housing validation.

Ang LIAC ay pinumumunuan ni Mayor Caesar Perez. Kasama rin sa

Sang ayon dito si Kagawad de Jesus de Una, Jr. ng Malinta. Aniya, malaking tulong ang proyekto sa paglilimita ng pagkalat ng rabies sa kanilang barangay. Bagama’t mayroon pa ring mga nakakagat ng aso ay paunti na ng paunti ang bilang ng mga ito.

Ani de Una, malaking tulong din ang ginagawang seminar at information drive ng munisipalidad sa pagpapalaganap ng impormasyon sa wastong pangangalaga ng hayop.

Bukod sa libreng pabakuna, taun-taon ding nagsasagawa ang Tanggapan

would help increase the awareness about HIV and AIDS.

Miss Tourism Queen International 2015 Leren Mae Bautista, who served as the keynote speaker, discouraged prejudice against HIV-infected people and encouraged everyone to become advocates against the disease.

According to Isabelita Dacug, treasurer of Brgy. Baybayin and one of the participants for the event, this year’s program of activities

was especially entertaining because of this year's new portion, Juana Got Talent, which showcased the talents of women in Los Baños. “Masaya, kasi iyon 'yung time na magtitipun-tipon kayong mga kababaihan,” she said.

The Women's Month activities were made possible through the collaboration of the GAD Office, Department of Social Welfare and Development, Public

Employment Service Office, Philippine National Police, Federation of Persons with Disabilities, Municipal Health Office, and other members of the Gender and Development Council.

The month-long celebration of Women’s Month started with a kick-off event on February 29 and the series of programs ended with Gabi ni Juana on March 18.

naturang komite ang isang kinatawan na ipadadala ng HUDCC, maging ang mga lokal na kagawaran gaya ng Municipal Housing Office (MHA), Department of Social Work and Development (DSWD), Department of Environment and Natural Resources (DENR), at MUDHO.

Ang susunod na mga pagpupulong ay gaganapin sa huling lingo ng Marso 2016 matapos ma-validate ang mga lote ng PNR.

ng Pambayang Agrikultor ng information and education campaigns sa mga mabababang paaralan sa iba’t ibang barangay ng Los Baños.

Paliwanag ni Andre Fabella, isang agricultural technologist, tinatalakay dito ang wastong pangangalaga ng hayop, mga ordinansa, at mga pamamaraan sa pag-iwas sa rabies.

Ang programang ito ay sinimulan noong 2013 at taunang isinasagawa sa Los Baños.

Page 6: March 2016

6 LOS BAÑOS TIMES FEATURE

siya ay mag-uuwi ng ani sa kanilang bahay matapos ang 67 taon ng pagsasaka. Magreretiro na ang pinakamatandang magsasaka sa bayan ng Los Baños.

“Last na tanim ko na ngayon, tumigil na ‘ko,” matapos ang higit kalahating siglo ng pagsasaka, napagdesisyunan na din ni Mang Nanding na magretiro.

Walang makapagsasabi na madali ang pagsasaka at aminado naman din dito si Mang Nanding. Subalit sa kabila ng mga

Nagpakita ng talento at talino ang mga natatanging buntis mula sa iba’t ibang barangay ng Los Baños sa ginanap na Search for Most Desirable and Gorgeous (MDG) Buntis sa multipurpose hall ng bagong munisipyo noong ika- 11 ng Marso. Ang Search for MDG Buntis ay bahagi ng Buntis Congress, isang proyekto ng Municipal Health Office (MHO) ng Los Baños.

Kaisa ang Philippine Obstetrical and Gynecological Society Southern Luzon Chapter, Makiling Medical Society, at Research Triangle Insitute-Luzon, ang programang ito ay naglalayong ipakita ang kahalagahan ng regular na pagpapakonsulta ng mga buntis sa kanilang barangay health center.

Kaugnay ng programang ito, nagbahagi ng kanyang kaalaman si Dr. Jane Revilla ng Makiling Medical Society tungkol sa danger signs in pregnancy.

Ayon kay Cristella De Villa, isa sa mga nag-organisa ng Buntis Congress at kasalukuyang maternal health coordinator ng MHO, malaking tulong ito sa mga hindi nakakaalam ng mga sintomas ng delikadong pagbubuntis.

Matagal nang pinapatigil ng kanyang mga anak sa pagsasaka si Mang Nanding. Ngunit ang mga usapang ito ay nauuwi lamang sa pag-aaway sapagkat anumang pilit ng mga anak ni Mang Nanding, palaging pinipili niya na manatili sa pagsasaka sapagkat ito ang kanyang gawaing minahal.

Lahat ng kwento ay may wakas. Noong ika-3 ng Marso ngayong taon, tinahak ni Mang Nanding sa huling pagkakataon ang kanyang lupang sinasaka. Ito na ang huling beses na

Mga Natatanging Buntis ng Los Baños

Libreng prosthetic legs para sa 4 na LB amputees, handog ng Rotary Club

nina Dianne Zenith Bulfa at Marie Francine Ciasico

Lorelie Liwanag, miyembro ng Los Baños Federation of Persons with Disabilities at focal person ng Los Baños Office for Persons with Disabilities

Ang huling ani...

Lakbay Alalay...

Mula sa pahina 8

Mula sa pahina 1

Tampok sa Buntis Congress ang pagtatagisan sa pagsasayaw at sa pagsagot sa mga tanong ng mga kalahok sa Search for MDG Buntis. Isa sa mga pinakabatang kalahok dito ay may edad na 14.

Ayon sa ulat ng United Nations Population Fund, ang Pilipinas ang may pinakamataas na bilang ng mga kabataang maagang nabubuntis sa Asya. Sinasabing isa sa bawat sampung kababaihan sa Pilipinas, na may edad 15-19, ay teenage mothers.

Sa Los Baños, 343 ang naitalang teenage mothers noong 2015, ayon sa datos ng MHO. Sinasabi din na pababa nang pababa ang edad ng mga batang maagang nabubuntis. Ayon kay Mary Jane Gonzales, isa sa barangay midwives, ang naitalang edad ng pinakabatang nabuntis noong 2015 ay 13 taong gulang.

Ayon naman sa Adolescent and Youth Health Program Report ng Department of Health, mas malaki ang posibilidad na magkaroon ang mga teenage mothers

ng anemia, vitamin A deficiency, at iba pang mga sakit na maaaring maging sanhi ng mga komplikasyon sa pagbubuntis.

Apat na amputees mula sa Los Baños ang mabibigyan ng libreng prosthesis sa darating na Mayo bilang bahagi ng Regalo, Handog sa Magandang Kinabukasan na proyekto ng iba’t-ibang Rotary Club (RC) chapters sa CALABARZON. Kabilang dito ang RC-Los Baños, Cabuyao Circle, Lipa-West, at Sariaya.

Noong March 22, sinukatan para sa kanilang libreng prosthetic legs ang apat na beneficiaries na sila Marilyn Latuga ng Brgy. Bambang, Alberto Artisola ng Brgy. Malinta, Oliver Maningas ng Brgy. Mayondon, at Trisha Opena ng Brgy. Putho-Tuntungin. Ito ay ginanap sa Brgy. Sala Basketball Court, Cabuyao City, Laguna. Kasama nila ang mga napiling amputees mula sa CALABARZON na hahandugan rin ng RC ng prosthesis.

mga miyembro ng Sangguniang Barangay ng Timugan ang mga tao na pumunta sa lugar na sakop ng Makiling Forest Reserve (MFR) [bilang bahagi ng SUMVAC 2016]”. Ang mga outpost ng Makiling Center for Mountain Ecosystem (MCME) sa Magnetic Hills ay binantayan ng mga tanod ng Brgy. Timugan kasama si Brgy. Capt. Florencio D. Bautista. Dagdag pa ni Kag. Parabuac, “humigit kumulang sa 300 katao ang pumunta sa iba’t-ibang lugar na sakop ng MFR”. Kabilang sa mga binisita ng mga residente at turista ang National Arts Center, Grotto, at Boy Scouts of the Philippines Jamboree site.

Ayon sa ulat ng LBMDRRMO, walang naganap na malaking sakuna. Ilan sa mga naitalang aksidente ay mga residente at turista na nasugatan, napilayan, at nahilo habang umaakyat sa Mt. Makiling. Sila ay nalapatan ng agarang paunang lunas.

hirap na ito, iba aniya ang sayang naibibigay sa kanya tuwing siya ay magtatrabaho sa palayan.

Sa loob ng halos pitong dekada, nagsilbi si Mang Nanding sa bayan ng Los Baños bilang isang magsasaka - isang magsasakang sinisiguradong mayroong kanin na ihahain sa ating mga hapag-kainan sa araw-araw.

Nagtipon-tipon ang mga buntis mula sa iba’t-ibang barangay ng Los Baños, kasama ang kanilang pamilya, sa ginanap na Buntis Congress 2016 noong ika--11 ng Marso sa multipurpose hall ng bagong munisipyo ng Los Baños.(Larawang kuha ni Marie Francine Ciasico)

Aksidente sa motor ang sanhi ng pagkapilay ni Latuga habang diabetes naman ang sanhi ng kay Artisola. Nasagasaan ng tren ang paa ni Maningas kung kaya siya ay naging amputee habang si Opena naman ay may cancer sa buto na sanhi ng kaniyang pagkapilay.

Nakipagtulungan ang Los Baños Federation of Persons with Disabilities (LBFPWD), Inc. sa Rotary Club ng Los Baños sa pamumuno ng kanilang presidente na si Dr. Donald Padua upang mabuo ang listahan ng beneficiaries sa bayan ng Los Baños.

Ang tulong na mabigyan ng libreng prosthetic leg ay pagbibigay din ng pag-asa para sa mga beneficiary.

Page 7: March 2016

7LOS BAÑOS TIMESFEATUREby Jahn Patrice Rington and Agatha Quinones

BFP nanguna...Mula sa pahina 4

BFP.Patuloy rin na nagsasagawa ng fire at earthquake drill sa mga

eskwelahan, opisina, at mga pampublikong gusali ang BFP upang isulong ang kaligtasan ng mga mamamayan ng Los Baños sa panahon ng sakuna. Gumagamit rin ng social media site ang tanggapan upang lalong maibahagi at maipakalat ang mga kaalaman sa pag-iwas at pag-apula ng apoy.

Layunin ng BFP na maabot ang target na isang bumbero para sa bawat 2,000 na mamamayan. Sa kasalukuyan, merong isang bumbero sa bawat 5,000 na mamamayan ang Los Baños. Ibig sabihin, ang bawat bumbero sa Los Baños BFP ay responsable para sa higit doble sa normal na bilang ng mamamayang sinisilbihan.

Matapos ng orientation sa pag-aapula ng apoy ay isinabak ang mga boluntaryo ng bawat barangay sa isang kompetisyon sa aktwal na pag-aapula ng apoy. Ang Brgy. Batong Malake ang nagwagi at naging kinatawan ng Los Baños sa Provincial Fire Olympics na ginanap noong Marso 29 sa Plaza Halang, Calamba. Sinamahan ni Berong Bumbero, ang opisyal na mascot ng BFP, ang mga

mag-aaral ng Los Baños Central Elementary School sa kanilang pag-iikot sa tanggapan ng BFP. Bilang bahagi ng ginanap na open house, tinuruan ng Los Baños firefighters ang mga mag-aaral ng fire safety tips at iba’t ibang gawain ng mga bumbero. (Larawang mula sa Los Baños Laguna BFP Facebook Page)

A Farmer’s Other Half:Dairy-Based Opportunities from Carabao through CBEDLouie Octaviano, a farmer from Brgy. Bayog, regards his carabao

not only as his helper in draft power, but also his productive partner in dairy production.

Octaviano started selling carabao’s milk in November 2015. He is able to collect almost six liters of milk from his carabao everyday. He would then sell them for PhP 50 per liter. Octaviano is one of the farmers in Los Banos who benefit from the Carabao-Based Enterprise Development Program (CBED) of the Philippine Carabao Center (PCC).

CBED is a program that promotes carabao-based livelihood opportunities for small-scale farmers and their families. It is a component of the Carabao Development Program (CDP), a PCC project that aims to increase the buffalo-based and buffalo-related enterprises in the country.

The CBED initiative gave Octaviano access to additional income from milk sales. To be part of the program, he accomplished preliminary documents and attended a required technical training on buffalo management. Additionally, accomplished an evaluation form assessing his experiences and capabilities related to dairy buffalo production and his willingness to be part of the program.

Jose Canaria, a senior science specialist and the officer-in-charge of PCC in Los Banos, said, “Hindi mo lang kina-capacitate ‘yung farmers, ine-empower mo siya to produce and to be an entrepreneur. Kapag nase-strengthen mo ‘yung capacity niya, nagkakaroon siya ng negosyo [You do not only capacitate the farmers; you also empower them to produce and be an entrepreneur. Once you strengthen their capacity, they end up having their own business.]”

In Laguna, all carabao-based enterprises focus on marketing the carabao milk. The PCC-UPLB branch has a Dairy Corner store known for its choco milk. This is why Octaviano decided to focus on milking, too.

The carabao’s milk should be acknowledged not only for its role in boosting the dairy industry and for its nutritional value. A 2012 study published in The Journal of Functional Foods in Health and Disease stated that carabao’s milk contains higher levels of crude protein, fat, calcium, and phosphorus compared with those of cow’s milk, making the buffalo milk ideal for processing into value-added dairy products, too.

As such, a variety of healthy dairy products can be derived from the carabao’s milk. The PCC sells choco milk and yogurt ice cream to consumers at affordable prices.

Canaria believes that the carabao industry can create a massive impact to the overall economic development of the country.

In 2014, PCC estimated that smallholder-farmers owning 99% of the carabao resource, sold a volume of 6.6 million liters, pegged to be value at PhP 330 million.

Also, more carabao products could be made available to local consumers. Canaria added that carabao products could become part of the local culture.

Consequently, more products need to be produced when that happens. To meet the growing demand, PCC also covers wide disciplinary areas of research in order to upgrade the genetic potentials of the Philippine carabao. Some fields under the development of this sector are breeding and genetics, biotechnology, nutrition and forage/pasture, and animal health.

Jannick, the 12-year-old son of Louie Octaviano, helps his father by cleaning the pen before milking the carabao. (Photo by CAQuiñones)

Page 8: March 2016

Mga natatanging kwento ng Los BañosAng huling aninina Neil Arwin Mercado at Pettina Marvida

Itutuloy sa pahina 6

Tinatayang dalawa’t-kalahating kaban ng bigas ang kinakain ng bawat Pilipino sa loob ng isang taon. Ang kinakain nating sinangag sa agahan, kanin sa tanghali, at bahaw sa hapon ay mula sa dugo’t pawis ng mga magsasaka.

May mga magsasaka na halos kalahati ng kanilang buhay ay inilaan sa pagsasaka. Iyan ang kwento ng kinikilala bilang pinakamatandang magsasaka sa buong Los Baños na si Fernando Galang Maligalig.

Mas kilala sa pangalang Mang Nanding, siya ay pinanganak noong ika-31 ng Mayo, taong 1935 sa Brgy. San Antonio sa Los Baños. Bagaman ang kanyang mga magulang ay hindi tubong Los Baños, silang walong magkakapatid ay lumaki at tumanda na rin sa Brgy. San Antonio. Ang ama ni Mang Nanding ang nagsasaka sa bukid habang ang kanyang ina naman ay ang katulong nilang nagbebenta ng mga ani.

Sa murang edad ay katulong na si Mang Nanding ng kanyang mga magulang sa pagsasaka. Bumabangon siya nang alas-kwatro ng umaga para ihanda ang mga kalabaw na gagamitin ng kanyang ama. Pagsapit ng ala-siete ay papasok na siya sa paaralan kung saan siya ay nagbebenta ng ice drop upang mayroong ipambaon sa eskwela. Pagbalik niya ng bahay galing paaralan ay muling tutulong si Mang Nanding sa kanilang sakahan.

Nasa unang baitang pa lamang ay kasama si Mang Nanding sa honor roll ng kanilang klase hanggang sa pagtatapos ng elementarya. Dahil dito, ninais ng kanyang ama na pumasok siya sa UP Rural High School upang doon ipagpatuloy ang pag-aaral.

Ngunit, nang dahil sa labis na kahirapan, hindi nagawa ni Mang Nanding na makapasok sa nasabing eskwelahan. Bagaman hinikayat ng ama na ituloy ang pag-aaral, napagdesisyunan ni Mang Nanding na tumulong na lamang sa sakahan upang mapadali ang trabaho ng ama at upang tulungang makapagtapos ang kanyang pitong kapatid. Sa kanyang pagsasaka, naging inspirasyon niya ang ama na nagsusumikap para sa kanilang mag-anak.

Nang mapagdesisyunang hindi na siya tutuloy ng pag-aaral, inilaan ni Mang Nanding ang kanyang atensyon sa kanilang sakahan. Ayon kay Mang Nanding, napakahaba ang araw ng isang magsasaka.

Araw-araw pagsapit ng alas kwatro ng umaga, bumabangon si Mang Nanding upang pakainin ang kanilang mga alagang kalabaw. Matapos nito ay didiretso siya kasama ang kanyang ama upang simulan ang pag-aararo sa lupain. Sila ay magpapahinga pagsapit ng alas-onse ng umaga hanggang ika-isa ng hapon at magpapatuloy na muli hanggang ika-apat ng hapon. Dahil maagang nagsimula sa pagsasaka, napamahal na dito si Mang Nanding at hindi na naisipang maghanap ng ibang trabaho.

Noong 1972, dumating ang pinakamalaking hamon sa pamilya ni Mang Nanding. Kasama ang Los Baños sa 14 probinsiya sa Luzon na apektado ng 1972 Great Flood of Luzon hatid ng Bagyong Gloring. Lubog sa baha ang lahat ng tanim ni Mang Nanding at ni isang butil ay wala siyang naani. Paghupa naman ng baha ay siyang nagsilabasan ang mga daga na nagpatagal pa sa pagbangon ng kanilang pamilya.

Mayroon mang ganitong mga pagsubok sa buhay ni Mang Nanding, mas pinipili niyang alalahanin ang magagandang bagay na nangyari sa kanilang pamilya. Isa sa pinakamagandang ala-ala ni Mang Nanding bilang isang magsasaka ay nang minsan siya ay umani ng 180 kaban ng bigas.

“Ang pinakamasaya [sa pagsasaka] ay ‘yung ikaw ay umaani ng maganda. Number one ‘yun kapag nakaani ka ng maganda,” ika ni Mang Nanding.

Nang dahil sa kanyang kasipagan, sa kasalukuyan ay nakapagpatayo na ang pamilya ni Mang Nanding ng sariling bahay. Bagamat may magandang kama at makinis na sahig ang bahay, mas pinipili ni Mang Nanding ang simpleng buhay – ang matulog sa loob ng isang tagpi-tagping bahay na kanyang itinayo katabi ng kanyang magandang bahay.