malachi #7 the day is coming - ptr alvin gutierrez - 7 am mabuhay service
TRANSCRIPT
PAGDATING NG KANYANG PAGBABALIK
MALAKIAS 4:1-6
1 Sapagka't, narito, ang araw aydumarating, na nagniningas naparang hurno; at ang lahat na palalo,at ang lahat na nagsisigawa ngkasamaan ay magiging parangdayami, at ang araw na dumaratingay susunog sa kanila,
MALAKIAS 4:1-6
sabi ng Panginoon ng mga hukbo,na anopa't hindi magiiwan sa kanilang kahit ugat ni sanga man. 2 Nguni'tsa inyo na nangatatakot sa akingpangalan ay sisikat ang araw ngkatuwiran na may kagalingan sakaniyang mga pakpak;
MALAKIAS 4:1-6
at kayo'y magsisilabas, atmagsisiluksong parang guya mula sasilungan. 3 At inyong yayapakan angmasasama; sapagka't sila'y magigingabo sa ilalim ng mga talampakan nginyong mga paa sa kaarawan naaking gawin, sabi ng Panginoon ng
MALAKIAS 4:1-6
mga hukbo. 4 Alalahanin ninyo angkautusan ni Moises na aking lingkodna aking iniutos sa kaniya sa Horebpara sa buong Israel, sa makatuwidbaga'y ang mga palatuntunan at mgakahatulan.
MALAKIAS 4:1-6
5 Narito, aking susuguin sa inyo siElias na propeta bago dumating angdakila at kakilakilabot na kaarawanng Panginoon. 6 At kaniyangpapagbabaliking-loob ang puso ngmga ama sa mga anak, at ang pusong mga anak sa kanilang mga
MALAKIAS 4:1-6
magulang; baka ako'y dumating atsaktan ko ang lupa ng sumpa.
PAGLIPOL (Annihilation)
ito ay pagkatapos mong mamatay,
pagtigil sa pagkabuhay, ang iyong
paghihirap ay mawawala nang
panandalian hanggang sa ito’y
tuluyang matapos.
Ang pagkakasunog sa impiyerno ay
hindi nito katulad. Ang
pagkakasunog sa impiyerno ay hindi
maipaliwanag sapagka’t ito ay isang
bagay na walang hanggan.
Hindi natin alam kung gaano ito
katagal. Kaya tayo ay hinihikayat na
umaksyon nang maagap at isaalang-
alang ang ating kinabukasan. Tayo ay
namumuhay sa panahong hindi natin
ito naririnig, at tayo ay talagang
mabuti.
Lahat ng relihiyon ay talagang mabuti
at pareho lamang. Ang kailangan
lang nating gawin para makapunta ng
langit ay mamatay.
Para sa mga hindi Kristiyano, itong
buhay na ito ang pinakamalapit na
maihahalintulad sa langit.
Para naman sa mga Kristiyano, itong
buhay na ito ang pinakamalapit na
impiyerno.
Ang ating mga katawan ay
mabubuhay muli kagaya ng kay
Hesus, at ang sumpa ay mawawala.
Magkakaroon ng bagong langit,
bagong daigdig, at bagong
Herusalem.
Ang larawan ng langit ay dapat
maging katulad ng mundo kung
paano ito nilayon bago dumating ang
kasalanan at sinira ito.
Kailangan natin ng mas malaki at
dakilang pag-unawang sang-ayon sa
Salita ng Diyos patungkol sa
Kanyang walang hanggang kaharian.
Sinabi Niyang ang langit ay magiging
tulad ng isang lugar na walang nang
kadiliman. At ang ating linuwalhati at
walang bahid na kamalian ang ating
katawan. Ito’y magiging katulad ng
sikat ng bagong araw.
At kapag binasa natin ang Pahayag,
sinasabi nitong hindi tayo
magkakaroon ng araw, na ang
liwanag at magmumula sa
pamamagitan ng bagong paglikha at
ito ang magiging hayag na luwalhati
ng Panginoon.
Ang bawat araw na tayo ay
nabubuhay ay isang preparasyon
para sa Araw na iyon.
Kung hindi tayo titigil sa pagkakasala
at magtiwala kay Hesus, na Siyang
nabuhay ng walang kasalanan at
namatay sa krus para bayaran ang
kasalanang hindi Niya ginawa, at
nabuhay muli para sa atin, tayo ay
mapupunta sa impyerno.
Ang batas ay ang salita ng Panginoon,
ito ang pagtatakda sa atin ng Diyos
ng pamantayan. Ang Diyos ay banal,
makatarungan, at mabuti.
Ang batas ang nagtatakda ng
pamantayan. Husgahan natin ang
ating mga sarili gamit ang Kanyang
pamantayan.
Sa anumang punto na tayo ay
nagkulang sa pag-abot ng Kanyang
pamantayan, tayo ay nagkakasala.
Ito ay magbibigay daan sa pagtuligsa;
paghukom; kamatayan.
Ito ang nagsasabi sa atin sa hindi
natin pagsunod sa Panginoon, ngunit
ang Panginoon ay dumating bilang si
Hesus upang tayo ay iligtas.
Tayo ay magtiwala sa Kanya at ibigay ang
ating mga kasalanan upang siya ang
magbayad ng parusang tayo dapat ang
magbayad, at nang ang awa at pagpapala
ng Diyos, at ang hustisya at Kanyang
pagmamahal ang maging simbolo ng krus,
kung saan namatay si Hesus para sa atin
dahil sa pagtupad ni Hesus sa batas.
Si Hesus na hindi nagkasala kahit
kailan, ay napako sa krus para sa
ating hindi sumusunod sa batas
upang Siya ay mamatay para sa atin
nang tayo ay mabuhay sa kanyang
katarungan.
Bago dumating si Hesus sa unang
pagkakataon, binigyan ng
kapangyarihan si Juan Bautista sa
pamamagitan ng Banal na Espiritu
upang ipagpatuloy ang ministeryo ni
Elias. Si Elias ay hindi namatay.
Ito ang ginagawa ng mga propeta, ito
ang ginawa ni Elias, at ito ang
gagawin ni Elias sa katapusan:
mangangaral siya ng pagsisisi sa
kasalanan. Kailangan nating
kaugaliang magsisi.
Kailangan nating makita ang
kasalanan sa ating sariling buhay at
ipangaral ang pagsisi, at hikayatin ang
ibang magsisi sa kanilang kasalanan.
Kung mangangaral tayo ngunit hindi
ito isasabuhay, tayo ay mga ipokrito.
Kung hindi natin ito ipapangaral o
isasabuhay, tayo ay erehe.
Kailangan nating magtapat sa mga
kasalanan natin at magtapat sa
kasalanan ng ibang tao. Kailangan
natin talikuran ang ating mga
kasalanan at manalangin na ang
ibang tao ay tumalikod din sa
kanilang mga kasalanan.
Sa pagsisi, kailangan nating magsisi
sa ating pagrebelde at relihiyon.
Ang relihiyon ay kung saan hindi
natin nakikita ang ating kasalanan, at
nakikita lamang ang kasalanan ng
iba. Gusto nating magbago ang ibang
tao, ngunit ayaw nating magbago.
Ayaw nating magpakumbaba, tayo ay
nagiging mapagmataas.
Ayaw nating maging magpasakop sa
Diyos; gusto nating magkaroon ng
kapangyarihang katulad ng Diyos, at
sinasabi natin sa lahat ang kailanga
nilang gawin at tayo ang
nagpapatupad ng mga patakaran na
ng Diyos na hindi natin ginagawa.
Ang Diyos ay puno ng habag at
biyaya. Tayo ay Kanyang malugod na
sinalubong bilang Kanyang mga
anak, ngunit inaasahan niya ang
pagsisi mula sa atin, upang tayo ay
magbago sa pamamagitan ng
Kanyang biyaya.
Ang pagsisi ay laging may kasamang
pagtanggi. Ito ang kwento ng mga
propeta. Ito ang kwento ni Elijah. Ito
ang kwento ni Juan Bautista.
Ang pamilya ang unang gobyerno.
Ang ama ang unang pinuno. Itinalaga
ng Diyos ang mga lalaki na
responsable sa kanilang pamilya para
sa kanilang pamana.
Ang unang bagay na kailangan para
sa panlipunang pagbabago ay ang
kalalakihan na mahal ang kanilang
sariling mga anak, maging mabuting
mga ama; at upang ang mga anak ay
galangin, pakinggan, sundin, at
mahalin ang kanilang ama.
Tignan kung paano sila tumugon at
gumanti sa kanilang mga ama. Isa sa
mga ebidensya ng gawa ng Banal na
Espiritu ay ang kondisyon at klase ng
pamilya, lalo na ang relasyon ng ama
at anak.
Ito ang malaking ideya ng pamana
(legacy). Nagsisimula ito sa ama at
ang pananampalataya ay dumadaloy
sa mga henerasyon ng pamilya. Ito
ay nagsisimula sa katotohanan na ang
Diyos ay isang Ama.
Ang paglinang sa puso ng ama ay
nagsisimula sa pagkilala sa Diyos
bilang ama. Hindi mo kayang maging
ama katulad ng Diyos Ama hangga’t
di mo nakikilala ang Diyos Ama.
Ito ay sa pagkilala na ang Diyos ay
Ama, kausapin natin siya bilang
Ama, umasa sa Diyos bilang Ama,
nang maaga hangga’t maaari.
Ang iba sa inyo ay may hinanakit sa
inyong ama at ang sugat na ito
malalim. Ang kasalanan ay
mamumuhay sa inyo sa
pamamagitan ng paghihinakit.
Kapag hindi mo pinatawad ang iyong
ama, ang mga bagay na gumugulo
sa’yo tungkol sa iyong ama ay
mamumuhay sa’yo.
At kung patawarin mo ang iyong
ama, hindi mo hinahayaang makaalis
siya sa kanyang mga responsibilidad.
Pinapalaya mo ang iyong sarili sa
pagiging katulad niya, nang sa gayon
ay maging mas katulad ka ng iyong
Ama sa langit.
Ang iba sa inyo ay kailangang
patawarin ang inyong ama, ang iba
naman ay kailangang bigyan ng
kaluwagaang-loob ang inyong ama.
Hindi siya perpekto, ngunit kahit
ikaw ay hindi perpekto bilang anak.
Ito ay pag-aaral na igalang ang iyong
ama. Ito ay pag-aaral na patawarin
sila, at pag-aaral na sumandal sa
Diyos bilang Ama.
Wag mong sayangin ang mga taon,
gawin mo ito puhunan. Kung
gagawin mong puhunan ito, ikaw ay
hindi makakasama sa parada ng mga
mangmang na animo’y mga lasing na
hindi nagbibigay-pansin na ang
karera ay nagsisimula na.
Mga kalalakihan, ang pinaka-
importanteng desisyon na gagawin
mo ay pagpili kung sino ang Diyos
mo. Ang pangalawa ay kung sino ang
iyong pakakasalan. Ang mga
desisyon na ito ay may pang-
matagalang implikasyon na ikaka-
buti o ikaka-sama mo.
Kung gusto mong makarating sa
isang lugar na ang mga magulang, ina
at ama ay ginagalang, at ang mga
anak ay tinuturing na isang biyaya,
malaking bahagi ang itinuturo ng
Bibliya tungkol dito.
Hindi ka humihinto bilang ama.
Noong maliliit pa ang iyong anak, iba
ang pangangailangan nila sa’yo kung
ipagkukumpara sa malalaki na sila.
At paglaki nila, kailangan ka parin
nila ngunit sa iba namang
pamamaraan.
Kakailanganin mo parin ang iyong
ama. Ang pagiging matiyaga ay
malaking tema sa Bibliya. Kahit
mahirap man, ipagpatuloy ang
pagiging ama. Patuloy na magmahal,
patuloy na maghanap, patuloy na
magdasal, patuloy na magtanim.
Hindi Siya humihintong magpatawad
dahil iyan ang pusong Ama ng Diyos.
At kung iyan din ang puso na
namumuhay sa inyo, mananatili ka
sa Kanya.
Magtatagumpay ka’t magtitiis sa
pamamagitan ng kapangyarihan ng
Banal na Espiritu dahil iyan ang puso
ng Ama.
Isa sa mga paraan sa pagtukoy kung
nasa anak ang puso ng ama ay kung
nandoon o wala ang kanyang tatay sa
oras ng kagipitan. Madali lang
makuha ang puso ng ama sa mga
maliligayang araw.
Ang puso ng Ama sa atin ay hindi
natutukoy sa ating gawa, at ang
pusong Ama natin sa ating mga anak
ay hindi rin natutukoy sa kanilang
gawa.
‘Di tayo nagtatrabaho para makuha
ang Kanyang puso, nagtatrabaho tayo
dahil tayo ay galing sa Kanyang puso.
Minamahal Niya tayo, tinatanggap,
ineengganyo, at ito’y nakaharap sa
atin. Ang pagkakaroon ng puso ng
Ama ay ang pag-aalaga natin sa anak
sa paraan kung paano rin Niya tayo
inalagaan.
Lumalabas din ang puso ng Ama
kadalasan sa mga simpleng bagay at
sa mga oras na ‘di planado.
“Alam ng Diyos
kung paano tayo
papangitiin.
Alam Niya ang
ating kiliti dahil
Siya ang ating
Ama.”
Kailangan ng ating mga kalalakihan
na magtaglay ng puso ng Ama, hindi
lamang para sa inyong mga pamilya
kundi para rin sa ating simbahan.
Ang tanging paraan upang maging
matagumpay ang ginagawa natin ay
kung may puso ng ama ang mga
kalalakihan.
Kadalasan sa simbahan, karamihan
ay kababaihan at kabataan, at
mayroon silang puso ng ama. Ang
wala lamang ay ang mga tatay.
Pwede kang magpodcast nang
marami, pero mahirap magkaroon
ng tatay, isang espiritwal na ama na
magtuturo sa’yo at tulungan ka.
Matanda na si Juan. Sinusulat niya
ang 1, 2, at 3 Juan sa simbahan at
nagsasabing, “Kayo ang aking mga
anak,” tulad ng isang ama.
Noong una, pinag-uusapan ang mga
ama ng simbahan. Ang mga
kwalipikasyon ng nakatatanda, 1
Timoteo 3 at Tito 1 ay naglalaman
ng katunayan na magaling siyang ama
dahil lumalago ka sa espiritu sa
pamamagitan ng pagtuturo ng
magulang sa bahay.
Natututo kang mamuhunan sa iyong
espiritu habang ginagabayan ang mga
anak.
Ang puso ng Ama na namumuhay sa
tao ay ang tao bilang mga ama sa
bahay, ama sa simbahan, at maging
magulang hindi lamang sa mga anak
kundi sa mga bungang espiritwal,
at maging mabuting ama para
magkaroon sila ng ibang pamana sa
pamamagitan ng pagpapala ng Diyos,
ang pamana na sumasalamin sa
pagmamahal at pagsuyo ng Diyos
Ama sa kanila.
At ang huling salita at sagot ng Diyos
ay mas maraming kalalakihan na
may puso ng Ama. Kayo ay
kinakailangan para sa pagtawag ng
Diyos sa atin. Kailangan mo ng puso
ng Ama.
Ano na ang mangyayari sa
kababaihan? Sa kabataan? Ang
pagkawala ng puso ng Ama sa iyo ay
nakakapangwasak. At sa
pamamagitan ng pagpapala ng Diyos,
kailangan natin ng bagong uri ng
tao/lalaki na lilikha ng bagong uri ng
pamana.