maging handa sa baha

2
MAGING HANDA SA BAHA 2016–2017 ANG GABAY MO SA PAGHAHANDA SA BAHA SA KING COUNTY Kung tinatanggap mo ang polyetong ito sa pamamagitan ng koreo, ang ari-arian mo o tirahan ay nasa o malapit sa isang binabahang kapatagan. 516 Third Ave. Room 1200 • Seattle WA 98104 Printed on recycled paper. Please recycle. 1510_4996m_floodupdateBRO15-16_GenCombined.ai May Mga Alternatibong Format sa 206-477-4812 (TTY Relay: 711) Paghahanda at Pagtugon sa Baha Isang mensahe mula sa King County Flood Control District Ang tag-ulan ay papalapit na sa atin. Kamakailan ay naobserbahan ng mga siyentipiko ang mga kondisyong naaayon sa isang neutral na kilos ng panahon, hindi La Nina o El Nino (gayunman gaya ng lahat ng mga pagtaya, ang mga kondisyon ay maaaring magbago). Kung tinanggap mo ang polyetong ito sa pamamagitan ng koreo, ang iyong ari-arian o tirahan ay nasa o malapit sa isang binabahang kapatagan at mahalaga na maghanda ngayon para sa maaaring aktibong panahon ng baha. Ang King County Flood Control District ay ginawa itong gabay sa paghahanda sa baha upang ibahagi ang mahahalagang impormasyon tungkol sa paghahanda at pangangalaga sa sarili mo at ari-arian laban sa pagbaha. Ang Flood Control District ay gumawa ng mga pagsasaayos upang mabawasan ang panganib sa pagbaha, pinopondohan ang isang programa ng pagbabala sa baha at nagbibigay ng impormasyon, mga kagamitan at resources upang tulungan ang mga mamamayan sa paghahanda at pagtugon sa mga mangyayaring pagbaha. Gawin ang mga hakbang na ito upang mabawasan ang panganib o mga epekto ng baha: • Bumili ng flood insurance upang pangalagaan ang iyong ari-arian. Ang mga karaniwang policy ay hindi sinasakop ang pinsala ng baha at maaaring abutin ng 30 araw bago magkabisa ang mga bagong policy. • Maagang maabisuhan tungkol sa maaaring pagbaha sa pamamagitan ng mga automated system – King County Flood Warning App at/o King County Flood Alerts. • Gumawa ng mga emergency plan at maghanda ng mga emergency kit. • Alisan ng basura ang mga storm drain dahil ang pagbaha ay hindi lamang dahil sa mga umaapaw na ilog. • Huwag maglakad o magmaneho sa nakatigil na tubig baha, na siyang karaniwang sanhi ng mga kamatayang kaugnay-sa-baha. Pakibigyan ng panahon ang pagrerepaso, paghahanda at maging handa sa baha! Reagan Dunn, Chairman King County Flood Control District KingCountyFloodControl.org | @KCCReaganDunn HELLO! Ang mga landslide ay isa ng kaganapan sa Kanlurang Washington at ang sakuna sa 2014 na trahedya sa Oso sa Snohomish County ay nagbigay ng bagong pagtuon sa mga panganib ng landslide sa mga tao at ari-arian sa buong rehiyon, kabilang ang King County. Bilang pagtugon sa sakuna sa Oso, ang King County Flood Control District, sa pakikipagtulungan sa King County, ay gumamit ng state-of-the-art technology upang tayahin ang kalikasan at katangian ng mga panganib ng landslide sa loob ng mga koridor ng ilog ng King County at nag-update ng sintanda ng mga dekadang mapa na ipinapakita itong mga posibleng lugar ng sakuna. Ang mga pinabuting mapa ay makatutulong sa Flood Control District na mas matukoy at maunawaan ang mga panganib sa landslide na maaaring puminsala sa kalusugan, kaligtasan at ari-arian ng publiko. Matutulungan din nito ang Flood Control District na maging mas maistratehiya sa pagpapababa ng mga panganib sa baha at ipaalam ang pagpaplano at pagsasagawa ng mga proyekto at programa sa baha. Maaari ring matuto ang mga residente tungkol sa landslide geology at maging mas handa sa pagtugon sa posibleng mga panganib ng landslide gamit ang updated na impormasyon. Ang mga bagong mapa at karagdagang impormasyon ay makukuha sa kingcounty.gov/landslides. Gumagawa upang Pangalagaan ang mga Tao at Ari-arian LIBRENG FLOOD WARNING APP Kumuha ng real-time na pagbaha sa iyong mobile device sa pamamagitan ng pag-download nitong libreng app na nagpapakita ng mga agos ng ilog, data sa kalagayan ng ilog at mga pagtaya, pati mga real-time na mga lagay ng baha. Pinapadali ng mga graph na makita ang ilang araw na data sa ilog at mga pagtaya. MANATILING MAY KAALAMAN TELEPONO, MENSAHENG TEXT O EMAIL Mag-sign up para sa libreng automated na mga babala sa baha. Maaari mong i-personalize ang mga babala ayon sa ilog at lagay ng baha. ALERT! KING COUNTY FLOOD kingcounty.gov/flood o tumawag sa 206-477-4899 I-FOLLOW KAMI! King County Rivers sa Facebook; @KCDNRP at @KCFloodDistrict sa Twitter Bago pumasok muli sa iyong bahay, maging maingat sa posibleng pinsalang estruktural, posibleng tagas ng gas, mga electrical short at mga buhay na kawad. 2 3 4 5 6 7 8 1 Ipasuri sa isang propesyunal ang iyong heating system, electrical panel, mga outlet at mga appliance para sa kaligtasan bago gamitin. Tawagan ang kumpanya ng gas para pabuksan ang gas. Alamin ang mga pamamaraan para sa ligtas na paglilinis ng mga gamit sa bahay, pagkain, supply ng tubig at ari-arian. I-dokumento ang mga pinsala mo. Kunan ng larawan ang mga pinsala at itala ang mga gastos sa pagkukumpuni. Kontakin ang insurance agent mo para sa mga paghahabol sa mga pinsala ng baha. Markahan ang naging taas ng tubig sa bahay mo o napinsalang istraktura. Bombahin palabas nang unti-unti ang binahang basement (mga isang-katlo ng tubig kada araw) upang maiwasan ang pagkapinsalang estruktural. Alisin at itapon nang maayos ang mga sandbag. Makinig sa iyong mga lokal na pagbabalita para sa mga update sa tulong sa kalamidad at mga pamamaraan sa pagpaparehistro. PAGKARAAN Mga Dapat at Hindi Dapat sa Pangangalaga ng Binabahang Kapatagan Gumawa ng tama mula sa simula. Ang pagpapabuti ay pinapangasiwaan upang maingatan ang mga binabahang kapatagan. Nangangailangan ng permiso ang pagtatayo, konstruksyon, mga pagkumpuni o pagpapabuti, pagpapantay, paghuhukay at pagtatambak. Ang mga pagkumpuni o pagpapabuti sa isang kasalukuyang estruktura na humihigit sa 50 porsiyento ng halaga nito ay kinakailangang protektado sa baha at tumtugon sa mga pamantayan ng regulasyon. Bago simulan ang isang proyekto, o iulat ang iligal na pagpapabuti, kontakin ang King County Department of Permitting and Environmental Review sa 206-296-6600 o tumungo sa kingcounty.gov/permits. Iulat ang iligal na pagtatambak Mula sa mga kemikal hanggang sa basura hanggang sa mga kagamitan sa bahay at muwebles, ang iligal na pagtatambak ay nagpaparumi sa ating kapaligiran at humaharang din sa mga daanan ng baha. Upang iulat ang iligal na pagtatambak kontakin ang Illegal Dumping Hotline sa 206-296-SITE (7483); toll free sa 1-866-431-7483; o tumungo sa kingcounty.gov/dumping. Huwag magtagas at magmaneho. Ang mga sasakyan ay nagtatagas ng tinatayang pitong milyong quart ng langis ng makina sa Puget Sound watershed kada taon. Ang langis at iba pang mga produktong petrolyo ay maaaring makapinsala sa mga ligaw na hayop at halaman at kinaroroonan ng mga ito. Kung umuulan, ang agos ng tubig-ulan ay may dalang mga produktong petrolyo tungo sa mga ilog, mga batis, mga lawa at Puget Sound. Para sa mga tip at mga pagsasangguni sa pagsasaayos ng mga tagas tumungo sa fixcarleaks.org. Ang expanded sandbag program ay nangangahulugan ng mas maraming mga LIBRENG sandbag. Ang mga sandbag ay maaaring maging mabisang panlaban sa baha, iniingatan ang ari-arian mo sa pamamagitan ng pagharang sa baha at pagpapalihis sa tubig. Ang King County Flood Control District ay nakikipagtulungan sa King County Roads at mga lokal na nakakasakop upang mamahagi ng mga libreng sandbag sa publiko. Ang malalakas na pag-ulan nitong nakaraang panahon ng baha ay nag-udyok sa Flood Control District upang palawakin ang sandbag program, nagdagdag ng apat na mga dako ng pamamahagi sa Black Diaond, Fall City, Renton at Skykomish. Para sa karagdagang impormasyon, kabilang ang mga oras ng operasyon at upang manood ng video tungkol sa kung paano punuin at isalansan ang mga sandbag, pakitungo sa: kingcounty.gov/floodservices Mga Emergency Kit Supply • De-baterya o kina-crank na radyo at mga ekstrang baterya • Mga first aid supply at silbato • Flashlight na may ekstrang mga baterya • Mga kopya ng mahahalagang dokumento sa isang plastik na bag (lisensiya sa pagmamaneho, impormasyon sa seguro, bangko ng pamilya at iba pang impormasyon sa pakikipag-ugnayan) • Pang-ilang araw na tubig at hindi-nasisirang pagkain para sa pamilya mo at mga hayop • Mainit-init na damit, matibay na sapatos/bota at mga blanket • Mga supply para sa personal na kalusugan at kalinisan • Mga inireresetang gamot • Pampaginhawang mga bagay para sa mga bata (blanket, mga libro, mga laruan) Huwag maglakad, lumusong o magmaneho sa mga lugar na lubog sa baha. Bumwelta. Huwag malunod. Kung ang sasakyan mo ay tumirik sa baha, iwan ito kaagad. Maglakad pabalik sa pinagmulan mo tungo sa kaligtasan. 2 3 4 5 1 Tumawag sa King County Flood Warning Center para sa impormasyon tungkol sa mga kondisyon at mga pagtaya sa pagbaha. Maging handa para sa abiso ng paglikas mula sa mga awtoridad. Kapag pinayuhang lumikas, gawin ito agad. Sundin ang mga ipinayong ruta sa paglikas, dahil maaaring barado ang mga shortcut. Kung hindi ka ligtas na makakaalis sa bahay mo o sa isang gusali dahil sa mabiis na paglalim ng tubig, tumawag sa 911 para sa tulong. Pagkatapos ay pumunta sa mas mataas na palapag o sa bubong. Magdala ng mainit-init, weatherprrof na damit, flashlight, mobile phone at portable radio. Kung napipinto ang pagbaha, ngunit may panahon pa para gawin: • Isara ang lahat mong main gas valve. • Patayin ang lahat ng utility sa gusali mo sa main power switch. Huwag humipo sa anumang de-kuryenteng kagamitan maliban kung nasa tuyong lugar o nakatayo sa tuyong kahoy habang may suot na gomang-suwelas na sapatos at gomang guwantes. • Itala ang mga istatistika ng baha gaya ng oras, gauge reading, at mga lokal na taas ng baha para sa hinaharap na gamit sa pag-unawa sa pagbaha sa iyong paligid. Isama ang mga tukoy na obserbasyon sa iyong bahay o negosyo. HABANG 6 Alamin ang iyong mga panganib sa baha. Kung tinanggap mo sa koreo ang newsletter na ito, ang bahay mo o ari-arian ay nasa o malapit sa isang binabahang kapatagan. Para sa mga detalye tumungo sa: kingcounty.gov/iMAP o tumawag sa 206-477-4732 floodsmart.gov o tumawag sa 1-888-379-9531 Bumili ng flood insurance Ang karaniwang homeowner insurance ay hindi sinasakop ang pinsala dulot ng pagbaha at may sapilitang 30-araw na panahon ng paghihintay sa mga bagong policy. 1 2 3 4 Pangalagaan ang sarili mo at ang iyong pamilya: • I-update ang mga emergency plan para iyong pamilya, bukid o negosyo. • Alamin ang mga ruta mula sa iyong bahay o negosyo tungo sa mataas na lupa. • Pumili ng isang dakong pagtitipunan kung sakaling magkahiwalay ang mga kaanib sa pamilya. • Pumili ng isang nasa-labas-ng-estado na kaibigan o kamag-anak na matatawagan para sa impormasyon kung abala ang mga lokal na linya. • Magbuo ng isang emergency kit (tingnan sa ibaba) • Kausapin ang mga kapitbahay tungkol sa kahandaan sa baha, mga nakaraang karanasan at anumang tanging tulong na maaaring kailanganin mo o nila. Pangalagaan ang ari-arian mo mula sa mga panganib ng baha: • Tayahin kung paano at kailan ka maglilipat ng mga sasakyan, mga kagamitan at mga hayop sa mas mataas na lugar. • Itabi ang mahahalagang gamit at mga pambahay na kemikal sa itaas ng mga antas ng baha. • Selyuhan at tibayan ang mga imbakang tangke na nasa ilalim ng lupa. • Kabitan ng mga check valve ang mga sewer trap ng gusali upang maiwasan ang pag-atras ng tubig-baha mula sa mga sewer drain. • Pamalagiing walang basura o mga dahon ang mga street drain, mga storm grate at mga fllap gate BAGO MAY POSTER NG MAPA NG ILOG SA LOOB! KAPAG BUMABAHA… Maging handa! Kunin ang mga detalye tungkol sa pagbaha sa kingcounty.gov/floodservices Chairman Reagan Dunn Materiales traducidos y servicios de intérprete están disponible bajo solicitud: 206-477-4812; TTY: 711. Royal Arch Landslide, May 2014

Upload: vuongdat

Post on 08-Feb-2017

323 views

Category:

Documents


4 download

TRANSCRIPT

Page 1: MAGING HANDA SA BAHA

MAGING HANDA SA BAHA

2016

–201

7

ANG GABAY MO SA PAGHAHANDA SA BAHA SA KING COUNTY

Kung tinatanggap mo ang polyetong ito sa pamamagitan

ng koreo, ang ari-arian mo o tirahan ay nasa o malapit sa isang

binabahang kapatagan.

516 Third Ave. Room 1200 • Seattle WA 98104

Printed on recycled paper. Please recycle.1510_4996m_floodupdateBRO15-16_GenCombined.ai

May Mga Alternatibong Format sa 206-477-4812 (TTY Relay: 711)

Paghahanda at Pagtugon sa BahaIsang mensahe mula sa King County Flood Control District

Ang tag-ulan ay papalapit na sa atin. Kamakailan ay naobserbahan ng mga siyentipiko ang mga kondisyong naaayon sa isang neutral na kilos ng panahon, hindi La Nina o El Nino (gayunman gaya ng lahat ng mga pagtaya, ang mga kondisyon ay maaaring magbago).

Kung tinanggap mo ang polyetong ito sa pamamagitan ng koreo, ang iyong ari-arian o tirahan ay nasa o malapit sa isang binabahang kapatagan at mahalaga na maghanda ngayon para sa maaaring aktibong panahon ng baha.

Ang King County Flood Control District ay ginawa itong gabay sa paghahanda sa baha upang ibahagi ang mahahalagang impormasyon tungkol sa paghahanda at pangangalaga sa sarili mo at ari-arian laban sa pagbaha. Ang Flood Control District ay gumawa ng mga pagsasaayos upang mabawasan ang panganib sa pagbaha, pinopondohan ang isang programa ng pagbabala sa baha at nagbibigay ng impormasyon, mga kagamitan at resources upang tulungan ang mga mamamayan sa paghahanda at pagtugon sa mga mangyayaring pagbaha.

Gawin ang mga hakbang na ito upang mabawasan ang panganib o mga epekto ng baha:

• Bumili ng flood insurance upang pangalagaan ang iyong ari-arian. Ang mga karaniwang policy ay hindi sinasakop ang pinsala ng baha at maaaring abutin ng 30 araw bago magkabisa ang mga bagong policy.

• Maagang maabisuhan tungkol sa maaaring pagbaha sa pamamagitan ng mga automated system – King County Flood Warning App at/o King County Flood Alerts.

• Gumawa ng mga emergency plan at maghanda ng mga emergency kit.

• Alisan ng basura ang mga storm drain dahil ang pagbaha ay hindi lamang dahil sa mga umaapaw na ilog.

• Huwag maglakad o magmaneho sa nakatigil na tubig baha, na siyang karaniwang sanhi ng mga kamatayang kaugnay-sa-baha.

Pakibigyan ng panahon ang pagrerepaso, paghahanda at maging handa sa baha!

Reagan Dunn, ChairmanKing County Flood Control District

KingCountyFloodControl.org | @KCCReaganDunn

HELLO!

Ang mga landslide ay isa ng kaganapan sa Kanlurang Washington at ang sakuna sa 2014 na trahedya sa Oso sa Snohomish County ay nagbigay ng bagong pagtuon sa mga panganib ng landslide sa mga tao at ari-arian sa buong rehiyon, kabilang ang King County. Bilang pagtugon sa sakuna sa Oso, ang King County Flood Control District, sa pakikipagtulungan sa King County, ay gumamit ng state-of-the-art technology upang tayahin ang kalikasan at katangian ng mga panganib ng landslide sa loob ng mga koridor ng ilog ng King County at nag-update ng sintanda ng mga dekadang mapa na ipinapakita itong mga posibleng lugar ng sakuna.

Ang mga pinabuting mapa ay makatutulong sa Flood Control District na mas matukoy at maunawaan ang mga panganib sa landslide na maaaring puminsala sa kalusugan, kaligtasan at ari-arian ng publiko. Matutulungan din nito ang Flood Control District na maging mas maistratehiya sa pagpapababa ng mga panganib sa baha at ipaalam ang pagpaplano at pagsasagawa ng mga proyekto at programa sa baha. Maaari ring matuto ang mga residente tungkol sa landslide geology at maging mas handa sa pagtugon sa posibleng mga panganib ng landslide gamit ang updated na impormasyon. Ang mga bagong mapa at karagdagang impormasyon ay makukuha sa kingcounty.gov/landslides.

Gumagawa upang Pangalagaan ang mga Tao at Ari-arian

LIBRENG FLOOD WARNING APPKumuha ng real-time na pagbaha sa iyong mobile device sa pamamagitan ng pag-download nitong libreng app na nagpapakita ng mga agos ng ilog, data sa kalagayan ng ilog at mga pagtaya, pati mga real-time na mga lagay ng baha. Pinapadali ng mga graph na makita ang ilang araw na data sa ilog at mga pagtaya.

MA

NA

TILI

NG

MA

Y K

AA

LAM

AN

TELEPONO, MENSAHENG TEXT O EMAILMag-sign up para sa libreng automated na mga babala sa baha. Maaari mong i-personalize ang mga babala ayon sa ilog at lagay ng baha.

ALERT!

KING COUNTYFLOOD

kingcounty.gov/flood o tumawag sa 206-477-4899

I-FOLLOW KAMI!King County Rivers sa Facebook; @KCDNRPat @KCFloodDistrictsa Twitter

Bago pumasok muli sa iyong bahay, maging maingat sa posibleng pinsalang estruktural, posibleng tagas ng gas, mga electrical short at mga buhay na kawad.

2

3

4

5

6

781

Ipasuri sa isang propesyunal ang iyong heating system, electrical panel, mga outlet at mga appliance para sa kaligtasan bago gamitin. Tawagan ang kumpanya ng gas para pabuksan ang gas.

Alamin ang mga pamamaraan para sa ligtas na paglilinis ng mga gamit sa bahay, pagkain, supply ng tubig at ari-arian.

I-dokumento ang mga pinsala mo. Kunan ng larawan ang mga pinsala at itala ang mga gastos sa pagkukumpuni. Kontakin ang insurance agent mo para sa mga paghahabol sa mga pinsala ng baha.

Markahan ang naging taas ng tubig sa bahay mo o napinsalang istraktura.

Bombahin palabas nang unti-unti ang binahang basement (mga isang-katlo ng tubig kada araw) upang maiwasan ang pagkapinsalang estruktural.

Alisin at itapon nang maayos ang mga sandbag.

Makinig sa iyong mga lokal na pagbabalita para sa mga update sa tulong sa kalamidad at mga pamamaraan sa pagpaparehistro.

PAGKARAAN

Mga Dapat at Hindi Dapat sa Pangangalaga ng Binabahang Kapatagan• Gumawa ng tama mula sa simula. Ang pagpapabuti ay pinapangasiwaan upang

maingatan ang mga binabahang kapatagan. Nangangailangan ng permiso ang pagtatayo, konstruksyon, mga pagkumpuni o pagpapabuti, pagpapantay, paghuhukay at pagtatambak. Ang mga pagkumpuni o pagpapabuti sa isang kasalukuyang estruktura na humihigit sa 50 porsiyento ng halaga nito ay kinakailangang protektado sa baha at tumtugon sa mga pamantayan ng regulasyon. Bago simulan ang isang proyekto, o iulat ang iligal na pagpapabuti, kontakin ang King County Department of Permitting and Environmental Review sa 206-296-6600 o tumungo sa kingcounty.gov/permits.

• Iulat ang iligal na pagtatambak Mula sa mga kemikal hanggang sa basura hanggang sa mga kagamitan sa bahay at muwebles, ang iligal na pagtatambak ay nagpaparumi sa ating kapaligiran at humaharang din sa mga daanan ng baha. Upang iulat ang iligal na pagtatambak kontakin ang Illegal Dumping Hotline sa 206-296-SITE (7483); toll free sa 1-866-431-7483; o tumungo sa kingcounty.gov/dumping.

• Huwag magtagas at magmaneho. Ang mga sasakyan ay nagtatagas ng tinatayang pitong milyong quart ng langis ng makina sa Puget Sound watershed kada taon. Ang langis at iba pang mga produktong petrolyo ay maaaring makapinsala sa mga ligaw na hayop at halaman at kinaroroonan ng mga ito. Kung umuulan, ang agos ng tubig-ulan ay may dalang mga produktong petrolyo tungo sa mga ilog, mga batis, mga lawa at Puget Sound. Para sa mga tip at mga pagsasangguni sa pagsasaayos ng mga tagas tumungo sa fixcarleaks.org.

Ang expanded sandbag program ay nangangahulugan ng mas maraming mga LIBRENG sandbag.Ang mga sandbag ay maaaring maging mabisang panlaban sa baha, iniingatan ang ari-arian mo sa pamamagitan ng pagharang sa baha at pagpapalihis sa tubig. Ang King County Flood Control District ay nakikipagtulungan sa King County Roads at mga lokal na nakakasakop upang mamahagi ng mga libreng sandbag sa publiko. Ang malalakas na pag-ulan nitong nakaraang panahon ng baha ay nag-udyok sa Flood Control District upang palawakin ang sandbag program, nagdagdag ng apat na mga dako ng pamamahagi sa Black Diaond, Fall City, Renton at Skykomish.

Para sa karagdagang impormasyon, kabilang ang mga oras ng operasyon at upang manood ng video tungkol sa kung paano punuin at isalansan ang mga sandbag, pakitungo sa: kingcounty.gov/floodservices

Mga Emergency Kit Supply• De-baterya o kina-crank na radyo at mga ekstrang

baterya

• Mga first aid supply at silbato

• Flashlight na may ekstrang mga baterya

• Mga kopya ng mahahalagang dokumento sa isang plastik na bag (lisensiya sa pagmamaneho, impormasyon sa seguro, bangko ng pamilya at iba pang impormasyon sa pakikipag-ugnayan)

• Pang-ilang araw na tubig at hindi-nasisirang pagkain para sa pamilya mo at mga hayop

• Mainit-init na damit, matibay na sapatos/bota at mga blanket

• Mga supply para sa personal na kalusugan at kalinisan

• Mga inireresetang gamot

• Pampaginhawang mga bagay para sa mga bata (blanket, mga libro, mga laruan)

Huwag maglakad, lumusong o magmaneho sa mga lugar na lubog sa baha. Bumwelta. Huwag malunod.

Kung ang sasakyan mo ay tumirik sa baha, iwan ito kaagad. Maglakad pabalik sa pinagmulan mo tungo sa kaligtasan.

2

3

4

51

Tumawag sa King County Flood Warning Center para sa impormasyon tungkol sa mga kondisyon at mga pagtaya sa pagbaha.

Maging handa para sa abiso ng paglikas mula sa mga awtoridad. Kapag pinayuhang lumikas, gawin ito agad. Sundin ang mga ipinayong ruta sa paglikas, dahil maaaring barado ang mga shortcut.

Kung hindi ka ligtas na makakaalis sa bahay mo o sa isang gusali dahil sa mabiis na paglalim ng tubig, tumawag sa 911 para sa tulong. Pagkatapos ay pumunta sa mas mataas na palapag o sa bubong. Magdala ng mainit-init, weatherprrof na damit, flashlight, mobile phone at portable radio.

Kung napipinto ang pagbaha, ngunit may panahon pa para gawin:

• Isara ang lahat mong main gas valve.

• Patayin ang lahat ng utility sa gusali mo sa main power switch. Huwag humipo sa anumang de-kuryenteng kagamitan maliban kung nasa tuyong lugar o nakatayo sa tuyong kahoy habang may suot na gomang-suwelas na sapatos at gomang guwantes.

• Itala ang mga istatistika ng baha gaya ng oras, gauge reading, at mga lokal na taas ng baha para sa hinaharap na gamit sa pag-unawa sa pagbaha sa iyong paligid. Isama ang mga tukoy na obserbasyon sa iyong bahay o negosyo.

HABANG6

Alamin ang iyong mga panganib sa baha. Kung tinanggap mo sa koreo ang newsletter na ito, ang bahay mo o ari-arian ay nasa o malapit sa isang binabahang kapatagan.

Para sa mga detalye tumungo sa:

• kingcounty.gov/iMAP o tumawag sa 206-477-4732

• floodsmart.gov o tumawag sa 1-888-379-9531

Bumili ng flood insurance Ang karaniwang homeowner insurance ay hindi sinasakop ang pinsala dulot ng pagbaha at may sapilitang 30-araw na panahon ng paghihintay sa mga bagong policy.

1

2

3 4Pangalagaan ang sarili mo at ang iyong pamilya:

• I-update ang mga emergency plan para iyong pamilya, bukid o negosyo.

• Alamin ang mga ruta mula sa iyong bahay o negosyo tungo sa mataas na lupa.

• Pumili ng isang dakong pagtitipunan kung sakaling magkahiwalay ang mga kaanib sa pamilya.

• Pumili ng isang nasa-labas-ng-estado na kaibigan o kamag-anak na matatawagan para sa impormasyon kung abala ang mga lokal na linya.

• Magbuo ng isang emergency kit (tingnan sa ibaba)

• Kausapin ang mga kapitbahay tungkol sa kahandaan sa baha, mga nakaraang karanasan at anumang tanging tulong na maaaring kailanganin mo o nila.

Pangalagaan ang ari-arian mo mula sa mga panganib ng baha:

• Tayahin kung paano at kailan ka maglilipat ng mga sasakyan, mga kagamitan at mga hayop sa mas mataas na lugar.

• Itabi ang mahahalagang gamit at mga pambahay na kemikal sa itaas ng mga antas ng baha.

• Selyuhan at tibayan ang mga imbakang tangke na nasa ilalim ng lupa.

• Kabitan ng mga check valve ang mga sewer trap ng gusali upang maiwasan ang pag-atras ng tubig-baha mula sa mga sewer drain.

• Pamalagiing walang basura o mga dahon ang mga street drain, mga storm grate at mga fllap gate

BAGOMAY POSTER NG MAPA NG ILOG SA LOOB!

KAPAG BUMABAHA…Maging handa! Kunin ang mga detalye tungkol sa pagbaha sa kingcounty.gov/floodservices

Chairman Reagan Dunn

Materiales traducidos y servicios de intérprete están disponible bajo solicitud: 206-477-4812; TTY: 711.

Royal Arch Landslide, May 2014

Page 2: MAGING HANDA SA BAHA

ILOGcfs=cubic feet per second

PHASE 1 - Karaniwang walang pagbaha.

INA

ASA

HA

NG

MG

A B

AH

A A

YO

N S

A I

LOG

PHASE 2 - Bahagyang pagbaha. Ang The King County Flood Warning Center ay bubuksan, ang staff ay naroon 24 na oras bawat araw upang magbigay ng tulong.Bahagyang pagbaha. Ang The King County Flood Warning Center ay bubuksan, ang staff ay naroon 24 na oras bawat araw upang magbigay ng tulong.

PHASE 3 - Katamtamang pagbaha. Ang King County Flood Patrol staff ay ipapadala upang subaybayan ang mga pasilidad laban sa baha, gaya ng mga levees.

PHASE 4 - Matinding pagbaha. Patuloy na susubaybayan ng mga lood patrol ang mga kondisyon at mamamalaging bukas ang Flood Warning Center.

206-296-8200 or 1-800-945-9263

KING COUNTYFLOOD WARNING CENTER

American Red Cross206-323-2345 or 360-377-3761 redcross.org

Paano Maghanda para sa isang Baha kingcounty.gov/floodservices

King County Flood Alerts206-477-4899kingcounty.gov/flood

King County FloodWarning Center206-296-8200 or1-800-945-9263

King County HousingRepair ProgramPagpopondo para sa mga pangunahing kailangang pagkumpuni ng bahay para sa mababang-kita, karapat-dapat na mga homeowner.

206-263-9095 kingcounty.gov/housingrepair

King County Office of Emergency Management Shelter Information206-296-3830

EMERGENCY FLOOD INFORMATION

King County Road24/7 Helpline206-477-8100 or 800-KC-Roadskingcounty.gov/roadalert

King CountyRoad Alertskingcounty.gov/roadalert

Metro TransitDisruptionskingcounty.gov/metro

National FloodInsurance Program1-888-379-9531floodsmart.gov

Public HealthSeattle & King County Septic Tank andWell Problems206-477-8050

Take Winter By Stormtakewinterbystorm.org

Ang impormasyong kasama sa mapang ito ay itinala ng mga tauhan sa King County mula sa iba’t-ibang pinagkunan at maaaring baguhin nang walang abiso. Ang King County ay hindi gumagawa ng mga pagkatawan o mga garantiya, tinukoy o ipinahiwatig, sa katumpakan, kaganapan, pagkanasapanahon o mga karapatan sa paggamit ng gayong impormasyon. Ang dokumentong ito ay hindi nilalayong gamitin bilang isang produkto ng survey Hindi mananagot ang King County para sa anumang pangkalahatan, natatangi, hindi direkta, nagkataon, o kinahantungang mga pinsala kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, mga nawalang kita o nawalang tubo dahil sa paggamit o maling paggamit ng impormasyong nasa mapang ito. Anumang pagbebenta sa mapang ito o impormasyon sa mapang ito ay ipinagbabawal maliban kung may nasusulat na pahintulot ang King County.

TOLT RIVERAgos malapit sa Carnation

8,500 cfsMaaaring lumubog ang mga levee malapit sa Siyudad ng Carnation. Mga pag-agos mula sa pagtagas ng levee sa timog na pampang sa pagitan ng Snoqualmie Valley Trail bridge at Highway 203 bridge malapit sa 323rd Place NE at maaaaring tumawid sa NE 32nd Street. Maaaring magkaroon ng mga pagbabago sa channel sa pagitan ng pasalungat sa agos ng Tolt River Road NE/361st Avenue NE at sa silangang hangganan ng Siyudad ng Carnation.

3,500 cfsAng levee sa timog na pampang sa pagitan ng tulay sa Snoqualmie Valley Trail at tulay sa Highway 203 malapit sa 323rd Place SE ay maaaring tumagas.

5,000 cfsTubig sa Tolt River Road NE sa dako ng pamahayan ng San Souci. Nadagdagang pagtagas at posibleng pagbaha sa levee sa timugang pampang sa pagitan ng Snoqualmie Valley Trail bridge at Highway 203 bridge malapit sa 323rd Place SE.

2,500 cfsAng King County staff ay naka-alerto.

T 13,800 cfsEne. 2009

17,400 cfsDis. 1959

SOUTH FORKSKYKOMISH RIVERTaas (lagay) sa Skykomish

9 ftPosible ang pagguho ng pampang ng ilog at mga problema sa basurang dala ng baha.

11 ftMalamang ang pagguho ng pampang ng ilog at basura sa baha. Malamang na bumaha sa mabababang lugar gaya ng Skylandia at ang kanlurang dulo ng Timberlane Village.

13 ftMaaaring makasama sa malawakang pagbaha ang mga dakong karaniwang pinapangalagaan ng mga levee.

SK 7.5 ftAng King County staff ay naka-alerto.

16.49 ftNob. 2006

CEDAR RIVERAgos malapit sa Landsburg

GREEN RIVERSinukat o inaasahang agos malapit sa Auburn

SNOQUALMIE RIVER

ISSAQUAH CREEKTaas (lagay) malapit sa HobartData: Siyudad ng Issaquah

WHITE RIVERSinukat o inaasahang agos binuksan mula saMud Mountain Dam

5,000 cfsMaaaring bumaha at magsara ang karagdagang mga kalsada kabilang ang Cedar Grove Road SE, Maxwell Road SE at SR 169 malapit sa sangandaan sa Cedar Grove Road SE. Maaaring bumaha at magsara ang mga kalsadang dead end kabilang ang Jan Road SE (SE 197th Street), SE 203rd Street, SE 206th Street at SE 207th Street. Ang mabilis at malalim na mga agos ay maaaring magdulot ng mapanganib na mga kalagayan sa kabuuan ng mababang kapatagan.

38,000 cfsMaaaring dumanas ng mabibilis na agos at pagbaha sa mga bahay ang ilang mga dako ng pamahayan. Kabilang sa mga kalsadang maaaring lumubog ang Woodinville-Duvall Road, Carnation-Duvall Road at Moon Valley Road.

12,000 cfsMaaaring pahinain ng pagkababad ang kritikal na pangontrol sa bahang mga levee. Posible ang mga biglaang pagbabago sa mga kondisyon ng baha, laluna sa mga dakong protektado ng mga levee. Maaaring kabilang sa mga pagbabagong ito ang mabilis na pagtaas ng tubig, malawakang pagbaha, pagsasara ng mga kalsada at pagkaputol ng mga utility. Maging alerto at maghanda upang tumugon kaagad.

9,000 cfsMaaaring magkaroon ng mapanganib na mabibilis na agos at pag-anod ng basura sa kabuuan ng sistema ng ilog. Asahan ang overbank na pagbaha sa mga siyudad ng Pacific at Auburn. Maaaring lumubog ang ilang bahagi ng mga pansamantalang pangharang sa baha. Maaaring magkaroon ng mga pinsala sa fish hatchery malapit sa Siyudad ng Enumclaw. Maaaring palubugin ng tubig-baha ang SR 410 pasalungat sa agos ng Mud Mountain Dam malapit sa Greenwater.

7.5 ftLokal na pagbaha sa mga dakong bahain. Ilang mga kalsada ang sarado dahil sa tubig. Maaaring umasa ng pagbaha ang mga bahaing lugar.

8.5 ftMalaking pagbaha sa Issaquah Creek, Tibbetts Creek at sa East Fork ng Issaquah Creek. Posible ang pagbaha sa maraming dako malapit sa sapa.

9 ftMalawakang pagbaha sa buong Issaquah at Tibbetts Creek valley.

12,000 cfsKabilang sa mga kalsadang maaaring lumubog ang Neal Road SE, Reinig Road, West Snoqualmie River Road NE (Walker Road), Snoqualmie Meadowbrook Road at Mill Pond Road.

20,000 cfsPagbahang iba’t-iba ang lalim sa kabuuan ng Snoqualmie Valley. Kabilang sa mga kalsadang lulubog ang Fall City-Carnation Road, Tolt Hill Road at Novelty Flats Road.

2,800 cfsMaaaring bahain at isara ang Jones Road malapit sa 156th Place SE.

4,200 cfsMaaaring lumubog at magsara ang Lower Dorre Don Way at Byers Road SE. Ang mga kalsadang ito ang daan tungo sa maraming pamahayan kung saan maaaaring makulong at kailangang ilikas ang mga residente.

7,000 cfsPagbaha sa mababang lugar sa valley pasalungat sa agos ng Siyudad ng Auburn.

9,000 cfsPagbahang iba’t-iba ang lalim sa valley pasalungat sa agos ng Auburn at lower Mill Creek basin. Maaaring bumaha ang Southeast Green Valley Road at West Valley Road.

5,000 cfsAng overbank na pagbaha ay malamang na mangyari pasalungat sa agos ng A-Street Bridge sa Siyudad ng Auburn. Ang overbank na pagbaha ay malamang na mangyari sa Siyudad ng Pacific malapit sa Government Canal at Butte Avenue. Malamang na tumaas ang tubig sa kahabaan ng mga pansamantalang harang sa baha sa Siyudad ng Pacific.

7,000 cfsTataas ang tubig sa kahabaan ng mga pansamantalang pangharang sa baha sa Siyudad ng Pacific. Babaha sa Government Canal at Butte Avenue at pasalungat sa agos ng A-Street Bridge sa Siyudad ng Auburn. Maaaring dumanas ang mga residente ng dako ng Red Creek ng mapanganib na mabibilis na agos, mga lutang na basura at pagbaha sa pamahayan.

NMS

6,000 cfsAng King County staff ay naka-alerto.

6.5 ftAng King County staff ay naka-alerto.

1,800 cfsAng King County staff ay naka-alerto.

5,000 cfsAng King County staff ay naka-alerto.

4,000 cfsAng King County staff ay naka-alerto.

SN

I

C

G

W

9.9 ftNob. 1990

54,110 cfsEne. 2009

11,700 cfsEne. 2009Batay sa U.S. Army Corps of Engineers data mula sa Mud Mountain Dam

12,200 cfsNob. 2006

7,870 cfsEne. 2009

14,200 cfsNob. 1911

28,100 cfsNob. 1959

28,000 cfsDis. 1933Iniulat sa White River malapit sa Buckley

RECENTPEAK

PEAKFLOOD

Kabuuan ng fows sa:

North forkMiddle fork South fork

May makukuhang serbisyo ng interpreter; TTY 711.

Materiales traducidos y servicios de intérprete están disponible bajo solicitud: 206-477-4812; TTY: 711.

MUD MPOINTAIN DAM

TOLT RIVER DAM

HOWARD HANSON DAM

MASONRY DAMC

G

SN

SN

SN

T

N

M

S

W

ALA

MA

T

KING COUNTY MGA ILOG Dam

River Gage na gamit sa pagtaya ng mga lagay ng baha*

*Para sa buong talaan ng flood warning gages sa mga ilog ng King County tumungo sa kingcounty.gov/flood

0 2 4 na Milya

Octubre 2016

N

I

SK