magandang araw - ateneo.eduateneo.edu/sites/default/files/attached-files/pagsasanay sa... · isang...
TRANSCRIPT
MAGANDANG ARAW mga mag-aaral ng
Gitnang Paaralan!
Alam naming sabik na kayong makilala ang inyong mga guro’t
kaklase para sa taong ito!
Kaya naman ang Kagawaran ng Filipino sa Gitnang Paaralan ay nag-isip ng ilang bagay na maaari ninyong gawin habang
hinihintay ang pasukan sa Agosto.
O, ikaw, handa ka na ba?
SIMULAN MO NA!
Naaalala mo ba ang kuwentong “Ang Pagong at ang Matsing”?
Alam mo bang ang kuwentong ito ay nagmula sa ating
pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal?
Ito ay una niyang inilathala at iginuhit noong taong 1886.
(Florentino H. Hornedo, https://www.univie.ac.at/ksa/apsis/aufi/rizal/tortoise.htm)
Balikan natin ang kuwentong ito at sariwain ang mga guhit-
kamay na larawang nanggaling mismo sa ating pambansang
bayani.
“Ang Pagong
at ang Matsing”
Isinalin ni: Federico B. Sebastian
Dalawang Pabulang Silanganin
Manila: Banaag Press;1943
www.kapitbisig.com
Isang araw, ang matsing at ang pagong
ay nakakita ng punong saging na
lumulutang sa maalong tubig ng ilog. Ito’y
isang magandang puno, may malalaki’t
luntiang dahon, at may mga ugat pang
wari’y kabubuwal lamang pagkatapos ng
bagyo. Iniahon nila sa pampang ang punong
saging.
“Ito ay hatiin natin,” ang sabi ng
pagong, “at saka itanim.”
Pinutol nila ang punong saging sa gitna.
Ang matsing ay higit na malakas kaysa
pagong kaya naari niyang kunin ang
gawing dulo, sa pag-aakalang ang may
maraming dahon ang madaling tumubo.
Napasa-mahinang pagong ang gawing
ibabang sa tingin ay pangit ngunit
nagtataglay naman ng maraming ugat.
Nagtagpo ang dalawa pagkaraan ng
ilang panahon.
“G. Matsing,” ang sabi ng pagong.
“Kumusta ang iyong punong saging?”
“Naku, ang himutok ng matsing.
“Matagal nang patay! At ang iyo, Bb.
Pagong?”
“Mabuti, napakabuti!” ang sagot ng
pagong. “Hindi lamang ako makaakyat sa
puno at makapamitas ng mga bunga.”
“Bayaan mo,” ang wika ng mapanlinlang
na matsing. “Ako ang aakyat at mamimitas
para sa iyo.”
“Lalong mabuti, G. Matsing,” ang
nasisiyahang sagot ng pagong.
Nang makita ng matsing ang
mga bungang hinog na nangagbitin
sa pagitan ng malalaki’t luntiang
dahon, siya ay umakyat, matuling
namitas, at kumain nang kumain.
“Bigyan mo naman ako ng mga
ilan,” ang wika ng pagong nang
makitang hindi man lamang siya
pinapansin ng matsing.
“Hindi kita bibigyan kahit
balat kung iyon ay makakain,” ang
sabi ng matsing na ang dalawang
pisngi’y namimintog sa saging.
Nag-isip gumanti ang
pagong. Nagtungo siya sa ilog
at nanguha ng mga tinik at
itinusok ang mga ito sa
paligid ng katawan ng
punong saging at saka
matuling nagtago sa ilalim ng
bao ng niyog. Nasaktang
lubha ang matsing at
nasugatan ang katawan nang
bumaba.
Nakita niya ang pagong
pagkaraan ng matagal na
paghahanap.
“Narito ka pala, hamak na
pagong,” ang sabi niya. “Magbabayad
ka sa iyong kasamaan. Dapat kang
mamatay. Ngunit yamang ako’y
mapagbigay, pamimiliiin kita ng iyong
kamatayan. Babayuhin ba kita sa
lusong o itatapon kita sa ilog? Alin
ang ibig mo?
“Ang lusong, ang lusong,” ang
sagot ng pagong. “Natatakot akong
malunod.”
“Ha, ha,” ang tawa ng
matsing. “Ganoon pala ano!
Natatakot kang malunod!
Lulunurin kita ngayon!”
Pinasan ng matsing ang
pagong, nagtungo sa tabing-ilog
at itinapon ang kanyang dala sa
tubig. Pagkaran ng ilang
sandali, ang pagong ay lumitaw
na lumalangoy at nagtatawa sa
nadayang matsing.
~*WAKAS*~
Pag-isipan mo ito:
Anu-anong salita mula sa kuwento ang ngayon mo lamang nabasa?
Alamin ang kahulugan ng mga ito.
Basahin ang gawain sa susunod na slides.
Pumili lamang ng isa.
GAWAIN #1
Kumuha ng papel o lumang kuwaderno na maaari pang sulatan. Gamit ito at ang iyong lapis at mga pangkulay, iguhit ang pinakanagustuhan
mong bahagi ng kuwento.
GAWAIN #2
Kung bibigyan ka ng pagkakataong baguhin ang wakas ng kuwento, paano mo ito wawakasan?
Isulat sa isang papel.
GAWAIN #3 Ang mga tauhan sa kuwento ay may kanya-kanyang katangian.
halimbawa:
maParaan
matiyagA mababangG-loob
matalinO masayahiN mapanGarap
Bumuo ng akrostik ng katangian gamit ang iyong pangalan o palayaw.
YEHEY!!
Binabati ka namin!
Dalhin ang napiling gawain sa Agosto 7 at ibigay ito sa iyong
guro sa Filipino.