maayos na pagtatanong at pagsagot sa mga tanong

16
MAAYOS NA PAGTATANONG AT PAGSAGOT SA MGA TANONG Ni: Rosemarie U. Gabion

Upload: rosemarie-gabion

Post on 18-Aug-2015

436 views

Category:

Education


4 download

TRANSCRIPT

Page 1: Maayos na Pagtatanong at Pagsagot sa mga Tanong

MAAYOS NA PAGTATANONG AT PAGSAGOT SA MGA TANONG

Ni: Rosemarie U. Gabion

Page 2: Maayos na Pagtatanong at Pagsagot sa mga Tanong

ILANG PARAAN NG PAGTATANONG AT PAGSAGOT

SA MGA TANONG

1. Mga tanong na humihingi ng limitadong sagot na oo o hindi.

Madalas marinig ang ganitong uri ng tanong sa wikang Filipino.

Page 3: Maayos na Pagtatanong at Pagsagot sa mga Tanong

ILANG PARAAN NG PAGTATANONG AT PAGSAGOT

SA MGA TANONG

1. Mga tanong na humihingi ng limitadong sagot na oo o hindi.

Mapapansin ang pagtaas o pagbaba ng intonasyon sa gawing dulo ng mga tanong na ito.

Page 4: Maayos na Pagtatanong at Pagsagot sa mga Tanong

ILANG PARAAN NG PAGTATANONG AT PAGSAGOT

SA MGA TANONG

1. Mga tanong na humihingi ng limitadong sagot na oo o hindi.

Maikli lamang ang inaasahang sagot at hindi na nangangailangan ng pangungusap na magpapaliwanag sa sagot.

Page 5: Maayos na Pagtatanong at Pagsagot sa mga Tanong

ILANG PARAAN NG PAGTATANONG AT PAGSAGOT

SA MGA TANONG

1. Mga tanong na humihingi ng limitadong sagot na oo o hindi.

Halimbawa:Nakuha mo ba ang aral na

hatid ng pabula?Oo, (nakuha ko)

Hindi (ko nakuha)

Page 6: Maayos na Pagtatanong at Pagsagot sa mga Tanong

ILANG PARAAN NG PAGTATANONG AT PAGSAGOT

SA MGA TANONG

1. Mga tanong na humihingi ng limitadong sagot na oo o hindi.

Halimbawa:Magagamit mo kaya ang aral

na ito sa iyong buhay?Oo, (magagamit ko)

Hindi (ko magagamit)

Page 7: Maayos na Pagtatanong at Pagsagot sa mga Tanong

ILANG PARAAN NG PAGTATANONG AT PAGSAGOT

SA MGA TANONG

2. Mga tanong na masasagot ng mayroon, wala, oo, hindi, ayaw ko/ayoko, ewan/aywan, siguro/marahil, at iba pa na may tonong naiinis, naiinip, natutuwa, walang gana, at iba pa.

Page 8: Maayos na Pagtatanong at Pagsagot sa mga Tanong

ILANG PARAAN NG PAGTATANONG AT PAGSAGOT

SA MGA TANONG

2. Mababakas sa tono o intonasyon ng pagtatanong ang damdaming taglay ng nagtatanong.

Halimbawa: May kilala ka bang katulad ng

mapanlinlang na aso sa pabula?

Mayroon.Wala.

Page 9: Maayos na Pagtatanong at Pagsagot sa mga Tanong

ILANG PARAAN NG PAGTATANONG AT PAGSAGOT

SA MGA TANONG

2. Mababakas sa tono o intonasyon ng pagtatanong ang damdaming taglay ng nagtatanong.

Halimbawa: Matututo na kaya ang aso mula

sa karanasan niyang ito?Siguro.

Ewan ko

Page 10: Maayos na Pagtatanong at Pagsagot sa mga Tanong

ILANG PARAAN NG PAGTATANONG AT PAGSAGOT

SA MGA TANONG

3. Mga tanong na binubuo ng pangungusap na sinusundan ng hindi/di ba upang matiyak ang katotohanan o kamalian ng sinasabi sa pangungusap.

Page 11: Maayos na Pagtatanong at Pagsagot sa mga Tanong

ILANG PARAAN NG PAGTATANONG AT PAGSAGOT

SA MGA TANONG

3. Masasagot din ng oo/opo, hindi/hindi po, o ewan/aywan ko po, siguro, sigurado, tiyak ‘yon, at iba pa ang ganitong mga tanong.

Page 12: Maayos na Pagtatanong at Pagsagot sa mga Tanong

ILANG PARAAN NG PAGTATANONG AT PAGSAGOT

SA MGA TANONG

3. Halimbawa:Natuto ka rin sa naging

karanasan ni Uwak, hindi ba? Opo.

Mag-iisip ka na muna bago maniwala sa mga bolero, hindi ba? Tiyak po ‘yun.

Page 13: Maayos na Pagtatanong at Pagsagot sa mga Tanong

ILANG PARAAN NG PAGTATANONG AT PAGSAGOT

SA MGA TANONG

4. Mga tanong na nagsisimula sa mga salitang pananong tulad ng ano/ano-ano, sino/sino-sino, kailan, saan, bakit, at paano.

Page 14: Maayos na Pagtatanong at Pagsagot sa mga Tanong

ILANG PARAAN NG PAGTATANONG AT PAGSAGOT

SA MGA TANONG

4. Bago sumagot sa tanong na ito, mabuting tumigil muna sumandali at suriing mabuti ang nilalaman ng tanong upang makatiyak na tumpak ang magiging kasagutan.

Page 15: Maayos na Pagtatanong at Pagsagot sa mga Tanong

ILANG PARAAN NG PAGTATANONG AT PAGSAGOT

SA MGA TANONG

4. Ang mga tanong na nagsisimula sa Bakit at Paano ay nangangaila-ngan ng mas malalimang pang-unawa upang makasagot nang maayos at tama.

Page 16: Maayos na Pagtatanong at Pagsagot sa mga Tanong

ILANG PARAAN NG PAGTATANONG AT PAGSAGOT

SA MGA TANONG

4. Karaniwan ding nangangailangan ng paliwanag ang ganitong uring mga tanong kaya’t inaasahang mas mahaba ang kasagutan.