lp- 4 pronged

13
Banghay Aralin para sa Sampung Magkakaibigan Level: Kindergarten Inihanda nina: Cristina Esperida, Joan Mallari, Richie Carla Vesagas I. Layunin GLR-CT A. Pagpapahalaga 1. Maipakita sa mga bata ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga kaibigan. 2. Maibahagi ang magagandang katangian ng isang mabuting kaibigan. B. Mga Kasanayan 1. Mailarawan ang mga tauhan sa kwento. 2. Mapag-sunud-sunod ang mga pangyayari sa kwento sa pamamagitan ng pagsunod- sunod ng mga larawan. 3. Makagawa ng isang sulat paumanhin. 4. Matukoy ang tamang ginawa ng pangunahing tauhan sa kwento. 5. Makabuo ng pangungusap na nagbibigay kahulugan sa isang salita. GOLD Grammar 1. Makilala ang mga pang-uri Function 1. Mailarawan ang mga tao, lugar, hayop, bagay at pangyayari 2. Magamit ng wasto ang mga pang-uri sa pangungusap TS A. For the Basic Group 1. Mapagtugma ang mga larawan na nagsisimula sa titik D 2. Maayos ang mga letra para makagawa ng salitang nagsisimula sa titk D 3. Matapos ang mga pararila gamit ang wastong salita na nagsisimula sa titik D B. For the Average Group 1. Matapos ang mga parirala gamit ang wastong salita na nagsisimula sa titik D 2. Matapos ang mga pangungusap gamit ang wastong salita na nagsisimula sa titik D 3. Makasagot sa mga tanong tungkol sa nabasang mga pangungusap C. For the Fast Group 1. Matapos ang mga pangungusap gamit ang wastong salita na nagsisimula sa titik D 2. Makasagot ng mga tanong tungkol sa mga nabasang pangungusap 3. Makasagot ng mga tanong tungkol sa nabasang kwento II. Subject Matter GLR-CT Kwento: Sampung Magkakaibigan Isinulat ni: Kristine Canon Guhit ni: Ruben de Jesus Inilimbag ng: Adarna House, Inc. Taon ng Paglimbag: 2008

Upload: richie-carla-vesagas

Post on 08-Apr-2015

660 views

Category:

Documents


7 download

TRANSCRIPT

Page 1: LP- 4 pronged

Banghay Aralin para sa Sampung Magkakaibigan

Level: KindergartenInihanda nina: Cristina Esperida, Joan Mallari, Richie Carla Vesagas

I. Layunin

GLR-CTA. Pagpapahalaga

1. Maipakita sa mga bata ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga kaibigan.2. Maibahagi ang magagandang katangian ng isang mabuting kaibigan.

B. Mga Kasanayan1. Mailarawan ang mga tauhan sa kwento.2. Mapag-sunud-sunod ang mga pangyayari sa kwento sa pamamagitan ng pagsunod-

sunod ng mga larawan.3. Makagawa ng isang sulat paumanhin.4. Matukoy ang tamang ginawa ng pangunahing tauhan sa kwento.5. Makabuo ng pangungusap na nagbibigay kahulugan sa isang salita.

GOLDGrammar

1. Makilala ang mga pang-uri Function

1. Mailarawan ang mga tao, lugar, hayop, bagay at pangyayari2. Magamit ng wasto ang mga pang-uri sa pangungusap

TSA. For the Basic Group

1. Mapagtugma ang mga larawan na nagsisimula sa titik D 2. Maayos ang mga letra para makagawa ng salitang nagsisimula sa titk D3. Matapos ang mga pararila gamit ang wastong salita na nagsisimula sa titik D

B. For the Average Group1. Matapos ang mga parirala gamit ang wastong salita na nagsisimula sa titik D 2. Matapos ang mga pangungusap gamit ang wastong salita na nagsisimula sa titik D 3. Makasagot sa mga tanong tungkol sa nabasang mga pangungusap

C. For the Fast Group1. Matapos ang mga pangungusap gamit ang wastong salita na nagsisimula sa titik D 2. Makasagot ng mga tanong tungkol sa mga nabasang pangungusap 3. Makasagot ng mga tanong tungkol sa nabasang kwento

II. Subject Matter

GLR-CTKwento: Sampung Magkakaibigan Isinulat ni: Kristine Canon Guhit ni: Ruben de Jesus Inilimbag ng: Adarna House, Inc. Taon ng Paglimbag: 2008

Page 2: LP- 4 pronged

GOLDGrammar: Pang-uri – mga salitang naglalarawan o nagbibigay katangian sa mga tao,

bagay, hayop, lugar, o pangyayari

TSA. Pagbasa:B. Pagsulat: salita, parirala, pangungusap, at kwento na mga salita na nagsisimila sa titik D

III. Kagamitan

cartolina, papel at mga pangsulat

IV. Procedure

GLR-CT

Bago Magbasa ng Kwento

Paghawi ng Balakid

1. madungis – marumi

(magdadala ang guro ng madungis na stuffed toy)

guro: May dala ako ditong laruan. Ang laruan na ito ay madungis at kailangan nang linisin. Ano ang ibig sabihin ng madungis?

2. kambal - dalawang magkapatid na sabay ipinanganak

(magpapakita ang guro ng larawan ng kambal)

guro: Ito ay larawan ng kambal. Ano ang napansin ninyo sa larawang ito? Pareho kaya ang kanilang mga magulang? Ano ang ibig sabihin ng kambal?

3. antukin - palaging inaantok

guro: (maghihikab) Hay, inaantok nanaman ako. Sabi ng isa kong kaibigan masyado daw akong antukin nitong mga nakaraang araw. Ano kaya ang ibig sabihin ng antukin?

4. tore ng bloke - pinagpatung-patong na bloke na gawa sa kahoy o plastic

guro: Mayroon akong isa pang laruan. Ito ay mga bloke na gawa sa plastic. Maraming paraan para ito ay laruin, isa na ay ang paggawa ng tore. (gagawing tore ng bloke ng guro ang laruan) Ito ay isang tore ng bloke.

5. inanyayahan – inimbitahan

guro: Inanyayahan ako ng kapatid ko na pumunta sa birthday party ng anak niya. Pupunta ako kasi inimbitahan din ako ng kanyang asawa. Ano ang ibig sabihin ng inanyayahan?

Page 3: LP- 4 pronged

Pagganyak

Mayroon ba kayong mga kaibigan? Ilan lahat sila, mabibilang ninyo ba? Sa ating kwento, malalaman natin kung ilan ang kaibigan ng ating pangunahing tauhan.

Mga Maaaring Itanong Habang Nagbabasa ng Kwento

1. Ilan lahat ang magkakaibigan? P.1

2. Ano ang sabi ni Karlo kay Ben? P.3

3. Ano ang sabi ni Karlo kay Leo? P.6

4. Ano ang ginawa ni Karlo pagkatapos niyang matalo sa pompiyang? P.9

5. Nasaan kaya ang mga kaklase ni Karlo? P. 12

6. Bakit naiyak si Karlo? P.17

Pagkatapos Magbasa ng Kwento

Pangkatang Gawain

Unang Pangkat: Isa hanggang Sampu

*May mga larawan ng sampung magkakaibigan na nakadikit sa poster. May mga nakasulat din na pangalan nila dito. May mga salitang naglalarawan sa kanila na ibibigay sa mga bata at ididikit nila ang bawat salitang naglalarawan sa tamang pangalan ng batang inilalarawan nito.

Panuto: Piliin kung alin sa mga salita ang tamang naglalarawan sa bawat isa sa sampung magkakaibigan at idikit ito sa kanilang larawan.

Ben Susie Leo Lara Karen Joo-chan

Eric Ella Anton

kaybagal madungis mahilig maglaro

kambal antukin

Koreano

Page 4: LP- 4 pronged

Pangalawang Pangkat: Mali Karlo Mali

*May mga larawan ng mga ginawang mali ni Karlo sa kanyang mga kaklase. Pag-susunud-sunurin ang mga ito ng mga mag-aaral ayon sa nasabi sa kwento. Ididikit nila ang mga larawan na pinagsunud-sunod sa poster.

Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga larawan ayon sa kwento at idikit ang mga ito sa poster na may nakalagay na numero.

Pangatlong Pangkat: Patawad mga Kaibigan

*Gagawa ng isang sulat ang mga mag-aaral .Ito ay isang sulat ni Karlo para sa kanyang mga kaklase na humuhingi ng paumanhin dahil sa kanynag mga nagawa.

Panuto: Gumawa ng isang sulat ni Karlo para sa kanyang mga kaklase. Ilagay ditto ang paghingi niya ng paumanhin dahil sa mga mali niyang inasal sa kanila.

1.Belat! Tukso ni Karlo kay Ben sa pila.

Kadiri ka! Sabi niya kay Susie.

2. Nasira niya ang bloke ni Leo at inagaw ang laruan ni Lara.

3. Inagaw niya ang suman ni Karen at nasagi ang mami ni Joo-chan.

4.Siya ang nasusunod sa laro nila nina Eric at Ella.

5. Hooy gising ka! Sigaw niya sa natutulog na si Anton.

________________

Mahal kong mga Kaklase,

Patawad dahil__________________________

_________________________________

Nagmamahal,

___________

Page 5: LP- 4 pronged

Pang-apat na Pangkat: Ang Mabait na si Karlo

* May larawan kung saan nagpapakita si Karlo ng kabutihan. Isusulat ng mga mag-aaral sa gilid ng larawan ang kabutihang ipinapakita ni Karlo.

Panuto: Ilarawan ang ginagawa ni Karlo sa mga larawan. Sabihin kung ano ang ginagawa niayang kabutihan sa kanyang kaklase sa pamamagitan ng pagsulat sa gilid ng bawat larawan.

Pang-limang Pangkat: Pangako ng isang Mabuting Kaibigan

* Maglilista ng tatlong mabubuting bagay na maaaring gawin ng isang mabuting kaibigan ang buong pangkat.

Panuto: Magbigay ng tatlong mabubuting bagay na pwede ninyong ipangakong gagawin upang maging isang mabuting kaibigan.

Ben

Susie

Karen at Joo-chan

Lara

Anton

LeoEric at Ella

Upang maging isang mabuting kaibigan, ipinapangako naming na:

1. ___________________________________________

2. ___________________________________________

3. ___________________________________________

Page 6: LP- 4 pronged

Pagtatalakay

1. Ilan lahat ang mga kaibigan ni Karlo?

2. Kilalanin natin sila sa pamamagitan ng ginawa ng unang pangkat.

3. Marami ngang kaibigan si Karlo, pero bakit kaya minsan ay ayaw nilang makipag-laro sa kaniya?

4. Ano ang mga ginagawa ni Karlo na hindi nagugustuhan ng kanyang mga kaibigan?

5. Alamin natin ang mga ito sa pamamagitan ng pakikinig sa pangalawang pangkat.

6. Dahil nga sa mga ginagawang ito ni Karlo kaya isang araw wala siyang naabutan sa kanilang

silid-aralan. Ayaw makipaglaro sa kaniya ng ibang mga bata. Ano ang naramdaman ni Karlo

tungkol dito? Gusto din ba ninyo ang makipaglaro sa isang tulad ni Karlo?

7. Naisip ni Karlo ang kaniyang pagkakamali. Kung siya ay gagawa ng sulat para sa kanyang mga

kaibigan, ano kaya ang sasabihin niya sa mga ito? Alamin natin sa pangatlong pangkat.

8. Nagsisi talaga si Karlo kaya anu-ano ang ginawa niya para maging kaibigan niya ulit ang

kanyang mga kaklase?

9. Alamin natin sa pang-apat na pangkat kung paano naging mabuting kaibigan si Karlo sa kanyang

mga kaklase.

10. Kung kayo ay kaklase ni Karlo, gusto ninyo na rin ba siyang maging kaibigan? Bakit? Bakit hindi?

11. Anu-ano ang mga katangian ng isang mabuting kaibigan?

12. Ang pang-limang pangkat ay may inihanda sa atin tungkol dito. Alamin natin kung anu-ano ang

gusto nilang ipangako upang maging isang mabuting kaibigan.

Pagsasanay

Panuto: (para sa lahat) Tapusin ang pangungusap sa pamamagitan ng pagsulat ng katangian ng isang mabuting kaibigan.

GOLDA. Presentasyon

Babasahin ko muna ang mga pangungusap. Mamaya, pagkatapos ko ay babasahin naman natin ito ng sabay-sabay.

Ang mabuting kaibigan ay ________________________________________

Ang mabuting kaibigan ay ________________________________________

Ang mabuting kaibigan ay ________________________________________

Ang mabuting kaibigan ay ________________________________________

Ang mabuting kaibigan ay ________________________________________

Page 7: LP- 4 pronged

B. Pagbubuo

1. Ano ang masasabi natin kay Ben?

2. Ano ang hitsura ng aso ni Susie?

3. Sa anong klaseng paaralan nag-aaral ang sampung magkakaibigan?

4. Ano ang masasabi natin sa toreng gawa ni Leo?

5. Ano ang nararamdaman natin kapag naglalaro?

6. Basahin natin ang mga salitang may salungguhit. Ano ang napapansin ninyo sa kanila?

*Ang mga salitang ito ay mga salitang naglalarawan o nagbibigay katangian sa mga tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari. Maaari silang magbigay ng kulay, hugis, amoy, lasa, at hitsura ng pangngalan.

Mabagal si Ben.

Madungis ang pusa ni Susie.

Si Karlo ay nag-aaral sa malaking paaralan.

Gumawa si Leo ng mataas na tore.

Masaya ang maglaro kasama ang mga kaibigan.

Page 8: LP- 4 pronged

C. Guided Practice

Buuin ang mga pangungusap sa pamamagitan ng pagbibigay ng salitang naglalarawan na tutugma sa katabing larawan.

1. ______ ang buhok ni Lola Sonia.

2. ______ ang leon.

3. Kumain kami ng _______ na mangga.

4. ______ ang bestida ni Nina.

5. Nagustuhan ko ang mga _______ bulaklak sa parke.

D. Asimilasyon

May Limang Magkakaibigan. (Hatiin sa limang grupo ang klase.) May limang magkakaibigan – sina Karen, Anton, Eric, Ella, at Joochan. Naatasan silang magdala ng limang kahit anong paborito bagay nila. Tulungan natin silang ilarawan ang mga dinala nilang bagay para malaman natin kung bakit nila ito naging paborito. (Bawat grupo ay bibigyan ng sobre na may mga larawan at malaking larawan na hugis-bata kung saan nila ididikit ang mga nabunot na paboritong bagay.)

Magpapakita ang guro ng halimbawa:

Guro: Ako ay kabilang sa grupo ni Karen. (Bunot ng isang bagay: sumbrero) Sasabihin ko, “Paborito ni Karen ang kanyang makulay na sumbrero.“ Tapos ididikit ko ito sa ulo ni Karen.

Page 9: LP- 4 pronged

E. Independent Practice

Name: ______________________________________________ CN: K- ______________________

Nagbakasyon si Karlo sa bahay ng kanyang tiyo. Tulungan natin siyang isulat ang kanyang naging karanasan.

Panuto: Buuin ang mga pangungusap sa pamamagitan ng pagbibigay ng salitang naglalarawan.

Nagbakasyon ako sa ____________ bahay ng aking tiyo.

Nakilala ko ang aking _________ na pinsan, si Kim.

__________ ang pusa na alaga ni Kim.

Tumutugtog si tiyo gamit ang kanyang ____________ na gitara.

Page 10: LP- 4 pronged

TS

Noong bata pa ako, mahilig akong pumunta sa dagat. Naglalakad ako sa may dalampasigan tuwing sasapit ang bukang liwayway. (Ipakita ang larawan ng dagat at dalampasigan) Nang ako ay mapagod dahil sa haba ng aking nilakad, nagpahinga muna ako sa duyan bago umuwi. (Ipakita ang larawang ng duyan)

Nang ako ay pauwi na, napansin ko ang maraming dahon na nagkalat sa daan. Ito ay galling sa puno ng duhat na malapit ng makalbo.

Magtatanong ang teacher: Kayo, anu ano ang mga napapansin niyo tuwing kayo ay namamasyal?

Mangga (B) Makopa (A) Mansanas (f)10 mins.

OWAng mga mag-aaral ay hahatiin sa 2 grupo. Pagkatapos ng senyas, ang isang kasapi ay bubuo ng isang picture puzzle at pipiliin ang tamang salita na tutugma sa picture puzzle.

SWMagkakaroon ng (5) kawayan na may gumagalaw na mga dahon. Nakasulat sa bawat kawayan ay hindi tapos na parirala.

SWMayroong (5) larawan ng pacman. Bawat larawan ay nabubuksan ang bibig para maipakita ang 2 pangungusap kasabay ng mga tanong.

10 mins.SW

Mayroong (10) sobre, ang bawat isa ay naglalaman ng mga larawan at mga titik. Ang mag-aaral ay aayusin ang mga titik para maka-buo ng salita na tutugma sa isang larawan.

OWAng mga mag-aaral ay hahatiin sa 2 grupo. Mayroong board game na may iba’t ibang kulay ang pag-hahakbangan. Ang studyante ay bubunot ng isang colored card na tutugma sa kulay na kanilang nakuha. Nakasulat sa bawat colored card ay mga hindi tapos na parirala.

SWMayroong lumilipad na walis na natatanggal ang mga tingting. Nakasulat doon ay isang maikling kwento kasabay ay mga tanong.

10 mins.SW

Mayroong (8) octopus hands na gumagalaw ang mga kamay. Mayroong hindi tapos na pangungusap na naka-sulat sa mga ito.

SWMayroon (5) na jack in the box sa harap. Ang bawat box ay maaaring buksan, pagka-bukas ay lalabas ang isang papel na may nakasulat ng pangungusap kasunod ay isang tanong.

OWHahatiin sa 2 grupo ang mga mag-aaral. Pagkatapos ng senyas, hahanapin ng mga estudyante ang mga pirata para malaman ang mga salita na kokompleto sa pangungusap.

Page 11: LP- 4 pronged

A. Mangga (B)

OW1: Picture Puzzle

Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa 2 grupo. Pagkatapos ng senyas, ang isang kasapi ay bubuo ng isang picture puzzle at pipiliin ang tamang salita na tutugma sa picture puzzle. Ang unang kasapi na makakapag-basa ng salita ng malakas, ang makakatanggap ng isang punto para sa grupo. Ang bawat kasapi sa grupo ay magsasalit-salitan sa pagbuo ng mga puzzles hanggang sa ang lahat ay makalahok. Ang grupo na magkakaroon ng maraming puntos pagkatapos ng laro ay tatanghaling panalo. Picture Puzzle: duyan, dila, daliri, daga, dahon

SW1: Isang Salita

Mayroong (10) sobre, ang bawat isa ay naglalaman ng mga larawan at mga titik. Ang mag-aaral ay aayusin ang mga titik para maka-buo ng salita na tutugma sa isang larawan. Gagawa sila ng isang pangungusap gamit ang nabuong salita at isusulat nila ito sa kanilang worksheet.

Mga Salita: duyan, dila, daliri, daga, dahon, damit, dagat, daan, diwata, digmaan

Panuto: Ayusin ang mga titik na nasa loob ng sobre. Itugma ang nabuong mga titik sa katumbas na larawa.

SW2: Octopus HandsMayroong (8) octopus hands na gumagalaw ang mga kamay. Mayroong hindi tapos na pangungusap na naka-sulat sa mga ito. Ang mga pag-pipilian ay naka-sulat sa octopus hands. Ang mga mag-aaral ang pipili ng wastong salita na kokompleto sa pangungusap

1. Masarap humiga sa (duyan, daan).2. Ang mga (dahon, damit) ay nagkalat sa daan.3. Pumunta ako sa (Dentista, Duktor) para magpa-gamot ng ngipin.4. Masarap lumangoy sa (dagat, dugo) tuwing bakasyon.5. Takot ako sa (daga, duhat). 6. Sinusuot ang singsing sa (daliri, dila).7. Tuwing Disyembre naglalagay kami (dekorasyon, dahon).8. (Dalangin, Dighay) ko ns sana maging tahimik na ang

daigdig.magkaroon ako ng laruan.

Page 12: LP- 4 pronged

B. Makopa (A)

C. Mansanas (F)

OW1: Board gameAng mga mag-aaral ay hahatiin sa 2 grupo. Mayroong board game na may iba’t ibang kulay ang pag-hahakbangan. Pagkatapos pagulungin ang dice, ang mag-aaral ay bubunot ng isang colored card na tutugma sa kulay na kanilang nakuha. Nakasulat sa bawat colored card ay mga hindi tapos na parirala. Ang mga mag-aaral ay pipili ng wastong salita na kokompleto sa parirala at babasahin nila ito ng malakas, ang unang makatapos sa hagdan ay siyang mananalo.

Parirala:a. Malinis na (dagat, dighay)b. Mahabang (daan, dugo)c. Magandang (damit, dugo)d. Tahimik na (daigdig,damit)e. Luntian na (dahon, duyan)

SW1: Bamboo Leaves

Magkakaroon ng (5) kawayan na may gumagalaw na mga dahon. Nakasulat sa bawat kawayan ay hindi tapos na parirala. Ang mga pag-pipilian ay naka-sulat naman sa mga dahon. Ang mga mag-aaral ay isusulat ang kompletong parirala sa kanilang mga worksheets.

Panuto: Tapusin ang mga parirala sa pamamagitan ng pagpili ng tamang sagot.

a. Malawak na (dahon, dagat)

b. Mahabang (daan, dighay)

c. Mabait na (dalaga, duhat)

d. Magulong (dighay, digmaan)

e. Taimtim na (dalangin, damit)

SW2: jack in the box

Mayroong (5) na jack in the box sa harap. Ang bawat box ay maaaring buksan, pagka-bukas ay lalabas ang isang papel na may nakasulat ng pangungusap kasunod ay isang tanong. Isusulat ng mga mag-aaral ang kanilang mga sagot sa kanilang mga worksheets.

a. Ang paborito niyang buwan ay Disyembre. Ano ang paborito niyang buwan?

b. Takot siya sa dugo. Saan siya tako?

c. Ang sarap humiga sa duyan. Saan masarap humiga?

d. Maraming nagkalat na dahon sa hardin. Ano ang maraming nagkalat sa hardin?

Page 13: LP- 4 pronged

C. Mansanas

OW1: Hanapin ang mga Pirata!

Hahatiin sa 2 grupo ang mga mag-aaral. Pagkatapos ng senyas, hahanapin ng mga estudyante ang mga pirata para malaman ang mga salita na kokompleto sa pangungusap. Ang unang kasapi na makakapag-basa ng kompletong pangungusap ay magkakakroon ng punto ang kanilang grupo.

a. Tahimik na ______. (daigdig)

b. Mahinhin na ________. (dalaga)

c. Pulang ______. (dugo)

d. Marikit na _______. (diwata)

e. Malakas na _______. (dighay)

SW1: Pacman

Mayroong (5) larawan ng pacman. Bawat larawan ay nabubuksan ang bibig para maipakita ang 2 pangungusap kasabay ng mga tanong. Isusulat ng mga mag-aaral ang kanilang mga sagot sa kompletong pangungusap sa kanilang mga worksheets.

a. May nakita akong daga. Ano ang nakita niya?Ito ay kumakain ng dahon. Ano ang kinakain nito?

b. Hinahanap niya ang kanyang damit. Ano ang hinanhanap niya?Ito ay nakapatong sa duyan. Saan ito nakapatong?

c. Ang linaw ng dagat. Ano ang malinaw?Malapit ito sa daan. Saan ito malapit?

d. Siya ay siang makapangyahirang dalaga? Sino ang makapangyarihan?Nakatira siya sa malayong daigdig. Saan siya nakatira?

e. May napulot akong kabibe sa dalampasigan. Saan niya napulot ang kabibe?Nabitawan ko ito ng may lumabas na hayop sa kabibe. Saan siya kinagat?

SW3: Lumilipad na walis

Mayroong lumilipad na walis na natatanggal ang mga tingting. Nakasulat doon ay isang maikling kwento kasabay ay mga tanong.

May isang dalaga na nakatira sa isang malayong lugar malapit sa dagat. Tuwing umaga ay naglalakad siya sa may dalampasigan. Napansin niya na maraming dahon ang nakalutang. “Hindi na malinis ang daigdig na nakita ko,” sabi niya sa sarili.Nang mapagod, nagpahinga siya sa duyan hanggang sa makatulog.

1. Sino ang nakatira sa malayong lugar?2. Saan siya malapit?3. saan siya naglalakad tuwing umaga?4. Ano ang nakalutang sa dagat?5. Ano ang hindi na malinis?6. Saan siya nagpahinga?