love like oxygen by verzione

131
Love Like Oxygen © verzione 2012 This is not edited. Do not plagiarize. *** *** *** Pagkat bigo sa pag-ibig, sa pagkain ibinaling ni Liza ang kanyang galit at himutok. Tumaba siya. Nang ipahiram sa kanya ng best friend niyang si Divie ang engagement ring na bigay ng gwapong suitor nito na si Sammy, sumikip ang singsing sa daliri niya. Bakit habang nagre-reduce para mahugot ang singsing ay nabaling kay Liza ang pag-ibig ni Sammy? Karibal pa ni Sammy kay Liza si Boboy, ang makulit nilang kapitbahay. Ano ang mangyayari? *** Copyright (c) All Rights Reserved - ----- Stories No part of this craft shall be reproduced, transmitted or plagiarized, by any means. Unless with the written permission of the author. Or by law. Footer: Hi! Makulit na Author here. Ayan na naman, ako na naman si sulat ng story tapos kalaunan e hindi na nag-uupdate. Ahahaha. Habit e. Sorry. Pero promise ko po! Kapag ang teaser na 'to e umabot ng 50 reads e iuupdate ko. Medyo makaluma lang po ang mga pangalan ng characters dito kasi nung Grade4 ko pa po ito sinulat, hindi ko lang natuloy. At nung Grade4 ako e conry pa ako magsulat (maski naman ngayon.) Saka nga po pala, may mga makikita kayong

Upload: noah

Post on 07-Nov-2014

181 views

Category:

Documents


1 download

DESCRIPTION

Not edited. Do not plagiarize.

TRANSCRIPT

Page 1: Love Like Oxygen by Verzione

Love Like Oxygen

© verzione 2012 This is not edited. Do not plagiarize.

*** *** ***

Pagkat bigo sa pag-ibig, sa pagkain ibinaling ni Liza ang kanyang galit at himutok. Tumaba siya. Nang ipahiram sa

kanya ng best friend niyang si Divie ang engagement ring na bigay ng gwapong suitor nito na si Sammy, sumikip ang

singsing sa daliri niya. Bakit habang nagre-reduce para mahugot ang singsing ay nabaling kay Liza ang pag-ibig ni

Sammy? Karibal pa ni Sammy kay Liza si Boboy, ang makulit nilang kapitbahay.

Ano ang mangyayari?

***

Copyright (c) All Rights Reserved - ----- Stories

No part of this craft shall be reproduced, transmitted or plagiarized, by any means. Unless with the written permission

of the author. Or by law.

Footer:

Hi! Makulit na Author here. Ayan na naman, ako na naman si sulat ng story tapos kalaunan e hindi na nag-uupdate.

Ahahaha. Habit e. Sorry. Pero promise ko po! Kapag ang teaser na 'to e umabot ng 50 reads e iuupdate ko. Medyo

makaluma lang po ang mga pangalan ng characters dito kasi nung Grade4 ko pa po ito sinulat, hindi ko lang natuloy.

At nung Grade4 ako e conry pa ako magsulat (maski naman ngayon.) Saka nga po pala, may mga makikita kayong

Page 2: Love Like Oxygen by Verzione

unfamiliar words like ani and aniya. Ani means sabi ni and Aniya means sabi niya. Yun lang, sana po ay magustuhan

nyo!

****

The Beginning. : Chapter 1

***

"Napakasakit talaga, Kuya Mark!"

Napasigok pa si Sammy matapos ang paghihinga ng sama ng loob sa nakatatandang kapatid. Magkakalahati na ang

iniinom nilang isang boteng Chivas Regal nang gabing iyon, huling araw ng Linggo ng Abril.

Dumampot si Mark ng pulutang hipon sa plato. Isinawsaw nito iyon sa toyong nasa platito at isinubo, kasunod ang

pagsimsim ng whiskey.

“Sam,” sabi nito, “you can’t win them all.”

“I don’t mind losing once in a while, Kuya. Kaya lang… para talaga akong ginago ng babaeng yon!” Kasunod

niyon, mabilis na pinahid niya ang luha sa mukha sa pamamagitan ng isang palad. “Tagay pa, Kuya?”

Page 3: Love Like Oxygen by Verzione

“Lasing ka na, tol,” natatawa at naiiling na sabi ni Mark bagaman ito’y halatang naawa sa kanya. “At huwag kang

ngumalngal dyan na parang bata. You’re a 26-year-old civil engineer, ano ka ba?”

Suminghap ng hangin si Sammy at pinayapa ang sarili. Kinuha niya ang bote ng Chivas, sinalinan ang baso ng

kanyang kuya at pagkuwa’y ang sariling baso naman ang tinagayan.

“Akalain mong masulot pa ako ng Rado Vargas na yon ke Divina!” aniya. “Sinamantala niya ang pagiging

subordinate ni Divie. Office supervisor siya, section chief. Siyempre, madali na nga niyang mapapaibig ang

isang tauhan niya sa opisina. On top of that, Kuya Mark… magkapitbahay pa sila sa Quezon City.”

“May kasabihan, Sammy,” ani Mark na tulad niyay isa ring civil engineer at nakatatanda sa kanya lang nang

dalawang taon, “everything is fair in love and war.”

Page 4: Love Like Oxygen by Verzione

Napailing siya. Ginamit ang choptsticks sa pinupulutan nilang pritong hipong binalutan ng arina, isinawsaw sa toyong

nasa isang platito at isinubo.

Habang ngumunguya, iginala niya ang tingin sa maliit na hardin ng kanilang parental house na iyon sa San Juan,

Metro Manila.

Doon sila inabot ng dilim sa pag-iinuman, sa ilalim ng isang hugis payong na shed na ang rim ng bilog na bubong ay

nalilinyahan ng maliliit na bombilyang de-kulay, nagsisilbing ilaw nila.

“Parang lumalabas din, Kuya, na kinatalo ng Radong iyon ang Kumpareng Dante mo,” aniya nang wala nang

laman ang bibig. Kinuha niya ang kanyang baso. “Hindi ba’t magkabarkada sila?”

Page 5: Love Like Oxygen by Verzione

Parang inis na napatingin si Mark sa labas ng bakuran. “So what?” sabi nito. “Ano naman ang magagawa ni

Pareng Dante kung patulan ng sister niya ang Rado Vargas na iyon? Binata naman pala iyon at hindi kasal sa

dating ka-live-in!”

Napabuntunghinga si Sammy at tinungga ang laman ng kanyang baso. “Aahhh…!” aniya nang wari’y muling

mapaso ng matapang na whiskey ang kanyang lalamunan. “Hanep talaga tong Chivas. Ang tapang. Phew!”

“Manligaw ka na lang sa iba, ‘tol,” ani Mark. “Kalimutan mo na si Divina.”

Tumango siya. “Ano pa nga ba’ng magagawa ko? Pero na-love-at-first-sight talaga ako sa babaeng ‘yon. Ang

ganda kasi ng boobs. Lintik ang sex appeal.”

Page 6: Love Like Oxygen by Verzione

“Marami ka pang makikitang mas seksi at mas maganda sa kanya.” Tumawa si Mark. “Para ka namang hindi

nagbibilang ng s’yota!”

“Oo nga. Kaso . . . kung sino pa ang gusto kong totohanin, doon naman ako nabasted. Ang pagkakamali ko

pa e . . . naibigay ko sa kanya ‘yong engagement ring nina Daddy at Mommy.”

“Ano?” pandidilat sa kanya ni Mark. “Ang laki ng sentimental value ng singsing na ‘yon! H’wag nang sabihing

ang bato niyon e worth a fortune na rin naman. Bakit naman ibinigay mo sa kanya ‘yon e hindi mo pa pala

s’yota?”

“Buong akala ko nga, in the bag na siya, e.” Sabi nito.

Page 7: Love Like Oxygen by Verzione

“Ay, tanga! Kapag nalaman ni Mommy ang tungkol do’n, ipababawi sa ‘yo ‘yon!” Sabi naman niya.

“Naman!” Kahit lalaki’y napairap siya sa kapatid. “Sabihin nang worth more than a hundred thousand pesos

iyon, mapapalitan ko naman siguro yon, Kuya Mark!”

“Hindi na nga ‘yong monetary value ang importante, e. Hindi mo ba alam na ang original na me-ari niyon e si

Lola Remy? Engagement ring ‘yon ng lola’t lolo natin sa father side, ‘tol! Ipinamana ni Lola Remy ke Daddy,

at naging engagement ring naman nila ni Mommy. Bakit nga ba sa yo napunta ‘yon?”

“Aba’y ewan ko,” aniya. “Ibinigay sa ‘kin ni Mommy, e. Siguro nga, mas paborito niya ako kesa sa ‘yo.”

Napatingin si Mark sa kanilang parental house. Mas malapit sila sa bakod ng lote kaysa kongkretong bahay. Pagkat

pamilyado na ay hindi na nakatira roon si Mark. May sarili na itong bahay sa Roxas District, QC.

Page 8: Love Like Oxygen by Verzione

Dinalaw nito nang Linggong iyon ang kanilang mommy na kaaalis lang, makikipag- mahjong sa isang amiga sa

Mandaluyong City. Naging dibersiyon na ng kanilang ina ang pagmamadyong mula nang mabiyuda.

“I’ll tell you this, Sammy,” sabi nito. “A family legacy such as that should be regarded with respect. Bawiin

mo yon kay Divina.”

“Kuya naman!” Saway nito sa Kuya nya.

“I’m not as superstitious as Mom, Samuel. Pero kapag ang ganoon daw mga gintong pamana ay napunta sa

di kinauukulan, mamalasin ang buong angkan! I’m sorry, I think I’ll have to tell Mommy about this!”

Page 9: Love Like Oxygen by Verzione

****

The Next Chapter.: Chapter 2

***

Galing sa restroom at pabalik na sa office table, napatigil si Mrs. Rina Santos sa tabi ng computer desk ni Liza nang

umagang iyon ng Martes, pangalawang araw ng Mayo.

“Liza, ngayon ko lang napansin, ang ganda ng bago mong singsing, a!”

Napatigil sa pagtipa sa keyboard si Liza. “A, ito ho?”

“Oo." Sabi nito. “Laki ng bato. Ang mahal siguro nyan.” Kanyang dugtong.

Pangiting sumulyap siya kay Divie, ang bago nilang section chief. Pagkuwa’y ibinalik niya ang tingin kay Mrs. Santos.

Page 10: Love Like Oxygen by Verzione

“Ito ho iyong regalo ni Sammy kay Divie,” aniya. “Ayaw ho niyang isuot e ang ganda-ganda. Kaya hinihiram ko muna.

Saka… ako ho ang pinagsuot niya nito nang nasa Baguio pa kami last Holy Week. Kasi, maluwag sa daliri niya at

baka raw mahulog sa pagdya-jogging namin doon.”

Tumingin uli siya sa kanilang bagong office supervisor na ang desk ay nasa gawing kanan niya. “Di ba, Boss Divie?”

“Oho, Aling Rina,” nakangiting tango ni Divie. “At isa pa… binigyan na ho ako kahapon ni Rad ng engagement ring.

Look… it’s simplier. Hindi gaanong malaki ang diamond.”

Page 11: Love Like Oxygen by Verzione

Napatawa si Mrs. Santos. “Simple ka lang talaga, Divina. Hayy… kawawang Engr. Cuervas! Nasayang lang ang mga

iniregalo niya sa ‘yong basket-basket na mga roses, bila-bilaong pansit palabok… at napornada pa pala ang kanyang

engagement ring.”

Napahagikhik si Liza.

“Asang-asa na siyang magiging nobya ka niya, Divie,” dugtong pa ni Mrs. Santos. “Kung bakit naman nagbakasyon

lang kayo nina Rado sa Baguio… kayo na ang nagkamabutihan.”

Nag-blush ang magandang section chief. “Aling Rina, sa umpisa pa lang ho naman e wala talaga akong gusto sa

Engr. Sammy Cuervas na ‘yon.”

Page 12: Love Like Oxygen by Verzione

“E bakit mo naman tinanggap ang singsing?”

“Ayaw ko nga hong tanggapin ang engagement ring na yan. Pero siya ho ang mapilit, e. Sabi pa nga ho niya, ‘It’s just

a ring. A friendly ring or an engagement ring. Depends upon you.’ E di tinanggap ko na rin ho para naman hindi siya

mapahiya.”

“Kawawa naman.”

“E talaga hong gano’n ang buhay,” ani Liza. “Kasabihan nga ho e… kung hindi sa ‘yo ukol, hindi bubukol. Hindi ho

talaga sila ang magkapalad ng kaibigan ko, Aling Rina.”

Page 13: Love Like Oxygen by Verzione

“Sabagay nga. Tama ka, Liza.”

Tumunog ang telepono sa isa pang mesang kalapit ng computer desk ni Liza. Malapit nang mag-lunch break.

Ipinihit niya ang kanyang swivel chair paharap doon at dinampot ang pulang office telephone.

“Metropolitan Development Corporation, Administrative Department, hello, good morning…”

“Good morning. This is Mrs. Consuelo Cuervas. Puwede ho bang makausap si Miss Divina Morales?”

Page 14: Love Like Oxygen by Verzione

Napakunot-noo si Liza. “Sandali lang ho…” Tinakpan niya ang mouthpiece at tumingin kay Divie. “Divie, ang mother

ni Sammy, gusto ka raw makausap.”

Tumango ang dalagang nakakahawig ni Lorna Tolentino nang ang artista’y wala pang beinte-singko anyos. “Sige,

Liza, ibaba mo na.”

Ibinaba niya ang hawak na telepono at dinampot naman ni Divie ang extension phone sa desk nito.

Ilang minuto lang na nag-usap sina Mrs. Cuervas at Divina.

Page 15: Love Like Oxygen by Verzione

“Bakit siya tumawag, Divie?” tanong niya nang maibaba na nito ang telepono. “Do you mind?”

“Nope. Gusto lang daw niya akong makita nang personal. Kasi raw, masyadong dinamdam ng anak niya ang… alam

mo na. Wala raw naman siyang personal na pagdaramdam sa akin, pero gusto nga lang daw niya akong makita.”

Napatango siya at hinarap na ang kanyang computer keyboard. “That’s odd. I mean… bakit pa?”

“Oo nga, e. Nagtataka nga rin ako.”

Page 16: Love Like Oxygen by Verzione

Nangingiting napailing siya. “Baka balak pang humirit ng Sammy na ‘yon, Divie. At nagpapatulong sa kanyang ina.

Sus, ang mga lalaki nga naman kapag na-in love! Gagawin ang lahat…” Napasulyap siya sa kanyang relo. Thirty

minutes before lunchtime. At gutom na talaga ako. Bakit ba lalo akong tumatakaw lately?

Nadagdagan na naman yata nang two pounds ang timbang ko. “Divie, kelan daw kayo magkikita at saan?”

“Mamayang eight ng gabi sa bahay.”

“Kasama siguro si Sammy, ano?”

Page 17: Love Like Oxygen by Verzione

“Ewan ko lang.”

“Gutom na ‘ko. Ang tagal naman ng lunch break!”

“Sus! Sangkatutak na sinangag na nga ang inalmusal mo kanina sa bahay, e!” Tumawa si Divina. “At spaghetti na

naman ang mineryenda mo kanina. Hoy, Eliza… mag-diet ka na nga para mabalik sa dati ang beauty mo. Hindi ka

naman dating ganyan two years ago. Two years ago, kasingseksi mo si Mickey Ferriols. Ngayon, para ka nang si

Ruby Rodriguez.”

“Oo nga naman, Liza,” sabi ni Mrs. Rina Santos na ang computer desk ay nasa bandang kaliwa niya. “Ang ganda-

ganda mo nga no’n.”

Page 18: Love Like Oxygen by Verzione

Natahimik siya. Saglit na naglaro sa imahinasyon niya ang dalawang TVpersonalities na binanggit ni Divina, sina

Mickey Ferriols at Ruby Rodriguez ng noontime TV show na “Eat Bulaga.” Napakaseksi ni Mickey at tabatsoy naman

si Ruby bagaman may hitsura rin.

Kasalanang lahat ito ng tarantadong ex-BF ko!

Ang tinukoy ni Liza sa sarili ay si Marvin Ramones, childhood sweetheart niya sa Urdaneta, Pangasinan. Sabay

silang nakatapos nito ng computer science course sa University of the East three years ago. Ka-batch nila si Divie na

ngayo’y mag-iisang linggo pa lang na section chief nila.

Nauna siyang matanggap sa trabaho kaysa kay Marvin. Naging matalik niya kasing kaibigan si Divie sa UE. Nang

mapasok si Divie sa kompanya nila, makaraan lang ang dalawang buwan ay pinuntahan pa siya nito sa Urdaneta

para lang sabihin na siya man ay maipapasok ng Kuya Dante nito sa Metropolitan Development Corporation Inc.

(MDCI).

Page 19: Love Like Oxygen by Verzione

Dating chief project engineer ng kompanya ang Kuya Dante ni Divie. Kaya puwedeng magrekomenda ng job

applicant. Lumipat si Dante sa Countrywide Builders Inc., sister company ng MDCI, na ang main offices ay nasa

Pasig City. Doon din nagtatrabaho si Engr. Sammy Cuervas, ang nagbigay kay Divie ng engagement ring na suot

niya ngayon.

Makaraan ang isang taon pagkagradweyt, hindi pa rin napapasok sa trabaho ang nobyo niyang si Marvin.

Umistambay lang ang binata sa Urdaneta. At bumarkada sa mga estudyante sa St. Louie University sa Baguio, na

ang ilan ay dati nilang kaklase sa haiskul pero hindi agad nakapagpatuloy ng pag-aaral.

Naging madalang ang kanilang pagkikita. Naka-share pa kasi niya si Divie sa isang apartment na maayos naman.

Tig-isa sila ng kuwarto. Para na rin siyang nasa sariling bahay. Kaya naging tamad siya sa pagdalaw sa kanyang

mamang sa Pangasinan.

Page 20: Love Like Oxygen by Verzione

Hanggang mabalitaan na lang niyang may nabuntis na dalagang taga-Dagupan City ang kanyang nobyo. Sa ngayon,

doon na nakatira si Marvin. Maykaya raw ang napangasawa.

Sa takot niyang mamayat at magkasakit sa kaiisip kay Marvin, sinadya niyang maging matakaw. Pagkain ang

pinagbuntunan niya ng galit, wika nga. Nang mag-umpisa na siyang lumobo, parang lihim pa siyang natuwa. Ayaw

na niya kasing makipagnobyo. Dala na siya. Parang nagka-phobia na.

Walang manliligaw sa kanya kung siya’y mataba.

Walang magtatangkang bumasag ng kanyang puso.

Page 21: Love Like Oxygen by Verzione

So what kung tumanda siyang dalaga? Mabuti nga’t hindi siya makukunsume sa mga anak at asawang ang

nakararami yata ay babaerong tulad ng yumao niyang ama.

Lingid sa buong mundo, ang personal niyang motto sa ngayon ay: “Be happy – don’t ever catch the love virus

again.”

“Bakit ka naman kaya gustong makita ng Mrs. Cuervas na iyon?” tanong ni Rado nang natrapik ang

minamaneho nitong light blue Lancer sa kanto ng E. Rodriquez at Araneta Avenue.

Pauwi na sila nang hapong iyon sa kani-kanilang magkadikit na apartment, sa Simuon Street, Bgy. San Isidro

Labrador, Quezon City.

Page 22: Love Like Oxygen by Verzione

“Bakit nga kaya, Divie?” pag-uulit ni Rado.

Nagkibit-balikat si Divie na siyang katabi ng nobyo sa unahan ng kotse. “Ewan ko.”

“Diskumpiyado ako sa Sammy na iyon, love.”

Napangiti si Liza na nasa likuran ng dalawa. Two weeks ago lang, mag-boss pa ang dalawang ito, naisaloob niya.

Ngayon, mag-sweetheart na at nagbabalak na yatang pakasal this year. Ang buhay nga naman… parang life.

“Masyado kang suspetsoso,” sabi ni Divie. “O, go na…”

Page 23: Love Like Oxygen by Verzione

Pinatakbo nang muli ni Rado ang kotse. Pinagbuti ni Liza ang pagkakasandal sa upuan. Pumikit pa siya at

pinakinggan sa car stereo ang pagkanta ni Dionne Warwick ng isang nilulumot nang awitin, ang “Don’t Make Me

Over.”

Napabuntunghininga pa si ya. Ah, this is life. Mabuti na lang talaga at naging ka-neighbor namin ni Divie ang korning

Conrado Vargas na ito. Para na rin kaming may personal driver sa pagpasok at pag-uwi mula sa office. Kaya lang,

kelan kaya siya makakakuha ng maid-labandera? Kami ni Divie ang nahihirapan sa kalalaba at kapaplantsa ng mga

damit niya.

“I am not suspicious, Divie,” mayamaya’y narinig niyang pagsasalita ni Rado. “I am just using my intuition.”

Tumawa lang si Divie. “You can trust women’s intuition better, darlin’. Relax. Naku-curious lang sa akin si Mrs.

Cuervas. Naiintriga. Nothing to worry.”

Page 24: Love Like Oxygen by Verzione

Good thinking, Divina, nangingiting naisaloob ni Liza. But that’s not intuition. Tama ka na mas mapagkakatiwalaan

ang women’s intuition. E bakit ang mas ginagamit mo e isip?

“I guess you’re right,”sabi ni Rado mayamaya. Papalapit na sila sa Mabuhay Rotonda. “Baka nga naku-curious

lang sa ‘yo si Mrs. Cuervas. Nasanay na siguro siya na ang anak niya ang laging hinahabol ng chicks. So…

bakit nga naman basta na lang mababasted si Sammy sa ‘yo? Naintriga nga siguro ang kanyang ina.”

“Right,” ani Divie. “So you see? Bakit kailangang magkaroon tayo ng kung anu-anong masamang kutob e

puwede namang makapag-isip nang logical?”

Tumawa si Rado. “Section chief ka na nga!”

Page 25: Love Like Oxygen by Verzione

Atsows! Napaluwang pa ang ngiti ni Liza kahit tikom ang kanyang mga labi. Tingin ko’y parang sumisipol ka sa dilim

para mabawasan ang nararamdaman mong takot, Divie. Basta ako, duda rin sa intensiyon ng Mrs. Cuervas na iyon.

‘Yon ang intwisyon ko. Hindi siya curious lang. At mas tama siguro si Boss Rad.

Nasanay na siyang tawagin si Rado ng ‘Boss Rad’ dahil ito ang dati nilang section chief na pinalitan ni Divie.

Malaki ang bilib niya sa katalinuhan ni Conrado, at marahil ay ganoon din ang GM nilang si Mr. Gervasio “Vas”

Lopez. Kaya nga last week lang ay na-promote na si Rado mula sa pagiging office supervisor tungo sa posisyong

administrative assistant.

Isa na si Rado sa tatlong katulong ng kanilang executive vice president o EVP sa pagpapatakbo ng korporasyon.

Page 26: Love Like Oxygen by Verzione

Dahilan naman para ang puwestong iniwan nito ay mapunta kay Divie. Masuwerte na rin ang kanyang kaibigan sa

Conrado Vargas na ito, at mas gusto niya ito para kay Divie kaysa Engr. Sammy Cuervas na iyon.

Tulad ni Divie, nayayabangan din siya kay Sammy.

Pasado alas-sais na nang ihinto ni Rado ang kotse nito sa tapat ng gate nina Divie at Liza. Pagbaba nila’y ipinasok

na ni Rado ang sasakyan sa garahe ng kasunod na apartment.

Isang six-door two-storey apartment building iyon na ang dulo ay kadikit ng mataas na bakod ng isang junkyard.

Nasa dulong iyon ang apartment ni Rado, kasunod naman ang kina Liza at Divie.

Page 27: Love Like Oxygen by Verzione

Ang isa pang dulo ng apartment ay may sari-sari store sa ibaba. Aling Lita’s Variety Store. Nasa panulukan iyon ng

Simuon Street at ng isa pang kalyeng mula rin sa mga tauhan ng Fili ni Dr. Jose Rizal ang pangalan.

Kakalug-kalog, wika nga, si Rado sa apartment nito. Nag-iisa ito roon mula pa nang iwan ng dating ka-live-in, isang

buwan at kalahati pa lang ang nakararaan.

Kung hindi naging mail-order-bride ang dating ka-live-in ni Rado, si Sammy sana ang nobyo ni Divie ngayon,

naniniwala si Liza. At hindi ipahihiram sa kanya ni Divie ang suot niyang engagement ring.

****

The Third.: Chapter 3

***

Kasalo nila si Rado sa paghahapunan nang gabing iyon, pasado alas-siyete na. Ito ang nagyaya na sa apartment na

lang nito sila maghapunan.

Page 28: Love Like Oxygen by Verzione

Bumili ito ng ulam sa isa nilang kapitbahay na ang harap ng apartment ay may fried chicken stand. May kanin na

pagkat bago sila umalis kaninang umaga patungong trabaho ay nagsaing ito sa automatic rice cooker. Ininit nito sa

microwave ang isang platong ginataang langka, natirang gulay kagabi na si Liza ang nagluto.

“Hindi na talaga ako sanay kumain nang nag-iisa,” sabi nito nang kumakain na sila. Bumaling ito kay

Divie. “Anong oras kamo darating si Mrs. Cuervas?”

“Alas-otso.”

Tumingin si Liza sa suot niyang relo. “Seven thirty-four,” aniya. “That’s half an hour to go before eight, Divie.

Dito na lang ako manonood ng TV mamaya, ha, Rad?”

Page 29: Love Like Oxygen by Verzione

“Oo,” ani Rado. At pabirong sinabi “But wash the dishes first.”

“You don’t have to remind me,” sabi nito.

“Sweetheart,” baling ni Rado kay Divie, “Magtatagal kaya si Mrs. Cuervas?”

Umiling si Divie. “Ewan ko. Hindi siguro. Gusto raw lang naman niya akong makita at makausap nang

personal, e. Bakit, Rad?”

Page 30: Love Like Oxygen by Verzione

“Gusto ko sanang mamasyal tayo sandali sa Rizal Park o kaya’y sa PICC mamaya.”

“Sige, para makasagap naman tayo ng sariwang hangin. Sama ka, Liza?”

Umiling siya. “Pagkatapos kong manood ng TV, me gagawin pa ‘ko sa computer ko.”

Ang totoo’y gusto sana niyang sumama. Pero baka maging “killjoy” lang siya sa mga ito. Dalawang linggo pa lang na

mag-steady sina Divie at Rado, at laging sabik na magkaroon ng pribadong mga sandali ng pagkakasama.

Ano naman ang gagawin niya kung sasama siya sa mga ito sa pamamasyal? Bumuntut-buntot?

Page 31: Love Like Oxygen by Verzione

Hindi pa tapos si Liza sa paghuhugas ng mga pinagkanan nang puntahan siya ni Rado sa kusina.

“And’yan na si Mrs. Cuervas,” sabi nito. “Wala siyang kasama. Mag-isa siyang bumaba ng taksi.”

“Bakit hindi mo puntahan doon si Divina?” lingon niya rito.

“No. Paano sila magkakausap nang sarilinan kung nandon ako?”

Page 32: Love Like Oxygen by Verzione

Tumango siya at inumpisahang brilyuhin ang mga kubyertos. “Rad, maalala ko…”

“Hmmm,” sabi nitong nag-ipit ng sigarilyo sa mga labi para sindihan.

“Naipadala mo na ba sa Davao via LBC ang mga natitirang gamit ni Chona?”

“Hindi ko pa napa-pack lahat. Marami, e. Pati mga kumot at unan na ginamit niya, gusto kong ibalik sa kanya.

Itinambak ko muna sa kabilang kuwarto.”

Napangiti siya. Packing memories away…“Tumawag nga pala sa akin si Chona three nights ago, Liza.”

Page 33: Love Like Oxygen by Verzione

Muli niya itong nilingon. “Talaga? Ano’ng sabi?”

“Wala naman. Nagpaalam lang. Aalis daw siya patungong Sydney, Australia on the third week of this month.”

“Kasama na siya n’ong Australiano?”

“Oo.”

Page 34: Love Like Oxygen by Verzione

“Mag-mail-order-bride na rin kaya ako?”

Tumawa ang binata. “Mag-reduce ka muna.”

“Hindi na, ‘oy,” irap niya. “Bakit, wala ba akong makikitang foreigner na ang type e tulad kong Dabiana?”

“Delikado rin ang maging mail-order-bride,” medyo seryoso nang sabi ni Rado. “Paano kung makatiyempo ka

ng isang lalaking sadista at wife beater? Sino ang hihingan mo agad ng tulong kung nasa ibang bansa ka?”

Page 35: Love Like Oxygen by Verzione

“Oo nga. But why think negative? Puwede namang ang makatagpo ko ay isang real-life Prince Charming.”

“Sabagay. Harinawa’y mapabuti si Chona sa gagawin niyang pagpapakasal sa Australianong iyon.”

“Mahal mo pa rin siya, ‘no?”

Bumuntunghininga si Rado kasabay ang pagbubuga ng usok paibaba. “Natural naman. Mahigit din ngang tatlong

taon kaming nag-live-in. At kung hindi kami nag-away no’ng March, pakakasal na nga sana kami this coming

June. Pero, Liza, nagpapasalamat talaga ako sa Diyos sa nangyari…”

Page 36: Love Like Oxygen by Verzione

Napatango siya. Madyungera at nagger ang dating ka-live-in ni Rado. Hindi marunong sa pamamahay. Ngayon na

lang pumuti ang toilet bowl sa apartment na iyon. Pinagtulungan nilang linisin ni Divie. Nag-defrosf sila ng

refrigerator. Pinaputi rin at naging parang bago uli. Gayundin ang gas range.

Pinalitan ni Divie ang mga kurtina sa salas last week. Nagpabili si Divie ng bagong chandellier. Kung ilang beses

nilang pinasadahan ng mop ang linolyum ng sahig. Nag-withdraw ang kaibigan niya ng sariling pera sa ATM para

lang magkaroon ng decorative plant sa loob sa apartment ng kanilang kapitbahay na iniwan ng ambisyosang ka-live-

in.

Kaya siguro nga’y labis-labis ang pasasalamat ni Rado nang maging nobya ang kanyang kaibigan. Masuwerte pa rin

ang lalaking ito pagkat nang layasan ni Chona ay isang tulad ni Divina ang agad na naging kapalit.

Kunsabagay ay hindi kataka-takang magka-gustuhan agad sina Rado at Divie. Noon pa niya halata na may lihim na

gusto ang kanyang kaibigan kay Rado, kahit na nga akala nila noong una ay asawa na nitong tunay si Chona at hindi

ka- live-in lang.

Page 37: Love Like Oxygen by Verzione

Tumunog ang doorbell mayamaya. Si Rado ang nagbukas ng pinto. Sumunod si Liza rito pagkat tapos na ang

paghuhugas niya ng pinagkanan.

Ang nag-doorbell ay si Divie.

“Liza, suot mo pa ba ang singsing?” tanong nito nang makita siya. Nakapasok na ito sa salas. “Kasi gustong

bawiin ni Mrs. Cuervas.”

Nagkatinginan sila ni Rado. Nagkatawanan.

Page 38: Love Like Oxygen by Verzione

“Don’t misunderstand Mrs. Cuervas,” ani Divina na napatawa rin. “Binabawi niya ang singsing na yan pero

pinapalitan ng mas mamahalin — or as she said so.”

“Bakit naman daw, Divie?” ani Rado.

“For sentimental reason. Pamana pala ‘yan ng lola ni Sammy sa daddy niya. At ‘yan daw ang naging

engagement ring nina Mr. and Mrs. Cuervas. Naniniwala sila sa isang superstition, Rad. Kapag daw napunta

sa di kinauukulan ang singsing na ‘yan ay mamalasin ang buong angkan. So –”

“Liza, hubarin mo na ‘yan,” nakangiting baling sa kanya ni Rado. “And,” — tumingin ito kay Divie — “Huwag mo

na lang tanggapin ‘yong ipapalit.”

Page 39: Love Like Oxygen by Verzione

“Oo nga,” ani Divie. “‘Yon nga ang sabi ko sa ina ni Sammy.”

Awtomatikong napahawak si Liza sa singsing na nasa panggitnang daliri ng kanyang kaliwang kamay. Hinugot niya

iyon. Pero hindi niya maalis. Itinodo niya ang paghila. Nasaktan na siya pero ayaw pa ring dumulas ni bahagya man

ang singsing.

“Rad, bakit di ko na yata maalis ‘to?” parang naiiyak niyang baling sa binata. “Tulungan mo nga ako…”

“Hayan kasi…” sabi ni Rado na hinawakan ang kaliwang kamay niya. “Mula kasi n’ong holiday e umarya ka nang

umarya sa katakawan. Lalo ka tuloy lumobo.” Hinila nito ang singsing. “Hmmmmph…!”

Page 40: Love Like Oxygen by Verzione

“Aray ko naman!” ngiwi ni Liza. “Rado, nasasaktan ako!”

"Teka,” ani Divie. “Lagyan mo kaya ng sabon o langis?”

“Oo nga,” ani Rado. “Halika…”

Nagtungo sila sa kusina. Una, sinubok nilang gumamit ng sabon. Hindi pa rin mahugot ang singsing. Namula at

lalong naging parang sausage ang daliri ni Liza. Lalo nga pala siyang tumaba at lumaki pa yata ang kanyang mga

buto sa gitna ng daliri, ngayon niya mas napatunayan.

Sinubok naman nilang lagyan ng mantika. Parang lalo pang sumikip ang sinsing.

Page 41: Love Like Oxygen by Verzione

“Naku, Divie,” mangiyak-ngiyak na niyang sabi. “Paano kaya to? Hindi talaga matanggal, e!”

“Kailangang mag-reduce ka muna bago mahugot ‘yan,” ani Rado. “Ang mabuti pa’y sumama ka na lang kay

Divie para makita ni Mrs. Cuervas.”

“Oo nga,” ani Divie. “Halika na.”

Nagbalik sila ni Divie sa kanilang apartment. Mabait naman si Mrs. Consuelo Cuervas. Napatawa pa ito nang makita

si Liza na umiiyak. “Ipinahiram ho kasi ito ni Divina, Mrs. Cuervas,” aniya. “Kasi nga ho’y maluwag sa kanya at

natatakot siyang mawaglit habang nagdya-jogging kami noon sa Baguio.”

Page 42: Love Like Oxygen by Verzione

Inakbayan siya ni Mrs. Cuervas sa pagkakaupo nila sa mahabang sopa. “Huwag ka nang umiyak,” sabi ng babaing

may katabaan din at kapareho ng sa kanya ang estilo ng buhok. Malaki ang similaridad nila ng nakatatandang babae.

Para siyang younger version nito. “Minsa’y nangyari na rin sa akin ‘yan, iha. Tumaba na nga rin ako.

Kinailangan ko pang mag-aerobics, mag-jogging at mag-diet sa loob ng mahigit na tatlong buwan para lang

maalis ko iyan sa daliri. Ang balak ko’y sa panganay kong si Mark iyan ibigay bago sila makasal noon ng

manugang kong si Madelene. Pero huli na. Kaya kay Sammy ko na lang ipamamana.”

“Hindi ho ba kayang alisin ito ng platero, Misis?” Ayaw niyang mag-aerobics at mag-jogging tuwing umaga. At

lalo nang ayaw niyang mag-diet.

Umiling ang babae. “Puwedeng tanggalin yan ng platero. Paplaisin lang iyan. Pero masisira. Mapuputol. Alam

mo ba ang sinisimbolo ng lahat ng singsing? Infinity. Sa numerology, ang zero o bilog ay hindi lang

nangangahulugang nothing. It also means infinity. Hindi ko gustong maputol ang singsing na ‘yan, Liza.

Malas ‘yon.”

Page 43: Love Like Oxygen by Verzione

Bakit ba nauso pa ang mga superstition at kung anu-ano pang kabuwangan ng tao? Suminghot siya. “E di… bigyan

n’yo ho ako ng a week or two, Mrs. Cuervas. Magpapapayat ho ako para matanggal ko to.”

“You don’t have to be in a hurry, Liza,” ani Mrs. Cuervas na ngumiti kay Divie. Nasa isang sopa si Divina. “Ang

importante’y mabalik sa anak ko ang singsing para maibigay niya kung kanino nauukol.”

“Dinaramdam ko ho ang mga pangyayari, Misis,” ani Divina. “Sabi ko nga sa inyo kanina, hindi ko ho naman

talaga gustong tanggapin yan mula ke Sammy pero –”

“I understand,” ani Mrs. Cuervas na tumayo na. “And as I have also said, you don’t have to apologize, Divina.”

Page 44: Love Like Oxygen by Verzione

“Huwag nyo na hong palitan ang singsing na iyan, Misis.”

Umiling ito. “Kailangang may kapalit. Kung ayaw mo ng singsing, kahit anong token na lang. Anything as

symbolic. What about a gold necklace?”

“Kailangan ho ba talagang me kapalit pa yan?”

“Oo naman,” anang ginang. "Tinanggap mo na kasi, e. Iha, hayaan mo na lang kaming mga matatanda sa

aming mga pamahiin. Wala namang mawawala sa ‘yo. Sa akin e meron. Peace of mind.”

Page 45: Love Like Oxygen by Verzione

“Mrs. Cuervas,” ani Liza. “Mahal din ho ang gintong kuwintas. Ano na lang ho kaya… stationary bike.

Magagamit ko pa sa pagre-reduce. Mas makakamura pa kayo.”

“STATIONARY bike!” nagtatawang sabi ni Rado nang makaalis na si Mrs. Cuervas at ito’y lumipat sa apartment ng

mga kapitbahay. “Okey nga ‘yon. Liza, makikigamit din ako, ha?”

“Hindi talaga sa akin yon,” aniyang tumingin kay Divie. Katabi ito ng binata sa mahabang sopa nila. “Sa ‘yo ‘yon,

di ba? Pagkat kapalit yon ng singsing na ‘to.”

Inakbayan ni Rado ang nobya. “Hindi mo na kailangan ng stationary bike, love. Kami na lang ni Liza ang

gagamit. Tumataba na rin ako, e.”

Page 46: Love Like Oxygen by Verzione

“E pa’no namang hindi?” ani Divie. “Tumatakaw ka na rin at walang tigil sa kaiinom ng beer araw-araw.”

“Okey lang ang metabolism ko,” wika ni Rado. “Ang kailangan ko lang ay exercise. I don’t have to undergo

dieting.”

Napasimangot si Liza. Napatingin sa suot na singsing. “Putris na singsing to… mawawala pa ang tanging

kaligayahan ko sa buhay dahil dito.”

Napahagikhik si Divie. “Palitan mo na ng iba ang kaligayahan mo sa buhay,” sabi nito. “Kasabihan nga, ‘Hindi

lang sa tinapay nabubuhay ang tao.’ And we eat to live, not live to eat.”

Pabirong itinanong niya kay Rado: “Brod Pete, este, Brod Rad, yon ba’y nasusulat sa aklat ng ‘Ang Dating

Doon?’”

Page 47: Love Like Oxygen by Verzione

Nagkatawanan sila dahil sa pagtukoy niya sa segment na iyon ng isang TV sitcom.

“Oo, kapatid,” ani Rado. “Yan ay nasusulat. Kaya magtika — este, magdiyeta ka na! Mula bukas, ang

aalmusalin mo e isang pandesal at ‘sang tasang kape na lang.”

“Oh my God!” aniya. “Ngayon pa lang e ginugutom na uli ako e!”

****

The Fourth.: Chapter 4

***

“ENGR. CUERVAS…!”

Page 48: Love Like Oxygen by Verzione

Hindi narinig ni Sammy ang papalapit na foreman. Nang madaling-araw na iyon, pangalawang linggo na ng Mayo,

inoobserbahan niya ang paglalagay ng prefab concrete railing sa ginagawa nilang isang tulay sa Paniqui, Tarlac.

“Engineer…!”

Hindi pa rin niya napapansin ang foreman. Nakatayo siya sa itaas ng isang malaking bato, di kalayuan sa crane na

pinalusong niya sa dahilig na pampang ng mabatong ilog.

Sa pamamagitan ng mahabang boom, isa-isang binubuhat ng crane mula sa ibaba ng tulay ang mga concrete slabs

tungo sa gilid ng tulay. Sa ibaba ng tulay ginawa ang mga slabs.

Page 49: Love Like Oxygen by Verzione

Nasa tulay ang portable generator na pinagmumulan ng kuryenteng nagpapailaw sa malalaking bombilyang

nagbibigay ng liwanag sa buong project site.

Sa generator din nakakabit ang tatlong welding machines na gamit nila sa paghihinang ng mga bakal na

reinforcement ng mga slabs at maging ng tulay mismo.Nakasisilaw ang tumitilamsik na liwanag mula sa harap ng

nakamaskarang tatlong welders. Parang mga itim na kaluluwang naglisaw-lisaw sa tulay ang iba pang manggagawa.

"Namputsa… ang bagal!" lihim niyang pagmumura. "Kapag di kami nakatapos bago mag-alas-singko ng

umaga, tigil na naman ang trabaho. Mumurahin ako ni Dante kapag na-delay na naman ang pagbabakod sa

tulay na to!"

“Engr. Cuervas…!” sigaw ng kapatas na nakalapit na sa boulder na tuntungan ni Sammy.

Page 50: Love Like Oxygen by Verzione

“Sandali lang ho, Boss…!”

Napalinga siya sa lalaking tulad niya'y may dilaw na construction helmet sa ulo. Ibinaba niya ang zipper ng kanyang

itim na jacket at tumalungko sa ibabaw ng bato para marinig ang sinasabi ng foreman. Maingay kasi ang makina ng

crane.

“Ano ho yon, Mang Boy?” pasigaw niyang tanong.

****

The Lunch Date.: Chapter 5

***

Habang hinihintay na mai-serve ang order nila sa restawrang iyon sa SM Megamall, hinawakan ni Sammy ang

kaliwang palad ni Liza at sinuri ang medyo namamaga ngang daliri nito.

Page 51: Love Like Oxygen by Verzione

Nagkagatla ang daliring kinalalagyan ng singsing. Nakalubog na ang singsing sa gatla, na para bang nakapatong na

lang sa ibabaw ng daliri ang ga-mais na brilyante.

“Bakit naman dito mo pa isinuot sa hinlalaki mo ang singsing na ito, Liza?” Tanong ni Sammy.

“D’yan kasi mas kasya.” Sagot naman ni Liza.

Napatitig siya sa bilugang mukha ng dalaga. Medyo nanulis ang maninipis at malarosas nitong mga labi sa ibaba ng

matangos na ilong. Parang laging maiiyak ang makislaping mga mata nito. Maganda pa rin ito kahit manipis ang

make-up. Hindi napipintahan ang kilay nito pero wari’y sadyang iginuhit upang bumagay sa hugis ng mukha.

Page 52: Love Like Oxygen by Verzione

May naramdamang pitlag sa dibdib si Sammy nang magtama ang kanilang mga mata.

“Sumasakit ba, Liza?” Tanong nya.

“Hindi naman ga’no.” Sagot nito. Enduring the pain.

“Luluwag din ‘to kapag nabawasan pa ang timbang mo.”

Sumungaw ang isang wari’y nahihiyang ngiti sa tikom nitong mga labi. “Nahihirapan akong magdiyeta. Masarap

kumain, e.”

Page 53: Love Like Oxygen by Verzione

“Ganyan ka ba mula nang teenager ka pa?” Tanong nya.

“Hindi, ‘oy. Magkasingseksi nga kami ni Divie nang magkaklase pa kami noon sa UE.”

“Talaga? May picture ka bang kuha noon?”

Napakunot-noo ito. Pagkuwa’y ngumiti. “Oo. Gusto mong makita? Mayroon ako sa pitaka ko.”

Page 54: Love Like Oxygen by Verzione

“Patingin nga…”

Binuksan nito ang kulay gatas na ladies’ bag na nasa isang gilid ng restaurant table. Inilabas mula roon ang isang

green wallet. Dalawang wallet-sized photo ang ipinakita nito kay Sammy.

Half-body shot ang unang larawan.

Aba ‘y… ang ganda pala niya noon! Parang artista ah. Sumungaw sa mga labi niya ang isang maluwang na ngiti.

“Ikaw ba talaga ito, Liza?” himig pagbibiro niya.

Nakatawang umirap ito. “Oo naman! Tumaba nga lang ako, e.”

“Ang ganda-ganda mo pala noon.”

“Sabi nga nila.”

Ang pangalawang litrato ay full-body shot. Naglalakad si Liza sa gilid ng isang swimming pool. Naka-green one-piece

bathing suit at may sunglasses.

Page 55: Love Like Oxygen by Verzione

“Wow!” palatak niya. “Pang-Miss Universe, a!”

Napaghagikhik ito. “Artistahin ‘no? Kuha ko ‘yan nang mag-excursion kami sa Tagaytay. Third year college pa

lang ako.”

“E ano ba talagang nangyari at —”

Napatigil siya sa pagsasalita. Sabay silang napatingin sa waiter na lumapit sa kanilang mesa. Dumating na ang

kanilang order. Mahigit nang kalahating oras makalampas ang alas-dos

***

The Second Lunch Date.: Chapter 6

***

Nag-Lunch Date nga uli sila ni Sammy nang Sabadong iyon. This time, sa Peacock Restaurant, Greenhills.

Page 56: Love Like Oxygen by Verzione

Soup, steak with bread and orange juice lang para sa dalawa ang inorder ni Sammy.

“Nagpakagastos ka pa nang todo para lang magkaroon ng panggawa ng calling cards sa computer

mo,” pagbibiro niya nang kumakain na sila. “Kung umorder ka na lang sa mga commercial printshops, mas

nakatipid ka pa.”

“Initially, yes,”

****

The Guy.: Chapter 7

***

Kahit disiotso anyos pa lang si Roberto Vargas Gonzales o Boboy, kasingtakad na ito ni Rado at mas maskulado ang

pangangatawan.

Page 57: Love Like Oxygen by Verzione

Hindi ito kayumangging tulad ng pinsang-buo, at kaya lang parang brown-skinned din ay halatang sunog sa araw ang

mamula-mulang kutis. Pagkatapos kasi ng high school ay isang taon itong nahinto sa pag-aaral. Napasama ito sa

crew ng isang malaking bangkang pangisda, kaya nasunog ang balat sa isang taon ng pagdaragat.

Flat-top ang gupit ng buhok nito, at aywan ni Liza kung sinasadya nitong magsalita na parang si Robin Padilla, “the

Bad Boy of local movies,” pagkat malaki ang similaridad nito sa nasabing aktor.

Isinama ni Rado ang mag-ina sa apartment nina Liza at Divie nang gabi ring iyon.

Hindi nakaparagan sa pantalon nitong kupasing maong ang itim na long-sleeved shirt nang ipakilala ito ni Rado kina

Liza at Divie. Pero mababakas pa rin na malapad ang dibdib nito lalo na’t wala sa uhales ng kamisadentro ang

dalawang butones mula sa leeg.

Page 58: Love Like Oxygen by Verzione

“Boboy for short, “ani Rado matapos mabanggit kina Liza at Divie ang buong pangalan ng binata.

“Anong Boboy?” reklamo nito sa pinsan. “Excuse me, Kuya Rado. Hindi Boboy. It’s Bobby. Capital B, o, b —”

“Huwag ka nang magpaguwapo pa, anak,” putol dito ng 48 taong gulang na inang si Tiya Lucy. “Guwapo ka na.

H’wag mo nang gawing Bobby ang Boboy dahil hindi ko na ‘yon mababago. Mapapahiya ka lang pagkat lagi

kitang tatawaging Boboy.” At humagikhik ang medyo patpating biyuda.

“Pambihira naman, o!” namumulang irap nito sa ina. “Boboy na nga ‘ko sa Lucena, hanggang dito ba naman

sa Maynila e Boboy pa rin? Basta si Bobby na ho ako mula ngayon, Mama!”

Inararo ito ng kurot ni Tiya Lucy sa tagiliran. “Anong Mama? Tarantadong ‘to…um! Umm, mayabang!”

Page 59: Love Like Oxygen by Verzione

“Aray ko naman, Inay!” natatawa nang sabi nito. “Masakit iyon, a!”

Nagkatawanan na lamang sila.

MAKARAAN lang ang tatlong araw, parang matagal at dati nang kakilala nina Liza ang guwapong pinsang-buo ni

Rado.

Huwebes ng gabi, kapartner ito ni Liza sa paglalaro ng scrabble laban kina Rado at Divie.

“Talo na yata tayo,” sabi ni Boboy nang ang huling itira nito ay umiskor lang ng 11 points.

Page 60: Love Like Oxygen by Verzione

“Bakit ‘yon ang inilagay mo? Wala ka na bang ibang maitira?”

“Gimik ko lang ‘yon, Liza,” sabi nito. At inilapit nito sa mukha niya ang ulo. Pabulong, “Na ke Ate Divie yong letter

Z. Kaya tinakpan ko ‘yong letter O. Baka kasi mailagay sa tripple letter kung ma-form niya ang word na

‘ooze’.”

“A, gano’n ba?” anas din niya. “Good.”

“Sabi ko sa yo, inspired akong maglaro ngayon dahil ikaw ang kapartner ko, e.”

“Ow?”

“Yes. Kasi…” Bahagya nitong kinuyom ang kanang palad, idinikit sa mga labi, inilapit sa isa niyang tainga at

hininaan pa ang boses. “Kasi, Liza, I love you.”

“Tarantado!” napapahagikhik na naisigaw niya. “Naku, Boboy — sasakalin na kita d’yan!” Tumayo siya at

hinarap ito. “Wala ka nang alam lokohin kundi ako, ha! Teka nga —”

Nagtatawang tumayo ito at tumakbo patungong kusina. “Ate Divie, o! Sasakalin daw ako!”

Page 61: Love Like Oxygen by Verzione

“Bakit, Liza?” natatawang tanong ni Divie. “Ano na naman ba ang ibinulong sa ‘yo ng lalaking yan?”

“Pinagpapraktisan akong digahan!” aniyang bumalik na sa kanyang sopa. “‘Walang magawa!”

“Boboy, hindi katalo si Liza, ha?” ani Rado habang naglalagay ng mga tiles sa board. “Parang kapatid ko na rin

yan.”

“Hindi ba tayo puwedeng maging parang magbayaw naman, Kuya Rad?” anang binata na bumabalik na rin sa

upuan. “Type na type ko kasi ang beauty niya, e. Ang cute!”

“Ay, sorry, Boboy,” ani Liza. “Me boyfriend na ‘ko. Kita mo tong singsing na ‘to?” Ikinumpas niya ang kaliwang

kamay sa harap nito. “Engagement ring namin to.”

“I don’t believe it,” ani Boboy. “Apat na araw na ‘ko rito, hindi ko man lang nakikitang me dumadalaw sa ‘yo.

Saka… hindi ganyan ang engagement ring, ‘no? Ang laki-laki naman ng bato niyan! Tingnan mo ‘yong ke Ate

Divie… simple lang.”

Napailing siya. May duda siyang hindi nagbibiro lang si Boboy. Talagang infatuated ito sa kanya. “Kung ayaw mong

maniwala,” aniya, “di… h’wag!”

Tumingin ito kay Rado. “Totoo ba ‘yon, Kuya? Me nobyo na si Ate Li — este, si Liza?”

Page 62: Love Like Oxygen by Verzione

“Oo naman. At mas guwapo kesa sa ‘yo ‘yon.”

“Ano’ng pangalan?”

Si Divie ang nakangiting sumagot. “Engr. Sammy Cuervas.”

“Cuervas — ‘yong string para sa gitara?”

“Gago,” ani Rado. “Kuwerdas ‘yon, hindi Cuervas.” Tawanan sila.

“Sorry, Liz,” ani Boboy. “Joke only. Tira na…”

“Wala akong maitira, Boboy,” aniya at ipinakita sa katabi ang kanyang tiles. Pinagdikit nila kanina pa ang dalawang

maliliit na sopa para makapag-compare notes sila, wika nga. “What can you make out of these letters?”

“Letter r, k, e, t, y…” mahinang pagbabasa nito sa mga pitsa niya. “Hmmm… puwedeng ‘key.’ O kaya, dagdagan

mo ng r para maging ‘keyr’.”

“Ow?” malakas niyang sabi. “Is there such a word?”

Page 63: Love Like Oxygen by Verzione

“Yes,” malakas din nitong sagot. “Take keyr because I keyr! O di ba?”

“Naku, Boboy—”

“Aha!” ani Divie. “Meron ka palang letter C, Eliza!”

Nagkatawanan na lamang sila ni Boboy at nag-high-five pa. Napailing si Rado. “Parang sira ang dalawang ‘to!

Nag-apir pa raw, o! Tira na, Liza!”

Hindi siya makatira pagkat tawa pa rin siya nang tawa. “Ikaw kasi, Boboy, ibinisto mong may letter C tayo!”

“Nabigla ako, e. Sorry.” Nagtatawang itinaas uli nito ang isang kamay. “Apir…” Nag-high-five uli sila.

NAPAPAYAG siya ni Sammy na ito pa rin ang muling sumundo at maghatid sa kanya sa Circle para mag-jogging

nang sumunod na Linggo.

Sa circumferential lane naman na nasa labas ng bakod sila tumakbo nang umagang iyon.

Page 64: Love Like Oxygen by Verzione

“Ang laki na talaga ng ipinayat mo, a!” pag-uulit ni Sammy sa sinabi nito kaninang sunduin siya sa bahay. “Mas

slim ka pa ngayon kesa noong una tayong magkita.”

“Oo na,” aniyang humihingal na agad pagkat mahigit nang sampung minuto silang tumatakbo. “Pero bakit nga

hindi pa rin matanggal ng sabon o langis sa buhok ang singsing na ito sa daliri ko?”

“I told you, Liza. Noon pa man ay hindi na talaga kasya sa daliri mo ang singsing na iyan. Napilit mo lang

maisuot. Kung titingnan mong mabuti, hindi talaga eksaktong patulis ang ating mga daliri…”

Pumahinga si Sammy sa pagsasalita pagkat humihingal na rin. “Sa bahaging malapit sa palad,” pagpapatuloy nito

mayamaya, “bahagyang lumiliit ang buto although more fleshy kaya parang malaki. Look at your finger and

see what I mean…”

Tiningnan niya at hinipo ang kanang gitnang daliri, sa bahaging malapit sa palad. “Yes, you’re right, Sammy.

Medyo maliit nga ang buto rito pero malaman.”

“See? Pero patungo sa gitna, biglang papalaki naman ang buto, di ba? Ang nangyari’y lumusot ang singsing

sa pang-gitnang buto pagkat mula sa fingertip, gradual ang paglaki ng daliri. Hindi ka nahirapang isuot.”

“Nahirapan din,” aniya. “Kaya lang —”

“Hindi gaanong masakit pilitin mang isuot pagkat mas dikit sa buto ang laman, right?”

“Oo nga.”

Page 65: Love Like Oxygen by Verzione

“Pero paglampas sa gitnang buto patungo sa may palad, biglang liit ng buto pero kumapal naman ang

laman. Ang nangyari, parang nahuli sa bitag ang daliri mo. Madali mong naipasok sa singsing, mahirap

namang ilabas. But don’t worry, matatanggal din yan kapag pumayat ka pa.”

Tulad noong two years ago? Oh, no! “Inip na inip na ‘ko,” aniya. “Hirap na hirap na ‘ko.”

“I’m sorry.” aniya, “Gabi-gabi halos, binabangungot ako.”

“What do you mean, Liza?” Tanong ni Sammy.

Tumigil siya sa pagtakbo. Naglakad na lang siya at tumingin sa lane. Sinabayan siya ni Sammy.

“I’m having nightmares,” aniya. “Believe it or not. Naroong mapanaginipan kong kumakain ako ng paborito

kong ube cake. Tapos, biglang aagawin ng aso. Naroong pinipilas ko raw ang isang tainga ng litsong baboy.

Tapos, biglang nabuhay ‘yong litson at hinabol ako! If those were not nightmares, what do you call them—

sweet dreams?”

Sa nadamang habag ay naiakbay ng binata ang isang bisig sa kanya. Kinabig siya nito. “I’m sorry, ” sabi

nito. “Kung ako nga ang masusunod, hindi ko na kukunin ang singsing na ‘yan. So you won’t have to go

through dieting at all. Maganda ka naman kahit mataba. Besides, it’s just a ring, you know. It could be a

friendship ring or — oh, here I am again!”

Page 66: Love Like Oxygen by Verzione

Nagtatawa, nanunudyong inulit niya at itinuloy ang gustong sabihin ng binata: “It could be a friendship ring or an

engagement ring. Depends upon you.” Kasunod niyon ang malakas na pagtawa. “Hindi tumalab ke Divina ang

gimik mo, pare ko!”

Biglang inalis ni Sammy ang braso nito sa pagkakaakbay sa kanya. Ipinamulsa nito ang mga kamay at walang imik

na nagpatuloy sa paglalakad, nakatungo.

Napahawak siya sa isang bisig nito. “Hoy, napikon ka ba? Accept it… just accept it. Hindi talaga kayo ang

magkapalad.”

Tumango ito. “Yeah, tinatanggap ko na ‘yon.” Huminga ito nang malalim. “Pero bakit kailangang bawiin ko pa

ang singsing na ‘yan? Puwede naman talagang friendship ring lang ‘yan. And I mean it.”

Inugoy niya ang braso nito. “Mamalasin daw ang inyong angkan kapag napunta ito sa di kinauukulan.” Sabi ni

Liza.

“Kalokohan lang ‘yon!” Tanggi ni Sammu.

“Sabihin mo nga iyan sa mommy mo, aber?”

Pangiting tumingin ito sa kanya. “E di binatukan ako n’on? Halika na… tumakbo na uli tayo.” Nagpatuloy sila sa

pagdya-jogging.

Page 67: Love Like Oxygen by Verzione

ALAS-DIYES, umorder ito ng hamburger para sa sarili, sa Tropical Hut, isa sa mga eateries sa loob ng Circle, at

para naman kay Liza ay fruit salad minus the cream: melon, papaya, pinya, pakwan, ubas at mansanas. Ipina-

blender ni Sammy ang buko at iyon ang ipinalit sa cream.

“Sigurado kang low-calorie food ito?” tanong ni Liza.

“Oo naman. Pang-cleansing diet nga ang mga prutas, e. Siyanga pala, madedestino ako sa Baguio starting

next week.”

“Me proyekto kayo roon?”

“Oo. Kasama ko ang kapatid ng kaibigan mo.”

“A, si Dante? Baka magkita silang magkapatid sa Bulacan mamaya. Uuwi sila roon, kasama si Rado, para

dumalaw sa mga parents nila. Hanggang kelan kayo sa Baguio, Sam?”

“Two weeks lang sana. Pero nagbago’ng isip ni Dante, e. Tatlong linggo na raw kaming mag-i-stay roon.”

“Di ba kayo puwedeng umuwi on weekends?”

“Siya, puwede. Pero ako’y hindi. Puro pagbubuhos kasi ng aggregate — masang semento — ang malaking

bahagi ng trabaho. Isang gym sa Camp John Hay. Flooring pa lang, mahihirapan na kami. Hindi patag ang

ground doon, di ba? Mahirap tantiyahin ang bolyum ng aggregate.” Lumagok ito ng softdrink bago

nagpatuloy. “Kapag naumpisahan ang pagbubuhos ng semento, hindi puwedeng basta itigil. Otherwise, baka

maampaw.”

Page 68: Love Like Oxygen by Verzione

“A, oo,” aniya. “Alam ko ‘yan. No’ng ginagawa ang bahay namin sa Urdaneta, me isang haliging kinapos ng

semento. Nagpamasa uli ang foreman kahit gabi na. Ayaw niyang magkaroon ng parang dugtong ang haligi.”

“Right,” ani Sammy. “Kapag madalian ang trabaho at may deadline, kahit araw ng pangilin ay tuluy-tuloy

lang, lalo na nga kung concreting.”

“Well… ayaw mo ba n’on?” Ngumiti siya nang maluwang kay Sammy. “Masarap mag-stay sa Baguio. At baka

magkita tayo roon. Kasi, doon na nakatira ang Kuya Jun ko. Nakabili sila ng bahay roon last April.”

“Talaga?”

“Oo. Malapit nga lang ang bahay nila sa Camp John Hay, e. Mga half a kilometer south of it, paibaba. Pag

dumalaw ako sa mamang ko sa Urdaneta, tutuloy na rin ako kina Kuya sa Baguio.”

“E kelan ka ba dadalaw sa mamang mo?”

“Maybe next month.”

“Mas masarap mag-jogging sa Baguio, Liza.” Ngumiti rin nang maluwang sa kanya ang binata. “One weekend

next month, doon naman tayo.”

“Sige.” Masaya nyang pagpayag. Nagngitian sila ng para bang sobrang close at itinuloy ang kanilang pagkain.

****

Page 69: Love Like Oxygen by Verzione

The Eighth Chapter.: Chapter 8

***

PINIGIL siya ni Sammy nang aktong bubuksan niya ang pinto ng kotse para umibis na. Mag-aalas-onse ng umaga

ring iyon nang ipark nito ang sasakyan sa tapat ng kanilang apartment.

“Wait, Liza…”

Nakangiting tumingin siya rito. “It’s all right, Sam. Maski hindi mo ako ipagbukas ng pinto ay alam ko namang

very gentleman ka.”

“Okay, you can open your door but wait.”

May kinuha ito sa likod ng sandalan ng upuan ni Liza. Isang pulang rosas na may mahabang tangkay at tatlong

berdeng dahon. Ibinigay nito iyon sa kanya.

“Sammy —”

“It’s just a rose. A friendly rose…”

Tinanggap niya ang bulaklak. “Salamat.”

Halos sabay pa sila nang umibis sa kotse. Nauna siyang makalapit sa gate. At medyo nagulat pa siya nang marinig

ang tunog ng isang harmonica.

Page 70: Love Like Oxygen by Verzione

Nasa pulang swing si Boboy.

Dati nga’y garahe ng daddy ni Divie ang harap ng kanilang apartment. Ginawa nilang hardin ng mga halaman sa

paso ang garahe nang makabili na ng house and lot sa Bulacan ang mga magulang ng kaibigan niya, at maging

magka-share sila sa apartment. Hindi binitiwan ng pamilya ang apartment para may matirhan si Divie sa Meto

Manila. Mahirap mag-commute araw-araw patungo at mula sa Bulacan.

Sa isang sulok ng dating garahe’y naglagay si Divie ng isang swing. Pahingahan nila sa labas ng bahay. A nook to

stay kapag nakakasawa nang magkulong sa kuwarto, o manood ng telebisyon at makinig ng stereo music sa salas.

Ngayo’y nasa swing si Boboy, nakaupo nang patalikod sa gate, tinutugtog sa harmonica ang napakasiglang himig ng

isang awitin:

Tarara – rarararan… tarara – rarara – ran… tatt -tat – tararan – tat – tatt.. tatattaraannn…

Napatigil din si Sammy sa tabi ni Liza nang makalapit sa gate. Nawili rin ito sa pakikinig sa masiglang himig na iyon.

“Who’s he?”anas ni Sammy.

“Si Boboy,” anas din niya. “Pinsang-buo ni Rado. Do me a favor, Sam.”

“Yeah, what?”

“Kunwari boyfriend kita. Kasi, infatuated siya sa akin, e. Kinukulit ako. I want to put an end to it so —”

Page 71: Love Like Oxygen by Verzione

“Yeah, I got it.”

“Okay, let’s wait till he’s finished with that piece.”

“Hawaiian War Chant.”

“What?”

‘”Yon ang tinutugtog niya. Naalala ko’ng violin ng daddy ko. Kaya ko ring tugtugin ‘yan sa b’yulin.”

NAGULAT si Boboy nang makarinig ito ng palakpakan pagkatapos ng tugtog. Napalingon ito at nang makita sina Liza

sa gate, bumaba sa swing at pa-OA na nag-bow Ikinawit pa ang kanang braso sa ilalim ng dibdib kasabay ng

pagyuko.

“Thank you,” ang sabi kasabay ng paglalagay ng harmonica sa panlikod na bulsa ng pantalon. “Thank you very

much, it’s nice to be appreciated, ahem!”

Nang buksan ni Boboy ang gate, nangislap ang mga mata nito at napangiti kay Liza. Pero pagsulyap kay Sammy ay

lumamlam ang tingin at wari’y biglang humaba ang guwapong mukha.

Talagang infatuated sa akin ang batang ‘to, ani Liza sa sarili. Okay, now is the time to nip the infatuation right in the

bud.

Page 72: Love Like Oxygen by Verzione

“Masarap palang umistambay dito sa swing n’yo, Liza.”

“Oo naman,” aniyang hinagilap ang isang palad ni Sammy na medyo nagulat pa sa kanyang ginawa kahit may lihim

na silang usapan. “Sweetheart, si Boboy. Boboy, ang boyfriend ko… si Engr. Sammy Cuervas.”

Pangiting tumango si Sammy kay Boboy, ikinawit pa ang kaliwang braso sa beywang ni Liza.

“Hello, Boboy,” pag-aabot nito ng kanang palad sa nakababatang binata. “Ang galing mong tumugtog ng harmonica.”

“Salamat,” sabi nitong tinanggap ang palad ni Sammy. “But I’m sorry, pare ko. It’s not Boboy. It’s Bobby. Capital B —”

“Boboy, nakasusi ba itong pinto?” ani Liza na lumapit na sa front door. “O hindi natuloy sina Divie patungong

Bulacan?”

“Natuloy sila, Liza,” sabi nitong binitiwan na ang palad ni Sammy at nakapamulsa ang mga palad na lumapit sa may

likuran ni Liza. “Kasama pa nga si Mama, e.”

“Tado! Mama raw, o!" natatawang sinusian na niya ang pinto.”Kawawa ka naman, Boboy,” aniya. “Iniwan ka pala

nila.”

“So what? Me lakad din naman ako mamaya. Pupuntahan ko’ng mga barkada ko sa Singalong.”

“Halika, sweetheart,” baling niya kay Sammy at palihim na kumindat dito. “Gusto mong magkape uli tayo, di ba?”

Page 73: Love Like Oxygen by Verzione

Tumango si Sammy. At nakangiting tumingin kay Boboy. “Nice to meet you, Bobby.”

“Same here, ‘Gineer,” ang sabi na pabirong sumaludo pa kay Sammy at tinungo na ang gate. “Split muna ‘ko. Enjoy

yourselves. The house is empty and my neighbor is pretty…!”

“What?” natatawang sabi ni Sammy na sinundan ng tingin si Boboy hanggang sa gate.

“Nothing,” sabi nito at nakangiting lumingon. “What can you do if you can’t do anything? Nothing!”

Naiiling na sumunod na si Sammy kay Liza papasok sa apartment.

“INFATUATED talaga sa ‘kin ang batang yon, Sam,” pagpapaliwanag niya kay Sammy nang nagkakape na sila sa

salas, magkatabi sa mahabang sopa. “Kinukulit ako at laging dinigahan. Ayaw niyang maniwala na may nobyo na

‘ko. Kaya ngayon… kahit drama lang ang ginawa natin e maniniwala na siguro ‘yon. Pasensiya ka na sa ginawa ko.”

“It’s alright.”

“Titigil na siguro ‘yon sa pangungulit. It’s just a teenage infatuation.”

“Teenager pa ba yon?” ani Sammy. “Binata na ‘yon, a.”

“He’s just eighteen.”

Page 74: Love Like Oxygen by Verzione

Tumango si Sammy. “Kita mo? Maganda ka kasi, e. Marami ang mapapaibig mo just by being yourself.”

“Sammy, iba ang pag-ibig kaysa infatuation lang.”

“Sabagay. Teka… hindi ka ba kukulitin ng Boboy na ‘yon pag-alis ko? Alam niyang nag-iisa ka lang dito.”

“No. I can handle him.”

“Makulit ‘kamo, e.”

“Oo, pero mabait siya. Takot ‘yon ke Rado at lalo na sa kanyang ina, si Tiya Lucy.”

“Oh, well… kapag ang tao’y me respeto sa awtoridad, he can be handled.” Tumayo na si Sammy. “O, pa’no? Baka sa

Baguio na nga tayo magkita uli. Tatlong linggo akong madidestino roon. But I’ll keep in touch.”

“Sige.” Tumayo na rin siya. Ano nga kaya ang dahilan at biglang naging malapit sa akin ang lalaking ito? May ulterior

motive nga kaya ito, tulad ng suspetsa nina Rado at Divie?

“Halika,” sabi nitong hinagilap ang kanang palad niya. “Ihatid mo ako hanggang sa may gate.”

Magkahawak-kamay silang lumabas.

Page 75: Love Like Oxygen by Verzione

May upuang semento sa ilalim ng punong caimito na nasa harap ng bahay na katapat ng apartment ni Rado. Naroon

si Boboy nang ihatid niya si Sammy sa gate. Kausap ni Boboy ang dalawang teenage boys na parehong nakagora

nang pabaligtad, ang isay may hawak na gitara.

Napatingin sa kanila si Boboy.

Para namang sinamantala ni Sammy ang pagkakataon. Humarap ito kay Liza at nakangiting kumindat, kasunod ang

pagdadampi ng isang halik sa kanyang mga labi.

“Goodbye, sweetheart,” ang sabi. “See you.”

Nabigla siya. Pero kaagad ngumiti rin sa binata at tumango. “Sige. Ingat sa pagda-drive, s-sweet-heart.” Lokong ‘to,

a! Tinuka ako sa labi!

Inihatid lang niya ng tanaw ang papalayong kotse ni Sammy at pumasok na ng bahay.

Naiiling na napaupo si Liza sa mahabang sopa pagbalik sa salas. Hawak sa tapat ng dibdib ang mapulang rosas na

may mahabang tangkay, wala sa loob na dinampian niya ng halik ang mga talulot niyon at napapikit.

Kay tagal nang walang nagbibigay sa kanya ng bulaklak. At kanina lang muling nadampian ng halik ang kanyang

mga labi sa loob ng nagdaang mahigit na dalawang taon.

It’s just a rose. A friendly rose…

E yong dampi ng halik sa kanyang mga labi?

Page 76: Love Like Oxygen by Verzione

A friendly kiss?

Biglang nagtagis ang kanyang mga bagang. Tarantadong Sammy ‘yon, a! Bakit sa labi pa niya ako hinagkan e alam

naman niyang nagdadrama lang kami ke Boboy?

Napabuntung-hininga siya. Para pa rin niyang nararamdaman sa mga labi ang halik na iyon ni Sammy, na

kumbaga’y patak ng hamog sa isang rosas na napawalay sa karamihan, kaytagal nang walang pumapansin, sa

nagdaang dalawang tag-araw.

Bakit parang pinapaibig nga niya ako? pag-tataka niya sa isip. Para labis na masaktan lang kapag nagtagumpay

siya? Ito ba ang naisip niyang paraan para magantihan si Divie?

Bigla, napamulat siya at tumayo. Naniningkit ang mga matang pumanhik na siya at nagkulong sa kanyang kuwarto.

Nang masulyapan ang stationary bike, kahit pagod pa sa pagdya-jogging kanina ay sumakay siya roon at ini-adjust

ang timer, gayundin ang friction belt na nagpapabigat o nagpapagaan sa pagpedal.

Isinet niya ang timer sa 30 minutes. Sa kanyang relo, mahigit pang kuwarenta minutos bago mag-alas-dose ng

tanghali.

Ipinangako niya sa sariling tatlong soda crackers at isang hiwang pritong karne ng baka lamang ang magiging

tanghalian niya sa araw na iyon.

Ipinangako rin niya sa sarili na sa loob lang ng susunod na isa o dalawang linggo ay ibabalik niya ang dating pigura

ng kanyang katawan.

Page 77: Love Like Oxygen by Verzione

Tarantado ka nga siguro, Engr. Sammy Cuervas! nagngingitngit niyang naisaloob. Para ngang ayaw mong mahugot

sa daliri ko ang singsing na ito. You want me to take my time. Gusto mong manatili akong tabatsoy at paiibigin mo

nga siguro ako para lang basagin ang puso sa dakong huli. Hah! Over my dead body!

Binilisan niya ang pagpipedal. Hinigpitan pa ang friction belt. Sa isip niya’y wala na ngang puwede pang magpatibok

ng kanyang puso upang muling umibig at masaktan. Hindi na mababago ang kanyang motto: Be happy – don’t ever

catch the love virus again!

Pero ikinagalit niya ang suspetsang baka nga gumaganti lang kay Divina si Sammy. Kumbaga’y sa kabayo ang

hataw, sa kalabaw naman ang latay.

Tingnan natin, Sammy kung sino ang babasag ng kaninong puso sa dakong huli! Mapa-patunganga ka sa beauty ko

at mai-in-love ka sa akin a week or two from now, damuho ka!

NAKATULOG siya nang makapananghalian ng tatlong crackers at isang hiwang pritong baka. Bandang alas-sais,

nagising siya sa yugyog ni Divie. Nakabalik na ang mga ito mula sa San Jose Del Monte, Bulacan.

“Kakain na tayo,” sabi nitong umupo sa gilid ng kanyang kama. “‘Lika na…”

Nag-inat siya. “Bakit kasama pa ninyo si Tiya Lucy sa Bulacan?”

“Gusto raw niyang ma-meet ang mga partidos ko. Alam mo na… preparatory sa pangusisaan.”

“Oyyy… totohanan na talaga!. Kelan ba kayo pakakasal?”

Page 78: Love Like Oxygen by Verzione

“Matagal pa. Ayaw pa ni Daddy na mag-asawa ako, e. Good news nga pala. Pinapayagan ka ni Rado na

maghapunan ng apat na talangkang isasawsaw sa sukang me sili, isang hiwang manggang hinog, isang tasang

kanin at diet Coke.”

Napabalikwas siya ng bangon. “Talaga?”

“Oo. Halika na…”

Kinilig siya sa pananabik at agad kumalam ang kanyang tiyan. “Talangkang isasawsaw sa sukang me sili! O,

sarappp…!”

Nauna pa siyang makalabas ng kanyang kuwarto. Kasunod niya sa hagdan ang natatawang kaibigan. Pero nang

nasa ibaba na siya ay bigla siyang napaupo sa huling baitang at nangalumbaba.

“O, bakit?” kunot-noong lingon sa kanya ni Divie paglampas nito sa kanya. “Ano’ng problema?”

“Tama siguro kayo ni Rado, e,” aniya. “Ini-spoil ako ni Sammy. Kanina, tinukso na naman niya akong kumain kami ng

goto pagkatapos kong magpakabusog sa fruit salad. Buti na lang, napaglabanan ko’ng sarili ko.”

Napamulagat si Divie. “Tarantado yon, a!”

“Oo nga. At binigyan pa ako ng isang mapulang rosas kanina. Hayan sa tokador ko, o. Unti-unti niya akong

pinapaibig, Divie. Siguro nga e para makaganti sa yo.”

Page 79: Love Like Oxygen by Verzione

“Hindi ka naman gaga para magpasilo sa kanyang bitag, ‘no?” naniningkit ang mga mata at gigil na sabi ni Divie.

“Bakit — natatakot ka bang ma-fall in love sa kanya?”

“No! On the contrary, nakakaramdam ako ng matinding galit. At gusto kong makipaglaro sa kanya.” Naningkit din ang

mga mata niya sa galit at naibayo pa niya ang isang kamao sa palad. “Siya ang sisiluin ko sa bitag. Siya ang paiibigin

ko! And let’s see who’s breaking whose heart a week or two from now. Pakisabi na lang ke Rad na salamat. Pero

tatlong crackers lang at isang talangka ang kakainin ko ngayong gabi! No rice!”

“Sigurado ka?”

“Yes! B-but… can I make a r-request, Divie?”

“What?”

“Puwede bang ‘yong talangkang ibibigay n’yo sa akin e babae para me aligi?”

“Heh!”

****

The Ninth.: Chapter 9

***

NATULOG agad siya pagkatapos maghapunan pero nagising nang maghahatinggabi na. Namulatan niyang nakaupo

na naman sa gilid ng kama niya si Divie, niyugyog siya sa isang braso.

“Liza, baba ka muna sandali…”

Page 80: Love Like Oxygen by Verzione

“Bakit?”

“Si Boboy… nagwawala sa labas. Lasing na lasing at nagbabalak magpakamatay!”

“Ha?” Mulagat na napabangon siya. “Magpa-pakamatay? E bakit?”

“Bigo daw kasi siya sa ‘yo,” napapahagikhik na sabi ni Divie. “Ayaw na raw niyang mabuhay kung bigo din lang sa

pag-ibig. Pakipuntahan mo nga sa swing… doon pa yata gustong magbigti!”

Magkasunod silang bumaba at nagkubli muna sa pintuan ng apartment. Nakita ni Liza na mula sa isang kahoy na

pakuan ng bubong ng swing, isang dilaw na nylon cord ang nakalawit. Nakalupasay si Boboy sa sahig, patay-lasing.

Hinihila ni Rado ang isang kamay nito.

“Halika na, ‘oy,” natatawang sabi ni Rado. “Doon ka na lang magbigti sa atin, Boboy. Huwag dito sa swing. Ang baba

ng bubong nito, o. At magagalit si Ate Divie mo pag nasira to.”

“Naaapakasakittt, Kuya Rado…” panangis ni Boboy. “Hindi ko khaya to… hindee, hindee, oh no! My God, ngayon

lang ako natutuhong huumibeggg… magma’al nang tapahaat! At bigumbigo hakkoooo…! Naphhakasakit naman…

arayyy!”

“Gago! Ang OA mo talaga! Naffakasakit daw…! Pwe!”

“E sa nafakashakit mo namang humawak, e! Arayyy… b-b-bitiwan mo’ng kamay ko, Kuya!”

Page 81: Love Like Oxygen by Verzione

Binitiwan ito ni Rado. Nagkahagikhikan sina Liza at Divie sa may pinto.

“Doon na tayo sa bahay,” natatawang sabi uli ni Rado. “Mas kumbinyenteng doon ka magpakamatay. Dito, ang sikip-

sikip.”

“Hayokoo… ghusto ko munang makita si Liza…!”

Lumabas si Liza. Lumapit siya sa swing. “Anong problema, Boboy?”

Parang nagulat pa ito at kaagad nagtangkang tumayo sa swing. Gumiwang ang swing at muntik na itong tumihaya.

Nauntog ito sa isang haligi.

“Arekuph…!” sabi nitong sinapo ng palad ang nauntog na noo. Paupong bumagsak ito sa isang upuan. “My God…

bakit bigla yatang lumuhod ang mga tala sa aking harapan?”

Natatawang sumakay si Liza sa swing at naupo sa tabi nito. “Hoy,” aniyang humawak sa isang braso ng binata. “Ano

bang kadramahan mo to, Boboy?”

“‘Ala,” sabi nitong sumulyap sa kanya at tumungo. Para itong nahimasmasan agad sa tabi niya. “G-gusto lang naman

kitang makita at makausap ngayong gabi, e. Gising pa naman sina Kuya Rado at Ate Divie… p-pero ayaw ka nilang

tawagin.”

“E kasi nga’y tulog na siya,” ani Divie. “Boboy, what’s happening to you? Para ka talagang sira d’yan!”

Tumungo ito at umiling.

Page 82: Love Like Oxygen by Verzione

Napabuntunghininga si Liza. Ganito rin ka-immature ang ex-BF niyang si Marvin. Masyadong emotional. Ganito ang

tipo ng lalaking minahal niya noon at naging dahilan kaya ayaw na niyang umibig uli.

“Liza, pagpasensiyahan mo na ang pinsan ko,” ani Rado. “Talaga lang sigurong masama ang tama n’yan sa ‘yo. Bata

pa kasi at maagang naulila sa ama.”

Tumango siya. “Okey lang, Rad. Sige na… mag-uusap kami sandali.”

Magkaakbay pang pumasok na sa apartment sina Rado at Divie.

NAKATUKOD ang mga siko sa tuhod, nakatakip sa mga tainga ang dalawang palad, bumuntung-hininga si Boboy

ilang minuto matapos silang magkasarilinan sa swing.

“P-pasensiya ka na, Liza.”

Tumango siya. “Bakit ka naman magbibigti?” Hinawakan niya ang nylon cord na nakatali sa baybayan ng bubong.

Natatawang tinantang. “Sampayan ninyo ito, a.”

“G-gimik ko lang ‘yan… para tawagin ka ni Ate Divie. Sorry, hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko, e. Ba’t gano’n?

Naglasing na nga kami ng mga kabarkada ko sa Singalong, hindi pa rin magluwag ang dibdib ko.” .

Inihaplos niya ang isang palad sa ulo nito. “Nagselos ka kay Sam — sa nobyo ko, ‘no?”

Page 83: Love Like Oxygen by Verzione

“Ewan ko ba. Okey naman s’ya, e. Ako’ng hindi okey. Na-love-at first sight ‘ata ako sa yo… at napaiyak ako kaninang

matanaw ko na hinagkan ka niya sa lips. S’yota mo na nga!”

Bumuntunghininga siya. “Pares ka rin ni Marvin, ng ex-BF ko. Ganyan din siya no’ng kaedad mo. Masyadong

sentimental. Pareho kami noon, Boboy. Grabe rin akong ma-in-love. Kaya akala ko, kami na talaga. Pero hayun…

me asawa na siya sa Dagupan City. Minsa’y nabigo rin ako at naiintindihan kita. Pero gano’n talaga, e. Hindi laging

hardin ng mga rosas ang mundong ito.”

Tumango ang binata. “Mabait ka. At ma-unawin pa. Maganda ka di lang sa panlabas. Oo, medyo nga mataba ka

pero maganda ka at tayp na tayp kitang tulad ni Judy.”

“Judy?”

“Judy Ann Santos.”

“I see,” aniyang pangiting napatango. Sus, ang korni! “Kamukha pala ako ng paborito mong artista.”

“Oo. At hindi ka tulad ni Ate Myrnang masungit.”

“‘Yong sister mong nasa Singapore?” Tumango si Bobby. “Me itsura din sana yon. Kaya nga lang e masungit. Kaya

‘ayun… ‘alang magkagusto.”

Alin kaya ang mas effective na paraan to avoid the love virus? Katakawan o kasungitan? A, sa donut pa rin ako.

“Ano’ng pag-uusapan natin, Boboy?”

Page 84: Love Like Oxygen by Verzione

“Wala. Sasabihin ko lang na mahal na mahal pa rin kita kahit bigo ako sa ‘yo.” Itinutop nito ang isang palad sa dibdib.

“Ang sakit dito, e! Gago naman talaga ako, dati na. Pero mas gago ako ngayon dahil… shit, sa ‘yo pa ako nainlab.”

“Sayang. Love din sana kita. Kaso, huli ka na nga, e.”

“T-totoo? M-mahal mo rin ako?”

“Oo naman. Kaya lang… 18 ka lang at ako’y 24. Okey, wala rin naman ‘yon. Age doesn’t matter, sabi nga. Pero me

nobyo na nga ako, e.”

Tumango ito. “Yeah, I understand.”

“Matulog na tayo… me pasok ako bukas.”

Tumango ito. “Sorry. Gusto lang talaga kitang makita ngayong gabi. Di ko maipaliwanag kung bakit. Kasi nga mahal

na mahal kita. I promise, ito na’ng huling pamimer’wisyo ko sa ‘yo. Hindi ito salitang lasing.”

Inosente at malinis na pagkagusto. Infatuation. Kung mapanghahawakan ko pa rin sana ang nararamdaman mo

ngayon two or three years from now. Muli, bumuntunghininga siya. Naalala niya si Sammy. Palagay ko’y kailangan

ko pa rin ang kooperasyon mo, Sammy. Para matapos na talaga ang kahibangan ng batang ito!

MAYAMAYA'Y tumuwid sa pagkakaupo si Boboy. Hindi ito makatingin sa kanya. Tumayo ito at pauga-ugang kinalag

ang nylon cord sa pagkakatali. Pagkuwa’y inikid sa isang braso.

Page 85: Love Like Oxygen by Verzione

“Hahanapin ‘to ni Inay bukas,” ang sabi. “Sori uli, inabala ko’ng pagtulog mo. Hindi lang talaga ako mapalagay

hangga’t di kita nakikita ngayon.”

Tumango siya. “Okey lang. Gusto mong igawa kita ng kape para mas madali kang mahulasan?”

Umiling ito. “Thank you na lang. Matutulog na lang ako. Baka magising pa kasi si Mam — si Inay, babatukan ako

no’n. Buti na nga lang, hindi ako sinapak ni Kuya Rado, e.”

“Sus, papatulan ka ba niyon e nakainom ka?” Nauna siyang bumaba sa swing. “Halika… baka matumba ka na

naman d’yan at mauntog.”

Humawak ito sa kanang palad niya nang umibis na sa swing.

“Guwapo naman pala ang BF mo, e,” sabi nito. “Gara pa ng tsekot.”

Diyos ko, magwawala siguro ito kapag nalamang hindi ko naman talaga nobyo si Sammy. Kailangan ko pa talaga

ang kooperasyon niya.

“Balang-araw,” aniya, “kapag nakatapos ka na ng pag-aaral at nagkatrabaho ka na, makakabili ka rin ng gano’ng

kotse.”

“Oo. Kahit nga gaya lang ng kotse ni Kuya Rado, okey na sa ‘kin. Marunong na ‘kong magmaneho. Natuto ako sa

Lucena.”

May napansin siya sa sahig ng swing. “Naiwan mo yata ang harmonica mo.”

Page 86: Love Like Oxygen by Verzione

Pinulot ni Bobby ang harmonica at ipinamulsa sa likod ng pantalon. Pagkuwa’y tinungo na ang gate.

“Goodnight, Liza.”

“Goodnight.”

“I love you.”

“Heh! Tulog ka na.”

Yuko ang ulong lumabas na ito at lumipat sa kabilang apartment.

Nakakaawa naman. Tingin ko’y sincere naman siya at… aw, shit!

“PASENSIYA ka na nga pala uli sa pinsan ko sa ginawa niyang pambubulahaw kagabi, ha, Liza?” Natrapik sila sa

isang interseksiyon sa Shaw Boulevard, patungo na sa trabaho kinabukasan, nang maalalang sabihin ni Rado.

“Hiyang-hiya sa ‘yo ang loko. Panay ang iling nang magising kanina. Umiyak uli.”

Ngumiti si Liza nang magtama ang tingin nila ng binata sa pamamagitan ng overhead mirror. Pinahina naman ni

Divie ang volume ng car stereo na ang radyo ay naka-tune-in sa isang FM station. Pagkuwa’y ipinatong nito ang

isang palad sa kanang hita ng nobyo.

Page 87: Love Like Oxygen by Verzione

“Akala ko talaga’y biru-biro lang niya ‘yong madalas na pagsasabi sa ‘yo ng I love you, Liza,” ani Divie. “Talaga

palang tinamaan siya sa ‘yo.”

“Infatuation lang ‘yon, Divie,” ani Liza.

“Sa palagay mo?”

“Oo naman.”

“Ano ba’ng sinabi sa ‘yo kagabi?” Pinaandar na uli ni Rado ang kotse. “Bakit gustung-gusto kang makita?”

“Hindi rin daw niya alam kung bakit,” aniya. “Basta nagsisikip daw ang dibdib niya.”

“Bugok talaga,” natatawang sabi ni Rado. “Akalain mong doon pa sa swing magbibigti? Niyayaya ko na nga sa bahay

dahil ‘kako e mas maluwang do’n at mas mataas ang bubong, ayaw naman.”

Tawanan sila.

“Parang gusto ngang iuntog ang ulo sa dinding kanina, e,” sabi uli ni Rado. “Bakit daw gano’n ang naging akto niya

kagabi? First time daw nangyari sa kanya yon, Liza.”

“Grabe palang magkagusto ‘yon, love,” ani Divie na tumingin kay Rado. “Ang inaalala ko e… paano kung malaman

niya na hindi pala totoong magnobyo sina Liza at Sammy?”

Page 88: Love Like Oxygen by Verzione

“Oo nga, Rad,” ani Liza. “Baka magwala ‘yon. Baka sabihing ginago ko lang pala siya. Ano’ng gagawin ko?”

“Abay ewan ko sa ‘yo,” pabirong sagot ni Rado. “Problema mo na yan!”

“Rado naman, e!” Mangiyak-ngiyak na napakamot siya sa batok. “Problema mo rin ‘to dahil pinsan mo s’ya!”

Napahagikhik si Divie. “Kelangan yatang kahit minsan this week e makapunta uli sa atin si Sammy para maging mas

makatotohanan ang drama n’yo.”

“Tsk!” aniya. “Madali lang naman ‘yon. Tiyak kong magko-cooperate siya. Pero… duda na nga ako sa lalaking ‘yon.

Bakit nga kaya parang gusto na niya akong ligawan?”

“Who knows?”ani Rado. “Anything is possible. Na-focus sa ‘yo ang atensiyon niya pagkat sa’yo napunta ang singsing

na ‘yan. Hindi natin alam kung ano ang psychological effect niyon sa isang tulad ni Sammy.”

“Oo nga,” pagsang-ayon ni Divie. “At kung na-in-love sa ‘yo ang isang kabataang tulad ni Boboy, bakit hindi rin si

Sammy?”

“Pero kayo ang nagsabing baka may ulterior motive siya.”

“Puwede rin nga,” ani Rado. “That’s why I said anything is possible — including an ulterior motive!”

Napatiimbagang siya at bahagyang naningkit ang mga mata. Mas posible ang ulterior motive, aniya sa sarili. Maybe

he really wants to break my heart to get even with Divina.

Page 89: Love Like Oxygen by Verzione

Isang makahulugang ngiti ang hinayaan niyang sumungaw sa isang sulok ng kanyang bibig. Tingnan lang natin,

Sammy!

Kung meron ka ngang ulterior motive… game!

PINIPINTAHAN na ang tubular railing ng bagong tulay na ginawa ng Countrywide Builders Inc. sa Paniqui, Tarlac

nang umagang iyon, Miyerkules. Si Sammy ang ipinadala ng opisina para mag-inspeksiyon at alamin kung may

reklamo pa ang provincial engineering office.

Matandang inhenyero ang kinatawan ng gobyerno. Lumapit ito sa kanya matapos niyang kausapin ang isang

tagapinta.

“Cuervas, ilang pasada ba ang nakalagay sa job specification?” tanong nito. “Hindi ba’t tatlo?”

“Oho,” aniya. “Pero kasama na ‘yong first coating.”

“Alam ko. Pero dalawang coating lang ‘yong ginawa n’yo sa kabilang gilid.”

“Kasi ho e dati nang may first coating ang mga tubo. Kaya nga ho ganyang klaseng tubo ang binili namin e para

makatipid sa oras.”

Umiling ito. “Ewan ko lang kung papayagan sa opisina to. Inaatake na nga kami ng mga provincial newspapers dahil

overpriced daw ang kontrata…”

Page 90: Love Like Oxygen by Verzione

Gusto lang siguro nito ng lagay. Paano ba hina-handle nina Dante ang ganitong makukulit na government

inspectors? Teka…

Inakbayan niya ang matandang inhenyero. “Mang Romy, pakitulungan na lang ninyo ako sa trabahong ‘to. Under

observation pa ho ako sa opisina, e. Baka ho mawalan agad ako ng trabaho. Tena ho muna kayo sa Poblacion…

lunchbreak na ho. Kumain muna tayo.”

Tumango ito. “Okey lang, Cuervas. Sige, puwede na yan. Tsk, no’ng una kang mag-inspeksiyon dito, nayayabangan

ako sa yo, e. E kung ganyan ba namang —”

“Pasensiya na ho kayo, Engr. Tobias,” aniya. “Bagito pa nga ho ako, e.”

Oo nga, ang porma ko noon. Bakit ba ang yabang-yabang ko? A, matututo rin ako…

****

The Third to the Last Chapter.: Chapter 10

***

NATULOG agad siya pagkatapos maghapunan pero nagising nang maghahatinggabi na. Namulatan niyang nakaupo

na naman sa gilid ng kama niya si Divie, niyugyog siya sa isang braso.

“Liza, baba ka muna sandali…”

“Bakit?”

“Si Boboy… nagwawala sa labas. Lasing na lasing at nagbabalak magpakamatay!”

Page 91: Love Like Oxygen by Verzione

“Ha?” Mulagat na napabangon siya. “Magpa-pakamatay? E bakit?”

“Bigo daw kasi siya sa ‘yo,” napapahagikhik na sabi ni Divie. “Ayaw na raw niyang mabuhay kung bigo din lang sa

pag-ibig. Pakipuntahan mo nga sa swing… doon pa yata gustong magbigti!”

Magkasunod silang bumaba at nagkubli muna sa pintuan ng apartment. Nakita ni Liza na mula sa isang kahoy na

pakuan ng bubong ng swing, isang dilaw na nylon cord ang nakalawit. Nakalupasay si Boboy sa sahig, patay-lasing.

Hinihila ni Rado ang isang kamay nito.

“Halika na, ‘oy,” natatawang sabi ni Rado. “Doon ka na lang magbigti sa atin, Boboy. Huwag dito sa swing. Ang baba

ng bubong nito, o. At magagalit si Ate Divie mo pag nasira to.”

“Naaapakasakittt, Kuya Rado…” panangis ni Boboy. “Hindi ko khaya to… hindee, hindee, oh no! My God, ngayon

lang ako natutuhong huumibeggg… magma’al nang tapahaat! At bigumbigo hakkoooo…! Naphhakasakit naman…

arayyy!”

“Gago! Ang OA mo talaga! Naffakasakit daw…! Pwe!”

“E sa nafakashakit mo namang humawak, e! Arayyy… b-b-bitiwan mo’ng kamay ko, Kuya!”

Binitiwan ito ni Rado. Nagkahagikhikan sina Liza at Divie sa may pinto.

“Doon na tayo sa bahay,” natatawang sabi uli ni Rado. “Mas kumbinyenteng doon ka magpakamatay. Dito, ang sikip-

sikip.”

Page 92: Love Like Oxygen by Verzione

“Hayokoo… ghusto ko munang makita si Liza…!”

Lumabas si Liza. Lumapit siya sa swing. “Anong problema, Boboy?”

Parang nagulat pa ito at kaagad nagtangkang tumayo sa swing. Gumiwang ang swing at muntik na itong tumihaya.

Nauntog ito sa isang haligi.

“Arekuph…!” sabi nitong sinapo ng palad ang nauntog na noo. Paupong bumagsak ito sa isang upuan. “My God…

bakit bigla yatang lumuhod ang mga tala sa aking harapan?”

Natatawang sumakay si Liza sa swing at naupo sa tabi nito. “Hoy,” aniyang humawak sa isang braso ng binata. “Ano

bang kadramahan mo to, Boboy?”

“‘Ala,” sabi nitong sumulyap sa kanya at tumungo. Para itong nahimasmasan agad sa tabi niya. “G-gusto lang naman

kitang makita at makausap ngayong gabi, e. Gising pa naman sina Kuya Rado at Ate Divie… p-pero ayaw ka nilang

tawagin.”

“E kasi nga’y tulog na siya,” ani Divie. “Boboy, what’s happening to you? Para ka talagang sira d’yan!”

Tumungo ito at umiling.

Napabuntunghininga si Liza. Ganito rin ka-immature ang ex-BF niyang si Marvin. Masyadong emotional. Ganito ang

tipo ng lalaking minahal niya noon at naging dahilan kaya ayaw na niyang umibig uli.

Page 93: Love Like Oxygen by Verzione

“Liza, pagpasensiyahan mo na ang pinsan ko,” ani Rado. “Talaga lang sigurong masama ang tama n’yan sa ‘yo. Bata

pa kasi at maagang naulila sa ama.”

Tumango siya. “Okey lang, Rad. Sige na… mag-uusap kami sandali.”

Magkaakbay pang pumasok na sa apartment sina Rado at Divie.

NAKATUKOD ang mga siko sa tuhod, nakatakip sa mga tainga ang dalawang palad, bumuntung-hininga si Boboy

ilang minuto matapos silang magkasarilinan sa swing.

“P-pasensiya ka na, Liza.”

Tumango siya. “Bakit ka naman magbibigti?” Hinawakan niya ang nylon cord na nakatali sa baybayan ng bubong.

Natatawang tinantang. “Sampayan ninyo ito, a.”

“G-gimik ko lang ‘yan… para tawagin ka ni Ate Divie. Sorry, hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko, e. Ba’t gano’n?

Naglasing na nga kami ng mga kabarkada ko sa Singalong, hindi pa rin magluwag ang dibdib ko.” .

Inihaplos niya ang isang palad sa ulo nito. “Nagselos ka kay Sam — sa nobyo ko, ‘no?”

“Ewan ko ba. Okey naman s’ya, e. Ako’ng hindi okey. Na-love-at first sight ‘ata ako sa yo… at napaiyak ako kaninang

matanaw ko na hinagkan ka niya sa lips. S’yota mo na nga!”

Bumuntunghininga siya. “Pares ka rin ni Marvin, ng ex-BF ko. Ganyan din siya no’ng kaedad mo. Masyadong

sentimental. Pareho kami noon, Boboy. Grabe rin akong ma-in-love. Kaya akala ko, kami na talaga. Pero hayun…

Page 94: Love Like Oxygen by Verzione

me asawa na siya sa Dagupan City. Minsa’y nabigo rin ako at naiintindihan kita. Pero gano’n talaga, e. Hindi laging

hardin ng mga rosas ang mundong ito.”

Tumango ang binata. “Mabait ka. At ma-unawin pa. Maganda ka di lang sa panlabas. Oo, medyo nga mataba ka

pero maganda ka at tayp na tayp kitang tulad ni Judy.”

“Judy?”

“Judy Ann Santos.”

“I see,” aniyang pangiting napatango. Sus, ang korni! “Kamukha pala ako ng paborito mong artista.”

“Oo. At hindi ka tulad ni Ate Myrnang masungit.”

“‘Yong sister mong nasa Singapore?” Tumango si Bobby. “Me itsura din sana yon. Kaya nga lang e masungit. Kaya

‘ayun… ‘alang magkagusto.”

Alin kaya ang mas effective na paraan to avoid the love virus? Katakawan o kasungitan? A, sa donut pa rin ako.

“Ano’ng pag-uusapan natin, Boboy?”

“Wala. Sasabihin ko lang na mahal na mahal pa rin kita kahit bigo ako sa ‘yo.” Itinutop nito ang isang palad sa dibdib.

“Ang sakit dito, e! Gago naman talaga ako, dati na. Pero mas gago ako ngayon dahil… shit, sa ‘yo pa ako nainlab.”

“Sayang. Love din sana kita. Kaso, huli ka na nga, e.”

Page 95: Love Like Oxygen by Verzione

“T-totoo? M-mahal mo rin ako?”

“Oo naman. Kaya lang… 18 ka lang at ako’y 24. Okey, wala rin naman ‘yon. Age doesn’t matter, sabi nga. Pero me

nobyo na nga ako, e.”

Tumango ito. “Yeah, I understand.”

“Matulog na tayo… me pasok ako bukas.”

Tumango ito. “Sorry. Gusto lang talaga kitang makita ngayong gabi. Di ko maipaliwanag kung bakit. Kasi nga mahal

na mahal kita. I promise, ito na’ng huling pamimer’wisyo ko sa ‘yo. Hindi ito salitang lasing.”

Inosente at malinis na pagkagusto. Infatuation. Kung mapanghahawakan ko pa rin sana ang nararamdaman mo

ngayon two or three years from now. Muli, bumuntunghininga siya. Naalala niya si Sammy. Palagay ko’y kailangan

ko pa rin ang kooperasyon mo, Sammy. Para matapos na talaga ang kahibangan ng batang ito!

MAYAMAYA'Y tumuwid sa pagkakaupo si Boboy. Hindi ito makatingin sa kanya. Tumayo ito at pauga-ugang kinalag

ang nylon cord sa pagkakatali. Pagkuwa’y inikid sa isang braso.

“Hahanapin ‘to ni Inay bukas,” ang sabi. “Sori uli, inabala ko’ng pagtulog mo. Hindi lang talaga ako mapalagay

hangga’t di kita nakikita ngayon.”

Tumango siya. “Okey lang. Gusto mong igawa kita ng kape para mas madali kang mahulasan?”

Page 96: Love Like Oxygen by Verzione

Umiling ito. “Thank you na lang. Matutulog na lang ako. Baka magising pa kasi si Mam — si Inay, babatukan ako

no’n. Buti na nga lang, hindi ako sinapak ni Kuya Rado, e.”

“Sus, papatulan ka ba niyon e nakainom ka?” Nauna siyang bumaba sa swing. “Halika… baka matumba ka na

naman d’yan at mauntog.”

Humawak ito sa kanang palad niya nang umibis na sa swing.

“Guwapo naman pala ang BF mo, e,” sabi nito. “Gara pa ng tsekot.”

Diyos ko, magwawala siguro ito kapag nalamang hindi ko naman talaga nobyo si Sammy. Kailangan ko pa talaga

ang kooperasyon niya.

“Balang-araw,” aniya, “kapag nakatapos ka na ng pag-aaral at nagkatrabaho ka na, makakabili ka rin ng gano’ng

kotse.”

“Oo. Kahit nga gaya lang ng kotse ni Kuya Rado, okey na sa ‘kin. Marunong na ‘kong magmaneho. Natuto ako sa

Lucena.”

May napansin siya sa sahig ng swing. “Naiwan mo yata ang harmonica mo.”

Pinulot ni Bobby ang harmonica at ipinamulsa sa likod ng pantalon. Pagkuwa’y tinungo na ang gate.

“Goodnight, Liza.”

Page 97: Love Like Oxygen by Verzione

“Goodnight.”

“I love you.”

“Heh! Tulog ka na.”

Yuko ang ulong lumabas na ito at lumipat sa kabilang apartment.

Nakakaawa naman. Tingin ko’y sincere naman siya at… aw, shit!

“PASENSIYA ka na nga pala uli sa pinsan ko sa ginawa niyang pambubulahaw kagabi, ha, Liza?” Natrapik sila sa

isang interseksiyon sa Shaw Boulevard, patungo na sa trabaho kinabukasan, nang maalalang sabihin ni Rado.

“Hiyang-hiya sa ‘yo ang loko. Panay ang iling nang magising kanina. Umiyak uli.”

Ngumiti si Liza nang magtama ang tingin nila ng binata sa pamamagitan ng overhead mirror. Pinahina naman ni

Divie ang volume ng car stereo na ang radyo ay naka-tune-in sa isang FM station. Pagkuwa’y ipinatong nito ang

isang palad sa kanang hita ng nobyo.

“Akala ko talaga’y biru-biro lang niya ‘yong madalas na pagsasabi sa ‘yo ng I love you, Liza,” ani Divie. “Talaga

palang tinamaan siya sa ‘yo.”

“Infatuation lang ‘yon, Divie,” ani Liza.

Page 98: Love Like Oxygen by Verzione

“Sa palagay mo?”

“Oo naman.”

“Ano ba’ng sinabi sa ‘yo kagabi?” Pinaandar na uli ni Rado ang kotse. “Bakit gustung-gusto kang makita?”

“Hindi rin daw niya alam kung bakit,” aniya. “Basta nagsisikip daw ang dibdib niya.”

“Bugok talaga,” natatawang sabi ni Rado. “Akalain mong doon pa sa swing magbibigti? Niyayaya ko na nga sa bahay

dahil ‘kako e mas maluwang do’n at mas mataas ang bubong, ayaw naman.”

Tawanan sila.

“Parang gusto ngang iuntog ang ulo sa dinding kanina, e,” sabi uli ni Rado. “Bakit daw gano’n ang naging akto niya

kagabi? First time daw nangyari sa kanya yon, Liza.”

“Grabe palang magkagusto ‘yon, love,” ani Divie na tumingin kay Rado. “Ang inaalala ko e… paano kung malaman

niya na hindi pala totoong magnobyo sina Liza at Sammy?”

“Oo nga, Rad,” ani Liza. “Baka magwala ‘yon. Baka sabihing ginago ko lang pala siya. Ano’ng gagawin ko?”

“Abay ewan ko sa ‘yo,” pabirong sagot ni Rado. “Problema mo na yan!”

Page 99: Love Like Oxygen by Verzione

“Rado naman, e!” Mangiyak-ngiyak na napakamot siya sa batok. “Problema mo rin ‘to dahil pinsan mo s’ya!”

Napahagikhik si Divie. “Kelangan yatang kahit minsan this week e makapunta uli sa atin si Sammy para maging mas

makatotohanan ang drama n’yo.”

“Tsk!” aniya. “Madali lang naman ‘yon. Tiyak kong magko-cooperate siya. Pero… duda na nga ako sa lalaking ‘yon.

Bakit nga kaya parang gusto na niya akong ligawan?”

“Who knows?”ani Rado. “Anything is possible. Na-focus sa ‘yo ang atensiyon niya pagkat sa’yo napunta ang singsing

na ‘yan. Hindi natin alam kung ano ang psychological effect niyon sa isang tulad ni Sammy.”

“Oo nga,” pagsang-ayon ni Divie. “At kung na-in-love sa ‘yo ang isang kabataang tulad ni Boboy, bakit hindi rin si

Sammy?”

“Pero kayo ang nagsabing baka may ulterior motive siya.”

“Puwede rin nga,” ani Rado. “That’s why I said anything is possible — including an ulterior motive!”

Napatiimbagang siya at bahagyang naningkit ang mga mata. Mas posible ang ulterior motive, aniya sa sarili. Maybe

he really wants to break my heart to get even with Divina.

Isang makahulugang ngiti ang hinayaan niyang sumungaw sa isang sulok ng kanyang bibig. Tingnan lang natin,

Sammy!

Kung meron ka ngang ulterior motive… game!

Page 100: Love Like Oxygen by Verzione

PINIPINTAHAN na ang tubular railing ng bagong tulay na ginawa ng Countrywide Builders Inc. sa Paniqui, Tarlac

nang umagang iyon, Miyerkules. Si Sammy ang ipinadala ng opisina para mag-inspeksiyon at alamin kung may

reklamo pa ang provincial engineering office.

Matandang inhenyero ang kinatawan ng gobyerno. Lumapit ito sa kanya matapos niyang kausapin ang isang

tagapinta.

“Cuervas, ilang pasada ba ang nakalagay sa job specification?” tanong nito. “Hindi ba’t tatlo?”

“Oho,” aniya. “Pero kasama na ‘yong first coating.”

“Alam ko. Pero dalawang coating lang ‘yong ginawa n’yo sa kabilang gilid.”

“Kasi ho e dati nang may first coating ang mga tubo. Kaya nga ho ganyang klaseng tubo ang binili namin e para

makatipid sa oras.”

Umiling ito. “Ewan ko lang kung papayagan sa opisina to. Inaatake na nga kami ng mga provincial newspapers dahil

overpriced daw ang kontrata…”

Gusto lang siguro nito ng lagay. Paano ba hina-handle nina Dante ang ganitong makukulit na government

inspectors? Teka…

Inakbayan niya ang matandang inhenyero. “Mang Romy, pakitulungan na lang ninyo ako sa trabahong ‘to. Under

observation pa ho ako sa opisina, e. Baka ho mawalan agad ako ng trabaho. Tena ho muna kayo sa Poblacion…

lunchbreak na ho. Kumain muna tayo.”

Page 101: Love Like Oxygen by Verzione

Tumango ito. “Okey lang, Cuervas. Sige, puwede na yan. Tsk, no’ng una kang mag-inspeksiyon dito, nayayabangan

ako sa yo, e. E kung ganyan ba namang —”

“Pasensiya na ho kayo, Engr. Tobias,” aniya. “Bagito pa nga ho ako, e.”

Oo nga, ang porma ko noon. Bakit ba ang yabang-yabang ko? A, matututo rin ako…

****

The Eleventh Chapter.: Chapter 11

***

BAGO nag-umpisa sa paghuhugas ng kanilang mga pinagkainan nang gabing iyon, ipinamulsa ni Liza ang singsing

sa suot niyang pula at bulaklaking daster na hiniram lang niya kay Divie.

Kusa nang dumudulas at natatanggal sa kanyang daliri ang singsing, lalo na kapag may sabon ang kanyang kamay.

Hindi na naging kagulat-gulat sa kanyang mga kasambahay, kapitbahay at kaopisina ang transpormasyon niya mula

sa isang ala-Ruby Rodriguez tungo sa isang Mickey Ferriols na pigura.

Sapagkat naging saksi ang mga ito sa unti-unti niyang pagbabago sa nagdaang mahigit na isang buwan. Nasanay na

agad ang mga ito sa “bagong siya,” isa nang 24-year-old lady na may katakam-takam at whistle-bait na pigurang 35-

24-35.

Gayunman, noong nakaraang Miyerkules na hindi niya naisuot ang kanyang office uniform, sinita siya ng babaing

guwardiya na nasa information desk sa ground floor.

Page 102: Love Like Oxygen by Verzione

Ngumiti pa siya rito nang patungo na sa elevator. Pero tumayo ito at siya’y tinawag: “Miss, sandali lang…”

“Bakit?” kunot-noong lingon niya rito.

“Kailangan mo ng visitor’s ID card para —” Napatigil ito sa pagsasalita at napamulagat sa kanya. “Ay, Diyos ko…

ikaw ba ‘yan, Liza?”

Napatawa siya. “Ako nga. Nasa dress shop for repair yong uniporme ko kaya naka-plain clothes ako ngayon.”

Naiiling at nakatawa ring nagbalik na ang lady guard sa desk nito. “Hindi ka lang kasi pumayat at sumeksi,” sabi nito.

“Pinahaba mo rin ‘yang buhok mo.”

Ngayon, pati ang daster ni Divie ay nahihiram na rin niya. Kaninang naghahapunan sila, kasalo si Rado pagkat di raw

nito nagustuhan ang maalat na sinigang ni Tiya Lucy, ay pabirong sinabi sa kanila ng binata: “Puwede ba, huwag

kayong sabay na magsusuot ng duster na magkakulay? Naduduling ako, e! Para kayong iisang tao na nadodoble sa

tingin ko!”

“E kasi, kapag ‘yong mga dati kong daster ang isinusuot ko,” aniya, “ang luwag na sa kili-kili at mababa nang

masyado ang neckline. Minsan nga, nasisilip na yata ni Boboy ang dibdib ko!”

Tumawa nang malakas si Rado. “Maski nga ako, e! Natutukso ring manilip sa ‘yo kapag pabura-burara ka!”

“A, gano’n?” ani Divie na galit na piningot ang isang tainga ng nobyo. “Para mo na ring kapatid ‘yannnn…um!”

Page 103: Love Like Oxygen by Verzione

“Aray ko, sweetheartl” ngiwi ni Rado. “Wala akong malisya do’n. Paghanga lang! Diyos ko naman… dumugo yata

ang tainga ko, a!”

“Hee!” namumula pa ring irap ni Divie. “Talagang pare-pareho kayong mga lalaki… puro malisyoso!”

Tumingin si Rado kay Liza na parang humi-hingi sa kanya ng saklolo. “Liza, hindi ba’t kapag pabura-burara ang

babae, talaga namang nakakaakit ng atensiyon?”

Sa halip na kampihan ay nakatawang sininghalan pa niya ito: “Tse! Hindi ako burara!”

“A, bahala kayo!” Natatawa ring itinuloy na ni Rado ang pagkain. “Sabi ko lang naman… huwag kayong sabay na

magsusuot ng daster na magkapareho ang kulay, e…”

Nagkatinginan sila ni Divie. At sa ilang segundo’y parang malikmatang nakita nila ang sarili sa isa’t isa.

“Oo nga, ‘no?” anang kaibigan niya. “Para na nga pala tayong magkakambal ngayon!”

At nagkatawanan sila.

“Mga sira!” ani Rado na hindi malaman kung sisimangot o matatawa na rin.

NAPAKUNOT-NOO siya nang hindi makita sa salas at sa swing ang magnobyo pagkatapos niyang mahugasan ang

pinagkanan. Pumanhik siya at pumasok na sa sariling kuwarto.

Page 104: Love Like Oxygen by Verzione

Nasaan kaya ang dalawang iyon? tanong niya sa sarili habang nagwo-workout sa stationary bike. A, nasa kabila lang

siguro.

Pinapayagan na siya nina Divie at Rado na kumain nang regular basta lang daw patuloy siyang mag-iihersisyo gabi-

gabi at magdya-jogging pa rin tuwing Linggo ng umaga.

Makaraan ang tatlumpung minutong pagba-bike, nanaog siya sa salas at nakinig ng musika sa stereo component.

Pasado alas-otso na ng gabi. Maraming mapapanood na magagandang programa sa TV. Pero nang gabing iyon ay

mas gusto pa niyang makinig na lamang ng musika mula sa isang FM station.

Nakahiga na sa mahabang sopa, pumikit siya at napangiti nang maalala si Sammy. Kaninang umaga ay nag-long

distance sa kanya sa opisina ang binata. Natatawa siya ngayon habang binabalikan sa isip ang naging takbo ng

kanilang pag-uusap.

I just want to play a game, Sammy boy!

NA-BULLDOZER na ang pagtatayuan ng bagong gym sa project site. Nahukay na ang paglalagyan nila ng footing at

pundasyon. Nanood nga lang siya kay Dante. Pero hindi rin niya naiwasang magbigay ng suhestiyon at makaisip ng

sariling mga ideya.

Kaya nang Biyernes na iyon, habang sakay sila ng pick-up van na minamaneho ng kanilang company driver, patungo

sa isang night spot sa Session Road, tinapik siya ni Dante sa isang hita at sinabi:

“Sam, palagay ko’y puwede na kitang iwan dito. Kayang-kaya mo na pala, e. After this, gagawin na kitang project

engineer.”

Page 105: Love Like Oxygen by Verzione

Parang hindi pa siya makapaniwala. "Totohanin mo ‘yan, ha? Sige… sagot ko na ang lakad nating to ngayon!”

“Ikaw, e,” ani Dante. “Uuwi na muna ako. Babalik ako makaraan ang Independece Day.”

“Lunes ang Independence Day,” aniya. “Ibig mong sabihi’y pagtatrabahuhin ko ang mga tao hanggang sa Lunes?”

“Magbubuhos na kayo ng semento bukas ng hapon,” ani Dante. “Deretso ‘yon hanggang Linggo ng gabi. Kung

matatapos agad, pahinga muna nang Lunes. Kung gusto mo’y umuwi ka rin muna sa Lunes at manood ng parada sa

Luneta…” Tumawa si Dante. “Pero kailangang narito ka na uli sa gabi.”

Napasabad sa usapan ang kanilang drayber. “Gamitin mo na itong sasakyan, Boss Sammy. Para makauwi rin ako sa

Lunes nang me overtime.”

Tumango siya. “Tingnan ho natin, Mang Ric.”

UMINOM lang sila ng tigatlong beer at nanood sandali ng floor show sa night spot na iyon. Nag-gagandahan ang

mga dancers at GRO. Okey ang banda na nagpi-perform. Pero mas enjoy pa si Sammy sa pag-inom at pagkain ng

pulutan nilang kalderetang baka. Wala siyang hilig mag-beerhouse.

Lihim pa siyang natatawa sa sarili pagkat habang pinanonood ang mga sexy dancers, ang laman ng isip niya ay si

Liza. Alam na niya kahapon pa na nahugot na sa daliri ni Liza ang singsing. Pagkat nag-long distance siya kay Liza

sa opisina ng mga ito.

At ngayon, nangingiti siya habang binabalikan sa isip ang naging takbo ng kanilang usapan:

Page 106: Love Like Oxygen by Verzione

“Kasingseksi na ako ni Marian Rivera,” pabirong sabi ni Liza. “Baka hindi mo na ako makilala pagpunta ko dyan sa

June 18. That’s a Sunday. Pero Sabado pa lang ng gabi, nariyan na ako. Susunduin ako ni Kuya Jun mula sa bahay

namin sa Urdaneta.”

“Saan tayo magkikita?” tanong niya.

“Any suggestion?”

May binanggit siyang isang kilalang restaurant sa Session Road. “O kaya’y susunduin na lang kita sa bahay ng kuya

mo.”

“Wala man lang suspense!” natatawang sabi ni Liza. “Ang gusto koy sa isang crowded place… do’n sa hindi mo agad

ako mamumukhaan. But I’II be wearing a pair of white jogging shorts, white jacket on a pink shirt blouse, and a pair of

blue rubber shoes. There’ll be a white ribbon on my head because I’ll wear my hair with a ponytail. So… saan tayo

magkikita?”

“Sa Burnham Park,” excited niyang naisagot. “Doon mismo sa istasyon ng mga boat for rent.”

“Ayoko nga. Madali mo rin akong makikilala roon. Ayaw mo sa Mines View Park?”

“Saan doon?”

“Sa pinakadulo. Sa barandilyang nakabakod sa gilid ng bangin. Alas-nuwebe ng umaga.”

Page 107: Love Like Oxygen by Verzione

“Magulo roon. Ang dami laging nagpi-picture taking doon. Baka hindi kita makita agad. Lalo na nga’t kasingseksi ka

na pala ni —”

“That’s the very idea, Sammy. Find me… try to recognize me in a crowded place.” Tumawa pa si Liza. “Give me that

kind of excitement, my friend.”

“Would my ring be still on your finger?”

“No. It would be in its original jewelry box. Ibinigay na sa akin ni Divie ang munting kahon. Ganoon ko ibabalik sa ‘yo

ang singsing.”

“But, Liza —”

“Bye. See you there.”

Ganoon ang naging takbo ng kanilang pag-uusap, at nagtaka siya pagkat parang gusto pang maglaro ni Liza.

Pinagkunwari niya akong nobyo niya dahil kay Boboy, naisaloob niya habang sumisimsim ng beer. Ngayon naman,

gusto pa yata niyang mag-hide and seek kami dito sa Baguio.

Why is she always playing games?

INABOT lang sila ng alas-diyes sa beerhouse na iyon. Pagbalik nila sa Palomino, nakatulog agad si Dante. Magka-

share sila sa isang kuwartong may dalawang kama para makatipid.

Page 108: Love Like Oxygen by Verzione

Kompanya nila ang gumawa ng hotel na iyon kaya may discount silang 35%. Limang araw lang na accommodation

ang ibinigay sa kanila ng kompanya. Pagkatapos ng limang araw, sariling gastos na nila, sila na ang magbabayad sa

hotel.

“No problem,” patungo pa lang sila sa Baguio ay sinabi na ni Dante. “Sagot ko na ang 10-day hotel accommodation

natin, Sam. Mahigit ding eleven thousand pesos yon.”

Napangiti lang siya at hindi na umimik. Naisaloob, Sino kaya ang nag-donate? A, baka ‘yong binilhan namin ng

pintura o kaya ‘yong supplier ng mga bakal. Magkano nga ba inabot ‘yon lahat-lahat? Mahigit one million. Naku, e

barya nga lang ang eleven thousand na sideline niya roon!

Ngayon, habang naghihilik na si Dante sa katapat na kama, gising pa rin si Sammy at nakatingin sa kisame. Buhay

pa ang kanyang lampshade. Ang nasa isip pa rin niya ay si Liza.

Nang hindi pa rin makatulog, pasado alas-onse na, dinampot niya ang telepono, humingi ng linya sa operator at

idinayal ang numero ng telepono nina Liza sa apartment ng mga ito.

“HELLO…?”

Si Divina. Tumikhim siya. “Hello, Divie. Si Sam…”

“T-tulog na si Liza. Gigisingin ko ba?”

“Hmmm… h’wag na lang. Akala ko lang e nag-i-scrablle kayo at —”

Page 109: Love Like Oxygen by Verzione

“Tulog na siya kanina pa at ako nama’y nagpapaantok lang sa swing nang tumunog ang telepono. A-ang totoo, ikaw

ang naiisip ko kanina pa. Nariyan ba si Kuya?”

Napabuntunghininga siya at tinapunan ng sulyap ang natutulog na si Dante. “Tulog na rin. Maaga kasi siyang uuwi

na bukas. Gusto mong gisingin ko?”

“Huwag na…”

“Bakit mo naman ako naiisip, Divie?”

Hindi agad nakasagot si Divina. Isang maikling buntunghininga rin muna ang ginawa nito. “Sammy…”

“Yes.”

“Si Liza… p-parang kapatid na namin ni Kuya Dante.”

“Yeah, I know.”

“Besides the ring, what do you want from her?”

Nasaktan agad siya. Parang sa tono ng pagsasalita ni Divie ay may iniisip itong hindi maganda tungkol sa intensiyon

niya kay Liza. Pero naunawaan niya rin agad ito.

Page 110: Love Like Oxygen by Verzione

“I am in love with her,” aniya.

“Gano’n ba kadali ‘yon? In less than a month’s time… pagkatapos mong manligaw sa akin, sa kanya ka naman na-in-

love? It doesn’t matter to me personally kung gano’n ka nga. Mas okey sa akin ‘yon. P-pero… ang sangkot kasi e si

Liza.”

“Iniisip mo sigurong para akong hunyango na kaydaling magpalit ng kulay. A chameleon who can change colors so

easily. ”

“I hate chameleons, Sammy.”

“But you yourself is in love with one. Nang iwan si Rado Vargas ng kanyang ka-live-in, wala pang dalawang buwan

ay nagpalit na rin siya ng kulay.”

Hindi agad nakasagot si Divie.

“I don’t hate chameleons, Divie. People are all chameleons sometimes. They adapt to their surroundings for survival.

We all change colors sometimes. And when we lose love, we change our heart and try to love again. Divina, ang

hunyangong ito’y nagpalit ng kulay sapagkat gusto niyang mag-survive… muling makapag-tangka… at magwagi!

Nobody loves a permanent loser! If the color of winning and survival is red, then that’s the color I’m gonna wear.

Tulad din ni Rado… o ng kapatid mong si Dante.”

“Sammy, I j-just wanna be sure that —”

Page 111: Love Like Oxygen by Verzione

“I love her. I love Liza so much and I wanna love her for the rest of my life. Ano ba ang gusto mo — patuloy akong

maging bitter sa pagkabigo ko sa ‘yo? No way. Can’t stay a loser for a minute!”

“All right,” pabuntunghiningang sabi ni Divina. “I now believe you. Thank you so much. I love her too. I don’t want Liza

to get hurt again. That’s all that matters to me, Sam.”

“Yes, I know. Please don’t worry anymore. Goodnight.”

“Yes, Sammy, goodnight.”

****

CH12

“KENTUCKY, and that’s final!”

“Max’s na lang, Rad,” ani Divie. “Nakakasawa na ang Kentucky Fried Chicken. Lagi na doon lang tayo pumupunta.”

“Oo nga naman, Rad,” ani Liza. “Sa Max’s naman tayo kumain ng manok bukas.”

Umiling si Rado. Hindi sila nag-i-scrabble nang gabing iyon ng Linggo. Nagtu-tong-its sila kina Rado, kasali si Boboy.

Wala silang trabaho bukas pagkat Araw ng Kalayaan, na bagaman isang regular holiday lamang ay nakasanayan

nang gawing official holiday ng kanilang kompanya.

“I think you need a referee,” ani Boboy. “Hindi kayo magkasundo, e.”

“Baka mediator o arbiter lang ang ibig mong sabihin,” ani Rado. “Hindi naman kami naglalaro ng basketball, a!”

Page 112: Love Like Oxygen by Verzione

“Kow! Pareho na rin ‘yon, Kuya.”

“O, sige… ikaw ang referee,” natatawang pagsang-ayon ni Rado. “Saan tayo kakain bukas?”

“Sa Ma Mun Luk.”

Binatukan ito ni Divie. “Um! Tado!”

“Areko naman, Ate! E ‘yon kasi ang paboritong restawran ni Mama, e!”

“Hee! Basta ang gusto namin ni Liza e sa Max’s tayo pupunta bukas!”

“Buweno, okey lang,” ani Rado. “Pero kayo ang magbabayad.”

Inirapan ni Divie ang nobyo. “Masaya ka! Ba’t kami pa ang pagbabayarin mo? Toss coin na lang. Head, Max’s; tail,

Kentucky. Okey?”

“Okey,” ani Rado na dumampot ng coin na pantaya nito. “Mabuti pa nga.”

Inihagis ni Rado ang coin paitaas. Sinalo iyon ni Boboy at itinaob ang palad sa mesitang pangsalas.

Page 113: Love Like Oxygen by Verzione

“Head!” nagtatawang sabi ni Rado nang angatin na ni Boboy ang palad. “Malinaw ‘yan, ha? It’s Kentucky!”

MAG-AALAS-DIYES ng umaga kinabukasan, binabagtas na ng pick-up van nina Sammy ang EDSA. Inabot sila ng

hanggang alas-onse ng gabi sa pagbubuhos ng semento. Sa mungkahi ng drayber, umalis sila sa Baguio nang alas-

tres ng madaling-araw.

Ginamit ni Sammy ang kanyang cellphone makalampas nang SM City North. Tinawagan niya ang kanyang ina. Ang

kanilang maid-labandera ang sumagot. Kaaalis lang daw ng kanyang mommy, patungo kina Mark sa Roxas District.

Doon niya nakausap ang kanyang ina.

“Paalis na rin kami dine, anak,” sabi nito. “Patungo kami sa Max’s Restaurant… dito lang sa malapit sa kanila. Ang

mabuti pa’y dito ka na rin pumunta.”

“Hindi ba nagsasawa sina Kuya Mark sa restaurant na yan?” natatawang sabi niya.

“Linggu-linggo na lang ‘ata e d’yan sila kumakain, a!”

“E saan mo ba gusto?”

“Sa McDo.”

“Naku, e, doon na nga sila kumain kahapon.

Page 114: Love Like Oxygen by Verzione

"Dito na lang sa Max. Asan ka na ba?”

“Approaching Quezon Avenue intersection.”

“Aba’y malapit ka na pala rito, e…”

“Uuwi na lang ho kaya ako sa San Juan, Mom,” aniya. “Pagod ho ako, e.”

“E, sige… hintayin mo ako roon.” Isinarado na niya ang telepono. “Mang Ric, doon na lang ho tayo mananghalian sa

McDonald’s na nasa kanto ng Araneta at Aurora Boulevard.”

Tumango ang drayber.

LIMA silang sakay ng kotse ni Rado nang magtungo sa Kentucky Fried Chicken sa Quezon Avenue. Kasama nila si

Tiya Lucy.

Pero pagtapat doon ng kotse, ni hindi nagmenor si Rado. Nilampasan nito ang lugar.

Napatingin dito si Divie na katabi nito sa unahan. “O, akala ko ba’y sa Kentucky tayo?”

Tumawa ang binata. “Mas gusto rin ni Tiya Lucy sa Max’s. Majority wins. Doon na lang tayo sa Max’s na malapit sa

Roces Avenue.”

Page 115: Love Like Oxygen by Verzione

“Sinungaling ka talaga, Boboy,” natatawang sabi ni Liza. Nakapagitan si Boboy sa kanila ni Aling Lucy sa panghuling

upuan. “Sabi mo kagabi, Ma Mun Luk ang paboritong restaurant dito ng inay mo.”

“Talaga naman, e. Di ba, ‘Nay?”

“Oo nga, Liza,” sabi ni Aling Lucy. “Paborito ko ang restawrang iyon pero wala naman doong manok. Siopao lang at

mami.”

Sa parking lot ng Max’s Restaurant, kinuha ni Boboy ang kanang kamay ni Liza at ipinatong sa kaliwang braso nito

nang makababa sila sa kotse.

“Kunwari’y s’yota kita,” ang sabi. “Pagbigyan mo na ako’t Independenee Day naman ngayon.”

“E ano naman kaya ang kaugnayan n’on sa pagkukunwari nating magnobyo?” natatawang sabi niya, at tuluyan nang

humawak sa braso nito. “Puro ka talaga kalokohan, e.”

“Well, a lousy reason is better than no reason at all,” sabi nito kasunod ang pagtawa. “In other words… please just do

it. Okay, sweetheart?”

“Sige na nga, sweetheart.”

“Walastik ding umingles ang anak ko, a!” natatawang sabi ni Tiya Lucy. “Sige nga, Boboy, umingles ka nga uli…”

“Mamaya naman ho, Mama. Baka tayo maubusan agad!”

Page 116: Love Like Oxygen by Verzione

Napahagikhik si Divina. Napalingon ito sa kanila habang nakahawak din sa isang braso ni Rado, papalapit na sa

maluwang na entrada ng restawran.

“Para kayong tunay, a!” ang sabi. “Ang guwapo mo kasi ngayon, Boboy. Bagay na bagay sa ‘yo ang long-sleeved

shirt na ‘yan.”

“Talaga? Hindi halatang hiniram ko lang ke Kuya Rado, ‘no?”

“Shhhh!” ani Tiya Lucy. “Huwag mo nang ipangalandakan pa, anak!”

Sa paghagikhik ni Liza, medyo napalambitin pa siya sa pagkakahawak sa braso ni Boboy.

Nasa ganoon silang ayos nang makita ni Mrs. Consuelo Cuervas. Nasa loob ito ng isang function room na ang

dingding ay one-way mirror. Napatigil ito sa pagkuha ng litrato sa dalawang apo. Tiniyak nitong si Liza nga ang

nakikita bagaman ang dalaga’y hindi na tulad ng dati.

Si Liza nga ito, a! naisaloob nito. Kawawang Sammy. Mabuti pa pala e tinanggap ko na lang ‘yong singsing nang

sabihing ibabalik na niya last Wednesday.

Kinunan nito ng litrato ang dalawa. Hindi pa nasiyahan, paglampas ng grupo sa pinto ng function room na salamin

din, lumabas ang ginang at palihim na sumunod kina Liza.

“Boboy, samahan mo nga ako patungong CR,” narinig nitong sabi ni Liza. “‘Asan ba rito yon, sweetheart?”

Page 117: Love Like Oxygen by Verzione

“Halika… itanong na lang natin sa mga waiter,”ani Boboy. “I think it’s over there, sweetheart.”

PARANG nadurog ang puso ni Mrs. Cuervas. Nakahawak pa rin sa braso ni Boboy si Liza nang tunguhin ang dakong

kinaroroonan ng comfort room.

Nang mapansin niyang lilingon si Divina ay bigla siyang tumalikod at mabilis nang nagbalik sa function room. Awang-

awa siya kay Sammy. Hindi na lang niya ipinagtapat kina Mark at sa misis nitong si Madelene ang kanyang

nasaksihan.

Punyetang mga babae ‘yon! Bakit nila gina-ganoon ang anak ko? Sino ba sila sa akala nila?

Hindi siya pumayag nang tawagan siya ni Liza at sabihing ibabalik na nito ang singsing. Pagkat sinabi sa kanya ni

Sammy na pupunta rin naman daw sa Baguio si Liza.

“Doon ko na lang muling isusuot ‘yon sa daliri niya, Mommy,” sabi pa ng kanyang anak. “Yon e kung bubuwenasin

lang naman ho ako.”

Hindi ka pa rin pala bubuwenasin this time, Sammy, naihumutok niya. My God, kailangang maipa-develop ko ngayon

din ang mga film na ito.

ALAS-TRES ng hapon, nang araw ring iyon, napasakamay ni Sammy ang dalawang kuha nina Boboy at Liza sa

Max’s Restaurant. Tumawa lang siya at ibinalik sa ina ang mga litrato.

“Pinagbigyan lang ho siguro ni Liza ang Boboy na yan,” aniya. “Kasi nga ho’y infatuated sa kanya ang —”

Page 118: Love Like Oxygen by Verzione

“Sammy, I personally heard them!” galit na irap sa kanya ng ina. “They’re calling each other ‘sweetheart’ in a public

place! Accept it! And this time, be man enough and be brave! Get that ring back and find another… somebody more

deserving than her!”

Muli niyang minasdan ang mga larawan. Masusing pinag-aralan. At parang sinaksak ang kanyang puso. Hindi na

suot ni Liza ang singsing. Masayang-masaya ito. Medyo nakahilig pa ang ulo sa isang balikat ni Boboy.

Napabuntunghininga na lang siya. “It’s all right, Mom. Hindi naman ho masasabing nasulot uli ako this time. Kasi,

hindi pa naman ho ako pormal na nagtatapat sa kanya.”

“Good!”ani Mrs. Cuervas. “Kalimutan mo na lang ang babaing yon! Don’t ever see that girl again after taking back the

ring!”

“Of course,” nasabi na lamang niya nang buong kapaitan. “Yes, of course.”

TARANN – TARANN… tararannn… tantannn… taraaa – raannn… tarara – ra – raranann…

Natatawang dumapa sa pagkakahiga sa kama si Liza. Ibinaon niya ang mukha sa malambot na unan. Dinig niya sa

kanyang kuwarto ang pagtugtog ni Boboy ng harmonica nang gabing iyon. Magkatapat kasi ang kanilang kuwarto,

pader na dinding lang ng dalawang apartment ang pagitan. At nakabukas ang kanyang bintana.

Sira talaga ang Boboy na to. Hunyo pa lang, tinutugtog na agad ‘yong You’re All I Want For Christmas!

May kumatok sa pinto. “Liza…”

Page 119: Love Like Oxygen by Verzione

“Hindi naka-lock yan, Divie.”

Pumasok si Divie, tuluy-tuloy sa kama niya. “Ipod ka nga…”

Umipod siya. Nahiga sa tabi niya si Divie. Napatawa rin nang marinig ang pamaskong himig na tinutugtog ni Boboy.

“Ang aga naman niyang magkaroling.”

“Oo nga,” ani Liza. “Ano bang oras na?”

“Pasado alas-nuwebe. Liza, tuloy ba’ng lakad mo patungong Baguio bukas?”

“Sa Urdaneta muna ako pupunta.”

“Pero tutuloy ka rin sa Baguio?”

“Oo. Me usapan nga kami ni Sammy. Bakit, Divie?”

Bumuntunghininga si Divie. “Wala siyang masamang intensiyon. Naniniwala kami ni Rado na mahal ka niya. And I

personally believe that he wants you for a wife.”

“Si Sammy?”

Page 120: Love Like Oxygen by Verzione

“Yes.”

Siya naman ang bumuntunghininga. “Parang tiyak na tiyak mo ang sinasabi mo, Divina.”

“Oo. Kasi nagkausap kami sa telepono Friday night last week. Ikaw ang hinahanap. Pero tulog ka, e. He said he

loves you very much,” At ipinagtapat sa kanya ni Divina ang mga napag-usapan nito at ni Sammy sa telepono.

“Gusto ko sanang sa kanya na mismo manggaling ang pagsasabing mahal ka nga niya. Pero… I just cant keep it to

myself anymore.”

Napailing siya. “I made him fall in love with me just to break his heart. Pagkat akala ko nga’y gusto lang niyang

makaganti sa ‘yo. Pero habang nagtatagal, nararamdaman kong hindi nga gano’n ang intensiyon niya.”

“So what’s the problem if you love him too? Magiging permanente na siyang solusyon sa problema mo kay Boboy.”

Dumapa uli siya sa kama. Sumubsob sa unan. “Divie, takot na akong magmahal uli. I don’t wanna catch the love

virus ever again!”

Tumagilid si Divie paharap sa kanya. Niyakap siya nito ng isang braso. “Please try again, Liza. Do it for me, please?”

Umilingsiya. “I’m now so afraid of him. Ayoko nang muli siyang makaharap nang malapitan. I want to meet him in an

open air, in a crowded place. I want to see him first before he sees me. Upang hanggang sa mga huling sandali ay

magkaroon ako ng pagkakataong tumalilis… tumakas.”

“Look here, Liza…”

Page 121: Love Like Oxygen by Verzione

Luhaan siyang humiga rin nang patagilid paharap sa kaibigan. “Yes, what is it?”

“Hindi ka na namin papayagan ni Radong tumaba uli. I can feel that you also love Sammy. Please do it. Love him.

Trust him.”

“And if I lose again?”

“Magpapataba na rin ako. Dadamayan kita sa katakawan.”

“Puro ka biro.”

“If you lose again, Liza, ibibigay ko sa ‘yo ang nylon cord na sampayan natin sa ibaba. Magbigti ka sa swing. Hindi

kita pipigilin, I promise.”

“Hee!”

“Love him. Please love again. Because I love you.”

Napayakap siya sa kaibigan at umiyak sa balikat nito. “I love you too. Okay. For you… for us… I’ll try again.”

“Thanks.”

Page 122: Love Like Oxygen by Verzione

Tararara – rannn… tararara – rannnn… tararara – rararannn…

Sumigaw si Divina: “Patatawarin po…!”

Napatigil sa pagtugtog ang nasa kabilang apartment. Kumanta: “Tenkyuu… tenkyuuu… ang babarat ninyo,

tenkyuuu!”

****

FINALE

The Finale.

***

MINES VIEW PARK, Hunyo 18, mag-iikasiyam ng umaga.

I won't miss him, naisaloob ni Liza habang kunwari'y tumitingin ng mga souvenir items sa harap ng isang stall sa tabi

ng daang iyon, kalinya ng iba pa. Wala siyang ibang dadaanan kundi ang lugar na ito patungo sa mga railings sa

bingit ng bangin.

Naroon na siya labinlimang minuto pa bago mag-alas-nuwebe. Nagpahatid siya sa pick-up van na dala ng kanyang

Kuya Jun hanggang sa pasukan ng mga tao sa pamosong liwasang iyon. Sinuwerte sa pag-aahente ng iba't ibang

industrial chemicals sa Nothern Luzon, sa Baguio na tumitira ang kuya niya.

Kahit maaga pa'y bumabaha na ang mga tao at turista sa lugar na iyon. Mga agos ng tao na nagkakasalubong,

patungo sa may cliff at paibaba sa entrada ng park. Tulad ng iba pang lugar sa siyudad, ang Mines View Park ay

foggy nang umagang iyon.

Nagmukha siyang mas bata nang talian niya ng white ribbon sa likod ng ulo ang kanyang light brown hair. Parang

naging hugis puso kasi ang kanyang mukha sa pagkawala ng taba sa kanyang pisngi. Sapagkat nabalik na ang

Page 123: Love Like Oxygen by Verzione

dating lantik ng beywang, lalo nang nagmukhang mataas ang kanyang mga dibdib. Nakaparagan kasi sa kanyang

white shorts ang baby pink shirt-blouse.

Nakapamulsa ang kanang kamay sa kanyang white silk jacket na ang kahabaan ng manggas ay may stripe na

yellow, humakbang siya nang mabagal patungo sa kasunod na souvenir item store.

Sinalat niya ang munting jewelry box sa bulsa ng jacket. Sa paghakbang ay tumitingin siya sa ibaba pagkat parang

malalapad at mababang baitang ang mga adobeng nakalatag sa pavement.

Paghakbang tungo sa kasunod na adobeng baitang, nahakab pa sa kanyang shorts ang mabibilog at mapuputi

niyang hita. Tumanaw siya sa dulo ng maluwang na daang iyon.

Di kalayuan sa isang puno na may mga upuang semento sa ilalim, abala sa pagbibenta ng nilagang mais ang isang

vendor habang sa di kalayuan, ilang turistang banyaga ang nagpapakuha ng litrato, sakay ng dalawang kabayong

puti na pinauupahan para sa ganoong layunin.

Napangiti si Liza. Marami nang beses na nagpa-picture taking sila roon ni Divina, sakay ng mga kabayong iyon.

Banda roon pa, sa likod ng eksenang iyon, ay ang mga sementong railing sa bingit ng bangin. Kinortehang parang

mga trosong ginagamit na pambakod sa mga rantso.

Nakahilera sa dakong iyon ang ilang magkakaparehang binata't dalaga. Nakatanaw sa malayo, sa wari'y kumpol ng

mga bahay-bahayang nasa mas mababang bundok, gawing kanan. Sa ibayo ng bahayang iyon, wari'y ibinabang

kurtina ang isang nangangasul, mas mataas at magubat na bundok.

Page 124: Love Like Oxygen by Verzione

Kapag tinanaw mula sa barandilya, para bang ang langit ay kay lapit, at ang likod ng kabundukang iyon ay bingit o

dulo na ng mundo.

Wala pa siya, naisaloob niya nang suklayin ng tanaw ang nakahilerang mga tao sa barandilya. Sa bagay, five

minutes pa lang before nine. Baka nga past nine na siya dumating... para kapag nauna ako rito ay maghahanap na

lang siya at hindi na maghihintay pa nang matagal.

Kung alam lang niyang hindi na siya magtatangkang umiwas kay Sammy, kung alam lang niyang kusang-loob na

pala siyang pasisilo sa bitag na kung tawagi'y pag-ibig, hindi na sana sila maglalaro ngayon ng hide and seek.

Sana'y nagtagpo na lang sila sa isang secluded place, sa cozy nook ng isang coffee shop sa dibdib ng lunsod,

halimbawa.

Doon sa puwede niyang masdan ang guwapong mukha ng binata at hayaang matunaw ang puso niya sa titig at

simpatikong ngiti nito.

Napabuntunghininga siya nang sumimoy sa malarosas niyang pisngi ang maulap na hangin. Why did I finally fall in

love with you, Sammy? nangingiting naisaloob at muling sinalat ang kahita sa bulsa ng jacket. Dahil ba dalawang

beses mo na akong nadadampian ng halik sa mga labi?

IT'S her. My God, it's her and she's so beautiful! Umantak, parang pinisil ng aserong kamay ang puso ni Sammy

nang matanaw ang maputi, maganda at smart-looking lady in white sa harap ng isang tindahan ng iba't ibang jars

and woodcrafts.

Naispatan agad ni Sammy ang dalaga bagaman nakatagilid ito sa kanyang pananaw. Para itong nakatuntong sa

usok, nagmumukhang puti rin ang light blue rubber shoes. Kaya naging kapansin-pansin ito sa pagkakatalikod sa

mga taong bumabaha sa dakong iyon ng Mines View Park.

Page 125: Love Like Oxygen by Verzione

Ang ganda-ganda talaga niya. Bagay sa kanya ang naka-ponytail. Nagmukha siyang teenager lang. Muli, may

kumirot sa kanyang dibdib at nag-init ang kanyang mga mata kasabay ng pagtitiim-bagang. Akala ko'y wala nang

kasingsakit ang kabiguan ko kay Divie. But no one can break a heart like this girl!

"Excuse me," anang isang matandang lalaking turista na mukhang Amerikano na nainip yata sa mabagal na

paglalakad ni Sammy. "Opps, sorry..."

Nadagil siya nito nang lumampas sa kanya. "It's all right," aniya at binilisan na ang pag-lakad.

Binagalan niyang muli ang paghakbang nang malapit na kay Liza, at ang dalaga'y aktong magbabaling ng tingin sa

kanyang direksiyon.

Nagulat ito - para bang saglit pang nahintakutan - nang magtama ang kanilang mga mata.

"You're wrong, Liza," aniya nang makalapit dito sa harap ng tindahang iyon. "I can easily spot you in a crowd of a

million people. Faces and places change... but they remain the same like fingerprints." Humakbang siya at

nilampasan ang dalaga. "Ang usapan natin ay sa dulo... sa may barandilya."

SAGLIT na napakurap-kurap, napapihit si Liza at sinundan ng tingin ang binata. Pagkuwa'y kunot-noo, nakapamulsa

ang dalawang kamay sa jacket na sumunod na rito.

Hindi naka-jogging outfit si Sammy. Sa halip, pangpormal ang kulay abong pantalon nito. May kurbata ang katernong

sky-blue long-sleeved shirt. Ang kuwelyo'y litaw sa silky white jacket na hanggang beywang. Aywan ni Liza kung

dahil medyo kumapal ang buhok nito, nagmukha itong mas mature kaysa tunay na edad. Ngunit lalong gumuwapo.

Napapitlag ang puso niya at para siyang saglit na naparalisa nang magtama ang kanilang mga mata, at saglit na

bumakas sa prominenteng mga panga nito ang pagtitiim-bagang.

Page 126: Love Like Oxygen by Verzione

Para siyang nagayuma nang malanghap ang men's cologne nito paglampas sa kanya. Ngayo'y nakapatong na ang

dalawang braso nito sa ibabaw ng pantay-beywang na railing, parang tinatanaw ang hangganan ng daigdig sa likod

ng nangangasul na bundok.

"I thought we're going to run," aniya nang makalapit sa tabi nito, inilabas na ang kahita ng singsing. "But it seems you

have some place else to go. Here's the ring."

Malungkot itong humarap sa kanya, pareho na silang nakatagilid sa barandilya. Tinanggap nito ang munting jewelry

box na kulay maroon. Ipinamulsa sa jacket.

"Thanks," ang malamig na sabi, sinlamig ng klima ng Baguio. "Oo, pasensiya ka na. Hindi ako magdya-jogging

ngayon. But I'll stay here awhile..."

Napatungo siya. Pinigil mapakagat-labi. Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. The ulterior motive. Damn it, Rado

was right all along!

"To wait for someone else, maybe?" aniyang muntik nang mapasigok. "Is that what you're going to tell me?"

"Maybe," sagot nitong aywan niya kung bakit may garalgal din ang boses. "Someone else I can bring to McDo for a

chicken dinner. I hate Max's chicken a lot, you know. I've got a thank-you card for you, by the way. Here..."

Hindi na siya makapagtaas ng tingin. Nanlalabo na sa luha ang mga mata, di na niya gaanong pinakinggan ang iba

pang sinabi ng binata. Gayunma'y kinuha pa rin niya ang sobreng inilahad nito sa kanyang harapan. Ipinamulsa niya

iyon sa jacket at pumihit, humakbang nang palayo.

Page 127: Love Like Oxygen by Verzione

"It's all right, Sam. Bye....'"

Naglalakad pasalubong at paayon sa agos ng maraming tao, pakiramdam niya'y nag-iisa siya sa mundo. Alone in a

crowd.

Naalala niya ang mga kabaliwan ni Boboy at ang pagdadrama nito na magbibigti ng nylon cord sa swing. Naalala

niya ang ex-BF niyang si Marvin. At nasabi niya sa sarili habang kagat-labing lumuluha: Divie, sabi ko na sa 'yo, e.

Ayoko na nga, e...!

Pagdukot niya sa bulsa ng jacket, nasalat niya ang "thank you" card. Nilamukos niya iyon. Ngunit mayamaya,

nangingiti sa nadamang self-pity, inilabas niya iyon upang tingnan ang aniya sa sarili'y "Katibayan ng kanyang ulterior

motive!"

Pinahid niya ng daliri ang luha sa kanyang mga mata. Tiningnan ang laman ng sobre. Larawan nila iyon, habang

siya'y nagtatawang nakahawak sa isang braso ni Boboy sa Max's Restaurant.

I hate Max's chicken a lot, you know.

Tikom ang mga labi, napatigil siya sa paglalakad sa gitna ng daloy ng mga tao, at patingalang napangiti. "Oh, my

God!" anas niya. "Akala siguro niya'y -"

Bigla, napawi ang ngiti niya kasunod ang pagdaloy ng habag sa kanyang puso. Napapihit siya at lakad-takbong

humakbang pabalik tungo sa dulo ng lugar na iyon.

Pangalawang beses nang siya'y nasaktan na parang ginagago! Oh, Sam, I'm so sorry...

Page 128: Love Like Oxygen by Verzione

LUHAAN pa rin siya pero hinayaan na lang niyang maglandas ang luha sa kanyang mga pisngi hanggang makalapit

kay Sammy na nakatanaw pa rin sa malayo.

"It's not true," aniya. "I swear to God it's not true, Sammy!"

Napatungo ito pero hindi lumingon.

"Sammy!"

"Okay, whatever you say, Liza," sabi nitong saglit na lumingon at muling tumungo. Umaagos din kasi sa mukha ng

binata ang luha.

"Sammy, are you crying?"

"I t-think so, yes. How about you, are you crying?"

"Yes!"

"Why are you crying?"

"Because it's not true. It's just a photograph of an act that wasn't for real. And why are you crying?"

Page 129: Love Like Oxygen by Verzione

Pumihit ito at humarap sa kanya. "I am crying because I thought it's true. I thought I lost again. Losing you, I don't feel

like a man anymore. I love you so much, Liza. You don't even have to be so beautiful..."

"Oh, Sammy... I love you too!" aniya at yumakap na sa binata.

Sa isang iglap lamang, nakulong siya sa matitipunong bisig nito. Kahit parehong naglalandas sa mga pisngi ang luha

ay magkasabay nilang hinanap ang mga labi ng isa't isa. Hindi inalintana ang mga taong nasa paligid, ganap silang

pinag-ugnay ng halik na iyon upang malasap kapwa ang luwalhati ng kaligayahang noon lang nila nadama.

Matagal bago nagkawalay ang kanilang mga labi. Pinahid ni Sammy sa pamamagitan ng palad ang luha ni Liza sa

mga pisngi. Ginamit niya ang kanyang mga palad upang pahirin din ang luha ng binata. Nakangiting pinapahid nila

ang luha ng isa't isa.

"Magdya-jogging pa ba tayo e ang seksi-seksi mo na nga?" natatawang sabi ni Sammy.

"Kumain na lang tayo doon sa eat-all-you-can restaurant sa ground floor lobby ng hotel ko."

"You're spoiling me!"

Mabilis siyang dinampian nito ng halik sa mga labi. "I'm loving you, not spoiling you. Come on... kumain muna tayo ng

juicy steak, potato salad, chocolate cake, and drink some wine or black coffee..."

Ay, saraappp! "Ano ka ba, sira? E kung tumaba uli -"

Page 130: Love Like Oxygen by Verzione

"Saka na tayo mag-jogging. Mas masarap ang steak and potato salad dito. Kung gusto mo naman, donut na lang at -

"

"Halika na... game!" aniyang hinawakan ito sa isang palad at hinatak na palayo sa barandilya. "Ginutom akong bigla

sa mga sinabi mo. Bahala na...!"

Nagkakatawanan, mahigpit na magkakapit ang kanilang mga palad habang palabas na sa liwasang iyon. Naka-parke

sa labas ang kotse ni Sammy na dinala nito sa Baguio.

Sa loob ng sasakyan, masuyong kinabig siya ng binata sa ulo at muling siniil ng halik sa mga labi. Ikinawit din niya

ang isang braso sa batok nito at buong kasabikang tinugon ang halik na iyon.

"Bakit hindi totoo ang nasa litrato?" tanong nito pagkatapos.

"Pinagbigyan ko lang siya sa kahilingan niyang magkunwari kaming mag-sweetheart," aniya. "Hindi na mauulit 'yon,

okey?"

Tumango ito. "Okey." Inilabas nito ang singsing at isinuot sa kanyang daliri. "It's your engagement ring. Please wear

it for life."

"Yes, Sammy, I will."

Ini- release nito ang hand brake at pinatakbo na ang kotse. Isang button ang diniinan nito sa car stereo. Nang

gumana ang stereo, narinig ni Liza ang isang lumang awitin:

Page 131: Love Like Oxygen by Verzione

You looked inside my fantasies

And made each one come true

Something no one else had ever found a way to do

I've kept the memories one by one

Since you took me in

I know I'll never love this way again...

"Bakit nga pala doon mo pa gustong magkita tayo, Liza?"

"Sa dulo ng Mines View Park?"

"Oo."

"Marami nga kasing tao roon palagi. At akala ko'y hindi iyon ang lugar for intimacies. Malay ko bang sanay ka palang

humalik sa gitna ng maraming tao - at umiiyak pa!"

Napatawa nang malakas ang binata. Bumilis pa ang takbo ng pulang kotse papalayo.