little things

57
LYCEUM OF THE PHILIPPINES UNIVERSITY – LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ACCOUNTANCY ISANG PAG-AARAL SA KAHALAGAHAN AT EPEKTO NG SMALL AT MEDIUM SCALE BUSINESSES SA EKONOMIYA Pamanahong papel na iniharap sa Departamento ng Kolehiyo ng Sining at Agham Lyceum of the Philippines – Laguna Para sa pangangailangan sa sabjek na Filipino II ng BSBA MA 1-1 Marso 2014

Upload: christiancepe

Post on 21-Nov-2015

46 views

Category:

Documents


16 download

DESCRIPTION

LITTLE Things others

TRANSCRIPT

ISANG PAG-AARAL SA KAHALAGAHAN AT EPEKTO NG SMALLAT MEDIUM SCALE BUSINESSES SA EKONOMIYA

Pamanahong papel na iniharap sa Departamento ngKolehiyo ng Sining at AghamLyceum of the Philippines LagunaPara sa pangangailangan sa sabjek na Filipino II

ngBSBA MA 1-1

Marso 2014

DAHON NG PAGPAPATIBAYBilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino II, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong papel na pinamagatang ISANG PAG-AARAL SA KAHALAGAHAN AT EPEKTO NG SMALL AT MEDIUM SCALE BUSINESSES SA EKONOMIYA ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa BSBA MA 1-1 na binubuo nina:

LYCEUM OF THE PHILIPPINESUNIVERSITY LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ACCOUNTANCY

Glydel Mae N. ArcillasMa. Patricia M. CapacioChristian H. DacpanoHerald Yvve P. MaleKristine Nathalie C. ReyesChriselle A. ReynalesAngeline T. Solinap

Ito ay tinanggap ng Kagawaran ng Filipino, Departamento ng Kolehiyo ng Sining at Agham sa Lyceum of the Philippines Laguna bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino II ang Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

Gng. Analiza T. CardozaGuro sa Filipino IIPASASALAMATSa katagumpayan ng pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay lubos nagpapasalamat sa mga taong tumulong sa napakadakila at iba't-ibang mga paraan at sa pagnanais na ipahayag ang kanilang taos-pusong pagkilala ng utang na loob para sa papel na ito. Para kay Gng. Analiza T. Cardoza, ang guro sa Filipino II, ang mga mananaliksik ay nagpapasalamat sa pagbibigay ng lakas na loob, pag-asa, mahalagang oras at pag-unawa kung saan ang mga mananaliksik ay natupad na ang nais para sa papel na ito.Para sa mga kaibigan, na nagbigay ng lakas na loob at kumpiyansa sa mga mananaliksik sa panahong kinakailangan lalo na sa pagproseso ng pananaliksik tulad nito. At sa mga mag-aaral na mula sa Kolehiyo ng Pagtutuos at Pagbibilang ng Lyceum of the Philippines Laguna na naging bahagi ng pananaliksik ay lubos rin ang pasasalamat ng mga mananaliksik.Para sa mga magulang ng mga mananaliksik, na nagbigay ng suporta lalo na sa pinansyal na pangangailangan, sa pag-unawa at pag-uudyok na makamit at matapos ang pananaliksik na ito, ang lahat ay lubos nagpapasalamat sa mga ito.At sa wakas, ang pinakamatinding pagkilala ng utang na loob sa Diyos na makapangyarihan para sa lahat ng pagpapala, lakas, karunungan, kaalaman, paggabay, at ang pag-ibig niya na binuhos kung saan ang mga mananaliksik ay kinakailangan ito para sa katuparan ng pag-aaral na ito.Para sa lahat ng tumulong, ang gawaing ito ay maayang inihahandog ng mga mananaliksik at maraming salamat.

Mga MananaliksikTALAAN NG NILALAMANKabanata I: Ang Suliranin sa Pag-aaral at Kaligiran nito- Panimula .......................................................................................... 1- Layunin ng Pag-aaral ....................................................................... 2- Kahalagahan ng Pag-aaral ............................................................... 3- Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral ................................................. 4- Depinisyon ng mga Terminolohiya ................................................. 5

Kabanata II: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura- Lokal na Pag-aaral .......................................................................... 6- Banyagang Pag-aaral ...................................................................... 8- Lokal na Literatura ......................................................................... 10- Banyagang Literatura ..................................................................... 11

Kabanata III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik- Disenyo ng Pananaliksik ............................................................... 13- Respondente .................................................................................. 13- Instrumento ng Pananaliksik ......................................................... 13- Tritment ng mga Datos ................................................................. 14

Kabanata IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos ............................ 15Kabanata V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon ................................... 20- Lagom ........................................................................................... 20- Kongklusyon ................................................................................. 21- Rekomendasyon ........................................................................... 22Listahan ng mga Sanggunian ........................................................................... 24Apendiks- Sample ng Sarbey ....................................................................... 25- Profyl ng mga Mananaliksik ...................................................... 26- Mga Larawan ............................................................................. 33

TALAAN NG MGA TALAHANAYAN AT GRAP

Grap bilang Pamagat Pahina1 Kurso ng mga Respondente ........................................ 152 Bilang ng Sagot ng mga Respondente ......................... 16

Kabanata IANG SULIRANIN SA PAG-AARAL AT KALIGIRAN NITOPanimulaAng pag-aaral ng mga mananaliksik sa kahalagahan at epekto ng small at mdium scale businesses sa ekonomiya ay mahalaga dahil maaaring magkaroon ang mga mambabasa ng panibagong kaalaman tungkol sa pagnenegosyo.Ang small at medium scale businesses ay isang gawain o interes na pinaghihirapan ng isang tao upang ito ay lumago at pinagbubuhusan ito ng pawis, pag-iisip at pera upang magkaroon ng kita. Ito ay isang gawaing komersiyal upang makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya. Ang mga lipon ng mga negosyo ang bumubuo sa industriya dahil nakatutulong ito sa pag-angat ng bansa upang makipagsabayan sa iba pang mga bansa.Malaki ang ginagampanan ng small at medium scale businesses sa industriya sapagkat marami ang naiaambag nito sa industriyalisasyon at pag-unlad ng rural, lumilikha din ito ng mga oportunidad sa trabaho, nakapagbibigay din ito ng higit na karampatang pamamahagi ng kita sa mga empleyado at marami pang iba. Ilan lamang yan sa mga kahalagahan ng small at medium scale businesses na tatalakayin sa pag-aaral na ito. Tatalakayin din ang mga positibo at negatibong epekto ng small at medium scale businesses sa ekonomiya.Layunin ng Pag-aaralAng pag-aaralna ito ay naglalayon na malaman ang kahalagahan at epekto ng small at medium scale businesses sa ekonomiya at upang malaman din ang mga kasagutan sa mga inihandang katanungan ng mga mananaliksik. 1. Gaano ang bilang ng mga empleyado na dapat tanggapin sa small at medium scale businesses?2. Magkano ang halaga ng maaaring magastos sa pagpapatayo ng small at medium scale businesses?3. Anu-ano ang halimbawa ng small at medium scale businesses at epekto nito?4. Anu-ano ang mga epektibong istratehiya sa pagpapatakbo ng isang negosyo?

Inaasahang ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa pagpukaw ng atensiyon ng mga negosyanteng mambabasa ukol sa kahalagahan at epekto ng small at medium scale businesses lalung-lalo na sa mga may balak na magtayo ng negosyo.

Kahalagahan ng Pag-aaralNaniniwala ang mga mananaliksik na mahalaga ang pag-aaral na ito sapagkat nakalaan ito para sa mga negosyante lalung-lalo na sa mga magsisimula pa lamang magnegosyo.Mahalaga ang pag-aaral na ito sapagkat makapaghahatid ito ng sapat na impormasyon at detalye sa kahalagahan at epekto ng small at medium scale businesses sa ekonomiya. Makapagbibigay din ito ng mga ideya, istratehiya at pamamaraan sa pagpapalago ng negosyo.Ang isa pang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay maaaring magsilbing gabay sa mga baguhang negosyante kung ano ang angkop na negosyo sa panahon ngayon.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaralAng pananaliksik ay isang prosesong naghahanap ng mga totoong impormasyon na nagdaragdag ng kaalaman sa mga mananaliksik at sa mga mambabasa kung saan pinagsasama ang mga bagong kaalaman at mga napag-alaman na.

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa Pag-aaral ng kahalagahan at Epekto ng Small at Medium Scale Businesses sa Ekonomiya kung saan ang mga mananaliksik ay isinagawa ito upang malaman ang ibat ibang istratehiya sa pagpapatakbo ng negosyo,kung paano mapapaunlad ang mga small at medium scale businesses at kung anu-ano ang mga kahalagahan at mga epekto nito sa ekonomiya. Higit sa lahat sinasaklaw din nito ang mga mag-aaral na nais sumabak sa mundo ng pagnenegosyo.

Naghanda ang mga mananaliksik ng mga katanungan para sa mga respondente upang sagutan. Ang mga datos na makakalap ay isasa-ayos at pag-iisipan ng mabuti kung paano nagkakaugnay ang lahat upang madaling maunawaan at maging malinaw ito sa mga mambabasa.

Depinisyon ng mga Terminolohiya Ang mga salitang ginamit sa pag-aaral na ito ay binigyang kahulugan ng mga mananaliksik ayon sa orihinal na kahulugan nito upang madaling maunawaan ng lahat:Small and medium scale businesses - ito ay mga negosyong maliit at mga katamtamang negosyo na umunlad. Maari rin itong matawag na Small and Medium Enterprises o SME sa Pilipinas at ang bago ngayon ay MSME o Micro, Small And Medium Enterprises.Ekonomiya - ito ay nagpapaliwanag kung paanong pinatatakbo ng tao ang negosyo kaugnay ng pagkonsumo at produksyon nito. Isang pag-aaral tungkol sa paraan ng pagpapaunlad ng lipunan at ng sibilisasyon ng mamamayan.Departamento ng Pakikipagkalakalan at Industriya - ito ang mataas na sangay na humahawak sa mga maliliit, katamtaman hanggang sa malalaking kumpanya o negosyo dito sa Pilipinas.Industriya - ito ay binubuo ng mga bahay-kalakal na siyang kalahok sa produksyon at serbisyo sa ekonomiya.Respondente (respondents) - ito ay ang mga taong sinasagot ang mga sarbey ng mga mananaliksik na siyang nagbibigay ng mga opinyon.

Kabanata IIMga Kaugnay na Pag-aaral at LiteraturaLokal na Pag-aaralAyon sa Small and Medium Enterprises Development Council Resolution No.1 (2003), ang small at medium enterprises sa Pilipinas ay nahahati sa tatlo ayon sa assets at bilang ng mga empleyado sa micro, small at mdium businesses.Ang sukat ng assets at bilang ng empleyado sa Pilipinas, una ay ang microbusiness na hanggang 3,000,000.00 na mayroong bilang na isa hanggang siyam na empleyado, sa small business naman ay mula 3,000,000.00 hanggang 15,000,000.00 na mayroong sampu hanggang siyamnaput siyam na empleyado samantalang ang medium business ay 15,000,000.00 hanggang 100,000, 000.00 at mayroong 100-199 na empleyado at ang huli ay ang malalaking negosyo na umaabot sa 100,000,000.00 pataas at mayroong higit 200 na empleyado.Ayon naman sa Departamento ng Pakikipagkalakalan at Industriya (2007), ang kabuuan ng mga negosyo sa Pilipinas ay umabot na sa 783,923 kung saan ang small at mdium scale businesses ay nakakuha ng 99.6% o halos 781,047 at ang malalaking negosyo ay 0.4% o 2876 na kabuuan halos karamihan sa mga ito ay mga retailing, manufacturing at iba pa. Sa pagpapakita ng employment sa pamamagitan ng industriya sa small at mdium enterprises o businesses sa Pilipinas. Taong 2004, ang small at mdium scale businesses ay umabot sa 3.9 milyon ang mga empleyado o halos 69.2% na manggagawa samantalang ang 30.8% ay nagtatrabaho sa malalaking kumpanya sa Pilipinas. Kung ikokonsidera ito ng industriya, halos ang mga nasa retail na kumpanya ay 37.3 na porsyento, sunod ang manufacturingkumpanyang gumagawa ng mga produkto na mayroong 19.5 na porsyento, ang hotels at restaurants ay mayroong 11.8 na porsyento at ang real estate at leasing ay mayroong 6.8 na porsyento naman.Malaki ang naitutulong ng pag-aaral na ito sa mga mananaliksik dahil maraming mga impormasyon ang nalalaman tungkol sa kahalagahan at epekto ng small at medium scale business lalo na tungkol sa mga bilang ng mga empleyadong nararapat sa isang kaklase ng negosyo na maibabahagi sa mga mambabasa.

Banyagang Pag-aaralAyon kay Aaron Marquis (2008), ang medium scale businesses ay karaniwang nagreresulta mula sa mabagal at matatag na pag-angat ng negosyo kung saan ito ay nagreresulta mula sa isang matagumpay na maliit na negosyo. Kapag ang isang kumpanya ay kumikita ng malaki, nagbubukod ito ng kapital na kinakailangan para sa mga empleyado, gusali, at mga kagamitan. Kalaunan, ito ay nagsisilbing tulay sa pagitan ng maliliit na negosyo at malalaking korporasyon. Ang Small Business Administration ay kayang tuusin ang laki ng kumpanya at magbigay ng tiyak na kasagutan ukol sa katayuan nito bilang isang medium-sized business. Ang small at mdium scale enterprises sa Estados Unidos, hindi katulad ng malalaking korporasyon ay may kakayahan na mag-aplay para sa small business loans, ipagkakaloob ito ng mga pribadong nagpapahiram at ng pederal na pamahalaan. Ang mdium-sized na mga kumpanya naman ay may oportunidad rin sa madaliang pagkilos patungo sa mas paglaki o pag-unlad ng kumpanya.Tulad ng mga ibang bansa, ang small at medium enterprises o businesses sa Pilipinas ay may mahalagang kontribusyon sa buong ekonomiya ng bansa. Dahil sa kasalukuyan, marami sa mga Pilipino ang mayroong mga negosyo na small at mdium scale businesses tulad na lamang nang mga tindahan, palengke, pamilihan at marami pang iba.

Ang small at mdium scale businesses sa Pilipinas ay mahalaga sa kabuhayan sa pamamagitan pagpapalawak ng mga bagong indutriya sa mga kanayunan at mapapakinabangan din ito upang maparami ang trabaho. Ang bansang tulad ng Pilipinas na kung saan ang trabaho ay hindi masyadong masagana kaya naman kailangan pa nitong magkaroon ng mga entrepreneurial activities. Ang small at mdium scale businesses ay parang isang pagiging labor-intensive kaya kailangan nitong lumikha pa ng maraming trabaho sa isang lugar. Sa puntong ito, maaari nang mabalanse ang pag-unlad ng ekonomiya at karampatang pamamahag ng kita.

Lokal na Literatura Ang mga negosyong nagsimula sa maliit nang dahil sa pagsisikap at determinasyon ng mga negosyante ay unti-unting umuunlad, lumalaki na rin ang kita, ito ay nakakatulong ng malaki sa ekonomiya ng bansa at makakapagbigay pa ng mga oportunidad na trabaho.Ang mga may-ari ng small at medium businesses sa Pilipinas ay may ibat ibang epektibong istratehiya na kung saan ay lumilikha ng mga pamamaraan sa pagpapalago ng negosyo tulad ng kaibahan ng produkto at pagkakaroon ng malinaw na pagpaplano sa negosyo, nariyan rin ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa paghawak ng pondo at pakikipagnegosasyon.

Banyagang LiteraturaSa Indonesia, ang paglago ng small at mdium businesses ay isang malaking parte sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Dahil noong taong 2006, halos 48.9 milyonnaang bilang ng mga small at mdium business sa bansang ito na may 8.5 milyong nagtratrabaho (96.2% sa kabuuan ng mga nagtratrabaho) at mayroong nagbabahagi ng GDP o Gross Domestic Product na halos 53.3%. Marami rin kinakaharap ang bansang Indonesia pagdating sa mga negosyo sa kadahilanan sa kakulangan ng mga manggagawa, ang sistema ng ekonomiya at organisasyon ay hindi lubos na naitayo upang makalikha ng masaganang kapaligiran sa larangan ng negosyo.Sa Malaysia, halos 552,929 ang kabuuan ng bilang ng mga kumpanya na nakarehistro ayon sa Census on Establishments and Enterprises noong taong 2005. Base dito, mayroong 548, 387 na bilang ng mga small at mdium scale businesses na halos katumbas ng 99.2% sa lahat ng kumpanyang nakarehistro sa Malaysia. Sa bansang ito, mas umaangat ang negosyo patungkol sa industriya ng manufacturing at pumapangalaw ang industriya ng agricultura. Patungkol sa trabaho sa Malaysia, kinokonsidera nito ang Small at Medium Scale Businesses na mayroong mataas na porsyento na maaaring makakapagbigay ng trabaho sa mga manggawa at pinag-uusapan din sa negosyo ang mga pinansyal.

Ayon sa SPRING ng Singapore (2005), mayroong 149,000 na small at mdium businesses sa bansang ito na mayroong katumbas na 99.4% sa kabuuan ng negosyo kayat ang mga manggagawa ng small at mdium scalle business ay umabot 1.4 milyon o 62.3%. Sa kasalukuyan ang Singapore ay walang orihinal na pagbalita na tulad ng puting papel ng Japan ngunit mayroong ginagamit ang bansa na isang alternatibong materyal The SME Development Survey.Ang bawat bansa sa mundo ay mayroong small at mdium scale business, upang magkaroon ng pagkakakitaan at makilala ng bawat mamamayan ang mga kalidad ng mga produkto at serbisyo ngunit sa larangan ng pagnenegosyo ay laging nariyan ang mga hadlang tulad na lamang ng mga kakumpitensya sapagkat maraming paraan at estratehiya upang mapalago at umunlad ang mga negosyo tulad small at mdium scale businesses. Bawat bansa ay mayroong sariling interpretasyon sa small at mdium scale businesses na nakakatulong at pagkakaroon ng epekto sa ekonomiya.

Kabanata IIIDisenyo at Paraan ng Pananaliksik

Disenyo ng PananaliksikAng disenyo ng pananaliksik na ginamit ng mga mananaliksik ay deskriptib-analitik. Ang mga mananaliksik ay gumawa ng isang tanungang papel para sa sarbey upang malaman ang saloobin ng mga respondente sa kahalagahan at epekto ng small at medium scale businesses sa ekonomiya.

RespondenteAng pananaliksik na ito ay may tatlumpung piling mag-aaral na respondente sa ilalim ng Kolehiyo ng Pagtutuos at Pagbibilang sa Lyceum of the Philippines-Laguna, kinabibilangan ito ng mga mag-aaral na nagmula sa kursong BSBA Management Accounting, BSBA Marketing Management, BSBA Operating Management, at BS Accountancy. Ang mga mananaliksik ay pinili ang mga nabanggit na kurso sapagkat ang mga mag-aaral na ito ay may kaalaman tungkol sa negosyo.

Instrumento ng PananaliksikAng pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng sarbey upang makalikom ng sapat na datos. Ang nilalaman ng sarbey kwestyoneyr na inihanda ng mga mananaliksik ay may sampung katanungan. Gumamit din ang mga mananaliksik ng internet kung saan ay kumuha ang mga mananaliksik ng karagdagang impormasyon sa kahalagahan at epekto ng small at medium scale businesses sa ekonomiya.

Tritment ng mga DatosAng pamanahong papel na ito ay isang panimulang pag-aaral lamang kayat walang ginawang pagtatangka ang mga mananaliksik upang masuri ang mga datos sa pamamagitan ng matataas at kompleks na istatistikal na pamamaraan. Tanging saloobin lamang ng mga respondente ang tumugon sa bawat katanungan ng sarbey ng mga mananaliksik. Samakatuwid, hindi nagsagawa ang mga mananaliksik ng mga komplikadong pamamaraan sa paglilikom ng mga datos. Ang mga mananaliksik ay kumuha lamang ng tatlumpung respondente sa sarbey sapagkat iyon ang bilang na ibinigay ng guro. Upang makuha ang kasagutan, ginamit ng mga mananaliksik ang frequency counting at percentage sa pagkakalap ng mga datos mula sa sarbey-kwestyoner.Formulang ginamit ng mga mananaliksik sa pagkuha ng porsyento:

Kung saan ang:x bilang ng sagot ng respondente kabuuang bilang ng mga respondente

Kabanata IVPresentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Sa kabanatang ito, inilalahad ng mga manananaliksik ang mga datos na nakalap sa pamamagitan ng tekstwal at tabyular o grapik na presentasyon.

Grap Bilang 1

Sa tatlumpung respondente ng pananaliksik na ito, karamihan ay mula sa kursong BSBA Marketing Management na mayroong bilang na labing-apat (14) o apatnaput pitong porsyento (47%). Sumusunod naman ang kursong BSBA Operation Management na may siyam (9) na bilang o tatlumpung porsyento (30%). Samantala, mayroong labing-pitong porsyento (17%) o limang (5) bilang na mula sa kursong BS Accountancy at ang mababang bilang ng respondente sa pananaliksik na ito ay ang kursong BSBA Management Accounting na mayroong anim na porsyento (6%) o dalawang (2) bilang ng respondente.

LYCEUM OF THE PHILIPPINESUNIVERSITY LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ACCOUNTANCY

Grap bilang 2

Sa pagkalap ng mga mananaliksik ng mga datos sa pamamagitan ng sarbey. Sa tanong 1, mas maraming sumagot sa sumasang-ayon na nakakuha ng labing-pitong (17) bilang ng mga respondente na ang katumbas ay limamput pitong bahagdan (57%) kaysa sa lubos na sumasang-ayon na mayroong labing-tatlong respondente (13) na ang katumbas ay apatnaput tatlong porsyento (43%). Samantala, walang sumagot sa di sumasang-ayon at sa lubos na di sumasang-ayon.

Sa tanong 2, mataas ang bilang ng mga respondenteng sumagot sa lubos na sumasang-ayon na nakakuha ng dalawamput lima (25) ang katumbas ay walumput tatlo porsyento (83%) kaysa sa sumasang-ayon na mayroong limang (5) bilang na halos labing-pitong porsyento (17%) ang katumbas. Sa tanong 3, mataas rin ang nakuhang bilang ng mga respondente sa lubos na sumasang-ayon na mayroong dalawamput apat (24) o walompung porsyento (80%) ang katumbas kaysa sa sumasang-ayon na mayroong anim (6) na bilang ang katumbas nito ay dalawampung porsyento (20%). At wala rin sumagot sa di sumasang-ayon at lubos na di sumasang-ayon.

Sa tanong 4, mas maraming sumagot sa lubos na sumasang-ayon na mayroong bilang na dalawamput anim (26) na halos walumput pitong bahagdan (87%) at may tatlong bilang sa sumasang-ayon na mayroong sampung porsyento (10%) samantalang mayroong isang sumagot sa di sumasang-ayon na nakakuha ng tatlong bahagdan (3%) sa buwanang pagkalkula ng mga kinita at gastos sa isang negosyo. Walang sumagot sa lubos di sumasang-ayon. Sa tanong 5, mataas rin ang bilang ng mga respondenteng sumagot sa lubos na sumasang-ayon na mayroong labing-anim (16) na ang katumbas ay limamput tatlo at bahagdan (53.3%) at labing-tatlo (13) naman sa sumasang-ayon na ang katumbas ay apatnaput tatlo at bahagdan (43.3%). Samantala, mayroong isang sumagot sa di sumasang-ayon na nakakuha ng tatlong bahagdan (3.33%) na isa sa mga kahalagahan ng small at medium scale businesses ay nakapagbibigay ng trabaho.

Sa tanong 6, mataas rin ang bilang ng mga respondente sa lubos na sumasang-ayon na nakakuha ng labing-anim (16) o limamput tatlong porsyento (53%) samantala ang sumasang-ayon ay nakakuha lamang ng labing-apat (14) o apatnaput pitong porsyento (47%). Sa tanong 7, mababa ang bilang ng sumasang-ayon na nakakuha ng limang (5) respondente o labing-pitong porsyento (17%) ngunit mataas ang bilang ng lubos na sumasang-ayon na mayroong dalawamput lima (25) o walumput tatlo (83%). Wala rin sumagot sa di sumasang-ayon at sa lubos na di sumasang-ayon.

Sa tanong 8, mas maraming sumagot sa lubos na sumasang-ayon na nakakuha ng dalawamput apat (24) o ang katumbas ay 80% samantala limang bilang lamang sa sumasang-ayon na may labing-pitong porsyento (17%). At isang sumagot na katumbas ay tatlong bahagdan (3%) na hindi sumasang-ayon na nakadadagdag ng kaalaman ang mga istratehiya ng mga empleyado sa pagpapalago ng isang negosyo. Sa tanong 9, mataas pa rin ang bilang ng mga respondente sa lubos na sumasang-ayon na nakakuha ng dalawamput tatlo (23) o ang katumbas ay pitumput pitong bahagdan (77%) samantala anim (6) na bilang naman sa sumasang-ayon o dalawampung porsyento (20%) at mayroong isa na sumagot sa di sumasang-ayon na ang katumbas ay tatlong bahagdan (3%) na patungkol sa isa samga epektibong istratehiya sa pagpapalago ng small at medium scale businesses ay ang pagkilala sa kakumpitensya.

Sa tanong 10, mas maraming sumagot sa lubos na sumasang-ayon na nakakuha ng dalawamput limang (25) bilang ng mga respondente na halos walomput tatlong porsyento (83.3%) samantalang apat na bilang naman sa sumasang-ayon na halos mayroong labing-tatlong porsyento (13.3%). At may isang sumagot na di sumasang-ayon na halos tatlong bahagdan (3%) sa pagkakaroon ng tamang serbisyo at magandang kalidad ng produkto ay nakapagbibigay ng satisfaction sa konsyumer. Ito ang nakalap ng mga mananaliksik batay sa ginawang sarbey sa mga piling respondente.

Kabanata VLagom, Kongklusyon at RekomendasyonAng kabanatang ito ay ang pagbubuod at paglalahad batay sa mga datos at impormasyong nakalap ng mga mananaliksik at ang mga mungkahing soulusyon para sasuliraning natuklasan ng mga mananaliksik sa pamamagitan ng pananaliksik na ito.LagomAng pag-aaral na ito ay isinagawa ng mga mananaliksik upang malaman ang kahalagahan at epekto ng small at medium scale businesses sa ekonomiya. Inalam ng mga mananaliksik kung gaano ang bilang ng mga empleyado na dapat tanggapin, magkano ang halagang maaaring magastos sa pagpapatayo ng negosyo, mga halimbawa at epekto nito at higit sa lahat mga epektibong istratehiya sa small at medium scale businesses. Para sa mga mananaliksik, ang pag-aaral na ito ay makakapaghatid ng sapat na impormasyon at detalye na patungkol sa kahalagahan at epekto ng small at mdium scale businesses sa ekonomiya.

May tatlumpung piling mag-aaral na naging respondente sa ilalim ng Kolehiyo ng Pagtutuos at Pagbibilang sa Lyceum of the Philippines-Laguna, kinabibilangan ito ng mga mag-aaral na nagmula sa kursong BS Business Administrations at BS Accountancy, na mga mayroong kaalaman tungkol sa negosyo. At ginamitan ito ng mga mananaliksik sa pamamagitan ng sarbey - kwestyuner upang makalikom ng sapat na datos. Sa ginawang sarbey ng mga mananaliksik, maraming sumagot sa lubos na sumasang-ayon at karamihan sa mga respondente ay sumasang-ayon ngunit may iilan lamang na hindi sumang-ayon sa bawat katanungan.KongklusyonBatay sa nakalap na datos at impormasyong nakalap ng mga mananaliksik, ang kursong BSBA Marketing Management ay nakakuha ng mataas na bilang ng mga respondente na sumagot sa sarbey na inilahad ng mga mananaliksik ukol sa kahalagahan at epekto ng small at medium enterprises sa ekonomiya. Batay sa ginawang sarbey ng mga mananaliksik, mas marami ang sumang-ayon na nakakaapekto ang kita sa mga produktong napapanahon. Lubos na sumasang-ayon naman ang mga respondente na mahalaga ang lokasyon sa pagsisimula ng negosyo, pagkakaroon ng sapat na bilang ng empleyado at pag kakalkula ng mga kinita at mga nagastos at nakapagbibigay din ito ng trabaho. Samantala, hati naman ang naging resulta sa kaibahan ng produktong ibebenta na maaaring mapabilis ang pag-unlad ng isang negosyo. Mataas ang naging resulta sa kahalagahan ng sapat na pondo, nakadadagdag ng kaalaman sa mga empleyado ang epektibong istratehiya pati pagkilala sa mga kakumpitensiya at sa pagkakaroon ng tamang serbisyo at magandang kalidad ng produkto. Sa pagsisimula ng negosyo, kailangang may sapat na pondo at kinakailangang ikonsidera ang pagpili ng tamang lokasyon dahil isa ito na makakahikayat ng tao na maaaring magsimula sa paglago nito. May ibat ibang uri ang negosyo sa Pilipinas ito ay ang micro, small at medium businesses, patungkol sa bilang ng mga empleyado na dapat tanggapin ay mayroong limitasyon o hangganan sa pagkuha nito batay sa uri ng negosyo. Halimbawa, ang negosyo ng isang tao ay micro business dapat ito ay mayroong isa hanggang siyam (1-9) na bilang ng mga empleyado. Mayroong ibat ibang klase ng small at medium scale businesses tulad ng mga tindahan, kainan, bookstores, departamento ng musika at marami pang-iba. Ang epekto nito ay maaari maging daan sa pag-unlad ng ekonomiya dahil lahat ng mga mamamayan ay business-minded na ngayon na nais nilang lumago at umunlad ang buhay sa pamamagitan ng pagnenegosyo. Sa negosyo, ang lahat ay mayroong ibat ibang istatehiya sa pagpapatakbo nito upang umunlad. Ang mga epektibong istratehiya ay ang pagkilala sa mga kakumpitensya, mayroong magandang kalidad at maayos na serbisyo sa konsyumer at higit sa lahat ang pagkakaroon ng kakaibang produkto na alam ng negosyante na itoy papatok sa mga mamimili.RekomendasyonBatay sa mga nakalap at naging konklusyon sa pananaliksik na ito, ang mga mananaliksik ay inirerekomenda ang mga sumusunod:Para sa mga negosyante, ipagpatuloy ang industriya ng pagnenegosyo hanggang sa umunlad ang buhay ng bawat isa at ang ekonomiya ng bansa higit sa lahat ang pagkakaroon ng kakaibang produkto dahil papatok ito sa mga mamimili hindi lang sa isang bansa kundi sa buong mundo at gumawa ng kanya-kanyang epektibong istratehiya ukol sa pagnenegosyo upang itoy lumago at umunlad.Para sa gobyerno, bigyan ng pag-uusap o seminar ang mga mamamayan ukol sa pagnenegosyo, kung anu-ano ang mga istratehiya, ang paggawa ng kakaibang produkto at tamang serbisyo upang ang mga mamamayan ay makapagtayo ng sariling negosyo na maaaring ikaunlad ng kanilang mga buhay. Para sa mga nais magnegosyo, tandaan lamang ang mga kailangang ikonsidera sa pagpapatayo ng negosyo lokasyon, pondo, produkto, serbisyo, sariling istratehiya at marami pang-iba. Higit sa lahat, sipag at tiyaga ang kailangan upang lumago at umunlad ang nais na negosyo at ang buhay. Kung bumagsak man, huwag titigil kailangang bumangon at ipagpatuloy ang nais upang maging tagumpay sa larangan ng pagnenegosyo.Para sa mga nais magsasaliksik ukol sa kahalagahan at epekto ng small at medium scale businesses sa ekonomiya, itoy palawakin pa nang husto upang marami pang madagdag na kaalaman tungkol sa pagnenegosyo at mabigyan ng impormasyon ang lahat ng mga mamamayan ukol dito.

Listahan ng Sanggunianhttp://9240-28221-1-PB.pdfhttp://cec.vcn.bc.ca/mpfc/modules/mic-nttt.htmhttp://www.dti.gov.ph/dti/index.php?p=532Ruane, Maria Claret M., academic journal article from International Journal of Entrepreneurship, Vol.11Small And Medium Enterprise Development and Policies in 6 ASEAN Countries http://SME_in_AEAN_E1_0803.pdfwww.ccsenet.org/jsd

Profyl ng mga Mananaliksik

Pangalan: Glydel Mae N. ArcillasTirahan: #664 Brgy. San Felix Sto. Tomas, BatangasKaarawan: Nobyembre 10, 1996Edad: 17Paaralan:Elementarya: Sto. Tomas North Central School Sto. Tomas, BatangasSekundarya: Sto. Tomas Academy Sto. Tomas, BatangasPananaw sa Buhay: A life without a purpose is like a leaf tossing in the wind.

Pangalan: Maria Patricia M. CapacioTirahan: Blk 2 Lot 5 Maya Drive, St. Francis Homes VI, Niugan, Cabuyao, LagunaKaarawan: Hunyo 11, 1996Edad: 17Paaralan: Elementarya: Colegio De San Agustin Bian, Laguna Sekundarya: Canossa School Sta. Rosa, LagunaPananaw sa Buhay: Determination will always help you to keep on going.

Pangalan: Christian H. DacpanoTirahan: Purok 4, Brgy. Saimsim, Calamba, LagunaKaarawan: Septyembre 30, 1996Edad: 17Paaralan:Elementarya: John David Christian SchoolSekundarya: John David Christian SchoolPananaw sa Buhay: Time is Gold

Pangalan: Herald Yvve P. MaleTirahan: VDC Blk 61 Lot 37 Phase 3, Calamba City, LagunaKaarawan: Hunyo 3, 1997Edad: 16Paaralan: Elementarya: Laguna College of Business and Arts Sekundarya: Calamba InstitutePananaw sa Buhay: Dance to express, Not to impress.

Pangalan: Kristine Nathalie C. ReyesTirahan: B32 L19 Villa Palao Subdivision, Banlic, Calamba City LagunaKaarawan: Agosto 14, 1996Edad: 17Paaralan: Elementerya: Infant Jesus Montessori Center (Laguna), Inc. - Main Sekundarya: Infant Jesus Montessori Center (Laguna), Inc. - MainPananaw sa Buhay: Always put your trust in God, strive for excellence and success will follow you.

Pangalan: Chriselle A. ReynalesTirahan: 319 Waling - waling St. Laureola Subdivision Calamba City LagunaKaarawan: Enero 27, 1997Edad: 17Paaralan: Elementarya: St. John Colleges - Calamba Sekundarya: Canossa Academy Calamba, LagunaPananaw sa Buhay: Success is the best revenge.

Pangalan: Angeline T. SolinapTirahan: 0796 San Antonio, Los Baos, LagunaKaarawan: Agosto 18, 1996Edad: 17Paaralan: Elementarya: Saint Francis of Assissi College Sekundarya: Los Baos National High SchoolPananaw sa Buhay: Nothing is impossible to God.

Mga larawan