liksyon 4 para sa ika-27 ng abril, 2019 - fustero.es sa isang banda, ang walang asawa ay mas...
TRANSCRIPT
Pagsasama
Pag-iisa
Pisikal na pag-iisa
Espiritwal na pag-iisa
Di-plinanong pag-iisa
Paghihiwalay
Kamatayan
“Hindi mabuti na ang lalake ay magisa” (Genesis 2:18). Ginawa tayo para mabuhay ng may kasama. Iyon ang tama nating kalagayan.
Gayunman, ang iba ay nag-iisa dahil sa mga pangyayari o dahil pinili nilaito.
Pag-aralan natin ang sinasabi ng Biblia tungkol sa pagsasamaat pag-iisa.
“Dalawa ay maigi kay sa isa; sapagka't sila'y may mabuting kagantihan sa kanilang gawa.” (Ecclesiastes 4:9)
Ipinaliwanag ni Solomon kung bakit kailangannating ibahagi ang ating buhay sa iba sa kasal, at sa Dios (“ang panaling tatlong ikid ay hindinapapatid na madali.” (Ecclesiastes 4:12).
Kung may problema ang isa, matutulungan siyang asawa. Kung masiraan ng loob ang isa, pwedesyang pasiglahin ng isa. Malulutas nila ang problemang di nila kaya kung mag-isa.
Kahit sa mas mababaw na antas sa pag-aasawa, kailangan ng tao ng kasama.
Ngunit hindi nangangahulugang may kasama ka ay hindi mo mararamdaman ang pag-iisa at pangangailangan ng pakikipagkapwa.
Sa isang banda, ang walang asawa ay mas nakakatu-on ng mainam sa gawaingmisyonero (v. 32-33). Iyon ang karanasannina Jeremias (binata) at Ezekiel (byudo).
Ang pag-iisa ay di nangangahuluganglubusang nag-iisa. Sabi ni Jesus: “gayonma'y hindi ako nagiisa, sapagka't ang Ama ay sumasa akin.” (Juan 16:32).
SInasalungat b ani Pablo ang payo ng Dios sa Genesis 2:18?
Sinurpresa tayo ni Pablo ng ganitongpangungusap na patungkol sa buhaypamilya. Gayunman, nilinaw nya agadang ideyang ito: tanging yun lang“nakapagpipigil” (v. 9). Yun ay, silangmga binigayan ng kaloob na hindi nakailangang mag-asawa.
“Sapagka't ang May-lalang sa iyo ay iyong asawa; ang Panginoon ng mgahukbo ay kaniyang pangalan: at ang Banal ng Israel ay iyong Manunubos,
ang Dios ng buong lupa tatawagin siya.” (Isaias 54:5)
Ang tao ay nag-iisa sa espiritwal kung hindi nyakapananampalataya ang kanyang asawa. Kailangan niyang mamuhay ng pag-iisa saespiritwal. Hindi sya makakapanalangin o makapagsisimba na kasama ng kanyang asawa.
May tatlong posibleng dahilan ng mgasitwasyong iyon:
Ang taong iyon ay nag-asawa ng di-kapananampalataya.Tinanggap ng taong iyon si Kristo ng siya’y may asawa na.Ang asawa ng taong iyon ay lumayo sapananampalataya.
Mahalagang suportahan ang mga iyon sa pamamagitan ng pagmamahalat pagbigay ng suporta sa kanila, bilang indibidwal o bilang iglesia.
“‘Sapagka't aking kinapopootan ang paghihiwalay, sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, at siya na nagtatakip ng kaniyang damit na may karahasan, sabing Panginoon ng mga hukbo: kaya't ingatan ninyo ang inyong kalooban nahuwag kayong magsalita na may paglililo.’” (Malakias 2:16)
Binibigo ng paghihiwalay an orihinal naplano ng Dios sa pamilya. Dahil sakasalanan, hinayaan ng Dios na masiraang pag-aasawa sa ilalim ng natatangingmga pangyayari (Mateo 19:8; 5:31-32).
Nagdadala ang paghihiwalay ng mgadamdamin ng pagluluksa, depresyon, galit at kalungkutan.
Pinapasigla tayo ng Biblia na gawin ang lahat upangmaiwasan ang paghihiwalay, magkasundo sa pamamagitanng pag-ibig, kapatawaran at pagpapanumbalik (Oseas 3:1-3; 1 Corinto 7:10-11; 13:4-7; Galacia 6:1).
Kung hindi maiiwasan ang paghihiwalay, kailangangsumuporta ang iglesia, mang-aliw at magpalakas ng loob.
Sigurado ang kamatayan sa lahat mula nangmagkasala sina Adan at Eba hanggang saIkalawang Pagdating ni Jesus.
Maliwanag na nagdudulot ang kamatayan ng di-maiiwasang paghihiwalay. Ang naiwangasawa ay napupuno ng kalungkutan.
Binigyan tayo ng Dios ng pag-asa na makitang muli ang ating mahal sa buhay, at mabuhay na kasama sila saBagong Lupa kung saan
wala nang kamatayan
(1 Tessalonica 4:16-17;
Apocalipsis 21:4).
Maaring pagalingin ng panahon ang sugat, ngunit nananatili ang puwang.
“Anuman ang ating sitwasyon,
kung tumutupad tayo ng
Kanyang salita, may Gabay
tayo upang manguna sa ating
landas; anuman ang ating
kabalisahan, may sigurado
tayong Tagapayo; anuman ang
ating suliranin, pangungulila,
kalungkutan, may Karamay
tayong Kaibigan.”
E.G.W. (The Ministry of Healing, cp. 18, p. 248)
“Siya ay palaging nakahanda upang
tumulong, sa oras na pinakakailangan, bago
at sariwang pagpapala, lakas sa oras ng
kahinaan, saklolo sa oras ng panganib,
kaibigan sa oras ng kalungkutan, simpatiya
ng tao at Dios sa oras ng pighati. Tayo ay
pauwi. Siyang nagmahal ng sobra para
mamatay para sa atin ay gumawa para sa atin
ng syudad. Ang Bagong Jerusalem ang ating
pahingahang lugar. Wala nang kalungkutan
sa Syudad ng Dios. Wala nang panaghoy ng
kalumbayan. Wala nang panambitan ng mga
nasirang pag-asa at maririnig na muli ang
nalimot na damdamin.”
E.G.W. (Daughters of God, cp. 21, p. 224)