liksyon 2 para sa ika-12 ng oktubre, 2019 hanani ng masamang balita tungkol sa jerusalem at mga...

9
Liksyon 2 para sa ika-12 ng Oktubre, 2019

Upload: others

Post on 04-Nov-2019

1 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Liksyon 2 para sa ika-12 ng Oktubre, 2019 Hanani ng masamang balita tungkol sa Jerusalem at mga napabalik na mamamayan doon. Ipinatigil ni Artaxerxes ang pag-aayos ng Jerusalem (Ezra

Liksyon 2 para sa ika-12 ng Oktubre, 2019

Page 2: Liksyon 2 para sa ika-12 ng Oktubre, 2019 Hanani ng masamang balita tungkol sa Jerusalem at mga napabalik na mamamayan doon. Ipinatigil ni Artaxerxes ang pag-aayos ng Jerusalem (Ezra

Matapos ang tinatayang 13 taon nang pagdating ni Ezra sa Jerusalem, si Nehemias ay tagapagdala noon ng cupa ng hari ng Persia.

Nang marinig ni Nehemias ang mahirap na sitwasyon sa Jerusalem, tinanggap niya ang misyon na pinapagawa sa kaniya ng Dios: itayong muli ang Jerusalem.

Kumilos agad siya matapos maitalagang gobernor ng Juda.

Page 3: Liksyon 2 para sa ika-12 ng Oktubre, 2019 Hanani ng masamang balita tungkol sa Jerusalem at mga napabalik na mamamayan doon. Ipinatigil ni Artaxerxes ang pag-aayos ng Jerusalem (Ezra

Noong 445 BC, dinalaw si Nehemias ng kanyang kapatid na si Hanani sa Shushan. Sinabihan siya ni Hanani ng masamang balita tungkol sa Jerusalem at mga napabalik na mamamayan doon.

Ipinatigil ni Artaxerxes ang pag-aayos ng Jerusalem (Ezra 4). At ito’y sinira ng kanilang mga kalaban; ang kanilang mga pader at mga gate ay sinunog.

Nanalangin agad at nag-ayuno si Nehemias para sa mga tao at sa syudad ng Jerusalem, at hinihiling na mamagitan ang Dios.

Page 4: Liksyon 2 para sa ika-12 ng Oktubre, 2019 Hanani ng masamang balita tungkol sa Jerusalem at mga napabalik na mamamayan doon. Ipinatigil ni Artaxerxes ang pag-aayos ng Jerusalem (Ezra

A N G PA N A L A N G I N “Alalahanin mo, isinasamo ko sa iyo, ang salita na iyong iniutos sa iyong lingkod na kay

Moises” (Nehemias 1:8)

Ito ang panalangin ni Nehemias (Nehemias 1:5-11):

A Dios, Ikaw ay dakila at puno ng awa (v. 5)

B Dinggin ang dalangin ko (v. 6)

C Inaamin ko na nagkasala kami (v. 6-7)

D Alalahanin ang iyong mga pangako (v. 8-9)

C’ Tinubos mo kami (v. 10)

B’ Dinggin ang dalangin ko (v. 11)

A’ Dios, bigyan kami ng kaunlaran at biyaya (v. 11)

Ang aklat ng Nehemias ay nagpapakitang siya ay mapanalangining tao (2:4; 4:4-5, 9; 5:19; 6:14; 13:14, 29).

Ang punto ng panalanging ito ay alalahanin ang pangako ng Dios at angkinin ito.

Gusto ng Dios na marinig tayong inaangkin ang Kanyang pangako. Sabik Siyang tuparin ito sa ating mga buhay (Lucas 11:13).

Page 5: Liksyon 2 para sa ika-12 ng Oktubre, 2019 Hanani ng masamang balita tungkol sa Jerusalem at mga napabalik na mamamayan doon. Ipinatigil ni Artaxerxes ang pag-aayos ng Jerusalem (Ezra

Si Nehemias ay lingkod bayan sa palasyo ni Artaxerxes. Malaki ang hawak niyang katungkulan bilang tagapagdala ng cupa ng hari ng Persia.

“Nang magkagayo'y sinabi ng hari sa akin, Ano ang iyong hinihiling? Sa gayo'y

dumalangin ako sa Dios ng langit.” (Nehemias 2:4)

Apat na buwan matapos ang panalangin ni Nehemias, dumating ang tamang panahon, pinayagan siya ng Dios na masabi kay Artaxerxes ang kanyang kahilingan (444 BC).

Nag-alala ang hari sa ipinapakitang kalungkutan ng tagadala niya ng cupa. Namanhik si Nehemias sa damdamin ng hari. Humingi siya ng pahintulot upang itayo na muli ang mga pader ng Jerusalem.

Inudyukan ng Dios si Artaxerxe. Itinalaga niya si Nehemias bilang gobernadora ng Juda at ipinag-utos ang pagpapagawang muli.

Page 6: Liksyon 2 para sa ika-12 ng Oktubre, 2019 Hanani ng masamang balita tungkol sa Jerusalem at mga napabalik na mamamayan doon. Ipinatigil ni Artaxerxes ang pag-aayos ng Jerusalem (Ezra

E.G.W. (Steps to Christ, cp. 11, p. 99)

Page 7: Liksyon 2 para sa ika-12 ng Oktubre, 2019 Hanani ng masamang balita tungkol sa Jerusalem at mga napabalik na mamamayan doon. Ipinatigil ni Artaxerxes ang pag-aayos ng Jerusalem (Ezra

Ang Juda ay matatagpuan sa “kabila ng Ilog”, o Transeuphratia.

Binigyan ng hari si Nehemias ng mga bodyguard at mga sulat para sa mga gobernor ng rehiyon doon. Inutusan si Asaf na ibigay kay Nehemias lahat ng mga kagamitang kailangan niya sa pagtatayo ng pader.

Sanballat (governor ng Samaria), Tobias (governor ng Ammon) at Geshem (governor ng Edom at Moab) ay nainis nang mabalitaan nilang padating si Nehemias upang tulungan ang mga Judio.

Sinubukan nilang sirain ang gawain ni Nehemias mula pa sa pasimula.

Page 8: Liksyon 2 para sa ika-12 ng Oktubre, 2019 Hanani ng masamang balita tungkol sa Jerusalem at mga napabalik na mamamayan doon. Ipinatigil ni Artaxerxes ang pag-aayos ng Jerusalem (Ezra

“At hindi naalaman ng mga pinuno kung saan ako naparoon, o kung ano ang ginawa ko; ni hindi ko rin isinaysay sa mga Judio, ni sa mga saserdote man, ni sa mga mahal na tao man, ni sa mga pinuno man, ni sa nalabi man na gumagawa ng gawain.” (Nehemias 2:16)

Hindi lang umasa si Nehemias sa kanyang iilang sundalo ngunit gumamit ng espesyal na baluti: Mga pangako ng Dios, at ang kasiguruhang ginagawa niya ang gawain ng Dios. Maingat siyang nagpatuloy:

Nireview niya ang tunay na

sitwasyon

kanyang plinano ang mga

dapat magawa

Kanyang tinipon ang mga pinuno at ibinahagi ang kanyang

plano

Kanyang hinimok

ang bawat isa na

gumawa

Humiling siya ng

pagtatalaga

Dapat nating isali ang Dios sa ating mga plano at pag-uusap kung nangunguna tayo sa mga proyekto at kung nakikitungo tayo sa tao. Gumamit lagi ng mga salitang nagpapasigla at nagpapalakas ng loob.

Page 9: Liksyon 2 para sa ika-12 ng Oktubre, 2019 Hanani ng masamang balita tungkol sa Jerusalem at mga napabalik na mamamayan doon. Ipinatigil ni Artaxerxes ang pag-aayos ng Jerusalem (Ezra

“Hindi lang dapat manalangin sa pananampalataya ang

mga anak ng Dios, ngunit upang gumawang may

kasipagan at masinopna pag-iingat. Marami silang hirap

na hinaaharap at malimit ay nahahadlangan ang paggawa

ng Dios para sa kanila, dahil itinuturing nila ang

kahinahunan at pag-iingat na kaunti ang nagagawa sa

relihiyon. Inisip ni Nehemias na hindi pa tapos ang

kanyang tungkulin nang siya ay tumangis at nanalangin

sa Panginoon. Sinamahan niya ang kanyang mga

kahilingan ng banal na paglilingkod, inilagay ang

mataman, at mapanalangining paggawa para sa

pagtatagumpay ng proyektong ginagawa niya. Maingat

na pagsasaalang-alang at mga planong pinag-aralang

mabuti ay mahalaga upang maisulong ang banal na

gawain ngayon gaya ng panahon ng pagtatayo na muli ng

mga pader ng Jerusalem.” E.G.W. (Prophets and Kings, cp. 52, p. 633)