liksyon 1 para sa ika-4 ng enero, 2020 2020-01-01 · ang balangkas ng pagsulat ang kaibahan sa...
TRANSCRIPT
Liksyon 1 para sa ika-4 ng Enero, 2020
Bago pag-aralan ang mga kabanata ng aklat ng Daniel, dapat natingmatutunan ang ilang mga prinsipyo upang matulungan tayongmaunawan ang mensahe nito.
Ang sentro: Jesus
Ang balangkas ng pagsulat
Ang kaibahan sa ibang hula
Ang sukat ng panahon
Ang praktikal na kaugnayan
Kahit paano ay natutukoy si Jesus sa bawat bahagi ng aklat ng Daniel:
Gaya ng kwento niDaniel, Iniwan niJesus ang langitupang mamuhaydito sa Lupa, at tumanggap ng karunungan mulasa itaas (Lk. 2:52)
Ang kaharian ni Jesus ang papalit sa lahat na kaharian
Lumakad si Jesus kasama ng kanyang mgakaibigan sanagbabaganghurno
Kinuha ni Jesus pansamantala kay Nabucodonosor angkanyang kaharian, upang maunawaanniya na Siya angnaghahari sa lahatna kaharian
Kabanata 1 Kabanata 2 Kabanata 3 Kabanata 4
Ang paghukom at kamatayan niBelshazar, at angpagbagsak ng Babilonia, ay sumasalamin sapaftatagumpay niJesus sa HulingPanahon
Ang sabwatanlaban kay Daniel ay kagaya ng sabwatan ng mgaFariseo at mgapari laban kay Jesus
Nagsasabi ito kung paano ni Jesus (ang Anak ng tao) tinatanggap angKaharian at naghahari saKanyang bayan
Ipinapakilala nitosi Jesus bilangPunong Saserdotesa Sanctuwaryo saLangit
Kahit paano ay natutukoy si Jesus sa bawat bahagi ng aklat ng Daniel:
Kabanata 5 Kabanata 6 Kabanata 7 Kabanata 8
Si Jesus ang alaysa bagong tipanansa pagitan ng Dios at Kanyang bayan
Si Jesus angCommander-in-chief na lumalabansa mga pwersa ng masama at nagliligtas saKanyang bayan
Kahit paano ay natutukoy si Jesus sa bawat bahagi ng aklat ng Daniel:
Kabanata 9 Kabanata 10-12
Ang aklat ng Daniel ay isinulat sa Hebreo at Aramaic. Ang kabanta 2 hanggang 7 ay isinulat saAramaic, at isinulat sila sa magkapantay nabalangkas.
Ang paghahari ng Dios sa mga bansa ay naipapakitadito at sa mga bahagi ng hula. Gumagamit siya ng pag-uulit upang ipakita ang paghukom dito sa sanlibutan at sa pundasyon ng Kanyang walanghanggang kaharian.
Namatay angHalimaw
Kabanata 2 Kabanata 7 Kabanata 8-9 Kabanata 10-12
“Pagkatapos nito'y tumingin ako, at narito ang iba, gaya ng isang leopardo, na mayroon sa likod niyaon na apat na pakpak ng ibon; ang hayop ay mayroondin namang apat na ulo; at binigyan siya ng kapangyarihan.” (Daniel 7:6)
Ano? Isang leopardo na may apat na pakpak at apat na ulo?
Itong uri ng hindi makatotohanang pangitainang nagbibigay ng pagkakaiba sa “apocalyptic” na hula sa “classical” na hula.
Ang mga hula ng gaya nina Isaias o Jeremias ay naglalaman ng mga pangitain at pakahuluganmula sa tunay na mga bagay. Gayunman, angpangunahin nilang pakay ay ipabatid “ang salitang Panginoon”. Ang katuparan ng kanilang mgahula ay nakabase sa tugon ng mga tao (hal. sitwasyon ni Jonas).
Ang hula ni Daniel ay walang kondisyones. Ipinapakita nito ang plano ng Dios sa mgabansa, anuman ang tugon o pag-uugali ng mgataong kabilang dito.
May tatlong paraan ng pagpapaliwanag sa mga hula sa aklat ng Daniel:
PreterismLahat ng mga
pangyayari ay nangyarisa nakaraan (sa palagay
na isinulat ni Daniel itong aklat noong 2nd
Century B.C.)
FuturismLahat ng pangyayari ay mangyayari sa Huling
Panahon.
HistoricismAng mga pangyayari ay
bumibilang sakasaysayan mula sapanahon ni Daniel
hanggang sa HulingPanahon
Ang aklat ng Daniel ay isinulat noong 6th Century B.C., kaya hindi na maaariang preterist na pag-unawa.
Ang futurist na pag-unawa ay nakabase sa imahinasyon ng tagapagpaliwanag.
Ang historic na pag-unawa sa mga simbolo sa aklat ng Daniel ay matimbang:
Ang mga imperio na tinukoy sa Daniel 2, 7 at 8 ay nakalinya sa kasaysayan
Ang mga panahon (hal. ang 1,260 araw o 490 taon) ay maitutugma sa kasaysayan sapaggamit ng day-year principle (Nm. 14:34; Gn. 5:4)
Ginamit ni Jesus ang Daniel 9:26-27 sapagtukoy ng pagkawasak ng Jerusalem (Mateo 24:15-16; Lucas 21:20-22)
Ang mga ama ng Iglesia at ang mga repormador ay gumamit ng historicist na pag-unawa
Nagpapakita ito ng kung paanong ang Dios angmay control sa kasaysayan ng tao, at kung paano Niya tatapusin ang plano ng kaligtasan
“Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Huwag kang matakot, Daniel; sapagka'tmula nang unang araw na iyong ilagak ang iyong puso na makaunawa, at
magpakababa sa harap ng iyong Dios, ang iyong mga salita ay dininig: at ako'ynaparito alangalang sa iyong mga salita.’” (Daniel 10:12)
Ang aklat ng Daniel ay naglalaman ng mahahalagang liksyon para sa ika-21 Siglo.
❑ Ang Dios ang namamahala sa ating buhay❖ Mahal Niya ang bawat isa sa atin. Kasama
Niya tayo sa ating mga pagsubok at tukso❑ Hawak ng Dios ang kasaysayan
❖ Tahimik at matyaga niyang pinamamahalaan ang kasaysayan at tinutupad ang Kanyang plano sa kasaysayan ng mga bansa
❑ Nagbigay ang Dios ng halimbawa na dapatsundin sa Huling Panahon❖ Huwag mong ikompromiso ang iyong
pananampalataya. Manatiling tapat sa iyongpangako sa Dios. Maging kapakipakinabang sabansa at pamayanang tinitirahan mo
“Tinukoy ng propeta Daniel ang mga kahariang tatayo
at babagsak. Ipinaliwanag niya sa hari ng Babilonia ang
panaginip ng dakilang larawan, sinabi niya kay
Nabucodonosor na ang kanyang kaharian ay
mapapalitan. Ang kanyang kadakilaan at
kapangyarihan sa sanlibutan ng Dios ay magkakaroon
ng kanyang araw, at aahon ang ikalawang kaharian na
magkakaroon din ng kanyang panahon ng pagsubok
kung ang mga tao ba ay luluwalhati sa iisang
Namumuno, ang tanging totoong Dios. Kung hindi
gagawa nito, ang kaluwalhatian nila ay kukupas, at
papalit sa kanilang pwesto ang ikatlong kaharian.
Mapatunayan man ng pagsunod o pagsuway, ito rin ay
lilipas, at ang ikaapat, kasing tigas ng bakal, ay
magpapasuko sa nga bansa ng sanlibutan. Itong Salita,
na binuksan ng walanghanggang Dios sa may
hangganang mga tao, na naitala sa pahina ng hula, at
nakita sa mga pahina ng kasaysayan, ay nagpapahayag
na ang Dios ang namamahalang makapangyarihan.”
E.G.W. (Christ Triumphant, June 22)