lesson plan in character education iii

8
LESSON PLAN in CHARACTER EDUCATION III I. LAYUNIN: 1. Nalalaman ang wastong tapunan ng mga basura. 2. Nababatid ang kahalagahan ng wastong pagtatapon ng basura sa kapaligiran. 3. Naisasagawa ang wastong paraan ng pagtatapon ng basura—iniiwasan ang pagtatapon ng basura lalo na ng plastik kung saan-saan lalo na sa mga dagat at ilog. II. PAKSANG - ARALIN: Wastong Pagtatapon ng Basura A. Batayang Pagpapahalaga: Kalusugan B. Kaugnay na Pagpapahalaga: Pag-ayon sa Kapaligiran C. Saloobin: --Disiplina sa Sarili --Pagpapahalaga sa Kapaligiran D. Sanggunian: “Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon 3” Pp.23-26, E. Sotto, M. Sadang, Dr. A. Lavides E. Kagamitan: -Mga Puppet ng mukha nina Jollibee, Twirlie, Popo, Hetty , Yum at Batang Lalaki -kurtina III. MGA GAWAIN / PAMAMARAAN: A. Gawain: 1. Panimulang Gawain: a. Panalangin b. Pagbati sa klase

Upload: ronel-sayaboc-asuncion

Post on 22-Oct-2015

747 views

Category:

Documents


36 download

TRANSCRIPT

Page 1: Lesson Plan in Character Education III

LESSON PLAN in CHARACTER EDUCATION III

I. LAYUNIN:1. Nalalaman ang wastong tapunan ng mga basura.2. Nababatid ang kahalagahan ng wastong pagtatapon ng

basura sa kapaligiran.3. Naisasagawa ang wastong paraan ng pagtatapon ng basura—

iniiwasan ang pagtatapon ng basura lalo na ng plastik kung saan-saan lalo na sa mga dagat at ilog.

II. PAKSANG - ARALIN:Wastong Pagtatapon ng Basura

A. Batayang Pagpapahalaga: KalusuganB. Kaugnay na Pagpapahalaga: Pag-ayon sa

KapaligiranC. Saloobin: --Disiplina sa Sarili

--Pagpapahalaga sa Kapaligiran

D. Sanggunian: “Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon 3”

Pp.23-26, E. Sotto, M. Sadang, Dr. A. LavidesE. Kagamitan: -Mga Puppet ng mukha nina Jollibee, Twirlie,

Popo,Hetty , Yum at Batang Lalaki

-kurtina

III. MGA GAWAIN / PAMAMARAAN:A. Gawain:

1. Panimulang Gawain:a. Panalanginb. Pagbati sa klasec. Pagsusuri ng bilang ng mag-aaral

2. Paghandang Gawain:a. Pagsusuri ng takdang – aralinb. Balik-aral

Guro: Sa nakaraang talakayan, pinag-aralan

Page 2: Lesson Plan in Character Education III

natin na dapat paghiwalayin ang ating mga basura.Anu na nga ang dalawang klase ng basurang iyon? Mag-aaral: Nabubulok at

di nabubulok.Guro: Tama, o tinatawag din nating biodegradableat non biodegradable. Anong kulay ng basurahantinatapon ang nabubulok, ayon sa ating binasa noongnakaraan? Mag-aaral: Berdeng

basurahanGuro:Tama.Eh ang di nabubulok? Mag-aaral:PulaTama rin. Ngayon naman, bago tayo magsimula sa ating aralin ay may ituturo ako sa inyong awit.

3. Paggaganyak: Pag-awit—“Isang Wrapper,Isang Plastik”

Isang wrapper, isang plastic, isang supot langAlam mo ba na pag dumami yan, ang dumi ng kapaligiran

Isang bote, isang tissue, isang chewing gumPag iniwan mo kung saan-saan, dudumi ang kapaligiran

Kung magkakalat ang bawat isa,daluyan ng tubig ay magbabaraPag umulan ay magbabaha,mamamatay ang halaman at isda

Isang wrapper, isang plastic, isang supot langWag iiwan kung saan-saan, itapon mo sa basurahan

Itapon mo sa basurahan

Guro: Nasiyahan ba kayo sa pagkanta? Mga Mag-aaral: Opo!

Guro: Mabuti. Batay sa ating kinanta, ano sa inyong palagay ang ating aralin ngayong araw na ito? Mag-aaral:Tungkol po sa ating

kapaligiran.Guro: Umm... Bukod dun, ano pa? Mag-aaral: Tungkol po sa tamang

Pagtatapon ng ating mga basura.Guro: Tama! Ang ating aralin para sa araw na ito ay may kinalaman sa tamang pagtatapon ng basura.

4. Paglalahad: “Madikit na Kalat” ( Puppet Show)

Mga Tauhan:Jollibee- Kapitan ng Barangay JollitownTwirlie- Sekretarya ng BaranggayHetty - Mga Kagawad ng Baranggay

Page 3: Lesson Plan in Character Education III

Yum- Baranggay TanodChicoy- Batang Nagkakalat

I. Sa JolliBeach...Chicoy: Ang ganda talaga ng sunrise. Kaya lang ang pangit naman ng drawing ko.(Nagkakalat si Chicoy ng mga pinunit na papel...sabay alis...)

Basurahan 1: Bata,bata hindi tayo dapat nag-iiwan ng basura kung saan-saan. Basurahan 2: Oo nga, nakakasira ng view ang mga kalat. Dapat dito sa ‘tin tinatapon ang mga basura. Mahirap bang gawin ‘yun?B1: Ang dami naming trashcan dito sa JolliBeach. Paano kaya sya matututong magtapon sa tamang lugar?B2: Dapat nyang malamang may tamang lugar ang mga kalat.B1: Oo nga. Haaayyy... Eh kung sya kaya ang marumihan. Siguradong hindi sya matutuwa.B2: Hmmm... Anong sinabi mo?B1: Kung sya kaya ang marumihan?B2: May ideya ako... Ito ang gagawin natin....(Magbubulungan....)B1: Oh mga kalat, ganito ang gagawin nyo.....

II. Sa pulong ng mga kawani ng baranggay Jollitown...Jollibee: Baka nabalitaan nyo na ang mga problema o environmental hazards natin dito sa beach sa Jolitown. Isang lingo pa lang pero ang dami nang nangyari.Yum: Unang insidente, nadikitan ng bubble gum si Hetty nung maupo sya sa may bench.Twirlie: Yuckie!Yum: Hindi lang yun. Pangalawang insidente, may batang nadulas dahil sa balat ng saging na nagkalat sa playground.Twirlie: Oh no! Ang sakit sigurado nun!Jollibee: Buti na lang walang napilayan. Tapos yung bata naman yung nabiktima.Yum: Oo nga! Pag-ahon ng bata, may sabit –sabit syang kalat na nakuha nya sa tubig-dagat ng JolliBeach!Twirlie: Oowwww....Jollibee: Kawawa naman yung bata! Hetty: Ano kaya ang magagawa natin para wala nang mga bata ang madidisgrasya habang naliligo sa Jolli Beach? Yum: Dapat hanapin natin ang sanhi ng problema na ito,Twirlie: Oo nga, para di na madagdagan pa ang mga nabiktima.Jollibee: At para lalong maging masaya ang paliligo ng mga bata sa JolliBeach!

Page 4: Lesson Plan in Character Education III

Yum: But wait... Paano natin lulutasin ang problema?Twirlie: Oo nga. Sino kaya ang nagkakalat?Hetty: Pero kung isang kalat lang naman ang itinapon, masama ba yun?Twirlie: Of course...Yum: Ang isang kalat, nagiging maraming basura.Twirlie: It only takes one piece of trash , just one piece to destroy our beautiful environment!Hetty: Dapat palang kausapin ang nagkakalat sa JolliBeach.Jollibee: Pero paano malalaman kung sino ang nagtapon?May nakakakita ba?Kayo.. Alam nyo ba kung sino ang nag-iwan ng kalat sa JolliBeach?Twirlie: Look! May kakaiba sa dagat....Yum: It looks like someone has something on its body!Chicoy: Hindi ko matanggal! Tulong! Tulong!Jollibee: Si Chicoy?? Nakapagtataka naman! Mabait naming bata si Chicoy ah!Twirlie: Mabait nga pero masamang ugali ang pagtatapon ng basura sa dagat.Chicoy: Help! Yung mga kalat ko bumalik sa kin!Jollibee: Don’t worry Chicoy,we are here to help you. Chicoy: Ang dami kong kalat! ? Ang kalat , kalat ko.Hetty: Don’t worry. Tutulungan ka naming maglinis at tuturuan ka naming panatilihing malinis ang JolliBeach.(kakanta sila....)

Kung magtatapon ng tama ang bawat isaBasura ay hindi magiging problemaMalinis na paligid ay anong ganda

Pati simoy ng hangin walang pangamba

Isang wrapper, kung itatapon sa basurahanKung lahat tayo ay gagawa nyan

Gaganda ang kapaligiran

Isang bata, lahat ng bata ay may kapangyarihanKung lahat tayo ay magtutulungan

Gaganda ang kapaligiran

Chicoy: Ngayon, alam ko na kung saan dapat magtapon. Hindi sa daan, hindi sa sahig, di sa puno at di rin sa dagat at kanal. Sorry huh, mula ngayon, No Littering na ko at sa mga trash can na ko magtatapon para lalong gumanda ang ating mundo.I promise!Jollibee: Three cheers for Chicoy... Hep hep hurray!

B. Pagtatalakayan:

1. Sino ang nagkakalat sa JolliBeach?2. Tama ba ang mga ginawa ni Chicoy? Bakit?

Page 5: Lesson Plan in Character Education III

3. Anu-ano ang naging resulta ng maling pagtatapon ng basura kay Chicoy?

4. Saan dapat magtapon ng basura?

C. Paglalahat:

Mula sa napanood na puppet show, ano ang inyong natutunan?Magtapon ng basura sa basurahan o mga trashcan at hindi kung

saan-saan para sa ikagaganda ng ating kapaligiran. Guro: Naintindihan nyo ba ang ating aralin? Mga Mag-aaral: Opo!Guro: Gagawin nyo kaya ang inyong natutuhan? Mga Mag-aaral: Opo!Guro: Dapat lang..May tanong pa ba? Kung wala na, papangkatin ko kayo sa apat para sa isang gawain.

D. Paglalapat:

Pangkatang –Gawain:Sagutin ang mga sumusunod sa pamamagitan ng

pagsasadula:1. Nakasakay ka sa bus, saan mo itatapon ang pinagbalatan

mo ng kendi o chewing gum?2. Nakita mong itinatapon ng kaklase mo ang basura nila sa

likod bahay nilang ilog. Ano ang gagawin mo?3. Kaunting ulan lang ay baha na agad sa inyo. Ano sa

palagay mo ang dahilan nito at ano ang aksyong gagawin mo?

4. Nagpunta kayo sa Matel Beach,nakita mong basta lang tinatapon ng mga bata ang mga basura nila sa lupa dahil walang makitang basurahan. Ano ang gagawin mo?

IV. PAGTATAYA:Tseklis:

Ako ba ay: Lagi Minsan

Hindi 1. Nagtatapon ng basura sa ilog.2. Nagtatapon ng basura sa kanal.3. Nagtatapon ng patay na hayop sa dagat.4. Nagtatapon ng basura sa basurahan.5. Ibinubulsa ang mga kalat kapag walang makitang basurahan

V. TAKDANG – ARALIN:

Page 6: Lesson Plan in Character Education III

1. Ano ang pagrerecycle?2. Magdala ng halimbawa ng bagay/basura na maaari pang

irecycle.3. Magdala rin ng mga gamit na maaaring gamitin sa gagawing

pagrerecycle.

Page 7: Lesson Plan in Character Education III

Ipinasa kay :Propesor Salvador Marcos

Ipinasa nina:Lider:

Alexis V. Dela CruzMga Miyembro:Kayce Baquing

Megastar CacabilosJordan Elagor

GROUP 4- II-BEEd