lesson 8: computer as a learner (sel-learning kit using ms ... web viewlubhang masalimuot ang usapin...
TRANSCRIPT
\ I. ALAMIN
Lubhang masalimuot ang usapin ng pagsisimula ng tao. Dahil isang malaking hamon sa kasaysayan bilang sangay ng agham-panlipunan na saliksikin at bigyang linaw ang nakaraang oakikibaka ng tao upang maunawaan niya ang kanyang kasalukuyan at hinaharap, kaya sumasangguni ang mananalaysay ng kasaysayan sa mga teoryang nabuo
ng mga pag-aaral ng iba pang dalubhasa. Kaya’t sa aralin na ito ay mabibigyang pagkakataon ang mga mag-aaral na malaman kung saan at paano nagsimulang makipag-sapalaran ang mga sinaunang tao patungo sa pagbabago.
II. LAYUNINPagkatapos ng modyul na ito ay inaasahang malilinang mo ang mga sumusunod na
kasanayan:
1. Mailalarawan ang mga katangiang pisikal ng mga sinaunang tao.2. Maibigay ang pagkasunod-sunod ng ng ebolusyong bayolohikal ng tao
at sa panahong sila ay na buhay.3. Masusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehistoriko
III. PANIMULANG PAGSUSULIT
Panuto: Isulat sa patlang ang tamang sagot ng mga sumusunod at bilugan ito sa loob ng puzzle.
C H A R L E S D A R W I N L Y A N H O F RA R E T H U L I T A D T N L O H N N N H IP L U S M A T H E R T Y U I O O F F L O EO N L Y F O O L S F A P I G Y M D R I M NI L O V E Y O U Y E B E A S O O E E M O AU R O B E L L E S D D D A L U E A E I N DN V E R T E B R A T E S M O O R D D T I SI S H A N N A G C H I A M D N E R O A D AV V I R U S I L Y N H B E O L C E M T F BE Z I K A U K L O V E A E N Y T A B I R AR I E N A S A M M Y L N A U L U M O O E NS T O R Y A O S A P L G S S I S S R N E GE V O L U H T I O N O A T A V A S E S S A
_______________ 1. Isang botanist na may kontrobersyal na akda ng teorya ng ebolusyon.
_______________ 2. Tawag sa prosesong nagsasabing sa mahabang panahon ng pamumuhay bilang bahagi ng kalikasan lilikhain tao ang kanyang sarili.
_______________ 3. Unang gumamit ng apoy sa pagluluto at biloang proteksiyon sa nakaambang mga panganib.
_______________ 4. Tawag sa two-legged primates.
_______________ 5. Klasipikasyon ng mag hayop na may gulugod.
Batayang Teorya sa Pagsisimula ng Tao
IV. PAUNLARIN
Sa patunay na pagtatangka ng mga dalubhasa na saliksikin ang tungkol sa pinagmulan ng tao, hindi maiiwasang ikawing ang paghahanap ng kasagutan ditto sa pagkakaroon ng iba pang anyo ng buhay.
TARA, KILALANIN NATIN SILA!
Matinding hamon sa kamalayan ng mga Europeo noong siglo 16 ang pagkalathala ng akdang On the Origin of Species by Means of Natural Selection: or the Preservation of Favoured Races in the the Struggle
for Life ni Charles Darwin. Bagama’t kontrobersyal ang teorya ng ebolusyon ng sangkatauhan ni Darwin, naging isang batayan ito upang magkaisa ang mga dalubhasang gamitin ang teoryang nagsasabing nagmula sa iisang lahi ang tao at ang bakulaw.
Batay sa makaagham na pag-aaral ng pinagmulan ng tao, nakita ang mga ninuno ng tao may 2.5 milyong taon na ang nakalilipas. Sila ang homo species (homo na nangangahulugang tao) nagtagumpay makiayon sa kanilang kapaligiran at nagawang harapin ang mga hamon ng sitwasyon noong sinaunang panahon.
Homonisasyon- ang tawag sa prosesong nagsasabing sa mahabang panahon ng pamumuhay bilang bahagi ng kalikasan, lilikhain ng tao ang kanyang sarili mula sa pagiging isang Hominid o two-legged primates tungo sa pagiging ganap na Homo o tao.
HOMONID: RAMAPITHECUS AT AUSTRALOPITHECUS
- Pinaniniwalaang ang utak nito ay may sukat na 500 cc. (volume), 1.1 metro ang taas, maliit ang mukha at may maliit na pangil.
- Tinatantiyang namuhay sa lugar ng mga gubat ng at savannah (malawak na damuhan) ng Asia, Africa, at
Europe noong panahon ng pleistociene.
- Sa Asia nakahukay ng mga labi ng buto at ngipin ng Ramaphitechus sa India, Hunan, China, at Java, Indonesia.
- Pinaniniwalaang nabuhay may limang milyong taon na ang nakalipas sa iba’t-ibang bahagi ng Africa, tulad ng Ethiopia, Tanzania, at South Africa.
- May dalawang uri ng Australopithecus ang;
Australopithecus Robustus
- May taas na limang talampakan at tumitimbang ng 54.5 kg.
Comte de Buffon isang French Botanist , may mga salik tulad ng erosyon, sedimentasyon, pagputok ng bulkan, klima, at iba pa, ang may epekto sa pagbabago sa pisikal na katangian ng mundo.
Sir Chevalier de Lamarck na isang French Botanist, may dalawang klasipikasyon ng mga hayop ang mga may Gulugod (vertebrates) at walang Gulugod (invertebrates).
Charles Darwin isang Ingles na Botanist, may kontobersyal na aklat na pinamagatang On the Origin of teh Species. ayon sa teorya ni Darwin nagmula sa iisang ninuno ang lahat ng buhay na nailkha sa sa mundo.
RAMAPITHECUS
Australopithecus Africanus
- may taas naming apat na talampakan at may bigat na 22 hanggang 27 kg.
Lucy- isang buong kalansay na nahukay ng isang batang babae, sa Afar Ethiopia at hinihinalang isa itong labi ng Australopithecus Africanus.
HOMO: Homo habilis, Homo erectus, Homo sapiens
- Nakahukay ng matandang labi nito sa Africa, tulad ng nahukay sa Tanzania at Afar, Ethiopia.
- May kasanayan sa pangkatang pamumuhay, maituturing na omnivore o kumakain ng karne at gulay
- Nakagagawa ng kasangkapang batong ginagamit sa paghuhuli ng malalaking hayop.
- Nangangahulugang taong naktatayo nang tuwid ang Homo erectus
- Tinatanying may limang talampakan ang taas nito.
AUSTRALOPITHECUS
Homo Habilis
- May kapasidad makapag-isip sanhi ng pagkakaroon ng higit na malaking utak na may sukat na 750 hanggang 1250 cc, tulad ng sa kasalukuyang tao.
- Gumamit ng mga kasangkapang bato, tulad ng mga tinapyas na bato o fake tools gayundin ng mga kasangkapang pangmantine sa pangangaso ng malalaking hayop.
- Kaya rin ng Homo erectus na gumamit ng apoy sa pagluluto at bilang proteksyon sa naka ambang na panganib.
Java man – nahukay sa Java Indonesia ang unang labi ng Homo erectus noong 1891 ng isang arkeologong Olandes na si Dr. Eugene Dubois.
Homo erectus Philippinensis – nakagawa ng mga kasangkapang baton a nahukay sa Cagayan Valley, Philippines.
Peking Man- natagpuan ang labi nito sa isang kuweba sa Choukoutien sa Peking China noong 1919.
- Taong nakakapag-isip o matalinong tao ang Homo sapiens. Ito ay may malaking utak sa mga naunang tao
sa kanya.
- Pinaniniwalaang una itong nabuhay sa Europe bagama’t may mga labi nitong nahukay sa Asia.
Dr. Eugene Dubois
- Ang bungo ng isang Tabon man na nahukay ni Dr. Robert Fox noong 1992 sa kuweba ng Tabon sa Palawan ang pinaniniwalaang ebidensya ng kauna-unahang taong nabuhay sa Pilipinas.
- Karagdagan pa rito ang nahukay ni Wu Xinshi sa lalawigan ng Shanshi, China na tinaguriang “Bungo ng Dali”
.
GAWAIN 1
Panuto: Isulat sa patlang ang tamang sagot ng bawat bilang.
1. SOMENIPHOAS - ________________2. ARMAIPHTCEUS - _______________3. HERECOTUMOS - _______________4. EKINGPNAM - __________________5. HOSILBIAMAOH- ________________6. SOMENIPHOAS- ________________
Homo sapiens
Ebolusyong Bayolohikal ng Tao
Pagkaraang lumitaw ang mga Homo species partikular ang Homo habilis noong dakong 2.5 milyong taon ang nakararaan, nagsimula na rin ang Panahong Paleolitiko, ang unang yugto sa pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao.
7. USTARAOLIPHTCUES- ___________8. MAJAVAN- _____________________9. NOEVLUTOI- ___________________10.HDACRLSEWINAR_______________
GAWAIN 2Pagkatapos ng unang Gawain, kilalanin ang mga larawan sa chart, isulat sa kahon ang mga impormasyon at katangian ng mga sinaunang tao, at bilangan ng 1-5 ayon sa pagkakasunod-sunod.
V. PANGHULING PAGSUSULIT
Panuto: sagutin ang mga sumusunod at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Sangay ng kaalaman sa paghuhukay ng mga relik na nabaon ng matagal na panahon.a. Antropolohyab. Arkeolohiyac. Heograpiya
2. Ipinaliliwanag nito ang pinagmulan ng mga bagay sa mundo sanhi ng di-karaniwang pwersa.a. Siyensyab. Sosyolohiyac. Alamat
3. Tuwid na nakatatayo sa dalawang paa.a. Java manb. Homo erectusc. Homo habilis
4. Taong nakakapag-isip o matalinong taoa. Homo sapiensb. Charles Darwinc. Australopithecus
5. Nahukay na labi ni Wu Xinshi sa lalawigan ng Shanshi, China.a. Bungo ng Dalib. Wu xinshi manc. Bungo ng China
6. Proseso ng pagbabago mula sa simple patungong masalimuot.
a. Ebolusyonb. Homonisasyonc. Sapientisasyon
7. Unang labi ng Homo erectus na nahukay sa Indonesia.a. Peking manb. Tabon manc. Java man
8. May kasanayan sa pangkatang pamumuhay, maituturing na omnivore o kumakain ng karne at gulay.a. Ramapithecusb. Homo habilisc. Homo erectus
9. Isang Ingles na Botanist, may kontobersyal na aklat na pinamagatang On the Origin of the Species. a. Robert Foxb. Sir Chevalier de Lamarckc. Charles Darwin
10. Tinatantiyang namuhay sa lugar ng mga gubat ng at savannah (malawak na damuhan) ng Asia, Africa, at Europe noong panahon ng pleistociene.
a. Ramapithecusb. Australopithecus Africanusc. Australopithecus
11. Mga kasangkapang bato, na ginamit pangmantine sa pangangaso ng malalaking hayop. a. Fake toolsb. Stone knifec. Stone tools
12. Isang French Botanist, na nagsabing na may mga salik tulad ng erosyon, sedimentasyon, pagputok ng bulkan, klima, at iba pa, ang may epekto sa pagbabago sa pisikal na katangian ng mundo.a. Sir Isaac Newtonb. Comte de Buffonc. Jean Jacques Rousse
13. Sino sa mga sumusunod ang ang gumawa ng mga batayan sa pagsisimula ng tao.a. Comte de Buffon, Sir Chevalier De Lamarck, Galileo Galileeb. Sir Chevalier de Lamarck, Sir Isaac Newton, Charles Darwinc. Comte de Buffon, Sir Chevalier De Lamarck, Charles Darwin
14. Alin sa mga sumusunod ang uri ng Homo erectusa. Java man, Homo erectus Philippines’s, Peking Manb. Java man, Tabon man, Peking man
c. Peking man, Homo erectus Philippines’s, Tabon man15. Alin sa mga susumusunod ang uri ng Australopithecus
a. Australopithecus ,Australopithecus robustusb. Australopithecus Robustus, Australopithecus Africanusc. Australopithecus Africanus, Australopithecus pekeninsis
VI. PAGBUBUOD
Sa pamamgitan ng aralin na ito ay natulungan ang mga mag-aaral na malaman at maintindihan kung saan nga ba nagsimula ang ebolusyong bayolohikal ng tao. Hindi lamang nila nalaman kundi napahalagahan pa nila na dapat ngang maunawaan at maintindihan kung paano at saan nga ba nagsimulang nakipagsapalaran ang mga sinaunang tao.
Answer key:Paunang Pagsusulit:
1. Charles Darwin2. Homonisasyon3. Homo erectus4. Hominid5. Vertebrates
C H A R L E S D A R W I N L Y A N H O F RA R E T H U L I T A D T N L O H N N N H IP L U S M A T H E R T Y U I O O F F L O EO N L Y F O O L S F A P I G Y M D R I M NI L O V E Y O U Y E B E A S O O E E M O AU R O B E L L E S D D D A L U E A E I N DN V E R T E B R A T E S M O O R D D T I SI S H A N N A G C H I A M D N E R O A D AV V I R U S I L Y N H B E O L C E M T F BE Z I K A U K L O V E A E N Y T A B I R AR I E N A S A M M Y L N A U L U M O O E NS T O R Y A O S A P L G S S I S S R N E GE V O L U H T I O N O A T A V A S E S S A
Gawain 1
1. Homo sapiens2. Ramapithecus3. Homo erectus4. Peking man5. Homo habilis6. Homo sapiens7. Australopithecus8. Java man9. Evolution10.Charles Darwin
Gawain 2
Panghuling Pagsusulit
1. B 11. A2. A 12. B3. B 13. C4. A 14. A
1.Ramapithecus- ang utak nito ay may sukat na 500 cc- 1.1 metro ang taas- namuhay sa lugar ng mga gubat ng at savannah
5. Homo sapiens- matalinong tao-nabuhay sa Europe - nahukay ang mga labi sa Asia
3. Homo habilis- sanay sa pangkatang pamumuhay- omnivore- akagagawa ng kasangkapang batong
2. Australopithecus- Pinaniniwalaang nabuhay may limang milyong taon na ang nakalipas- may dalawang uri ito, ang Australopithecus Robustus at Australopithecus Africanus- naninrahan sa Africa tulad ng Ethiopia tanzania at south africa
4. Homo erectus- nakatatayo ng tuwid-gumamit ng apoy- gumamit ng mga kasangkapang bato tulad ng fake tools.
5. A 15. B6. B7. C8. B9. C10.A
VII. SANGUNIAN
http://www.slideshare.net/nicogranada31/k-to-12-grade-8-araling-panlipunan-learners-module-quarter-2.
http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/12258