lesson 6

5
ARALIN 6: ANG IBA’T IBANG RELIHIYON TUNGO SA PAGPAPABUTI NG UGNAYAN NG TAO SA DIYOS Ang mga Relihiyon - Isang sistema ng mga paniniwala at gawaing may kinalaman sa pagpapakabuti at pagkakaisa. Pagpapakabuti at buhay na walang hanggan – Ang karaniwang layunin ng mga relihiyon. I. KRISTIYANISMO Kristo Hesus – Ang nagtatag ng relihiyong Kristiyanismo. Bibliya – Ang banal na kasulatan / aklat ng mga katoliko. Mga layunin at paniniwala: • Manalig sa iisang Diyos, si Kristo • Mahalin ang Diyos at ang kapwa • Pagpapakabuti upang makamit ang buhay na walang hanggan sa piling ng Diyos • Sampung utos ng Diyos II. HINDUISMO - Ito ang itinuturing na pinakaunang relihiyon sa mundo. Walang nakatala kung sino ang nagtatag nito, pero pinaniniwalaang nagmula ito sa Lahing Aryan. Mahabharata at Ramayana – Ang banal na aklat ng mga Hindu. Mga layunin at paniniwala: • Ang buhay sa lupa ay pansamantala lamang. • Magnilay, manalangin at makipag-ugnayan sa kapwa. • Iwasan ang pagiging makasarili. • Tanggapin ang kasiyahan at suliranin na may kapanatagan ng kalooban. • Maging mapagpatawad at magtimpi sa sarili.

Upload: marmato

Post on 17-Dec-2015

268 views

Category:

Documents


9 download

DESCRIPTION

esp

TRANSCRIPT

ARALIN 6: ANG IBAT IBANG RELIHIYON TUNGO SA PAGPAPABUTI NG UGNAYAN NG TAO SA DIYOS

Ang mga Relihiyon

Isang sistema ng mga paniniwala at gawaing may kinalaman sa pagpapakabuti at pagkakaisa.

Pagpapakabuti at buhay na walang hanggan Ang karaniwang layunin ng mga relihiyon.

I. KRISTIYANISMO

Kristo Hesus Ang nagtatag ng relihiyong Kristiyanismo.

Bibliya Ang banal na kasulatan / aklat ng mga katoliko.

Mga layunin at paniniwala:

Manalig sa iisang Diyos, si Kristo

Mahalin ang Diyos at ang kapwa

Pagpapakabuti upang makamit ang buhay na walang hanggan sa piling ng Diyos

Sampung utos ng Diyos

II. HINDUISMO

- Ito ang itinuturing na pinakaunang relihiyon sa mundo. Walang nakatala kung sino ang nagtatag nito, pero

pinaniniwalaang nagmula ito sa Lahing Aryan.

Mahabharata at Ramayana Ang banal na aklat ng mga Hindu.

Mga layunin at paniniwala:

Ang buhay sa lupa ay pansamantala lamang.

Magnilay, manalangin at makipag-ugnayan sa kapwa.

Iwasan ang pagiging makasarili.

Tanggapin ang kasiyahan at suliranin na may kapanatagan ng kalooban.

Maging mapagpatawad at magtimpi sa sarili.

Huwag magbigay ng gulo, takot at ligalig sa kapwa.

Iwasan ang pagnanasa sa makalupang bagay.

III. BUDISMO

Siddartha Gautama Ang nagtatag ng relihiyong Budismo na tinawag na Buddha o Ang Naliwanagan.

Dharma Dito nakasulat ang mga aral ni Gautama.

Mga layunin at paniniwala:

Ang paghihirap ng tao ay nag-uugat sa kanyang pagnanasa.

Ang pagnanasa ay nagbubunga ng kasakiman, katakawan, matinding pagkamuhi, at labis na pagpapahalaga sa materyal na bagay.

Makiisa sa tunay na makapangyarihan.

The Eightfold Path (wastong pananaw, wastong hangarin, wastong pagsasalita, wastong pagkilos, wastong paghahanapbuhay, wastong pagsisikap,

wastong pag-iisip para sa kasalukuyan, wasto at tamang pag-iisip).

IV. ISLAM

Muhammad Ang tagapagtatag ng relihiyong Islam.

Koran Ang banal na aklat ng mga Muslim.

Mga layunin at paniniwala:

Paniniwala sa iisang Diyos, si Allah

Pagpapahalaga sa katarungan, pagkakawanggawa

Limang haligi ng Islam (pananalangin ng 5 beses sa isang araw na nakaharap sa Mecca, pagbanggit sa ngalan ni Allah at Mohamed, ramadan, paglilimos sa mahihirap, paglalakbay sa Mecca)V. TAOISMO

Laozi (Lao-Tzu) Ang nagtatag at nagpalaganap ng pilosopiyang Taoismo.

Tao Ibig sabihin ay nature/ kalikasan.

The Way Dito nakasulat ang mahahalagang aral ng Taoismo.

Mga layunin at paniniwala:

Payak na pamumuhay at pagpapakabuti

Pagpapanatili ng kapayapaan sa panahon ng tunggalian

Pagkakaisa sa gitna ng pagkakawatak-watak

Pag-ibig sa panahon ng pagkakagulo

Katwiran at kabutihan

VI. CONFUCIANISMO

Confucius Ang nagtatag ng pilosopiyang Confucianismo.

Confucian Classics Dito nakasulat ang mabubuting turo ni Confucius.

Mga layunin at paniniwala:

Maging mapagsiyasat upang magkaroon ng karunungan, kabutihan, pagkakaisa sa lahat ng bagay

Maipahayag ang sarili

Magkaroon ng katalinuhan

Pagkakaisa ng kasapi tungo sa kaganapan ng pagkatao

VII. JUDAISMO

Moses Ang pinaniniwalaan ng mga Hudyo na sugo ng Diyos na kumuha ng 10 Utos sa bundok Sinai.

Torah Ang banal na aklat ng mga hudyo.

Mga layunin at paniniwala:

Pagsunod sa 10 utos ng Diyos.

Pagiging tapat.

Pagpapahalaga sa karunungan

Maging mapagtiis.

Mapagpahalaga sa kapayapaan.

Maging mapagkumbaba at magalang

Mga katanungan:

1. Anu-ano ang mga relihiyon na laganap sa mundo?

2. Sa iyong palagay, ano ang dahilan kung bakit iba-iba ang paniniwala, pananampalataya at relihiyong kinabibilangan ng mga tao sa ating bansa at sa buong mundo?

3. Kaya mo bang matukoy ang nagkakaisang paniniwala / layunin ng mga relihiyong binanggit? Ipaliwanag.

Ibat iba pero pareho:

Paniniwala sa makapangyarihang Diyos.

Kodigo Moral na tumutukoy sa mga paggalang sa ritwal at paniniwala sa Diyos.

Paraan ng komunikasyon ng tao sa Diyos.

Pakikipag-ugnayan ng tao sa Diyos at sa kalikasan.

Ibat iba man ang relihiyon, ang bawat isa ay hangad ang magpakabuti, magpuri, magpasalamat at

makapiling ang Diyos sa takdang panahon.

4. Ano ang iyong relihiyong kinabibilangan? Maaari mo bang ikuwento kung bakit at paano ka napabilang dito?

5. Paano nyo pinauunlad ang inyong pananampalataya ayon sa turo at aral ng inyong relihiyon?

6. Ano ang ibig sabihin ng linya ng kaisipan na ito: Pareho Pero Iba; Iba Pero Pareho.