lesson

4
Ang katoto kapag tunay hindi ngiti ang pang-alay kundi isang katapatan ng mataus na pagdamay. (KAIBIGAN) ni Emelita Perez Baes Palay siyang matino, Nang humangi’y yumuko; Nguni’t muling tumayo Nagkabunga ng ginto (PALAY) ni Ildefonso Santos Wala iyan sa pabalat at sa puso nakatatak, nadarama’t nalalasap ang pag-ibig na matapat. (PAG-IBIG) ni Emelita Perez Baes Kabibi, ano ka ba? May perlas, maganda ka; Kung idiit sa taynga, Nagbubunitunghininga! (KABIBI) ni Ildefonso Santos Alipatong lumapag Sa lupa — nagkabitak, Sa kahoy nalugayak, Sa puso — naglagablab! (TAG-INIT) ni Ildefonso Santos Pag ang sanggol ay ngumiti nawawala ang pighati, pag kalong mo’y sumisidhi ang pangarap na punyagi. (SANGGOL) ni Emelita Perez Baes

Upload: rose-ann-aler

Post on 26-Oct-2014

461 views

Category:

Documents


2 download

TRANSCRIPT

Page 1: Lesson

Ang katoto kapag tunayhindi ngiti ang pang-alay

kundi isang katapatanng mataus na pagdamay.

(KAIBIGAN)ni Emelita Perez Baes

Palay siyang matino,Nang humangi’y yumuko;

Nguni’t muling tumayoNagkabunga ng ginto

(PALAY)ni Ildefonso Santos

Wala iyan sa pabalatat sa puso nakatatak, nadarama’t nalalasap

ang pag-ibig na matapat.

(PAG-IBIG)ni Emelita Perez Baes

Kabibi, ano ka ba?May perlas, maganda ka;

Kung idiit sa taynga,Nagbubunitunghininga!

(KABIBI)ni Ildefonso Santos

Alipatong lumapagSa lupa — nagkabitak,Sa kahoy nalugayak,

Sa puso — naglagablab!

(TAG-INIT)ni Ildefonso Santos

Pag ang sanggol ay ngumiti nawawala ang pighati,

pag kalong mo’y sumisidhi ang pangarap na punyagi.

(SANGGOL)ni Emelita Perez Baes

Page 2: Lesson

GURO, NASA LANGIT ANG IYONG PARAISO

Hatinggabi, nagbabasa sa malamlam na ilawan,naglalamay samantalang ang iba ay nahihimlay,samantalang ang marami’y nasa binggo, nagsusugal,nasa sine, nasa “night club", naglalasing, nagsasayaw.

Madalas na malipasan ng gutom sa di-pagkainsa oras na kailangan... pagkabigat na gawain!Hanggang doon sa tahana’y dala-dala ang iksamen,kaya't siya kung matulog ay hatinggabing malalim.

At lalo nang ang isipa’y gulung-gulo, naghihirapkung sa kanyang pagtuturo’y pasakit ang niyayakappagkatapos na gampanan ang tungkuling iniatas,ang kataway's nanghihina't ang tinig ay nababasag.

Ang marami’y natutuyo at ang tungo’y sa libingan,lalo na kung sa iskwela’y mga batang walang galangang palagi nang kaharap sa umaga’t maghapunan,mga batang di na kayang patuwirin ng magulang.

Ang sariling kabutihan ay kanilang nililimot,pinapatay ang damdamin nitong dibdib sa pag-irog,sa gawaing pagtuturo ang diwa ay nakabalot,at ang pintig nitong puso'y di pansin ang lumuluhog.

Natutuwa kung marinig ang papuring walang laman:“Kung ikaw ma’y nagsasalat sa salapi’t karangyaan,nasa iyo namang lahat ang papuri at parangalpagka’t tapat kang maglingkod sa bayan mong minamahal.”

Nagagalak pag narinig ang pangakong di-natupad:“Ang sahod mong kakarampot, may pag-asang magkadagdagpag dumating ang panahon na ang kaban ay bumigat.”O pag-asang naluluoy at sa hangi’y lumilipad!

Page 3: Lesson

SA LIBING NG ISANG KASKASERONG TSUPERPedro L. Ricarte

Isang batang pipituhing taon,Limahid ang damit,Maalikabok ang may galis na bilnti,Tumatawid sa kalye sa tapat ng paaralangWalang pulis na nagtatanod.

Sa gawi roon,Limang pasahero ang naghihintay.Dalawang dyipni ang magkasunod,Nagpapangarera sa pag-uunahanSa pamumulot ng pasahero.

Lumpas ang nahuhuli.Hindi nakita ng tsuperAng batang tumatawid, at….Naglabasan sa kani-kanilang bakuranAng mga taong may hawak na panghataw.

Kinabukasan, dalawang bangkayAng inihatid sa libingan,Sa libing ng kaskaserong tsuperNakaitim ang kanyang payat na balo,Akay ang dalawangMaliliit na batang payat din.

Walang luha sa mga mata ng balo.Sa kanyang isip, nakikita niyaAng isang dukhang hapag,Mga gusot at sira-sirang damit.

Sa taguang may ipisAlam niya,Alam niya kung bakitNamatay ang kanyang asawa.